Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: THIS GENERATION (Ongoing story)  (Read 2158 times)

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #15 on: March 26, 2014, 10:27:34 PM »
CHAPTER 12: SLICK!


EZRA

Pagpasok namin sa kwarto ni Orion na sobrang kalat eh tinakpan ko kagad ang ilong ko. “What’s that smell?” Sabi ni Wayne. As a vain eh siyempre mahahalata mo ang pandidiri sa kanyang mukha. Sino ba naman ang hindi eh amoy mabahong paa ang buong kwarto niya.

“Oh,sorry! Parang di naman kayo mga lalaki kung makareact.” Pagtatanggol ni Orion sa kanyang kawawang sarili. And yeah,  he won this time. Inalis ko na ang kamay ko sa ilong ko dahil sa sinabi ng ‘langya. Si Wayne naman eh ganun pa din ang reaksyon, yung diring-diri ba. I knew he was gay so hindi ako nagulat. Kidding.

Umupo na kami sa kama ni Orion at hinawakan niya ang kamay ko. So  homo! “Tol! Wag kang maooffend ha, pero ang unang-una mong baguhin dapat eh yang ugali mo.” Sabi niya habang nakatingin sa akin, ako naman eh nag-init ang ulo bigla. What’s wrong with my attitude ba? Am I really a douchebag? Kung alam lang nila ang dahilan ng paggagaganito ko eh malamang di nila ako gaganituhin. Redundant masyado ang statement ko. Pasensya, mainit ang ulo eh. “I know what you’re thinking right now. Hindi ko sinasabing masama ugali mo pero yun yung tingin nila---like that girl. Ano nga ulit name niya?” Tanong niya kay Wayne. Si Wayne naman sa gilid namin ay nagsabi ng “Chelsey, ‘tol.” ng walang gana. “Yes, Chelsey! Tulad niya na hindi ka pa gaanong kilala ay aakalain talagang masama ang ugali mo. Medyo mapait ka lang magsalita pero alam naming mga pare mo na mabait ka pa din naman.”

I sighed. “So anong gagawin ko ngayon?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Actually, he was right. Preacher man ang tingin ko sa kanilang dalawa ay may sense din naman ang mga sinasabi nila kahit papano.

“Medyo i-tame down mo lang ang mga words na sinasabi mo,okay?” He said and Wayne nodded after. “Okay na ba tayo sa #1?” Tanong ni Wayne sa akin. “Okay.” Matabang kong sagot.

“Moving on, kelangan mong ipakita kay Chelsey na nagsosorry ka na talaga sa ninakaw mong halik galing sa kanya…” I stopped Wayne. “Hep! Nahihiya nga ako sabi.” Shinake lang ni Orion ang ulo niya at nagsimulang magsalita ulit. “Uhm,hum! Yan ang problema eh. Ang hiya-hiya na yan! Kung gusto mo siyang masiyahan sa’yo eh dapat mo talagang gawin ang sinabi ni Wayne. Dapat nga #1 rule yan natin eh.” Tinap niya tapos ang likod ko.

“Okay. I get it. #3 na.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“ #3… Hmmm… Magpakapogi ka!” Uminit na naman bigla ang katawan ko sa sinabi ni Wayne.

“PERO!!!”

“Pero gwapo na naman talaga, gan’un? Nakita mo na ba sa salamin kung ga’no na kahaba  yang buhok mo? Daig mo pa si Avan Jogia niyan eh. Magpapaka-Thor ka ba?” Tanong niya sa akin.

“Pero gwapo naman KAMI kahit mahaba ang buhok namin ah.” Tinignan ko na lang si Wayne ng masakit.

“Dude, nalimutan mo na bang clean cut ang gusto ni Chelsey na hairstyle para sa lalaki?” Sabi niya sa akin. Lels at his face. (Lels = nakakatawa. Yan na yan.)

*FLASHBACK*

Ako: Eh yung gusto ni Chelsey para sa isang guy, anu-ano?
Alfonso: Uhm. Yung alam ko medyo type niya si Ed Westwick eh. At gusto niya yung lalaking malinis tignan.
Wayne: Parang ako?
Ako: Shut up, tulog ka na dyan at magpalunod sa wet dreams mo.
Wayne: G*go ka!
Ako: I know! No need to remind me of that.
Alfonso: Wala ka na bang itatanong?
Ako: Marami pa eh….


Aha! Tama nga si Wayne. Bakit di ko naisip yun? Nabobobo na ba ako dahil sa sobrang kapogian ko? Tss. “Ay, tama ka nga. Sige, magpapagupit na ako bukas!” Sagot ko na lang kay Wayne. “Slick back undercut ha?” Suggestion niya. And then I nodded. Oh,God! Bagay ba sa’kin ang hairstyle na ‘yun? I wish so.

“Okay na ang #3, #4 naman.” Sabi ni Orion sa’ming dalawa. By this time immune na ako sa mabahong amoy ng kanyang kwarto. Lels.

“#4: Once na mabalik na yung trust ni Chelsey sa’yo. Wag na wag mo na itong dudungisan pa. Okay?” Well that one made sense more.

I nodded. Again. “So okay na ba ang lahat-lahat?” Tanong ni Orion sa akin. “Yes.” My immediate respond.

“By the way, thank you, Warhols!” Both of them smiled after. Oh! Our band’s memories. Nostalgic, huh!

**********

Hapunan na ng tinanong ni Orion ang kanyang mga magulang kung saan kami ni Wayne matutulog. Good! Akala ko kasi sa labas niya kami paghahandaan ng folding bed with matching tahol ng aso nila eh. Sinabi naman nila na pwede daw naming gamitin ang kwarto ni Judi dahil sa Biyernes pa naman daw siya uuwi. Isa pang good. Wait, “Oh yeah!” pala dapat ang sagot ko dito.

Pagpunta namin sa kwarto ni Judi ay nagulat kami ni Wayne. Yung design ng closet niya eh yung signature ko. Ang creepy talaga ng babaeng ‘to. “Obsessed talaga sa’yo.” Sabi sa akin ni Wayne at tumawa siya ng mahina. “Namangha ka pa. Sa mukha kong ‘to?” Pagmamalaki kong sagot sa kanya. At nakuha niyo na din siguro ang sunod na naganap which is the infamous eye-rolling session from the vain king.

“Matulog na nga tayo.” Inutusan ba naman ako?


“Okay. Diyan ka sa baba at dito ako sa taas.” Matamlay kong sabi sa kanya.

“Ano? So sa sahig mo ako papatulugin? Pare naman!” Pagmamakaawa niya.

“Ano bang gusto mo? Sa sahig dito sa kwartong amoy scented candle o sa kwarto ni Orion na amoy dumpsite?” Sagot ko sa kanya habang naka-cross arms.

“Fine. Sige. Eh di dito na lang ako.” HA! I defeated the preacher. Kudos to me!

After niyang ilapat ang kanyang banig na nakita niya sa gilid ng cabinet ni Judipher eh sinabihan ko siya ng “Good night,bro!” in which di na siya nakasagot pa. Lels. Nagalit siguro. At pinatay ko na nga ang ilaw sa amin.

**********

“Ready ka na?” Andito na kami ngayon sa mall para sa haircut agenda ko. Syempre gusto kong sa mall kami para expensive naman tignan at FB update-worthy pa. Lels. Di naman sila nagtapon ng mga sarcastic comment tungkol sa gusto ko kasi alam ko naman na alam nila na ililibre ko silang dalawa sa Yellow Cab mamaya.

“Of course, I am ready!” Sagot ko sa kanila at nagwink ako. Loko ‘tong mga ‘to at pinagtawanan ako habang hinihimas ng babaeng hairstylist ang buhok ko. Cougars = NOT Ezra’s type. Uh uh. “I think you need a shakeover.” Sabi ba naman niya sa akin. Ano daw?

“Uhm? What’s a shakeover?” 

“Basta! Relax ka lang, Mr. Henderson at  gagawin kitang mega-heartthrob.” Sagot niya sa tanong ko. Bigla namang nag-init ang ulo ko kasi alam ko sa sarili ko na dati na akong heartthrob eh. So mukha na akong leading man mamaya…malamang. At sana.

30 mins. din ang lagi ng haircut agenda ko. At nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay nakita ko… Nakita ko ang tunay na definition ng salitang POGI. Joke lang! Nakita ko ang malaking transformation na ginawa sa akin ng hairstylist. MAS naging gwapo at western nga akong tignan. Good.

Tuwang tuwa naman silang dalawa sa akin. Yung mga babae na kanina’y nakatingin kay Wayne ay sa akin na ngayon nakasmile. I like it!

**********

Pagakatapos naming umalis sa salon ay nahalata kong marami talagang mga bakla at mga babaeng nakatingin sa akin. Eh di sana pala noon pa ako nagpagupit ng ganito?

Siniko ko si Wayne at nagulat siya sa ginawa ko. Sinenyasan ko na lamang siya na lumapit kasi may ibubulong ako sa kanya. Syempre lumapit nga siya at idiniin (talaga) ang tenga niya sa bibig ko. “Ano ngang tawag sa buhok ko ngayon?” Tanong ko sa kanya. “Slick back undercut.” Sagot niya naman. At nagsmile na lang ako ng wala sa oras. Sana si Chelsey magustuhan niya din ang transformation ko tulad ng mga tao dito sa mall. Ginawa ko naman kasi ‘to para sa kanya eh.

**********

Pagkauwi namin sa bahay nina Orion ay may narinig akong pamilyar na boses. Sana nagkakamali ako sa hinala ko. Ang ganda ng araw ko ngayon ah.

“EZRA!” Sabi niya sa akin at ginapos ako. Oh my Lord! Bad timing siya!

“Akala ko ba sa Biyernes ka pa uuwi?” Tanong ni Orion sa kanya. Tinignan ko si Wayne at binigyan niya ako ng WTF look. Oo nga naman at ang langit ay nagiging impyerno din paminsan-minsan.

“Mommy told me kasi na andito daw si Ezra kaya umuwi na lang ako galing ng Bacolod.” Sagot niya naman sa kuya niyang nakakunot-noo.

Lumapit siya tapos sa akin at hinawakan ang tenga ko. “Did you miss me?” Tanong niya.

“No!” Mabilisan kong sagot. Oh, Judipher! You are a pathetic ragdoll.

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #16 on: April 02, 2014, 04:59:58 PM »
CHAPTER 13: SHE'S UP TO HIS BUTT/ HE'S UP TO HER HEART



EZRA

Tatlong araw na din simula ng  dumating si Judi dito sa bahay nila. Mula n’un ay naging mas miserable ang buhay ko dito. Kung ayaw kong mag-stay sa Palmville ay mas lalong ayoko dito, noh? Look, kung saan ba naman ako eh dapat andun din daw siya. Ang kulit! At eto pang mas malala, kahapon while I’m playing badminton with Orion eh cheer siya ng cheer sa akin. Okay naman sana kung “Go,Ezra!” lang ang pinagsasasasabi niya eh…pero “Go, Hubby! You’re so yummy!” ba naman ang lumalabas sa bunganga niya? Wow lang ha. Ginawa akong DILF ng buang [baliw] na ‘to!

Pero aaminin ko, kung sina Moms and Pops ang gumaganon sa akin katulad ni Judi eh malamang ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo…pero hindi eh. Iba kasi ang trato nila sa akin. Minsan nga naiisip ko na baka hindi nila ako tunay na anak eh. Pero sino ba naman ang inuuto ko? May kambal ako, hello?

Going back to the scene, nag-excuse ako’t nagsabing si Wayne na lang muna ang pumalit sa akin. Nag-nod naman siya at nagsimulang humawak ng racket. Si Judi nama’y nagdali-daling pumunta sa akin para punasan ang pawis ko.


“Ep! Stay there!” Sabi ko habang sumisenyas ng “stop” sa kanya. Bumalik na lang siya sa kinauupuan niya after, and then umalis na ako para mapag-isa.

In my head, gusto kong sigawan si Judi ng, “I NEED A LIFE!”…pero di ko kaya eh. Naaawa kasi ako



sa sarili ko at baka umiyak siya’t magsumbong sa mga magulang niya. Baka ipabugbog ako ni Tita.

**********

Eto ako ngayon at nakaupo sa isang madilim na sulok. Ewan ko ba kung bakit….pero marami akong iniisip sa oras na’to. Akala niyo naman siguro kumakanta ako,noh?

“Uy! Bakit kanina ka pa nakatingin diyan sa buwan? Anong nangyayari sa’yo?” Panira ng mood ‘tong si Wayne eh. Tinignan ko lang siya at nagshake ng aking ulo sabay sabi ng, “Wala!” Lumakad naman siya pabalik sa laptop niya after ko siyang sinagot ng biglang may sinabi ako sa kanya.

“Tol,kung umuwi na kaya tayo sa’min?

Tumawa siya ng malakas at pinagpag ang kanyang kamay sa binti niya. “Anong nakakatawa?” Tanong ko. Umalis na ako sa gilid ng bintana kung saan ako kanina  nakaupo at lumapit sa kanya kasi kung sakali mang may masabi siyang di maganda sa akin eh isang hampas ko lang sa ulo niya’t nakaganti na din ako sa kanya,hindi ba?

Tumigil siya bigla sa kakatawa ng nakita niya ang mukha ko na tila ba’y may masamang balak. “Pinagsawaan mo na ba si Judi kaya ka nagkakaganyan?” Pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ni Judibee (Hindi ‘yan  term of endearment, ha?) ay agad-agad kong kinurot ang tenga niya. “Kupal! Iba ang nagsasawa sa nasusuka!” Sabi ko sa kanya.

“Aray! Oh,eh di nasusuka na! Grabe ‘to!” Inalis ko na ang kamay ko sa tenga ni Wayne at napansin kong namula-mula nga ito. Ha! Mabuti nga sa mokong at may napala sa pangungutya niya sa akin. “Bakit, kelan mo ba balak umalis?” Tanong niya.

“Ngayon na mismo.” Sagot ko naman sa kanya. Napa-tss na lang siya at nagsimulang i-rotate ang ulo niya. Sana 360° na lang ang inikot ng ulo niya para matuwa naman ako. “Ulol. Mukha kang abnormal sa ginagawa mo!” Sabi ko sa kanya sabay sukot. Kainis kasi eh.

“At least gwapo.” Sagot ba naman niya sa akin? Kahit na medyo seryoso ‘tong lalaking ‘to eh minsan kalog din naman siya kahit papano. Mambabara pa sana ako ng inunahan niya na ako ng sasabihan. “…Okay! Bukas! Bukas uuwi na tayo…” Sabi niya. “Magpaalam muna tayo sa kanila dito.” Dagdag pa niya sabay kamot ng kanyang ulo.
**********

As usual, hindi maganda ang araw ko ngayon. Tulad din siya ng kahapon na kung saan ay nakikita ko ang mukha ni Judibee at psh---badtip na ako. I really hate this girl. Baligtad talaga sila ng ugali ni Orion. Kung is Orion ay pwede mong malapitan anytime, eto namang kapatid niya eh ansarap iligaw sa gubat--- anytime din. Sana si Bricks na lang ang naging kapatid niya eh para walang makulit dito.

Pagkatapos naming mananghalian ay lumapit na ako kay Orion para magpaalam sa kanya. Though alam niyo naman siguro na magkasama lang kami sa iisang kwarto kagabi, pero nauna siyang natulog kasi eh, kaya ayun, walang naganap.

“Tol! Uwi na kami mamaya,ha?” Sabi ko sa kanya habang nakaupo kami dito sa labas ng bahay nila’t umiinom ng Mountan Dew. Si Wayne kasi hindi pa tapos sa kinakain niya eh. Alam niyo na, PG kasi. Joke.

Kumunot ang noo niya bigla sa sinabi ko. “Huh? !”

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #17 on: April 07, 2014, 12:57:34 PM »
CHAPTER 14: IS SHE IN LIKE WITH HIM ALREADY?




CHELSEY

 

He’s back! He’s totally back! The guy who stole my first kiss. I’m still bummed at this moment, pero bakit ako namula noong nakita ko ang mukha niya? Is it because… nah! That can’t be happening! I hate him, why would I…ugh! Again, that can’t be happening.

 

Marami ang nangyari ng nawala siya dito sandali. From my secrets to Mamita’s romance with Darwin; yung guy sa labas ng Palmville na sobrang nakakatawa. They were like a cat and a dog in a room, ang ingay nila. But Darwin accidentally blabbed that he likes Mamita’s curves. Dyosa lang ang friend ko, oh! Uhm, do you want me to describe Darwin ba? May kulang basta sa kanya.

 

Yung dalawang ngipin niya sa harapan. Don't laugh.

 

Anyway, bago kayo mag-cringe diyan eh may sasabihin muna ako sa inyong sobrang nakakahiya. Sigrid discovered my DOMO. Kita na? Sabi nang wala kang lusot kay Sig eh! Nang nakita ko siya na hawak-hawak ang diary ko na nakangiti ay bumilis ang tibok ng puso ko. “Hey! Ibigay mo yan sa akin!” Pagsusumamo ko sa kanya.

 

“No!” Sagot niya naman habang nakangiti pa din. “C’mon! Ang cheesy mo pala, day!” Dagdag pa niya. Noong nalaman ko ang ibig sabihin ng huli niyang line ay mas lalo na akong kinabahan. “Cheesy? Hindi ah!” Umiwas ako ng tingin sa kanya habang sinasabi ko ‘yun. Sheez!

 

“Hindi ba? Okay!” Sagot naman niya sa sinabi ko at binigay sa akin si DOMO. Pumunta siya tapos sa pintuan para daw umalis.

 

*dugdug dugdug* Sh*t! Kinakabahan ako sa babaeng ito!

 

“Girl! Sana wag mong ipagkalat yung nabasa mo ah!” Sabi ko sa kanya. Hanggang ngayon eh hindi pa din ako nakatingin sa kanya. Sahig ang object of desire ko ngayon. Metaphor yan, di pa ako baliw para magkagusto sa sahig,ha?

 

“Whatever you say, Hooligan Girl!” ba naman ang sinagot niya sa sinabi ko. Eh,di wala na akong magagawa talaga; alam na niya ang lahat. *facepalm*

 

**********

“Sh*t!” Pagdadabog ko nung nahulog ang fried garlic sa sahig. Nagluluto kasi ako ngayon ng batchoy at iseserve ko na sana ngayon, kaso eto nga. Haist.

 

Lumapit si Eula sa nasayang na prinitong bawang na ita-top pa sana sa niluto naming batchoy at para pulutin ito at tinapon nang magsimula siyang magsalita. “Si Ezra na naman ang iniisip mo noh kaya ka nagkakaganyan?” Tanong niya. What’s with the word naman? Like she thinks na habit ko na ang pag-iisip sa Hooligan Guy na ‘yun? Hindi ah!

 

Tinignan niya ako ng mabuti mula ulo hanggang paa at may sinabi siya ulit. “Wag mo ngang ideny pa sa akin yan. Nababasa ko yan sa mga pocketbook ang mga ganyan-ganyang echos!” At dinamay niya pa ang pocketbooks sa teorya niya ha. Good.

 

“Dream on, sis! I’m not in like with him.” Sagot ko sa kanya. “Whoops? Tawagin ko na kaya silang lahat. Served na ang merienda nila,eh!” Dagdag ko. Nag-grin na lang siya at lumapit sa basurahan para itapon ang friend garlics na nasa kamay niya.

 

Walang mangyayari sa inyo kung pareho kayong dinadaga!

 

Anong sinabi niya?

 

“Girl, may sinabi ka ba?” Tanong ko sa kanya.

 

“Ha? Wala ah.” Confused niyang sagot. Wooh! Imaginations! Dapat tigilan ko na talaga ang pagra-rugby. Joke.

 

**********

#YOLO

 

Famous hashtag sa henerasyon natin ngayon. I’m currently browsing on Twitter at 50% ng nabasa ko ay puro bash sa mga artista. Psh. People should really ditch this kind of habit. Hindi nila alam ang totoong nangyayari pero comment pa din sila ng comment. I mean, okay kung maging honest ka't maging opinionated na din, pero yung nagigiging bastos ka na sa pagiging honest mo? That’s SO not good. We should spread good vibes, not trolling around as if we were from the gates of hell.

 

Ila-log out ko na sana ang Twitter ko ng may napansin akong isang tweet na may kasamang photo. It was from a random girl na hindi ko alam bakit ko siya fina-follow pero sinabi niya sa tweet niya na “I really love him…”. Nothing’s wrong with that, actually. Pero kilala ko ‘tong guy na ‘to eh.

 

Si Ezra. With his new ‘do! Mukhang lasing. Nakayakap sa isang maputing babae na mga 16 din siguro ang age.

 

Sh*tness. Nagseselos ako. Oh,wait! I shouldn’t be. No,Chelsey! Keep hating on him! Keep hating on him!
Ahhh!

 

So eto pala ‘yun? Umalis siya dito para makahanap ng bagong mapagtripan? Douchebag nga.

**********

“Bakit matamlay ka ngayon, girl? Anyare?” Tanong ni Sigrid sa akin. Pinaharap ko na lang ang laptop ko sa kanya tapos at nagulat siya sa nakita niya.

 

“Oh. My. Gosh! Si Judi?!” Sabi niya. Ang laki ng mata niya ngayon ah!

 

“Do you know her?” Tanong ko. Matamlay pa din ako hanggang ngayon. Anlakas naman kasi makapanghina ng picture na ‘to!

 

“Yes, of course!” Sagot niya sa akin. May hindi ba ako nalalaman dito?

 

“Then who is she?!?” Oh. Ang lakas ng boses ko ha. “Sorry.” Nagshrug na lang ako at kinagat ang bibig ko.

 

“Some possessive b*tch who once ruined my love life!” Matabang niyang sagot. “She’s into Ezra’s butt. Obsessive, lukring, stalker, call what you want! Yan siya.” She added.

 

“I’m still confused. Bakit naman niya sinira ang love life mo before?” Tanong ko sa kanya. Gusto ko talagang malaman ang lahat-lahat sa mga oras na ‘to.

 

Kinuha niya ang isang unan at nagsimulang magkwento. Noon pa lang daw eh crush na crush na crush na ni Judi sina Ezra at Clint, pero noong nalaman niya na naging sina Sig at Clint na eh doon siya naging mas possessive. One time daw sa party dito sa Palmville ay nakainom ang Judi na ‘yun at hinatak si Clint from the crowd. The next thing they saw eh nagki-kiss na sila. D’un nagsimulang mag-cool off yung dalawa. Mabuti na lang daw at binigyan pa ng chance ni Sig si Clint kasi kung hindi, baka mapatay ni Clint si Judi.

 

Anyway, si Ezra na ngayon ang kinababaliwan niya. Cool. Ako naman ang lugi ngayon. Pero good news daw kasi di siya type ni Ezra. At halata naman daw na lasing si Ezra sa pic kaya siya nakayakap sa bruhang ‘yun. Sabi ni Sig ay wag daw akong magworry kasi nga daw wala naman akong dapat na ipag-alala sa kanya kasi hindi siya threat. Hmmm… Sana nga.

 

“Pero sandal lang, sis! Eh bakit magkasama sila, aber?” Tanong ko kay Sig. Nag-shrug na lang siya at sumagot ng, “Kasi kapatid niya ang lead vocalist ng Warhol, yung unofficial band nina Ezra at Wayne.” Okay. Marami nga akong nasagap ngayon. Hmmm...

 

Selos...Bakit ko ba nararamdaman 'to sa taong kakikilala ko pa lang?

 

**********

 

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, at una ko talagang nakita si Ezra galing sa CR nang papunta na ako sa sala. Teka, bakit hindi ba ako maktingin sa kanya? Dahil ba sa nag-iba ang mukha niya at naging mas mabait na siya ngayon? Kahapon kasi pinraise niya ako sa niluto kong batchoy.

 

“Ang sarap, Chelsey! Ang galing mo!” Sabi niya sa pagkakaalala ko. Nagsmile naman ako tapos.

 

Going back to the scene, di ko talaga siya matignan sa mata…at hinawakan niya na naman ang kamay ko sa sandaling ‘to.

 

“Sorry talaga, Chelsey sa ginawa ko sa’yo ha?” Sabi niya. Mukha siyang sincere at this moment.

 

Tumawa na lang ako’t sumagot ng, “Ano ka ba? Kahapon ka pa… Okay na ‘yun.” This time eh nakatingin na ako sa mga mata niya. Nagsmile naman siya sa akin at kinuha niya na ang kapit niya sa kamay ko.

 

“Eto na lang; punta tayo sa beachside mamayang hapon, mag-usap tayo para hindi na tayo awkward sa isa’t isa. Please?” Suggestion niya. Nag-nod naman ako at nagsmile ulit. Wait. Bakit ako kinikilig? Epekto ba talaga ‘to ng pagka-homesick ko? At bakit siya namumula? Anong nangyayari sa amin ngayon?

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #18 on: April 07, 2014, 01:06:13 PM »
CHAPTER 15: HIS BITTER(SWEET) LIFE



CHELSEY

 

“Bakit mo ba like ang color pink?” Tanong niya sa akin habang andito kami’t nakaupo sa buhangin at nakatingin sa langit. Ang ganda lang kasi sunset ngayon.

 

“Why not? Eh, ikaw? Bakit ka ba nagpagupit? Bagay sa’yo.” Hindi muna siya sumagot sandali. Tinignan ko na lang siya at nakita kong nagsma-smile siya habang nakatingin sa langit.

 

“Para mapansin ako ng taong gustong-gusto ko.” Sagot niya. Medyo natamaan ako sa puso at naisipan na baka sila na nga ng babaeng nakita ko sa Twitter. Sana wag naman. Sana ako na lang ang babaeng ‘yun.

 

Bigla niya akong pinoke sa balikat at nagtanong ng, “Uy, bakit mukha kang malungkot?”

 

Nagcringe ako at nagsimulang magsalita ulit. “Ah, wala. May iniisip lang ako.”

 

“Sino? Si Alfonso?” Biglang nagbago na naman ang mood niya. May patapon-tapon pa siya ng bato sa dagat,ha? Anong nangyayari sa kanya? Ang weird.

 

“Psh! Bakit ba palagi mo akong idinidiin kay FiFi?” Nakakainis na kasi minsan eh. Puro na lang siya Alfonso, Alfonso, at Alfonso.

 

Kasi nagseselos ako.

 

Ano daw sabi niya?

 

“Ano?!” Tinitigan ko lang siya ng naka-cringe.

 

“Ha? Ang sabi ko eh nagsosorry ako.” Di ko siya gets. Ang weirdo talaga niya ngayon.

 

“Gusto mo ng ice cream?” Tanong niya at nagsimulang tumayo.

 

“Ugh. Ice cream? Ayoko.” Matabang kong sagot. Tumawa naman siya sa akin.

 

“Sus! Sige na! Trust me, hindi ko na uulitin ang ice cream moment natin noon.” Tumawa siya ulit pagkatapos niyang sabihin yun.

 

“Fine, then!” Tumayo na ako’t inalis ang buhangin sa legs ko. Siya naman eh nagsimulang lumakad papunta sa isang ice cream store sa di kalayuan. Okay, so paborito niya pala talaga ang ice cream. Pareho kami.

 

**********

Kanina pala’y hindi ko nasabi sa inyo na pagkatapos kong sundan si Ezra ay nakita ko sina Sigrid, Mamita, at Wayne na tumatawa salikod ng isang malaking niyog. Si Sigrid ay pumapadyak pa ng kanyang paa at para bang nakikiliti. Hala! Tinuro ko na lang sila’t nag-make face ako.

 

Raspberry flavor ang binigay sa aking ice cream ni Ezra at sa kanya naman ay cookies and cream flavor. Masarap naman pala ang raspberry flavor, eh. Di ko man lang napansin dati pa.

 

“Hey! Tell me about yourself!” Biglang sabi ni Ezra at nagsmile siya. “Me?” Tanong ko naman sa kanya.

 

“Hindi, yung babae sa likod mo. Syempre ikaw!” Sarcastic naman niyang sagot. Uhm. Some things never change nga,ika nila. Haha!

 

“Ako? Hmmm… Incoming college student ako na di pa nakapag-enroll. By May eh uuwi na kami ni FiFi para sa enrollment. May kapatid ako, si Sieg. Medyo chinito siya unlike me na sobrang morena.” Pinatigil niya ako sa pagsasalita ko.

 

“Shhh,” he said. “Maganda ka pa din naman ah.” Yeezus! Why am I blushing? Uso ba ang pa-girl season ngayong summer ’12?

 

Iniba ko ang topic at tinanong naman siya tungkol sa kanyang life ganun na din sa kanyang pag-aaral. “We’re homeschooled since we entered college.” Sabi niya sa akin. “Pero alam ko namang wala silang paki (Referring to his parents,I guess.) sa akin kung mag-aaral man ako o hindi e.” Okay, now that’s juicy.

 

“Bakit?” Tanong ko sa kanya. Di na ako nagapagpigil at nagmukha na akong nosy sa ginagawa ko. Pero gusto kong malaman yung kwento eh.

 

“Alam mo bang may kapatid pa akong babae? Her name was Effie. Kamukhang-kamukha siya ng isang Danish doll. Pero, sigh! ,wala na siya ngayon… ng dahil sa akin.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

 

“She was just three back then. Kami naman ni Clint eh nine na n’un. Si Clint kasi nasa CR habang ako ay naglalaro ng gameboy. Effie was searching for her babydoll ng may napulot siyang bagay na akala ko’y Mentos. So, pinabayaan ko na lang siya habang kinain niya ‘yun. Turned out, moth balls pala yung kinain niya at sinugod siya sa ospital ng dahil d’un. Pops put the blame on me about that. “You worthless kid!” Sigaw sa akin ni Pops habang tumutulo ang luha niya ng time na ‘yun. Ako nama’y umiyak na lang.

 

“Two days after the incident, Effie died. At sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Simula noon ay galit na galit na galit na sa akin si Pops at si Moms naman ay parang walang gana na sa akin, though medyo napapansin ko naman na may konting pagmamahal pa siya sa akin eh iba pa din talaga si Clint sa mata niya.

 

“Noong nag-high school na kami, pinapasok ako sa public shool at si Clint naman ay nasa international school pina-enroll. Imagine-in mo,Chelsey, di’ba?” Sabi niya habang pinipigilan ang sarili niya sa pag-iyak.

 

“It’s okay...” Sagot ko sa kanya’t hinawakan ang kanang kamay niya na nakapatong sa mesa.

 

“There I met Orion, Wayne, and Bricks. Bandmates ko sila sa Warhol. Akala ko ang pagbabanda at pagiging sikat ay makapagbabago ng kanilang tingin sa akin, pero hindi eh. Wala pa din silang pakialam sa akin that time. Si Clint lang talaga ang sumusuporta sa akin noon. D’un ko nalaman na walang kwenta nga talaga ako sa kanila. So I changed my attitude… Nagsimula akong maging rebelde, nagsimulang maging pabaya, nagsimulang maging maangas, at nagsimulang maging bato. Pero hindi nila alam kahit kailan na ginagawa ko ‘to to gain attention for my parents.” Pagkatapos niyang magsalita ay di niya na talaga mapigilan ang kanyang luha at bumagsak na lang ito.

 

“I am asking for their attention. Gusto ko din maranasan ang pagmamahal ng isang magulang, Chelsey!” Sabi niya. Hindi ko maiwasang maluha din sa mga nasabi niya. Kaya pala siya ganito. Kaya pala siya malamig sa mga tao.

 

“Ezra, we’re here! We…love you!” Sagot ko sa sinabi niya’t tinap ang kanyang balikat.

 

“Yeah…” Matabang niyang sagot sa akin.

 

“Wait, Ezra! Pumunta kaya tayo sa Rivermoon ngayon para maging happy ka naman?” Anyaya ko. Nag-light medyo ang mukha niya at nagsabi ng “Go!”

 

 Without a word, tumakbo na kami papunta sa pintuan ng ice cream store ng naka-holding hands.

 

I’ll make you happy, Ezra! I surely will. Sabi ko sa sarili ko.I’m really into this guy. I think I’m in like with him na.

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #19 on: April 13, 2014, 08:01:31 PM »
CHAPTER 16: THE SWAG AND THE SWAN

“So, hindi ka pa talaga nakakain ng kahit anong street food kahit isaw o kwek-kwek?” Tanong ko sa lalaking katabi ko na para bang diring-diri sa kinakain niyang betamax.

 

“Hindi pa. And this tastes like sh*t!” Madalian niyang sagot sa akin. “Like you tasted sh*t before, Ezra!” Natawa na lang kaming pareho sa sinabi ko. Di tulad noon, iba din pala ‘tong Ezra na ‘to eh. Mabait naman pala siya. at kalog din kung minsan.

 

After naming kumain ng betamax at kwek-kwek sa tabi-tabi ay medyo nalaman kong dumidilim na pala. “Hanggang anong oras tayo dito, Ezra?” Tanong ko sa kanya. Siya nama’y parang may hinahanap. “Huh? Kung kalian mo gusto.” Sagot niya naman sa akin.

 

“Upo muna tayo.” Pag-aaaya ko sa kanya. Nag-nod naman siya  at nagsmile.

 

Masaya na sana ang kwentuhan namin ng may pumuntang apat na lalaki para sitain siya. “Look who’s here. Ang gitarista ng bandang walang kwenta. Oops?” Sabi ng isang guy na naka-green na bonnet. Yung totoo, sirena ‘to noh?

 

“Haha! Kasi nga naman weak ang vocalist nila. Nabalian ba naman ng buto while performing “Jenny”? No wonder disbanded na sila ngayon.” Sagot ng isa pang guy na naka-black. Medyo mahaba ang buhok niya at may gitara siya sa likod. Mga bastos ‘to ah!

 

Tinignan ko si Ezra at nakikita kong nakayuko siya. Pero malalaman mo naman siguro sa galit siya dahil sa gesture ng kamay niya. Hmmm…  Badtrip!

 

Hindi na ako nakapagpigil sa kanilang mga insulto’t tumayo na ako para isa-isahin silang apat. “Hoy! Akala niyo ang galing-galing niyo na, ha? Bakit? Ano bang pinagmamalaki niyo dito? Na bagong Rejoice ka? (Referring to the guy with a guitar.) Na ginawa mong headband ang kulay ng dugo mo? (Referring to, of course, the closet queen wannabe.) At kayo? Kayong dalawa? Anong tinatawa-tawa niyo diyan, ha? At least naman, mas may mukhang ihaharap naman ang banda nina Ezra kesa sa inyong mukhang galing burak!” And then my feisty side came out. Nagulat na lang si Ezra sa mga pinagtatatalak ko, and even these goons, too.

 

Tumayo siya at hinawakan ako sa likuran. “Calm down, Chels.” Bulong niya sa akin. “Wag mo na lang silang pansinin.”. Paano ko ba hindi papansinin ‘tong mg insulterong ‘to?! Ugh. Sobrang-sobra na sila kung makapagsabi e.

 

Nagsalita ulit ang lalaking naka-green bonnet. “Uhm. Himala at may girlfriend ka pala, Ezra?! Akala ko ba weak ka?” Tinignan niya tapos ako mula ulo hanggang paa. Bakla nga. “At ang pangit pa ng girlfriend mo. Negra.” Insultero pa pala.

 

Di na nakapagpigil pa si Ezra at agad-agarang sinuntok sa mukha ang insulterong g*go na feeling member ng F4!

 

*fluk*

 

“Bastusin mo na ako, wag lang siya!” Galit niyang sabi. Magsasalita pa sana yung naka-green bonnet pero pinigilan na siya ng dalawa niyang minions. “Babawi ako! Tatandaan mo yan!” Galit nitong sabi habang hinihila siya ng mga kasama niya papalayo sa amin. Si Ezra naman ay itinaas lang ang kanyang middle finger at nagsmirk. That’s my boy. Ano daw sabi ko?

 

**********

 

Pagkauwi namin sa bahay sa Palmville ay napansin kong parang pinag-uusapan yata nila kaming dalawa. Itong si Sigrid ay gumagawa pa ng nakikilig na gesture habang nakatingin sa akin.
Maka-irap nga't maliligo pa ako.

 

Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa kwarto naming mga girls. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakatingin na agad silang lahat sa akin. Bakit ba? Dahil maganda ako? Kahit sa joke lang?

 

“We know what happened, girl!” Pangunguna ni Sigrid sa akin habang naka-smirk siya. Sina Eula at Mamita naman ay nag-nod lang. Creepy. Kinuha ko ang towel ko sa buhok ko’t linagay ito sa harapan ng boudoir namin. Oo naman at may boudoir kami dito, ano. Sosyal lang eh. “Oh. So I don’t need to explain anything, then.” Sagot ko sa kanila na nagpapahiwatig na wag nang i-push pa ang topic.

 

“Friend, we saw Ezra punching Apollo’s face. Ano ba kasing nangyari d’un?” Tanong ni Mamita sa akin habang nakatalikod ako sa kanya. “Apollo pala ang name n’un. Ang bastos ba naman kasi ng lalaking yun. PERO wait! Bakit niyo alam?” Nagtataka na ako. May mga hidden talent ba ang mga Ilonggo sa pagdedecipher ng mind?

 

Nilapitan ako ni Sig at nagsalita siya ulit. “Sinundan kasi kayo namin.” Sabi niya na naka-smile.
HULI! Sila nga yung kanina sa likuran nong niyog. Langya! At di pa naawa’t nag-effort pa silang pumunta ng Rivermoon, ha?

 

“Kapal! Quotang quota na kayo sa akin ah.”

 

“Kwento mo na kasi ang nangyari d’un!” Pagsusumamo ni Eula habang kinukuha ang bago kong biling back issue ng Seventeen Magazine last week. At yun na, kinwento ko na ang nangyari kanina minus ang sinabi sa akin na confession ni Ezra. Hello? Mapagkakatiwalaan din naman ako no kahit na hindi lang halata sa mukha ko.

 

“Ang sweet!” Sabi ni Eula. “Pero ang Apollong yun, lagot sa akin ha!” As if naman nag-expect ako ng malaki sa sinabi niya. Haha!

 

“Pabayaan mo na siya, Eula! Wag OA, okay?” Agad na tira naman ni Mamita sa kanya.


Naku, matutulog na nga lang at mag-aaway pa silang dalawa.

**********

Tatlong araw na ang nakalipas nung pumunta kami ni Ezra sa Rivermoon. By that time, naging close na kaming dalawa. Nasan na ba siya? Kanina pa niya ako pinaghihintay dito a.

 

"Ay, anak ng pusit!" Diyos ko! Akala ko naman kung sino ang tumulak sa akin mula sa likuran ko.

 

"Pusit agad? Di pa pwedeng natin muna?" Sabi niya sa akin bago siya mag-wink. Hinampas ko naman ng libro ko ang ulo niya. "As if!" Sagot ko sa kanya at nagsmile ako. Shinake na lang ni Ezra ang ulo niya habang nakatingin sa lupa. "Joke lang! Tss."

 

"Let's go?" Sabi niya tapos.

 

Kanina pa kami palakad-lakad dito sa Palmville, effort  pa ako sa pagsuot ng puting dress at siya nama'y naka-Jersey at maong pants lang. Mabuti na lang at bagay sa kanya. First time ko kasi siyang nakitang nag-ba ng style ng pananamit.

 

Tinanong ko  siya kung saan kami pupunta, at ang sagot niya naman sa akin ay, "Basta!" Eh,di good! Naenlighten talaga ako sa maikli niyang sagot sa akin. Not long enough at nagsalita na ulit siya. "Let's go there." Sabi niya sa akin sabay hatak ng kaliwa kong kamay. Anong gagawin namin sa tagong part ng Palmville na 'to?

 

**********

"Ang ganda dito a!" In all fairness, ang linis dito. Ang ganda pa ng view kasi may Gazebo na, marami pang mga bulaklak. Heaven lang. Ang isa pa'y hindi matao dito kaya sobrang chill lang ng aura ko...pero bakit nandito kami ngayon? "Anong ganap?" Tanong ko sa katabi kong nakasmile habang nakatingin sa kalangitan. "Ha? Wala lang. Gusto lang kitang dalhin dito." Sagot niya sa akin. Tumaas naman ang kaliwa kong kilay. "Ganun? Bakit?"

 


Tinitigan niya ako. Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Ang titig niya. Ano bang meron sa mga taong brown ang kulay ng mga mata at bakit ako may wierd fascination sa mga ganito?

 

"Nakikita mo ang swan na 'yun? Yun oh!" Sabi niya sabay turo sa swan sa may manmade lake. "Oo." Sagot ko sa kanya. Di naman siguro ako tanga para hindi ko ma-identify kung ano ang swan sa pato,noh? "Nakikita ko kasi yang swan na yan sa'yo."

 

 "Huh? Bakit naman?" Nalilito na ako a. Huminga nam lang siya ng malalim at nag-umpisang magsalita ulit. "Kasi nga di'ba? Sabi ni Alfonso sa akin wala ka daw bilib sa sarili mo. Simula daw nung nag-break kayo ng ex mong si ano...Sino nga 'yun? Ah basta! Simula daw ng nagbreak kayo, nagsimula ka na daw mawalan ng boost! Sinasabi mo daw na hindi ka maganda o di kaya'y hindi ka worth-it na maging masaya. Galit pa naman 'yun sa mga taong dine-devalue ang sarili nila. Buti nga't naging close kayo eh." Pinatigil ko siya sa pinagsasasabi niya. "So, bakit swan na nga?" Ayoko talagang maalala ulit ang Andrew na 'yun. Nakaka..Ugh.

 

"Kasi nga tulad ng sa storya, si ugly duckling, yung di-kagandahan, maitim, naiiba sa lahat na bida ay isang swan pala. Listen,Chels! Hindi dahil naiiba ka sa kanila dahil nga medyo morena ka, hindi ibig sabihin n'un ay pangit ka na. Hindi dahil iniwan ka ng taong mahal mo ay ibig sabihin n'un ay wala nang taong iibig pa sa'yo. You're beautiful...and you are loved!"

 

You're beautiful...and you are loved.

 

Why am I blushing? At bakit ako lutang pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang narinig ko kamakailan lang? Why is he making me feel so...special?

 

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #20 on: April 16, 2014, 07:50:19 PM »
CHAPTER 17: ANG REYNA NG GABI




“Ready ka na, girl?” Andito kaming apat ngayon sa backstage para ayusin ang outfit ni Eula for her production number. Miss Palmville 2012 na kasi. Sana manalo nga talaga ang friend kong ‘to!

 

“Oo naman! Kayang-kaya ko ‘to,noh?” Proud na proud niyang sagot sa akin. Napa-smile naman ako sa kanya. ‘Yan ang spririt dapat! Speaking of spirit, kanina ko pa napapansin ang isang co-contestant ni Eula na kung makatingin sa amin eh parang kakainin niya kami. Hello? Hindi kami tinapa, noh?

 

Nang matapos naming ayusan si Eula ay umalis na kaming tatlo nina Sigrid at Mamita para umupo sa aming pwesto sa harapan ng stage. Ang naiwan lang siyempre ay ang kanyang makeup artist. “Keri mo ‘yan, friend! Ipakita mo sa kanilang lahat na kahit na pandak ka ay may ibubuga ka naman!” Cheer ni Sigrid sa kanya sabay wink. “Ipamukha talaga sa akin ang kakulangan ko sa height? Thank you naman!” Sagot ni Eula tapos. Actually, may point si Sigrid. Hindi dahil pandak, mataba, o kaya sakitin ang isang tao ay dapat na lang silang balewalain at kutyain ng mga tao. Kung sino pa kasi ang hindi pinapansin eh yun pa ang may spark sa kanila. Like Eula…and Andrew. Oh, si Eula lang pala. Bakit ko ba naaalala ang lalaking 'yun?

 

Simula pa lang ng contest,nagpakita na talaga ng galing ang friend kong si Eula. Yung catwalk, check! Yung pick-up line sa head judge, check! Yung wink sa mga tao, check! All in all, she screams W-I-N-N-E-R sa mga tao dito. Pero ewan ko na lang sa iba, katulad ng nasa tabi naming nakainom siguro ng ampalaya shake dahil “Boo!” lang ang naririnig kong salita na nanggagaling sa bibig niya simula pa kanina.

 

Enjoy na enjoy na ako sa panonood ng contest nang…

 

“Si Eula nagtext!” Sabi ni Sigrid habang hawak-hawak ang kanyang cellphone at halatang nag-aalala sa kaibigan namin. “Sabi niya daw may sumira sa evening gown niya!” Without a word, dali-dali kaming lima na pumunta sa backstage para alamin ang nangyari.

 

Nang makita namin si Eula ay nagtatakip ito ng panyo sa kanyang mukha at humahagulhol sa iyak. “Sino ba kasi ang may galit sa akin at bakit niya sinira ang gown ko?!” Sabi pa niya. Niyakap naman siya ni Alfie sa likod at nagsabi ng “Shhh!” sa kanyang tenga. Sa totoo lang, sayang nga ang gown niya na binili ng kambal sa isang sikat na designer dito sa probinsya nila, pero sino nga ba ang may pakana nito. Tingin-tingin sa paligid, Chelsey! Baka may mahanap kang kakaiba!

 

At nag-smirk ka pa talaga siya sa akin a! Sino pa nga ba ang kanina pang mukhang may inggit sa kanya dito kundi si #5 lang naman. Kapal! Pero as a good friend, hindi ko na lang muna ipagsasabi ang nalalaman ko. Not for now na may Q&A pa! Baka mas lalong ma-stress ang friend ko niyan.

 

“What to do now?” Tanong ni Sigrid sa aming lahat. Halatang nagpa-panic na talaga siya. Ako naman ay ganun din. Sino ba naman ang hindi? Pagkatapos ng swimsuit eh evening gown portion na! Ugh. Hassle.

 

Di man nakapagsalita si Ezra the whole time, bigla niya na lang akong hinila palabas ng tent. “What’re you doing? Can’t you see I’m thinki…” Di pa ako tapos magsalita nang nilagay niya ang index finger niya sa harapan ng bibig ko. “Wag kang mag-panic. May plano ako.”  At gaya nga ng utos niya, hindi ako nagpanic at nagpakaladkad naman ako sa kanya. Kaladkarin na nga ako ni Ezra, officially. Great.

 

“Ikaw magpili ng isusuot niya diyan, dito lang ako sa counter.” Sabi niya sa akin. Agad naman akong nagmadaling maghanap ng isusuot ni Eula for the evening gown portion. What to pick? What to pick? AHA! Eto kayang silver dress na mukhang mamahalin? Okay na siguro ‘to. “Pst! Ez, eto na lang!” Sabi ko sa kanya sabay turo sa gown na napupusuan ko para kay Eula. Niraise niya naman ang kanyang dalawang kilay at nagsenyas na dadalhin ko ‘yun sa kanya.

 

“P23,000.00, sir!” Mahinahong sabi ng babae sa cashier kay Ezra. Si Ezra nama’y kumuha ng pera sa kanyang bulsa. Yeah, sa kanyang BULSA. Bigtime nga ng loko; parang wala lang sa kanya ang P23,000 a! Pagkatapos ng isa pang girl na ilagay sa paper bag ang gown ni Eula ay tumakbo na kami palabas ng store sa mall nila dito. I’m pretty sure makakahabol pa kami neto. Kami pa. Naks!

 

**********

“Barbie, eto ang ipasuot mo sa alaga mo maya-maya,ha?” Sabi ni Ezra sa makeup artist ni Eula. Agad namang kinuha ni Barbie ang paper bag at nag-nod ito sa kanya. Mission accomplished! Sa wakas, makakapanood na din kami ng mahinahon nito.

 

Halfway pa lang pala ng swimsuit competition ang naabutan namin kaya medyo happy ako. #8 pa kasi si Eula kaya makikita ko siyang rarampa suot ang kanyang bikini sa wakas. Though, oo, magkasama naman kaming naliligo sa beach nang isang beses pero iba pa din talaga pag may lighting and effects na kasama ang pagsusuot niya ng skimpy outfit. And what the!? Ang ganda-ganda ng friend ko! Ibang-iba siya sa Eulang nilagyan ni Ezra ng condensed milk. Ang ganda din ni Eula sa kanyang evening gown. Lutang na lutang ang ganda niya sa kanyang silver outfit na may kasama pang ponytail hairstyle. I’m sure maraming magkakandarapang boys sa kanya once na matapos na ‘tong contest na ‘to.

 

“Subterranean!!!” Sigaw ng mga lalaki sa di kalayuan. Kanina pa ako naku-curious sa kanila ha. Di ko gets ang subterranean chant nila. Ano bang ganap n’un?
Nilapitan ko silang dalawa at tinanong kung bakit ba nila sinisigawan si Eula ng ganyan. Sumagot naman kaagad ang isang lalaki na mali daw ang nadinig ko at ang sabi niya daw eh “Sarap tirahin niyan.” Sh*t! Minamanyak pala nila si Eula! Kung alam ko lang. Inirapan ko na lang silang dalawa at bumalik sa kinauupuan ko tapos. Imbyerna lang.

 

“Psst!” Ang kulit naman ni Alfie!
“Ano?!” Sabi ko sa kanya.
“Samahan mo naman ako o!” Pagpupumilit niya. Siyempre ano pang magagawa ko, quoting-quota na ako sa pagiging kaladkarin eh, kaya sumama ako sa kanya.

 

“Langya! CR pala.” Sabi ko sa kanya bago ako mag-pout. Nagpasama lang pala siyang magpa-CR. “Wait ka lang kasi diyan! May itatanong lang ako pagkatapos kong mag-jingle.” Sagot niya sa akin at nagdali-daling tumakbo papasok ng restroom. Tinignan ko lang siya sandali at umirap. Naku, if I know, ipapaalala niya na naman sa akin ang Despedida party namin sa Sabado. At di nga ako nagkamali dun. “Eh,what’s the plan, Chelsey?” Bumalik na pala siya. Di ko man lang napansin. Parang nag-1-2-3 lang siya sa banyo ah. Haha!


“Malay ko sa’yo! Wag na lang kaya!” Sagot ko sa kanya. Medyo awkward na kami ngayon dito,  tingin kasi ng mga lalaki dito binobosohan ko sila. Sino ba naman kasing hindi mag-iisip n’un eh nasa harap talaga kami ni Alfie ng pintuan nag-uusap. Hmp. “Oh,sige! Ako na ang bahala! Mag-focus ka na lang diyan sa crush mo...” Matabang niyang sagot sa akin. Ipamukha talaga sa akin na may crush ako sa pinsan niya? Kups talaga. “PWE!” Sagot ko naman sa kanya sabay talikod…tapos nagsmile. Enebeyen.

**********

Pagbalik namin sa contest ay Q&A na pala. Sana galingan ng friend ko ang kanyang sagot.



Judge: If you are asked to shed your clothes in public in order to promote World Peace, would you do it? And why or why not?
Contestant #5: Actually, whenever I go to sleep, I'm always naked, so that's not really a big deal for me.

 

*palakpakan from the pervs*

 

Judge: What part of your body you are most insecure about? Why?
Contestant #6: My ingrown toenail. Ang baho na kasi.


*a cringe from Wayne follows after*

Judge: Tell us what sets you apart from the other contestants here.
Contestant #7: Maybe my unique kind of look. I'm not a typical Ilongga, as you can see. I'm Eurasian, so that's definitely my advantage from the other girls here.

 

*palakpakan from madla*


Sheez! Turn na ni Eula. Hinawakan ko ang kamay nina Ezra at Alfie at tumingin ako sa kanila. "Nininerbyos ako!" Sabi ko kay Alfie. "Don't worry, Chelsey! May tiwala ako kay Ate Eula. Kaya niya yan!" Sagot niya sa'kin bago siya nagsmile. Na-Ate zone ata ang friend ko kay Alfie ah.

 

Judge: What can you say about the adage, "The youth is wasted on the young?"

Oh my gosh! Natetense ata si Eula. Halata kasi sa mukha niya ngayon.


Eula: Pwede ko po bang tagalugin ang sagot ko?



Nagsitawanan ang mga tao. May narinig pa akong may sumigaw ng "Mangels!" Ewan ko kung ano 'yun, pero parang insulto ata kasi nag-appear ang dalawang bakla matapos nilang sabihin 'yun.

 

Judge: It's okay! mas okay nga kung Tagalog e.

 
Nagsmile na lang si Eula tapos.

Eula: Unang-una po, tatanungin ko kayong lahat dito:  Sa nakikita lang po ba ninyo malalaman ang kahulugan ng isang bagay? Di kaya sa naririnig, kung isasama niyo na din 'yun. Ga'nun po kasi ang sa tingin ko ang mali. 'Wag muna po tayong manghusga kung 'di pa po natin alam ang nagaganap sa mga bagay-bagay. I-example ko na po ang pagtawa ninyo sa akin nang sinabi kong "tagalog" na lang ang isasagot ko. May narinig pa akong  iba na sumigaw ng boba. Sa totoo lang, nasaktan po ako. Ganyan na po ba tayo kadaling manghusga? The youth is NOT wasted on the young, however, yung mga tao sa henerasyon natin, e madaling manghusga. At madaling malinlang. Yun lang naman po yun, salamat.

 

*palakpakan from the JUDGES pagkatapos*

Hanggang ngayon e stunned pa din kami sa sagot niya. Si Eula nga ba yung nagsalita sa stage kamakailan lang? "I told you, Chelsey! Sabi na sa'yong kaya niya yan e!" Sabi sa akin ni Alfie sabay pisil ng pisngi ko. Bigla namang umubo si Ezra kaya napatigil siya sa ginagawa niya. Hala, bakit?

 

**********

 

11:00 pm na nang natapos ang contest. Si Eula? Yun! Best in Talent at Evening Gown. At ang pinaka-good news sa lahat? SIYA ang nanalo! Yayy!

 

"Lahat ng paghihirap natin eh nasuklian din sa wakas!" Sabi niya sa amin habang dala ang kanyang korona. She looked so happy, obviously. At tama nga naman siya. Kamuntikan nang mapaso yung dila niya para sa talent na ipapakita niya e. Try niyo kayang kainin ang apoy kung di kayo mapapaso sa dila n'yan. Buwis buhay nga ang talent niya ika nila.

 

Suddenly, naalala ko na naman ang sinabi ni Eula sa Q&A kanina. Malagay nga kay DOMO mamaya ang WOW niya. :)

 

 PS: Alis na kami sa Sunday papuntang Manila. Mamimiss ko talaga ang mga tao dito.

 

 

 

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #21 on: April 20, 2014, 01:13:16 PM »


CHAPTER 18: THE VEIN, THE SMOKING MACHINE, THE ENIGMA, AND THE OTHER ENIGMA!




You think I’m pretty
Without any makeup on
You  think I’m funny
When I tell the punch line wrong
I know you…

 

Ay! May nagko-call pala!

 

TICK!

 

 “Hello, Kuya!” Sabi ko kay Kuya Sieg na kausap ko ngayon sa phone. Kung alam ko lang, may ipapagawa naman siya sa akin o di kaya’y may iuutos. Imbyerna! Busy kami dito ngayon eh. Mamayang hapon kasi, may handaan dito sa bahay nina Ezra’t Clint dahil sa pagkapanalo ni Eula sa Miss Palmville at isama mo na din ang Farewell Party namin ni Alfie pagkatapos n’un. Bukas na kami uuwi kasi; ang bilis naman ng stay namin dito. Understatement siguro ang word na bitin kung ide-describe ko nga ‘to eh.

 

“Hi, sister! Kamusta ka na diyan?” Aba himala! Nangamusta siya sa akin. Signos na ba ‘to ng End of the World? Haha! “Okay naman kuya! Himala ata at napatawag ka.” Sweet kong sabi sa kanya, pero ang di niya alam ay nagme-make faces na ako dito. Di ko maiwasan, sorry! Ano ba namang pinakain ni Mama sa kanya kasi at bigla niya akong naalala? Si Mama lang naman ang tumatawag sa akin paminsan-minsan para kamustahin kami dito ni Alfie, pero siya? Si Kuya? Hmmm…

 

“Sis, di’ba bukas ka na uuwi dito?” Tanong niya sa akin. “Uninformed? Oo, brother! Bakit naman?” Tulad nga ng sinabi ko kanina, may ipapautos nga siguro siya sa akin kaya siya tumawag…at di nga ako nagkamali d’un. “Sis, pwede mo ba akong bilhan ng T-shirt na I love Palmville? Please…” Sasabihan ko pa sana siya na kailangan niya akong bayaran pagdating ko ng bahay pero inunahan niya na ako ng pagsagot ng isang sweet na “Thank you!” at binaba niya na ang phone tapos. Ang tindi talaga, ginagawa niya na akong BDO e. Hihingi na lang ako ng pera kay Alfie mamaya, total bibili din naman siya mamaya ng souvenirs niya para kay Tita at sa mga kapwa niya heartthrobs ng Caleb High eh.

Binalik ko na ang phone sa bulsa ko at nagsimulang manghiwa ng isasahog sa chopseuy dish namin ni girlfriend Sigrid mamaya. Hay, isa pa ‘tong si Sigrid ang mami-miss ko eh. Para kasi siyang si Alfie, yun nga lang eh babae siya.

 

Pagkatapos kong iwan ang kusina, pinuntahan ko si Alfie sa kanilang kwarto para d’un sa T-shirt brouhaha ni Kuya Seig. Pagpasok ko pa lang ng kwarto nila ay nakita ko na kaagad sila ni Ezra na naglalaro ng chess sa kama. “Ha!Boys!” Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti’t pinapanuod sila.

 

 Napansin siguro ni Ezra na may tao sa likuran niya kaya siya tumalikod ng bahagya. “O, Chels! Andyan ka pala…” Nagsmile siya sa akin. Ang gwapo niya talaga! Eep? Ano bang pinagsasasabi ko! “Eh.” Panimula kong sabi. Nag-freeze ata ako ng konti bago ko tapusin ang sasabihin ko para kay Alfie. “Fie, pwede mo ba daw bilhan ng damit si Kuya?” Sabi ko sa kanya. Niraise niya lang ang thumb niya sa akin habang nakatutok pa din sa nilalaro niya. Aalis na sana ako ng kwarto nila ng may sinabi si Ezra sa kanya. “Alfonso, ngayon na kaya tayo bumili ng mga pasalubong at souvenirs niyo total wala naman tayong ginagawa eh.” Pag-aaya niya. “Good idea! Tayong dalawa lang, cous?” Sagot naman ni Alfie sa kanya.  “Isama na natin si Chelsey!” Sabi ni Ezra sa isa. Nag-nod naman si Alfie at tumayo na ng kama. Nag-shrug naman ako nang nakita kong nakatingin sa akin si Ezra at nag-wink. Makapagbihis na nga.

 

**********

“Eto na lang kaya?” Kanina pa kami hanap ng hanap ng shirt na para kay Kuya Sieg pero wala kaming makitang magandang design. Idagdag mo pa ang ka-artehan ni Alfie dahil ayaw niya daw ng neon-styled na shirts. Yung totoo? Siya ba ang susuot o si Kuya? Pero di ko na siya tinira pa kasi baka hindi niya ako bilhan mamaya. “Sige na nga lang!” Sabi niya sa akin bago siya umirap. Natatawa lang si Ezra sa amin habang tinutulungan akong maghanap ng T-shirt ni Kuya. At ‘wag ka kasi mamaya daw may bibilhin siya para sa akin. Ang bait lang niya, di’ba?

 

Umalis na kami ng Department Store pagkatapos naming bumili ng souvenirs at nagsimulang gumala kung saan-saan sa loob ng mall. “Teka!” Sabi ni Ezra bago niya ako hinila papunta sa isang stall. “Bili tayo ng pares!” Sabi niya sa akin. Si Alfie naman kumamot na lang ng kanyang ulo at lumapit sa amin. “E, si Alfie?” Tanong ko kay Ezra. Sasagot na sana si Ezra ng inunahan siya ni Alfie. “Seriously,Chels? May couple shirt ba na pwede sa tatlong tao?” Sabi niya sa akin bago siya ngumiti in a sarcastic manner. Mga couple shirt pala ‘tong mga ‘to? Akala ko naman kasi mga “I Love Palmville” na naman ulit.

 

Nakapili na din siya sa wakas ng shirt namin. Sky blue ang color ng shirt namin at may design na key at padlock; ako yung key at siya ang padlock. Not bad. Nang tinanong ko siya kung bakit niya ako binilhan ng ganito, ang sagot niya naman e remembrance niya lang daw sa’kin ang shirt na binili niya. Suotin ko na lang ‘to once na nasa bahay na ako.

**********

Ilang minuto na lang ay dadating na ang mga bisita nina Eula, Clint, at Ezra. Nahihiya pa naman akong makihalubilo sa mga taong di ko pa kilala. Tss. Pero bahala na! Madadaan lang naman siguro yan sa charm… kung meron nga ako n’un. Haha!


*ding dong*


Binuksan ni Eula ang pintuan at sobrang saya niya ng makita niya ang mga beking bata na tumulong sa kanya noon para sa contest. Kasama din nila ang kanilang mga nanay na sobrang proud sa pagkapanalo ng friend ko. "Sabi na sa'yong lucky charm mo kami, Ate eh!" Sabi ng batang naka-yellow na jeggings. Napa-smile naman si Eula at nagsimulang magsalita...ng magsalita...at magsalita pa. Oo na; ngayon pa lang ang ingay-ingay na sa sala. What if pa kaya kung dadating pa ang mga ka-banda nina Ezra at Wayne?

 

Ilang minuto lang ang nakalipas at pumasok na din ang mga ex-classmate ni Clint. Ang saya ng mukha niya ng makita niya ang girl na Leslie ang name (Narinig ko kasi.). Nang tinanong ko si Sigrid kung kilala niya ba ang girl na ‘yun, ang sagot niya lang sa akin ay best friend niya daw ‘yun noon at lumapit siya sa kanya para magbeso. Parang ako lang pala at si Alfie sila dati e’. At dahil sa mag-isa na naman ako dito sa sala, sinubukan kong makihalubilo sa mga batang beki na kausap ni Eula pero na-o-OP ako sa kanila kaya lumabas ako ng bahay sandali para magpahangin.

 

Umupo muna ako sa poolside ng may tumabi sa aking lalaki at nag-lit ng kanyang sigarilyo. “You know what? I hate parties!” Sabi niya habang nakatingin sa ulap. Tinignan ko ang paligid para alamin kung sino ang kanyang kinakausap pero kahit anino dito,wala, kaya nag-assume na ako na ako ‘yung sinasabihan niya. “Me too!” Sagot ko sa kanya at umusog ng konti papalayo sa kanya.

 

“Ha! So, pupunta ka din pala diyan sa house nina Ezra?” Tanong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng narinig ko ‘yun. “D’un na nga ako galing. Teka, kaano-ano mo ba si Ezra? Ka…” Hindi pa ako tapos magtanong ng pinatigil niya na ako sa aking pagsasalita.


“Ep! Dahan-dahan lang! May taxi? Ka-banda ko kasi siya.” Sagot niya sa akin. Ha?! Oh?! Hm… Overall, parang sure na talaga ako na puro gwapo ang bandmates ni Ezra. Andyan si Wayne na kahit tumayo lang e’ kikiligin ka talaga sa mukha niya. At ang lalaking ‘to na ang cute kung mag-smile. Isama mo na din pala si Ezra, ang enigmatic kong crush. Now I’m wondering kung ano kaya ang mukha ng isa pa nilang member? I hope he won’t disappoint me. Naging conyo lang ako bigla? Haha.

 

“Ikaw ba si Orion?” Tanong ko sa kanya at tumawa naman siya ng malakas. “Ako? Si Orion? Nge! Di hamak na mas pogi naman ako ‘dun,noh?” Sabi niya. Maluha-luha ata siya sa natanong ko. Minsan talaga ang weird ng sense of humor ng mga lalaki e’.Kung si Ezra medyo insultero ang paraan para tumawa at si Alfie naman dapat mahiyan muna ako para humalaghak, eto naman dapat magmukha muna akong tanga para maluha-luha. “I’m Bricks! Bricks Montero!” Tapos inabot niya ang kamay niya sa akin para makipag-shake hands. “Chelsey!” Sabi ko bago ko kinuha ang kamay niya at nag-smile. Kahit amoy yosi, pwede na rin ‘tong eye-candy sa mga bagets.

 

Nag-usap-usap lang kami ni Bricks sa mga bagay-bagay tulad ng paano nagsimula ang banda nila at kung bakit hindi siya mukhang Asian. Half-German pala siya kaya may pagka-European ang mukha niya. Nang matapos na siyang mag-yosi, inayaya niya na ako na pumasok sa bahay nina Ezra. “Uy, dahil friends naman tayo, pwede bang tayo na lang an gang magkasama the whole party?” Pasubali ko sa kanya. Ayoko ngang ma-OP ulit, ano? “Okay, fine! Sabi mo e’.” Sagot niya sa akin habang hinila ang kamay ko. Si Ezra lang?

 

**********

Awkward!

 

Kanina pa ako parang gustong kainin ni Ezra base sa mga tingin niya; ‘di ko naman alam kung ano ang ginawa ko kung bakit siya galit sa akin. At eto pang malala,ha? Ang cold cold ng treatment niya kay Bricks. Sh*t lang ang tantrums niya?

 

Di na ako nakapagpigil pa at nilapitan ko na si Ezra. “Ano?!” Matabang niyang sagot sa akin ng tinawag ko ang pangalan niya. “Bakit ang nega mo ngayon, Ez?! Hello, may party ngayon. Dapat tayong mag-enjoy!” Pinilit kong mag-smile at sumayaw ng dougie para magbago ang mood niya at naging successful naman ako sa plano ko. Ha! “Bakit mo ba kasi kasama si Bricks kanina pa?” Tanong niya. “Kasalanan ko bang wala akong kausap dito maliban sa kanya? Lika nga, tayong tatlo na lang ang mag-usap d’un sa sulok.” Sabi ko sa kanya bago ko kinuha ang kamay niya para hilahin. “Fine, then!” Sagot niya naman sa akin.

 

**********

Mabuti naman at okay na ang dalawang ‘to. At ang ingay naming tatlo dito sa sala, ha? Si Bricks may nalalaman pang basag pickup lines para kay Ezra. Himala naman at hindi namikon yung isa sa kanya.

 

Di rin nagtagal ay dumating na din si Wayne para kamustahin si Bricks. Imbes na mag-shake hands, pinitik na lang ni Bricks ang tenga ni Wayne at tumawa ng malakas. “G*go!” Yun lang ang nasabi ng isa! Boys nga naman! Nang tinanong ko kung bakit wala pa yung isa nilang band mate, ang sagot naman ni Ezra ay given na daw na male-late si Orion dahil yun naman talaga siya simula pa nung una. “Divo kasi!” Sagot naman ni Wayne at nagtawanan silang lahat. In all fairness, hindi ako nao-OP sa mga lalaking ‘to a’. Magpatayo na lang kaya ako ng fans’ club nila? If ever na babalik nga sila sa pagpe-perform…

 

Gabi na ng nagpakita si Orion sa amin dito. At wag ka kasi gwapo din siya. Mukha siyang baby na galing sa kuna. Pero bakit may dala siyang tungkod? Malamang napilayan siguro. LOL.

 

Mabait naman pala ang Orion na ‘to. At may sense pa siyang kausap kesa sa tatlo niyang kasama. Not that I’m saying anything, pero parang naiiba kasi siya sa kanila. “You must be Chelsey.” Panimula niya. “Yes! At ikaw siguro si Orion, hindi ba?” Sagot ko sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands. Yay! Marami na naman akong newfound friends nito. I’m sure maiinggit na naman sa akin si Kelsey pag kinwento ko sa kanya ang experience ko dito sa Palmville. Hindi ko nga pala nasabi sa inyo, may isa pa akong friend sa amin na sobrang ganda. Mga “Ava” levels na siguro yung kagandahan niya; kaso medyo warla kami ngayon kasi natalo siya sa mahjong namin kasama si Alfie. Grabe ang mood swings niya, hindi ba?  Haha! Pero pagbalik ko sa amin, malamang siya din yung unang babati ng “Hi!” sa akin. Kilalang-kilala lang, e’.

 

**********

 

Natapos na din ang mini-party nila Eula at ang Despidida namin sa wakas kaya makakapag-pahinga na din ako. Dito na daw matutulog kena Orion at Wayne para daw makapag-bonding naman silang apat ng konti. Bromance lang? Pumayag naman si Ezra dahil gusto niya daw asarin sina Orion at Wayne. Game naman daw si Bricks sa kalokohan ni Ez at nag-appear na lang silang dalawa. Mga loko talaga.

 

Pupunta na sana ako ng kwarto ng may marinig akong ingay galing sa banyo. Si Orion ata may kaaway sa phone.

 

Hindi naman sa chismosa ako o ano pero di ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan nila ng tao sa kabilang linya.

 

“Ayoko nga!”

“Wala akong balak makipag-sabwatan sa inyo,bwiset.”

“Kasi puro na lang kayo ganyan! Ganyan! Ganyan! Pati mga anak niyo dinadamay niyo na sa…”

 

Okay.  Family feud pala. ‘Wag na lang akong makinig siguro, baka mabuking pa ako’t mawala ang tiwala ni Orion sa akin e. Pero ano kaya ang ugat ng away-pamilya nila? Ugh. Umaandar na naman ang Sigrid side ko.

 

**********

 

Hating-gabi  na ng nagising ako dahil ang ingay humilik ni Mamita. Tinignan ko ang orasan at 1:00 am na pala. E’ di umaga na nga! Lumabas na lang ako para kumuha ng tubig kasi nauuhaw na ako.

 

Pagpunta ko ng kitchen, nagulat ako ng nakita ko si Ezra na nanonood ng TV sa sala. “Ay,putating labatida!” Yun pa talaga ang nasabi ko dahil sa nerbyos. Pati siya nagulat din sa akin at nabitawan niya ang remote controller na nasa kamay niya. “Sheezus!” Sabi niya na parang lalabas ang eyeballs niya. “Sorry naman! Bakit gising ka pa, Ez?” Tanong ko habang lumalapit sa inuupuan niyang sofa.

 

“Insomnia lang.” Sagot niya naman sa akin. Hmmm, ga’nun pala. “Matutulog ka na ba?” Biglang tanong niya sa akin ng tumayo na ako para ibalik ang baso ko sa kusina. “Hindi a! Ibabalik ko lang ‘to. Bakit ba?”

 

“Uhm, pwede mo ba akong samahan na manood ng DVD’ng ‘to?” Suggest niya sa akin habang kinukuha ang DVD na nasa gilid ng TV screen nila. Na-curious naman ako’t nagdali-daling bumalik sa kanya para tignan ang cover.

 

“Hahahaha!” Di ko maiwasang tumawa sa kanya. “Bakit ka naman tumawa,ha?” Inirapan ba naman ako?! “Ah, kasi muhang takot na takot kang manood mag-isa ng movie na ‘to eh.” Sagot ko naman sa kanya while shaking the DVD cover. “Di ah! Basi ikaw naton?” Hala! Biglang nag-Ilonggo yung mokong? Haha!

 

“Fine! Dahil nga uuwi na ako mamaya, sige! Manood tayo ng “Wrong Turn” mo!” Sabi ko sa kanya bago ako tumawa ulit. “PERO… Kung sinong unang tatakip ng kanyang mata kung may death scene na, may consequence.” Paghahamon ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya’t tinanong ako kung ano ang consequence na ibibigay sa matatalo. “Hmm… Kung mananalo ako, bibigyan mo ako ng pera pambili ko ng bagong magazine. Kung ikaw naman ang mananalo…” Di pa ako tapos sa pagsasalita ng pinatigil niya na ako.

 

“Tayo na…”
 

 

TEKA! ANO DAW?!

 

 

 

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #22 on: April 22, 2014, 09:41:39 PM »
CHAPTER 19: GOODBYE, PALMVILLE!


CHELSEY

 

“Langya!” Yun lang ata ang nasabi ni Ezra pagakatapos niyang akuin ang kanyang pagkatalo. Fifteen minutes pa lang nung i-play namin ang DVD, wala pa ngang death scene pero nagulat na siya’t tinakpan ng unan ang mukha niya.

 

“Paano na ba yan? May pambili na ako ng Candy at Seventeen.” Sabi ko na lang sa kanya bago ko nilabas ang dila ko at nagpaduling-duling sa kanya. Inuurong na lang niya ang kanyang ulo at ginaya ang ginawa ko. “Gusto mo lahat pa ng back issues ng mga yan e.” Magmamayabang niya. “Gora ba!” Sagot ko sa kanya. Tinuro niya na lang ang kanyang leeg at nilabas uit ang kanyang dila. Douche!

 

Natapos na din ang movie at umalis na kami sa sala para matulog. Naku, magfo-4:00 am na pala. “Good night!” Bati ko sa kanya bago ako pumasok ng kwarto namin. Isasarado ko na sana ang pinto ng narinig kong may sinabi siya. Hindi ko ito masyadong narinig kaya nag-assume ako na “Good night din!” ang kanyang binlurb.

 

EZRA

 

“Good night, babe!”

 

Oh sh*t! Narinig niya ba ang sinabi ko? Sana hindi naman! Pahamak naman ‘tong dila ko, oh. Iba talaga pag nag-pupuyat; nagiging high ako. F*ck insomnia!

 

 Abnormal ata ang body organs ko ngayon at nagma-malfunction na lang ito bigla-bigla simula pa kanina habang nanonood kami ni Chelsey ng movie. Buong-buo na ang isip ko kanina na wag masindak e’, pero bakit nung kalagitnaan ng pelikula bigla na lang akong nagulat at nagtakip ng pesteng unan sa mukha ko?  Shoot naman,oo! ‘Yun na sana ‘yun e. At isa pa ‘tong dila ko. Sana talaga wala siyang narinig. SANA!

 

Hm… Mamaya pala aalis na sila pauwi ng Manila. At eto ako, walang nagawa. Ni i-confess ang feelings ko, wala! Bakit ba kasi ang torpe-torpe ko?!?

 

Nag-isip-isip ako sandali dito sa bedroom namin kung ano ang dapat kong gawin para sa amin ni Chelsey pero wala talaga e’. At isa pa, ang layo ng Manila sa Iloi…. Sandali lang! HA! May naisip na ako, pakshet! Ang genius ko talaga!

 

“Naku, Ezra! Ang taliiiino mo talaga!” Sabi ko sa sarili ko habang nagsma-smile sa ere.

 

“Ows?!” May biglang sumagot. Gising pa pala ‘tong ungas na Bricks na ‘to? Umirap ako at tumalikod sa kanya. “Matulog ka na nga lang diyan.” Sabi ko sa kanya bago ko pinikit ang mga mata ko.

 

“Ha! Okay, Ezra. Di ko alam fanboy ka din pala…ng sarili mo nga lang.” Sagot niya sa akin bago siya humagikhik. Psh! Takte lang e’.

 

**********

 

CHELSEY

So, this is it. Goodbye, Palmville na! Ugh. Bitin talaga ang stay namin dito. Pero okay lang kasi na-miss ko din naman sina Mama at Dora sa bahay e’, pero si Kuya? Pag-iisipan ko na lang ‘yan once na makauwi na ako. At isa pa, baka next year naman daw babalik din kami dito, ‘yan e’ KUNG papayagan ako ni Mama.

 

“Pa’no na ‘yan, wala nang Chezra?” Si Sigrid nga talaga, nagbibiro pa. “Wala naman talagang Chezra a’. Tigilan mo ako, girl!” Sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa salamin at nagtatali ng buhok ko. Siya naman, kasama sina Mamita at Eula ay nasa likod ko’y medyo malungkot kasi may magbubukod na sa grupo namin. Pero pasimple pa sila; next week uuwi na din sina Mamita at Sigrid sabi ni Ezra e’.

 

“Wala PA!” Sagot niya na lang sa akin at lumapit sa TV para patayin ito. Panira daw kasi ng moment ang WWE na pinapanood ni Mamita e’. Yung isa naman ay nagalit at inirapan siya. ‘Yan ang mami-miss ko dito, ang awayan nilang tatlo. Joke.

 

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa sasakyan ni Clint dahil male-late na daw kami ni Alfie sa flight namin. Ako naman,  on the other hand, ang dahiilan ng pag-aantay nila dito. Ang tagal ko daw maligo kasi. Parang ‘di naman!

 

“Dito ka!” Sabi ni Ezra sa akin sabay pagpag ng space ng upuan na nasa gilid niya. Tinignan ko si Sigrid at nagsmi-smirk nga siya sa akin. Ugh. Malisyosa much? Pumunta na lang ako sa gilid ni Ez at nag-smile sa kanya. “Okay na ba kayo diyan?” Tanong naman ng kambal niyang si Clint na nasa driver’s seat. “Okay na!” Sagot ni Sig sa kanya sabay tap ng kanyang balikat. Ang sweet lang! Haha.

 

Nagtatanong siguro kayo kung bakit nag-Taxi kami ni Alfie papuntang Palmville. Ang sagot? Tinatamad kasi si Clint na mag-drive. Ha!  Ga’nun din daw yung rason kung bakit nag-commute lang sina Ezra at Wayne papunta sa bahay ni Orion sabi sa akin ni Alfie. “May topak din kasi siya.” Dagdag niya pang sabi sa akin nung isang araw.  Kaya naman pala, eh!

 

************

 

Isang oras din ang byahe papuntang airport. Nakatulog na nga ‘tong si Bricks e’. Si Ezra naman, sobrang creepy simula pa kanina. Kung hindi ako tumitingin sa kanya, nakatingin siya sa akin pero kung tititigan ko siya, inaalis niya ang tingin niya sa akin. Ang weird!

 

“Yey! It’s a beautiful Sunday morning!” Panimulang sabi ni Alfie habang sini-stretch ang katawan niya pagkatapos niyang bumaba ng sasakyan.  “Ba-bye na, mga pals! Ikaw Ezra, kumain ka ng marami para tumaba ka naman kahit konti lang. Ikaw naman Clint, ‘wag mong paiiyakin ‘tong si Sigrid; mahal namin ni Chelsey ‘yan. Ikaw Jingkay, baliktarin mo lang ang sinabi ko kay Ezra’t ‘yun ang message ko sa’yo. Ikaw naman Ate Eula, bigyan mo ako ng life sa Candy         Crush,ha? Hmm… At kayo (referring to Wayne, Orion,  Ezra, and Bricks), sana wag kayong apat magbangayan; ang sakit niyo sa eardrums kagabi!” Dagdag pa niya. At inisa-isa pa talaga silang lahat a’.

 

“Alfie? Ano ‘to? Mamamatay ka lang?” Sagot naman ni Mamita sa kanya bago tumawa. Si Sigrid naman e’ pumunta sa puno ng ilang-ilang at kumatok. “Wag naman sana,girl!” Sabi niya sa pinsan niya. Si Alfie naman ay tumawa na lang ng malakas. “Dadating din tayo diyan!” Sabi pa niya. Lahat naman kami tumawa na lang.

 

Bigla akong tinignan ni Wayne at nagtanong sa akin. “Oh,ikaw Chelsey, anong message mo sa amin dito?” Sabi niya bago mag-smirk. Ako naman ay nag-smile na lang at nagsabing “Pakabait na lang kayong lahat dito!” sa kanila. “At isa pa pala, may nakalimutan kang ibigay sa akin!” I said, pointing out on Ezra. “Ako?” Tanong naman niya. Lahat naman sila dito nag-chant na lang ng “Ayiii!” sa amin. Ayiii for what? Yung utang niya kagabi naman ang na-mean ko a’. Mga loko ‘t loka talaga.

 

Tinignan ko si Ezra na may YOU-KNOW-THE-DEAL na gesture pero ‘di niya talaga ma-gets ang na-mean ko. Inirapan ko na lang siya’t pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ang baggages ko. Yung iba naman naming kasama dito nag- “Ahh!” na lang especially si Sigrid na may pa-pout-pout pa pero ‘di ko na lang sila pinansin.

 

**********

 

“Bye!” Winave na namin ang kamay namin ni FiFi sa kanila kasi pupunta na kami sa loob ng airport at d’un na lang kami maghihintay dalawa. Tatalikod na sana kami ng lumapit si Ezra sa akin.

 

“What, dude?” Sabi ni Alfie sa kanya. “Nalimutan mo ba siyang i-kiss?” Dagdag pa ng gagi kong best friend sabay tawa. Pinitik ko na lang ang tenga niya at tinirik ang mga mata ko. Mga lalaki talaga, oo!

 

“Sort of…” Sagot ba naman niya kay Alfie?! Nakita kong parang seryoso siya kaya tinakpan ko ang bibig ko. Malay mo, totohanin niya, hindi ba? At ayokong maulit muli ang nangyari sa Rivermoon, ano?! “Don’t make a scene, Ezra!” Sabi ko sa kanya habang tinatakpan ko pa din ang bibig ko. Natawa na lang siya’t kinuha ang pera sa bulsa niya (Wala ba talaga siyang wallet?) at inabot ito sa akin. “Yan! Bayad ko na ‘yan sa’yo!” Sabi niya sa akin bago mag-wink. Ako naman eh natulala na lang at kinuha ang pera galing sa kamay niya at nag-peace sign. “Naalala bigla? Akala ko kasi…” Hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko (supposedly) e’ hinalikan niya na ako sa noo. Namula-mula tuloy ako.

 

“O, okay na! Wala ng masyadong drama! I’ll miss you. Bye.” Sabi niya na lang sa akin bago siya tumalikod.  “Bye.” Sagot ko naman, stunned.

 

“Chezra Overload! Kenekeleg eke!!!!” Sigaw ba naman ni Eula at gumulong-gulong sa mga tiles?! ‘Yan tuloy, agaw eksena na kami dito.  “Tumayo ka nga diyan, mukha kang baliw!” Sabi naman ni Ezra sa kanya ng naka-cringe. Okay, ‘yan pa pala ang mami-miss ko, ang mga hirit ng brooder na si Ezra!

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #23 on: April 24, 2014, 05:52:49 PM »
CHAPTER 20: TECHNOLOGIES: ESSENTIAL

“Ano ba ‘yan, Kuya, dahan-dahan naman sa pagkuha!” Imbyerna lang si Kuya,e. Pagpasok ko pa lang ng bahay namin kinuha niya na agad ang plastic na dala ko na may lamang mga piyaya, meringue, at napoleones. PG talaga,oo. Pero kahit na ganyan siya eh na-miss ko pa din ‘yan. Ambait ko kayang sister!

 

“Gutom na ako e’.” Sagot niya sa akin habang kinukuha ang isang piece ng meringue. “Nga pala, kamusta ang Palmivlle?” Teka, bigla ata siyang naging interesado sa buhay ko a’. End of the World na ba? Chos.

“Maganda! No wonder sikat ang resort na ‘yun at maraming bumibisita kasi nga maganda siya. At may Google naman siguro para makita mo ang highlights ng lugar.” Pagbibiro ko sa kanya. Siya nama’y nag-pout na lang at kumuha ulit ng isang meringue.

 

Dumating na si Mama galing ng kusina para ihain ang kanyang specialty which is kare-kare.  Mag-iisang buwan ko ng hindi natitikman ang luto ni Mama a’. “Anak, aminin mo nga… may boyfriend ka ba?” Tanong niya sa akin. Nagulat naman ako ‘dun. Si Kuya naman e’ muntik ng mabilaukan sa tinanong niya.

 

“H-Ha? WALA ha!Bakit niyo naman po natanong ‘yan?!” Sagot ko naman sa kanya bago ako tumingin kay Kuya. Si Mama nama’y nag-shrug na lang at umupo na sa harapan namin at kinuha ang plato niya. “Nagtatanong lang. Nakita ko kasi ang post mo sa Facebook e’.”

 

Oops? Friend pala kami ni Mama sa Faecbook. Pero ano nga ba ang pinost ko at pinaghahalataan niya ako ng ganito?

 

Flashback

 

April 24, 2012:

“You’re beautiful…and you are loved.” Such sweet words. #ILY

 

Oh.My.Gosh! Kill me! Kill me now! (Pero wait! Hindi naman naging kami, hindi ba?)

 

**********

Eto ako ngayon sa kwarto at inaayos ang mga gamit ko para ilagay sa closet. Yung langyang Kuya ko kasi ayaw akong tulungan dito kasi daw manonood siya ng liga ng basketball sa kabilang kanto.

 

“Teka…” Bigla kong sabi sa sarili ko. Mukhang may nakalimutan akong dalhin ah! Ano nga ba’ng kulang sa mga gamit ko?

 

Naalala ko bigla si DOMO. Si DOMO!  “Oh,sh*t!” Last time, ang pagkakaalam ko e’ nilagay ko naman si DOMO sa baggage ko a’. Grabeng boo-boo naman ‘to,Chelsey o’! At ang ikinababahala ko pa e’ paano na kung  makita ni Ezra mismo ang diary ko? Kailangan may gagawin talaga ako ngayon.

 

Rrrring…. Rrrring

 

“Hello?” Sa wakas sinagot na rin ni Sigrid ang tawag ko. Mabuti na lang talaga at kinuha ko ang numbers ng girls bago ako umuwi dito.

 

“Girl, si Chelsey ito,” Panimula kong sabi sa kanya sa phone. “Girl, yung DOMO ko wala dito. Pwede niyo bang hanapin? Baka kasi makita pa ni Ezra’t tutuksuin ako n’un.” Di ko mapigilang mag-cringe just by the thought of it.

 

“Gashu! Ikaw pala. Fine, fine! At your service, friend!” Sagot niya naman sa akin. This is why I love Sigrid, anyway. Mapagkakatiwalaan ko kasi siya.

 

“Thank you naman, girl! I love you…and Eula…and Mamita…and….”

 

“Ezra. Haha! Okay, hahanapin na namin si DOMO dear mo at baka iba pa ang makahanap dito sa kanya. Mahirap na, girl!” Sagot niya sa akin bago siya kumagikhik ulit. Imbyerna ah!

 

“Okay, girl! At ‘wag mo nga akong idiin kay Ez! Hinding-hindi maging kami, ano ka ba?” I said, while rolling my eyes.

 

“Asus! Nga pala, I added you on Facebook. I-accept mo ako, girl, ha? Babush! Love you!” Sagot niya naman sa akin before hanging up the phone.

 

ALL IS WELL! EVERYTHING’S GONNA BE ALRIGHT! KERI! Yan ang mga motto ko sa ngayong oras. Psh.

 

 

 

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #24 on: May 13, 2014, 11:36:14 AM »
CHAPTER 21: THE ANNOYING "WHO"?


Maraming nagsasabing mahirap daw ang college at nakakawindang daw ito. May iba din na nagsasabing Masaya ang college at marami ka daw mga mae-experience dito.  At eto ako, magiging college student na din sa wakas! Pero sadly, wala na si Alfie sa tabi ko araw-araw. Si Kelsey na lang talaga ang magiging kasama ko dito sa university na papasukan ko. And speaking of the devil…

 

“Hi, Che! Kanina ka pa ba naghihintay dito?” Paunang bati niya sa akin sabay smile na para bang wala nang bukas. Ako naman, eto; mukhang haggard kasi nasi-stress sa kakaisip about sa enrollment na ‘to. Idagdag mo pa ang paghihintay ko sa babaeng ito ng 15 mins. sa gilid ng kalsada. Ginawa ko na nga sigurong almusal ang mga usok dito sa paligid-ligid e’.

 

“Ah,hindi! Mga 15 minutes lang ako naghintay. Let’s go na?” Tinry kong maging sweet sa kanya kasi alam kong medyo nagtatampo pa din siya sa amin ni Alfie dahil nga hindi siya namin sinama sa Palmville last month. At isa pa, ang sweet ko naman kaya! Haha!

 

Pumunta na kami sa loob ng St. Lauren University para magpa-enroll ng may nakabangga sa aking lalaki!  “Ano ba ‘yan? Dahan-dahan lang! May OJT? May OJT?” Sabi ko sa kanya habang kinukuha ko ang kapit ni Kelsey sa akin para lapitan siya. Nang narinig niya ang reklamo ko e’ humarap siya sa akin. Gwapo sana kaso  lang eng-eng naman.

 

“Sorry naman po!” Matabang niyang sabi sa akin bago siya tumalikod at tumakbo ulit. At eto naman ako, nanggigigil. Mukhang hindi pa siya sincere sa paumanhin niya, ha? G*go lang.

 

**********


Sa wakas at natapos na din ang pag-eenroll namin ni Kels! In all fairness, hassle yung proseso. Yung totoo? Enrollment ba yung kanina o sightseeing? Mabuti na lang talaga at magkasama kami kanina.

 

Pumunta muna kami ng friend ko sa park malapit sa SLU para bumili ng makakain. Gora na kami kahit na siomai at Sprite lang basta may makain kami ngayon. Nagutom kasi kami kanina sa pilahan e’. Pagpunta pa lang namin sa lovers’ lane e’ napansin ko na agad ang lalaking naka-stripes na bumangga sa akin kanina na umiiyak. Tumingin siya sa akin pero inirapan ko na lang siya.

 

Nadaanan na namin siya ni Kelsey ng nagsalita siya. Actually, hindi pala siya nagsalita kundi sumigaw siya sa akin. “Kasalanan mo ‘to eh!” Sabi ba naman niya sabay turo sa akin. Wow lang, ha? At ako pa ngayon ang kontrabida sa kanya?

 

Tinignan ko ang paligid namin at lahat ng tao ata’y nakatingin talaga sa amin ni Kelsey. Dahil inis na inis ako sa lalaking nagpahiya sa akin, gumanti ako sa kanya. “Kasalanan ko pa ba kung bakit ka nangaliwa, ha, Ivan? Minahal kita…pero gin*ga mo ako!” Sabi ko sa kanya sabay tulo ng aking luha. Hm, akala mo,ha? Theater actress ‘tong kausap mo, gunggong! Bigla na lang siyang nag-frown ng may narinig siyang mga “Boo!” na galing sa mga tao. Si Kelsey naman halatang confused na sa mga nagaganap. Langya, eksena pa kami dito. “  ‘Lika na, Kels! Pumunta na tayo d’un.” Sabi ko na lang sa friend ko sabay turo sa isang stall ng siomai-an sa di kalayuan. Siya nama’y puzzled pa rin sa nangyayari. Sino ba naman ang hindi, d’iba? At isa pa, tinawag ko siya sa pangalang hindi naman sa kanya. Saan nanggaling ang Ivan? Sa bibig ko, siyempre. Haha!

 

**********

“Che! Kaano-ano mo ang guy na ‘yun?” Tanong niya sa akin habang pinupuga ang kalamansi sa mga siomai na inorder namin. “Wala lang. Hindi ko nga kilala ‘yun, loka!” Sagot ko naman sa kanya. Bigla na lamang siyang nag-cringe sa akin. “Hala! E’ sabi mo minahal mo siya kanina a.”

 

Humarap ako sa kanya’t binigyan siya ng dedmang mukha. “Girl, pinahiya niya ako kanina, so rumesbak ako sa kanya. Alangan naman na pabayaan ko lang siya, ano? At ika nga nila, “When life gives you lemons…” Hindi pa man ako natapos ng pagsasalita ko e’ dinugtungan niya na agad ang sasabihin ko. “Make lemonade.” Sambit niya bago siya nagsmile at sumubo ng isang piece ng siomai.

 

“Mali.” Sagot ko naman sa kanya. Nag-frown na lang siya sa akin at nagtanong kung ano ba dapat ang idudugtong d’un. Eh, ‘di sinagot ko naman siya.

 

“When life gives you lemons, squeeze them!” Sabi ko sa kanya tapos tumawa na lang ako ng malakas. “Ay, ga’nun?” Sagot niya naman sa akin bago siya umirap.

 

Okay. Nahawa na nga ako siguro sa ka-cornihan ni Mr. Ezra Henderson. Amp!

 

Speaking of Ezra, friends na kami ngayon sa FB at ‘wag ka kasi chinachat niya ako palagi. Gusto niya nga akong ka-webcam pero tinatamad ako. At isa pa, baka ano pang magawa ko sa harapan ng camera. Ha!

 

Si Sig naman, naka-chat ko na din one time. Sabi niya sa akin nakita niya na daw ang diary ko at ipapadala niya na lang daw ito sa LBC. Nang tinanong ko siya kung saan niya nakita si DOMO, sumagot na lang siya ng “Secret!” Loka lang.

 

Going back, umuwi na kami ni Kelsey pagkatapos naming kumain at nagpaalam na sa isa’t-isa. Oh, ang sakit nga paa ko a’. At sana talaga ‘di ko na makikita ‘yung ungas na ‘yun kanina. Urgh.

M1DLF

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 41
  • Karma: +1/-0
  • I'm a kunst. No,actually I'm not. XD
Re: THIS GENERATION (Ongoing story)
« Reply #25 on: May 13, 2014, 11:39:32 AM »
CHAPTER 22: WHAT SURPRISE, EH?


“Anak, bumili ka nga muna ng pechay sa palengke!” Si Mama talaga, oh! Minsan nagiging makalimutin na. Kanina busy-busyhan kami sa pamamalengke tapos ngayon nakalimutan niya na may pechay pa pala sa listahan niya?
Pumunta ako sa kusina para kunin ang perang pambili ng pechay at umalis na ng bahay tapos. Malapit lang naman ang palengke dito… at akin naman ang lahat ng sukli, eh, kaya bakit pa ako magrereklamo di’ba?

“Ang daming tao!” Sabi ko sa sarili ko. Kesa ang init na, ang sikip pa dito. Mabuti na lang talaga at nasa good mood ako ngayon.

“Magkano po ‘tong pechay niyo?” Tanong ko kay Aling Soozi na suki si Mama ko. “Para sa’yo, limang piso lang!” Sagot niya naman sa akin. Ang bongga, hindi ba?! P100 ang perang binigay sa akin ni Mama e’, bale kung apat na bugkos ng pechay ang kukunin ko, may P80 pa ako. Wagi!
“Apat po niyan!” Sagot ko na lang kay Aling Soozi at nag-smile.

 

Habang naglalakad ako ay may nakabangga sa aking lalaki na naka varsity shirt at dahil d’un ay nahulog ang mga pechay ko. Ang malala pa eh maputik ang daanan kaya wala na, nganga ang P20 ko! “Anak ng butete naman, o!” Pagdadabog ko. Yung lalaki naman ay humarap na lamang sa akin at nagulat. Kahit ako ay nagulat din nga e’.

 

“G*go ka a’! Nakatatlo ka na sa akin a!” Galit kong sabi sa kanya. Ang ibang mga tao nakatingin (na naman) sa amin ngayon. Siya nama’y sumagot sa sinabi ko. “Sorry naman kasi tatanga-tanga ka diyan sa kakakanta!”

 

Mas namula ako this time. “Heh!! Basta ikaw, bayaran mo ang pechay ko!!!”

“Bakit, magkano ba ‘yang pechay mo, two-five?”  Sagot ba naman niya sa akin?! Hambog!

“BENTE!!!” Pagkarinig ng ibang mga tao e’ nagbulung-bulungan na sila. Anong malisya, doon? Kahit ako windang na windang na with matching hila ng buhok sa isip ko ,eh!

“Pero kung hindi kita babayaran, anong mangyayari tapos?” Sa tono ng pagsasalita niya at sa pang-aasar niyang tingin sa akin, malamang binibwisit niya talaga ako ngayon.

Tinuro ko na lang ang plastic na dala niya sa harapang bahagi ng katawan niya’t nagsalita ulit ako. “Eh di babasagin ko ‘yang itlog mo!!!” Ayan na nga ba at marami na namang chika from madla after kong bitawan ang line ko eh.

Napatawa na lamang ang ungas at kinuha ang P50 sa bulsa niya’t tinapon ‘yun sa akin… Oo, tinapon niya talaga. Langya, hindi ba?

Bago siya naglaho ng lubus-lubusan, sinigawan ko muna siya ng “BASTOS!” para naman matuto na siya.

Kung may katawang tao lang talaga ang salitang salot, malamang siya na ‘yun.

 

**********

Kiniwento ko kay Alfie ang lahat-lahat ng nangyari sa akin simula pa ng pag-enroll namin ni Kelsey hanggang yung sa kaninang umaga lang. Napanganga na lang ang best friend ko at nagsabi na kung nand’un lang daw siya kanina ay malamang inupakan na niya ang lalaking ‘yun.

As if kaya niya. Lels. Teka, nahawa na yata ako kay Ezra sa “Lels-lels” na yan ah! Ano ba naman?

“Nga pala, Chelsey, may surprise ako sa’yo mamaya. Punta ka dito mga 6. Dala ka ng foods.” Sabi niya sa akin bago siya mag-wink at inayos ang eyeglasses niya.

“Bakit ba? Anong ganap, Fie?” Tanong ko sa kanya; nagbabakasakaling makakalikom ng kaunting impormasyon sa surpresa niya daw sa akin.

Tinuro na lang niya ang kanyang leeg at nilabas ang kanyang dila. “Tae!” Pagdadabog ko bago ako tumalikod para kumuha ng tubig sa kusina. Natawa naman siya sa akin.

 

**********

SIGRID

Na-miss ko na si Chelsey, actually. Yung ngiti niya; yung kulitan namin dito sa pink room; yung ongoing nilang love story ni Ezra na pina-polish namin nina Alfonso, Wayne, at Jingkay; at kung ano-ano pa.

Speaking of Chelsey, may naalala akong nangyari dito sa house ni tart Clint na hindi pwedeng malaman ni Chelsey kahit kailan.

FLASHBACK

“Asan na ba ‘tong DOMO ni Chelsey at hindi natin mahanap-hanap dito sa kwarto natin,ha?!” Iritang-irita na talaga si Eula dahil kanina pa kami dito naghahanap ng diary ni friend Chelsey. Kahit nga si Jingkay eh mukhang taong alikabok na dahil sa sobrang dungis na niya eh.

Bumukas ang pintuan bigla at laking gulat namin na si Ezra pala ang pumasok.”Anong kaguluhan ito?!” Tanong niya sa amin. Pinipilit niyang ‘wag matawa kasi halatang kinakagat niya ang dila niya ng sandaling ‘yun.

“Ah, wala! Nagge-general cleaning lang kami, Henderson.” Sagot sa kanya ni Mamita sabay smile. Yung pilit,ha?

“Hmmm… Sige.” Matabang niyang sagot bago siya tumalikod sa amin at humarap sa boudoir. “Oh, ano ‘tong notebook na ‘to? Ang cute ha.” Tanong niya sa sarili niya habang  binubuksan ang mga unang mga page para malaman kung ano ang nilalaman nito. Kaming tatlo ay nagdali-dali naman na kunin sa kamay niya ang nasabing notebook… o diary… o kung ano man ang tawag dito.

“Dear Domo… Unang araw…” D’un pa lang ay kinuha ko na sa kamay niya ang diary ni Chelsey at nilagay ito sa likod ko para hindi niya na makuha ulit mula sa akin. “Akin, ‘to!” Sabi ko sa kanya.

“Nagda-diary ka pa pala, Sigrid?” Tanong niya sa akin bago siya tumawa ng malakas. Kinamot naman ni Jingkay ang ulo niya’t nagsalita bigla. “Bakit? Anong masama d’un? Kahit na ako nga meron eh.”

“Haha! Girls!” Hindi na namin makita ang mga mata ni Ezra sa sobrang tawa niya. At dahil nga na wala na siyang magawa kundi maniwala sa alibis namin eh umalis na nga siya ng room… ng nakatawa pa din.

After niyang isira ang pinto ay nagtinginan kaming tatlo, hindi dahil sa malapit na kaming mabisto sa ginagawa namin dito. Nagtinginan kami dahil sa huling sinabi ni Ezra sa amin.

“Ha! Girls!”

Parang “Ha! Boys!” lang na palaging binibigkas ni Chelsey ha!

Di kaya MFEO talaga sila?

SANA NGA!

**********

CHELSEY

Kakatapos ko lang mag-bake ng macaroons at naghahanda nang maligo kasi nga daw may surpresa sa akin si Alfie mamaya. Kung ano man ‘yun, siguraduhin niya talagang masusurprise ako, ha? Marami na akong ideas kung saan mapupunta ‘to mamaya e.

SCENE 1:
Alfie: Chelsey, may girlfriend na ako! Meet…
Ako: *jaw dropped*
Alfie’s GF: Hi, I’m…
Ako: Ha! Nice meeting you. I’m Chelsey.

Oh, hindi ba? Gumawa lang ako ng isang malaking himala sa isipan ko. Kelan pa ba naging matinik sa chicks ‘tong si Alfonso? Hmm… Di ko na maalala kung kelan talaga eh.

SCENE 2:
Alfie: Chelsey, may aaminin ako sa’yo.
Ako: Ano ‘yun?
Alfie: I’m…I’m…
Ako: Oh? Ano na?
Alfie: I’m gay!

Ay, grabe naman akong best friend at pinaghihinalaan ko ang gender niya. ‘Wag naman ga’nun.

SCENE 3:
Alfie: Chelsey, I love you!

WORST.SCENARIO.EVER. May iba na ako eh.

**********

Ding dong

Dala-dala ang macaroons na binake ko (in which upos pa yung iba! Pasensya na! Newbie sa pagbe-bake eh!), pumasok na ako sa house nila Alfie after buksan ni manang ang gate.

“Asan po si Alfie, manang?” Tanong ko sa kanya.

“Nasa taas pa po si sir, Chelsey!” Sagot niya naman sa akin. Pupunta na sana ako ng sala pero pinigilan niya ako. Shinake ko ang ulo ko at nagtanong ulit sa kanya. “Bakit po?”

“Basta. Sa garden lang daw kayo maghintay.” Sagot niya naman sa akin. At dahil sa napaka-emotera ko eh nagpasama pa ako sa kanya papuntang garden.

Ang dilim, grabe! Biyernes pa naman ngayon. Yung surpresa ata ay panggugulat e. “Naku, Alfie, wag na wag na wag kang magkakamaling gulatin ako, ha?” Sabi ko sa sarili ko habang nakapout.

“Maalis na po ako, ha?” Sabi ni Manang Glinda at naglakad na papalayo sa akin. Great. So ako lang pala mag-isa dito sa malamok na bahagi ng bahay niya. Hmmm….

Iniikot-ikot ko ang buhok ko gamit ang aking index finger dahil sa sobrang bored na ako’t naiinip sa mga nangyayari. Yung neon green kong dress na inspired ni Lily Collins na lang ang mukhang happy sa katawan ko ngayon, yung lahat? Mukhang olats sa lotto ang peg.

Sa di kalayuan ay may nakita akong tatlong lalaking papalapit sa akin. At dahil sa madilim nga gaya ng sabi ko kanina, silhouette lang ang nakikita ko galing sa kanila. Yung sure lang ako eh may dalang gitara yung isa.

Mali sana ang kutob kong yung #3 ang mangyayari, ha?

Bigla-bigla na lang ay tumunog ang A Thousand Miles na cover ng Boyce Avenue…at umandar ang lahat ng ilaw dito sa garden nila.

Making my way downtown,
Walking fast,
Faces past
And I’m homebound

Staring blankly head,
Just making my way,
Making away,
Through the crowd

OH.MY.GOSH.

And I need you
And I miss you
And now I wonder…

This really is a huge surprise. I’m speechless.

If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
‘Cause you know I’d walk a thousand miles
If I could just see you…
Tonight

Nilunok ko ang laway ko ng tatlong beses bago ako nagsalita.

“E…Ezra!?”

Without any word, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “I missed you!”

“Same…” Sagot niya naman. “Don’t you think that song is terrible?” Tanong niya.

“Indeed, it is!” Sagot ko naman at nagsimulang tumawa.

He’s here! My…I mean The Hooligan Guy. Di niyo lang alam kung ga’no ako ka-happy ngayon.

 

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Class Act

by: marla, 2014-10-24

Okay, okay: we know this blog has been looking more like a food blog than a lifestyle/fashion/beauty blog lately. But we can't help it—the universe just keeps showering us with delicious...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved