Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Poll

Do I need to continue this story?

Yes
7 (87.5%)
No
0 (0%)
Maybe
1 (12.5%)

Total Members Voted: 8

Voting closed: April 13, 2014, 10:08:53 AM

Author Topic: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)  (Read 5443 times)

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #45 on: April 22, 2014, 02:02:21 AM »
Hi sis! Sensya na nawala ako dito ng ilang araw. <3 Mustaaaa? Kaka-update ko lang. <3

ako naman ang nawala haha busy kasi nag open na rin yung store namin... been working hard for it :) stressful nga eh!

and OH MY GOSH! GUSTO KO NA YUNG UPDAAAATE hahahahaha! :) grabe no? you forgot your birthday you received a gift from your stepmom who isnt close to you and that reminded you of your birthday and you get to be slapped on the face by the truth that your one true love who died whom you've been mourning for all this time is the person who lied to you bigtime! gooood nabuhay sa kasinungalingan! :( a relationship built on lies grrrr... :))


UPDATE PLEASE!! :))


PS

i am sooo liking the story :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #46 on: April 28, 2014, 03:03:28 PM »
She Got Played

Round Eighteen - Breathless

-Nicoleen's Play-

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

Limang beses ko nang paulit-ulit na tinatawagan ni Paix pero hanggang ngayon nakapatay pa rin ang phone niya. Nasaan na ba yung lalaking 'yon? I hate to admit it but I'm getting dead worried.

"Nakasalubong ko si Paix Montegro palabas ng building. Mukhang wala sa sarili, hindi nga ako binati."

Nang marinig ko 'yan mula kay Kuya Nate, sumama bigla ang kutob ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali.

Binagsak ko sa sofa ang hawak kong cellphone nang magsawa ako kaka-dial ng numero niya. Maaga kong napag-pasyahan na bumalik sa unit dahil sa sobrang pag-aalala sa kumag na 'yon. Parang napapaka-clingy na girlfriend tuloy ang itsura ko dito ngayon. It's irritating me. Bumabagabag pa rin sa'kin ang mga kataga ni Kuya Nate.

Anong wala sa sarili? Hindi ko nakita kahit kailan si Paix na wala sa sarili - maliban lang noong may sakit siya.

Tahimik akong tumitig sa kawalan at nag-isip. Ano ba ang kaya kong gawin sa ganitong sitwasyon? Whatelse do I know about him - Aha!

In a flash, an idea came across my mind!

Isa ka talagang henyo, Nicoleen Baltazar. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Alam ko naman ang password ng unit niya 'di ba? Hindi naman niya siguro mamasamain kung papasok ako.

Mabilis kong dinampot mula sa sofa ang cellphone ko at kumaripas palabas ng unit. Huminga ako nang malalim bago ko harapin ang pintuan ng condo niya. Dahan-dahan kong pinindot ang mga letra ng pangalan ko kasabay ng tahimik kong dasal na sana hindi niya pa binabago ang password niya.

Click!

My prayer was answered in an instant! Literal na napatalon ako sa tuwa nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto.

"Mukhang malakas pa rin ang tama mo sa'kin, Paix Montenegro." pagpupunyagi ng isipan ko.

Saglit akong natigilan nang hilahin ko pabukas ang pinto. Pumasok sa utak ko yung unang beses ko na pasukin nang walang paalam ang unit niya. What was he doing back then? Nanonood ng porn? Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko 'yon. Perverted jerk!

Paano kung nanonood siya ngayon? Kaya ba hindi ko siya ma-contact dahil ayaw niyang paistorbo sa pinapanood niya? What if I saw him watching again? Awkward na naman 'to!

But wait - what's with my stupid suspicions? Pilit kong itinatak sa utak ko ang sinabi ni Kuya Nate kanina. Kung wala siya sa sarili niya, uuwi ba 'yon sa unit niya?

Well, I guess I'll figure it out here. Napabuntong-hininga ako at itinuloy ang pagbukas ng pinto. Bumungad na naman sa'kin ang mga sapatos niya, pero sa pagkakataong 'to kulang ng isa. Wala yung rubber shoes na gamit niya kanina. Nagulat din ako - kabisado ko pala mga sapatos niya?

Kung wala dito yung suot niyang sapatos, ibig sabihin hindi pa siya umuuwi?

Humakbang ako papunta sa sala. Napansin kong nakababa ang mga kurtina at tanging ang dalawang lampshade lang ang bukas na ilaw. Mukhang wala ngang tao dito. Pero saan naman kaya siya nagpunta?

Napuno na naman ng pag-aalala ang isipan ko. Knowing him, he's an impulsive type of guy. Kung may bumabagabag sa kanya, naiimagine ko siya na umiinom sa bar pagkatapos ay mapapaaway dahil sa kalasingan. Okay. Masyado akong tamang hinala, alam ko. But that's how I see him. The type of fictional character in books - bad boys with good heart.

Susuko na sana ako sa pag-asang makakita ako ng clue dito sa unit kung nasaan siya pero nahagip ng mga mata ko ang diary ni Yara. Nasa ibabaw ito ng computer desk na nasa sala. Kinuha na sa'kin ito ni Paix pero pakiramdam ko nasa akin pa rin ang awtoridad na hawakan 'to.

Unknowingly, I started searching through the pages. Hinahanap ko ang date entry na kapareho ng araw na 'to. Hindi ko alam kung bakit pero binubulong ng instinct ko na gawin ito.

Found it!

April 13, 2011 9:00 AM

Hi!

Birthday ni Papaix ngayon. As usual nawala na naman siya nang parang bula. Ayaw na ayaw niya talagang magpakita sa kahit kanino tuwing birthday niya. Nakakainis pero iba ang mangyayari ngayong taon! Sinabi sa'kin ni Mama na madalas pumupunta si Paix sa bahay ng step mother niya at doon ko siya pupuntahan ngayon.

Hindi ko na naituloy ang pagbabasa. Kung tutusin may apat na pahina pang nalalabi sa diary entry ni Yara noong araw na 'yon pero pinasya kong ihinto ang pagbabasa. Nalaman ko na ang impormasyong dapat kong malaman. Nabuo na ang desisyon ko sa dapat kong gawin.

Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko at sinimulang tawagan ang numero ni Tita Ross. Ibinalik ko na rin sa desk ang diary.

"Hello, hija?" may himig ng pag-aalinlangan sa tono niya. Ibang-iba noong huling tawag ko sa kanya.

"Hi, Tita!" masigla kong bati. "Naistorbo ko po ba kayo?"

"H-Hindi naman. Bakit ka napatawag?" tanong niya. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o talagang may kakaiba sa boses niya. She sounds like she's been crying.

"Uh. May itatanong lang po sana ako - " natigilan ako nang marinig ko ang mahina niyang pag-hikbi. "T-Tita?"

"It's nothing. Sinisipon lang ako." agap niya, pero sigurado akong hikbi ang narinig ko. "Anong itatanong mo hija?"

"Uh, itatanong ko po sana yung address ng residence ng mga Montenegro." sagot ko.

"Bakit, hija?" mabilis na tugon ni Tita Ross na tila ba nabahala. "Makikipag-kita ba si Paix sa'yo doon?"

Sinidlan ng pagtataka ang isipan ko sa tanong niya. Hindi ko alam ang nangyayari pero may kutob ako na hindi ko dapat sabihin kay Tita Ross ang totoong pakay ko. I can guess with her tone that she'll stop me.

"Hindi, tita! Ano ka ba?" pinilit kong gawin na masigla at masaya ang tono ng boses ko. "May ipapadala lang ako na papeles doon. Wala kasi siya sa unit niya ngayon." pagdadahilan ko.

Malinaw kong narinig ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Ah. Sige, ititext ko sayo hija." saad niya na lang.

"Okay. Thank you, Tita!" huling wika ko at pinatay ang tawag.

Something's weird. Hindi lang sa tono ni Tita Ross kundi sa mga tinatanong niya. Parang natatakot siyang magkita kami ni Paix sa di malamang dahilan.

Nawaglit naman ang pag-iisip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Dumating na ang text ni Tita Ross. Sa ilang sandali, nilisan at sinarado kong muli ang unit ni Paix. Nagtungo ako palabas ng building at tumawag ng taxi. Hindi ko na naisipan na gamitin ang kotse ko bunga ng sobrang pagmamadali.

Rush hour. Isang bulto ng makupad na traffic ang sumalubong sa highway. Sipat ako ng sipat sa cellphone ko. Alas-otso kinse na ng gabi. Kadalasan hindi ako lumalabas ng ganitong oras. Kumag ka talaga, Paix! Kapag nahanap kita patay ka talaga sa'kin.

Humigit kumulang trenta minutos din na-stuck sa traffic ang taxi na sinakyan ko. Matapos ng isang oras na tila ba isang dekada kung lumipas, inihinto ng driver sa isang malaking gate ang sasakyan.

"Ma'am, dito na po tayo." untag sa'kin ni manong sa gitna ng pagkamangha ko sa lugar.

"Sigurado kang ito yung nakasulat sa address kuya?" paninigurado ko at muling binuklat ang kapirasong papel na sinulatan ko ng address na tinext ni Tita Ross.

Tumango-tango ang driver. "Opo. Montenegro Village po." sagot nito at tinuro ang dambuhalang signage sa taas ng gate.

Tinigil ko na agad ang pagtitig sa gate nang maalala ko ang dapat kong gawin. Bumaba agad ako ng taxi at nagbayad sa driver. Hindi ko na inasahan na ihahatid ako papasok ng Village dahil nga mukhang hindi nagpapapasok ng taxi dito. Puro private vehicle na awtorisado lang yata ang pupuwede rito.

Unang pumasok sa isip ko na magtungo sa guard house kaya't ito agad ang hinanap ng paningin ko. Laking pasalamat ko na may mga guwardiya nga doon.

"Uhm, mga kuya." bati ko sa kanila.

"Bakit po ma'am?" magalang na tanong ng isa sa kanila.

"Ano kasi - magtatanong lang sana ako." nag-aalinlangan na saad ko saka napakamot sa ulo. "Dito po ba nakatira si Paix Montenegro?"

"Ah? Si Sir?" Wow. Big time! Sir ang tawag sa kanya dito. "Opo. Bakit po?"

"Puwede ko po ba siyang makausap?"

Nagkatinginan ang mga guards at napailing bago bumaling muli sa'kin. "Sino po ba kayo?"

Kaaway po niya na nagpapaepal lang sa mundo at walang magawa. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit nag-aalala sa kumag na 'yon!

Gustong-gusto kong ipagsigawan 'to ngayon sa sobrang pagod ko. Geez.

"Kaibigan po niya. Nicoleen Baltazar."

Nakita kong nagbulungan sila nang malaman ang pangalan ko. Para bang kilala nila ako.

"Okay po, ma'am. Hatid na lang po namin kayo." saad ng isa pang guard.

Pinasakay nila ako sa patrol car - hindi ko alam kung iyon ba talaga ang tawag dito. Basta, mabilis ang takbo ng sasakyang 'to. Iginala ko agad ang mata ko sa paligid ng village. Malaki ang lugar at malalaki ang mga bahay, halatang pang-mayayaman talaga. Kung Montenegro Village ang tawag dito, malamang pag-aari 'to ng pamilya niya. Mayaman nga ang loko, kaya pala sobrang hangin.

Natawa ako sa sarili ko. Hanggang sa isipan ko kasi, inaasar ko pa rin si Paix. Hindi bale, magagawa ko na 'to ng live kapag nakita ko na siya.

Huminto kami sa harap ng isang bahay. Di hamak na mas malaki ito kaysa sa ibang bahay na nadaanan namin.

"Dito na po 'yun, Miss." wika ng guard.

"Salamat." nakangiting tugon ko.

Inalalayan ako nito pababa ng sasakyan. Dito ko lang pinagmasdan nang matagal ang bahay. It looks antique to me. May kung anong greek vibes na ibinibigay sa'kin ang lugar na 'to. Greek vibes? I don't even know what that means.

Humakbang ako palapit sa gate at pinindot ang door bell. Kasabay nito, narinig ko ang pagharurot paalis ng sasakyan ng mga guards na nagdala sa'kin dito.

Nagulat ako at napaatras nang awtomatikong bumukas ang gate.

"Come in. We're expecting you." anang boses mula sa isang maliit na voice machine sa gilid ng gate.

Techy. Hindi na talaga ako masasanay sa sobrang bilis na advancement ng mundo. Kung iisipin ko dati bulag lang ako - walang kumplikado sa buhay.

With courage, I stepped inside the gate. Natanaw ko na bukas na rin ang kaninang sarado na front door. Sa pagtapak ko sa door mat ng pinto, napapikit ako sa sinag ng chandelier sa bungad pa lang ng bahay. When my sight was cleared, my jaw dropped open.

Is this a castle? Mala-palasyo ang dating ng bahay na 'to. That big red staircase caught my eye. First time ko makakita ng ganito kalaking bahay - Wait - Oo nga pala, bulag ako dati. Paano ako makakakita ng ibang bahay na ganito kalaki, di ba? Whatever, Nicoleen.

"Hey, beautiful lady." nasira ang pagpapantasya ko sa ganda ng bahay nang marinig ko ang matinis na boses na 'yon.

Umangat ako ng tingin at bumungad sa'kin ang isang nakangiting lalaki at nakatiklop ang mga braso. Mukhang kasing edad ko lang siya o baka isang taon na nakakatanda? I don't know. Bilugan ang mga mata at hindi naman katangkaran. Pareho sila ng tindig ni Paix.

"Uh - Si Paix?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko.

"Hey, hey. Wait. Hindi pa ko nagpapakilala, si bro na agad ang hinahanap mo." tumatawang bulaslas niya saka humakbang palapit sa'kin.

"Uhn - "

Bago pa ko makapagsalita, hinawakan at hinagkan ng labi niya ang kanang kamay ko.

"I'm Yuan Montenegro, step-younger-brother slash mas pogi kay Paix." pagpapakilala niya sabay kindat sa'kin. Aba't mayabang 'tong isang 'to, ah? Psh!

"I'm Nicoleen - "

"Nicoleen Baltazar." pagpapatuloy niya sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? "I heard a lot of things about you."

"H-Huh?" nagtatakang wari ko.

"You see, lagi kaming naka-monitor sa mga ginagawa ni Paix." preskong pagpapaliwanag niya at lumakad paikot sa likod ko. "And he's been quite busy because of you."

"Uhn - we're business partners." maagap na sagot ko.

"Well, I don't think so." nakangising bulong niya.

"Stop it, Yuan." napagitla ako nang marinig ko ang mariing boses ng babae mula sa hagdanan.

Nang lumapag ang paningin ko sa kanya, hindi ko napigilang mapahanga muli. Habang nakatindig siya sa hagdanan na 'yon suot-suot ang asul na bestida, parang reyna siya ng bahay na 'to. Is she a fairy or something? Bakit parang ang kinang niyang tignan mula sa kinatatayuan ko.

"It's because of the chandelier, sweet heart. Walang fairy dito." bulong sa'kin ni Yuan na para bang alam ang iniisip ko.

"You're Nicoleen?" malamig na tanong niya. Her tone reminds me of Paix.

"O-Opo." nauutal na sagot ko. Nakapako pa rin ang tingin ko sa kanya.

Unti-unti siyang bumaba mula sa hagdanan. Lumapit siya sa'min ni Yuan at ngumiti.

"I'm Sandra, step mother ni Paix." pagpapakilala niya. Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Pinatawag ko na siya." sabi niya at tinapik ang balikat. "Come, sa salas ka na mag-hintay."

Before I knew it, I'm already in their big living room. Umupo ako kasama si Sandra sa sofa. Nawala sa paningin ko yung Yuan pero binalewala ko na lang.

"So, tell me. Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Paix?" biglang sumigla ang kaninang malamig niyang boses.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa pisngi ko. "Hindi po. Business partner lang po niya 'ko!" mabilis na tanggi ko at kinampay-kampay sa ere ang dalawang kamay.

Bahagyang napahalakhak siya inasal ko. "What a reaction." bulaslas niya. "I'm just checking, don't worry. Lagi ko kasing pinapasundan si Paix, at nakikita kong ikaw lagi ang kasama niya."

Pinilit kong ngitian siya kahit naiilang ako. "Magkatabi lang din po kasi ang unit namin. And he's a - " natigil ako sa pagsasalita. Ano nga ba si Paix para sa'kin?

Tumingin ako kay Sandra, naghihintay siya ng sasabihin ko. "H-He's a friend." pagpapatuloy ko.

"An obvious lie." nakangising deklara niya.

Akmang magpo-protesta sana ako ngunit nabaling ang atensyon ko sa mabibigat na yabag na bumaba sa hagdanan. Paix stood still for awhile, looking at us - at me. Is he mad?

"Paix - "

Hindi na nakapag-salita si Sandra nang mabilis na nakalapit sa'min si Paix at hinila ako palayo.

"Paix, I just -"

"Huwag tayo dito mag-usap." putol niya sa'kin.

Dinala niya ko sa labas at doon binitawan. Just when I thought I can finally talk - a helmet flew to my direction. Buti na lang mabilis kong nasal kundi sumalpok sa mukha ko 'to.

"What's your problem?" singhal ko sa kanya bago umangat ng tingin.

"Just shut up and come with me." matigas na utos niya. Nakasakay na siya sa motor at nakasuot ng helmet. His gestures are inviting me to ride behind him. "Sakay."

Hindi na 'ko nagtanong pa at sumampa sa motor. Tutal birthday naman niya, hindi ko na siya aawayin. Nataranta ako nang mapagtanto kong kailangan kong kumapit kung saan para di ako malalag ng motor na 'to.

"Higpitan mo ang kapit mo." paalala niya sa'kin at pinaharurot ang motor.

Sa sobrang bilis ng takbo namin, hindi ko na namalayang nakakapit na pala ako nang mahigpit sa kanya. Pakiramdam ko sinasampal ng hangin ang balat at buhok ko.

"Hoy! Kung may balak kang magpakamatay, huwag mo ko idamay!" sigaw ko at halong humigpit ang kapit ko sa katawan niya. And he's enjoying this - I'm hearing his little chuckle.

Huminto ang motor kaya nagkaroon na ako ng lakas ng loob para imulat ang mga mata ko. Nasa maliit na bridge kami sa gitna ng pond o kung ano pa man ang tawag sa yamang tubig na 'to. Pero hula ko sa loob pa rin kami ng village, natatanaw ko pa rin kasi ang mga naglalakihang bahay.

"Baka gusto mo 'kong bitawan?" sarkastikong untag niya sa'kin.

Mabilis naman akong bumitaw sa kanya at bumababa ng motor. Tinanggal ko na rin ang helmet na suot ko saka tinapunan siya ng masamang tingin.

"Gabi na. Bakit ka napunta dito?" mahinahon ang tono ng boses niya. Bumaba na rin siya ng motor.

"Uhn - kasi." nawala lahat ng gusto kong sabihin nang tumitig ako sa mga mata niya. He looks so down and sad.

"Happy birthday." wala sa isip na nasabi ko.

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Paix. Humakbang siya palapit sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Pinasok mo yung unit ko. Hm? Binasa mo na naman yung diary."

Hindi na ko nagtaka kung paano niya nalaman ang ginawa ko. Napaka-obvious naman kasi. At isa pa, mukhang hindi naman siya galit.

"Sorry." wika ko ako at napayuko.

"Sorry." saad naman niya. Inulit niya lang ba yung sinabi ko o nagso-sorry rin siya?

Iniangat ko ang ulo ko para kwenstiyonin siya pero nagulat ako sa lapit ng mukha niya sa'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko makuhang igalaw ni-isa sa mga daliri ko.

"Paix." gulat na tawag ko sa pangalan niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Anong trip - "

"Ssh." saway niya sa'kin. Iba ang nababasa ko sa mga mata niya. Sinubukan kong yumuko ulit - but he got my chin and makes me look straight at him. "Can I try something crazy?" bulong niya.

"Crazy?" nagtatakang tanong ko. Sasabog na yata sa init ang mga pisngi ko. "Like what?"

"Crazy like this."

And then his soft lips covered mine. Hindi ko maintindihan kung ano elektrisidad ang naramdaman ko. I feel suffocated - Wait. No - more like breathless.

To be continued

LaraMyere

  • Guest
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #47 on: May 05, 2014, 01:17:55 PM »

Hi  :) I'm a newbie and I saw your story so I read it.  ;D Keep it up!

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #48 on: May 09, 2014, 12:20:07 PM »
She Got Played

Round Nineteen - Free fall


–Nicoleen's Play–

 

"Here's the list of the guests invited to the event. Aabot ng 200 to 300 ang nag-confirm na pupunta."

 

Ito ang huling mga katagang narinig ko habang nasa kalagitnaan ako ng meeting para sa event bukas. Hindi ko alam kung bakit wala na kong narinig sa sumunod na pinagsasabi ni Kuya Nate. Nakatulala lang ako sa bibig niya at wala akong marinig ni-isang salita o tunog. The next thing I knew, I'm spacing out again.

 

Until flash of memory dominates my mind. Paix – and the kiss. Oh God.

 

Dalawang araw na ang lumipas pero pasulpot-sulpot pa rin sa isipan ko ang pangyayaring 'yon. The particular taste of his lips, how I responded and – him. Subukan ko man na iwaglit 'yon sa isipan ko, hindi ko magawa. Masisisi niyo ba 'ko? First kiss ko 'yon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi tama itong ginagawa ko. Kailangan ko mag-focus sa event at –

 

"Nic, are you there?" boses ni Kuya Nicollo ang nagpabalik sa diwa ko.

 

Wait – hindi ba si Kuya Nate ang nagsasalita kanina? Bakit si Kuya Nicollo na ang nasa harapan? Umangat ako ng tingin, lahat ng tao sa conference table nakatingin na sa'kin. !@#$! Kanina pa ba 'ko tinatawag ni Kuya? How long was I out of reality? Ugh!

 

"Are you okay, hija?" nag-aalalang tanong ni Papa.

 

Pinilit kong ngumiti at magmukhang 'okay' sa paningin nila. "I-I'm fine, pa." mahinang tugon ko. "Medyo sumama lang pakiramdam ko. But I'll be fine, go on kuya." paninigurado ko at sinenyasan si Kuya Nicollo na ituloy ang pagdi-discuss niya sa power point presentation.

 

"No. You look pale." singit ni Kuya Nathan na nasa tabi ko. "I think you need a break." tinapik niya ang balikat ko.

 

Tumango na lang ako at hindi na kumontra pa. "Okay." malumanay kong sang-ayon saka tumayo.

 

"I'll accompany her." prisinta ng isang pamilyar na boses mula sa mga nakaupo sa kabilang dulo ng conference table.

 

Lumingon ako para tignan kung sino 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong kay Paix pala ang boses na ‘yon. Nakatingin siya sa’kin – nakatitig. I don’t know why he looks so damn hot today, like he will be the cause of the next global meltdown.


“H-Hindi. Ayos nga lang ako. “ tanggi ko. Sana lang hindi niya nahalatang nanginginig ang boses ko.

 

“No, Nic. Mas mabuti na kasama mo si Paix. Mamaya kung anong mangyari sa’yo palabas.” kontra ni Kuya Nicollo. Tinignan ko siya ng masama at isang mapang-asar na tingin lang ang isinagot niya sa’kin. Tch!

 

I rolled my eyes. Naglakad na ‘ko papunta sa pinto, hindi ko na tinignan kung kasunod ko ba si Paix. Ayaw kong makahalata siya sa mga kinikilos ko. Obviously, he’s not affected about that damn kiss unlike me. Kahapon ko pa inoobserbahan ang kilos niya at wala ni isang senyales na naaalala niya yung ginawa niya sa’kin. Hindi naman siya lasing ‘non ah? Anong akala niya namimigay lang ako ng free kiss dahil birthday niya? This is crazy! I shouldn’t be irritated but it’s destroying my system.

 

Nakahinga ako nang maluwag nang makatapak na ‘ko sa labas ng conference room. Masama na talaga ang pakiramdam ko mula pa kaninang umaga. Hindi ako nakatulog nang maayos sa dami ng dapat gawin. I'm practically a walking zombie right now.

 

“Puyat ka ba?” untag ni Paix sa pananahimik ko. Umangat ako ng tingin at lalo akong nagulat nang mapagtanto kong nakatayo nap ala siya sa harapan ko.

 

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ako and humakbang palayo sa kanya. “H-Ha?” tanging bulaslas ko at hindi nagawang sagutin ang tanong niya.

 

I watched as the side of his lips moves upward. Nakakangisi pa ang loko?

 

“Anong ngini-ngiti ngiti mo d’yan ha?” masungit na puna ko at nagtiklop ng braso sa harapan niya. Nasidlan na naman ang inis ko sa kanya.

 

Umiling siya saka nakapamulsang umiwas ng tingin. "Wala naman." preskong sagot niya.

 

Inirapan ko siya at tinalikuran. Nagsimula akong maglakad kasabay ng mabibigat kong yabag. Well, what do I expect from him? A reaction? Nagiging expectant at delusional na yata ako. Si Paix Montenegro 'yan, wala sa bokabolaryo niya ang salitang 'reaction'.

 

"Para mapanatag ka na, aaminin ko na." Natigilan ako bigla nang magsalita siya. Nilingon ko siya agad at nakita kong naka-ngisi pa rin siya. "Naaalala ko pa yung ginawa ko nung isang gabi. Malinaw na malinaw pa, Nicoleen."

 

Namayani sa tenga ko ang malakas na tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala – gustong sumabog. Pinanood ko lang siya na lumapit sa'kin. Gustuhin ko man kasi na tumakbo palayo sa sitwasyong ito, tila napako na ang mga paa ko sa sahig.

 

Matagal din kaming nagkatitigan. I was speechless. Kanina sobrang inis ko sa kanya at halos murahin ko na, pero ngayon ano? Wala akong masabi. Tikom na tikom ang bibig ko at para bang binubusog ko ang mga mata ko sa kakatingin sa kanya.

 

"Uhn. A-Ano?" Okay. One lame word just came out of my smarty mouth.

 

Sa pinaka-unang pagkakataon, napagmasdan ko ang pag-lawak ng mga labi niya para tumawa. Ibang-iba ang tunog ng tawa niya ngayon. It sounds pure. Honest and – from the heart?

Nanlaki ang mga mata ko, halos malaglag pa nga ang panga ko sa sobrang gulat. Is this it, Yara? Yung ngiti na pinapagawa mo sa'kin? Iyong ngiti ni Paix na hiniling mo? I'm seeing it now! Your eyes are seeing it now! Oh my God.

 

"H–Hey." untag niya sa'kin at napatigil sa pagtawa. "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang usisa niya.

 

Dito ko lang napagtanto ang maiinit na patak ng luha sa mga pisngi ko. Out of happiness – I'm crying tears of joy. Ang buong akala ko hindi ko na makikita pa ‘yon, akala ko mabibigo ko si Yara. Her wish was granted!

 

"A-Ah, wala." nakangiting sagot ko at pinunasan ang mga pisngi ko. "Ngumiti ka. I'm reminded of Yara's wish."

 

“Forget about that damn wish.” narinig kong bulong niya. Nagulat ako nang saglit na puminta sa mukha niya ang galit.

“Anong ibig mong sabihin?” gulat na wika ko.

Hindi siya sumagot, sa halip isang buntong hininga lang ang tinigon niya. Sa pagkakataong ito hindi niya na ‘ko matitigan sa mata. Something’s weird. Kilala ko na ang mga reaksyon ni Paix at hindi ito ang inaasahan kong reaksyon na mangagaling mula sa kanya.

“Wala.” malamig niyang sagot.

Time went swiftly after that. Hindi na ‘ko pinag-trabaho ni Papa dahil nag-aalala siya na baka naoover work na ako. Nakukunsensya rin pala siya sa mga sulsol nila Kuya Nicollo. Natatawa na lang ako pag naaalala ko ‘yon.  Akalain mong ngayon ko lang nararamdaman ang pagka-unica hija ko?

“Ma’am.” basag ng sekretarya ko sa pagmumuni-muni ko. “May nagpapabigay po.”

Dumapo ang paningin ko sa hawak niyang mga rosas. Napataas ang kilay ko. “Kanino galing ‘yan?” may himig ng pagka-inis ang boses ko.

Sa ‘di ko malamang dahilan, hindi ko gusto ang amoy ng mga rosas. Naaalala ko kasi yung amoy ng ospital. Sa tagal kong naka-confine sa ospital, hindi ko maiwasang masanay sa amoy nito. It makes me want to be sick again.

“Ah – “ tila nagulat siya sa reaksyon ko.

“Don’t like it?” bungad ni Justin nang lumitaw siya papasok ng opisina ko.

Umiling ako at ngumiti. “Hindi naman. Ayoko lang nung amoy.” prangkang sagot ko. Bumaling ako sa sekretarya kong halatang naa-awkwardan na sa’min. “You can go. Sayo na lang ‘yang roses.” utos ko.

“H-Ho?” lalong nataranta ang sekretarya ko at nagpapalit-palit ng tingin samin ni Justin.

Humalakhak si Justin. “It’s okay, Charms. Sa’yo na lang ‘yan. Choosy ang boss mo eh.” pabirong pahayag niya.

Nakita kong namula ang pisngi ni Charmaine, ang sekretarya ko. Hindi na siya kumontra pa at umalis sa kwarto bitbit ang mga rosas. Nagka-titigan kami ni Justin saka sabay na tumawa.

“You’re mean.” usal ni Justin.

“No. More like honest?” pagtatama ko. “So, pati pala nickname ng sekretarya ko alam mo?” panunuya ko sa kanya.

A smile curved into his lips. “Bakit? Nag-seselos ka?” malisyosong tanong niya.

Inirapan ko lang siya at nagtiklop ng mga braso.  “Hindi ah. Asa ka pa.” sarkastiko kong tugon.

“Really? Kahit konti?” pagpupumilit niya habang halatang dinidisplay sa harapan ko ang nalalalimang mga dimples niya. Lumapit siya sa desk ko at umupo sa harapan ko. “Hmn?”

Umiwas ako ng tingin. Simula noong gabi na hinalikan niya ko sa noo, iba na ang naging epekto niya sa’kin. Hindi ko maintindihan kung ano pero sigurado akong magka-iba ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Paix.

“Nicoleen?” untag niya sa’kin. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko kaya bigla akong napatayo sa gulat. “Anong problema?”

Akma pa sana niya ‘kong hahawakan ulit pero mabilis kong iniwas ang balikat ko. What was that? Parang may kumukuryente sa balat ko. I don’t like this feeling.

“Uh – “

“Don’t touch my girl, Montalban.” Who’s that?

Pareho kami ni Justin na napatingin sa pinanggalingan ng boses. Si Paix – papalapit siya sa kinatatayuan ko. Bago pa ‘ko makapagsalita para sitahin siya sa sinabi niya, nasa tabi ko na siya. Hinila niya ang kamay ko sabay inangat para ipakita kay Justin.

“She’s my girl now.” preskong pag-uulit niya na para bang pinamumukha niya ‘yon kay Justin.

Wait – Anong sabi niya?

“Anong pinagsasabi mo d’yan, Paix?” galit na singhal ko sa kanya. Sinubukan kong kumala sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya agad ito. “Let go!”

 Bumaling ako kay Justin, hindi na siya naka-ngiti. Nagtititigan sila ni Paix at hindi ako Iniintindi. Anong problema ng dalawang ‘to? Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. I can feel how intense their glares are.

“She’s not yours, Montenegro.”  matigas na tugon ni Justin at hinila ang kabila kong kamay.  “And she can never be  your girl. She will be my girl.”

“A-Ano bang ginagawa niyo? Walang nagmamay-ari sa’kin. Damn it.” saway ko sa kanila. Hoping to lighten up the atmosphere but it’s not working. “Hoy, bitawan niyo nga akong dalawa! Ano ba?”

Wala akong nakitang reaksyon sa kanila. !@#$! Patuloy pa rin sila sa pagtititigan kahit na hirap na hirap na ko sa puwesto ko dito.

“Bakit? You think you have a chance?” sarkastikong tanong ni Paix. He shifted his gaze to me. “We already kissed, didn’t we?”

What the heck? Nanigas lahat ng parte ng katawan ko nang marinig kong sinabi niya ‘yon!  Sa harapan pa ni Justin? What is he trying to prove? This is crazy! Alam kong sobrang pula na ng pisngi ko ngayon at nagmumukha na ‘kong tanga dito pero – tarantado ka talaga, Paix Montenegro!

“Justin, that’s –“ gusto kong magpaliwanag pero nang umangat ako ng tingin kay Justin isang ngiti ang nakita ko. Bakit siya nakangiti?

“So? Big deal ba ‘yon?” lumapad ang ngisi ni Justin at tumingin din sa’kin. “I’ll just wait for my chance to kiss her. It’s as easy as that.”

 

 

I can’t believe this. Ano bang problema ng dalawang  ‘to? Parang may laman lahat ng pinagsasabi nila. May hindi ba ‘ko alam? Hindi ko na alam ang iisipin ko. It’s like I’m in a free fall – I have no idea where I’ll end up to.

to be continued

AteMigs

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #49 on: May 11, 2014, 06:18:03 PM »
SHE GOT PLAYED


Love comes in different forms, different occurrences and different people.

A single love story doesn't actually compose itself with one ordinary plot.

Sometimes it starts with a tragedy,
And end with the sweetest kiss you could ever imagine.


Love is a game, a game with different players, different tactics. But when destiny comes along to play, it's between game over and try again.

Witness a tragedy that leads to a wonderful thing called, LOVE.


jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #50 on: May 12, 2014, 02:20:48 AM »
SiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiS update ka na PUHLEASE... :))

oh geeee... ang gondoooo daliii... :)

P.S

nasa manila ako june 17-22 kita tayo pag may time ka... pm me your number :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #51 on: May 13, 2014, 10:44:12 AM »
SiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiS update ka na PUHLEASE... :))

oh geeee... ang gondoooo daliii... :)

P.S

nasa manila ako june 17-22 kita tayo pag may time ka... pm me your number :)

Sis. Hala. May pasok na ko sa June 16 eh. Start na ng first sem. :( Wait. PM ko sa'yo. :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #52 on: May 13, 2014, 11:09:21 AM »
She Got Played

Round Twenty - This Is War


-Paix's Play-

"I'LL JUST wait for my chance to kiss her. It's as easy as that."

Namintig ang mga tenga ko nang marinig ko 'yon mula sa bibig ng gagong Justin na 'yon. Nakangiti pa siya na para bang pinapamukha sa'kin na hindi siya magpapatalo.

Bring it on then. Hinding-hindi ko rin siya hahayaang manalo. Wala akong ideya kung anong laro na ang nabubuo sa pagitan namin, ang alam ko lang, hindi na ito sa pagitan namin ni Nicoleen. Simula nang malaman ko ang katotohanan, kinalimutan ko na ang kahibangan na larong sinimulan ko. This isn't about me anymore, it's about Nicoleen and the truth she's not aware of. Ang mga kasinungalingang alam ko na bumabagabag din kay Justin.

"Damn it! Tama na nga!" natauhan ako nang sumigaw si Nicoleen at tuluyang kumawala sa pagkakahawak namin sa mga kamay niya.

Pareho kami ni Justin na napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na kanina pa siya nanggagalaiti sa galit dahil sa pagsasagutan namin. Nakita kong gumuhit ang inis sa mukha niya kasabay ng pagbuga niya ng hangin bago bumaling muli sa'min.

"Kung may problema kayo sa isa't isa, huwag niyo na 'kong idamay. Okay?" iritado niyang pahayag at tumalikod na papunta sa pinto.

Walang kumibo sa aming dalawa hanggang sa ibagsak pasara ni Nicoleen ang pinto. Sa pagtingin ko sa direksyon ni Justin, isang pamilyar na hagupit ang tumama muli sa mukha ko. A punch from that jerk. Tch.

Hindi naman ako bumagsak, napanatili ko ang balanse ng katawan ko. Aaminin ko na mas malakas ang pagkakasuntok niya sa'kin ngayon kaysa noong nakaraan, pero sinadya kong ipakita na hindi na niya ako kayang patumbahin.

Nadama ko ang pagdurugo muli ng pumutok kong labi kaya pinunasan ko agad 'yon. Umangat ako ng tingin kay Justin at ngumisi na tila ba hindi ako nasaktan. Nandilim lalo ang ekspresyon niya sa ginawa ko. I feel a little victorious though.

"!@#$ ka, Paix." galit na bulaslas niya. "Bakit ayaw mo pa tigilan si Coleen? Sinabi ko na sa'yo di ba? You don't deserve her."

Gusto kong mapamura. Narinig ko na naman ang mga katagang 'yon. !@#$. Pilit ko namang pinagdidikdikan sa isipan ko 'yon eh, hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon 'di pa rin ako pinakikinggan ng utak ko.

"I don't deserve her?" bulaslas ko at tumawa. Tila may nagliyab na apoy sa dibdib ko - hindi ko na kayang itago pa. "You think you deserve her better than I do?"

Natigilan siya sa sinabi ko ngunit matalim pa rin ang tingin niya sa'kin.

"Oo." matapang niyang sagot. "I deserve her more than you! Kasi kahit kailan hindi ko siya magagawang saktan. Unlike you." saad pa niya. Namumula na sa galit ang mukha niya at pakiramdam ko ano mang minuto aatake na naman siya para suntukin ako.

"Unlike me? Ano bang pinagkaiba mo sa'kin, Justin?" tinaasan ko na ang tono ng boses ko. I don't want to be angry and I have no reason to be like this but - I can't help it! Bakit? Hindi lang naman si Nicoleen ang biktima dito 'di ba? I've been played too! Nagago rin ako ng hinayupak na larong 'to!

"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?" sarkastiko kong tanong at lumakad papunta sa harapan niya. "Sa ating dalawa, ikaw ang matagal nang nagsisinungaling kay Nicoleen. Ang kasalanan ko lang, hinusgahan ko siya kaagad kahit wala akong alam sa katotohanan. But yours is a different story. You lied, and you know what's worse? You're still lying to her."

Ibinaba ni Justin ang tingin mula sa'kin pababa sa sahig. Madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Halata ang epekto ng mga salitang binitawan ko. I don't know if he's about to cry or not - but I don't really care.

"Wala ka namang alam sa mga nangyari noong mabulag si Nicoleen. You're practically just a bridge that connects Yara to all of this! Because you're her biggest lie. Ikaw ang pinaka-malaking kasalanan na nagawa niya."

HINDI KO maalala kung papaano ko nilayasan si Justin sa opisina ni Nicoleen. Ang alam ko lang ay tuluyan nang nandilim ang paningin ko at nasapak ko siya. Binanggit niya kasi si Yara at ako daw ang pinaka-malaking pagkakamali ni Yara. Well, that's bullshit!

Kahit kailan, hindi ko inisip na isang pagkakamali ang pagtitinginan namin ni Yara. Minahal ko siya ng sobra-sobra pa sa sarili ko. Mali na kung mali ang ginawa niya pero hindi ko kayang kamuhian siya.

This is why I feel extra guilt for Nicoleen. She could've been the girl I loved for many years, but I believe that everything happens for a reason. Maybe Yara came in a wrong way, but she made my life so right. She was the only girl I could possibly love. Well, she once was.

At ngayong wala na siya, ako ang papasan ng hiling niya. And that's to make Nicoleen as happy as she deserves. Hindi ko 'to gagawin dahil nakukunsensya ako. Gagawin ko 'to para sa kanya. Gusto ko siyang protektahan. Alam kong masasaktan din siya sa katotohanan at gagawin ko ang lahat para mapagaan ang sakit na madarama niya kung sakali.

"Narinig ko ang sagutan niyo ni Jus sa loob." napukaw ng boses ni Nicollo - ang kuya ni Nicoleen - ang pag-iisip ko sa gitna ng hallway, di kalayuan sa pinto ng conference room.

Gulat na nilingon ko siya. Narinig niya kami?

"No worries, Paix. Alam ng buong pamilya lahat ng pangyayari." agap niya at tinapik ang balikat ko. "And Jus is kind'a right, maraming nangyari noong nabulag at nawalan ng alaala si Nicnic."

Isa pa 'to. Kakampi rin yata ng tarantadong Justin na 'yon.

"Hey, don't get me wrong." untag niya sa'kin nang mapansin na sumama ang timpla ko sa sinabi niya. "Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. You can fight whenever or however you want. All I want is my little sister to be happy." usal niya at humalakhak. Ngumiti na lang din ako kahit wala ako sa mood na makipag-tawanan ngayon.

"Pero Paix, isa lang ang pakiusap ko sa'yo." sumeryosong putol niya sa kanyang pagtawa. "Alam mo ang pinagdaanan ni Nicnic. Kung sakaling mabuo mo na ang isip mo tungkol sa kanya, huwag mo sanang gawin na panakip butas kay Yara ang kapatid ko."

Tumango ako at sa pagkakataong ito, ako naman ang tumapik sa balikat niya. "I know and I won't even dare to hurt her again. Sa dami ng kasalanan ko sa kapatid mo, ayoko nang madagdagan pa 'yon."

Lumakad na ako palayo matapos n'on. Binigyan ko lang siya ng kapayapaan na pupuwede niya rin na ipagkatiwala si Nicoleen sa'kin, hindi lang kay Justin. I hope he gets my intention.

KINABUKASAN, dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang event ng Baltazar Hotels Incorporated. Isa sa mga dahilan kung bakit sobrang stress ang dinaanan ko nitong mga nakaraang araw.

I should be dressed casually like I used to, but I figured out that'll be inappropriate for this event. Napagpasyahan kong magpolo kahit hindi ko naman style 'to. Nakasabit sa leeg ko ang tali ng camera. Trabaho pa rin ang pinunta ko rito as far as I can remember. Sadyang nagpapaka-stalker lang naman ang mga mata ko kakahanap kay Nicoleen sa gitna ng napakaraming tao.

"Oh? Boss!" nakita kong patakbo sa direksyon ko si Roshane - isa sa mga empleyado at professional photographer ng maliit na business namin. Marami pa siyang kasama na inassign ko sa event na 'to, nagkalat na sila sa paligid at nagsisimulang kumuha ng mga litrato at mag-video ng event. Ako na lang yata ang nakatunganga rito.

"Bakit nandyan ka pa? Tunganga lang? Trabaho pinunta mo rito." garapalan na puna sa'kin ni Roshane. Sanay na ko sa kanya, napaka-talakera lang talaga ng babaeng 'to.

"Ako ang boss 'di ba? Ikaw ang magtrabaho, puro ka talak." inis na bulaslas ko habang patuloy pa rin sa paghahanap ang mga mata ko.

Narinig kong bumungisngis si Roshane kaya binalingan ko siya muli ng masamang tingin.

"Si Ms. Baltazar ba ang hinahanap mo?" malisyosang tanong niya at siniko ang tagiliran ko. "Ang pagkakarinig ko nagkaproblema sa kitchen eh. Nakita ko siyang kumakaripas ng takbo papunta doon."

Naalarma ako bigla sa sinabi niya. "Problema? Anong naging problema?"

"Hindi ako sigurado pero may hindi yata na-deliver or something - "

Hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si Roshane. I quickly made my way out of the crowd towards the kitchen. Maraming staff na nagkakagulo at abala sa loob kaya't hindi ko malaman kung saan hahagilapin ang anino ni Nicoleen.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ko namataan ang dismayado niyang mukha 'di kalayuan sa tabi ng head chef. She's biting her lips and it's obvious that she's about to cry out of this mess.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na papunta sa direksyon niya. Gusto ko siyang yakapin. Ayokong makita ulit 'yung mga luha niya. It's driving me nuts. She's making me mad at myself because I shouldn't be acting this way.

I was about a few steps away - then I stopped. Natigilan ako sa nakita ko.

Yumakap si Justin kay Nicoleen bago pa 'ko makalapit. Hindi ko namalayan na magkasama pala sila. Nakatingin siya sa direksyon ko at nakangisi habang nakagapi sa bisig niya ito.

My eyes burned in anger. I don't know where this might be heading but one thing is for sure - this isn't a simple game any longer. This is war.

to be continued

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #53 on: May 14, 2014, 09:59:46 AM »
more sis... :))

ikaw ba nag email sa akin sis?? :) hehehe! ok lang yun mas mabuti ngang may pasok nang makalabas ka after school hahaha! :)

lildreamer21

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #54 on: May 24, 2014, 03:31:59 PM »
Hi Bago lang ako dito at nakita ko yung story mo nakaka-thrill
yung mga scenes :D

Update na Pls.. :D

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #55 on: May 25, 2014, 12:34:48 PM »
sis wala ka pa bang update?? hehehe! :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #56 on: May 30, 2014, 03:44:04 PM »
She Got Played

Round Twenty One - An Inch Away


–Nicoleen’s Play–

       WALA AKONG ideya kung gaano na ‘ko katagal na nakatitig sa kawalan.  My mind is all jacked up and it’s not functioning well right now!  Sa lahat ng araw na papalpak ang delivery ng refreshments, bakit ngayon pa sa mismong araw ng event? Gusto kong sumigaw at umiyak para ilabas lahat ng galit at inis ko sa mundo  pero sinalubong ako ng yakap ni Justin.

      Akala ko mapapakalma ako ng yakap na ‘yon tulad ng dati pero – hindi. Lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko kaya marahan ko siyang tinulak palayo. It’s not like I dislike him hugging me, it’s just that we’re in public. Nararamdaman ko na ang mga mata ng staff sa paligid kaya ko ginawa ‘yon.

        “Are you alright now?” nag-aalalang tanong niya sa’kin. His eyes are full of concern and worries.

       Pinilit kong ngumiti at tumango para mapanatag siya. “I’ll be fine.” paninigurado ko sa kanya pero mukhang hindi pa rin siya naniniwala.

      “Inaayos na nila Nicollo ang lahat, ‘wag ka na kasi mag-alala.” wika niya sabay hawak sa kamay ko. “Let’s go back to the party, okay?”

       He’s right. Kanina pa sinasabi nila kuya na huwag ko na problemahin ‘yon. Ako lang naman ang matigas ang ulo. This is just too damn important for me.  Unang bagay ‘to na ipinagkatiwala ni Papa sa’kin tapos papalpak pa ng ganito? I hate this!

        Hindi na ‘ko nakapag-protesta nang hilahin niya ‘ko palabas ng kitchen at pabalik sa venue. Saglit akong nagtaka sa pagmamadali ni Justin na para bang may iniiwasan siya pero mabilis rin na nawaglit ‘yon sa isipan ko nang makita ko si mama sa gitna ng maraming tao.

       Mabilis akong kumaripas ng hakbang papunta sa direksyon niya. Yumukod ako sa wheelchair niya at niyakap siya. “Ma!” Pinigilan ko pagtakas ng hikbi mula sa mga bibig ko. Alam kong mag-aalala si mama kapag nahalata niyang naiiyak na ‘ko.

        “Nic.” masiglang tawag niya sa’kin sabay gumanti rin ng yakap sa’kin.  “I’m proud of you. Successful ang event because of your hard works.” bulaslas niya saka kumawala sa yakap ko para tapikin ang magkabilang balikat ko.

          “Pero – “

       “Job well done, Nicnic.” sumulpot bigla sa tabi ni mama si Kuya Nate. Kinindatan niya ‘ko na para bang alam na niya ang nangyayari kanina pa.

      "We're really proud of you." pag-uulit ni mama at muli akong niyakap. Sinulyapan ko si Kuya Nate, tumango lang siya.

     Matapos ng mahabang kwentuhan namin ni mama,  natagpuan ko ang sarili kong mag-isa at nagtataka. Kumalma na ang mga tao sa kitchen at mukhang wala ni isang bisita ang nakahalata ng nangyaring problema. Gusto kong magtanong pero sa 'di ko malaman na dahilan, wala rin si Justin sapaligid katulad ng mga kuya ko.

      "Nicnic," napagitla ako nang may humawak sa balikat ko mula sa likuran. Lumingon ako at bumungad sa'kin ang nakangising mukha ni Kuya Nicollo. "I have bad and good news. Ano gusto mo na unang marinig?"

     "The good news?" nag-aalinlangan na sagot ko. Sa totoo lang kinakabahan na 'ko ngayon. Naayos na ba talaga nila yung problema sa deliveries?

      "The good news," lumapad ang ngiti niya at ginulo ang buhok ko. "Nakahanap kami ng paraan para sa delivery ng refreshments."

     Halos napatalon ako sa tuwa at niyakap siya. Malapit na matapos ang presentation at hindi ko ma-imagine kung sumapit ang kainan ng walang refreshments.

       "Oh thank God!" bulaslas ko.

       "But, are you ready for the bad news?" putol niya sa pagdiriwang ko.

       Napalunok ako. Anong bad news kung nakahanap na sila ng solusyon sa problema na 'to? "Ano ba 'yung bad news?"

       Ngumuso si Kuya sa likuran ko, lumingon ako. Napako sa paningin ko ang makisig na anyo ni Paix sa di kalayuan. Nakapormal siya ngayon. For the first time, he looked like a man than a bad boy inspired character in movies.

     Pero hindi ko pa rin gets ang gustong iparating ni Kuya. Anong bad news? Si Paix? How come?

       "Bad news?" napataas ang kilay ko saka bumaling muli kay Kuya Nicollo.

      "Yes. He's the bad news." pagtitibay niya sa iniisip ko. "Siya ang nakahanap ng paraan para 'di magkanda-leche leche ang party na 'to dahil lang sa refreshments."

      Natigilan ako at lumingon ulit sa direksyon ni Paix. Nakangiti lang siya sa'kin. It wasn't his usual sarcastic smile, it reaches his eyes this time. Napa-ngiti na lang din ako. Gusto ko humakbang papunta sa kanya kung hindi lang maraming tao sa paligid. I have this crazy idea to run and charge a hug towards him. It's a relief that I stopped myself from doing that.

      "At dahil si Paix nga ang tumulong sa'tin," nagpatuloy sa pagsasalita si Kuya kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya. "He wants something in return."

      "What?" mabilis na nag-react ang bibig ko. Oh, I knew it! May kapalit! Bakit ko nga ba nakalimutan? That's Paix Montenegro we're talking about.

      "I told you, bad news nga di ba?" pagpapaalala ni Kuya at humalakhak. Lalo lang akong naasar.

      "What does he want?" masungit na usisa ko. Hindi na ko muling nag-abalang tignan ulit ang mokong na 'yon.

       "You." tipid na sagot niya.

       Halos malaglag ang panga ko sa gulat. "Ako? Ano ako? Bugaw?" malakas na tutol ko. Pinagsisihan ko agad 'yon dahil nagtinginan agad sa'min ang ilan sa mga bisita. Hindi ko rin alam kung narinig ba 'yon ni Paix. I wish he did. Para malaman niya 'di okay sa'kin ang set-up na 'to.

       "It's not like that, Nic!" pabulong at natatawang paglilinaw ni Kuya. "Ang kapalit na gusto niya ay yung araw mo bukas. He wants you to spend a day with him."

       "At bakit?" sarkastiko kong tanong at tinupi ang mga braso ko.

       "Who knows? Maybe he wants to take you on a date?" humahagikgik na sagot niya. "Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ko." ngumiti siya at inakbayan ako. "He's a good guy. Kaya wag ka na mag-alala. Binantaan ko na 'yan."

       Isang malaking himala para sa'kin na hindi nag-krus ang landas namin ni Paix hanggang matapos ang event. Ginagawa ko ang lahat para hindi niya ko malapitan at maasar. I joined the crowd. Hindi ko hinayang maiwan ako mag-isa. Pero kahit na ganoon, nakapako pa rin ang gilid ng mga mata ko sa kinikilos niya. Mabuti na rin sigurong hindi kami nagkabanggaan. He's busy doing his work.

       Sa may di kalayuan nakita kong kausap niya ang isa sa mga photographer niya. Iaalis ko na sana ang tingin ko sa kanya pero namataan ko na hinila siya ni Kuya Nate sa isang sulok at kinausap. Business talk yata dahil seryoso silang pareho.

      Nang napagtanto kong wala na akong dapat gawin sa venue, tahimik akong lumabas. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod sa ginawa naming paghahanda para sa event. I want to sleep.

       "Uuwi ka na, Nic?" tanong ni Justin na sinundan pala ako rito sa parking lot.

       Tumango ako. "Oo eh. Sumama kasi pakiramdam ko." palusot ko, pero ang totoo iniiwasan ko lang na magkasabay kami ni Paix na umuwi.

       "Hatid na kita." he offered.

        Tipid akong ngumiti at umiling. "Kaya ko na, Jus. Don't worry. Alam ko marami ka pang gagawin." tanggi ko sabay yakap sa kanya. "Thank you nga pala kanina. Ikaw pa iniyakan ko."

        Tulad ng lagi kong inaasahan, ngumiti siya. Lumubog na naman ang mga dimples niya. "You can cry on me any time you want, Coleen." malambing niyang sabi at humakbang ng mas malapit sa'kin. "I'll be here for you for as long as I can."

       Bago pa 'ko makapag-react, naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na labi niya sa gilid ng labi ko. Hindi ako nakagalaw. Napatulala ako ng ilang segundo bunga ng ginawa niya.

      "Jus – "

      "Ingat sa pagmamaneho, Coleen." putol niya sa'kin at naglakad na palayo.

      Pinagmasdan ko lang ang likod ni Justin hanggang maglaho pati ang anino niya sa paningin ko. Napahawak ako sa gilid ng labi ko na hinalikan niya. What was that for?

      I sighed. This is really getting out of hand. Nagpapaligsahan ba talaga sila ni Paix? Pareho nilang nililito ang utak ko. Kung ako lang ang masusunod, pareho ko silang iiwasan ng isang buong araw para makapag-isip isip ako. Pero mukhang malabo 'yon. Paix owns my day tomorrow.

        KINABUKASAN, namulat na lang ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Napangiwi ako nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw. Pinilit kong bumangon at damputin ang cellphone ko. Sinagot ko agad ang tawag.

      "Rise and shine." Nakilala ko agad ang boses ni Paix sa kabilang linya.

      Tuluyan na nagising ang diwa ko. Itutukod ko sana ang kamay ko upang ibalanse ang sarili ko pero nasa gilid pala ako ng kama. Bago ko pa namalayan, lumagpak na ako sa sahig.

        "Ouch." daing ko sabay sapo sa tagiliran kong napuruhan yata sa pagbagsak ko.

       "Hey, okay ka lang?" untag ni Paix sa kabilang linya. Hawak ko pa rin pala sa tenga ko ang telepono.

       "O-okay lang ako." nauutal na tugon ko. Dahan-dahan ako tumayo pero napangiwi ako sa kirot. Nabalian na ba 'ko? Kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang pagdaing sa sobrang sakit. Umupo na lang ako ulit, ayoko pahirapan ang sarili ko.

       "Open the door. I don't think you're fine." utos niya.

        "Ha? Bakit? Nasa harap ka ng pinto ko?" sunod-sunod na tanong ko.

        "Hindi ba obvious?" pamimilosopo pa niya. "Open the door now."

        He sounds like a prince. Papayag na sana ako nang maalala kong unit ko pala 'to. At isa pa, hindi pa 'ko nakakapag-ayos ng sarili ko. Bakit ko siya papapasukin dito? He's still a guy.

        "Ayoko." matigas na pahayag ko.

       "At bakit? Do I look harmful to you?" bulaslas niya. I could imagine him grinning right now.

        "Oo. Malay ko ba kung manyak ka." prangka kong pag-amin. "Nanood ka kaya ng porn." pabulong na dagdag ko.

         Humalakhak siya sa kabilang linya. "Kung mamanyakin kita, matagal ko nang nagawa, Nicoleen." wika niya. "Ilang beses na ba tayo naiwan mag-isa sa isang kwarto?"

        Umakyat ang init sa magkabilang pisngi ko. "This is a different story! Unit ko 'to eh!" protesta ko.

        "Nakalimutan mo na ba yung deal ko sa Kuya mo? You're mine today. So, open up bago ko pa sirain 'tong pintuan mo." banta niya. Sa tono pa lang niya, alam kong seryoso siya. Hindi man niya kayanin na sirain ang pintuan ko, malamang sa malamang mag-iiskandalo 'to sa labas.

        "Fine!" pagpapatalo ko. Tatayo na sana ako nang maalala kong kumikirot ang tagiliran ko. "Wait – Ugh! Hindi ako makatayo."

        Nagbuntong-hininga siya. "Give me your password then."

        "Ayoko nga!" mabilis kong tanggi.

        "Nicoleen, stop being stubborn." matigas niyang sambit. I know he's getting worried. Iba na ang tono ng boses niya.

        "Justin." saad ko.

       "What?" nagtatakang tanong. Hindi ko alam kung hindi niya lang narinig yung sinabi ko o sadyang 'di lang siya makapaniwala.

        "Justin nga. Password ko." iritadong pag-uulit ko. I hear a hissing sound from him. Hindi na siya nagsalita matapos 'non.

        Did my password offended him? Simula pa lang iyon na talaga ang password ko, kahit pa noong 'di ko pa alam ang password ni Paix. Walang partikular na dahilan. Mas madali lang kasi na tandaan ang pangalan ni Justin.

         Toot. Toot. Toot.

       Namatay na ang linya. Kasabay nito, narinig ko ang kalabog sa kusina. Pinakinggan ko lang ang mga yabag niyang palapit ng palapit sa kwarto ko. Sa 'di maipaliwanag na dahilan tumatambol ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng panic lalo na nang makita kong pumihit pabukas ang pinto.

        Unang sumilip ang mga mata niya – until I find myself mesmerized by his presence. Natayo na siya sa may pintuan at nakatingin sa'kin. Everything seems to be in slow motion in my sight. Bakit ba gumu-guwapo siya sa paningin ko?

       "Are you okay?" Nasa harapan ko na siya, nakayukod at nakaalalay sa likuran ko. "Bakit ka ba bumagsak dito?" may halong inis ang pagkakasabi niya pero nababasa sa mukha ang pag-aalala.

        Walang lumabas na kataga sa bibig ko. Nakaangat lang ang tingin ko sa kanya. May mga sunod pa siyang sinasabi pero nabingi na yata ako dahil sa malakas kabog ng dibdib ko. Gusto kong mag-focus pero hindi ko magawa. Ano bang nangyayari sa'kin?

        "Bubuhatin na kita pabalik sa kama." iyon lang ang rumihistro sa utak ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon.

       Hindi na 'ko nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita. Naramdaman ko na lang na naka-angat na ko sa mga bisig niya. Nagtuloy-tuloy na rin ang mabilis na tibok ng puso ko.

      "Ibaba mo nga ako!" singhal ko sa kanya. Nagpumiglas ako para makababa. Blinded by his closeness. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

      "Damn it. Huwag kang malikot!" angal niya. Nasasampal ko na kasi siya sa pagwawala ko. Mukha na akong tanga sa ginagawa ko pero hindi ko magawang kumalma.

       "Bitawan – Arggh!" napasigaw ako nang  maramdaman ko muli ang kirot sa tagiliran ko.

       Nabitawan na 'ko ni Paix, may kung anong tela akong nahila pero hindi ko masabi kung ano 'yon. Ang sunod kong naramdaman ay ang lambot ng kama na binagsakan ko. Napapikit ako pag-aakalang sa sahig ako babagsak. That was a relief.

       Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makatayo. Teka – may nakadagan ba sa'kin?

       Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang mukha ni Paix. I gasped. His face is just an inch away. Well, maybe less than that. Na-realize kong yung kinapitan kong tela ay yung collar niya pala. Ano ba 'tong nagawa ko? Napakagat ako ng labi.

        "Are you seducing me by biting your lower lip?" basag niya sa pagkagulat ko. Naramdaman ko ang pagdapo ng hininga niya sa balat ko.

       "Uhn – " wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa kanya. Speechless. Ipinagdadasal ko na lang na hindi niya naririnig ang kabog ng puso ko.

        "You're driving me nuts." bulaslas niya. Just when I thought that he'll kiss me again – naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. "You're just too precious to be mine."

To be continued.

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #57 on: May 30, 2014, 03:45:28 PM »
Waaah. Pasensya na, tagal kong di nakapagpost kasi may error na lumalabas kapag tinatry ko magpost. :'( Buti naayos ko na ngayon. :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #58 on: June 21, 2014, 08:01:53 AM »
She Got Played

Round Twenty Two - Kitchen Sink




- Paix's Play -

"Alam kong alam mo na ang lahat, Paix Montenegro." Pabulong na wika ni Nate sa'kin matapos niya 'kong hilahin sa isang gilid. "Hindi mo puwedeng ipagtapat kay Nicoleen ang lahat." marahas niyang banta.

"Alam kong 'yon ang balak mong gawin kaya ipinagpaalam mo si Nicnic kay Nicollo."

Hindi pa man niya naililiwanag ang mga sinasabi niya, alam ko na agad ang ibig niyang iparating. Gusto niyang mag-sinungaling ako kay Nicoleen. Bullshit.

"Why not? May karapatan siyang malaman 'yon." pagmamatigas ko.

I honestly don't get it, really. Bakit pati siya ayaw ipaalam ang lahat kay Nicoleen? Naiintindihan ko kung si Tita Ross - pero siya? Sarili niyang kapatid? Nasabi na rin sa'kin ni Nicollo na matagal na nilang alam ang totoo. How long do they plan to keep on lying to her?

"Wala kang alam," bulaslas niya. The exact same thing Justin told me. "I know you have all the reasons to tell her - but that's not the point. Hindi lang 'to tungkol sa'yo o sa namatay mong girlfriend, at lalong hindi sa pagkabulag ni Nic."

"Ano ba talagang gusto niyong itago sa kanya? This is ridiculously unbelievable. You want to keep on lying to her?" galit na usal ko.

"Oo, dahil 'yon ang makakabuti sa kanya. May mga bagay na hindi niya na dapat maalala." malungkot na tugon ni Nate. Lumapat sa kanang balikat ko ang kamay niya. "Sa tingin mo, ano bang dahilan kung bakit napabayaan namin siya? Kung bakit ngayon lang kami lumitaw at nagpakita ulit sa kanya? Hindi mo alam 'di ba? Don't go acting and telling me like you know the whole story!"

Hindi ako nakasagot. May punto siya. Wala nga akong alam sa mga nangyari. Isang maliit na piraso lang ako ng kasinungaliang 'to pero pakiramdam ko napakabigat ng mga pinanghahawakan kong katotohanan.

"Don't tell her. I beg of you."

--

I pity him, their family and Nicoleen. Wala man akong ideya sa buong detalye na pilit nilang tinatago sa kanya, alam kong wala pa rin akong karapatan na makialam. Tch. I suddenly feel useless.

"Hoy, Paix." basag ni Nicoleen sa pagmumuni-muni ko.

Nakalimutan kong nandito pala siya sa harapan ko dahil na rin gumugulo sa isipan ko ang sinabi ni Nate.

"Hmm?" baling ko sa kanya habang nakapangalumbaba at pinapanood siya na kumain ng niluto ko. Obviously, hindi matuloy ang balak ko na ilabas siya dahil sa tagiliran niya. It annoys me but what can I do?

Lumagok muna siya ng tubig saka ngumisi. "Ang sarap ng luto mo!" tuwang-tuwang papuri niya. Itinaas niya pa sa ere ang hinlalaki niya para ipakita na talagang nasarapan siya. Parang bata.

Simpleng adobo lang ang niluto ko. Wala naman kasi masyadong sangkap sa refrigerator niya. Hindi ako magaling mag-luto, sadyang sumusunod lang ako sa recipe na alam ko. Sobrang babaw ng kaligayahan ng babaeng 'to.

"Akala ko ikaw ang maaalila ko ngayong araw," tiniklop ko ang magkabilang braso ko at napabuntong-hininga na lang. "Mukhang ako pa yata ang nalugi sa deal na 'to."

"Karma ang tawag d'yan." humahagikgik na tugon niya at bumaling muli sa pagkain.

Hindi ko naiwasang mapa-ngiti habang pinapanood siyang kumain. Her gestures are way too adorable to ignore. Bawat kurap ng mga mata niya, napapalunok ako. Kailan pa siya naging ganito ka-attractive sa paningin ko?

"Hindi ka kakain?" tanong ni Nicoleen na mabilis na pumukaw sa atensyon ko.

Umiling ako. "Mukhang kulang pa nga para sa'yo yan." panunuyang sagot ko.

"Anong gusto mong palabashin? Matakaw ako?" Inis na tinapunan niya ko ng masamang tingin.

I laughed, she frowned. Nagsalubong ang kilay niya at kinagat ang labi niya. Nahinto na naman doon ang tingin ko. Those lips. Simula noong gabi na hinalikan ko siya, may kakaiba akong nararamdaman tuwing napapatingin ang mga mata ko sa labi niya. The urge to kiss her again. The crazy feeling I need to suppress. Mabuti na lang nakapagtimpi ako kanina n'ong tumumba kami sa kama kundi hindi ko yata matatansya ang katinuan ko.

Umiwas ako ng tingin. "Stop biting your lip."

Nakita kong napagitla siya. Mabilis siyang yumuko at halatang-halata ang pamumula ng mukha niya. "S-Sorry." nauutal niyang usal.

Matapos ng napaka-awkward na pangyayari na 'yon, hindi ko alam kung pa'no ko natagpuan ang sarili ko sa lababo. Ako ang pinaghugas ng pinagkainan niya. The nerve of that girl! Maiintindihan ko sana dahil baka masakit nga naman ang tagiliran niya pero -

"Bakit ka ba nanonood dito?" Asar na baling ko sa kanya habang nagsasabon ng pinggan. Nakatayo siya sa gilid ko at parang muwang na namamangha sa paghuhugas ko ng plato.

"Sinabi ko n'di ba? Hindi nga ako marunong mag-hugas ng plato kaya pinapanood kita." Prangkang sagot niya at nakuha pa 'kong ngisian.

"Magda-dalawang buwan ka na dito sa unit mo mag-isa, hindi ka pa rin marunong? Saan ka kumakain?" pagtataka ko.

Ngumuso siya sa isang gilid kung nasaan ang trash can. Puro styrofoam ng mga fast food chains, box ng pizza at kung ano-anong lalagyan ng pagkain na take out sa labas ang nakita kong nakatambak doon. Bigla akong naalala 'yung mga sinabi ni Nate. Napabayaan si Nicoleen? Hanggang ngayon naman pinapabayaan pa rin siya ng pamilya niya. It's their fault why Nicoleen is leading to this kind of life. Kung bakit hanggang ngayon nangangapa pa siya sa mundo.

Tumigil ako sa paghuhugas, tinanggal ko ang rubber cloves sa mga kamay ko, ipinihit pasara ang gripo at humarap sa kanya. Tumingala lang siya sa'kin. Without the slightest idea of what I'm thinking - she warms me with a smile. Kung alam lang niya kung ano ang mga tinatago ko sa kanya, makaka-ngiti pa ba siya sa'kin ng ganyan? Magagawa niya pa kaya akong tignan na parang isang knight and shining armor na laging nakaalalay sa kanya? I'm caught in between. Wala akong karapatan na sabihin sa kanya ang totoo pero wala rin naman ako sa posisyon na pigilan siya na malaman ang dapat niyang malaman.

"Can I ask you something random?" Alam ko na isang malaking kalokohan pero susubukan ko pa rin. Sasabog na ang utak ko kakaisip. I don't think I'll be able to handle any longer.

"Ano 'yon?" Nakangiti pa rin siya. Wala siyang kaalam-alam kung paano niya pinapahirapan ang kalooban ko.

"Paano kung nagsinungaling sa'yo yung mga taong mahalaga sa'yo," Humugot ako ng malalim na hininga. I'll be needing that. "Pero para naman sa ikabubuti mo. Magagalit ka ba sa kanila?"

Umangat ang tingin niya sa kisame na tila ba nag-iisip ng isasagot. I make it look like a situational foolish question but - it's the truth. Kahit anong pagbabaliktad ang gawin ko, ng pamilya niya, ni Tita Ross o ni Justin, ito ang magiging pinaka-malaking kasalanan namin sa kanya.

"Hindi." kumpiyansa niyang tugon. "Kung nag-sinungaling man kasi sila sa'kin, alam kong may malalim na dahilan 'yon. Kung mahalaga sila sa'kin, I don't think a single lie can make me hate them."

Single lie. Iyon nga ang problema, hindi lang isang kasinungalingan ang pinanghahawakan nila - namin. I wonder if that will be the same answer you'll give me if I tell you the whole truth. I wonder if I'll ever see you smile at me again.

"What if - ako yung nagsinungaling sa'yo?"

Nagulat siya sa tanong 'kong 'yon. Gumuhit ang pagtataka sa mga mata niya. "Paix, anong problema?" Punong-puno ng pag-aalala ang boses niya. Making me feel more guilt.

"Sagutin mo na lang." Utos ko. "Pa'no kung ako ang nagsinungaling sa'yo? Will you hate me?"

Namayani ang katahimikan sa paligid naming dalawa. Nanatili siyang nakatitig sa'kin, sinusubukan niyang basahin ang ekspresyon ng mukha ko. I hope she doesn't notice how all of this is slowly killing me.

"No. Not ever." Lumapad lalo ang ngiti niya. "Kahit na napaka-presko mong tao, kahit na nakakainis ka at prangka o kahit pa manyak ka at nanonood ng porn - I know you're a good person."

I know you're a good person. Umulit 'yon sa utak ko. Napaikling paliwanag pero nagkarambola sa pagtalbog ang dibdib ko. Sa unang pagkakataon mula noong mamatay si Yara, naramdaman kong buhay ang puso ko. Tumitibok. Bumibilis. Nababaliw. At ang babaeng nasa harap ko ang naging dahilan nito. Am I really falling for her?

"At kilala naman kita. You're Paix Montenegro. I don't think you're capable of any lies." dagdag pa niya.

You obviously don't know me, Nicoleen. Lahat ng klase ng kasinungalingan kaya kong sabihin sa'yo. Kaya kitang paniwalain sa kahit anong gusto 'ko katulad ng ginawa ni Justin at ng pamilya mo sa'yo. Wala akong pinagkaiba sa kanila.

"Akala mo lang 'yon." malamig kong saad at tinalikuran siyang muli para harapin ang lababo. I can't look at her eyes directly now.

Akma ko na sanang ipipihit muli pabukas ang gripo upang ipagpatuloy ang paghuhugas nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Locking her fingers to mine. Nilingon ko siya sa pag-aakalang bibitawan niya ang kamay ko 'pag ginawa ko 'yon pero hindi siya bumitaw.

"Ako naman ang magtatanong ngayon, pwede?" Seryosong tanong niya. Mas pinili ko na lang na huwag nang tumugon dahil alam ko naman na kahit sabihin kong hindi, magtatanong pa rin siya. Knowing her and her stubbornness.

"Uhn - " Bakas ang pag-aatubili sa mukha niya. "B-Bakit mo ba 'ko hinalikan n'ong gabi ng birthday mo?"

I didn't see that coming. Kumurap-kurap ako sa harapan niya. Bakit bigla siyang nagtatanong ng ganyan?

"Bakit bigla mong natanong?" Sinubukan kong itago ang pagkagulat na dulot ng tanong niya.

"Eh kasi," ibinaba niya ang tingin niya sa sahig. "First kiss ko 'yon."

Hindi na 'ko nagulat doon. Alam ko at halata naman ng first kiss niya nga 'yon. Bahagya ako napangisi. Ano na naman bang nakain ng babaeng 'to at kung ano-anong pinagtatatanong?

"Bakit ka nakangiti d'yan? Pinagtatawanan mo ba 'ko?" angil niya sa'kin. Hindi ako sumagot at lalo lang lumapad ang ngiti ko sa inaasal niya. "Huwag ka na ngang ngumiti d'yan! Sagutin mo na tanong 'ko!"

Bakit nga ba? Bakit ko ba siya hinalikan ng gabing 'yon? Dahil ba nagandahan ako sa kanya? Dahil ba 'yon lang ang magagawa ko para iparating sa kanya ang simpatya ko? Dahil ba sa sobrang kagustuhan ko na kalimutan ang mga kasinungalingan ni Yara? I have a long list of reasons that time.

"Gusto mong malaman?" Tuluyan ko siyang hinirap at pinisil ang kamay niyang nakakulong sa mga daliri ko. "Kissing you was the only way to make you close your eyes. Ayoko na makita si Yara dahil sa mga mata mo - gusto kong makita si Nicoleen. That's my reason for doing that."

"Si Yara pa rin ang nakikita mo tuwing tumititig ka sa mga mata ko?" Nararamdaman ko ang dismaya sa tono ng pananalita niya.

"Minsan." tipid na sagot ko.

Bumitaw ang kamay niya mula sa kamay ko at unti-unti niyang sinarado ang mga talukap ng mga mata niya.

"How's this? Si Nicoleen na ba ang nakikita mo?" masigla niyang tanong.

Hindi ko kahit kailan makikita si Yara kay Nicoleen. Sa kilos, ugali o ngiti. Magka-ibang magka-iba sila pero pareho sila ng nagiging papel sa buhay ko.

Napailing na lang ako at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. She's not aware of my growing affection for her because of her simple actions like this. Bakit ba napaka-inosente niya?

Bago ko pa mapagtanto, hinila ko na siya palapit sa'kin. Nakahawak ang kamay ko sa hinapit kong beywang niya. Nagulat siya kaya't agad siyang dumilat at umangat ng tingin sa'kin.

"P-Paix." gulat na tawag niya sa pangalan ko. Napahawak siya sa dibdib ko sa pagtatangkang dumistansya mula sa'kin pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak sa kanya.

"You're doing rash things to a bad guy like me, so you should pay the price." bulaslas ko.

I leaned my face inch away from hers'. Naririnig ko na ang mabigat niyang pag-hinga at ang malakas ng tambol ng dibdib ko. I can feel her shiver in between her nervous breaths.

"This time, I'll be kissing you - hindi dahil nakikita ko si Yara sa mga mata mo kundi dahil gusto ko. I want to kiss you, Nicoleen Baltazar." wika ko.

"Then do it." Mahina lang ang bulong niya pero sigurado ako sa narinig ko.

I cupped her cheek and pressed my lips on hers' gently. There was this lightness in the air that I can't deny the moment she responded to the kiss. In this kitchen sink, I didn't know I'll be able to feel this sweetness again.

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #59 on: June 21, 2014, 08:03:13 AM »
She Got Played


Round Twenty Three - Seashells



-Nicoleen's Play-

                    “Good morning!” masiglang bati ko pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng conference room. Hindi na ‘ko nag-abalang tignan kung may nakarinig ba sa’kin, dumiretso agad ako ng upo.

                “Mukhang good mood ah?” Umangat ako ng tingin kay Kuya Nicollo. Ngayon ko lang napansin na siya lang pala ang nasa loob ng conference room. “May nangyari bang maganda kahapon?”  Naka-ngising tanong niya at kumindat.  I think I know what he’s trying to imply. Yesterday.  Paix Montenegro and all that.

                Tinaasan ko siya ng kilay saka ibinaling ang atensyon ko sa mga papel sa harapan ko. Ayokong bigyan siya ng pagkakataon na basahin ang reaksyon ko. Well, the heat is already building up to my cheeks.

                 “Wala naman,” kaswal kong sagot. “Bakit ang aga mo yata ngayon? Mamaya pa ang meeting ‘di ba?” Gusto kong baguhin ang usapan. Alam ko naman na kapag nagpatuloy pa ang usapan na ‘to, madudulas at madudulas ang dila ko. Knowing Kuya Nate, he’s kind’a good at busting people.

                  “Ako ang magpe-present mamaya, remember?” Iba pa rin ang tingin niya sa’kin. Kahit na naka-tungo ako sa mga papel sa table, nararamdaman kong nakapako pa rin ang mga mata niya sa’kin. “Ikaw, Nic? Bakit ang aga mo ngayon?”

                Bahagya akong napakagat ng labi, pero agad ko rin tinigilan ‘yon. Biglang rumihistro sa’kin ang boses ni Paix kagabi. With his tensed look and saying; "Stop biting your lip."

                I struggled to response. Iwinaglit ko agad ‘yon sa isipan ko. Sana ‘di nahalata ni Kuya. “A-Ah, wala lang. Napaaga ng gising.” palusot ko.

                “Looks like you’re hiding something from your precious big brother.” bulaslas niya. Bago ko pa mapag-tanto, nakaupo na siya sa tabi ko. Malapad ang ngiti at tila ba pinapahiwatig ng mga mata niya na hindi niya ‘ko titigilan hangga’t hindi ako nagsasabi ng totoo.

 “Anong nangyari kahapon? Naka-first base na si Paix?” he asked – with malice.

“Kuya!” saway ko sa kanya at hinampas ng malakas ang braso niya. Hindi ko na naitago ang pamumula ng mukha ko.

“Woah! So naka-first base nga?” Gulat na wika niya at napapalakpak pa habang umiiling-iling. “Ibang klase talaga ‘yang Paix Montengero na ‘yan!”

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Hindi nga. We just – “ Natigilan ako. We just kissed near the kitchen sink, it’s no big deal.  Tama bang tsinitsismis ko ‘to kay Kuya? Ugh. No big deal? Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa halik na ‘yon.

                “Just?”

                “Eat. Pinagluto niya ‘ko.” Nagawa kong makaisip ng mas magandang palusot. I’m getting really good at this.

                “Oh?” May bahid ng dismaya ang tono niya. “Akala ko pa naman wise ‘yang si Paix.” Umiling-iling siya ulit na para bang nanghihinayang pa para kay Paix.

                Awtomatikong hinampas ko ulit ang kamay ko sa braso niya. “Bakit parang gusto mong maka-first base sa’kin si Paix? Binubugaw mo yata talaga ako eh!”

                Humalakhak siya habang patuloy ko siyang pinaghahampas sa sobrang inis. “Chill. I’m just kidding around, Nic. Mas boto lang kasi talaga ako kay Paix.” Tumigil ako sa panghahampas nang marinig ko ‘yon. Napalitan ng seryosong ngiti ang kaninang nakaka-asar niyang ngisi. Sinipat-sipat niya ang ulo ko. “May pakiramdam akong he really do care about you.”

--

                Lumipas ang meeting na lutang ang isipan ko. Umalis na ang lahat sa conference room pero nanatili ako doon. Pakiramdam ko kasi dito lang ako makakahanap ng peace of mind, kahit isa lang naman ang gumugulo sa isipan ko. Sino pa nga ba? Kailan ba huling natahimik ang utak mula noong nakilala ko si Paix Montenegro? He seems to be the only reason of my frantic decisions.

                We kissed – Not once but twice. May karapatan na ba ‘kong itanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya?             Ano na nga ba ang isang Paix Montenegro sa buhay ko? Does he stand on the same Yara’s-boyfriend place in my heart? Hindi na yata. Iba na ang tingin ko sa kanya tuwing nakikita ko siya. My heart goes mad and excited.

                Kung iisipin halos pareho sa nararamdaman ko tuwing nasa paligid si Justin. Although the tension is quite different. Mas nagpa-panic ang dibdib ko kapag nakikita ko na si Paix na palapit.

                “Nic?” boses na tumawag sa’kin mula sa bumukas na pintuan. Lumingon ako at nakitang si Kuya Nate pala ‘yon. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ki Kuya Nicollo ‘yon kundi tatambakan na naman ako ng mga tanong.

                Pinilit kong ngumiti at sandaling isantabi ang mga iniisip ko. “Hi, Kuya.” bati ko sa kanya.

                Tuluyan siyang humakbang papasok at nakapamulsang lumakad sa direksyon ko. “Sabi ko na nga ba dito kita makikita.” bulaslas niya saka ngiming ngumiti. I don’t know if it’s just me or  Nate really feels distant to me. Wala naman akong problema kay Kuya Nate at Nicollo pero kapag siya ang kaharap ko, nawawalan ako ng sasabihin.

                “Bakit? Hinahanap na ba ‘ko ni Papa?” Natanong ko na lang. Wala na kasi akong maisip na itanong sa kanya.

                Umiling siya. “Hindi. Pinapasabi niya lang na tuloy ang outing na plinano nila Mama at Nicollo. Bukas ang alis natin.”

                Napatayo ako mula sa upuan. Seryoso pala sila Mama sa outing na ‘yon? Bigla tuloy akong kinabahan. Mula noong bumalik ako galing sa bakasyon sa Paris, hindi pa ko lumalayo sa siyudad.

                         “Bukas? Saan tayo pupunta?” Halata ang pag-aalinlangan sa boses ko.

                         “Yes. Bukas ng umaga, sa beach house natin sa Baler.” Tugon niya. “Naimbitahan ko na rin si Justin, sasama siya. Pero si Mrs. Ross Cardinal, tumanggi. I thought mas magiging at ease ka kapag kasama mo sila.”

                   Sumagi sa isipan ko ang lungkot. Ilang araw nab a ‘kong iniiwasan ni Tita Ross? Hindi ko alam kung may nagawa ba ‘kong masama para gawin niya ‘to. Nakakalungkot dahil may parte sa sarili ko ang umaamin na napalapit na siya sa’kin. Kahit na hindi ko siya kadugo, tinignan ko siya na parang ina. She took good care of me when tough times are hard to handle.

                  “Um, Kuya. Can I invite someone else?” Biglang pumasok sa isip ko si Paix. Hindi naman siguro mamasamain nila Mama at Papa kung imbitahin ko siya ‘di ba?

           “Paix?” Panghuhula ni Kuya Nate. His smile slowly reached his eyes. Mukhang may pagkakapareho nga sila ni Kuya Nicollo.

Tumango ako. Wala na ‘kong dahilan para itanggi pa. “Oo. I think I’ll be more at ease with more friends around.” Gusto kong batukan ang sarili ko. Obvious na nga pero bigay pa rin ako ng bigay ng palusot.

“It’s fine. Besides, business partner mo naman siya ‘di ba?” Alam kong wala siyang ibang ibig sabihin sa sinabi niya pero bakit parang may laman ‘yon? I shrug. I’m over thinking again, I guess.

Buong akala ko’y tatalikuran na niya ‘ko para umalis pero muli siyang bumaling sa’kin.

“About Paix,” He sounds more like a brother this time, not a co-worker or a scary formal guy wearing a tie. “Sana mag-ingat ka kapag nasa paligid mo siya. Don’t go on believing everything that he says.”

Bago pa ‘ko makapag-tanong, humakbang na papunta sa pintuan si Kuya Nate. Pinanood ko siyang mawala sa paningin ko habang tinitimbang ang mga katagang iniwan niya. Mag-ingat kay Paix? Naguguluhan ako sa gusto niyang iparating. May alam ba siya na hindi ko alam?

A flash of images came back to me. Noong gabi pagkatapos ng event, nag-uusap sila ni Kuya Nate sa isang gilid. Masyado silang seryoso n’on pero hindi ko na lang binigyang pansin. Tungkol kaya doon ang sinasabi ni Kuya?

Pinasya kong huwag na lang muna alalahanin ang mga sinabi ni Kuya Nate. Wala naman akong magagawa kung magmumuni-muni ako tungkol sa bagay na ayaw naman niyang ipaliwanag ng malinaw sa’kin. At isa pa, alam kong kapag tinanong ko si Paix tungkol doon, he might most probably fake his ignorance. He’s not the type of person to share his personal conflicts, whether it’s related to me or not.

Dahil sa reliable kong source – Roshane – ang isa sa mga photographer na katrabaho ni Paix, nakuha ko ang address ng studio. Sabi nga nila, kung gusto mong hulihin ang daga, kaibiganin mo ang pusa. Wait – kasabihan nga ba ‘yon? Ilang minuto lang ang layo ng studio mula sa hotel kaya pinasya kong lakarin na lang, aabangan naman ako ni Roshane sa labas.

Isang four storey building ang bumungad sa address na pinuntahan ko. Medyo maraming kotse sa labas pero mapako ang paningin ko sa motorbike ni Paix. It’s weird that I was able to recognize it after seeing it for just a few times. Ganito ang epekto niya sa’kin at naiinis ako sa katotohanang ‘yon. Nakita kong kumaway si Roshane na nakatayo ‘di kalayuan sa guard. Mabilis ako humakbang papunta sa kanya.

“Hi! Buti hindi ka nawala, iniisip ko na ngang ipasundo ka kay Paix eh.” bulaslas niya. Roshane has this characteristic to make you think that she’s always joking. Nakakatuwa siyang kausap, gumaan ang loob ko sa kanya noong event at pilit kong iniiwasan si Paix. Marami siyang kwento, karamihan doon panlalait at pang-aasar kay Paix.

“Malapit lang naman at medaling kabisaduhin.” Sagot ko. “Alam ba ni Paix na pupunta ako?”

“Ofcourse not. Bakit ko naman hahayaang ma-excite si boss? Mamaya hindi makapag-trabaho ng maayos ‘yon!” pagbibiro niya at bumaling sa front entrance. “Pasok na tayo.”

Hindi ko na nakuhang mag-masid sa paligid, mas inintindi ko kung papaano ‘ko iimbitahan si Paix sa outing. It will certainly be as awkward as I imagined. Wala kami sa unit kaya alam ko balik na naman sa dating gawi ang ugali niya. Kailangan kong makaisip ng reverse tactic, sigurado ako na magpapanic ulit ako sa harapan niya. Sumakay kami ni Roshane sa elevator. Hindi ko alam kung bakit may elevator pa, apat na floors lang naman ‘to.

Natagpuan ko ang sarili kong namamangha sa mga naka-display na photographs sa paligid. Nasa fourth floor na kami ni Roshane at naglalakad papunta sa malapad na glass door. Inusog niya pabukas ‘yon na parang hindi ito mabigat. Humakbang kami pareho papasok. Walang nakapansin sa pagpasok naming dalawa sa loob.

Nahagip agad ng mga mata ko si Paix. He’s busy taking pictures of – What the heck? Almost nude woman? Nakatakip lang ang private parts niya ng tela or whatever they call that.

“Trabaho namin ‘yan. Don’t take it personally.” Maagap na paliwanag ni Roshane bago pa ‘ko magtanong ng kahit ano. Hinila niya ko sa isang gilid at pinaupo. “Black or white?”

“Ha?” Hindi ko narinig ang sunod na sinabi niya. Masyado akong nadala sa pagtitig kay Paix.

“Kape. Black or white?” May panunuyang ulit niya. “Masyado kang focused kay boss.” dagdag niya pa at bumungisngis.

“Black.” tipid na sagot ko. Yumuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

               Hindi alam kung ilang minuto o oras akong naghintay sa gilid habang nagkakape. Busy rin si Roshane kaya hindi niya ‘ko na-entertain kaya wala akong nagawa kung hindi pag-masdan ang mga ginagawa nila. Sa isang tao lang naman ang didikit sa mga mata ko. Kakaiba sa kilala kong Paix – he looks cooler when he’s working. Focused. Masculine. Indulged. I wouldn’t mind looking at him all day long.   

               Suddenly my attention was diverted to the new model. Naka-mermaid attire siya pero walang buntot, may hawak siya pero hindi ko masabi kung anong tawag doon. Parang nakakita na ko dati noon. Kumurap-kurap ako, pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Tuluyan kong pinikit ang mga mata ko sa pag-aakalang babalik sa dati ang paningin ko pero hindi nangyari 'yon. May mga imaheng lumilitaw. Dagat?

               "Tita, bakit tayo nandito?"  Isang bata. Sino siya? Hindi ko makita ang mukha niya. May hawak siyang bagay. Kapareho nung hawak ng model kanina. "May seashell ako oh." masayang sabi ng bata at itinaas ang hawak-hawak niya. Seashell?

                  Nag-iba bigla ang nakikita ko. Tubig. Tunog ng dagat. Nalulunod ba 'ko? Hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sa'kin?

                      Sinubukan kong kumurap-kurap ulit. Unti-unti bumalik ang katinuan ko sa realidad. Nasa studio ulit ako. What just happened? Tatayo sana ako pero nanghina ang mga tuhod ko. Seashell? Bakit ko nakita ang mga 'yon? Bakit  -

                        "Nicoleeen!"

To be continued

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

The Runners’ Manual According to Minho from The Maze Runner

by: dyan, 2014-08-30

Fact: when you watch The Maze Runner, opening September 17, you will crush hard on Minho, played by Ki Hong Lee. The Keeper of the Runners is cute, hardworking, and fair—what’s...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved