Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: The Music Of Hearts ♪ (On-going)  (Read 1720 times)

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« on: March 10, 2014, 05:25:04 PM »
The Music Of Hearts ♪
by: MusicFreak (Ela)

CHARACTERS:

Melody Jazz Ritmo

Gregory Clef Castillo

Leysander Agustin

Benjamin Villanueva


Marianne Cosette Acosta

Amberlee Archanghel

Tory Laurice Tuazon


Prologue

My world is too noisy.

I want silence.

In my solitary moments, I can hear the tuneful music of my heart.

When the wind blows, when the trees sway.

I hear the sound of peace.

Having a peaceful life is like listening in a harmonious melody.

No noise, no anger, no hatred, no malice. Just love.

I always look in the positive side of life, I never wanted to believe that I have no courage to face difficulties that can make anyone weak.

One thing I’ve learned in my situation, don’t let others ruin who you are and what you are and of course, don’t let them ruin your dreams.

Music is my escape from reality and without it? My life would be a mistake.

I know someday, they will hear the music inside me.

Through music, I believed that I can find the right place for me in this world of imperfection.

Through music, I can find LOVE.

Through music, I can find my DESTINY.

And all I want to hear is…The Music Of Hearts.

Just…

Listen..Live..and Love..


« Last Edit: June 09, 2014, 07:10:01 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #1 on: April 17, 2014, 12:05:22 AM »
Track 1♪
Music Department

~Melody~

Habang naglalaba ako ng mga damit namin, ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko sa ulo ko, dala na rin siguro ng kapaguran ko at kanina pang umaga kasi ako naglalaba. Sumilip ako kung ano ang ginagawa ng dalawa kong kasama sa bahay, ayun hindi ako nagkamali. Nagmo-movie marathon nga sila.Ang sarap talaga ng buhay nila.

May nagdoorbell sa bahay na siyang ikinagulat ko, bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Sandali akong pumikit at nagdasal, sana nga ay yun na ang halos isang linggo ko nang hinihintay na dumating. Pinunasan ko ang kamay ko at saka tumakbo papunta sa gate ng bahay namin.
Agad agad kong binuksan ang sulat at halos mapatalon ako sa nabasa ko. Nakapasa ako! Ang saya saya ko at sa wakas ay makakapasok na ako bukas. Sulat yun galing sa school na pinagapplyan ko ng scholarship, hindi ko akalaing makakapasa ako sa exam at top three pa ako.

Mabilis namang lumipas ang oras at Friday na! Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Unang pasok palang sa eskwelahang ito, halata nang modernong moderno ang dating nito. Bukod sa puro magaganda ang wall designs, magaganda rin ang mga nakapaint dito. Nahanapko na ang room 113, at ayun nakita ko na nga. Friday na ko nakasipot dito, buti na lang at ayos lang na ngayon lang ako nakapasok. Medyo nakakapagod na paghahanap din yun dahil ang laki ng school na to.

Pagkatok ko, isang teacher na mukhang masungit ang sumalubong sakin. Sabi kasi sa letter, dito daw ang room ko. Pinapasok niya ko at pinatayo sa harapan ng buong klase, malamang alam na niya na ako nga yung bagong student sa section na to.

Maraming nagbubulungan pero ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mga matang nakatingin na nakakapanliit. Nakakahiyang tumayo sa harap ng maraming estudayanteng katulad ko, lalo na’t baguhan lang ako.

“Can you tell us the story why are you here?” nakakakabang tanong ng teacher ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsalita.

“Sa kalagitnaan po ng pagcoconcert namin sa ibang bansa, biglang tumawag sakin ang secretary ng papa ko  para pauwiin ako sa Pilipinas ng biglaan. Nalaman kong namatay ang papa ko dahil sa cardiac arrest kaya napilitan akong umuwi dito sa Pilipinas para ipagpatuloy dito ang pag-aaral ko at pumasok sa school na to.” Tinignan ko sila isa isa, lahat sila’y nagtataka nang biglang may makapukaw ng atensyon naming lahat.

*BOOOOGGSSSSHHH* ang malakas na tunog ng pinto. Agad nilang ibinaling ang kanilang mga mata doon sa lalaking nagbukas ng pinto. Parang nahypnotize ang mga tao dito lalong lalo na ang mga babaeng maiingay kanina. Para silang mga palaka sa inga kanina pero ngayon naman ay para silang mga pipe sa sobrang tahimik.

“Waaahhhh hi!!!!!”

“Uyyyy ang aga niya!!!”

“Good morning papa G! you’re so handsome!” itsura palang niya at sa atensyong binibigay sa kanya, hindi maikakailang kilala siya dito.

“Why are you late again Mr. Castillo?” masungit na tanong ng teacher namin sa kanya. Imbis na sumagot, hindi niya ito pinansin at nagtuloy tuloy siya kanyang upuan. Saglit siyang tumingin sa akin at nagulat na lang ako nang irapan niya ko.

“Okay continue, bahala na siya sa buhay niya.” sabi ni Ma’am.

Tumingin ako sa harapan, siya ang una kong nakita dahil doon siya nakaupo. Bumalik ang tingin ng lahat sakin. Nararamdamankong namamawis na ang kamay ko, may nagsalitang isang estudyante na siyang ikinagulat ko.

“So ano ngang pangalan mo?” tanong niya sakin sa mataray na tono.

“Hi, I’m Melody Jazz Ritmo. Melody na lang po.” Isa lang ang alam ko sa pagkakataong ito, kinakabahan ako. Lahat sila ay nanlaki ang mga mata nang marinig ang pangalan ko.

“ASTIG!!!”

“PORMA PRE!!!” sabi nung dalawang lalaki sa bandang likod.

“So anong kaya mong gawin iha? At saang department mo balak pumasok?” curious na tanong ni Ma’am.

“Music Department po. Kaya ko pong magviolin. I can sketch also and play piano but violin po talaga ang gusto ko.”

Nag-isip si Ma’am. Humikab yung lalaking pumasok ng late at saka ako tinignan na nakataas ang isang kilay sabay smirk. Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko, malulukot na ang panyong hawak ko sa sobrang pressure na nararamdaman ko.

“As you’ve said earlier, sa kalagitnaan ng concert niyo ay bigla kang tumigil at napwersa kang bumalik dito sa Pilipinas, so saang school ka galing?” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at yoon ang sinabi ko kay ma’am.

“Juilliard Ma’am.” Hindi ko alam kung may mali sa sinabi ko o sadyang hindi lang ito kapanipaniwala. Dahil doon sa sinabi ko ay nagtaka ang itsura ng lahat.

“Eh bakit andito yan?”

“Is she joking?”

“Bakit siya nag scholar pa dito?”

“Baka naghirap!!”

“HAHAHAHA seriously?” sabay sabay nila kong pinagtawanan na kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa kahihiyan.

“Can you show us an evidence na galing ka sa Juilliard?” mahinahong tanong nung isang girl.
Hindi parin pala nawawala ang mga taong mapanghusga sa kapwa nila, nakakalungkot mang isipin pero hindi talaga sila nababawasan, kung hindi nadadagdagan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang dating ID ko sa wallet ko. Pinakita ko ito sa kanilang lahat para mapatunayang totoo ang sinasabi ko. Bigla silang natahimik, napabuntong hininga ako. Ginala ko ang mga mata ko at isang bakanteng upuan na lang ang nakikita ko, doon na lang sa tabi nung lalaking mukhang suplado. Buti na lang at binago ang sitting arrangement at naging katabi ko ay isang babae.  Nakaka out of place talaga kapag baguhan. Hayaan ko na lang, sanay naman ako sa pagiging tahimik eh.

“Hi I’m Cosette! Melody right? Your name is very musical and I really love it!” tinignan ko siya, nakapunggos ang buhok niya at sobrang fit ng katawan niya.

“Ah thanks.” Nginitian ko siya at umiwas rin agad ng tingin. Nahihiya ako.

“By the way, magkatabi lang yung department natin. Sana maging super friends tayo. Haha!” agad namang napalagay ang loob ko sa kanya.

“Sure!” sabay ngiti ulit sa kanya.

“Ang tahimik mo naman, wag kang mailang I’m not a monster, I’m just a ballet dancer hihi” kaya pala ganun na lang kafit yung katawan niya. Gusto kong tumawa ng malakas sa kanya, ang kulit niya kasi.
Nakakatuwa siyang magapproach, para kasi siyang bata. Inaya niya ko sa cafeteria matapos ang klase sa room. Bumili kami ng pagkain at saka naglakad lakad, dinala niya ko sa Dance Department na katabi nga lang ng Music Department. Parehas itong malaki at maluwang na building, kung papansinin naman ang paligid ng school,  para itong sibilisadong lugar pero andito parin ang ambiance na gusto ko kung saan ako pwedeng mag-isa.

“AYYY BOCHA!!Oooooppppsss!”Natapilok si Cosette.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko. Tumayo siya ng diretso habang nakangiti ng malapad.

“May dila ka naman pala eehhh!Hahahaha. Don’t be shy okay? As I’ve said I’m not a monster.”

“Sige na nga!” ngumiti ulit ako ng bahagya. Kinurot niya ang pisngi ko na medyo masakit.

“You’re super duper cute!! You know that?” ang cool talaga nitong babaeng to.

********
Umuwi na siya dahil hapon na rin naman. Tinignan ko kung anong oras na, 3:00 pm palang pala. Nagdecide akong humanap ng lugar kung saan tahimik at kung saan ako pwedeng mag-isa, hanggang sa nakakita ako ng isang puno.

Luminga ako para tignan kung may ibang tao, sobrang kaunti lang naman pala, naglakad ako papunta rito. Marami ring puno dito kung saan inuupuan din ng ibang tao, especially couples, dahil doon hindi nila ko mapapansin dahil may sarili silang mundo.

Huminga akong malalim, ang sarap ng simoy ng hangin dito sa likod ng Music and Dance Department. Habang humahangin ng malakas, naririnig ko ang magagandang tinig ng mga ibon pati na ang paggalaw ng mga sanga ng puno. Ang sarap pakinggan, para silang nang-aakit na sumama ako sa ibang dimension, idinilat ko ang mga mata ko. Sa ganitong paraan, nagiging masaya ko. Hanggang sa may bumabang tao galing sa itaas ng puno.

“Hindi lang pala ako ang tao dito.” Isang lalaking matangkad, maputi, may mapupulang labi at may mga matang seryoso.

“Kanina ka pa andiyan?” tanong niya, tumango ako.

“Ahh.Natutulog kasi ako sa taas, nagulat na lang ako nung bumaba ako. Akala ko babagsakan kita. Natutulog ka rin ba?Sensya kung naistorbo kita.”Seryoso siyang magsalita at ang boses niya ay parang isang dubber.

“Okay lang. Sige, aalis na ko.” tumayo ako. Maglalakad na sana ako palayo nang tawagin niya ko.
“Teka miss!” huminto ako at lumingon. Tumakbo siya papunta sa harapan ko at inabot ang panyo ko na nalalaglag ko sa damuhan.

“Ah salamat.”

“Bago ka lang dito?” tumango ako.

“Ahh sige. Alis ka na, baka may pupuntahan ka.” Bahagya siyang ngumiti, para siyang nagdadialog kung magsalita pero hindi maiaalis sa tono ng pananalita niya ang pagiging seryoso.
Naglakad na lang ako pauwi ng bahay. Sayang naman kung gagastos pa ko para sa pamasahe. Bawat yabag ko ay sinasakto ko sa tempo ng mga tunog ng sasakyang naririg ko. Namiss ko ang Pilipinas, namiss ko ang mga jeep at ang mga tricycle sa kalsada.

Halos 20 minutes akong naglakad pauwi. Nagdoorbell ako at pinagbuksan ako ni Olga ng pinto habang nakapamewang pa. Panigurado, may kailangan nanaman akong gawin o may iuutos nanaman siyang sasabihin niya ay sobrang halaga.

“Buti naman andito ka na, tamang tama at kailangan mong pumunta sa supermarket para bumili ng gatas ni Amee, may kailangan siyang tapusing painting mamayang gabi. Wag ka nang umalis sa kinatatayuan mo dahil heto na yung pambili. Go!” napatingin ako sa mga mata niya.
“HOY ANO PANG TINATANGA TANGA MO DIYAN? GOOOOOOO!!!!” umalis na ko sa harapan niya para ipagpatuloy ang paglalakad ko.

Wala na rin naman nakong magagawa kung hindi ang sundin ang utos niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa, 1 month na simula nang mamatay si papa. Simula noon, naging utusan na ko sa sarili kong bahay. Olga is my stepmother, mayroon siyang anak, her name is  AmberleeArchanghel (Amee) na siya namang Stepsister ko.

Ang pagiging mag-isa na lang yata ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya, ang musika na lang rin yata ang dahilan kung bakit nagiging masaya ang kalooban ko. Alam ko namang andiyan si God, he will never leave me. Ang tanging kalayaan ko na lang ay ang mag-aral. Pagbalik ko sa bahay, binigay ko na kay Olga ang binili ko pati na rin ang sukli. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
“Baka naman binawasan mo ang sukli?” nilapag ko sa harapan niya yung resibo saka ako tumakbo sa hagdan papuntang kwarto ko. Gets na niya na hindi ko binawasan ‘yun.

Tinignan ko ang mga larawan ko dito. Tuwing umuuwi ako noon, dinidikitan ko ng mga bagong pictures ko ang kwartong to sa tuwing magpeperform ako. Isa lang ang pag-asang natitira sa puso ko, yun ay ang pag-asang makita ang tunay kong mama.

 Hinding hindi ako mapapagod umasa, hinding hindi ako mapapagod magmahal, hinding hindi ako mapapagod umintindi, hinding hindi ako mapapagod magpatawad, hinding hindi ako mapapagod ibahagi ang musika ko, dahil alam ko, never sumuko ang mundo para sakin.



MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #2 on: April 17, 2014, 12:09:35 AM »
Track 2
Performances

Maaga akong nagising, bumangon ako at gumayak saka nagluto na rin ng almusal namin. After 15 minutes na pagluluto, sa wakas ay natapos na rin ako kaya inihain ko na siya sa mesa, ang galing nga eh, pagkain pa ang naghihintay para sa kanila. Since hindi pa sila gising, nauna na akong kumain at hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko.

Dala dala ko ang violin ko, Monday na Monday ang aga kong pumasok, sumakay ako ng tricycle para mapabilis ang transpo. Pagkarating ko sa school, wala pa masyadong tao, nakalagay kasi sa letter na 8:00 am ang pasok sa umaga at 1:30 pm naman sa hapon. Pumunta ako sa bulletin board para tignan kung ano ang mga announcements, may nakalagay sa isang bond paper na nakapukaw ng pansin ko.
Sobrang daming nakadikit dito. Yung iba announcement ng mga departments like English, Science and etc. Binasa ko ng mabuti ang nasa bond paper;

Music Monday- Music Department’s performances
Dancing Tuesday- Dance Department’s performances
Art Wednesday- Art Department’s exhibits
Theater Thursday- Theater Department’s performance
Free Friday- Shortened period
8:00-9:00 am at our school auditorium. Be there!!!

Ibig sabihin, may isang week ang isang buwan kung saan magpeperform lahat ng departments. Kapag pala gusto ng kahit sinong kumuha ng specialization lalo na’t music, dance, theater or art, pwedeng pwede sila sa school na to lalo na kung may pera pa sila. Buti na lang at nakapasa ako sa exam para sa scholarship.

Hinanap ko ang auditorium, nakita ko ito agad, nasa tabi siya ng math building. Pumasok agad ako, dala dala ko rin ang violin ko. May mga upuang sobrang dami, buti na lang at hindi pa masyadong puno. May humila ng bag ko galing sa likod.

“Ayyyayyy hahahah eto ka lang pala! Buti na lang nakita kita hehehe. Tara hanap na tayo ng seats.” Akala ko naman kung sino, si Cosette pala.Sa medyo harap kami umupo, maingay to the point na hindi na kami halos magkarinigan ni Cosette.

Dumilim sa loob at agad namang nagsitahimikan ang mga tao. Mag-uumpisa na siguro, kinalabit ko si Cosette para magtanong.

“Sino yung magpeperform ngayon?” yeah alam ko namang music department pero sino?

“Ahhh. Lahat, yung orchestra ng school, dalawang banda, isang choir group at dalawa sa
mgamembers ng the independents.” Anu daw?

“Ahh eh ano yun?” kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakalapit ang tenga niya sakin.

“Binubuo kasi ng apat ang music department; Orchestra, choir, band at yung mga soloist na kung tawagin ay ang mga independents, grupo din sila yun nga lang, ng puro soloist.” Ngayon naiintindihan ko na. Bumukas na ang ilaw, nakaporma nang magperform ang orchestra ng school, nagsalita na yung MC at tinawag ang school orchestra.

Pinerform nila ang Rolling In The Deep, Firework at kung anu-ano pa, halos nakatatlong songs din sila, yung isa ay hindi ko alam ang title ng kanta. Magaling sila lalo na yung pianist nila pati na rin yung conductor. Kailangan ko palang mamili sa mga grupo na yan.Mukhang mahihirapan talaga ako sa pagpili kung saang department ako pupunta.

“Please welcome, The Angels Of Sound!!” yun ang pangalan ng choir ng school na to.

Kinanta nila ang Only hope, You, at ang Pangarap na bituin, ang gagaling nila lalo na ang mga soprano at alto. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung saan ako diyan sasali. Hindi kaya pwedeng wala na lang akong pasukan na department? Paano kung dalawa ang gusto ko?

Matapos magperform ng Choir ay susunod naman na ang banda ng school. Nagpalakpakan ang mga tao nang tawagin na ang unang banda, nakakarelax silang panuorin dahil kahit rock song ang kinakanta nila, ramdam mong may puso ang pagkanta nila. Naniniwala kasi akong kahit hindi gaano kaganda ang boses mo pero sinasapuso mo ang kanta malamang ay magagandahan rin ang iba.
Napatakip naman kami ng tenganiCosette nang magperform ang Ironic, medyo masakit kasi sa tenga dahil sobrang loud na ng ginagawa nila. Kahit more on classical music ang pinapakinggan ko, nakakappreciate parin naman ang ng ibang genre. Dumilim ulit ang paligid at tinawag na ang susunod na magpeperform.

“Ang pinakahihintay niyong lahat, The Independents!!” sumigaw ang mga tao, nagkaroon ng parang giyera ng mga tili ng mga babae. Parang sirena ang tunog ng mga boses nila na patuloy na umaalingawngaw sa tenga ko. Bumukas ang spotlight sa gitna.

May isinisigaw na pangalan ang crowd kaya lang hindi ko maintindihan eh, sobrang dami kasi nila. Medyo napaatras pa nga ako sa kinauupuan ko at agad naman yun napansin ni Cosette.

“Ayos ka lang ba??” tanong ni Cosette.

“Ha? Oo okay lang. Ikaw?” pabalik kong tanong.

“Hmm oo ayos na ayos! Bukas wag kang mawawala sa performance namin dito ahh?” nakatapat ang bibig niya sa tenga ko para marinig ko nang mabuti.

“Oo pangako.”

“YEHHEY SALAMAT AHH!” sa masayang tinig niyang sagot.

Bumukas ang spotlight sa gitna ng stage, yung mga nasa likod ay naghihiyawan, ang mga lalaki ay pumapaswit ng “witweew” dahil babae ang nasa center stage.

“Please welcome, Tory Laurice Tuazon!!”

She’s pretty, para talaga siyang performer. May mga back-up dancers siya, minsan sumasabay siya sa pagsayaw. I can say na maganda talaga ang boses niya, nagrereflect sa itsura niya kumbaga, tahimik lang din si Cosette dahil hindi ko siya naririnig na sumisigaw, inilawan ko siya ng cellphone ko, seryoso lang siyang nanunuod saka tumingin sakin at ngumiti, muli kong ibinaling ang atensyon ko sa panunuod.

Nakakapagtaka naman at agad siyang nawalan ng kibo, kanina kasi ay maingay siya.This time, ako naman ang nagtanong sa kanya kung may problem ba, nagulat ako at tumango siya. Tinuro niya ang ulo niya at sumimangot. Nagets ko naman kaya inabutan ko siya ng paracetamol na dala dala ko lagi at inabot ko rin ang tubig kong baon.

“Salamat talaga ah!” Nginitian ko siya at muling nanuod ng performances.

“You want more?” nagkagulo nanaman ang mga estudyante, hindi ko akalaing ganito karami ang mga nag-aaral dito, kung sa bagay, malaki naman itong school na to eh.

“Okay, sabi nga nila save the best for the last. Let’s all welcome, our very own acoustic heartthrob, Clef Castillo!!!!” kung maingay kanina, ngayon naman ay SOBRANG ingay. Parang nagkaroon ng commotion sa loob ng hall.

Lumabas siya, ahh yun pala yung Cleff. Siya yung kaklase kong late pumasok na halos ihampas ang pinto sa pagpasok sa room, siya rin yung muntik ko nang makatabi sa upuan. Hindi maikakailang malakas ang karisma niya sa tao,  may dala dala siyang gitara, kaya pala acoustic heartthrob ang tawag sa kanya.

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit halos lahat ng mga babae ay nagkakandarapa, mahawakan lang siya, may itsura kasi siya.

“Tss ibang klase yan noh?” Napatingin ako si Cosette.

“Ha sino?” Lito kong sagot.

“Yang si Clef, malakas talaga karisma. Teka kilala mo ba siya?” muli kong inilawan ng cellphone ko ang mukha ni Cosette. Umiling ako.

“ Hahaha sabi ko na nga ba eh, isa siyang sikat na singer dito sa Pilipinas, one fourth american yan, half kasi yung mama niya.” Ibang klase ang stage presence niya.

“Ahh ganun ba.” Muli namin ibinaling ang tingin namin sa stage.
Nagstart na siyang tumugtog ng gitara niya.

♪ I've been wondering just how many more days
'Til I see your face♪

Nakita kong nagwewave ang mga kamay ng mga tao sa pinakaharapan ng stage, yun iba naman na nasa gilid ko ay nakahawak sa mga pisngi nila na parang nagdeday dream lalong lalo na ang mga babae na halata mong fan girl ni Clef.

♪ I don't quite know just how to fill this space
Where you used to lie
And I'm aching and I'm breaking inside♪


Parang may pinag-aalayan siya nito? Maganda yung meaning ng kanta, masarap siyang pakinggan, dahil na rin siguro sa kagandahan ng boses nung kumakanta. Hindi maipagkakailang gifted siya when it comes to music. Alam ko, ramdam rin ng mga tao ang emosyon niya sa pagkanta.

♪ And it's all because of you
And it's all because of you
I fall because of you
And I'm all because of you♪

Unti-unti kong ibinaling ang ulo ko para makita kung ano ang reaksyon ni Cosette. Nakaupo lang siya ng maayos at tahimik na nanunuod sa nagpeperform. Malamang hindi rin siya fan ni Clef kung hindi isa lang siyang estudyanteng walang kaamor-amor kay Clef.

♪ I don't quite know how long I can wait
To see you smile again♪


Ang buong paligid ay puno ng katahimikan, ang mga tao ay sobrang tahimik sa panonood at pakikinig dun sa Clef.Tanging ang maririnig mo lang ay ang tunog ng gitara niya at ang boses niyang nagpapahiwatig ng isang magandang kanta.

♪ I've been wondering just how long I can stay awake
Before my eyes start to bleed
Now I'm aching and I'm breaking inside ♪


Kahit na sobrang ingay sa paligid, naiintindihan ko naman ang meaning ng kantang kinakanta niya. Bukod sa malinaw ang diction niya, dinadama rin niya ang kanta.

♪ And it's all because of you
And it's all because of you
I fall because of you
And I'm all because of you ♪


“Hahaha siguro para kay Laurice yan.” Dinig kong sabi ni Cosette.

“Sino si Laurice?” usisa ko.

“Yung nagperform na babae kanina, that’s her ex-girlfriend.” Napa ahh na lang ako.

Kaya pala medyo malungkot ang ibig sabihin nung kanta niya, minsan talaga kapag gumagawa ka ng kanta, kailangang may pinanghuhugutan ka para maramdaman din at maintindihan ng iba ang gusto mong iparating sa kanta mo.

Natapos ang buong klase namin sa umaga at sa hapon, kasabay kong nananghalian si Cosette, wala kaming klase ng last subject kaya naman si Cosette ay umattend ng practice nila ng ballet, samantalang ako ay nakatambay nanaman sa punong pinanggalingan ko nung unang pasok ko noong Friday. Gusto ko dito, tahimik. Hangin, ibon at puno lang ang maririnig mo, malapit ito sa kanilang sunflower farm. Nilabas ko ang violin ko at nagsimulang tumugtog ng My heart will go on.
Pakiramdam ko, dinadala ako ng violin ko sa ibang dimension, pakiramdam ko , ako at siya lang ang magkasama sa isang napakagandang lugar. Nakapikit parin ako sa pagtugtog ngunit napatigil ako nang may bumagsak nanamang isang tao galing sa puno. Tumingin ako sa kanya, siya nanaman pala. Siya yung nakita kong lalaki noong Friday dito rin sa puno na to.

“Pasensya, akala ko nananaginip ako eh kaya bumaba ako para siguraduhing may nagvaviolin talaga.” Habang may inaayos siya sa tenga niya.

“Ah eh ganun ba, sige pasensya nga pala kung naistorbo nanaman kita.” Tatayo na sana ko nang may sabihin siya.

“Ikaw din yung babaeng nakita ko nung biyernes, sa orchestra ka ba ng music department?”

Tinitigan ko siya, may something sa mga mata niyang wala ang iba. Halo-halong emosyon ang nasa kanyang mga mata, mahirap alamin kung ano talaga, isa lang ang masasabi ko, nakakailang siyang magtanong ng diretso. Bago pa siya sumagot ay may nagsalita nanamang lalaki.

“Leysander!! Andito ka lang pala pare, sinusundo ka ng mommy mo dahil may check up ka daw!” yung lalaking tumawag sa kanya ay kaklase at katabi ko, si Benjo.Tumingin sakin si Benjo saka ngumiti at muli nanamang nagsalita.

“Hah! Ikaw pala Melody, naistorbo ka yata ng kaibigan ko. Sige kailangan na naming mauna eh.” Hinila niya yung lalaking bumaba galing puno, nakalimutan ko yung pangalan niya, basta may Sander yun sa dulo. Tumango na lang ako bilang sagot.

Habang papaalis sila, nakatingin parin sakin yung lalaking bumaba galing puno ng seryoso.Bumalik na lang ako ulit sa ilalim ng puno at nagpahinga. Ito na talaga ang pinakamasarap gawin para sakin. Ang mamahinga sa ilalim ng puno habang nag-iisipo ‘di kaya naman ay nagbabasa o nageensayo. Sabi nga ng papa ko, mapapalitan ba ang saya ng nasa ilalim ka ng puno at nakakalanghap ng sariwang simoy ng hangin? Yun kasi ang madalas naming gawin nung bata pa ko.

Akala ko dati sapat na si papa na kahit wala akong mama andiyan naman siya pero kahit gusto kong magalit kay mama, andun parin yung feeling na gusto ko siyang makasama at makilala kahit isang beses lang sa buhay ko. Yung kahit na malaman ko lang kung ano ang tunay niyang pangalan, ayos na.
Kahit na ano pang kasalanan niya, andun parin yung feeling na gusto kong maranasan kung paano siya maging nanay sakin.


« Last Edit: June 04, 2014, 06:20:13 PM by MusicFreak »

annamae137

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 9
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #3 on: April 17, 2014, 04:38:18 PM »
(Y)

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #4 on: April 25, 2014, 03:29:40 PM »
Track 3
The Independents


Sermon, panlalait at paninigaw. Yan ang lagi kong naririnig galing kay Olga tuwing umaga kapag nauuna siya saking gumising. Nung pinakasalan siya ni papa, hindi ganito kasama ang ugali niya, ngayong wala na si papa, lumabas na nga ang tunay niyang ugali.

Hindi ko na siya sinasagot ng pabalang, wala naman akong mapapala kung makikipag-away ako sa kanya. I promised my dad to take care of them kahit na anong mangyari. Feeling ko ang ako ang tumatayong nanay dito sa bahay araw araw.

Kahit ano kasing gawaing bahay ay hindi nila kaya. Iniisip ko nga na paano kung mawala ako bigla? Sino na mag-aasikaso sa kanila? Kung sabagay, makakapag hire naman sila ng maid kung saka-sakali. May pera kasi sila.

“DIBA SINABI KO NAMAN SAYO NA WAG KANG MAG-AARAL KUNG SAAN NAG-AARAL SI AMEE? BWISIT KA TALAGANG BATA KA!” hindi ko na lang siya pinapansin, kung papansinin ko pa siya hindi malabong makagawa pa ko ng kasalanan. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad paakyat nang bigla niyang hilahin yung buhok ko. Napatingin ako ng masama sa kanya.

“Ano lalaban ka?” tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko.

“Inalis niyo na nga po yung karapatan ko bilang anak ni papa, ngayon pati ba naman po karapatan ko bilang isang tao na mamili ng eskwelahan at mag-aral aalisin niyo?” mahinahon kong sabi. Minsan gusto ko na lang umiyak pero wala e, kailangan kong tatagan ang loob ko kasi alam kong nag-iisa na lang ako.

Hindi siya kumibo, nagtuloy tuloy na ko sa kwarto ko para kuhanin ang bag at ang violin ko. Araw-araw akong naiinsulto sa ginagawa niya, pero kung papatulan ko ang asal niyang parang bata na naagawan ng kendi, mas pinatunayan ko lang na mas immature pa ako kaysa sa kanya.

Nakaupo sila sa harap ng pagkaing niluto ko para sa kanila, kasama niya si Amee. Nakatingin siya sakin ng masama, hindi rin nagkakalayo ang ugali nila.

Sa lahat ng pagkakataong mali sila nagiging tama parin at kapag ako naman ang tama nagiging mali. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na sila at sila na lang ang makakasama ko. Pero kahit ganun, hindi parin maiaalis sakin ang maniwalang balang araw ay makikita ko rin ang mama ko.

“Tandaan mo, wala dapat makaalam na magkapatid tayo.” Bago ako lumabas sa pinto ay nagsalita ako.

“Hayaan mo, hindi naman talaga. Magkaiba ang apelyido namin.”

Pagkarating ko ng eskwelahan, nagdire-diretso na ko sa room para ibaba muna ang bag at ang violin ko. Nangako ako kay Cosette na manunuod ako ng performance niya. Binilisan ko ang lakad ko, pagpasok ko ng auditorium ay marami ng tao. Nagmadali ako dahil mag-uumpisa na yata ang performance nila. Naghanap muna ako ng upuan hanggang sa makita ko si Benjo na kumakaway sakin at pinauupo ako sa tabi niya. Ayos naman ang nakuha niyang pwesto.

Agad akong pumunta sa tabi niya, sa kanan ko ay yung lalaking bumagsak galing sa punong pinagtatambayan ko. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso, hindi ako sanay dahil nakakailang talaga.
 
“Hi.” Bati ko sa kanya, nakita kong sumenyas si Benjo sa kanya na parang may ipinapalagay siya sa
tenga nung kaibigan niyang hindi ko alam ang pangalan. Agad naman itong kumilos at may inilagay sa tenga niya. Binulungan ako ni Benjo.

“Hindi ka niya maririnig dahil mahina ang pandinig niya.” Saka siya ngumiti sakin. Inulit ko ang pagbati ko dun sa lalaki.

“Hi.” Lumingon naman siya sakin.

“Hello.” Maikli niyang sagot habang hindi parin naiaalis ang tingin niya sakin.

“I’m Melody. Ikaw?” baka naman kasi sabihin nito suplada ako kung hindi man ay hindi ako friendly. Kaya mas mabuti nang binati ko siya.

“Leysander.” Tapos nakipag kamay siya sakin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Benjo, siyempre hindi naman siya perpektong tao, hindi porket gwapo siya diba?

May tumabi sa kanyang babae na nangingiti ngiti, nang mag-umpisa na ang palabas. Medyo napunta kami sa pinakaharapan. Nakita ko ng nagpeperform si Cosette, kumaway ako sa kanya kaya naman napangiti siya ng malapad. Si Benjo ay enjoy na enjoy sa panunuod, napatingin ako sa katabi ko na sobrang tahimik.

“Ah Leysander.”

“Ley.” Agad niyang pagkocorrect sakin.

“Ah Ley, ayos ka lang ba?” ngumiti siya ng bahagya saka tumango sakin. Napabaling ulit ako sa pinapanuod ko.

Matapos ang mahigit na 6 minutes na pagpeperform ng mga ballet dancers, sumunod naman ang mga folk dancers at mga modern dancers.  Sabay sabay kaming lumabas galing sa auditorium kasama na namin si Cosette.

Nag-iingay sila papuntang room ni Benjo samantalang kami ni Leysander ay tahimik lang. Seryoso lang kasi siya eh. Hindi ako makapaniwalang yung katabi kong nerd nung unang pasok ay mabait pala at hindi malabong maging ko pa.

“Hi Leysander!!!” bati sa kanya nung isang girl.

“Hello.” Bati naman niya pabalik.

Sa iba na nagtungo si Leysander habang kami naman ay nagtungo na sa room number 113. Wala nang section pagdating mo ng senior high school, binukod bukod na lang kami sa apat na room na may 40 students. Room number  113 kami, si Leysander ay room number 116.

Dahil nga magkakatabi kaming tatlo ng upuan, minsan silang dalawa lang ang nag-iingay habang ako ay sobrang tahimik lang, nakakamiss rin pala ang ingay ng tawanan. Hanggang sa may nangyaring hindi namin inaasahan.

*Pruuuuut* nagkatinginan kami ni Cosette sabay.

“HAHAHAHAHAHAHAHA!!” sabay naming tawa. Napakamot naman ng ulo si Benjo dahil alam niyang siya ang may kagagawan. Ngayon lang ulit ako natawa ng ganito, yung as in nakahawak sa tiyan ko.

“Ehehe sorry naman, sa may kabag yung tao eh.” Sabay kamot niya ulit ng ulo.

“Marunong ka palang tumawa?” pagtutuloy pa niya.

“Hahaha ehem, oo naman tao rin naman ako no. But thanks Benjo, ngayon lang ulit ako natawa ng ganito.” Sabay ngiti ko sa kanya, kinurot naman ni Cosette yung pisngi ko galing sa kaliwa.

Tumahimik na ulit kami dahil dumating na yung teacher namin sa journalism, matapos ang madugong subject na iyon ay bumalik nanaman silang dalawa sa pagdadaldalan habang ako ay tahimik nanaman. Minsan kasi hindi rin ako makacope up sa pinag-uusapan nila. May nakita akong sapatos na nakatayo sa harapan namin, pagtingala ko si Clef pala.

“Benjo, we need to talk.” Irita niyang sabi. Mukha lagi naman ‘tong irritable.

“Ano nanaman yung papa Clefie?” matawa tawang sabi ni Benjo.

“Seryoso ako, wala ka na bang balak bumalik sa Independents?” si Benjo ay marunong tumugtog ng gitara pati na rin kumanta, naikwento  niya kasi sakin kanina.

“Wala na, nageenjoy na ko sa The Mesmerize eh. Hanap ka na lang ng bago.” Seryoso niyang sagot, pakiramdam ko anytime ay magsasagutan sila sa harap namin ni Cosette, tumingin siya sakin na irritable ang itsura.

“Ikaw pwede ka?” tinuro ko ang sarili ko bilang pagtatanong, tumango naman siya.

“Pag-iisipan ko.” sagot ko naman.

“Tss, ano nga bang maitutulong ng isang classical musician.” Sabay alis niya sa harapan namin. Nakaramdam naman ako ng kaunting inis sa kanya, sa tono ng pananalita niya ay ayaw niya ng musika ko. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang gustuhin yun, sana lang wag na lang niyang laitin, napatayo ako nang dahil doon.

“Ibig mo bang sabihin walang kwenta ang classical music?” pagtatanong ko nang mahinahon, humarap siyang may halong pang-aasar sa mukha.

“ABSOLUTELY.” Mas lalo akong nainis. Huminga ako ng malaliim at saka ako ngumiti sa kanya ng may halong asar.

“Ganun ba? Paki sabi naman sakin kung ano naman ang kahalagahan nung sayo.” Habang nakangiti ko paring sabi. “Ay siyempre meron, classical nga lang pala ang walang kwenta.” Sabay upo ko. Ayoko ng ganito, ayoko ng ganun.

Hindi ako nagagalit sa kanya, gusto ko lang malaman kung naappreciate ba niya yun o hindi. Halata namang hindi dahil bitter na bitter siya sa classical, iniisip kasi nung iba boring yun, kung alam lang nila hay. Napailing na lang ako, nakita ko lang siyang nakatingin sakin.

Sabay sabay kaming nananghalian nila Benjo at Cosette. Si Benjo ay may pagka weird, nerd at madaldal. Samantalang si Cosette naman ay sobrang daldal lang, ako? Eto si miss walang kibo lang. Bandang hapon ng klase namin, may pumuntang teacher sa room.

“Good afternoon Mrs. Arellano!” tinignan ko siya, isang babaeng matangkad, maamo ang mga mata, at sobrang mahinahong magsalita.

“Hello class, ahh gusto ko lang tanungin kung andito ba si Melody Jazz Ritmo? Tama ba?” Dahil dun ay tumayo ako.

“Ako po yun.” Saka lumapit sa kanya. “Bakit po?”

“Ahh. Gusto kasi sana kitang kunin bilang maging isa sa mga miyembro ng orchestra, ako si Mrs. Liliana Arellano galing sa Obra Maestra, nakita ko ang records mo about music at ang gaganda ng mga yun, so ano iha pwede ka ba?” tumango ako at bigla naman niya kong niyakap at hinawakan sa dalawa kong pisngi.

“Salamat. Sobrang salamat!”

Agad naman akong napaisip sa sinagot ko. Naguguluhan parin kasi ako kung ano nga ba talaga ang gusto ko. Napatingin ako kay Clef. Iniinsulto niya ko na hindi ko kayang makapasok sa The Independents. Parang may kung ano namang pumasok sa isip ko na gusto ko na ring pumasok sa The Independents.

Gusto ko kasing patunayan sa kanya na kahit ganito ako, may espayo parin para sakin sa mundo nila. Saka ano bang pinagkaiba namin? Pare-pareho lang din naman kaming musician, genre lang ang pinagkaiba-iba namin.

Nung uwian ay nauna na ako kila Cosette dahil pupunta ako ng Music Department para kausapin si Mrs. Arellano at sabihing hindi muna ako papasok sa Orchestra. Pagpasok ko ng room ng orchestra, napakalaki nito at sobrang lamig din sa loob. Nakatingin silang lahat sakin nung pumasok ako. Hawak hawak ko ang panyo ko ng sobrang higpit.

Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanilang tumatanggi ako sa alok nila. Para narin kasi akong tumanggi sa isang opportunity.

“Magandang hapon po.” Paunang bati ko sa kanila lahat. Agad naman akong sinalubong ni Mrs. Arellano ng yakap.

“Anak, bibigyan na kita ng form?” Napaatras ako.

“Naku hindi po, andito po ako para sabihing sa The Independents ko ho kasi gustong pumasok, pasensya na ho, hindi po sa ayaw ko dito kung hindi yun po kasi ang gusto ko.  Naku pasensya na po talaga.” Nakayuko ako habang sinasabi ko yun. Inangat ni Mrs. Arellano ang ulo ko.

“No okay lang anak, basta kapag nagsawa ka na sa kanila free kami dito na tanggapin kay anytime.” Tumingin ako sa kanila lahat at sabay sabay nilang sinabi:

“TAMA!” Habang nakangiti.

Mababait sila at sobrang palangiti. Pangako ko sa sarili ko, matapos kong masubukan ang The Independents at kapag hindi ko nagustuhan doon, dito talaga ko unang pupunta.

Bago ako umuwi, nagpunta muna ako sa room ng The Independents para kumuha ng form. Nang nasa tapat na ako agad na lumabas galing sa loob si Clef at nakita niya ako sa kasamaang palad. Nagsmirk siya sakin at saka  tumabi sakin.

“Anong ginagawa mo dito?” Medyo nakakairita yung tanong niya. Tinignan ko siya ng diretso na walang halong takot.

“Masama bang kumuha ng form? Excuse me!”

“Hindi naman. Talagang gusto mong patunayan ang sarili mo ah.” Matawa tawa niyang sabi.

“Oo. Gusto ko kasing patunayan sa mga taong tulad mo na ang mga taong tulad ko ay hindi basta basta sumusuko sa mga hamon.” Muli nanaman siyang tumawa.

“We’ll see.” At lumakad na palayo.

Malaki talaga ang tama nun sa utak. Pumasok na ko sa loob at kumuha ng form na kailangan kong fill up-an at ipapasa bukas.

‘Di dapat ako sumuko, talagang dinadown niya ko kaya mas lalo ko pang pagbubutihan at sa oras na makapasok ako dito ako naman ang tatawa sa harap niya.

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #5 on: June 02, 2014, 04:53:43 PM »
Track 4
Give Chance
 

Mag-isa kong nilibot nung umaga ang exhibit ng mga taga Art Department, bawat drawing at painting na nakikita kong nakadisplay ay napapangiti ako, makikita mo talaga ang pagmamahal ng mga gumawa nito sa ginawa nila. May ilan ring damit na nakapaskil na tinahi ng ibang taga Art Department nang makasalubong ko si Amee. Oo nga pala, isa siya sa istudyante sa Art Department kaya hindi malabong magkita kami dito.

“Shucks, anong ginagawa mo dito? Mamaya makita ka pa ng friends ko! Err.” Nginitian ko na lang siya at saka siya nilagpasan.

“Melody!” Tawag niya sakin. Bakit ganun? Diba ayaw niya kong nakikita? Bakit tinatawag pa niya ko.

“Oh my Amber, you know her? Who’s that girl.” Tanong nung kaibigan niya.

“Hmm that’s uhhm, my driver’s daughter yeah. Come on guys let’s go there.” Sabay irap niya sakin with matching tirik na tirik na mata.

“Kaya pala she looks plain.” pahabol pa nung isa.

Dinedma ko na lang ang mga sinasabi ng friends niya sakin. Pasok sa kanan labas sa kaliwa kumbaga. Alam ko namang totoo ang mga sinasabi nila tungkol sakin. Plain at mukhang anak ng driver. Sanay na sanay na ko dun kapag may tumatawag sakin ng ganun, lalong lalo na kung sila Olga at Amee.
Nagpunta ako sa music room ng The Independents para ipasa na ang sinagutan kong form na kinuha ko kahapon. Saktong sakto naman ang pagdating ko dun dahil napakadaming tao sa loob at parang may nagaganap na meeting. Bigla naman akong kinabahan. Mukhang may mangyayaring hindi maganda ngayong araw na ito.

Naramdaman ko na lang ang mga paa kong unti-unting umaatras mula sa pinto. Ang mga tuhod ko ay nanginginig, ang mga kamay ko rin ay namamawis at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Sumilip ako ng bahagya at ang dami nila sa loob. May mga kanya kanya silang instrumentong dala dala. Karamihan ay gitara at meron din namang fixed na mga instrumento sa loob tulad na lang ng drums, piano, isang electric guitar at bass.

Ako lang yata ang may dalang violin dahil karamihan sa kanila ay gitara, bass at drumstick ang dala. Bubuksan ko ba ang pinto? Pumikit ako saglit at may narinig na lang ako na may nagsalita sa harapan ko kaya naman agad ako napadilat.

“Excuse me? May kailangan ka iha?” Isang babaeng parang teacher din dito ang sumalubong sakin. Mukha naman siyang mabait dahil nakangiti niya kong sinalubong.

“Ah mag---magpapass ho sa---sana ng form.” Nanginginig nginig ko pang sabi.

“Aw ganun ba? Sakto nagmimeeting kami. Halika sa loob wag kang matakot.” Hinawakan niya ang kamay kong namamawis na sa kaba!!!

Gusto ko na yatang lumubog o kaya naman ay mapunta sa ibang dimension. Nafocus lahat ng atensyon nila sa akin nang pumasok ako. Yung ibang mga babae ay nakataas yung kilay yung ibang mga lalaki naman ay parang wala lang sa kanila hanggang sa mapatingin ako sa gilid at nakita ko si Clef na umiiling iling.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang makita ko siya. Medyo panira kasi ng araw ang reaksyon niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko at sa kabilang banda, nakita ko naman ay si Laurice. Nakitingin lang siya na parang kinikilala ako nang mabuti.

Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung tama nga ba itong desisyon na pinili ko sa mga oras na ito. Kung tutuusin ay may chance pa akong umatras pero hindi ko magawa.
Kinuha nung teacher yung form na hawak hawak ko.  Wala na, nakuha na niya. Patindi nang patindi ang kaba ko, akala ko ay ganun lang kadali ang humarap sa mga taong tulad nila, nagkamali ako. Para akong kumakandidato ngayon.

Wala akong makita ni isa na may dalang violin sa kanila. Siguro ang tingin na nila sakin ngayon ay sobrang wirdo.

“So ako nga pala si Mrs. Legaspi. Ako ang head ng The Independents, gusto ko lang ipakilala sayo ang mga officers ng club namin. Si Laurice ang President dahil siya ang nanalo sa botohan at siya rin ang kinikilalang isa sa mga magagaling na magperform sa grupo na ‘to, ang Vice naman ay si Trina.”

Kinawayan nila ako parehas. Mukha namang may ilang mababait sa kanila.

“Introduce yourself iha, please.” Tumango naman ako. Kailangan ko nang lakasan ang loob ko.

“My name is Melody Jazz. Melody na lang po.” Tinanguan rin ako nung teacher.

“Okay sige, yun nga ang dahilan ng pagmimeeting namin kasi kailangan namin ng bagong members na bagong mukha ng group.”

Sa natatandaan ko, yung Laurice ay ex-girlfriend ni Clef. Kaya siguro magkalayo sila ng kinauupuan
ngayon. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko tungkol sa kanilang dalawa.
Napansin kong may mga bulletin boards din sila sa gilid ng room kung saan nakalagay ang mga announcements. Itsura palang nila ay mahahalata nang magagaling sila. Marami rin sa kanila ang may mga itsura. Kumbaga, karamihan ay may face value.

“Anak, tell us about your talents or anything about you.” Sabi ni Mrs. Legaspi.

“Bagong student lang ako dito. I can play violin and piano and I can also sing. My favorite past time is sketching.” Tinapik ako ni Mrs. Legaspi sa balikat ko.

“Wait ikaw ba yung student from Juilliard? Wow! So malamang magaling ka nga kaso iha ang pinaprioritize namin dito ay yung hindi lang magaling sa isang instrumento kung hindi magaling rin sa pagkanta. Maari mo ba kaming bigyan ng sample?” Agad akong natinag at unti-unting lumaki ang butas ng mga mata ko na naging dahilan ng pagtawa ng lahat sakin.

“As in ngayon na po?” litong lito kong tanong.

“Oo naman iha. Kahit acapella lang.” Napahawak ako sa noo ko. Ang sarap sanang umiscapo sa kinatatayuan ko ngayon pero wala na e, andito na ko. Agad ko namang nakita ang isang piano sa likod namin at bigla akong nakaisip ng idea.

“Kailangan po ba buong song?” Natataranta na ako ngayon.

“Yes iha.” Nakangiting sagot ni Mrs. Legaspi. Biglang tumayo si Laurice.

“Teka nga, sumali ka dito nang wala kang alam sa pagkanta? Seriously? Miss don’t waste our time here. Kung paghihintayin mo pa kami ng matagal dito e mas mabuti pang—“ Hindi naituloy ni Laurice ang sasabihin niya dahil sumabat  si Clef.

“Oh come on! Give chance! Wala ba tayong karapatang kabahan kahit paminsan minsan lang?” Teka, si Clef ba talaga ‘to? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin?

“Enough guys! Kakanta si Melody. Diba iha?” Tumango naman ako.

Tinignan ko isa isa ang mga mukha nila, yung iba ay nagbubulungan habang tumatawa at yung iba naman ay naghihintay kung ano ang susunod na gagawin ko.

Ang pagkanta ay isa rin sa talent ko na kahit kalian ay ayoko sanang ipakita sa lahat hanggat maaari. Nagkakaroon ako ng stage fright kapag kakanta samantalang kapag magvaviolin lahat ng kaba ko ay nawawala.  Ganun kasi talaga ang epekto ng instrumentong  yun sa akin.

Tumalikod ako at dahan dahang lumakad papunta sa piano. Matagal tagal na rin simula nung huli akong nakaharap sa piano at matagal tagal na rin nung huli akong kumanta. Sa tuwing nararamdaman ko na ang takot ko sa pagharap sa maraming tao, pinipikit ko na lang ang aking mga mata at iniimagine ko na lang na si papa lang ang nanunuod sa aking kumanta.

Alam kong parang kabaliwan itong ginagawa ko na pumikit agad. Paraan ko na rin siguro ito para hindi ko makita ang mga reaksyon ng mga mukha nila na nakakadiscourage. Magsisimula na sana ako nang magsalitang muli si Laurice.

“May nagpeperform ba na nakapikit agad? Tss.” Ito na siguro yung sinasabi nilang face your fear. Agad ko namang chineer ang sarili ko.

“Kaya mo yan Melody.” Bulong ko at sinimulan ko na ang pagtugtog nang nakadilat  kahit na labag man ito sa kalooban ko.

Kailangan kong maging matapang upang maipakita sa kanila na kahit papaano ay may kakayahan akong hindi nalalayo sa kanila.

Itong kantang ‘to ay isa sa mga paborito kong kanta na madalas kong pinapakinggan lalong lalo na kapag napanghihinaan na ako ng loob. Kapag napapakinggan ko ‘to? Pakiramdam ko unti-unti akong bumabangon at nagiging matapang.

Hindi ako magaling sa pagsasabi kung ano ang nararamdaman ko, madalas ay dinadaan ko ito sa mga kantang pinapakinggan at tinutugtog ko. Kaya nga laging na lang malungkot ang mga tinutugtog ko, kasi yun at yun parin ang nararamdaman ko hanggang ngayon.

[NP: Warrior]
♪ This is a story that I've never told
I gotta get this off my chest to let it go
I need to take back the light inside you stole
You're a criminal and you steal like you're a pro♪


Gustong gusto  ko ang pinapahiwatig nitong kanta kaya naman damang dama ko ang pagkanta nito. Hindi ‘to nalalayo sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Malungkot at pakiramdam ko ay jinajudge ako ng iba kahit hindi pa nila ako kilala.

♪ All the pain and the truth
I wear like a battle wound
So ashamed so confused, I was broken and bruised ♪


Lahat ng lungkot ko ay gusto kong ibuhos dito. Isa daw sa mga sikreto sa pagkanta ay ang damahin ang mga lyrics na binibitawan mo upang madama at maintindihan rin ng iba kung ano ang gustong ipahiwatig ng kanta.

♪ Now I'm a warrior
Now I've got thicker skin I'm a warrior
I'm stronger than I’ve ever been ♪


Siguro nga, nang dahil talaga sa mga pinagdaan ko sa buhay ko simula nang mawala si papa. Natuto ako kung paano maging matatag at kung paano maging mas matatag pa sa mga pagsubok.

♪ And my armor, is made of steel, you cant get in
I'm a warrior and you can never hurt me again♪


Kaya nilikha ni God ang mga pagsubok ay upang subukan kung gaano katatag ang paniniwala natin sa kanya at sa ating mga sarili. Kaya minsan, kahit pinanghihinaan na ako ng loob sa mga sinasabi ng iba, iniisip ko na lang na pagsubok sila na kailangan kong lampasan.

♪ Out of the ashes,I'm burning like a fire
You can save your apologies, you're nothing but a liar
I've got shame, I've got scars
That I'lll never show I'm a survivor
In more ways than you know ♪

Haharapin ko kung ano man ang mga sasabihin nila sakin ng mag-isa. Alam ko kasing mag-isa na lang ako at wala na akong magiging karamay kung hindi ang sarili ko.

♪ Cause all the pain and the truth
I wear like a battle wound
So ashamed so confused, I'm not broken, or bruised ♪


Nakaharap ang piano sa kanilang lahat. Meaning nakaharap ako sa kanilang lahat habang nagpeperform parin ako. Nawala bigla ang kaba ko nang damhin ko ang kanta, pakiramdam ko ay may nawalang tinik sa dibdib ko na dati pang nakabara.

♪ Now I'm a warrior
Now I've got thicker skin I'm a warrior
I'm stronger than I've ever been ♪

Muli ko silang tinignan, ang kaninang nagbubulung-bulungan, ngayon ay nakikinig nang mabuti sa pagkanta ko.

♪ And my armor, is made of steel, you can't get in
I’m a warrior and you can never hurt me
There's a part of me I can't get back
A little girl grew up too fast
All it took was once, I'll never be the same ♪


Nakita ko si Clef na nakatingin sa akin ng seryoso. Kung titignan ko sila ngayon, iba iba talaga ang expression ng mga mukha nila. Bakit ganun? Normal naman na sa kanila na makakita ng isang taong nagpeperform sa harap nila pero bakit parang bago lang sa paningin nila?

♪ Now I'm taking back my life today
Nothing left that you can say
Cause you were never gonna take the blame anyway ♪


Mukha namang natutuwa si Mrs. Legaspi sa ginagawa ko dahil nakingiti siyang pinapanuod ako. Gumaan naman ang loob ko nang makita ko ang reaksyon ni Mrs. Legaspi sakin. Nakakagaan ng loob at nakakawala rin ng kaba. Actually wala na talaga yung kabang nararamdaman ko kanina.

♪ Now I'm a warrior
Now I've got thicker skin I'm a warrior
I'm stronger than I've ever been
And my armor, is made of steel, you can't get in
I'm a warrior and you can never hurt me again ♪


Nakaramdam ako ng lungkot sa pagiging mag-isa. Ganun talaga siguro kapag mag-isa ka. Walang kang aasahan at hirap kang magtiwala sa iba. May mga kaibigan nga ako pero nasa New York silang lahat. At muntik ko nang makalimutan, meron na rin pala dito. Sina Cosette at Benjo. Sana ay makilala ko pa sila nang lubusan para mabuo ang tiwala ko.

♪ Nooo oooh yeaaah yeaah ♪

Agad namang tumulo ang isang patak ng luha galing sa aking mata nang bibigkasin ko na ang huling linya ng kanta.

♪ You can never hurt me again ♪

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta, agad silang nagtayuan lahat at pumalakpak kasama na rin si Clef pwera lang si Laurice na hanggang ngayon ay nakataas parin ang kilay sa akin.

“Bravo iha!! Mezzo Soprano ka hano? Alam mo naiyak ako sa performance mo.” Sabay yakap sakin.

“Opo. MS nga po ako.”

“Ako rin naiyak ako!!” Tumayo yung Trina, yung Vice President. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang pagtayo ng iba at sinasabing “Ako rin”

Akala ko ay mapapahiya nanaman ako, nagkamali ako kasi hindi lang ako naniwala sa sarili ko dati. Dumating kasi sa punto dati na sa sobrang hiya ko ay umalis ako sa harapan ng stage palayo kaya naman naging kahiya-hiya ako nung araw na iyon.

Yun ang dahilan kung bakit ako takot kumanta sa harap ng maraming tao hanggang ngayon. Nagkamali ako, kaya ko naman pala talaga.

Nang papaalis na ako sa music room, sinabayan ako ni Clef ng paglalakad. Ayoko siyang kausapin at wala naman talaga akong balak. Ayun, siya ang unang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko nga akalaing kakausapin niya ko.

“Napahanga mo ko dun. Kahit pala boring ka may talento ka parin namang  hindi boring. Ayos.” At saka na niya ko nilampasan.

Mahirap intindihin kung anong ugali ang meron siya. Minsan suplado, minsan barumbado at kadalasan ay sobrang mapang-asar.

Sa paglabas kong yun ay marami nang nagpakilala saking miyembro ng The Independents kaya naman nakaramdam ako ng tuwa and at the same time lungkot.

Tuwa kasi hindi na sila katulad kanina na ina-underestimate ako. Lungkot kasi hindi naman sila magiging ganito kabait talaga sakin kung hindi ako nagperform. Ano bang meron sa boses ko kanina at bigla silang bumait? Siguro nga ay talagang naramdaman din nila kung ano ang nararamdaman ko.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #6 on: June 03, 2014, 04:25:24 PM »
Track 5
Partner

 
Isang rambulan ang naganap sa school na to habang nakaupo ako sa ilalim ng punong paborito ko. Tumingin ako sa itaas, andoon nanaman pala si Leysander. Tumingin siya sakin at bumaba galing sa itaas ng puno, tumabi siya at kinabit ang hearing aid niya.

Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maiwasan ang pakiramdam na kinakabahan at medyo hindi komportable. Mahirap mang aminin pero paghanga talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Bihira akong humanga sa isang tao. Dahilan na rin siguro sa pagkakita ko ng pagpapakatotoo niya sarili.

“Baka mamaya, dito sila mapunta.”

“Bakit ka bumaba?” nagtataka kong tanong.

“Kasasagot ko lang. Mahirap na, nagtatakbuhan pa naman sila.” Tumango na lang ako doon sa sinabi niya, grabe ‘tong mga estudyante na to. Nakakatakot nga sila, hindi nga nagkabula ang sinabi ni Leysander at napunta lahat sila dito.

“Tara na.” tumingin siya sa orasan niya. “Hapon na hatid na kita.”

“Ahhh naku naku wag na. Haha kaya ko na no.” Sabay kaming naglalakad ngayon.

“I don’t take no for an answer.” Napatahimik ako sa sinabi niya.

“Ahh teka! Ayaw kasi nakakakita ng mama ko ng isang lalaking naghahatid sakin so ako na lang mag-isa. Sige bye!” Sa totoo lang nagdadahilan lang naman talaga ko e, ayoko lang talagang sumabay sa kanya dahil nahihiya ako.

Pumayag naman siya at napaniwala ko siya sa sinasabi ko. Buti na lang at hindi siya mausisang tao. Naglakad na kami ng magkahiwalay na landas.

Hindi ko maiwasang maisip yung nangyari kaninang umaga. Hindi ko akalaing mapapahanga ko sila kahit papaano sa pagkanta ko kaya naman unti-unting nagform ng smile ang mga labi ko. Bihira pa sa eclipse ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Sa paglalakad ko at may tumawag sakin na humahangos pa. Paglingon ko, si Trina pala na Vice President ng The independents.

“Melody!! Wooh buti na lang at naabutan kita! May urgent meeting kasi ngayon               at kanina pa kita hinahanap.So tara na?” Tumingin ako sa wristwatch ko.

“Sige tara.” Agad naman kaming nakarating sa music room. Marami rami na rin sila at may mga kasabay ring kaming nagsisidatingan palang.

Aaminin ko, nahihirapan akong makisalamuha sa kanila at mukhang magiging mas mahirap pa ito sa mga dadating pang mga araw. Kahit ganito, kakayanin ko parin. Tutal naman ay sanay na ko sa pagiging mag-isa at madalas na walang kausap.

“Okay guys! Magbubunutan tayo ng mga magiging magkapartner sa darating na Music Month next month. At lahat ng mga magiging magkapartner na yun ay maglalaban laban or tayong lahat ay maglalaban laban at kung sino ang mananalo, yun ang magiging representative ng school natin para sa darating na contest na “The Duets”. Hindi porket duets eh ubligado nang lalaki at babae ang magkapartner. It doesn’t matter naman kung babae sa babae or lalaki sa lalaki, basta ang importante ay magandang ang blending. Right?” Si Trina yung nagsasalita. Mukha namang lahat ng mga tao dito ay kasundo siya at napapasunod niya lahat.

“So guys gumawa na ako ng palabunutan. Sinali ko narin yung name ni Melody dito. For example, ako nabunot ko si Jayson (sabay turo dun sa lalaking may hawak na drumstick) siya na yung kapartner ko and of course hindi na siya bubunot. Ready na guys?”

Pinalibot na niya yung box sa amin. Sa likod kasi ako naupo and take note, mag-isa lang talaga ako sa upuan at wala akong mga katabi. Halos magkakaibigan na kasi silang lahat at ayoko naman nang makigulo pa sa kanila.

Hinihintay ko na lang na mapunta sakin ang bunutan or kung hindi man, hinihintay ko na lang na may makabunot sa akin. For sure, kung sino man ang makakabunot sa akin ay makakaramdam siya ng lungkot or inis. Sino ba naman ang gugustuhing kapartner ako diba?

Kahit na anong gawin kong pagrerelax sa kinauupuan ko ramdam ko parin ang pakiramdam na parang kakaiba ako sa kanila. Sila nakukuha nila kung ano ang gusto nila as in kahit anong oras nila maisipan. Samantalang ako paghihirapan ko pa bago ko makuha. Siguro dati nakukuha ko kung ano ang gusto ko pero hindi naman kasi ako ganun kaluho.

Bawat makabunot ay binabanggit nila ng malakas kung sino ang nabunot nila at agad na silang magtatabi ng upuan para hindi na magkalituhan. Sumigaw na si Trina kung sino ang nabunot niya.

“Ako na!!Waahhh si Allen!!”

Si Laurice naman ay galit nang basahin niya kung sino ang nabunot niya. Yun kasi yung medyo weird na nerd na crush na crush siya kaya naman ganun na lang ang pagrereact niya nang malaman niyang yun ang magiging kapartner niya.

Naririnig ko rin ang mga babae sa harapan ko na si Clef ang pinag-uusapan. Siyempre, siya ang dream ng bawat babae dito na maging kapareho. Sino nga bang may aayaw na maging kapartner niya, bukod sa may face value eh magaling din siya.

Kung ako naman ay pamimiliin ng kapartner? Kahit naman sino ay ayos sakin basta lang yung makakasundo ko sa lahat ng oras.

Nag-uuusap usap na ang mga babae na malapit na raw kay Clef ang bunutan and thankful din sila dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakabunot kay Clef. Hapon na nga pala, kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.

Nang si Clef na ang bubunot, halos walang marinig na nagsasalita sa room. Ang tanging maririnig lang ay ang mahina niyang tawa habang bumubunot. Nang buksan niya ang ang nabunot niya, hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi niya.

“Melody Jazz Ritmo.Hmm.” Teka, pangalan ko yun ah!!!!

Tumayo na siya at nakikita ko na siyang papalapit sa upuan ko. Bakit ganun? Kasasabi ko lang sa sarili ko na kahit sino ay ayos lang na maging kapartner ko basta lang yung makakasundo ko. Paano ko naman ‘to makakasundo e mukhang bawat oras na gugugulin namin sa pag-eensayo ay mauubos dahil sa pagtatalo naming dalawa?

Umupo siya sa tabi ko habang lahat ng mata ay nakatingin samin. Napayuko ako. Ano bang kamalasan ang nangyayari sakin na ‘to?

“Kung iniisip mong kamalasan ang pagiging partner ko, nagkakamali ka. Ikaw ang pinakamaswerte.” Tumawa siya ng mahina.

“Anong kahanginan nanaman ba yang sinasabi mo?” Ramdam ko ang pagbubuntong hininga ng mga babae sa tapat ko.

“Hindi yun kahanginan, katotohanan yun.” Talagang inaasar niya ko, pwes hindi ako mapipikon sa mga sinasabi niya! Hindi ko na lang siya papansinin.

Natapos ang meeting nang hindi ko pinapansin ang pang-aasar sakin ni Clef. Nagmadali na lang ako sa paglakad dahil baka mamaya ay nasa likod ko na siya at sinusundan ako.

“Psst. Hatid na kita babaeng maswerte.” Hindi nga nagkabula ang hula ko. At anong sinasabi niyang babaeng maswerte? Kung alam lang niya kung gaano ako nagluluksa ngayon na siya ang magiging kapartner ko.

“Hindi na lang, lalaking mahangin.” Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Medyo naririndi narin ako kapag naririnig ko ang boses niya.

Nung muli akong lumingon sa likod ko, sobra sobra ang tuwa ko nang makita kong hindi na niya ko sinusundan. Tulad lang din naman ng dati, naglakad ako sa kalsada kung saan maraming tricycle, taxi and jeepney. Sayang naman ang transpo.

Makulimlim sa daan at nang papalapit na ako sa bahay, naramdaman ko na ang mga tubig na pumapatak  galing sa itaas at agad akong napabulong ng ‘patay’.

Binilisan ko na ang paglalakad at sa kasamaang palad, nakalock ang bahay at walang tao sa loob. Meaning umalis sina Olga at Amee at iniwan ako. Kung mas maaga lang sana akong nakauwi eh di sana hindi ako naabutan ng ambon.

Nagtuloy-tuloy ang kamalasan ko dahil ang kaninang ambon ay ulan na ngayon. Hindi ko alam kung saan ako sisilong ngayon. Halos lahat kasi ng bahay ay nakasarado, wala rin namang tindahan or sari-sari store na pwedeng pagsilungan kahit saglit. Ang inaalala ko ngayon ay yung violin ko, natatakot akong mabasa ito.

Kaya naman sa sobrang kaba ko, niyakap ko ito upang proteksyonan. Ang bag ko ang ginawa kong pangsaklob sa violin ko imbis na pangsaklob sa akin. Walang duda, ako ang nabasa at wala na rin namang magagawa kung sisilong pa ko.

Nagulat naman ako nang makita kong hindi ako napapatakan ng ulan at paglingon ko sa likod at pinapayungan na pala ako ni Clef. Ano namang ginagawa nito dito?

“Sabi ko na kasi, ihahatid na kita. Napapala ng makukulit.” Inalis ko yung payong niya sakin.

“Hindi ko na kailangan niyan, basa narin naman na ko eh.” Nagsmirk siya.

“Hindi mo nga kailangan pero kailangan ng violin mo. Diba? Tara na! Sumakay ka na sa kotse para hindi ka na mabasa ng tuluyan.” Hindi na ako tumanggi sa inalok niya.

Pinaandar niya ang sasakyan at dinala ako sa mall. Ano naman kaya ang ginagawa namin dito? Pinagbilinan naman niya ko na huwag akong aalis dito. Kaya ayun, hanggang ngayon ay hinihintay ko parin siya.

Maya maya rin ay bumalik na siya na may dala-dalang dalawang supot. Initsa niya sakin yung isang supot na naglalaman pala ng tuwalya.

“Bumili ka pa talaga?” Gulat na gulat ako sa inaasal niya sakin.

“Obvious naman diba? Wag kang mag-alala, mura lang yan at hindi mo dapat tanawing utang na loob. Siya nga pala, alam kong gutom ka na kaya bumili na rin ako ng pagkain natin.” Inabot niya sakin ang isang malaking burger at isang coke in can.

“Ah salamat ah.” Nakaramdam naman ako ng ginaw.

“Paano ka ngayon niyan?” Sa tono ng pananalita niya ay sincere naman siya.

“Hindi ko alam. Pag tumila ang ulan, iwan mo na lang ako sa labas ng bahay namin.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. ‘Di ako makapaniwalang kausap ko si Clef ngayon ng matino.

“Baliw ka ba?” Hinipo niya ang noo ko. “Ang taas pala ng lagnat mo! Tss.” Hinubad niya yung jacket niya at pinaharurot na ang sasakyan niya.

“Hoy saan mo ko dadalhin!!”

“Alam kong hindi naman tayo close pero may konsensya naman ako. Kung iiwan kita para ko na ring pinabayaan ang isang kuting na basang basa lang sa ulan.” Mahinahon lang ang pagkakasabi niya nun.
Mukhang nagkamali talaga ako ng pagkakakilala ko sa kanya. Hindi siya mabait pero mabuti siyang tao. Napatitig tuloy ako sa kanya. Hindi ko rin akalain na yung Clef na kailan lang ay kaaway at kinabubwisitan ko ay ang magiging savior ko ngayong araw na ‘to.

Caring siya sa mga taong nasa paligid niya. Kaaway man niya o hindi, kaclose man niya o hindi basta nangangailangan ng tulong ay tutulungan niya.

“Salamat Clef.” Lumingon siya.

“Wala yun. At tandaan mo, ayoko parin sa musika mo at ikaw parin ang pinakamaswerteng babae ngayon sa school.” Yun nga lang, hindi talaga maiaalis sa kanya ang kayabangan at yung pagiging mapang-asar niya.

Dinala niya ko sa isang sobrang laking bahay. Para itong mansyon sa laki at parang hindi na sila magkakakita kita sa loob.

“Bahay namin ‘to. Dito ka na lang muna. Wag kang mag-alala, walang tao dito kung hindi ako lang. Sa room ka na lang ng ate ko matulog.”

Malakas parin ang ulan hanggang ngayon. Mukhang magkakaroon talaga ko ng utang na loob sa mayabang na ‘to.

Matapos niyang magpark, bumaba siya at pinayungan ako para makalabas. Inalalayan rin niya ko para makapaglakad nang maayos. Hindi ko alam na gentleman din pala siya. May mga sikat at mayayaman parin naman pala na hindi matapobre.

Pagpasok ko ng bahay, may isang malaking painting ng isang babaeng nakahawak sa piano. Napahanga ako sa ganda nito. May piano rin sila sa bahay nila at sobrang luwang talaga ng loob. Ang design ng wall nila ay sobrang lamig sa paningin at ang bango rin sa loob.

Habang naglalakad parin kami ay may biglang tumawag sa cellphone ko. Si Olga pala. Sa totoo lang ay ayoko itong sagutin, kaya lang baka magalit silang dalawa sa akin.

“Hindi kami makakauwi ngayon. At kung maaari sana ay maghanap ka na ng trabaho at lilipatan mo nang wala na kaming inaalala pa!” Agad naman akong nakaramdam ng mas lalo pang panghihina.

“Ah si-sige.” Napaupo ako at naramdaman ko na lang ang sarili kong umiiyak.

Ito na ba yung katapusan ng pangarap ko? Paano na ko ngayon? Ang hirap din talaga kapag nag-iisa ka. Hindi ko naman mahihingan ng tulong sila lola dahil nasa States sila at ang alam nila ay nasa mabuti akong kalagayan kasama nina Olga.

Nakaupo parin ako sa sahig at nagulat ako nang umupo rin si Clef at tinabihan ako.

“Sabi nila ay may tatlong rason daw kung bakit umiiyak ang isang tao. It’s either puwing, sibuyas, kasiyahan o nasasaktan. Alin ka ba dun?” Inabutan niya ko ng panyo.

“Alam ko ayaw mo sakin at ayaw ko rin naman sayo Clef.” Tumawa siya ng bahagya.

“Hindi pa ba obvious na ayaw natin sa isa’t isa. Unang una, hindi ko alam kung bakit ako naiirita sayo at pangalawa, boring ka.” Sinuntok ko siya ng mahina.

“Sayo ko lang sasabihin ‘to. Wala na kong mga magulang, pamilya o kapatid. Ang mama ko ay iniwan kami ng daddy ko nung baby palang ako kaya ni minsan ay hindi ko siya nakilala. Meron akong stepsister at stepmother pero hindi madali ang makasama sila. Pinaaalis na nila ako sa bahay namin at ngayon kailangan ko nang maghanap ng trabaho, ito na yata talaga ang katapusan ng pangarap ko.” Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyong binigay niya.

“Bakit mo sakin sinasabi ‘to?” Sinauli ko na ang panyong inabot niya.

“Kasi alam kong hindi mo sasabihin sa iba. Yun lang. Tara na at tumaayo na tayo, para tayong bata dito.” Nauna na ko sa kanya sa paglalakad.

“Teka sandali!” Pinigil niya ang braso ko.

“Gusto kitang tulungan.” Seryoso ba siya?

“At hindi ko yan matatanggap.” Muli na akong tumalikod.

“Sabi nga nila, kapag nangarap ka, dapat may kasamang gawa. Paano mo matutupad yun kung ikaw ang tumatanggi sa opportunity?”

May punto siya. Alam kong mali ang sinabi ko sa kanya at aminado akong pride ang pinapairal ko ngayon. Napatahimik na lang ako at hindi ko na lang siya sinagot.

Dinala niya ko sa kwarto ng kapatid niya na ubod ng laki at ganda. Binigyan rin niya ko ng damit na damit daw dati ng kapatid niya. Pinagdinner niya ko at pinainom rin ng gamot. May mga ilang maids siyang kasama sa bahay niya at isang security guard.

“Ang dami ko nang utang na loob sayo. Paano ko ba ‘to mababayaran?” Ngumiti siya.

“Madali lang yun babaeng maswerte at boring. Tanggapin mo lang ang alok ko, bayad ka na sa utang na loob mo sakin.” Agad nanaman akong napatahimik.

Kailangan ko yata  talagang pag-isipan nang magdamag ang sinasabi niyang ‘to.

Hanggang sa pagtulog ay yun parin ang iniisip ko. Kung anu-ano na nga ang pumapasok sa utak ko e. Paano kung hindi ko yun kaya? Paano kung mahirap na trabaho ang ibigay? At paano kung makakasagabal ito sa pag-aaral ko?

Ang hirap magdesisyon pero ngayon alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. Siguro nga tama siya.

« Last Edit: June 03, 2014, 04:28:42 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #7 on: June 04, 2014, 06:17:40 PM »
Track 6
The Decision

 
Pag gising ko nung umaga, napagisip-isip ko na kung ano ang gagawin kong desisyon sa inalok sakin ni Clef kahapon. Paglabas ko ng room ng ate niya, halos masilaw ako sa liwanag ng sinag ng araw na galing sa labas. Medyo ayos na rin naman ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon kaya bumalik na lang muna ako sa kwarto ko para magbihis. Pinalabhan na niya kasi kagabi yung mga damit ko kaya isusuot ko na ngayon.

Naligo ako tutal naman ay may banyo na sa kwarto ng ate niya. Grabe, parang kwarto ng isang prinsesa at daig mo pa ang nasa hotel. May sala siya, sariling flat screen TV at sariling banyo na parang banyo rin ng isang prinsesa. Napakaswerte ng ate niya at kitang kitang minemaintain nila ang kalinisan ng kwartong ito.

Hindi na ako nagtagal maligo. Ang laki laki ng banyo at pwede ka talagang magrelax dun sa loob. Sanay lang kasi ako sa banyo na may shower lang. Gumayak na ako ng mabilis para makaalis na rin. Nakakahiya na kasi kay Clef kung magtatagal at magaalmusal pa ako dito.

Dinala ko na ang violin at yung bag ko. Tiniklop ko na rin yung mga damit na ipinagamit niya sakin. Buti na nga lang at gumaling na ako agad.

Nang lumabas ako ng room, muntik na akong mabangga sa didib ni Clef. Nandoon pala siya sa labas at hinihintay ako.  Ano ba ang akala niya? Lalayas na ako agad agad dito na hindi man lang nagte-thank you sa kanya?

“Ahh aalis na ko Clef. Maraming salamat ah!” Tinapik ko ang balikat niya.

“Magbreakfast ka. Wag kang aalis ng walang laman ang tiyan mo.” Cold na sabi niya.

“Salamat na lang Clef. ‘Di naman ako ganun kagutom.” Lalagpasan ko na sana siya kaso bigla niyang hinatak ang braso ko.

“Yung tungkol sa kagabi, ano na ang desisyon mo?” Anong meron sa kanya ngayon at parang sinapian siya? Nakakapagtaka naman yata.

Bigla ko namang naalala yung tungkol sa kagabi. Naniniwala ako sa sinabi niyang kapag nangarap ka, dapat may kasamang gawa. Bakit ko ba sisirain ang mga pangarap ko ng dahil lang sa stepmom at stepsister ko?

“Sige.Pumapayag ako.”Tumingin siya sakin ng diretso. Medyo nakakailang yun ah.

“A-ano bang trabaho ko?” Bahagya siyang ngumiti at hindi ko gusto ang ngiting yun.

“Personal Assistant ko.” Nanlaki ang mga mata ko at ang tagal nagprocess sa utak ko ang mga sinabi niya. Muli ko siyang tinignan.

“ANO?!” Nakita ko na lang siya na papalabas na ng pinto at sumigaw pa bago tuluyang lumabas.

“Sabi mo sige at wala na yun bawian!”At dumila pa siya bago umalis.

Ibig sabihin umaarte lang siya na parang seryoso kanina para lang mapapayag ako na magtrabaho sa kanya? Napakataba talaga ng utak ni Clef!

Bago ako umalis ng bahay niya, pinilit akong kumain ng maid nila dahil kapag hindi daw ako kumain patay daw sila kay Clef. Ang siyado naman niya! Kaya naman kumain na rin ako at hindi na tumanggi pa sa grasya. Nabusog naman ako dahil masarap ang nakahaing umagahan sa kanila. Hindi tulad sa bahay na hindi na ko halos makakain.

Matapos kong kumain ay pinainom ulit nila ako ng gamot. Pinahatid rin niya ako sa driver nila para masigurado ang kaligtasan ko. Buti na lang at hindi ito yung driver mismo ni Clef dahil kung malaman ng mga fans niya ‘to, sure akong kukuyugin nila ko.

Medyo luhaan nga ako nung umalis ako ng bahay nila. Paano ba namang hindi? Magiging PA ako ni Clef at susundin ko ang mga pinaguutos niya.

Sa totoo lang ay hindi naman sa ayaw ko talaga. Kung hindi natatakot ako na baka mahirapan akong lalo sa pagsunod sa kanya dahil baka nga pagtripan lang din niya ko.

Sinalubong ako ng energetic at masayang pagbati ni Cosette with matching yakap sakin. Nakakatuwa talaga ‘tong babaeng ‘to. Kalog at maingay pero hindi nakakairita o nakakaasar. Halata naman kasing hindi siya plastic.

“Good morning fiddler!! Kamusta?” Inakbayan pa niya ako.

“Ah ayos naman ako, ikaw?” Ngumiti siya ng malapad.

“Ano bang sagot yan!! Kwentuhan mo naman ako kung anong nangyari sayo kagabi, kamusta tulog mo or kung sino napaginipan mo. Yung ganun!” Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Sige na nga, sasabihin ko na nga lang para medyo gumaan gaan naman yung pakiramdam ko.

“Ano kasi ganito yun. Ano teka pano ba ko ba ‘to sasabihin.” Nagkamot ako ng ulo.

“Hala! Hala! BAKIT?!” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Hala alam mo na?” Nataranta ako bigla.

“Wala lang. Trip ko lang gumanun ano ka ba! Sabihin mo na nga! Kinabahan ko lalo hanoh? Ibig sabihin effective akong artista!” Sabay tawa niya ng malakas. Akala ko naman kung ano na.

“Kasi ganito yun. Sa The Independents kasi ako pumasok at naging kapartner ko si Clef.” Hinawakan niya ko sa dalawang balikat ko.

“WHAT?!” hyper niyang tanong. “Sige tuloy.” Para siyang baliw sa ginagawa niya e.

“Tapos edi ayun nga, nung umuwi ako ng hapon umulan tapos ‘di ko alam na sinundan niya ko at sakto namang nakasara ang bahay kaya ayun. Dun ako natulog sa bahay nilang ubod ng laki.” Napatalon naman siya.

“OH MY GULAY!!! DANDANDANDALANDAN! IS IT REAL? IS IT REAL?” Natawa naman ako sa reaksyon
niyang yun. “Oh tapos, may nangyari ba?” Pagpapatuloy niya na may taglay na mapangakit na boses. Maloloka na yata ako sa babaeng ‘to.

“Wala ano ka ba! Ang sakit mo sa ulo Cosette!” Natawa siya sakin.

“Oh eto na nga seryoso na. Ayy ibig sabihin inaadmire ka niya! Kaloka. Haba ng hair mo, sing haba ng buhok ni dyesebel e.” Bakit naman biglang napasok si dyesebel?

“Hindi noh! Pinagtitripan niya ko! Dahil nga kailangan ko ng trabaho at bahay, inalok niya ko at pumayag naman ako. Hindi ko naman akalain na gusto niya pala akong maging PA. Wala na eh, nakapayag na ko. Baka naman sabihin niya wala akong isang salita! Natatakot lang kasi ako na baka pagtripan niya lang ako lagi.” Nagpatuloy kami sa paglalakad.  Medyo hininaan na namin ang pag-uusap dahil baka mamaya ay may makarinig pang fangirl niya.

“Hindi gagawin sayo ni Clef yun. Maniwala ka sakin.” Confident na sabi sakin ni Cosette at nauna na siyang pumasok sakin sa room.

Paano naman niya nasabi yun e napakagulo nga ng lalaki na yun? Ni mismo ako hindi ko maintindihan ang ugali niya e. Kagabi napakabait niya tapos naging seryoso nung umaga tapos bumalik sa pagiging pang-asar. Sino ba makakatagal dito? Maski yata fangirl niya ay hindi makakatagal sa kanya.

Nauna siya saking pumasok pero wala pa siya sa room. Ayun late nanaman siyang pumasok at halos sabay pa sila ng teacher niya na umeentra sa room.

“Mr. Castillo! How many times do I have to tell you na kailangan mauuna kayo sakin pumasok! Responsibilidad mong pumasok ng maaga.” Yung mga babae dito ay hindi alam kung paanong pagpapaganda ang gagawin nila, mapansin lang sila ni Clef.

“Diba po kayo rin late? Dapat pagalitan rin namin kayo Ma’am.” Nagsitawanan naman lahat ng mga kaklase ko sa room. Sumama ang tingin ni Ma’am.

“Joke lang po yun. Uupo na po ako!” Umupo na siya at nilingon pa niya ko. Nakakaasar siyang tumingin, parang may balak siyang gawin na katawa-tawa sakin.

Lumipas ang mga oras na walang pumapasok sa utak ko. Naoccupied kasi ng thoughts na nakakaasar eh. Lumipas ang mga oras, ni isa wala man lang akong natutunan. Naisip ko tuloy, anong klaseng estudyante ako.  Pangako, ‘di na ‘to mauulit.

“Huy breaktime na! Wala ka bang balak magmerienda?” Pagtatanong sakin ni Cosette habang tinatapik tapik ako sa likod.

“Tara na! Libre kita dali!!!!” Pumunta naman sa harapan ko si Benjo. Kumapit si Cosette sa braso niya.

“Ako rin ako rin!” Napapoker face naman si Benjo.

“FINE!” Nagtatalon naman sa saya si Cosette dahil sa wakas daw ay nilagnat si Benjo.

Pilit nila akong sinasama pero nagpaiwan parin ako. Sinabi ko rin sa kanila na nagkalagnat ako kagabi at medyo masama parin pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin ako nagpabili ng kahit anong pagkain sa kanila, tutal hindi pa naman ako masyadong gutom.

Naiwan rin si Clef sa room na siya namang ikinatakot ko. Maraming nag-aaya sa kanyang sumabay sa cafeteria para magmerienda pero lahat yun tinatanggihan niya.

Hindi ko siya tinitignan o sinusulyapan man lang. Basta nakatingin lang ako sa sapatos ko habang nakadukdok parin ako na nakalabas yung mukha ko.  Nag-iisip lang ako ng mga bagay bagay na pwede kong gawin.

What if magapply na lang ako sa isang bar para maging isang janitress? Ay pangit yun. Waitress? Malamang tuwing gabi yung mga trabahong yun, e di nawalan ako ng pahinga? Napahinga ako ng malalim sa sobrang pag-iisip ko.

“Magiistart ka na bukas sa trabaho ah. Alam mo na.” Dumaan sa gilid ko si Clef. Wala akong balak lingunin o tignan man lang siya. Mahina lang ang pagkakasabi niya nun, sapat na para ako lang ang makarinig. Ayun, hindi ko siya pinansin.

Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat talaga sumama na ko sa kanilang dalawa e. Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi. Tulad na lang nung kay Clef na yun. Huli na ang lahat kasi nakapayag na ko.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may nakita akong lalaking nakatayo sa harapan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita kung sino. Si Leysander pala. Lumuhod siya sa harapan ko habang seryoso ang kanyang mukha.

“Balita ko may sakit ka daw. Dapat hindi ka nagpapagutom.” Binaba niya sa harapan ko ang isang sandwich at isang orange juice. Matapos niyang ibaba yun ay hinipo niya ang noo ko habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

“Medyo mainit ka nga. Kung sumasakit ang ulo mo inumin mo ‘to pagkakain mo niyan.” Tumayo na siya.

“Sige. Alis na ko.” Sinundan ko siya ng tingin papalabas ng room. Lahat ng mga kaklase kong galing sa cafeteria ay nakatingin sakin na may halong pagkagulat.

Hindi ko alam kung bakit ang bait bait niya sakin at ginagawa niya sakin ‘to. Hindi man lang ako nagpasalamat sa mga binigay niya at hindi man lang din ako nakatanggi. Nakatingin parin sila sakin lahat pati na rin si Clef.

Pagkaalis nang tuluyan ni Leysander sa room ay agad sumigaw si Benjo at si Cosette.

“OH MY GULAY!!! PARA AKONG NANUNUOD NG ISANG KOREANOBELA!!” Sigaw ni Cosette.

“HAHAHA! WOOH BINATA NA UTOL KO!” Binigyan ko naman sila ng “tumahimik na kayo” look para tigilan na nila ako.

Napangiti naman ako ng hindi ko namamalayan.

Nung uwian ay inabangan ko si Leysander sa gate para pasalamatan. Isasauli ko rin yung gamot na ibinigay niya sakin dahil nawala na rin naman agad yung sakit ng ulo ko kanina. May bumusina saking sasakyan. Bastos ‘to ah!

“Psst. Bukas ah, wag na wag mong kakalimutan!!” Si Clef lang pala. Ano bang problema nun? Ibig sabihin ay mag-uusap na kami ng masinsinan bukas. Kinakabahan ako dun.

Sa pagtitiyaga ko ng paghihintay, nakita ko na si Leysander na naglalakad mag-isa na may dala-dalang paper bag at nakayuko. Lalagpas na sana siya sakin kaya tinawag ko na siya agad.

“Ley!” Agad naman siyang lumingon sakin at lumapit.

“Hmmm?”

“Salamat nga pala sa binigay mo sakin kanina. At ito na nga pala yung gamot na binigay mo, ‘di ko na rin nagamit dahil nawala naman agad yung sakit ng ulo ko nang makakain na ko e.” Hinipo niya ulit ang noo ko na parang tinitignan kung may sakit pa ako.

“Wala nga.” Saka niya pinat ang ulo ko ng mahina.

“Ah ito na oh.”  Inabot ko sa kanya yung gamot.”

“Wag na, itago mo na lang yan. Kung sakaling sumakit ulit ang ulo mo, may iinumin ka na. Sige.” Naglakad na siya palayo.

Napaka-kalmado niyang magsalita. Ano bang meron at ganun na lang ang kabaitan niya sakin? Ay ano ba ‘tong pumapasok sa isip ko. Baka naman nature na niya talaga ang maging mabait kahit kanino.
Pumapasok parin sa isip ko na nageffort pa talaga siyang puntahan ako para ibigay lang ang mga ‘yon? Kung ano man yun ay ayoko ng isipin. Kanina pa kasi magulo ang isip ko at ayoko nang maging magulo pa lalo.
 

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #8 on: June 08, 2014, 07:01:47 PM »
Track 7
Miss Fiddler
 

Nagising ako na puro kalat sa bahay. May mga bote ng alak sa mesa, balat ng chichirya at mga upos ng sigarilyo. Ibig sabihin ay hindi ko pala namalayan na may nag-inuman kagabi dito at ako naman ay sobrang himbing ng tulog.

Sa pagkakaalala ko, nung umuwi ako ng bahay, si Olga at yung boyfriend lang niya ang nandito. Nakita ko si Amee na maagang natulog e kaya imposibleng maging sa kanya ‘tong mga kalat na ‘to.

Isa-isa ko itong pinulot. Niligpit ko ang mga gamit sa mesa at yung mga balat naman ng chichirya at tinapon ko na sa basurahan. Gusto nila kong palayasin. Papaano na lang itong bahay kung ganung klaseng tao sa kanila ang mamumuhay?

May naramdaman ako sa likod ko na gumagalaw kaya naman nilingon kung sino. Nakita ko si Amee na susukot sukot at halatang kagigising lang.

“Good morning.” Bati ko sa kanya.

“Anong good sa morning? Teka nga, bakit ba ang kalat kalat dito ha?” Agad namang lumabas galing sa iisang kwarto sina Olga at yung boyfriend niya.

“Sila yung nagkalat Amee.” Bulong ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla bigla siyang pumunta sa likod ko nang makita ang boyfriend ng mama niya.

“Oh gising na pala kayo. Paghanda mo na kami ng makakain.” Nagkatinginan kami ni Amee

“Ah mama bibili na lang kami ni Melody sa labas ng makakain.” Naguluhan naman ako sa sinagot ni Amee kaya binigyan ko siya ng “anong sinasabi mo” look at kumindat naman siya sakin kaya sinakyan ko na lang.

Hinila niya ko papunta sa labas habang sabay kaming tumatakbo. Naguguluhan ako sa kung anong nangyayari ngayon. Huminto kami sa tapat ng isang convenience store at sabay na pumasok sa loob nito.

“Teka lang, pwede naman tayong maglakad diba? Hiningal ako dun.” Nakita kong hindi maipinta ang mukha niya kaya agad akong nagtanong.

“May problema ba?” Tumingin siya sakin at agad akong hinawakan sa dalawa kong balikat.

“Ayokong makita yung boyfriend niya!!!” Napataas nang sabay ang dalawa kong kilay.

“Nye? Bakit naman?” Parang nag-aalangan pa siyang sabihin kung ano ang dahilan.

“Sabihin mo na dahil kailangan ko pang bumalik sa bahay para gumayak at pumasok sa school. Friday kaya ngayon at marami akong kailangang tapusin.” Umupo siya sa upuan.

“Pwede bang sa likod tayo dumaan para hindi nila tayo makita? Tutal parehas naman tayong nasa itaas ang kwarto e. Basta ayoko lang makita yung lalaking yun. Wag na nating balikan si mama.” Napatango na lang ako.

“Okay sige. Tara na.” Agad na kaming umalis sa convenience store.

Dahan dahan kaming pumasok sa gate at dahan dahan din kaming pumasok sa pintuan ng bahay namin sa likod. Sa paglalakad namin sa stairs ay dahan dahan rin para hindi kami marinig nila Olga at nung boyfriend niya.

Kahit hindi ko alam kung bakit namin ‘to ginagawa, sumunod na lang ako sa gusto ni Amee dahil alam kong may rason siya kung bakit niya ito ginagawa.

Agad siyang gumayak at ganun din ako. Inapura niya kong magready para daw makaalis na kami agad kaya naman nakalabas kami ng bahay nang hindi pa ako nagsusuklay or nagpopolbo man lang. Mukha tuloy akong haggard. Kung sa bagay, wala naman na akong igaganda pa. I’m just plain and will always be plain. Wala nga akong alam sa fashion.

Talking about my style. Wala talaga akong sense of fashion tulad nga ng lagi saking sinasabi ni Amee. Pero sa totoo lang ayos naman na talaga ako sa t-shirt, pants at rubber shoes. Paminsan minsan din ay nagpepedal ako or nagdadoll shoes naman kahit papaano.

Dala dala ko ang violin ko ngayon. Bigla ko namang naisip kung bakit ko ba ‘to dinala eh wala naman akong pag-gagamitan? Sa tingin ko ay hindi ko na magagamit itong violin ko sa sinalihan kong club na yun. Buti sana sa orchestra na lang ako sumali, edi sana magagamit ko ‘to araw araw sa ensayo.
Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi sa mga desisyong ginagawa natin. Minsan alam na nating mali, yun parin ang pinipili natin. Kaya inaamin kong nagkamali talaga ako. Okay lang, tao lang din naman ako at nagkakamali rin.

Hindi kami nag-uusap ni Amee habang papunta sa school. Kaya lang, bago kami pumasok ng gate ay bigla niya akong hinila sa gilid nang wala man lang akong kaalam-alam kung bakit.

“Sandali nga, close ba kayo ni Clef?” Nagulat ako sa tanong niya.

“Hindi. Kaklase ko lang siya.” At agad na akong umalis sa harapan niya.

“Alam mo, crush na crush ko yun. Napakagwapo niya kasi at sobrang misteryoso. Alam ko namang hindi ka nun magugustuhan maski bilang isang kaibigan. Dahil ang mga gusto niya ay ang tulad kong mayaman at maganda.” Pahabol pa niya. Napahinto ako sa paglalakad.

“Oo tulad mo nga ang magugustuhan nun. Pero sabihin mo nga sakin, pera at kagandahan lang ba ang batayan mo sa pagkakaroon ng kaibigan? Ako kasi hindi e. Ugali yung sakin. At kung hindi ko man maging kaibigan yung taong yun, ayos lang dahil hindi ko rin naman siya gustong maging kaibigan.” Saka ako lumakad na papalayo.

Malamig-lamig pa ngayon dahil umaga pa lang. Naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Bigla ko namang naalala na hindi pa ako kumakain ng breakfast. Ayoko pa naman sa lahat ay yung hindi nakakakain ng umagahan.

May humila naman sakin galing sa gilid na nakashades at cap habang suot-suot ang isang jacket na kulay itim. Sa takot ko ay natadyakan ko ang paa niya.

“Aray naman! Sadista ka!” Sumigaw yung lalaking humila sakin sabay tanggal ng shades at cap niya. Bakit ba kailangan niya pa akong takutin e pwede naman niya akong tawagin lang ng normal?
“Tanga ka ba? Sana tinawag mo na lang ako!” Inayos ko yung damit ko.

“Mas tanga ka ba? E di kinuyog tayo ng mga babae at nagkaroon ka ng death threats after 10 minutes!” Natauhan naman ako sa sinabi niyang yun. Hindi ka talaga nag-iisp Melody, isang Clef Castillo nga pala yang kasama mo na isang sikat na singer.

“Sabi ko kahapon mag-uusap tayo ngayon. Bukas ang start ng trabaho mo. Bahay ang problema mo? Dun ka sa bahay namin tutal sobrang laki nun at napakalaki pa ng space. So bahay check. Trabaho? Check. Ang tanging gagawin mo lang ay sasamahan at iaassist mo ako every mall shows, tv guestings, photoshoots, concerts, tour and recording. Gets mo?” Tumango tango na lang ako dahil wala akong masabi sa mga sinasabi niya.

“So dapat alam mo lahat ng schedule ko. At malalaman mo yun sa manager ko. Bukas makakalipat ka na sa bahay. Yun lang. Bye.” Muli niyang isinuot ang cap at shades niya saka na umalis sa harapan ko.
Hindi parin nagsi-sink in sakin yung mga sinabi niya sakin. Maghapon akong walang kibo at tahimik lang na nag-iisip sa isang tabi.

Ibig sabihin kailangan ko nang magimpake mamayang gabi at iwanan na ang bahay na yun? Parang hindi ko yata kaya.

Puno ng masasayang memories ang bahay na yun nung kasama ko pa si Papa. Parang sa isang iglap lang ay mawawala lahat ng yun nang dahil lang sa gusto akong paalisin ni Olga. Napahawak ako sa sintido ko sa sobrang gulo ng nangyayari.

“HUUUY!!” Ginulat ako nina Benjo at Cosette. Nandito kami ngayon sa cafeteria para bumili ng maiinom bago kami umuwi at kasama rin namin si Leysander.

“Ay Clef! Ay bakit?” Nagkatinginan silang dalawa.

“Friday na Friday e tulala ka, siguro yung isip mo na kay Clef hanoh?” Napatingin sina Leysander at Benjo kay Cosette.

“Naku hindi noh! Grabe ka. Sige mauna na ko, may aasikasuhin pa ko e.” Sa sobrang tense ko ay hindi ko na nagawang bumili ng maiinom ko.

Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad nang habulin ako ni Leysander.

“Bakit?” Inabutan niya ako ng isang tropicana.

“Naku hindi na!!” Pagtanggi ko kaso bigla naman na siyang tumakbo palayo sakin.
Certified tahimik talaga yun at magugulat ka na lang sa mga kilos niyang kakaiba lagi. Kahit ganun, natututo na rin akong masanay na ang isang Leysander ay hindi kailanman magiging maingay tulad nung dalawa naming kasama.

Hindi naman ako sobrang tahimik na tao dahil kahit papaano ay nagsasalita naman ako kapag tinanong ako, hindi katulad ni Leysander na bilang lang ang mga salita niyang binibitawan. Kung minsan pa nga ay hindi ka pa niya sasagutin. Tulad na lang ng ginawa niya kanina at kaninang tanghali din. Three times na nga niyang ginagawa sakin yun e.

Katulad niya, gusto ko rin sa mga tahimik at mapayapang lugar kung saan wala akong ingay na naririnig. Masaya kasi minsang mag-isa, lalo’t na alam mong napakapayapa ng makikita at maririnig mo.

Tinitigan ko muna ang tropicanang ibinigay sakin ni Leysander bago ko inumin. Nakakatuwa lang isipin na, kahit ganun siya, siya yung tipo ng taong alam kung paano pakisamahan ang isang tao kahit na alam niyang magkaiba sila ng ugali.

Halos masamid ako nang may bumusina nanaman galing sa likod ko. Napakawalang modo naman ng gumawa nito at parang alam ko na kung sino.

“Yow miss fiddler! Bukas ng 3:30 am susunduin na kita sa bahay niyo. Kukuhanin ko yung number mo dahil ayokong bumusina sa labas ng bahay niyo. Dapat dala mo na ang mga gamit mo ha! Paalala lang, AM ha! AM hindi PM!” Talagang kailangan pa niya yun iemphasize.

“Oo sige.” Yun lang ang isinagot ko. Kumuha ako ng ballpen at kapirasong papel para isulat ang number ko para ibigay sa kanya. Nang maiabot ko na ang papel, nilagpasan ko na siya.

Bakit ba ang aga aga niya kong susunduin sa bahay e wala namang pasok bukas. Mukhang hindi na yata ako makakapagpahinga ng maayos ah.  Hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina nanaman na kotse galing sa likod ko.

“Wag na wag mong kakalimutan! Napakaboring mo talagang kausap miss fiddler!” Napatingin ako ng masama sa sinabi niya.

“Oo na.” Sagot ko na lang para matahimik na siya.

“Tipid ha!” Bakit ba ang lakas ng boses niya samantalang magkalapit lang naman kaming dalawa? Buti na lang at sa second gate ako dumaan at sigurado ako ditong walang tao.

Iniwan ko sa locker ko yung ibang gamit at ang bag ko para gumaan naman ang dala dala kong bag. Tutal wala naman kaming homeworks kaya ayos lang. Wala rin namang sinabing magaganap na quizzes sa Monday kaya free na free ang utak ko sa studies.

Ang tanging inaalala ko na lang ay simula bukas, makakasama ko na si Clef sa kahit ano mang journey niya sa music career niya at mas makikilala ko pa siyang mabuti ngayon at hindi rin malabong maging madalas ang pagiging kunsumido ko pero knock on wood, huwag naman sana.
Kinagabihan ay nagtext siya sakin.

“Miss fiddler, huwag kang mag-alala. Ligtas ka sa mga fans ko. Bad night and have a nightmare.” Hanggang sa text ba naman ay ganun siya.

Kaya naman ngayon pa lang ay hinahanda ko na ang sarili ko na mahihirapan talaga ako sa pagiging PA niya. Kahit anong mangyari ay kakayanin ko ‘to.

Lumuwag naman ang pakiramdam ko nang sabihin niyang ligtas ako sa mga fans niya. Sa lahat ng sinabi niya, yun lang ang pinagkakatiwalaan ko. Alam naman niyang hindi ako kasali sa mga fans niya kaya alam kong ligtas talaga ko.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #9 on: June 08, 2014, 09:51:23 PM »
Track 8
Mall Show

 
Maaga nga niya akong sinundo sa bahay. As in sobrang aga. Buti na lang at nagising ako sa alarm ng cellphone ko, minsan kasi may time na kapag antok na antok ako, hindi ako tinatalaban ng alarm. Akala ko pa nga malelate siya nang kahit kaunti lang e.

Tinext niya akong nandun na siya sa labas. Ayaw niya kasing kumatok dahil baka mamaya ay malaman nila Amee na andito yung idol niya, magagalit talaga sakin yun.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref para ipaalam na umalis na ako sa bahay. Sigurado akong masusurpresa talaga sila sa pag-alis kong ito.

Pagdating na pagdating ko sa bahay kahapon ay sinimulan ko nang mag impake. Hindi na nga ako nagdinner para lang matapos ko yun agad agad. Nang matapos kong tapusin lahat ay natulog na lang ako kesa kumain ng dinner kaya naman pagkagising na pagkagising ko kanina ay nagutom ako.

Dumaan muna kami sa bahay nila para daw ibaba ang mga gamit ko sa guest room. Buti na nga lang at hindi na ako matutulog dun sa room ng ate niya. Dahil sobrang nakakahiya kung doon ako. PA lang naman ako tapos sobrang ganda pa ng magiging kwarto ko?

Agad din naman kaming umalis ni Clef dun. Hindi pa kami nag-uusap ng matino. Yung tipong parang hindi namin kilala ang isa’t isa? Medyo magulo talaga ang ugali niya.

Papunta na kami ngayon sa Pampanga, nasabi niya kasi sakin na may mall show daw siya dun kaya maaga daw kaming naalis. Sa wakas nga ay kumibo na siya e.

“Mamaya, ipapakilala kita sa manager ko.” Napalingon naman ako agad sa kanya. Nakaupo kasi ako katabi ng driver habang siya naman ay nasa likod.

“Ah sige sige.” Habang tumatango pa.

“Okay.” Binaling niya ulit ang atensyon niya sa pakikinig ng music sa cellphone niya. Bigla ko namang naisip kung kumain na siya. May isa pa kasi akong sandwich na natira.

“Ah Clef.” Kinalabit ko na lang siya dahil sigurado naman akong hindi niya ako maririnig e.

“Oh bakit nanaman?” Napataas ang isang kilay ko pero pinilit ko paring maging mahinahon kahit na medyo naasar na ako sa kanya.

“Gusto ko lang naman tanungin kung kumain ka na. Bibigyan sana kita ng sandwich kung hindi pa. Saka may juice pa akong binili kagabi sa 7-11.” Tinitigan lang niya ang hawak kong sandwich.

“Bakit ko naman kakainin yan? Malay ko ba kung hindi masarap yan.” Relax lang Melody. Hingang malalim at kaunting pasensya pa.

“Hindi naman kita lalasunin Clef at hindi ko naman ibibigay sayo ‘to kung hindi masarap. Kung ayaw mo eh okay lang naman sakin. Kakainin ko na—“ Nagulat ako ng kuhanin niya sakin yung sandwich.

“Hmmm. Kukuhanin din naman pala.” Nakita kong binuksan niya ito agad at agad ding kinagatan.

“Mapagtiya-tiyagaan na rin ang lasa.”

“Kunwari ka pa. Eh ang bilis nga ng kain mo e. Hindi ka pa nasasarapan gaano niyan ah?” Dinilaan lang niya ko. Minsan talaga may pagkaisip bata siya.

Nagulat ako nang maaga nagtext sakin si Cosette. Inaaya niya akong pumunta sa bahay nina Benjo. Birthday daw ng little sister ni Benjo at inaaya daw kami. Agad naman akong nagreply nang hindi ako makakapunta dahil may aasikasuhin ako. Pero sa totoo lang ay nanghihinayang ako dahil gusto ko sanang makipagbonding sa kanila kaso eto ako ngayon, kailangan gawin ang trabaho ko.

Imbis na malungkot ako, chineer up ako ni Cosette at nagpatawa pa nga siya sa text e. Nabobored na rin kasi ako sa biyahe. Hindi rin naman kasi ako inaantok kaya naman nagdecide akong kausapin na lang si Manong driver. Kesa naman si Clef ang kausapin ko diba?

“Manong ilang oras pa po bang biyahe natin papunta dun?” Sumabat naman si Clef.

“Bakit naiinip ka na ba? Pwede ka nang bumaba.” Hindi ko siya pinansin.

“Mga dalawang oras pa po Ma’am.” Napangiti ako sa pagsagot niya.

“Naku Melody na lang ho Manong. Ano po ba pangalan niyo?” Ayun, hindi nanaman siya ang sumagot.

“Manong Wally, wag mo nang pag-aksayahan ng oras kausapin yan. Boring kausap yan eh.” Tumawa
siya ng mahina. Minsan nakakaoffend din talaga siyang magsalita kaya naman nanahimik na lang ako. Mukha namang nahalata na ni Kuya Wally ang pagkainis ko kaya hindi na lang din siya kumibo.

Buong biyahe na yun ay tahimik lang ako. Nahihirapan talaga akong pakisamahan si Clef, ang hirap kasing iguess kung anong klaseng pakikisama ang pinapakita niya sakin. At mismong ako rin, nahihirapan akong pakisamahan siya.

Nakarating kami ng 6:00 am sa isang hotel para ibaba ang mga gamit naming dala at makapagpahinga muna sandali. Buti na lang at may mga security guard dito dahil muntik nanamang pagkaguluhan at kuyugin si Clef ng mga maagang nagising na nakacheck-in dito. Nakashades din siya at nakacap para makaiwas sa mga tao at iba pang mga paparazzi na kanina pa dito naghihintay.

Nauna akong pumasok sa magiging room ni Clef at sumunod naman siya na medyo pawisan. Gusto ko siyang pagtawanan kaso baka magalit e.

Kasama namin sa loob si Manong Wally para makapagpahinga na rin siya. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa habang nagmamasid sa kagandahan nitong room na nakuha niya. Ang laki laki kasi at sobrang ganda pa ng design.

Nakita ko si Clef na kinuha ang gitara niya. Papalapit siya sa kinauupuan ko at parang alam ko na kung ano ang gagawin niya.

♪ For your consideration,
I offer myself with no sign of hesitation  ♪


“Tigilan mo nga ako.” Inis kong sabi. Tumawa naman siya ng bahagyan.

“Ang aga aga kasi e daig mo pa ang namatayan. Aga aga sinisira mo araw mo.” Binaba niya ang gitara niya sa tabi niya. Seriously? Nakakainis yung sinabi niyang yun ha.

“Ano? Ang aga aga mong sinira ang araw ko Clef.” Hindi ko na kasi mapigilan e. Naiinis talaga kasi ako sa kanya ngayon.

“Ako pa talaga? E talaga namang boring ka. Teka nga, boss mo ko. Bakit sinasagot mo ko ng ganyan?” Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

“Alam mo hindi naman talaga ako pikon na tao pero ngayon lang talaga ako napikon at dahil sayo pa. Sabihin mo kung ayaw mo sakin hindi na lang kita kakausapin.” Sumeryoso din ang mukha niya.

“Bahala ka na nga.” Tignan mo ‘to, ang gulo niya talagang kausap!

Sabay kaming nananghalian pero hindi ako sumabay sa kanya sa mesa. Nagpabili lang kasi siya sa labas kay Manong Wally.

Okay naman na ang pakiramdam ko kahit papaano. Hindi na rin ako masyadong naiinis sa kanya. Siguro naiilang na lang ako. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa ginawa niya diba? Buti na lang at mabilis maghilom ang pagkainis ko lagi.

Sabay kaming nagpunta sa mall nang wala parin kibuan. Ako ang may dala ng gitara niya at yung isa pang bag niya. Medyo mabigat pero alam ko namang kaya ko. Siya naman ay buhat buhat lang ang sarili niya. Prinsipe kasi e.

Doon lang ako sa backstage buong performance niya. Minsan sumisilip kung ano na ang nangyayari, minsan naman ay nakaupo lang sa isang tabi habang hinihintay matapos. Grabe nga sa dami ng tao ‘tong mall show niya na ‘to. Parang ayos lang sa mga fans niya kung makasugat or mainitan sila ng sobra, basta makita lang nila ang idolo nila.

Kahit kailan ay hindi ko naranasang maging ganito sa idolo ko. Siguro kasi may mga tao talagang pangarap ang makita ang idolo nila. Kung sa bagay hindi ko naman kasi pinangarap na makita ang mga idolo ko, pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi diba?
May kasama rin siyang nagmallshow, yun yung sikat na teen actress ngayon na pinopromote ang kanyang bagong movie.

Matapos ang medyo mahaba-habang paghihintay ay sa wakas ay natapos din ang ilang performance ni Clef at ang pageentertain niya sa mga tao. May mga ilan ding nagpapicture sa kanya at nagpa-autograph. Pumunta na siya sa backstage at inabot ang kanyang gitara sakin para ilagay ko na ito sa bag.

Tinext ko na si Manong Wally para sunduin kami sa labas. Nagpaalam na siya sa mga tao dito sa backstage na hindi ko mga kilala pero malamang staffs sila dito at organizer.

Muli niyang isinuot ang shades at cap niya. Hinila niya ang kamay ko.

“Tara na.” Agad kong hinila ang kamay ko pabalik.

“Ayos ka rin ah. Lalabas tayo ng ganito?” Tinalikuran lang  niya ko at umalis na sa harapan ko. Ayun nagpahatid na ulit siya sa mga secu palabas.

Nakita ko na si Manong Wally na naghihintay sakin.

“Manong, pakidala naman po ito. Salamat po.” Nauna na kami ni Manong Wally sa kotse at 20 minutes na e wala parin si Clef. Agad naman na akong nagtaka. Kanina lang ay kasunod ko siyang lumabas, bakit nagtagal siya ng ganun katagal?

“Naku Manong. Saan na po kaya nagpunta si Clef?” Tumingin lang si Manong sakin habang nangangamot ng kanyang ulo. Mukha namang hindi niya talaga alam kung saan.

“Hindi ko po talaga alam.” Napahawak ako sa ulo ko. Sakit siya talaga sa ulo. Paano kung pagkaguluhan siya sa loob? ‘Di talaga yun nagiisip.

Nagulat na lang kami ni Manong nang may pumasok na isang lalaking nakatakip ang mukha. Sino pa nga ba? Eh di si Clef.

“Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinihintay ah. Paano kung napagkaguluhan at nakuyog ka ng mga babae sa loob? ‘Di ka talaga nag-iisip.” Nagtataka at nakangiti siyang tumingin sakin.

“Nagpaalam ako sa security guards. May binili lang kasi ako kanina. Muntik na nga nila kong hindi payagan. Bakit? Concern ka?” Matawa tawa niyang sagot.

“Malamang. Sino magpapasweldo sakin kung wala ka na diba?” Natahimik naman siya.
Nakakaaburido talaga siya. Ngayon ko lang talaga naranasan ‘to sa tanang buhay ko. Ang hirap pala talaga ng trabahong ‘to.

Habang biyahe papauwi ay may inabot siya saking maliit na cake. Agad naman akong nagtaka kung para saan yun. Siya? Binigyan ako ng cake?

“Para saan ‘to?” Naiirita siyang tumingin sakin.

“Pamunas ng mukha yan. Malamang cake yan para kainin.” May maliit na card na kasama ito na may nakanote na ‘Sorry’.  Napangiti naman ako bigla. Hiyang hiya siguro siya talaga sabihin sakin yun ng harapan kaya idinaan na lang  niya sa cake.

“Tao rin ako at nakakaramdam din ako kung sino ang galit at hindi sakin at kung ano ang mga pagkakamali ko. Pero hindi dahil binigyan kita niyan e magkasundo na tayo. Tandaan mo, trip na trip ko paring ibully ka.” Agad namang napalitan ng pagkainis ang kaninang nakangiti kong mukha.

Sana lang talaga ay makatagal ako sa ugali niyang ‘to. Dahil ang pakiramdam ko ay ni isang linggo ay hindi ko matatagalan ang pangungulit at pagiging masungit niya. Anytime yata ay maari akong umalis sa pagiging PA niya e.

Ayos na kasi sana kanina dahil nagsorry siya. Kaso biglang bawi rin e. Papatawarin ko na sana. Kaya kung aalis naman ako sa trabahong ‘to, another problema nanaman sa paghahanap ng bago.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #10 on: June 09, 2014, 06:43:19 PM »
Track 9
Royal Records
 


Hindi ko namalayang nakatulog pala ako buong biyahe. Nagising ako nang dahil sa ingay ng boses na naririnig ko galing sa labas ng sasakyan.

“Bakit ba ganyan? Itapon niyo na nga lang ‘tong kotse na ‘to!! Nakakainis!” Napabangon ako. Alam ko kung sino yun at hindi ako pwedeng magkamali. Agad na akong tumayo para tignan kung ano ba talaga ang nangyayari.

Ayun si Manong Wally sinesermonan ni Clef na parang aburidong aburido sa nangyari sa sasakyan. Tinignan ko kung anong oras na, alas dose na pala ng hating gabi. Akala ko naman nakauwi na kami, sa kasamaang palad hindi pa pala.

“Sir flat lang po yung sasakyan. Maaayos pa naman po ito. Wag na po kayong magalit.” Tumayo ako sa sasakyan at lumakad papunta sa kanila.

“Flat lang naman pala Clef. Bakit ang highblood mo naman agad?” Nag-inat pa ako dahil medyo inaantok-antok pa ako.

“Paano naman kasi, hindi pa niya simulan gawin! Kanina pa kaya ako naghihinta—“ Napatulala siya saglit sa ginawa ko sa kanya at agad din nagsink-in kung ano ang ginawa ko.

“Bakit mo ba ko ginatungan?!” Galit na galit niyang hinimas ang ulo niya.

“E paanong hindi? Paanong gagawin yun ni Manong kung dada ka ng dada diyan. Tara na nga po

Manong, gawin na natin nang matahimik na yang maingay na yan. Nakakaistorbo ka pa tuloy dito sa kalye. Tss.” Sinubukan kong magtonong galit pero parang hindi yata effective. Binulungan ako ni Manong Wally.

“Alam mo Ma’am Melody ang hinahon niyo palang magalit.” Sabi ko na nga ba e.

Tinulungan ko na lang si Manong na gawin yung flat na gulong sa sasakyan. Kaya kong magpalit kahit babae ako. Pinagdadrive ko rin kasi dati sina Olga at ako rin ang pinagpapalit nila ng gulong everytime na maflattan sila.

Nakita kong umupo sa isang sulok si Clef. Mukha namang effective ang performance kong galit-galitan kay Clef. Ang init init kasi ng ulo niya e.

Habang ginagawa namin yun, pabulong na ikinwento sakin ni Manong Wally na ganun daw talaga si Clef simula bata pa. Maiiritahin, kulang sa pasensya at kapag nabadtrip wala nang pinapakinggan. Pero kahit daw ganun, bihira naman daw yun mangyari. At nangyayari lang daw yun kapag yung pagod siya at maraming iniisip. Kaunting pagkakamali lang ay napapansin niya na agad. Grabe naman siya.

‘Di ba niya naisip na pagod din kami ni Manong? Mas pagod pa nga yata kami kesa sa kanya e. Kami nga ang gumawa ng pagpapalit ng gulong nang wala ang tulong niya.

Mabilis naman namin yun natapos. Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse ay walang kumikibo kaya ipinagpatuloy na ni Manong Wally ang pagdadrive niya.

Nawala na rin kasi yung antok ko nang dahil sa pagpapalit ko ng gulong. Isa lang naman talaga ang flat, kaso dalawa na yung pinalitan namin. Mukha kasing nagdidilekado na rin yung isa pang gulong doon sa gilid ng sasakyan.

May kumalabit sakin galing sa likod.

“Psssst.” Nagulat naman ako doon.

“Bakit?” Napatingin nga rin si Manong Wally e.

“Hindi ka pa nagsosorry sakin!” Aba! Ang lakas din naman ng loob niyang sabihin yun! ‘Di ko naman talaga  kailangang magsorry sa kanya!

“Hindi ko kailangang magsorry sayo. Ikaw nga dapat magsorry diyan kay Manong Wally dahil sinigaw-sigawan mo siya. Diba? Mas matanda kaya siya sayo.” Tumingin sakin si Manong.

“Naku hindi na po kailangan. Kasalanan ko naman po talaga.” Nagulat ako sa sinagot niya.

“Hindi ah! Walang may kasalanan dito kung hindi siya. Wala nga siyang galang sa inyo e.” Nakita ko namang nag-iba ang expression ng mukha ni Clef.

“Ako walang galang? Teka. Boss mo kaya ako, bakit mo ko sinasagot?” Agad ko namang narealize yung ginagawa ko sa kanya. Oo nga noh? Ako lang ang tanging nagtatrabahong sinasagot ang amo niya. Buti na lang ay nakaisip agad ako ng pwedeng dahilan.

“Dahil ikaw ang mali!” Natataranta akong lumingon sa daan. Hmm ayoko na talaga siyang kausapin. Baka mamaya tanggalin pa ako nito at mawalan pa ako ng trabaho, sayang naman. Mahirap kaya maghanap ngayon ng bagong trabaho at matitirahan.

“Kahit na mali ako, ako parin ang amo mo.” Nagbingi-bingihan na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang humabang usapin na ito.

Akala ko ay uuwi na kami, nakita kong huminto ang sasakyan sa isang bahay na malaki. Kaya naman agad akong nagtaka. Ano naman kaya ang ginagawa namin dito? Wag niyang sabihing dito kami magpapalipas ng gabi ngayon?

Tinignan ko ang paligid ng bahay, mukha namang mayaman at negosyante ang may-ari nito. Tinignan ko yung labas, parang may party dahil may mga taong may dala-dalang whine at mga nakatayong nag-uusap. Yung parang nakikita natin sa TV? Ang kaibahan nga lang, casual ito at parang hindi formal.
Nauna siyang bumaba samin, ako naman ay nanatili lang sa loob ng sasakyan. Baka mamaya hindi pinapapasok ang hindi invited e. Saka nakakahiya na ang itsura kong ngarag na ngarag. Kamusta naman kasi ang eyebags ko.

Para malibang ako, pinasakan ko na lang ng earphones ang mga tenga ko para makinig ng mga instrumentals. Yan kasi ang hilig ko lalo na kapag wala akong ginagawa.

Nasulyapan ko si Clef na pumasok sa loob dala dala ang bag ng gitara niya. Nanlaki ang mata ko ng salubungin nga siya ng sobrang daming tao. Ano pa nga ba ang dapat kong asahan. Sikat siya at iniidolo ngayon ng mga kabataan sa pagkanta.

Nagulat ako nang may mag-alis ng isang earphone ko sa tenga. Ang bilis naman niyang maglakad. Nakapunta agad siya sa tabi ko.

“Papasok tayo sa loob.” Napatingin ako sa party.

“Bakit pa? Ikaw na lang Clef.” Sumimangot siya.

“PA kita diba? Saka alam kong gutom na kayo ni Manong Wally. Birthday kasi ng Presidente ng Royal Records kaya tayo nandito. At obvious namang may party diba?” Naiirita niyang sinagot sakin.

“O sige. Tara na po Manong. Baba muna tayo diyan. May chibog daw po sabi ni Clef e.” Tinignan lang niya ko at saka uli nagsalita.

“Bababa rin pala.” Padabog siyang umalis sa harapan ko.

Pagpasok namin dun, sobra ngang daming tao. May nakita rin akong ibang mga sikat na singers under royal records. Grabe ang bibigtime pala talaga nila.

May lumapit saming waiter at inabutan kami ng juice. Siyempre hindi ko yun tinaggihan. Biyaya rin yun.
Naupo na lang kami ni Manong sa bakanteng upuan sa may gilid. Nakakahiyang lumakad lakad dahil karamihan ay nagi-english at mga sosyal pa. Mahirap na at baka mapagkamalan pa akong katulong dito. Mas nakakahiya pa yun.

Nakita kong tumayo si Clef sa harapan para kunin ang atensyon ng lahat. Siyempre, nagtagumpay siya dun. Kanina nagtataka pa ko kung ano ang purpose ng pagpunta namin dito. Ngayon alam ko na. Birthday pala ng boss niya.

“Good evening sa inyo! First of all, Happy Birthday Mr. Tatlonghari. Thank you for being my second father and my friend. Masaya po ako at nakilala ko kayo. Saludo ako sa sipag niyo. Dahil nirequest ng mga nandito na kumanta ako, sure pagbibigyan ko po kayo.” Kaya pala ganun na lang ang pagpunta niya dito dahil close naman pala sila nung Mr. Tatlonghari na yun.

[NP: Daughters]

♪ I know a girl
She puts the color inside of my world
But, she's just like a maze
 Where all of the walls all continually change ♪


Ang ganda ng kantang ‘to. Lalong lalo na at tatak John Mayer pa. At masasabi kong bagay na bagay sa kanya ang mga kanta ni JM dahil sa genre ng music niya. Acoustic, blues, pop, rock at country. Yun din kasi ang mga genres ni John Mayer sa mga napakinggan kong songs niya.

♪ And I've done all I can
To stand on her steps with my heart in my hand
Now I'm starting to see
 Maybe It's got nothing to do with me ♪


Hindi na siya nageffort mag mic dahil hindi naman na talaga kailangan. Nasa kanya na lahat ng atensyon ng mga tao e. Tahimik lang silang lahat na nakikinig sa kanya.

♪ Fathers, be good to your daughters
Daughters will love like you do
Girls become lovers who turn into mothers
So mothers be good to your daughters too ♪


Kinabahan naman ako dahil nung matapos siyang magperform ay agad siyang lumapit sakin. Tumingin samin ang mga tao nang makalapit na siya. Akala ko naman kung ano ang gagawin niya, nun pala ay ibibigay lang niya yung gitara niya sakin.

May lumapit saking babae. Si Mrs. Arellano pala na kanina pa rin nandito sa party. Bago umalis sa harap namin si Clef ay tinanong niya ako ng isang awkward na tanong.

“How’s my performance?” Tumingala ako para makita siya.

“Ayos naman. Maganda yung kanta.” Patango-tango kong sagot. Naiilang ako sa tingin niya e.

“Labo ng sagot mo Miss Fiddler. Kamusta ba performance ko Tita?” Nagappir sila ni Mrs. Arellano.
“Ayos na ayos! Makalaglag panga.” Natawa ako ng kaunti.

Hindi ko akalaing close pala sila nitong si Mrs. Arellano. Samantalang ayaw nga niya sa mga classical musicians. Sa pagkakaalam ko kasi miyembro si Mrs. Arellano ng orchestra e.

“Palibhasa ‘di mo talaga naappreciate.” Seryoso niyang binulong sa akin. Bakit ba kailangan pa niya ng opinion ko e marami naman siyang fans na pwedeng pumuri sa kanya.

Dahil boring, ininterview-interview lang ako ni Mrs. Arellano tungkol sa buhay ko. Mabait siya at marunong makisama sa iba.

“Anong trabaho ng papa mo iha? Asan na nga pala siya?” Napayuko ako at pinilit ngumiti.

“Patay na po siya Ma’am. Dati po siyang negosyante pero ngayon po step-mom ko na ang nagmamanage ng business niyang naiwan.” Napa-ahh siya.

“E yung mama mo nasaan?” Nalungkot naman bigla ang mukha ko.

“Hindi ko naman po siya nakilala ever since. Sabi ng papa ko ay iniwan daw niya kami kaya ayun, ni minsan ‘di ko siya nakita.” Nakakahiya mang sagutin pero yun ang totoo.

“Ano ba pangalan ng papa mo iha?” Ah baka kilala niya.

“Fredric Ritmo po. Isa rin po siyang Music Enthusiast na tulad ko. Sabi rin po niya na yung mama ko ay tulad din namin.” Napangiti siya saglit at sumagot rin.

“Ah kaya naman pala ganyan ka katalented iha.”

Mabilis na lumipas ang oras. Nakita ko pa ngang nag-usap din sina Mrs. Arellano at Clef e. Samantalang si Manong Wally naman na kasama ko kanina e may kahuntahan nang isang lalaki na hindi ko naman din kilala.

Agad namang nag-aya na para umuwi si Clef. Hindi ko nga alam kung bakit parang nagmamadali siya e. Pwede naman sanang sabihin niya lang yun ng maayos.

Pagkasakay na pagkasakay naming lahat, kinausap niya ko.

“Tataasan ko sweldo mo kung sa tingin mo ay nahihirapan ka sakin.” Buti naman alam niya. Hindi nagsink-in agad sakin ang sinabi niya.

“Talaga? Tataasan mo? Seryoso ka? Wow! Salamat ah. Kahit papaano pala ay may tinatago kang kabaitan Clef. Lahat gagawin ko promise!” Ngumiti siya.

“Pero sa isang condition.” Kung sa bagay, lahat naman yata ng nakukuha ngayon ay may conditions na e. Kaya kung ano man ang condition na yun, maluwag sa loob kong tatanggapin.

“Ano naman yun?” Binaba ko saglit yung phone ko sa side ng upuan ko.

“I need you not just to be my personal assistant.” Nagulat ako sa sinabi niyang yun.

“I need you to be my friend.”

Paulit ulit ang mga katagang yun hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Hindi nga ako nakatulog e. Pero kahit hindi ako makatulog ay pinilit ko parin.

Ang lakas ng tama niya para sabihing kailangan niya ako bilang kaibigan. ‘Di bale na lang sigurong wag nang tumaas ang sweldo ko, wag ko lang siyang maging kaibigan. Sino ba naman kasi ang may gustong kaibigan ang tulad niya?

Unang una, sikat siya. Pangalawa, hindi kami magkalevel. Pangatlo, marami siyang fans at pang-apat, ayaw na ayaw ko sa ugali niyang magulo. Ang hirap iguess kung ano ang mood niya. Ayoko rin yung mga pangaasar niya saking minsan ay nakakaoffend.

Bigla bigla na lang ang pagdedesisyon niya ng ganun. Ano kayang pumasok sa kokote niya at bigla niyang naisip na gusto niya kong maging kaibigan? Malamang dun pagtitripan lang niya ko kaya niya naisip agad yung ideya na yun.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may tumawag sakin unknown number. Ugali ko kasi ang sumagot kahit hindi ko kilala. Baka naman emergency at nakitawag lang. Saka paano ka tatantanan kung hindi mo kakausapin diba? Kaya naman sinagot ko.

“Hello? Sino ‘to?” Wala akong naririnig sa kabilang linya kung hindi ang malakas na ihip ng hangin.

“Hello. Sino po ba ito? Ahh kung wala po kayong balak magpakilala ibaba ko na.” Binaba ko na ang tawag at agad din naming may nagtext sakin.

“Si Leysander ‘to. Save mo number ko. Good night!” At dahil dun ay napanatag ang loob ko. Akala ko naman kung sino na.

Nakakapagtaka at tinawagan pa niya talaga ako kaya lang hindi man lang siya nagsalita. Hanggang sa tawag ba naman tahimik parin siya? Nakakapuzzle talaga ang ugali niya. Kung si Clef ay sobrang nakakaasar siya naman ay nakakapuzzle.

Tumayo ako para kumuha saglit ng maiinom. Nauuhaw kasi ako. Isa na rin kasi sa nakasanayan kong pampaantok ay ang uminom ng malamig ng tubig. Weird diba?

Nakita ko ring nandito pala sa baba si Clef at kumukuha ng gatas sa ref nila. Nagkatinginan kami saglit at saka na nagkaiwasan ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ilang sa sinabi niyang yun kanina. Ano ba kasing malalim na dahilan niya para gustuhin niyang maging kaibigan ako? Siguro nga ay kailangan kong malaman ang tungkol dun. At gusto ko sa kanya mismo manggagaling.

Tatanungin ko na kaya siya ngayon? Kaya lang baka barahin at pairalin nanaman niya ang pagiging suplado niya sakin e. Bago ko pa magawa ang kanina ko pa pinaplanong gawin na kausapin siya, hindi ko akalaing siya ang mauunang gumawa nun sakin.

“Gusto mong gatas? Eto oh.” Inabutan niya ko.

“Ahh salamat. Clef, may itatanong sana ako sayo e.” Tumayo siya sa harapan ko at ang pwesto namin ngayon ay sobrang lapit sa isa’t isa. As in face to face!

“Ako rin. May itatanong ako sayo.” Sobrang seryoso naman niya. Hindi ako sanay.

“Ano yun?” Unti-unting nagbago ang kanina niyang seryosong mukha.

“Ano payag ka na bang maging kaibigan ng isang katulad ko? Kung tutuusin ay maswerte ka dahil ako ang nag-aalok sayo nun.” Tignan mo ‘to! Bigla nanamang humangin!

“Yun nga yung itatanong ko sana e. Bakit ba gusto mo kong maging kaibigan?” Binaba niya ang hawak niyang baso at saka ako sinagot.

“Isa lang. All my life wala akong kaibigan. Gusto ko lang maranasan na magkaroon ng kaibigan na opposite ko sa lahat ng bagay. Ugali, buhay, pamilya pati na rin sa genre.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Pero ang kaibigan hindi nahahanap nang dahil lang sa pera. Nahahanap ang kaibigan sa pagpapakatotoo Clef. Tandaan mo yan.” Hindi naman ako sa galit sa pagkakasabi ko nun. Lagi naman akong mahinahon dahil as much as possible ayoko talaga nang nagagalit.

Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa room ko. Hindi ko na nga nainom ang gatas na binigay niya sakin e. Matutulog na lang siguro ako.

Bakit naman kasi lahat dinadaan niya sa biro. Bakit sa dinami dami ng tao sa paligid niya ako pa ang napili niya bilang maging kaibigan niya, samantalang marami namang iba diyan na willing maging kaibigan niya. Maging girlfriend pa kamo. Maski nga yata maging alila niya ng libre merong paring papayag e.

Ang hindi ko lang matanggap ay yung tataasan niya ang sweldo ko para lang magkaroon siya ng kaibigan? Sana sinabi na lang niya sakin na gusto niya kong maging kaibigan. Hindi yung pinagmumukha niya kong mukhang pera.

Kailangan ko ‘tong ipahinga. Bukas wala kaming lakad kaya makakapag-pahinga ako sa anino niya.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #11 on: June 09, 2014, 06:58:34 PM »
Track 10
Frenemies
 

Inayos ko ang mga damit ko at nilinis ko ang kwarto. So far yun lang naman ang ginawa ko buong araw. Ayoko na yatang maulit yung kapaguran ko kahapon kasama si Clef. Nakakakunsumi at nakakaubos talaga ng energy.

Lumalabas lang ako kapag kakain na dahil pinapatawag naman ako lagi sa maid. Umabot na nga ng gabi at hindi ko pa siya nakikita. Laki nga ng pasasalamat ko e, wala rin kasing nanggugulo sakin kaya medyo tahimik ang buhay ko.

Nagdecide din ako lumabas nung gabi na. Hindi na rin ako kumain ng dinner dahil baka mamaya makita ko pa siya. Lumabas lang talaga ako para kumuha ng tubig at kapag minamalas ka nga naman, bumungad agad siya sakin sa kusina habang kumukuhuha naman ng juice niya.

Nang lumapit ako, hindi na lang ako kumibo. Ano pa nga ba ang inaasahan ko, siya naman lagi ang nauuna saming magsalita e.

"Next week na yung performance natin.  Anong plano mo?” Umupo siya dun sa dining table at hinihintay din akong umupo. Kaya ayun umupo rin ako.

“Ano ba ang naiisip mong kanta?” Pinatong ko ang mga kamay ko sa table.

“Binalik mo rin yung tanong sakin e. Pero ang naiisip ko kasi na kanta ay yung Requiem On Water. Alam mo ba yun?” Napaisip naman ako na parang may inaalalang something.

“Ow. Imperial Mammoth. Seryoso ka ba? Ang ikli lang nun.” Ininom ko yung kinuha kong tubig.

“Yup. Yun nga, maikli lang siya pero maganda. Ano game? Alam mo ba yung bosesan nun? Tss as usual. Para saan pa’t nag-aral ka ng music. Sandali lang, diyan ka lang.” After two minutes, bumalik siya at dala-dala na niya ang gitara niya.

“Let’s try.” Nagulat naman ako.

“Huh?! Di ko kaya kabisado.” Pinakita niya sakin yung tablet niya na may nakalagay nang lyrics ng Requeim On Water. Pinakinggan muna namin siya habang si Clef ay patuloy na kinakapa ang chords ng kanta. Samantalang ako ay patuloy lang sa pakikinig.

Sa totoo lang, maganda ang kanta. Yun nga lang, ang hirap igets ng blending niya dahil sabay silang kumanta hanggang sa dulo. Pero ang kainaman naman ay maikli lang ang lyrics nito.
Mga dalawang beses lang namin itong pinakinggan at ilang oras ko ring hinayaan si Clef na magkakapa sa kanyang gitara. Mga 30 minutes ko rin inaral yung tono ko samantalang siya naman ay nangangapa. Tinawag niya ako.

“Tapos na ko. Gets ko na. Game?” Natulala ako.

“Hindi mo pa nga napag-aaralan yung sayo.” Napangiti siya.

“Trust me.” Nagsimula na siyang tumugtog.

Kapag pala nag gigitara siya ay nagmumukha siyang matino at mabait kahit papaano. Yung tipong parang hindi siya marunong mang-asar. Saka gwapo rin naman pala siya kahit papaano. Bigla naman akong naguluhan sa naiisip ko. Bakit ko nga ba pinupuri ang lalaking suking suki na ako sa pamumwisit?

Nang matapos na ang intro, nagstart na kaming kumanta.

[NP: Requiem On Water]

♪ Slow, we paddle through the lake
Straight to the very center of the darkest water
Where we can embrace the shadows on the surface
The eyes that look up like this from our twins below ♪


Kinikilabutan ako sa kanta. Hindi ko alam na magiging ganito ang kalalabasan ng duet namin.

♪And though your arms and legs are under
Love will be the echo in your ears
When all is lost and plundered
My love will be there still ♪


Huminto siya sa paggigitara at tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko, nakakailang kasi. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi?

“I cancelled all my shows this week para lang sa performance natin sa music room sa Friday. Make sure na hindi ka mawawala.” Ako pa talaga ang mawawala?

“Ako dapat ang nagsasabi niyan. Hindi naman ako ang busy e.” Natawa siya ng bahagya.

Nakakapanibago siya dahil hindi niya ko inaasar ngayon.

Tumalikod siya sakin at bago umalis ay muling nagsalita.

“Isang tabi mo muna ang pagmamahal mo sa pagtugtog ng violin. Pwede ka namang umayaw sa pinasukan mo, hindi mo naman kailangan gawin yun para lang may patunayan sakin. Dahil ngayon palang, bilib nz ko.” Tuluyan na siyang naglakad papalayo sakin.

Hanggang umaga ay nasa isip ko parin ang mga katagang binitawan niya. Baka sabihin tuloy nila Cosette ay lagi lagi na lang ako tulala.

Si Cosette at Benjo palang ang nakakaalam, kaya lang si Leysander ay hindi pa niya alam. Baka kasi mamaya ay kung ano ang isipin niya tungkol sakin. Siguro nga ay tama ang sabi sakin nina Cosette na sabihin din sa kanya ang totoo. Kahit papaano naman ay kaibigan ko parin naman siya.

Nagtext sakin si Clef na mamayang hapon daw ay magpapractice kami. Oo nga pala, sa Friday na yun at hindi dapat ako maging kamprente. Ewan ko lang siya. Pero sa malamang ay kamprente siya kasi he was born to perform. Ako rin naman, pinanganak ako para magperform, hindi nga lang sa pamamagitan ng pagkanta, kung hindi sa pamamagitan ng pagtugtog ng violin.

I’m not a bad singer, hindi rin naman ako magaling. Nakakapagtaka lang at napapahanga ko sila, samantalang ako hindi ko gusto ang boses ko.

Hindi kami nagpapansinan ni Clef sa classroom. We treat each other like a stranger. Tulad lang din ng dati. Yun kasi ang ayaw kong mangyari. Ang malaman ng lahat na PA niya ako. Mas mabuti nang dalawa lang ang nakakaalam.

“Tomorrow we are going to have a long quiz so review your notes okay? And FYI it’s not multiple choice. It is identification.” Lahat sila ay napa “Si Ma’am naman.” Dahil bilang estudyante rin, mahirap talaga kabisaduhin ang mga pangalan at mga nagawa ng mga musicians na yun.

Sa totoo lang, hindi naman dapat sila kabahan, basta ibigay lang nila ang best nila.

Nagtatatarang ang katabi kong si Cosette, panigurado daw kasi ay magdamagan nanaman ang pagrereview niya at lalaki nanaman ang eyebags niya. Si Benjo naman ay parang wala lang, matalino kasi siya. Yung tipong likas na sa kanya. In born kumbaga.

Naaalala ko nung bata ako, nagstart kasi akong magviolin nung 5 years old ako. I was recognized as a child prodigy sa school namin. In born na daw kasi sakin ang pagiging magaling sa pagbaviolin. Ganun talaga siguro kung yun ang naumpisahan mong mahalin.

Nung lunch ay kasabay ko silang dalawa, may puspusan daw kasing rehearsal si Leysander kaya naman hindi siya nakasama samin ngayon maglunch.

Mabilis na tumakbo ang oras. Wala rin namang nangyaring espesyal ngayon. Naglakad na lang ako pauwi at hindi na hinintay si Clef. Habang naglalakad ako ay narealize kong sa iba na nga pala ako nakatira, ngunit ang mga paa ko ay tila dinadala ako sa dati kong bahay. Napailing ako sa katangahan ko.

Nung pabalik na ako ay may bumusina sakin. Bumukas naman ang bintana ng upuan sa likod at nakita ko si Clef na nakashades pa.

“Nalilito ka pa yata. Paalala lang, hindi na diyan ang bahay mo kaya sumakay ka na.” Sumakay na ako sa harapan ng kotse.

Nagdinner kami ng sabay ni Clef. Bakit parang wala siyang mommy at daddy na kasama dito sa bahay? Gusto ko sana yun itanong kaso nga lang baka sabihin niya ay chismosa ako.

Pagkatapos na pagkatapos kumain, sinabi niyang sumunod ako sa kanya. Umakyat kami sa second floor ng bahay nila. First floor kasi yung room ko at hindi pa talaga ako nakakarating sa second floor nila. At dinala niya ako sa isang studio. Sarili niyang studio.

“Tara practice na tayo.” May kinuha siyang gitara sa gilid.

May mga malalaking speakers ang nandito. May drums, keyboard, bass at gitara. Napansin ko ring paiba iba siya ng gitarang ginagamit, at halos lahat ay iisa lang ang tatak.

Umupo kami sa isang tabi. May table doon at puro kalat.

“Sandali lang, liligpit ko muna.” Kung anu-ano kasi ang nakakalat doon. May mga notebooks, lukut-lukot na papel, pencil, ballpen at kung anu-ano pa.

Nararamdaman ko ang mga buhok na nagsisilaglagan sa akin kaya naman pakiramdam ko ay hindi ako komportable. Sa halip na tumigil ay pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pagliligpit. Ang mga lalaki nga naman.

“Teka sandali.”

“Hmmm?” Sinundan ko ang kamay niyang papunta sa mukha ko at dahil dun ay nakaramdam ako ng kaba. Akala ko naman kung saan, inilagay lang pala niya ang takip ng HBW na ballpen sa buhok kong kanina pa nalalaglag sa gilid.

“Much better.” Ngumiti siya.

“Ahh salamat.” Tumawa siya sa sagot ko. Ano bang problema niya?

“Bagay kasi sayo ang hair clip na ganyan. Kasi nakakatawa kang tignan.” Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Komportable naman ako sa nilagay niya e.

“Alam mo sa tingin ko, hindi talaga tayo magkakasundo.” Napahinto ako sa pagliligpit at tumingin sa kanya. Yung parang walang halong emosyon na tingin.
“Buti naman alam mo.”

Hinding hindi yata talaga mangyayari yun, pero malay natin diba? Baka may milagrong maganap at BAKA SAKALI lang namang magkasundo kami.

“But we can be frenemies.”

Muli akong napahinto. Hindi niya siguro talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaibigan.
 

« Last Edit: June 09, 2014, 07:01:09 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #12 on: June 10, 2014, 09:28:43 PM »
Track 11
Hair Clip

 
Naging maayos naman ang practice namin kahapon. Alam naming dalawa na kaya namin siyang tapusin kahapon kaya lang hindi namin ginawa at hanggang verse 2 lang ang tinapos namin. Ayaw kasi naming magmadali at para maging pulido na rin.

Isa rin sa naging dahilan ng hindi namin pagtapos ng pageensayo ng kanta ay ang long quiz ngayon. Maaga namin tinapos ang practice dahil sinabi ko sa kanyang kailangan ko pang magreview.

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng room namin ay may humarang na sakin. Dalawang babae at magkamukhang magkamukha talaga sila. Mula ulo hanggang paa pati na rin ang mga damit nila. Sa madaling salita, kambal sila.

Nakatingin sila sakin ng seryoso. ‘Di ko alam kung ano ang nangyayari, hindi ko rin alam kung ano ang kailangan nila saking dalawa kaya naman napaatras ako ng kaunti. Mukhang galing sila sa ibang school dahil iba ang kanilang uniform.

“Hi! Ikaw ba si Melody?” Tanong nung medyo mas maputi.

“Ahh oo ako nga. Bakit?” Yung isa naman ang sumagot.

“Nalaman kasi naming ikaw yung bagong PA ng kuya namin kaya gusto lang namin ipaabot sa kanya ‘tong cookies na ginawa naming dalawa. Miss na miss na kasi namin siya, by the way I’m Cielo Sonata Castillo at your service!” Sumaludo pa siya sakin.

Nakikita ko na ang mga kaklase kong takang-taka na kung sino ‘tong mga kausap ko. Marahil yung ibang mga babae na alam na kapatid ‘tong dalawa na ‘to ay galit na galit na sakin.

“Ako naman po si Claire. Claire Fermata Castillo. Eto na po ate Melody. Paabot po kay kuya ha? Salamat!!” Nakipag-beso sila sakin nang sabay at umalis na.

Hindi ko akalaing may kapatid siyang ganun kabait. Malayo sa ugali niyang pang-asar at mainitin ang ulo. Nakahinga ako ng maluwag dun. Buong akala ko kasi kanina ay may gagawin silang dalawa saking masama, nun naman pala ay kakausapin lang nila ako.

Hindi nagkabula ang sinabi ko dahil inulan akong ng mga tanong ng mga fangirls niya sa room. Nalilito ako kung sino ang unang sasagutin ko sa kanila.

“Sino ka ba at bakit kinausap ka ng mga kapatid ni Clef?” Sabi ni Alyssa.

“Ako nga matagal ko nang gustong makaclose kapatid niya e!” Sabi naman ni Rica.

“Sandali lang. Tinanong lang nila kung kaklase ako ni Clef kaya sinabi kong oo at pinapabigay daw nila ‘tong cookies sa kuya nila. E di kung gusto niyo kayo na lang ang magbigay kay Clef!” Nag aga-agawan sila dun nang may biglang nagsalitang babae sa pinto.

“Ako na lang magbibigay sa kanya.” Si Laurice pala. Kanina pa siguro siya nasa labas ng pintuan.
Kamprente siyang pumasok sa room na para bang kilalang kilala siya dito. Tulala ang mga tao sa loob dahil sa kagandahan niyang taglay. Bukod sa ex pa siya ni Clef, isa nga rin pala siya sa ipinagmamalaki ng The Independents.

“Nandito ako para sabihing may meeting bukas. Hihintayin ko na si Clef  na dumating baka hindi pa makarating yung balita sa kanya.” Mukhang malelate nanaman si Clef ngayon ahh.

Hindi nga ako nagkamali dahil dumating ang first subject teacher namin. Naabutan pa nga niyang nasa loob ng classroom si Laurice habang nakaupo pa sa upuan ni Clef. Sa gulat niya ay napatayo siya nang makita ang teacher namin.

Lumapit siya dito at hindi ko na alam kung ano pang pinagusapan nila. Habang nag-uusap sila ay humahangos na pumasok si Clef sa classroom. Halatang kagagayak pa lang niya. Halata kasi sa damit niya at sa basa niyang buhok.

“Ooops! Ma’am ‘di pa po ako late. 7:00 am palang! 7:30 po ang time!” Nakita kong nagbago ang expression ng mukha niya nang makita niya si Laurice na kausap si Ma’am.

“I know Mr. Castillo. You may sit down at may sasabihin din daw sayo si Ms. Tuazon. After niyan at mag-iistart na tayo ng long quiz niyo.” Lumapit na si Laurice at bago niya kausapin si Clef ay tumingin muna siya sakin.

“Nga pala, pinapabigay nung kambal. Miss ka na daw nila.” Hindi makatingin ng diretso si Clef kay Laurice. Nakafocus lang ang kanyang mga mata sa lalagyanan ng cookies.

“Bakit nasayo ‘to?” Inangat niya ang ulo niya.

“Pinabigay sakin ng mga kapatid mo. Oo nga pala, may meeting bukas ahh? Wag na wag mong kakalimutan Clef. Sige po Ma’am alis na ko.” Nagwave siya ng kamay kay Clef. Bumulong naman sakin si Cosette.

“Para-paraan din si ateng.” Sabay kaming napailing.

Sa tono ng pananalita niya at sa ginagawa niya kasi ay halatang nagpapansin siya. At si Clef naman ay parang kumakausap lang sa bula.

“Okay class. Bibigyan ko kayo ng testpaper at ang laman niyan ay ang 1-10 multiple choice.” Rinig na rinig ang pagbubuntong hininga ni Cosette at saka bumulong.

“Woo buti naman may awa si Ma’am. Wala kasing pumasok sa utak ko kagabi. Kawawa naman ako ngayon. Kaya Melody at Benjo, parang awa niyo na tulungan niyo ko.” Sabay kaming tumawa ng mahina ni Benjo.

“Oo sige. Kapag wala kang naisagot, tutulungan kita.” Inakbayan naman niya ko na parang nagpapasalamat.

“Ayoko nga! Hayaan mo siyang maka itlog Mel.” Sabay tawa ni Benjo.

“Che!!! May lahi ka talagang epal!” Naipasa na sa amin ang test paper.

After 15 minutes ay kinuha rin sa amin yung test paper. Madadali lang naman ang tanong at higit sa lahat ay may choices siya. Pinakuha naman kami ng lengthwise paper dahil doon daw kami sasagot ng katuloy ng test. And worst, dictation pa.

Napahawak sa noo si Cosette. Alam ko na ang nararamdaman nito ngayon. Kabang kaba na siguro siya tulad ko at tulad naming lahat. As much as possible ay ayokong kabahan, mawawala kasi ako sa focus ng pag-iisip ng mga sagot. Ayokong mamental block.

Tinignan ko isa-isa ang mga kaklase ko. Yung iba ay mukhang bored na bored at yung iba naman ay parang hinihintay na lang nilang matapos itong test.

“Okay, number one. It is an orchestral piece at the beginning of an opera, suite, play, oratorio, or other extended composition.” Napaisip naman ako doon. Ahh overture nga pala.

Habang tumatagal ay papahirap at papaintense din ang mga tanong. Yung mga una at madadali lang, kaya lang nung 10-20 na, ayun halos sumabog na ang utak namin sa kaiisip. Hindi ko akalaing ganito kahirap ang quiz na ‘to.

“Number 11. He is a german composer and pianist. is best-known compositions include 9 symphonies, 5 concertos for piano, 32 piano sonatas, and 16 string quartets. I need a full name.” Nang maisip ko na ang sagot naramdaman kong kinakalabit ako ni Cosette.

“Sino yun? Waaaa.” Hindi ako tumingin sa kanya para hindi mahalata. Nanatili akong nakatingin sa papel ko at bumulong sa kanya.

“Ludwig Van Beethoven.” Naiintindihan ko ang kalagayan ni Cosette. Mahirap nga talagang reviewhin ang mga pangalang yun. Hindi na siya muling nagtanong sakin nang biglang dumating ang ika-20 na tanong na hindi naidiscuss sa amin.

“Polish composer renowned for his piano works. A great Romantic composer, who nevertheless wrote absolute music with formal titles such as Mazurkas, Impromptus, Walzes, Nocturnes.” Pero kahit hindi ito diniscuss sa amin, alam ko parin ang sagot. Paano ko nga ba makakalimutan? E kapangalan yun ng papa ko.

“Waaa Melody sino ba yun? Please last na ‘to.” Bulong sakin ni Cosette.

“Talagang last na. Last question na yun e. Frederic Chopin.”

“Thank you talaga!”

Galing sa likod ay mag nagpasa sakin ng papel na may nakasulat na:

Ano yung sagot?

-Clef

Tumingin ako sa kanya at nagsmirk. Sinulat ko na lang kung ano ang buong pangalan ng sagot at muli ko itong pinapasa. Agad din namang nakabalik sakin ang papel at may nakasulat nang. “Thank you FRENEMY!” Kaya naman lalo akong nainis.

Bukas na daw malalaman ang result ng long quiz. Sana naman ay makapasa ako. Hindi kasi ako sigurado sa iba kong pinagsasagot dun e.

Paglabas na paglabas ko ng room, hinarang ako ni Clef. Kapatid nga niya yung kambal. Hinarang din niya kasi ako e.

“Bakit?” Kinabit nanaman niya sa buhok ko ang takip ng ballpen para magsilbing hair clip. Tulala sina Cosette at Benjo.

“Ano nanaman meron diyan? Dahil mukha akong tanga?” Ngumiti siya.

“Hah! Hindi. Kapag kasi suot mo, nagmumukha talagang tunay na hair clip. Kaya dapat lagi mo yang isuot. Bye frenemy! Wag kang mag-ingat!” Lumapit sakin si Leysander.

“Ano kailangan nun sayo?” Nakita ko nanaman siyang seryoso. Ano pa nga ba? Hindi nga yata siya marunong ngumiti.

“Ahh wala. Nangaasar lang.”

Hindi yata nabubuo ang araw niya nang walang pang-asar sakin. At hindi na yata mabubuo ang araw ko dahil lagi niyang sinisira.

Naglunch ako kasama sina Leysander, Cosette at Benjo. Nag-aya sila sa medyo mahal na kainan. Tatanggi sana ako kaya lang pinilit ako ni Cosette kaya napa ‘oo’ na lang ako. Kaya ko naman sigurong bayarang yun. Babawasan ko na lang yung allowance ko.

Pagkaupo namin dun, nagtext sakin si Clef na may practice daw ulit kami mamaya. Hindi naman na ako lagi nagrereply sa kanya, alam naman niyang lagi akong nandun e.

Natapos kaming kumain. Magbabayad na sana ako kaso pinigil ako ni Leysander.

“Ako na.” Kinuha ko ang wallet ko.

“Hindi nakakahiya Ley. Ilang beses mo na ‘tong ginagawa sakin.” Ilalapag ko na sana ang pera sa mesa nang pigilan niya ang kamay ko.

“Wala naman akong hininging kapalit diba? Ang tanging nakukuha ko lang na kapalit ay yung maging kaibigan kita.” Nakikita kong nagsisikuhan sina Cosette at Benjo.

“Oh kayong dalawa, anong problema niyo?” Nagpoker face lalo si Ley.

“Wala! Binata ka na kasi bro.” Binalibag niya ito ng tissue at bumalik sa pag-aayos ng gamit niya. Wala rin, hindi ako nanalo kay Ley.

Bumalik kami ng one sa room. Wala pa nga gaanong tao e kaya pinapasok muna nina Cosette si Ley sa loob. Lilima palang ang tao at isa na doon si Clef.

Nung makita niya akong umupo, tumabi siya sakin na dala-dala nanaman ang gitara niya. Sure na sure akong iinisin nanaman niya ko. Wala na ba siyang ibang magawa kung hindi ang gawin sakin ‘to araw araw?

[NP: Apple]
♪ For your consideration,
I offer myself with no sign of hesitation.
Lets get these wheels in motion
Cuz this old guitar's gonna sing by the oceanside.
Oh Apple you're my life. ♪


“O sino naman si Apple?” Nakatingin lang samin yung tatlo.

“Wala. Siya lang ang subject ng kanta. Nakasimangot ka nanaman, tignan mo itsura mo oh. Mukha ka nang mangkukulam.” Tinignan ko siya ng masama.

“Salamat sa compliment ha.” Sarcastic kong sagot.

“You’re welcome fiddler.” Tinignan ko lang siya ng masama.

“Nga pala. Ikaw daw pinagbigyan ng dalawa kong kapatid ng cookies sabi nila sakin. Bakit si Laurice ang nagbigay sakin nun?” Nakatingin ako sa notebook ko habang sinasagot ang tanong niya.

“Kasi kinuha niya. Ayaw mo nga siyang tignan kanina e.” Nabigla ako sa nasabi ko.

“May tatlong dahilan. Una sinaktan niya ko, pangalawa sinaktan niya ko at pangatlo sinaktan niya ko. Gets mo na?” Sumeryoso ang mukha ko. Kaya naman pala hindi niya matignan si Laurice ng diretso.

“Oo. Gets ko na.” Muli niyang ikinabit ang takip ng ballpen sakin.

“Mas bagay sayo.” Bumalik na siya sa upuan niya.

Bakit ganun? Ano ba talagang meron sa kanya? Hindi lang pala si Leysander ang nakakapuzzle. Pati na rin pala si Clef.
 
 
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #13 on: June 17, 2014, 08:47:51 PM »
Track 12
Pleasing Personality

 
Dumating na ang araw na pinaka kinakatakutan nilang lahat, ito ay ang malaman ang result ng naging long quiz namin. Pagpasok na pagpasok palang ng subject teacher namin ay nagsibulungan na silang lahat. Naging mahirap naman kasi talaga ang test.

Nilapag niya ang test paper sa table at tumingin ng masama sa aming lahat. Mukhang alam ko na kung ano nga talaga ang kinalabasan. Malamang ay halos lahat sa amin at bagsak, kung hindi man ay mabababa ang nakuha. Huwag naman sana akong bagsak.

Kung ako rin ang nasa kalagayan ni Ma’am ay maiinis nga ako kung halos lahat ay bagsak. Unang una ay diniscuss niya samin yun at pangalawa, may iniwan pa siya saming reviewer which is kakabisaduhin na lang namin.

Hindi pa nakakapagumpisang magsermon sa amin si Ma’am ay may sumingit na sa kanyang moment. Ang dakilang late na si Clef.

“Wooh Ma’am sorry, napuyat e.” Sumenyas lang si Ma’am na pumasok na siya.

“I’m so disappointed about your scores. Imagine? You have your own reviewers and I already discussed it. Wow. Ano yun, basta makapasa lang ayos na?” Nakayuko kaming lahat. Ayaw tignan si Ma’am ng eye to eye. Ganun naman kasi lagi.

“But only Melody got the perfect score.” Naiangat ko agad ang ulo ko at lahat sila ay nakatingin na ngayon sa akin.

“Ako Ma’am?” Tumango siya at ibinigay ang papers ko. Nang tignan ko ang mga ito, oo nga. Perfect nga ako. Halos maglulundag ang puso ko sa tuwa.

Nagsipalakpakan ang mga kaklase ko. Nagulat ako dahil hindi naman nila ko usually pinapansin. Well only because I love the subject and also gusto ko rin naman si Ma’am. Strikto pero natututo ako.
“So Ms. Ritmo is the highest and second to the highest is Mr. Castillo. You got 28/30. Next is Mr. Florentino, you got 27 and so on. But the rest, what happened to you guys?” Bumulong naman yung dalawa sakin ng congrats.

Wala naman masyadong ginawa si Ma’am sa loob. Matapos niya ay dumating na rin ang teacher namin sa second subject. Ayun nagdiscuss, pagkatapos nun ay umalis na rin.
Wala naman masyadong ginawa ngayong umaga. At doon sa last subject namin sinabi na half day lang daw ngayon dahil birthday ng Presidente ng school at magsecelebrate yun kasama ang mga teachers at iba pang staff.

Nagpaalam sina Benjo at Cosette na pupunta daw silang dalawa ng mall. Inaya nila ako kaya lang ay hindi ako pumayag. Hindi ko kasi feel ang mall, mas feel ko ang umupo na lang sa bench dun sa may mini forest ng school.

Habang naglalakad akong mag-isa, may nakita akong announcement sa bulletin board. Nakita ko pa ang picture ni Clef na may hawak hawak na medal. Galing ito sa English Department. Anong meron sa picture niya na ito at ipinost pa dito? Nang basahin ko ang nasa ibaba, Poetry Contest pala. At tula pala ni Clef ang dating nanalo sa contest kaya siya may medal.

Papalapit ang mukha ko sa bulletin board nang may humarang sa harapan ko. Muntik na ngang tumama ang mukha ko sa kanya.

“Hey! Don’t look at my throwback picture!” Ano naman sa kanya? Ang laki talaga ng problema nito.

“Sa pagkakaaalam ko hindi mo naman pagmamay-ari ang bulletin board pero kung ayaw mo, sige aalis na ko.” Kung ayaw niya ipakita e di wag. Hindi rin naman ako interesado sa picture niya.

Naramdaman ko namang sinusundan niya ko sa paglalakad. Ano ba talagang kailangan niya sakin? Kapag may lakad siya, siyempre PA niya ko. Baka naman hanggang dito ay gusto niya kong maging PA. Kung ganun magreresign talaga ako.

Kapag humihinto ako ay humihinto rin siya. Sinasadya pa niyang sabayan ang mga yabag ng paa ko. Hindi ko na natiis kaya hinarap ko na siya.

“Ano bang problema mo?” Binaba ko ang bag ko sa damuhan at saka umupo sa harapan niya.

Napagod ako sa inis sa kanya. Hindi naman talaga sa damuhan ang punta ko.

Umupo rin siya sa tapat ko at binaba ang gitara niya sa gilid niya. Hindi naman gaanong kainitan ang panahon ngayon, medyo mahangin pa nga e. Kasing hangin ng katapat ko ngayon. Ayoko tumingin sa kanya, nagkunwari na lang akong may katext sa cellphone ko.

Imbis na sa mini forest ako mapunta, heto ako ngayon kasama ang isang lalaking pinaka ayaw kong makasama sa oval. Buti na lang at walang araw. Hindi ako iitim.

“You’re not interested about me huh?” Napalingon ako ng mabilis.

“Of course not! At kahit kailan hindi mangyayari yun no.” Nakita ko siyang tumingin sa itaas.

“Hah that’s odd. ” Tuluyan siyang humiga sa damuhan.”

“Ano ba akala mo? Lahat ng babae may gusto sayo?” Saglit siyang tumingin at tumawa.

“Napakayabang mo talaga.”

“PA kita okay? That was really odd.” Pailing iling pa niyang sabi.

Ano ba akala niya? Na crush ko siya? Kilabutan nga siya. Kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Dahil ang tipo ko ay hindi makulit, thoughtful, maaalahanin, down to earth, tahimik at higit sa lahat ay hindi mayabang. E kabaligtaran siya ng lahat ng yun e.

“Alam kong minumura mo na ko diyan sa isip mo.” Pinitik ko yung tenga niya.

“Aray naman! Nakakatuwa ka talagang asarin. Tahimik pero palaban, bihira ang babaeng ganyan sayo. Para ka ngang hindi nagagalit e. Lagi ka na lang kasing mahinahon.” Ganun na ba ko kahinahon magsalita? Ibig sabihin hindi siya natakot sakin kahit minsan.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito!” Muli nanaman siyang tumawa.

“Aw sorry miss. Nagagalit ka na ba niyan?” Talagang inaasar niya ko kaya pinitik ko ulit yung ilong niya ng medyo malakas. Para naman maramdaman niya.

“Aray naman! Nakakarami ka na ha. Obvious ba? Wala akong makulit e. Kukulitin kasi kitang maging kaibigan ko. Saka remember, partner kita sa duets diba?” Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan yun. At ano daw? Yang issue nanaman na yan?

“Ano bang meron sa akin at gusto mo kong maging kaibigan?” Muli siyang tumingin sa kalangitan at saka sumagot ng seryoso.

“Kasi kakaiba ka sa kanila. Ikaw lang ang tanging babae hindi interesado sa akin, at ikaw lang ang hindi naghangad na maging kaibigan ako para lang maging sikat.” Ramdam ko na medyo malungkot siya. 
Nagulat ako nang bigla bigla na lang siyang tumayo.

“Tara!” Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at sundan siya sa kung saan man siyang lugar pupunta. Mukha kasing nagmamadali siya e.

Dinala niya ako sa mini forest na kanina ko pa gustong puntahan. Hindi naman kaya nabasa niya ang iniisip ko? Ano ba ‘tong iniisip ko. Siyempre hindi niya kayang gawin yun, wala naman siyang powers. Kung anu-ano nanaman pumapasok sa utak ko.

Walang katao-tao sa lugar at mas malamig dito kesa sa oval. Napakaraming puno ng mangga at ni isang kalat ay wala kang makikita. Saludo ako sa mga janitor ng school na ‘to. Talagang pinapanatili nila ang kalinisan.

Patuloy kaming lumalakad ng mabilis habang hawak niya ang braso ko sa kanang kamay niya at hawak naman niya ang gitara niya sa kabila. Medyo mabalis siyang maglakad kaya hindi ko rin halos mahabol ang mga hakbang niya.

Naramdaman kong may kumirot sa paa ko kaya napaupo ako. Ang sakit kasi.  Ayun, napulikat na nga ako at kasalanan niya.

“Ow sorry. Tara upo na tayo dito.” Nag glare ako sa kanya at umupo na rin sa tabi niya.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang paa ko para hilutin. Teka, nababaliw na ba siya? Paano kung may makakita sa amin? E di nasali pa ko sa issue!

“Wag mo na ngang gawin yan! Hindi na kailangan. Ayos na ko.” Bumalik na siya sa pagkakaupo.
“Pasensya naman. May nakita kasi akong paparazzi sa bleachers kaya nagmadali akong umalis dun.

"Nakakaasar na nga sila e.” Kaya naman pala.

“Ahh ganun ba.” Napayuko ako at ginalaw galaw ang napulikat kong paa.

“Nandito pala kayong dalawa. Ano namang ginagawa niyo dito? Dating?” Nagtataka parin talaga ako kung bakit ang bitter bitter ni Laurice kay Clef.

“Nope. Chilling.” Diretsong sagot ni Clef.

“Hindi kami aattend ng meeting. Ayaw kasi kitang makita.” Bago umalis si Laurice ay may mga kataga siyang iniwan kay Clef na siyang ikinatakot ko.

“You’ll regret this Gregory Clef Castillo!” Kumaway pa siya nang tumalikod si Laurice.

“Bye!” Hatalang iniiwasan niya ito.

Bawat word na binibitawan ni Clef ay parang may halong galit kay Laurice and it’s not normal.

Nakakapanibago ang mukha ni Clef ngayon. Sanay kasi akong laging mukhang nanloloko ang itsura niya at hindi ko pa siya nakikitang ngumiti na totoo sa kanya.

Bihira kong makita si Clef na ngumiti, yung ngiting alam kong si Clef talaga yun? Kung idedescribe ko ngayon ang itsura niya. Siya ay seryoso, nakayuko lang at parang may malalim na iniisip.

Nagring ang phone niya at tinititigan lang niya ‘to. Maybe hindi ko pa nga talaga kilala si Clef. Maybe ang isang Clef ay hindi naman talaga makulit at masiyahin. Minsan kasi ay may ugali rin siyang seryoso at mainitin ang ulo. Alin nga ba siya sa mga yun?

Hindi rin nagtagal ay sinagot rin niya ito.

“Not now. I can’t do that. Kung gusto mo ikaw na lang. Sa tingin mo ba kaya kong tapusin ang anim na kanta in two months? It takes time. Bahala ka.” Binabaan niya yung kausap niya.

“May problem—“

“Wala. Sige alis muna ko.” Tumayo na siya ngunit bago siya umalis ay nagsalita ako. Huminto siya nang hindi man lumilingon.

“Kung kailangan mo ng kausap, pwede ako. Makikinig lang ako.” Nakita ko siyang tumango at umalis na rin sa harapan ko.

Tumayo na rin ako para umalis sa lugar na yun. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung may practice pa o wala. Ayoko na kasing makisabay.

Hinanap ko na lang ang punong binabalik balikan ko dati at doon na lang ako muling umupo. Tulad ng dati, nagulat nanaman ako sa pagbagsak galing sa itaas ni Leysander. Halos two days ko rin siyang hindi nakita. Nandito lang pala siya.

“Tagal mong hindi napunta dito.” Umupo siya sa tabi ko.

“Bakit kasama mo siya?” Malamang nakita niya kami ni Clef. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Oo na nga. Bakit pa ba ako nag-aalangan.

“Sinundan niya kasi ako e.”

“Lagi ka nga niyang sinusundan.” Napatahimik ako. Ito na, sasabihin ko na talaga sa kanya.

“PA niya kasi ako. Kaya nakahanap pa siya lalo ng dahilan para asarin at kulitin ako.” Narinig ko siyang napabuntong hininga.

“Woah. That’s not the usual Clef.” Napatingin ako sa kanya habang inaayos niya ang upo niya.

“Bakit? Close ba kayo?” Tanong ko sa kanya.

“No. When I was grade 6 kaklase ko siya. Tahimik lang siya at laging pinaliligiran ng mga babae. Lagi lang siyang nasa iisang tabi at walang kausap. Si Benjo lang ang kinakausap niya dati, kaya lang hindi ko alam kung ano ang naging dahilan ng pag-aaway nila at hindi sila muling nagsama pa. Matapos nun ay ako na ang naging kaibigan ni Benjo.” Yan na yata ang pinakamahabang nasabi ni Leysander sakin.
Hindi ko parin naiintindihan. Pero kailangan kong maintindihan. Maski siguro itong si Leysander ay hindi siya maintindihan.

Siguro nga, ang tanging kailangan niya ay isang kaibigan.
 


MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: The Music Of Hearts ♪ (On-going)
« Reply #14 on: June 25, 2014, 11:56:30 PM »
Track 13
Stage Fright
 

Wala akong nararamdaman ngayon kung hindi kaba. Kaba na baka hindi siya makapunta. Halos dalawang araw kaming hindi nag-usap at dalawang araw rin kaming hindi nagpractice para mapag-usapan ang tungkol sa performance namin ngayon.

Maaga palang ay nandito na ako sa ilalim ng puno at pinapakinggan ng paulit-ulit ang Requiem On Water. Baka kasi mamaya magkamali ako. Hindi ko rin maiwasang tumingin sa palagid kung nandiyan si Leysander. Wala kasi siya sa taas ng puno ngayon.

Baka mamaya hindi siya makapunta, ano na lang ang mangyayari sakin? Kahihiyan yun sigurado. Simula nung kinausap siya ni Laurice, hindi na rin niya ko kinausap. Kahit na nasa iisang bahay lang kami, hindi parin niya ko kinakausap. Mag-aattempt palang ako, lagi niyang sinasabi may pupuntahan siya or kung hindi man, aalis na ko.

Speaking of bahay, nakahanap na ako ng lilipatan kong apartment. Gusto ko na rin kasi talagang umalis dito. Bukod sa nahihiya ako e ang pangit tignan na sa iisang bahay lang kami.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may tumabi sakin. Kaya naman agad kong inalis ang isang earphone ko para makinig sa sasabihin niya.

“Ano yung pinapakinggan mo?” Ngumiti ako ng bahagya.

“Requiem On Water. Performance kasi namin ni Clef ngayon para sa The Independents. Sa kasamaang palad kasi ay nabunot niya kong kapareha. Kaya lang hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi parin namin napag-uusapan yung tungkol sa ngayon. Paano yun?” Nag shrug lang siya.

“Bakit sakin mo tinatanong? Papanuorin kita mamaya. Anong oras ba?” Sumandal siya sa puno.
“Mamayang 3 pm. Buti nga at walang klase ngayon e. Teka lang, wag mo na kong panuorin?” Lumingon siya sakin.

“Bakit hindi?”

“Nahihiya kasi ako. Wag na please?” Bumalik siya sa pagkakatingin sa itaas.

“Sabi mo e.” Napahinga ako ng maluwag.

Sinusubukan kong tawagan si Clef. Sinusubukan ko rin siyang itext at baka sakaling mabasa niya at magresponse. Kaya lang hindi niya ko sinasagot.

Naniniwala parin akong pupunta siya. Sa pagkakatanda ko, cinancel naman niya lahat ng schedules niya para sa performance ngayon.

Tingin ako ng tingin sa wristwatch ko. Dalawang oras na lang at kailangan ko nang pumunta sa Music Department. Dalawang oras na lang at mag-iistart na ang pagpeperform ng mga members. Hindi ko naman hangad na mapili kami, ayoko lang na mapahiya kami.

“Ang lalim naman ng iniisip mo.” Alam kong nakatingin siya sakin ngayon.

“Ha? Ahh ano yun?” Hindi ko kasi naintindihan e. Naoccupy na ni Clef yung isip ko.

“Sabi ko yung isip mo parang balon.” Nagtaka ako.

“Bakit naman?” May inabot siya sakin.

“Ang lalim kasi ng iniisip mo.” Binigyan niya ulit ako ng tropicana.

“Ahh salamat. Kinakabahan kasi ako baka hindi siya makapunta ngayon. Baka kung ano ang sabihin ng mga members samin.”

“Bakit ba iniisip mo kung ano ang sasabihin nila? Hindi naman ikaw ang may kasalanan kung
saka-sakaling hindi siya umattend.” Oo nga naman, may punto siya.

Mabilis na lumipas ang oras. 2:30 na at wala parin siya. Hindi ko na ‘to kaya. Kung hindi na talaga siya dadating, ako na lang mag-isa. Agad akong tumayo.

“Bahala na nga. Sige Ley, alis na ko.” Tumango lang siya at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Saktong saktong pagdating ko sa music room ay nagbubunutan na silang lahat. Napatingin silang lahat sakin nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Si Mrs. Legaspi ang may hawak ng palabunutan. Sasabihin ko na lang sa kanila.

Nakakatakot dahil mukha pa namang masungit itong si Mrs. Legaspi at sa totoo lang, natatakot ako sa magiging reaction niya na wala si Clef. Nagbago ang isip ko kaya hindi ko na muna sasabihin.
“Where have you been Ms. Ritmo? Where’s Clef? Bumunot ka na muna. And guys, mamaya dadating na ang pipili sa inyo kung sino ang magiging representative ng school natin.” Hindi ako mapakali. Nasa harap ko na rin kasi ang bunutan.

“Ahh wala po, pero pasunod na po yun.” Pikit mata akong bumunot. At kapag minamalas ka nga naman. Number 3 ang nabunot ko.

Sa gilid ko, nakita kong may nagsisidatingan na mga tao. Lahat sila ay parang mga strict at masusungit. May isa ring black na magjajudge samin. Kenyan  siguro yung isa na yun.

Ang tanging inaalala ko ngayon, paano na ako? Paano na yung performance namin dapat?
Nagsalita na si Ma’am. Pinapalipat kaming lahat sa Convention kaya naman agad akong nagtext kay Clef na sa convention yun gaganapin. Please Clef, dumating ka. Yan ang paulit ulit na inisip ko. Nagdadasal rin ako na sana nga ay dumating siya.

Naniniwala ako, dadating talaga siya. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan akong maniwala. Maniwalang dadating siya kahit last minute na.

Sabi kasi ng isang maid kanina sa bahay nila ay maaga daw itong umalis. Wala naman daw pinasabi sakin kung kailan ito dadating. Kaya naman nang maalala ko yun ay mas lalo akong kinabahan.
Nang makarating na kami sa convention ay umayos na ang lahat. May kanya kanya silang dalang instrument. Halos lahat ay gitara ang dala at yung iba naman ay dala dala ang keyboard nila at beatbox. Samantalang ako ang tanging dala dala ko lang ay ang sarili ko.

Palakad lakad lang ako sa gilid. Hindi na kasi talaga ako mapakali.
Unang nagperform si Trina at yung partner niya. Parehas silang may dalang gitara at Terrified ang kanilang kakantahin. Nagpalakpakan ang lahat bago sila magsimula. Bukod sa ang cute nilang tignan e parehas pa silang mataas ang confidence.

♪ You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark  ♪


At nang matapos sila, umupo na lang ako sa isang tabi para hintayin si Clef. May part sa isipan ko na naniniwalang hindi na siya dadating at may part din sa isipan kong naniniwalang dadating siya. Kailangan ko parin siyang hintayin.

Hanggang sa nagperform na rin ang pangalawang magkapartner.  Someday We’ll Know pa nga yung kinanta nila at nung patapos na sila, tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

“Next.” Wala paring tumatayo.

“Sino ba ang number three? NEXT!!” Medyo napalakas na ang boses ni Mrs. Legaspi kaya tumayo na ako para pumunta sa harapan niya.

“Ma’am, pasensya na po. Wala pa po kasi si Clef, pwede po bang ako na lang?” Sumigaw ulit siya.

“Kaya nga may partner kayo diba? Ano ba kayo!” Napapikit ako. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.

“Paalala ko lang sayo na kapag hindi kayo nakapag present sakin ngayon, tatanggalin na kita sa The Independents. Ngayon din!” Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.

“Ano na? Sabihin mo lang kung makakapag present ka ngayon ng may kapartner, dahil kung hindi e uma---“

“Sandali lang po. Ako na lang.” Nakita ko si Leysander na papalapit sa akin habang may gitarang nakasabit sa kanya.

“Makakapag perform po siya. Hindi po ako taga Music Department pero dahil wala si Clef, ako na lang po muna. Ang importante ay makapag perform lang siya.”

“Hindi pwede! Hindi ka naman taga Music Department.” Tumingin sakin si Leysander.
“Hindi nga po. Pero ang importante lang dito, may maipresent si Melody.”

“FINE! Pero hindi na kayo kasama sa pagpipilian.” Hinawakan ni Leysander ang kamay ko at dahan dahan akong hinila papunta sa harapan. Nang hawakan niya ang kamay ko, gumaan ang pakiramdam ko.

Ganun parin ang aura niya sakin. Seryoso at walang pakialam sa paligid niya. Ano kayang ginagawa niya dito? Malamang ay kanina pa siya dito. Bumulong ako sa kanya.

“Kaya mo?” Sumagot naman siya.

“Trust me.” Maikling sagot pero sapat na para gumaan ang loob ko at para mawala ang stage fright ko.

“Ano bang kakantahin natin?” Bulong ko agad.

“ANO BA! ANG TAGAL NAMAN NIYAN!” Sigaw ni Mrs. Legaspi kaya agad na siyang tumugtog at kumanta.

♪ Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, oh baby I'm trying ♪


Laking pasasalamat ko dahil alam ko ang kantang napili niya. Ngayon ko lang nalaman na napakaganda pala ng boses niya. Malamig, malambing at sobrang sarap pakinggan. Nakatitig ako sa kanya habang patuloy siyang kumakanta.

♪ Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard ♪

Ngayon palang siguro ay kailangan ko nang umisip kung paano ko papasalamatan si Leysander sa napakalaking tulong niya na ito.

♪ I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh ♪


Tumingin ako sa mga nanunuod sa amin. Halos lahat ng babae ay nakanganga kay Leysander. At ang mga judges ay nakangiting nanunuod sa amin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Halo halo na ang iniisip ko.

Ramdam ko ang kagandahan ng kanta. Ano nga kaya ang feeling kapag nainlove ka sa bestfriend mo? Mahirap rin siguro yun.

Habang papalapit na kami sa end ng kanta, nararamdaman ko ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. Nakapagdesisyon na ko at hinding hindi na magbabago yun. Naiinis ako sa sarili ko, bakit pa ba ako pumasok dito? Tuloy eto, napahiya lang ako.

♪ I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday ♪
♪ Ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh, ooh
Ooh ooh ooh,ooh ♪


Nang matapos ang pagkanta namin ay bumaba na kami. Pigil pigil ko ang luha kong malapit lapit nang tumulo kanina pa. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Nasasaktan ako kasi hindi siya nakapunta. Nasasaktan ako kasi napahiya ako at muntik nang mapaalis.

Kaya naman nagdecide akong umalis na rin nang tuluyan sa The Independents. Pagbaba ko ay may nagsalitang tatlong babae sa harapan.

“Feeling mo ba sisiputin ka niya talaga?” Sabi nung katabi ni Laurice.

“Wala siyang panahon para sayo tandaan mo yan!” Sabi naman ni Laurice.

“Pasalamat ka sa kasama mong cute at kung hindi napahiya ka na nang tuluyan sa mga judges. OMG ngayon ko lang nakitang ganyan kagalit si Ma’am no!”

Hinila ako ni Leysander palabas at saktong saktong pagkalabas namin ay nasa pintuan ng convention si Clef. Nagulat siya nang makita niya kaming dalawa. Magsasalita pa sana siya kaya lang tumakbo na ko. Ngunit laking gulat ko nang habulin niya ko.

“Teka sandal!” Tinignan ko siya ng masama.

“TAPOS NA CLEF!” Sinabi ko na lang kay Mrs. Legaspi na aalis na rin talaga ako. Pumayag naman siya at kung yun naman daw talaga ang desisyon ko.

Muli na ako tumalikod at tumakbo palayo. Nagpunta ako sa ilalim ng puno para magpahinga at huminga ng malinis na simoy ng hangin. Nang may mag-abot sakin ng panyo.

“Umiiyak ka ba?” Umupo siya sa tabi ko.

“Ha? Hindi. Nasaktan lang kasi ako dahil napahiya ako.”

“Hayaan mo na sila.”

“Tama ka. Hayaan na lang sila.”

Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita na kami ni Clef.

Hinatid ako ni Leysander dahil hindi daw siya tumatanggi ng sagot na ‘hindi’. Pagdating na pagdating namin doon ay nasa labas si Clef at hinihintay ako. Nagulat siya nang makita niya kaming magkasabay na dumating doon.

“Sige Melody.” Pinat niya ang ulo ko at tuluyan na ring umalis. Bakit ganito? Pakiramdam ko ang saya saya ko kasi naligtas ako ni Ley.

 Lumapit naman sakin si Clef, bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.

“Lilipat na ko bukas. Nakahanap narin kasi ako ng lilipatan.  Pasok na ko.”

“Teka sandali lang. Pasensya na kung hindi ako nakapunta agad. Sinubukan ko namang humabol kaya lang may inasikaso lang talaga ako.” Lumingon ako.

“Okay lang, isa pa umalis na rin naman na ko dun.” Pero sa totoo lang ay hindi yun okay sakin. Dapat nga siguro ay hindi na ako lumapit sa kanya. Gagawin ko na lang ang trabaho ko.

Pagtalikod ko ay hinila niya ako paharap sa kanya na siya namang ikinagulat ko. Halos magkalapit na kasi ang mukha namin ngayon. Nakita ko pa nga siyang ngumiti nang bahagya kaya pinitik ko yung tenga niya ng malakas.

“Aray! Ayan ka nanaman! Hindi ako nakapunta agad dahil naaksidente si dad. Sorry na okay?”

“Naiintindihan ko naman. Kaya nga okay lang diba?”

“Ahh ganun ba? Buti na lang dumating si Leysander. Pakisabi salamat.” Tumango ako at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

Naiinis ako. Ano bang nangyayari sakin? Sa tuwing naalala ko ang pagdating ni Leysander kanina ay napapangiti ako at kahit papaano ay nakakalimutan kong napahiya ako. Pero naiinis parin ako sa hindi pagkapunta ni Clef kanina.

Kaya lang hindi ko naman kasi siya masisisi. Daddy niya yun at kailangan siya nito sa tabi niya.
 


 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Look Who's Talking

by: ayessa, 2014-08-20

...about makeup, that is! If you talked to me about makeup a few months back, I'd probably freak out and excuse myself or pretend I'm doing something to save the world so I can...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved