Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: The Music Of Hearts ♪ (On-going)  (Read 1601 times)

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #15 on: July 01, 2014, 10:52:59 PM »
Track 14
Bitter Cake

 
Nagpasabi na lang ako sa isang maid na umalis na ako. Ayoko muna siyang makita. Kung saka sakali mang kailangan niya ko, itetext naman ako nun.

Pagdating ko sa apartment kinausap ko yung landlady kaya lang minalas talaga ako dahil nga may nauna na pala sa akin kahapon. Naiinis ako dahil dala dala ko pa naman lahat ng gamit ko at nangupa pa ako ng tricycle. Wala na akong choice kung hindi ang bumalik na lang sa puder ni Olga.

Alam kong tatanggapin parin nila ako kahit papaano. May silbi naman kasi ako sa bahay na yun. Kesa naman patago-tago pa ako na pumapasok sa bahay ni Clef. Nakakahiya rin na malaman ng iba na dun ako tumutuloy. Malamang ay may kumuyog sakin diyan o hindi naman ay padalan ako ng death threats.

Itinuro ko kay manong driver kung saan na ulit kami pupunta. Hinanda ko na rin naman ang sarili ko sa pagharap sa kanilang dalawa. Hinanda ko na rin ang sarili kong papahirapan nila ako. Ayos lang naman sakin yun dahil kahit anong pagpapahirap ang gawin nila sakin, babangon at babangon parin ako.

Nagdoorbell ako nang nasa tapat na ako. Pinagbuksan ako ni Amee at nagulat ako nang ngumiti siya at pumala-palakpak nang makita ako. Masaya ba siya o nang-iinis lang? O baka naman kasi masaya siya kasi may maiinis nanaman siya.

“Wow you’re back! Clef’s ugly personal assistant. Ano namang ginagawa mo dito?” Lumunok ako bago ako magsalita.

“Pwede bang dito muna ulit ako?” Nilunok ko na ang pride ko.

“At bakit naman? Pinalayas ka na ni Clef sa bahay nila?” Humawak siya sa kanyang bewang.

“Saan mo naman nalaman na PA ako ni Clef? Hindi, umalis lang talaga ako.” Binuhat ko na ang isa ko pang bag galing sa tricycle.

“Hah. Pasalamat ka at wala si Mama dito, kung nandito? Hindi ka nun patutuluyin. Since naaawa naman ako sayo, sige dito ka na lang.” Ngumiti pa siya.

“Talaga? Salamat ah!”

“Pero sa isang condition.” Napahinto ako. Lumapit siya sa tenga ko para sabihin ito.

“Gawin mo ang lahat para maging close kami ni Clef. And kapag nagawa mo yun, sisikat ako. At tandaan mo, magkakaroon pa ako ng utang na loob sayo.” Hindi ko kayang gawin yun.

“Wala na bang ibang condition?” Sumama ang tingin niya sakin.

Napakahirap ng gusto niyang mangyari. Gusto lang niyang maging kaclose si Clef para mainlove sa kanya at sumikat siya? Tama nga si Clef. Kaya pala hindi siya madaling magtiwala sa ibang tao, kasi karamihan nga ay niloloko lang siya.

“Bakit may gusto ka ba kay Clef?” Umiling ako.

“Wala. Papayag ako kung maganda ang hangarin mo sa kapwa mo o sa kanya. Hindi naman yata tamang makipag-kaibigan ka sa kanya sa kadahilanang gusto mong sumikat.” Hinaplos niya ang buhok niya.

“O sige. Kung ayaw mo, ‘di wag. Hindi naman kita pipilitin. Pero may second option ka pa.” Halos mapatalon naman ang puso ko sa tuwa.

“Ano naman yun?” Ngumiti nanaman siya.

“Teach me how to sing properly.” Hindi na ako nag-alinlangan pa at pumayag na ako.

Okay na rin yun kesa naman dun sa isa niyang condition. Ano naman kayang pumasok sa isipan niya at bigla bigla niyang napagdesisyunan na gusto niyang matutong kumanta? Kung sa bagay, lahat naman talaga ay kayang kumanta, kailangan lang talaga ng practice.

Isang linggo lang akong nawala pero namiss ko na agad ‘tong kwarto ko. Mas gusto ko na dito. Una sa lahat, mas panatag ako dahil ito ang tahanan ko. At pangalawa, kaya ko namang tiisin ang mga pagpapahirap nila sakin.

Napahiga ako sa kama ko ng malakas. Yung higang parang umaarteng nahimatay? Ang sarap pala talaga ng feeling kapag nasa tunay mong bahay ka.

Naramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko. Hinagilap ko agad sa bed kung nasaan ito. Nakita ko na nasa ilalim pala ng unan. Nung makita ko kung sino yung tumatawag, parang landline kaya sinagot ko na lang.

“Hello? Sino po ito?” Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

“Don’t you know that I can fire you because of what you did? But don’t worry, I will not do that.” Si Clef pala. Kaya lang ibang number ang ginamit niya.

“Hindi na kasi ako nakapagpaalam sayo. Dito na lang ako, okay na ko.” 

“Sige. Ikaw ang bahala. But let me remind you na bukas may photo shoot ako sa endorsement ng gitara. Kailangan kita kaya dapat 9:00 am palang ay nandito ka na sa bahay. Sige bye.” Bigla niya akong binabaan. Ang laki talaga ng problema nun.

“MELODY! BABA KA DITO!” Nag-alala ako kay Amee kaya napababa ako nang di oras.

“BAKIT?!” Ngumiti siya ng nakakaloko.

“Pakilinis yung kwarto ko. Simula kasi nung nawala ka, hindi ko pa ulit nalilinis yan. Kaya dali na, linisin mo na.” Tumango ako at nilinis ko na lang ang kwarto niya.

Parang hindi babae ang may-ari nito. Maraming damit na nakakalat, papel na mga lukot, hindi nakatiklop na higaan at puro alikabok ang sahig. Kung hindi pa yata kulay pink ang kulay ng dingding ng kwarto niya ay masasabi mong kwarto ito ng lalaki.

Maari ring sinasadya niyang kalatan ‘to kanina para pahirapan ako. Naku hindi naman siguro. Bakit ko ba siya pinag-iisipan ng masama?

After two hours na paglilinis ay natapos ko rin ito. Hanggang kasuluk-sulukan yata ng bed niya ay nilinis ko na. Ayoko rin naman kasing nakakakita ng kahit isang kalat sa bahay na ‘to. Iniwan ‘to ni papa ng malinis at binilin niya sakin na pangalagaan ko ito kaya yun ang gagawin ko.

********

Hindi ko binigo si Clef, umaga palang ay nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Nakita kong papalabas na siya ng bahay niya habang nakasakay sa magara niyang kotse. Huminto ito saglit at bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

“Ahh salamat.” Tumango lang siya at pumasok na rin ulit.

Kakaiba ang aura niya ngayon. Para siyang malungkot na galit na hindi mo malaman ang itsura. Mukhang may problema siya ngayong dinadala. Tatanungin ko ba? Wag na lang din siguro, baka sabihin pa niya ay nanghihimasok ako.

Huminto ang kotse sa isang bake shop. Siguro bibili siya ng tinapay or what.

“Bumili ka ng cake, may pupuntahan tayo.”

“Ahh sige. Kahit ano ba?”

“Basta flavor dark chocolate.” Wow baka manliligaw siya. Kung ganun, napaka swerte naman ng babaeng pagbibigyan niya nito.

Paglabas na paglabas ko ng kotse ay maraming paparazzi ang sumalubong sakin. Hindi ako halos makagalaw sa dami nila. Ano bang problema nila at ako ang pinagiinteresan nilang kuyugin? Hindi naman ako yung sikat?

“Hi miss, kayo po ba ang bagong girlfriend ni Clef?” Huh?

“Gaano na po kayo katagal?” Ano bang sinasabi nila?

“Ano pong klaseng boyfriend si Clef?”

“Hindi k aba natatakot sa mga fans niya?”

“Teka sa—sandali lang po hindi ako makahinga.” Nakita kong lumabas si Clef na nakashades at cap. Kaya naman agad lumipat ang mga paparazzi sa kanya.

“She’s not my girlfriend. Not even my friend. She’s my PERSONAL ASSISTANT.” Matapos nun ay pumasok na siya ulit sa kotse. Kinatok katok pa nga siya ng paparazzi habang may mga camera na patuloy na nagfaflash at mga video cam.

Sinamantala ko na ang pagkakataon para pumasok sa bake shop. Bumili na agad ako ng cake at pagkabiling bili ko ay lumabas na rin ako.

Nakikita kong namamahinga ang mga paparazzi sa gilid at patuloy na hinihintay si Clef sa pagbaba. Paano ‘to ngayon? Paano ako babalik sa kotse? Nasagot naman agad ang mga katanungan ko sa isip dahil nagtext sakin si Clef na lalabas muna siya para linlangin ang mga paparazzi.

Successful naman ang plano. On the way na kami ngayon sa sinabi niyang pupuntahan namin. Hindi ko nga alam yun kung saan e.

Tumapat kami sa isang bahay. Magandang bahay. Bumaba siya at sumenyas na bumaba na rin ako kaya yun ang ginawa ko. Nakakapagtaka kung bakit kami nasa tapat ng bahay, sa pagkakaalam ko kasi ay pupunta kami sa photo shoot niya.

Nagdoorbell siya at ‘di rin nagtagal ay may nagbukas ng pinto. Isang lalaking medyo bata. Ang edad siguro ay nasa 30 pataas.

Kinuha niya ang cake sa kamay ko at inabot doon sa lalaki.

“Teka sino ka ba?” Ngumiti si Clef na may halong asar.

“Gregory Clef Castillo. Anak ng girlfriend mo. Hindi ko alam na may lalaki palang mistress.” Lumapit siya ng sobrang lapit sa mukha nung lalaki. “Kung plano mong sirain ang pamilya namin, pwes nagtagumpay ka. Siya nga pala, para sayo yang cake na ‘yan. Mapaet yan, nakakabitter ka kasi.” Hinila niya ako pasakay ng kotse at habang biyahe ay kinausap ko siya. Hindi ko na kasi matiis ang katahimikan niya.

“Clef ayos ka lang ba?” Tumango siya.

“Pasensya ka na. Gusto kong makinig ka lang kahit wag mo na akong payuhan. Naiinis ako sa mama ko. Ang tanda tanda na naghahanap pa ng iba. Hindi pa ba kami sapat sa kanya? Hindi pa ba sapat si dad para sa kanya? Siya ang dahilan kung bakit naaksidente si dad.” Tumingin siya sakin. “Pasensya ka na, nadamay ka pa tuloy.” Tinapik ko siya sa balikat.

“Okay lang yun. Mahal mo ba ang mommy mo?”

“Oo naman. Sobra.” Ngumiti ako.

“Gawin mo na lang siyang parang libro. At kahit kailan, wag na wag mo nang bubuksan.”
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at yoon ang sinabi ko. Pero kapag dumating ang mama ko, ganun din ang gagawin ko.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #16 on: July 07, 2014, 06:04:07 PM »
Track 15
Mom Problems

 
“I love my mom pero sobra naman ang ginawa niya. Naiinis ako. Naasar ako. Siguro dadating din ang time na gagawin ko yung sinasabi mo.” Nakatingin siya sa malayo habang sinasabi niya sakin yun.

“Pero alam mo? Kahit ganun, mas maswerte ka sakin. I grew up without my mom.” Agad din siyang sumagot.

“I know.” Mabilis akong lumingon sa kanya.

“Paano mo naman nalaman yun?” Tumawa siya.

“It’s obvious.” Itinuloy ko ang pagkukwento ko.

“Inggit na inggit ako sa ibang bata noon kaya ipinangako ko sa sarili kong hahanapin ko siya.”

Sa tuwing nakakakita ako ng mga batang may nanay sa park para bang gusto ko ako na lang ang nasa katayuan nila. Pumapasok sa isip ko ang katagang “sana ako na lang ang batang yun”.  Ang gusto ko lang naman ay ang maramdaman na may nagmamahal din saking nanay.

Gusto ko ring pakinggan ang kwento ng isang ina kung gaano siya nagpakahirap ipanganak ang kanyang anak. At higit sa lahat, gusto kong pakinggan ang side niya kung bakit niya kami iniwan ni Papa.
Kung sa bagay ay naiintindihan ko naman siya. Masakit sa anak ang ginawa ng mom niya. Ang pangit kasi pakinggan na yung mom ang nangaliwa. Yun pala ang dahilan kung bakit malungkot siya nitong mga nakaraang araw.

Nagtungo na kami sa tunay naming pupuntahan, yun ay ang photo shoot para sa endorsement niya. Ang dinig ko sa sinabi niya ay gitara. Malamang ay sisikat pa lalo ang brand na yun dahil siya ang inaalagaang na endorser.

Sa isang magandang studio siya pumasok. May mga reflector, stand at kung anu-ano pang mga gamit ng mga photographer.

Nakadisguise si Clef nang lumabas siya ng kotse. Habang ako naman ay dala dala ang bag niya at nakabuntot parin sa kanya. Buti na nga lang at hindi siya nakita ng mga tao, kung hindi ay  napagkaguluhan na siya. Malamang ay napagkamalan na siyang photographer.

“Diyan ka lang okay?” Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.

May make-up artist na nag-aabang sa kanya ngunit dinaanan lang niya ito at hindi pinansin. Sa halip ay pumunta lang siya dun sa hairstylist at ipinaayos lang ang buhok niya. Kung sa bagay ay hindi naman na niya talaga kailangan ng make-up. Gwapo na siya. Don’t get me wrong pero yun naman talaga ang totoo.

Nagstart na silang magphoto shoot. Medyo hindi pa nga marunong si Clef magproject sa camera kaya tinuturuan pa siya nung photographer kung ano ang mga gagawin niya.

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang nanunuod sa ginagawa niya. Nahuhuli ko rin siyang patingin tingin sakin. Siguro para icheck kung nandito pa ko or kung naiinip na ba ako. Para mapalagay ang loob  niya, sinenyasan ko siya ng thumbs up at iniwas na niya ang tingin niya.

Hindi rin nagtagal ay nagkaroon sila ng 20 minutes break. Mukhang pagod na rin naman si Clef.
Tumabi siya sakin at nanghingi ng panyo kaya inabutan ko siya. Nahalata ko namang pagod siya kaya inabot ko ang mineral water na binaon ko.

“Ahh thanks. Paano ka?” Umiling ako.

“Wag mo kong intindihin, ikaw ang pagod e. Bibili na lang ako sa labas.” Tumango naman siya na parang nahihiya hiya pa.

Sa totoo lang hindi ako sanay sa ganitong tono ng pananalita niya. Parang hindi kasi siya yung Clef na lagi akong inaasar, binibwisit at kinukulit. Pero mas gusto ko ang ganitong Clef na seryoso lang. Para naman wala nang nanggugulo sakin.

Mabilis namang natapos ang 20 minutes na yun at bumalik na ulit siya sa pagtatrabaho. Lumabas muna ako saglit para ibili siya ng Frappuccino. Buti na lang at may malapit na coffee shop dito kaya bumili na rin ako ng brownies para sa kanya.

Nang palabas na ako ng coffee shop ay nakita ko si Leysander na papasok din dito. Ngumiti ako bilang pagbati sa kanya.

“Anong binili  mo dito?” He patted my head.

“Brownies at saka frappe. Gusto mo?” Umiling siya.

“No thanks. Bibili rin naman ako dito. Para kanino yung isa?” Napatingin ako sa hawak ko.

“Ahh para kay Clef. Ay oo nga pala sige Ley mauna na ko ha? Hinihintay nga pala ako nun. Baka mamaya niyan tapos na siya. Sige ahh.” Nagbabye ako at nagmadali nang lumabas sa coffee shop.
Saktong sakto ang dating ko dahil nag-aayos na siya ng mga gamit niya kaya lumapit ako sa kanya at ibinigay ang frappe na binili ko.

“Ano ‘to?” Nagpoker face ako.

“Pagkain yan dahil alam kong gutom at pagod ka na. Ano tara na?” Ngumiti ako at tumawa naman siya.

“Ahm thanks again.” Nilagpasan niya ako at huminto. Hindi siya lumingon sakin.

“And you should smile often.” Pagpapatuloy niya. Hindi ako makapaniwalang sa kanya manggagaling ang mga salitang yun.

Akala ko ay uuwi na kami at ihahatid na niya ako sa bahay, ngunit nagkamali pala ako. Nagtungo kami sa isang malaking bahay na hindi familiar sakin. Ano namang kayang ginagawa namin dito? At bakit kasama niya pa ako? Yan ang mga tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Imbis na magtanong ay nanahimik na lang ako. Baka naman kasi importante ‘to.

Medyo hapon na rin at hindi pa kami nanananghalian. Nararamdaman ko na rin ang pagod ko. Maaga palang kasi ay gising na ko.

Pinapasok kami ng isang maid sa loob ng bahay at sinalubong siya ng isang maputi at nasa 40 pataas na sigurong edad na lalaki. Mukha naman siyang kagalang galang at palangiti. Sa katunayan ay nginitian niya si Clef, kaya lang hindi naman din niya ginantihan ito ng ngiti. Pati nga ako ay nginitian kaya ngumiti na lang din ako.

“Wow Clef sino si—“ Inunahan siya ni Clef sa pagsasalita.

“She’s my Personal Assistant.” Ngumiti yung lalaki.

“Ohh I see. So ano may  nasimulan ka na ba iho? And iha, I want to introduce myself to you. I’m Rupert Arellano, ako ang manager niya.” Oh? Baka siya ang asawa ni Mrs. Arellano.

“Ahh hello po! Kayo po ba ang asawa ni Mrs. Arellano? I mean ni Mrs. Lilliana Arellano?” Ngumiti siya.

“Oo iha ako nga. Ang galing mo naman. Nagpapakabait ba ‘tong alaga ko?” Napilitan akong tumango.

“HAH. What a silly question. Give her my schedules para alam niya okay?”

“Okay okay. So ano may nasimulan ka na ba sa mga kanta?” Nag-iba ang itsura ni Clef. Yung tipong parang naiinis na?

“Alam mo ba kung gaano kahirap gumawa ng kanta?” Ngumiti lang yung manager niya.

“Yes. But knowing you? Hindi ka naman ganyan dati. You are a poetic person. Napakalawak ng imahinasyon mo at kung tutuusin kahit anong klaseng kanta kaya mo.” Nagbuntong hininga si Clef at nagsalita.

“Without inspiration? No thanks.” Tumalikod na si Clef at iniwan kaming dalawa ni Mr. Arellano. Wala nga talaga siya sa mood.

“Ahh oo nga pala yung schedule.” May pinunit siya sa notebook.

“Ayan na. Kung may problema ka sa kanya sakin ka magsabi ha? Nga pala iha. Kung may
maisasuggest ka para makagawa ng kanta si Clef, please tell us okay?” Tumango ako.

“Sige po. Pag-iisipan ko po kung ano ang pwede niyang gawin. But for now, just let him think. Mukhang kailangan niya ng time para mag-isip tungkol sa problema niya.” Ngumiti naman siya.

“I understand iha. Sige ikaw na ang bahala ah? I can see that you are very capable of being his personal assistant.” Nagpasalamat ako at lumabas na.

Naghihintay sakin si Clef sa labas at nakasakay na rin siya sa kotse. Nagwalk-out e. Sa totoo lang, kanina ko pa siya gustong kausapin kaya lang baka sungitan lang niya ko dahil nga wala siya sa mood e.

Problems come unexpectedly. At kapag hindi ka talaga handa? Ganyan ang mangyayari. Gusto ko siyang tulungan at gusto ko siyang kausapin para kahit papaano lumuwag ang dibdib niya.
Tama siya, kailangan nga niya ng kaibigan.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #17 on: July 08, 2014, 08:43:24 PM »
Track 16
New Family

 
Kumuha ako ng form para makapasok na sa Orchestra. Talagang para dito ako dahil dito ako dinala ng kapalaran ko. Unti-unti akong pumasok sa music room para kausapin si Mrs. Arellano. Malamig dito at medyo maluwang.

Sinalubong naman ako ng yakap ni Mrs. Arellano. Bakas sa mukha niyang masayang masaya siya na nakita niya ako dito. Isa siyang mabait at maalagang tao. Kaya rin siguro siya nakasundo ni Clef at sigurado akong makakasunod ko rin siya.

Nakangiti rin akong sinalubong isa-isa ng mga members. Hindi ko akalaing ganito kainit ang magiging pagtanggap nila sakin.

“Welcome home iha.” Napangiti ako ng todo nang sabihin niya yun.

Ramdam kong masaya sila dahil nandito na ako. Ramdam ko rin ang sincerity nilang lahat. Nakakaoverwhelm dahil kung tutuusin ay dapat naiinis sila sakin dahil tumanggi ako nung unang alok sakin ni Mrs. Arellano.

“Salamat po sa inyong lahat.” Nagsigawan silang lahat na parang nagchicheer.

“SAMPLE SAMPLE SAMPLE!!” Natawa ako sa ginawa nilang yun. Para mapagbigyan sila ay kinuha ko ang violin ko at pumunta na sa harapan.

Iba talaga kapag ang mga kasama ko ay mga ganitong klaseng tao. Bukod sa napapalagay ang loob ko ay nagiging masiyahin rin ako. Pwera na lang kung kasama ko ay sina Cosette. Dahil kapag kasama ko rin sila ay  nalilimutan ko ang mga problema ko.

Nagready na ko. Itong napili kong tugtugin ay isa sa mga pinaka nakakarelax na kantang narinig ko. Sana naman ay magustuhan nila.

Pikit mata kong tinutugtog ang A thousand years ni Christina Perri. Dinarama ko ang kanta at sinasabayan ko rin ito sa isip ko. Sandali lang ang oras ng pagtugtog ko pero pakiramdam ko ay napakatagal ng oras na hawak ko ang violin ko. Siguro kasi matagal ko nang hindi nagagawa ito.

“Napakagaling mo iha. O siya, dahil nandito ka na, magcelebrate tayong lahat. Next week kailangan nating magrehearse every afternoon okay ba yun?”

“Yes Ma’am!”

Sinama nila akong kumain sa labas. Nahihiya pa ako nung una pero lahat talaga sila ay mababait at hinding hindi ka makakaramdam ng out of place. Yung tipong isa isa pa silang nagpapakilala sakin at nagpapatawa? Nakakagaan talaga ng loob.

Nagpunta kami sa isang simple pero class na restaurant. Nilibre kaming lahat ni Mrs. Arellano dahil ganun daw talaga ang init ng pagtanggap nila kapag may bagong miyembro. Para nga siyang nanay ng lahat dito e.

“Anong gusto mo iha?” Nakatingin parin ako sa menu.

“Wala po akong mapili Ma’am. Kung ano na lang po ang sa inyo.” Ngumiti naman siya sakin.

“Alam mo napakaganda mong bata. You don’t need to use makeups or anything else. You are simply pretty iha.” Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. Ako maganda? Ni minsan nga hindi pumasok sa isip ko na maganda ako e. Pero hindi rin naman ako pangit.

“I’m just plain.” Tumingin lahat ng members sakin.

“And that’s what makes you special.” Nagulat ako sa nagsalita galing sa likod. Siya nanaman. Alam ko namang hindi totoo yung sinasabi niya e. Kapag kasi galing sa kanya, nakakainis lang.

“Kita mo? Kay Clef na galing  iha. Lalaki pa yan ah.” Dinilaan lang ako ni Clef at saka umupo sa tabi ko.
Halos lahat ay kilala ko na. Isa isa kasi sila kaninang nakipag kamay sakin. Yung iba nga lang ay hindi ko matandaan ang pangalan. Medyo marami kasi sila. Ibig sabihin ay mayaman talaga si Mrs. Arellano dahil biruin niyo? Makakaya niya kaming ilibre lahat?

Napatahimik naman ako nang dumating na si Clef. Para kasing iba nanaman ang ugali niya ngayon. Mukha namang okay na siya.

“Nga pala ate, ilang taon ka natutong magviolin?” Tanong ni Nathan. Siya yung lalaking anak ni Mrs. Arellano. Isa rin siyang violinist na tulad ko.

“Nagsimula ako 7 years old ako.” Napawow silang lahat.

“Ang galing mo naman ate. Ako nga 11 na ako nagstart e. Minsan ate bigyan mo naman ako ng tips dahil alam kong may maibibigay ka talaga sakin.” Tumango na lang ako at natawa pa.
Nag-iisa lang yata si Nathan. Mabait naman siya at matanda ako sa kanya ng isang taon. Mukha nga ring close na close sila ni Clef e.

“By the way, where’s dad?” Pagtatanong ni Clef kay Mrs. Arellano.

“Maaga siyang umuwi kanina e. Nag-aalala na nga ako kay pards e. Parang malungkot siya at walang gana kaninang magconduct.” Oo nga pala, dad ni Clef ang conductor ng orchestra dito. Kung ganun, bakit hate niya ang classical?

“Ahh ganun po ba tita. Sige po ako nang bahalang espelengin ang dad ko. Topakin din kasi yun.” Napabulong ako.

“Parang ikaw lang.” Kinurot niya ang pisngi ko.

“Hoy Miss Fiddler narinig ko yun ahh!!”

“AYIEEEE!!” Sigaw ng mga members.

“Wag ka matakot anak. Dito kasi sa grupo namin, lahat kami dito ay kaclose ni Clef. At niisa din diyan sa mga batang yan ay hindi fangirl ni Clef.” Bumuntong hininga ako.

Medyo masakit ang kurot niya. Naramdaman ko kasing tumagos yung sakit sa bibig ko. Hindi ko naman alam na ang laki ng kamay niya at sobra pa sa pisngi ko.

Nagkakatuwaan silang lahat. Habang ako naman ay nanahimik lang sa kinauupuan ko. Naggu-group selfie din ang iba at yung iba naman ay nagtatawanan habang nagbibiru-biruan. Halatang napakasaya nila kapag sama sama at wala ring naiiba sa kanila. Naalala ko ang mga kasama ko sa Juilliard. Parang ganito rin kasi sila.

Kapag naman may nagbibitaw ng jokes, minsan hindi ko rin mapigilan ang sarili kong tumawa. Si Mrs. Arellano nga rin ay napakalakas tumawa. Si Clef naman ay minsan tumatawa rin sa mga jokes. Nung sumubok siyang magjoke, sa sobrang kawaleyan ay nakakatawa.

Nabusog naman kami sa mga kinain namin. Akala ko nga mahal ang mga pagkain dito e, abot kaya naman pala kahit papaano. Karaniwan kasi sa ibang mga restaurants ay nakakalula sa sobrang mahal ang mga pagkain.

Nakisiksik tumabi samin ni Clef si Nathan. Doon siya tumabi sa gilid ko at itinaas ang kaliwang kamay na may hawak hawak na cellphone.

“Picture tayo! Mama tara!” Napayuko ako. Paano ba ‘to? Hindi ako sanay. Bihira na kasi ako ngayon magpicture dahil conscious ako lagi sa itsura ko. Hindi naman kasi ako katulad nilang mukhang mayaman dahil hindi ako laging nakaayos. Nakita ko namang ngumiti si Mrs. Arellano kaya nakipicture picture na lang din ako. Nakakahiya naman kung hindi.

Nang matapos na ang group selfie ay ipinakita samin ni Nathan yung picture. Kinalabit ako ni Mrs. Arellano nang makita niya ito.

“Iha, ang ganda mo pala kapag lagi kang nakangiti.” Lumingon rin si Clef sakin.

“I told you. You should smile often. Dahil kahit hindi ka gaanong kagandahan pero kung palangiti ka, gumaganda ka sa paningin ng ibang tao.” Sumang-ayon na lang ako para hindi na humaba pa.

Tumingin ako sa orasan, mage-eight na pala. Kailangan ko naring umuwi dahil naalala kong baka hindi pa kumakain si Amee. Para makasigurado ako ay tinext ko siya. Nag-iisa lang kasi siya sa bahay ngayon at wala siyang kasama.

Hindi rin nagtagal at nagkayayaan na rin silang umuwi na. Hindi rin naman nagreply sakin si Amee kaya mas lalo akong nag-alala. Bakit ganun si Olga? Nakakaya niyang iwan mag-isa sa bahay yung anak niya. Tapos wala pang pagkain.

“Ma’am salamat po talaga sa mainit niyong pagtanggap sakin.” Nakipag beso siya sakin.

“Naku iha wala yun. Basta lagi mong tatandaan na bukas ang pinto naming lahat para sayo ha? O siya saan ka sasakay? Sumabay ka na kaya sakin iha?” Tumingin ako sa paligid.

“Magcocommute na lang po ako Ma’am.” Ngumiti siya.

“Just call me tita okay? Napakaformal naman ng Ma’am or Mrs. Arellano e. Just tita okay? Lahat sila dito tita ang tawag sakin. Teka magcocommute ka lang?” Gulat niyang tanong. Tumango naman ako.

“Sanay naman na po ako magcommute.” Ngumiti naman din ako.

“No. Sino magcocommute? I’ll take care of her. Ikaw naman ay wag kang magrereklamo at hindi
pwedeng hindi ka pumayag.” Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
Sumakay kaming dalawa ng kotse niya. Nagulat nga ako dahil sa likod niya ako pinaupo katabi niya. I usually sit beside the driver pero ngayon sa tabi niya ako uupo. Ang weird naman niya.

“I need to talk to you.” Nagulat ako. May sasabihin siguro siya saking mahalaga.

“Tungkol saan?” Umayos ako ng upo.

“May itatanong lang naman ako.” Hinubad niya ang backpack niya pati na rin ang salamin at cap niya na kanina pa niya suot suot. Wag lang siyang makilala ng mga tao.

“Ano naman yun?”

“Do you hate me?” Naubo ako sa tanong niya.

“Clef, isn’t it obvious? Inaasar mo ko. Ginugulo mo ko. Nilalait mo ang mga gusto ko. Ginagambala mo buhay ko. Binubwisit mo ko. Ngayon, itanong mo nga sa sarili mo kung hate kita?” Natawa naman siya at nagubu-ubuhan pa.

“Clef, hate ka ba ni Melody? Ha? Oo. Halata naman e.” Dinilaan pa niya ko. At talagang ginawa nga niya ang sinabi ko.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay. Baba sana siya para pagbuksan ako ng pinto kaya lang pinigilan ko siya.

“Wag na. Kaya ko na. Salamat Clef!! Good night!” Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

“Sige. Tulog ng maaga Miss Fiddler.” Saka humarurot na ang sasakyan. Nakakainis talaga siya.
Inabutan ko namang tulog na si Amee sa bahay. Nakapag dinner kaya siya? Oo sana. ‘Di bale bukas ko na lang siya kakausapin.
 

simplyTatingG

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 22
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #18 on: July 10, 2014, 05:36:50 PM »
 :) ;)
Find simplyTatingG at your heart.
read more and learn more <3 <3

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #19 on: July 19, 2014, 11:34:09 PM »
Track 17
Surprise Visitor

 
Naghahanda ako ng dinner habang si Amee naman ay nanunuod lang ng TV. Minsan tinitignan niya ko at minsan naman ay tatawagin kung may ipapagawa. Kaya lang sa sobrang dami kong ginagawa ay nasagot ko siya.

“Mel, pakikuha nga yung remote.” Napatingin ako kung nasaan yung remote.

“Amee, abot mo naman  na. Ikaw na lang.” Tumayo siya para puntahan lang ako at nagulat ako sa sunod niyang ginawa sakin. Hinila niya ang buhok ko.

“Ahh.” Mahina kong sambit.

“Masakit? Kunin mo sabi.” Tinignan ko lang siya habang lumakad na papunta sa remote. Nang makuha ko na ‘to ay hinarap ko siya. Hindi naman ako palaaway na tao at hindi ko na rin siya kailangan gantihan. Kung sa bagay, hindi naman talaga ako mahilig gumanti.

“Next time isipin mo naman yung mga tao sa paligid mo. Para sayo rin ang ginagawa ko. Wag kang selfish.” Tumalikod na ako at muli nanaman niyang ginawa ang paghila sa buhok ko.

“Anong sabi mo!!” Hinawakan ko ang kamay niya para mapabitaw siya sa buhok ko.
“Tama na nga. Wag ka ngang immature!” Napalakas ang sabi ko nun sa kanya kaya siya rin mismo ay napahinto. Ako nga rin nagulat sa nasabi ko e.

“Ahh sorry.” Tumalikod na ko at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

Dala na rin siguro yun ng sobrang pagkainis ko sa ugali niya. Mahal ko naman si Amee talaga e. Nung mga bata pa kami ay mabait siya sakin. Ate pa nga ang tawag niya sakin. Pati na rin si Olga ay mabait sakin, kaya lang hindi ko naman naranasan na maging ina siya dahil nga puro si Amee ang inaalala niya. Samantalang ako naman ang laging inaalala ni papa. Baliktad lang kumbaga.

Hanggang sa nung nawala nga si papa, doon na lumabas ang tunay na ugali ni Olga. Doon ko rin napatunayan na nakuha ni Amee ang ugali niya sa mama niya.

Nung nagpunta ako ng States para mag-aral ng elementary at high school ay nagkalayo kami ni Amee. Sa tuwing dadating ako para bumisita dito sa Pinas, halatang iniiwasan niya ko. Pero kahit ganun, kinakausap parin naman niya ko.

Kahit ganun, mahal ko sila. Kahit na hindi nila sinusuklian ang pagmamahal na ipinapakita ko, hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko. Hindi naman sa pagiging martir pero yun ang laging paalala sakin ni papa. Mahalin ang kapwa at puro kabutihan ang itanim sa isip. Kahit na hindi daw nila ko mahal, matututunan naman daw yun. Basta  ang importante daw ay hindi ako magtatanim ng galit.
Inayos ko na ang mesa para sa kanya. Hindi ko siya sasabayang kumain dahil alam kong mainit ang dugo niya sakin. Kaya imbis na sumabay sa kanya ay pumunta na lang ako sa harapan ng piano para tumugtog ng isang piyesa.

Pasimula palang ako sa pagtugtog nang kausapin ako ni Amee. Akala ko nga galit siya sakin pero eto, kinakausap niya ako.

“Ano naman title niyan? Sounds familiar.” Napahinto naman ako sa pagtugtog ko.
“Yiruma’s River flows in you.” Tumango lang siya.  Pinagpatuloy ko naman ang pagtugtog ko nang may nagdoorbell sa labas. Kaya naman tumayo ako para buksan ang pinto. Halos mapatalon ako kung sino ang nakita ko sa harapan ng pinto.

“Anong ginagawa mo dito? Saka paano ka nakapasok?” Tumakbo si Amee papunta sa tabi ko at halos kuminang ang mga mata niya nang makita niya si Clef.

“Ohh hi Clef!” Kumaway naman si Clef sa kanya.

“Pinapasok na ko ng bago niyo daw maid na kadarating lang galing probinsiya? May susi daw kasi siya ng gate niyo.” Nakipagbeso si Amee dun sa maid.

“Hi ate! I miss you so much!” Hindi ko alam na may bago na silang katulong. Naka day-off lang pala kaya hindi ko naabutan.

Pinapasok ni Amee si Clef at pinaupo. Ayoko siyang kausapin dahil para sakin, napaka awkward na nandito siya.

Napuno ng katahimikan ang bahay. Nakaupo kaming dalawa ni Clef sa sofa habang si Amee naman ay may kinuha sa kwarto niya. Napatingin ako kay Clef at dinilaan lang niya ko. Ano pa nga bang aasahan ko diba? Sabi ko nga aasarin lang niya ko.

“Clef!! Pa-autograph naman? Fan na fan mo kasi ako e.” Masayang masayang inabot ni Amee ang notebook niya kay Clef.

“Ohh thanks. Melody, ikaw ba yung tumutugtog kanina dun?” Hindi ako nakasagot agad dahil may nauna na saking sumagot.

“No! Ako kaya yun. Bakit?” Lumingon sakin si Amee na taglay ang masamang tingin na parang ang ibig sabihin ay makisakay na lang ako kaya hinayaan ko na lang.

“Uhm wala lang. That was my favorite piano piece.” Napatalon sa saya si Amee at tumabi pa siya sa left side ni Clef. Habang ako naman ay nakaupo sa pang-isahan.

“Really? Ako rin e. I really love Yiruma’s River flows in you. Alam mo, damang dama ko ang piyesa na yun habang tinutugtog ko kanina.” Yumuko na lang ako at akmang tatalikod na nang magsalita si Clef.

“Siya yun Melody?” Napalingon ako at ngumiti ng bahagya.

“Ahh oo. Mahilig yan magpiano.” Although totoo namang nagpipiano si Amee pero hindi talaga siya pang doon. Kumbaga hobby lang niya, hindi passion.

Pinagpatuloy ko ang pag-alis sa harapan nila. Bakit ba ako nagsinungaling? Kung sa bagay si Clef lang naman yun. Ano naman kung malaman niyang ako yun diba?

Pumasok na lang ako sa kwarto ko para magkaroon ako ng peace of mind. Napahiga ako at napapikit. Naramdaman ko namang kumulo ang tiyan ko. Oo nga pala. Hindi pa ako kumakain ng dinner kaya ako nagugutom ngayon.

Saglit akong bumaba para tignan kung may kumakain ngayon sa kusina. Tama nga ako, meron nga. Sabay na kumakain si Clef at si Amee habang nagkukwentuhan pa.  Para namang nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko. Sa pagsisinungaling na si Amee ang tumugtog ng piyesa na yun. Bakit ko nga ba yun iniisip e piyesa lang naman yun.

Paano ‘to? Mamayang hating gabi nanaman akong magdudukot nito sa kusina. Sana lang ay may matira pang pagkain sa ref. Bakit kasi dumating pa siya. Hindi nga niya sinabi kung ano ang sadya niya e. Nakakainis naman.

Pasilip silip ako sa kanila. Nag-aantay na baka sakaling wala na si Clef at pwede na akong kumain. Nakikita kong si Amee ay kwento ng kwento habang si Clef naman ay pangiti ngiti lang. Siguro nagkacrush na siya kay Amee.

Wala namang problema kung magkalapit sila e. Tutal bagay naman sila. Isang maganda at isang gwapong sikat.

Hindi rin nagtagal ay natupad rin ang kanina ko pa inaasam asam na pag-alis ni Clef. Narinig ko pa sa usapan nilang hinahanap ako ni Clef dahil ako raw talaga ang sadya niya dito kaya bumaba ako. Sa wakas ay makakakain na rin ako maya maya lang.

“Ano ba yun?” Bumulong siya sakin.

“Birthday ni tandang Arellano bukas. Pinapapunta ka ni Tita sa bahay nila. Wag na wag ka raw mawawala ha?” Tumango na lang ako at tuluyan na siyang lumabas sa pinto. Pagkasarang pagkasara nito ay tumingin sakin ng masama si Amee.

“Ano namang sabi niya sayo?” Lumunok ako bago sumagot.

“Hinihiram daw ng Tita niya ang isang kopya ko ng piyesa. Sige kain muna ko.” Ayan nanaman at nagsinungaling nanaman ako. Pambihira talaga. Kung sasabihin ko naman kasi ang totoo, malamang ay magagalit siya sakin at pipilitin akong sumama siya sa party.

Pumunta ako sa kusina para tignan sa ref kung may pagkain pa. Nakita kong nakaupo sa table ang bagong maid nila na kadeday-off lang.

“Hello po. May pagkain pa po ba sa ref ate?” Umirap siya sakin at saka tumayo.

“Pahuli-huli ka pa kasi sa pagkain. Ano ka prinsesa? Wala na! Kaya magtiis ka!” Tumalikod siya sakin at saka ako nilagpasan.

“Ahh ganun po ba.” Yaan na lang ang naisagot ko.

Nasa 30 pataas na siguro ang edad niya dahil mukhang bata pa siya. Kaya lang bakit ang sungit ng nakuha nilang maid? Mukha namang close na sila ni Amee.

Dahil gutom na talaga ako ay tinignan ko ang ref. Nagsisinungaling yung maid dahil meron pa naman palang kaunting ulam sa ref kaya pinainit ko ito sa microwave. Bakit naman kaya ang init ng dugo niya sakin e hindi ko naman siya inaano.

Habang hinihintay ko ang pagtatime ng ulam na pinapainit ko ay nakita ko nanaman si ate na bagong maid na nakatingin ng masama sakin. Sinubukan ko siyang alukin pero inirapan lang niya ko at umakyat na sa itaas.

Nakakabagot naman yun. Kapag talaga ayaw sayo ng isang tao, hindi mo na dapat ipagpilitan pa ang sarili mo para magustuhan ka niya.
 



MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #20 on: July 29, 2014, 03:38:42 PM »
Track 18
Star Gaze
 

Nagpasama ngayon sakin si Clef sa isang talk show na mas kilala bilang “Star Gaze” dahil daw siya ay naka schedule ngayon na magpainterview dito. Dala dala niya nanaman ang gitara niya. Well, lagi naman niya talaga dala yun, ano pa bang bago dun?

Nag-aayos pa lang ang mga staffs sa set at binbrief palang si Clef ng host kung ano ang mga tatanungin sa kanya. Narinig ko nga rin na magkakaroon siya ng isang song number dito. Panigurado kikiligin nanaman ang mga babaeng fans niya dito sa loob ng studio. May mga banners pa nga silang hawak na may nakasulat na ‘Our Acoustic Heartthrob’ tapos picture ni Clef.

After 30 minutes ay nagstart na rin ang show. Nakahalo ako sa mga audience na nanunuod sa kanya. Ano pa nga bang dapat kong asahan? Siyempre maingay ang lahat. Especially girls na mga patay na patay sa kanya.
Bawat ngiti niya ay nagkakagulo ang mga babae. May mga gays din akong nakita na fan na fan din niya. Pambihira talaga siya. Napakalakas kasi ng dating.

Mukhang maarte pa nga yung host ng talk show na ‘to. Kung sa bagay walang duda. Kanina pa kasi niya iniisnob ang mga audience kapag tinatawag siya. Kaya tuloy parang medyo naiilang ilang sa kanya si Clef. Mukha kasing hindi siya komportableng kausap.

“Good morning mga star gazers! May isang star nanaman tayong kikilatisin. Let’s all welcome, Clef Castillo!!” Kunwaring pumasok si Clef at kumaway kaway pa sa audience.

“Magandang gabi po sa inyong lahat!”

“So kamusta ang pagiging isang Acoustic Heartthrob?” Naghiyawan ang mga fans niya.

“Okay naman po. Nung una hindi ako sanay pero ngayon sanay na. And of course, I love my fans and supporters!” Ngumiti siya sa mga audience.

“Siyempre. Ang una kong itatanong sayo, may special someone na nga ba ang aming Acoustic Heartthrob?” Tumawa siya ng mahina.

“Wala po. Wala pa po.” Tumili nanaman ang mga babae kaya napatakip naman ako ng tenga. Yung katabi ko kasi. Parang lalabas na ang lalamunan sa kakatili.

“After your breakup with your non-showbiz girlfriend, hanggang ngayon wala parin?” Muli nanaman siyang ngumiti.

“Wala po talaga e.” Ngumiti yung host sa kanya. Nakalimutan ko na yung pangalan e. Hindi naman kasi ako palanood ng TV or talk shows.

“Crush? Maski crush wala?” Kapag talaga isang sikat ang iniinterview hindi nawawala ang topic na love life. Tapos kapag meron, ilan sa mga fans na may ayaw sa girlfriend mga nagagalit.

“Siyempre meron naman po.” Aba, kita mo nga naman. Nagkakacrush pala ang katulad niya? Siya kasi yung tipo ng taong hindi marunong magseryoso, lalo na sa mga babae.

Kapag talaga sikat ka, hindi normal ang buhay mo. Sa bahay ni Clef, maaga palang ay may mga paparazzi na sa labas ng bahay nila. Kaya nga doon kami sa likod dumadaan which is yung tinatawag niyang secret passage ng bahay niya. Pero meron din namang time na wala ang mga asungot na yun.

“Wow, pwede ba naming malaman kung sino?” Umiling siya. Pati ba naman crush gusto pa nilang malaman? Napakahirap talaga kapag showbiz ka.

“Balita namin ay nagiging matakaw ka these past few days. Totoo ba yun?” Umamin naman siya na oo. Bakit hindi ko naman yata napapansin yun?

Kung anu-ano lang ang tinanong sa kanya. Yung mga likes at dislikes niya sa mga tao at kung paano niya namamanage ang time ng pagiging student at singer. Nagulat siya nang tanungin siya ng isang kagulat gulat na tanong ng host.

“Ano ang type mo sa isang babae?” Halatang kinabahan ang itsura niya at napansin ko ring naging malikot ang kanyang mga mata. Malamang kinakabahan na siya ngayon. Paano nga ba niya sasabihin na ang tipo niya ay ang katulad ni Laurice?

“Gusto ko lang po yung simple, down to earth, cute at palangiti.” Sumigaw yung katabi ko.

“Palangiti ako Clef!!” Sumigaw rin yung iba.

“WE LOVE YOU CLEF!” From the bottom of their lungs. Gusto kong tumawa kaya lang pipigilin ko na lang. Nakita ko kasing ang sama ng tingin sakin ni Clef e.

Kapag nagkakaroon ng commercial break ay umiinom siya ng tubig. Napaghahalata tuloy na natetense siya sa bawat tanong.

“Nagbabalik po tayo! Gusto niyo nga ba ng sample?”

“AHHHHH YES!!”  Sigaw ng mga babae. Tumayo siya dala dala ang gitara niya at nagready na para sa kanyang song number.

“Para po sa inyo ‘tong lahat.” Muli nanaman umingay sa studio.

♪ I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul ♪


Pamilyar sakin ‘tong song. Paano ba namang hindi e teenager palang yata ako nung sumikat itong kanta na ‘to? Napapanood ko pa nga siya sa MTV.

♪ You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I wont let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul, your beautiful soul ♪


Ngumingiti siya sa mga fans niya. Siyempre kailangan talaga yun. Sino nga ba ang sumisikat na snob. Kaya eto siya nagpapacute parin. Pangit mang pakinggan pero yun ang totoo.

Matapos ang show ay nagkita na lang kami sa labas. Hinatid siya ng mga securities para hindi siya bunuin ng mga fans. Nakakatakot pa naman silang lahat. Paanong hindi? Sa studio palang kanina ay gusto na siyang sugurin ng mga ito.

Nang sumakay na siya ay bigla akong tumawa. Nakita ko ang itsura niyang takang taka kung bakit ako tumawa.

“Wala wala.”

Hinatid niya lang ako pauwi habang kinukulit ako kung bakit ko siya pinagtatawanan. Nakakatawa kasi yung itsura niya nung kinakabahan e.
 


 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Happiness in a Coke Bottle

by: guest, 2014-08-01

We’ve heard about it, we’ve seen the videos and we’ve wanted to get our hands on our very own Coke bottle ever since. After years of waiting, Coca-Cola has finally brought the Share-a-Coke...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved