Please login or register.

Login with username, password and session length


Poll

Do I need to continue this story?

Yes
7 (87.5%)
No
0 (0%)
Maybe
1 (12.5%)

Total Members Voted: 8

Voting closed: April 13, 2014, 10:08:53 AM

Author Topic: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)  (Read 5951 times)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #30 on: April 01, 2014, 11:17:22 AM »
ok ok sis... naexcite lang hahaha ganda ng story mo aa :))

Thank youuuu. Hihi. Kinilig ako aah. Nagsusulat ka rin ba dito sa CC? :))

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #31 on: April 02, 2014, 01:32:18 AM »
Thank youuuu. Hihi. Kinilig ako aah. Nagsusulat ka rin ba dito sa CC? :))

hahaha! :) actually di ako bago dito sa ttalk.. :) was once one of the writers here in CC :) malawak na nga inabot ng storya kong yon pero di ko alam kung anu nangyari kasi di ko na mahanap... nagbago kasi ako ng UN ... but im planning to write a new story.. if so, hope you too would support it :)

Update ka na... hahaha nabibitin na ko ee ahaha i wanna know how paix will try to make Nicolette fall for him and who falls in love with who first hahaha! :) IMAGINATION ko kasi ang gara... andaming naiisip hehehe yay! :) anyway keep it up sis! :) i know you are going to be a good author someday.. not just in cc but more than that :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #32 on: April 02, 2014, 01:25:02 PM »
She Got Played

Round Eleven – Trapped

Note: Just a short update. Sorry.

-Paix's Play-


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin matapos ng ilang minutong pag-iisip. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas nang matapang na nag-martsa palabas ng unit si Nicoleen. With her proud stance and mighty gaze, I got pissed off. Sinong niloloko niya? Malamang sa mga oras na ‘to, sumisigaaw na siya sa unit niya at minumura ako.

"So better get ready, smarty mouth. I'll surely break your pretty little heart -- hard."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nasabi ko ang mga katagang ‘yon. Nakaka-!@#$ lang, hinayaan kong maging ganito ka-kumplikado ang sitwasyon. Are you having fun yet? My subconscious attacks again. Gusto ko lang makita kung hanggang saan niya kayang panindigan ang hiling ni Yara. I want to test her. Is she worth it? Karapat-dapat ba siya sa mga mata ng taong mahal ko?

You already know the answer. Sumasagot na naman ang kabilang bahagi ng isipan ko. Sh*t. Nag-mumukha akong tanga dito. I just have to see it, okay? Kapag nakumbinsi na ‘ko sa gusto kong mangyari – I’ll stop this bullsh*t. That falling game.

Huminga ako nang malalim at binaling ang tingin sa labas. Hindi maganda ang view dito, bigla ko tuloy na-miss ang Paris. Eiffel Tower. Agad kong pilit na iwinaglit sa isipan ko ang mga alaala ko doon.

Damn it, Paix. Move on. dikta ko sa isipan ko. Hindi ko na mabilang kung maka-ilang beses ko nang sinabi ‘yan. I just can’t help it – hindi na nakikinig ang puso ko.

Humakbang ako palapit sa glass door papunta sa maliit na terrace ng unit ko. Matatanaw mula sa kinatatayuan ko ang mga naglalakihang building dito sa Makati, maraming sasakyan at maraming tao. The world is becoming busier. Nakakairita. Mas lalo akong nairita nang mamataan ko ang malaking billboard na katapat na katapat ng building na ‘to. Who was that? Damon Salvatore? Yung isa sa mga kinababaliwan ni Yara sa Vampire Diaries yata ‘yon. I remember myself geeting annoyed everytime she watch that show.  Stupid fantasy show.

I sighed. Si Yara na naman ang inaalala ‘ko.

“Tug. Tug. Tug.”

Ang malalakas na yabag na ‘yon ang pumukaw sa diwa ko. Hindi ko pala nasara ‘yung pinto kanina. Bakit malahigante yata yung dumaan? Tch.

Binalik ko yung tingin ko sa kalsada sa baba. Lutang. Nag-iisip ng mga susunod kong gagawin. Anon a bang balak kong gawin bukod sa pakikipag-laro sa Nicoleen na ‘yon? Matagal ding blangko ang isipan ko nang mapansin kong kilala ko ‘yung nakatayo sa poste sa ibaba. Nasa fifth floor lang naman ang unit ko kaya natatanaw ko nang malinaw kung sino man ang nakatayo sa sidewalk. Kilala ko talaga ang lalaking ‘yon. Nakita ko na siya noon, hindi ko lang maalala nang malinaw.  Maya-maya may lumapit sa kanya, isang babaeng naka-sun dress na animoy pupuntang beach.

Wait – Is that Nicoleen?

Tama, naaalala ko na. Iyon yung lalaking sumundo kay Nicoleen sa Paris. Oh look! Now, they’re holding hands. sarkastikong puna ko habang pinapanood silang maglakad palayo. Ang corny nilang tignan, nakaka-umay. Maka-alis na nga dito.

Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Hindi na alintana sa’kin kung mataas pa ang araw, gusto ko lang matulog ngayon. Clear my thoughts, masyado na ‘kong maraming iniisip. Like Nicoleen? What? No. Hindi pa ko nahihibang ng sobra para isipin siya. Jealous? They’re holding hands. Wala akong paki. Okay? Kahit mag-halikan pa sila at mag-lampungan, I won’t give a damn!

Hindi dapat ako naiirita pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Buwisit. Maka-tulog na nga.


“Beeep!“

Hindi pa ako napapasarap sa pagkaka-pikit ko, ito na naman ang pinaka-ayaw kong marinig na tunog.  May nag-text? Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa mesa. Tulad ng inaasahan ko, si Tita Ross na naman. Siya lang naman nakakaalam ng bagong number ko. Nag-palit kasi ako ng sim simula noong bumalik ako galing sa Paris.

Tita Ross
"Pumunta ka dito. Bring Nicoleen, ASAP."


Iyan ang demanding na text ni Tita Ross. With the word ‘ASAP’, malamang may urgent nga talaga siyang sasabihin. Speaking of Nicoleen, she’s on a date. Paano ko siya dadalhin kay Tita Ross? Guguluhin ko sila? Doesn’t that sound ridiculous? Mag-mumukha akong desperado sa harap niya.

But that’s your chance. singit ng isang parte ng isipan ko. Grab it.

Bago ko pa mapag-tanto, nag-bihis na ‘ko at pababa na ko sa lobby. This sounds crazy but I’m gonna appear in front of her again like some stalker. Antagonist. Nai-imagine ko na ang kahihiyang mapapala ko mamaya.

Sa malayo pa lang alam ko na kung nasaan sila. Sa Jolibee. Natatanaw ko ang nagtatawanang mukha ng dalawang ‘yon. Fine, enjoy yourselves. I’m coming. Awkward ang naging pag-pasok ko ng fast food chain na ‘to. I‘ve never been here. Nakakapanibago, masyadong pang-bata. Seryoso? Dito talaga sila nag-date?

Habang lumalapit ako sa table nila, namataan ko ang kamay ng lalaking ‘yon sa kamay ni Nicoleen. For some stupid reason, my eyes flames out. Iba pala ang epekto kapag malapitan mo nang nakikita.

"Ms. Baltazar." kaswal kong tawag sa kanya mula sa likuran. Cutting their conversation.

Lumingon siya  sa’kin,  natigilan din yung lalaking kasama niya at sabay silang napatingin sa’kin. Hindi ko mai-pinta ang mukha niya. Her eyes were questioning me, asking ‘What the heck are you doing here?’

"P-Paix." iyon lang ang nagawa niyang sabihin.

"Sorry to disturb your cutesy moment. Can I snatch her away for a second?" matigas kong sabi at binalingan ng mapanuyang tingin ang lalaking ‘yon.
 
Sa una’y nakikita ko pa ang gulat sa mukha nito, pero maya-maya’y nawala din ‘yon. In a blink of an eye, he got Nicoleen’s hands again. Ngumiti siya na para bang hinahamon ako. Damn.

“What if I say NO?" presko niyang sagot.

Aba’t ang lakas maka-badtrip ng gagong ‘to ah? Deep breath. I can’t lose my cool here. Not here, not to this bastard – not in front of Nicoleen.

"Then explain that to Tita Ross." ganting saad ko at pinakita ang cellphone niya at text message

Tita Ross
"Pumunta ka dito. Bring Nicoleen, ASAP."


Take that as a victory, Paix Montenegro. Nagpunyagi ang kaloob-looban ko nang bitawan niya ang kamay ni Nicoleen pero hindi ko nagustuhan ang ekspresyon ng babaeng ‘yon. Para bang natalo siya sa lotto. Ofcourse, she’s siding with him.

"Thanks." tipid kong sabi at pilit na iwinaglit ang pagka-inis. Mabilis ko siyang hinila palayo.

"Ano bang problema mo? Let go!"  maya-maya’y nakakuha siya nang tiyempo at nanlaban.

Tch. Babae ba ‘to? Ang lakas niyang bumalya.

Huminto ako para maka-siguradong mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero hindi ko pa rin ‘yon pinaka-walan.

"Sinabi ko na sa'yo 'di ba?" Nilingon ko siya at ngumisi. "I'll make you fall for me."

Natigilan siyang bigla at tumigil sa panlalaban. She’s biting my trap again. You’re so naïve.

"You can't fall for anyone else other than me."

You’re trapped, Nicoleen. You’re trapped.

to be continued


SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #33 on: April 02, 2014, 01:29:50 PM »
hahaha! :) actually di ako bago dito sa ttalk.. :) was once one of the writers here in CC :) malawak na nga inabot ng storya kong yon pero di ko alam kung anu nangyari kasi di ko na mahanap... nagbago kasi ako ng UN ... but im planning to write a new story.. if so, hope you too would support it :)

Update ka na... hahaha nabibitin na ko ee ahaha i wanna know how paix will try to make Nicolette fall for him and who falls in love with who first hahaha! :) IMAGINATION ko kasi ang gara... andaming naiisip hehehe yay! :) anyway keep it up sis! :) i know you are going to be a good author someday.. not just in cc but more than that :)

Ahh, sureee. I'll support it. Aantayin ko yan ah? Hihi. Wala pa kasi akong close dito sa CC, kailan lang ako nag-post dito. Last year december pa yata. Natabunan lang din 'to kaya hinanap ko pa. Salamat sis! :* Hihi. Miski ako excited na malaman kung sino ang unang mahuhulog. Hahaha. Nagdadalawang-isip pa ko. I'm siding with Justin kasi. Hihi. xD

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #34 on: April 03, 2014, 04:36:35 PM »
Lol sis hahaha just be objective when you write :) hehehe ay talaga sige consider me as your kaclose in cc hahaha :)))))

Update na dali haha wala pa ko planong magsulat ee masyafo akong focus sa fitness project ko at sa pakikipaglandian sa crush ko lol hahaha ayuuun anyway, update naaaa :) excited na ko magbasa sis :)))))

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #35 on: April 04, 2014, 01:20:40 PM »
She Got Played

Round Twelve - Sick

-Nicoleen's Play-

 

"Sigurado ka bang kaya mo i-manage ang event, Nicole? You must remember that this is one of the most prestigious annual event of our company."

 

Tuloy-tuloy ang lecture ni papa sa'kin sa telepono. Habang ako, narito't nakapangalumbaba sa office desk ko. Hinihintay ko lang na maubos ang boses niya kaka-sermon pero mukhang aabutin kami ng siyam-siyam kung hindi ko 'to puputulin.

 

"Papa, don't worry. Kaya 'ko. Can't you just trust me this once?" singit ko sa pag-aalburuto niya. "Or you really can never trust me at all?"

 

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya sa kabilang linya. "That's not what I meant, dear. I'm sorry. Nag-aalala lang ako sa'yo, alam mo 'yan." malambing na bawi niya.

 

"I know. Just let me do this okay? Tatawagan kita kapag nagka-problema, promise." paninigurado ko sa kanya.

 

"Okay," narinig kong umugong ang kabilang linya na para bang may ibang kumausap sa kanya. "I have to go now, Nicoleen. Call me, okay?"

 

"Okay, papa. Bye."

 

"Bye. I love you, anak."

 

Toot. Toot. Toot.

Napangiti ako sa huling sinabi ni papa. All this time, akala ko wala silang paki sa'kin. Ngayon ko lang napatunayan na mali ako.

Masaya kong binaling ang atensyon sa laptop na nasa harapan ko. Everything is settled, the venue, foods, decorations, guest lists, sound systems and - photography team. Nawala sandali sa utak ko na business partner pala ng hotel ang photography services ni Tita Ross. That means, I'll see that perverted control freak every now and then. Isang linggo pa kasi bago ang event, ia-assess ko pa ang lahat ng resources namin at natural, kasama siya do'n.

 

Sigh. Hindi pa 'ko nakakaganti sa lalaking 'yon. Sinira niya ang date namin ni Justin noong isang araw. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin siya pinapansin. Manigas siya d'yan.

 

"Ma'am, nasa venue na po si Mr. Montenegro." untag ng sekretarya ko sa'kin.

Speaking of the devil. Nandito na pala siya. Kung ako lang masusunod ayaw ko siyang makita ngayon, pero ano pa nga bang magagawa ko? Gumagawa talaga si Tita Ross ng paraan para paglapitin kami. She forcefully arranged this whole meeting. Kailangan daw ma-familiarize si Paix sa venue para malaman kung saang mga angle ipupwesto ang mga camera. Hindi na 'ko naka-protesta pa nang makita ko yung ngiti niya.

 

"Okay. Pupunta na 'ko doon." tugon ko at tumayo mula sa upuan.

 

Saglit kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin. I look - stressed. God, ang laki-laki ng eyebags ko. Napasipat ako ng pisngi at umiling. Ano naman ngayon? Si Paix lang naman 'yon.

Lumabas ako ng opisina, kasunod ko pa rin ang sekretarya kong buhat-buhat ang mga blue print na ipapakita ko mamaya. Humugot ako ng malalim na hininga. Another long conversation with him. Kailangan ko ihanda ang sarili ko. Palaging may mainit na bangayang nangyayari tuwing nag-uusap kami. Umiling ako muli. Focus, Nicoleen. Focus.

 

"Oo nga pala, napagawa mo na ba sa maintenance yung entrance ng venue?" tanong ko sa sekretarya ko habang papalapit kami sa entrance ng venue.

 

"M-Ma'am, kasi - "

 

I don't think narinig ko pa ang sunod na sinabi ng sekretarya ko. Napako ang paningin ko kay Paix na natanaw ko mula sa naka-awang na pintuan. I bit my lip, my heart beats fast.

 

"You can go. Ako na bahala dito." utos ko sa sekretarya ko. Hindi na siya nagtanong pa at umalis agad.

Dahan-dahan akong humakbang papasok. Wala akong nakitang reaksyon kay Paix, mukhang hindi niya naramdaman ang pag-pasok ko. Abala ang mga mata niya sa pagtingin sa mga nakasabit na painting.

He looks less dangerous today. Kakaiba ang presensya niya ngayon, hindi ko alam kung guni-guni ko lang o ano. Kaswal lang ang suot niya, naka-jeans at black shirt tulad ng lagi niyang porma. Mahuhulaan mo talagang ayaw ng pormalidad sa buhay ng taong 'to.

 

"Mr. Montenegro?" I managed to call out his attention. Lumingon siya sa'kin, nagulat ako nang ngumiti siya bigla.

 

I don't know why, but that smile bothers me. Fake.

 

"Naka-istorbo ba 'ko?" tanong niya na para bang isang nagbabait-baitang anghel.

 

"Hindi naman. Ako naman nagpatawag sa'yo, 'di ba?" pamimilosopo ko. Galit pa rin ang tono ko, ayaw kong isipin niyang okay na kami. Aba't sinuswerte siya.

 

"Bakit mo ba 'ko pinatawag?" muling usisa niya. Ignoring the tone of my voice. Oh, really.

 

"Ipapakita ko sa'yo yung blue print - " napagitla ako nang maalala kong naiwan ko pala yung blueprint sa sekretarya ko sa labas. Damn! I got distracted by his presence. "Wait, kukunin ko lang sa sekretarya ko - "

"Booogssh!"

 

Malakas na kalabog ng pintuan. Teka, pintuan? Napatingin ako sa sumaradong pinto. Sh*t!

Tumakbo agad ako at sinubukang ipihit pabukas ang pinto, pero nabigo ako. Bakit biglang sumara 'to? Nawala pati 'to sa isip ko? Ugh. Nicoleen, get a grip!

 

"Sh*t." napalakas na mura ko, hindi alintana na kasama ko si Paix sa loob.

 

"Anong nangyari?" narinig ko ang tinig niya mula sa likod ko Nang humarap ako sa kanya, napansin kong nagulat siya sa pag-mumura ko.

“Yung pinto kasi – “

Hindi na niya ‘ko pinatapos magsalita at agad na hinawakan ang door knob. Paulit-ulit niya ring pinihit ‘yon pero hindi niya rin nabuksan. Bumakas ang inis sa kaninang kalmado niyang mukha.

 

“Bakit sira ‘to?” there’s a hint of impatience in his voice. That’s the Paix I know.

Huminga ako nang malalim at sinipat ang noo ko. “I don’t know. Ang alam ko napagawa ko na ‘to sa maintenance.” sinadya kong ipakita sa kanyang naiinis din ako. Hindi ko rin naman planado ‘to ‘di ba?

Binunot ko ang cellphone ko sa bulsa, hoping to contact my secretary but – heck. Walang signal. Kapag minamalas ka nga naman oh. “Damn.” bulaslas ko ulit.

“You’re cursing far many times, Nicoleen.” singit niya sa pagmamaktol ko. Binalingan ko siya ng masamang tingin. “And don’t look at me like that. Hindi ko ginusto ‘to.” dagdag pa niya.

He’s right.
Dapat hindi ko isisi sa kanya, at lalong hindi ko rin siya dapat pag-initan dito. This is simply a bullshit play of fate. Ilang beses na ba kami pinaglaruan nang ganito? Dapat nab a kong masanay? Nakita kong muling kumalma si Paix at tumingin ulit sa mga paintings sa pader.

“You like the paintings?”
puna ko sa kanya. Trying to remove the tension between us.

Tumango siya. “Yara used to like them too.” tipid niyang sagot at napa-ngiti. Hindi ko rin mapigilan mapangiti. He really loves Yara. Na-realize ko na kahit ganito siya, his soft side will always belong to her.

“Talaga? What’s her favorite painting?” I feel like dwelling to the topic. Gusto kong makilala si Yara. Gusto kong marinig ‘yon mula kay Paix.

“Mona Lisa.” tugon niya at bahagyang tumungo. “She’s obsessed with that painting. Minsan nga yung mga kantang sinusulat niya, tungkol lagi sa pagiging misteryoso ng painting na ‘yon.” paliwanag pa niya.

For some reason, he, being chatty is kind of weird. Ano kayang nakain nito? Kanina ko pa napapansin na iba ang presensya niya ngayon.

“You really do lover her – “ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mamataan ko ang itsura ni Paix. Namamalik-mata ba ‘ko? Bakit namumutla siya? “Paix? Okay ka lang ba?”

Lalapit sana ako sa kanya pero umatras siya, kinampay niya ang kamay niya sa ere para hindi ako makalapit sa kanya. “I-I’m fine.” basag ang tinig niya. Unlike the usual sarcastic voice I hate.

“Y-You’re not!” pagpupumilit ko. at tuluyang nakalapit sa kanya. Buti na lang naalalayan ko siya kung hindi bumagsak na siya.

“Sabi ko okay lang ako.” nagpupumilit pa rin siya na kumalas sa pag-alalay ko sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya. “Nicoleen – “

“I really hate you, Paix.” putol ko sa pag-rereklamo niya. “But that doesn’t mean that I don’t care. Kung may sakit ka, dapat hindi ka na pumunta ngayon.”

Hinanap agad ng mga mata kung saang upuan ko siya pwedeng iupo. Buti na lang naka-handa na dito yung mga tables at chairs na gagamitin sa event. Dahan-dahan ko siyang inalalayan papunta doon, laking pasalamat ko naman at hindi na siya nag-reklamo pa. Tahimik siyang umupo at dinukdok ang noo niya sa kamay niyang nakatukod sa ibabaw ng mesa. He looks like he’s in pain.

“May lagnat ka yata eh.” komento ko saka kinapa ang leeg niya, mabilis siyang umiwas na tila ba marumi yung palad kong humawak sa kanya. “Ang arte mo ha? Mainit ka nga, ang taas ng lagnat mo.” bulaslas ko at umupo sa katabing upuan.


“This is nothing,” tipid na sagot niya. Stubborn.

“Malamang mamayang six pa i-checheck ng janitor ‘tong venue.” napa-buntong hiningang sabi ko at dumudok na rin sa mesa. I hate this coincidence; it’s getting the sh*t out of me.

Matagal kaming tahimik. Napansin kong hindi nag-react si Paix sa huling sinabi ko. Nabahala tuloy ako. Humihinga pa ba ‘to? Umangat ako ng tingin, nakadukdok pa rin siya. Mabagal at mabigat ang pag-hinga.

 

 

“Paix?” tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya sumagot. “Uy, Paix.” pag-uulit ko.

Shut up, Nicoleen. Sumasakit lalo ulo ko, ayokong makipag-daldalan sa’yo.” sarkastiko niyang sabi, hindi siya nag-abalang iangat ang ulo niya.

Natawa ako. Paix Montenegro – being a sick sensitive kid like that. This is entertaining, but it gave me an idea. Heart to heart talk?

“Okay lang, huwag ka lang muna mag-salita. May sasabihin lang ako.” seryosong sabi ko.

Umangat siya ng tingin sa’kin na para bang nakuha ko ang atensyon niya. His eyes are giving me this come-on-lets-hear-it look. Interesado nga siya.

“I have a request.”
naglakas loob akong sabihin, nang makita kong tututol siya, kinampay ko agad ang daliri ko sa harap niya. “Patapusin mo muna ako bago reklamo.”

Sigh. Hinga, Nicoleen. “Can we forget that game til the end of the event?” There, finally got the guts to say it.

Nakatitig pa rin siya sa’kin, nagtataka – nagproprotesta. “You see, mahalaga sa’kin ang event na ‘to.” pagpapatuloy ko. “Gusto kong mag-concentrate dito dahil pinagka-tiwala ni daddy sa’kin ‘to.”

“So, deal?”


Sandali siyang umaktong parang nag-iisip bago muling bumaling sa’kin. Bumalik ang mapanuyang ngiti sa labi niya. Here it comes, the true control freak. Kahit may sakit, nakaka-buwisit pa rin ang gestures niya.

“Fine,” preskong sagot niya. “But in one condition.”

“Condition?”

“I don’t grant requests for free, Nicole.”

I sighed in defeat. “Okay, ano ‘yon?”

“No dates with that Justin Montalban ever again.” matigas niyang sabi.

“Oh? Iyon lang pala eh – “ Wait, What? Natigilan ako. “A-Ano?”

“NO dates with Justin Montalban.” kumpiyansang pag-uulit niya na para bang seryoso siya sa sinabi niya.

“What? Bakit? Hindi naman kita boyfriend ah?” inis na tanong ko sa kanya.

Lumapad ang ngiti niya. He eyed me like he’s mocking me. “Ayaw mo? Sige. Madali naman akong kausap.” pananakot niya pa.

“Fine, fine!”
pagpapatalo ko at nag-tiklop ng braso. “Bakit nag-seselos ka ba nung nag-date kami?”

“Pa’no kung sabihin kong oo?”

Okay, he’s just really sick. Kung anu-ano na pinag-sasabi niya.

To be continued.

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #36 on: April 04, 2014, 01:26:54 PM »
She Got Played

Round Thirteen – Sick Part II

-Nicoleen's Play-


Alam kong may sakit siya at mataas ang lagnat niya, pero sukat ba namang pag-tripan ako nang ganito?

"You're quite lovely, Nicoleen." wika niya habang nakapangalumbabang nakatitig sa'kin. He's smiling so naturally like he really meant what he's saying.

Inirapan ko lang siya bilang tugon. Come on, Nicoleen. May sakit siya, malamang nagdidiliryo na 'to sa taas ng lagnat niya. Akala ko titigil na siya sa kaka-ngiti pero hindi pa pala. Tumawa siya nang bahagya, para siyang lasing. Ano bang trip nito?

“Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko?” tanong niya.

Umiling ako at tinaasan siya ng kilay. “Hindi.” prangka kong sagot. “Ganito ka ba magka-sakit? Ang lakas mo mang-asar.” inis na singhal ko.

Binaliwala niya ang pagtataray ko. He continued with his crazy staring game with me. Hindi naman ako nagpatalo sa kanya. I look back at him – pretending that I’m not affected with that stare. Sa totoo lang, naiilang ako sa kakaibang kilos niya ngayon.

‘”What to do? Hanggang alas sais pa tayo ng hapon magti-titigan dito.”
sarkastiko niyang sabi. He smirked, I tensed.

“Mag-isa ka. Makipag-titigan ka sa sarili mo.” bulaslas ko at muling dumukdok sa mesa. “Mag-pahinga ka na nga lang. Lumalala ‘yang topak mo eh.”

“Ayoko nga.” parang batang protesta niya. Seriously? Now he’s acting like a child? Hindi ko na kakayanin ang ka-weirdohan na ‘to!

Inangat ko siya ulit ng tingin, hindi pa rin bumibitaw ang mata niyang nakatitig sa’kin. “Ano bang problema mo? May sakit ka lang ba o – “

He coughs. I stopped. Nicoleen, kalma. May sakit nga siya ‘di ba? Masyadong mainitin ang ulo mo eh. “Fine. Palalampasin ko ‘to ngayon.” pagpapatalo ko at muling dumukdok.

“You really remind me of Yara.” biglang sabi niya. Gusto ko sanang makita ang reaksyon ng mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nanatili akong nakayuko at pinakikiramdaman ang mga susunod niyang sasabihin. “That’s why I resent you.”

Iyong mga katagang ‘yon, tumarak sa puso ko. Hindi ko maintindihan, ang sakit sa dibdib na marinig ‘yon.
“Why?” I managed to ask. “Dahil na sa’kin yung mga mata niya?”

“No.” mabilis niyang tugon. “Except for that – you act like her.”

“Both of you are full of hope. So positive about life.” pagpapatuloy niya. Narinig ko ang mabigat niyang pag-hinga. Then – he coughs again.

“And you hate that?” naglakas loob na ‘kong tignan siya. Naka-tingin na siya sa sahig, namumutla pa rin. “You hate seeing Yara through me?”

Tumango siya. “Oo. Masakit pa rin kasi.” tugon niya at mapait na ngumiti. His voice was faint. Matinis at animo’y pipiyok na kahit anong oras. Wait – Is he crying?

“Hey.” tawag ko sa kanya nang mapansin kong namamasa na ang mga mata niya. “Are you crying?”

“Hindi.” tanggi niya. “It’s just tears falling from my stupid eyes.”

Nanghina ako sa sagot niyang ‘yon. Na-guilty ako bigla sa mga masasamang iniisip ko tungkol sa kanya. He doesn’t deserve that. He’s just a boy – suffering from a recent heart break. Dapat mas inintindi ko na lang kung bakit sa ganoon ‘pag dating sa’kin.

Long silence.

“It’s our fifth anniversary today.” basag niya sa katahimikan. “Well, supposed to be.” he added.

“Ang tagal ninyo na pala.” komento ko. Now that he’s being chatty – I think I’m liking this. “Pa’no ba kayo nagka-kilala?”

“May plano ka bang gawin akong story teller?” puna niya. His lips curved an amused smile again.

“H-Hindi naman. Kung ayaw mo mag-kwento, eh di huwag.” pagpapalusot ko, pero lihim ko pinagdadasal na mag-kwento siya.

“Okay, ikukuwento ko. I know you’re dying to know.” pang-aasar niya at kumindat. I swear, kung ganito lang si Paix araw-araw – life would be easier for me.

Humugot siya nang malalim na paghinga, “Yara was my life saver.” panimula niya at tahimk akong nakikinig. “When I was about seven, noong nasa Paris kami ng pamilya ko, naglayas ako. Being a brat and all that, tumakbo ako kung saan-saan. And I end up being lost.” sandali siyang huminto at napangiting muli. He’s giving far too many free smiles today. “Umiyak ako nang umiyak, hindi ko namalayan na nasa kalsada pala ako. Muntik na ‘kong masagasaan noon, pero may humila sa’kin pabalik ng side walk. When I looked up, it was a little girl holding my hand. Naka-ngiti siya, dinala niya ‘ko sa police station at doon ako pinuntahan ng mama ko.”

“And that girl was Yara?” manghang singit ko sa pagkukwento niya. “Eh di, childhood lovers pala kayo?”

“No, it doesn’t work like that.” sagot niya. “Matapos noon, hindi ko na siya nakita ulit. Naiwan lang sa’kin yung panyo niya at ang tanging palatandaan ko sa kanya ay yung kwintas na suot niya. After years, nakita ko siya ulit – we’re studying in the same university. That’s how it all started.”

“Wow.” tanging nausal ko. Nakaramdam ako ng labis na tuwa sa narinig ko. That’s one heck of a love story. “Meant to be nga talaga kayo.”

Napawi bigla ang ngiti sa mga labi niya. “No, we’re not. Wala na siya, Nicoleen. Have you forgotten?”

Natigilan rin ako. “S-Sorry.”

Matapos ng kwentuhan naming, nanahimik na siya. Napagod siguro sa kakadaldal, pero ayos na rin ‘to. May nalaman akong bago sa kanilang dalawa. This could help I guess. Nasagi tuloy sa isip ko ‘yung diary ni Yara. Hindi ko pa rin binabasa ‘yon. Natatakot kasi ako sa mga malalaman ko. But – this is a good start. Maybe the universe is forcing me to read it, and so I will. Matapos ng ilang oras, nakita kong tulog na si Paix. Sumulyap ako sa relo ko at nabunutan ng tinik. It’s almost 6 PM! Sa wakas, ilang minutes na lang makakalabas na kami dito. 

Tulad ng inasahan ko, bumukas ang pinto ‘pag patak ng alas-sais ng hapon. Tumayo ako at agad na sinalubong ng masamang tingin ang empleyadong maintenance ng venue. “A-Ah, ma’am!” gulat at nauutal pa nitong pambungad. “Nakulong po kayo dito?”

Umangat ang kilay ko. “Hindi halata? Bakit hindi pa gawa ‘yang door knob na ‘yan?” mataray na tanong ko.

Kumamot ng ulo ang empleyado at yumuko. “Sorry, ma’am. Kumain pa kasi ako.” pagdadahilan nito.

Huminga ako nang malalim para kumalma. Ayaw ko namang isipin ng empleydo dito sa hotel na masyado akong mahigpit. Let it pass, Nicole. Let it pass. “Sige. Paki-ayos na lang ‘to ha? Ayokong magka-problema sa mismong event.” sabi ko na lang at bumaling kay Paix. Tulog pa rin siya.

“Ma’am, sino po ‘yan?” nagtatakang tanong ng maintenance.

“Business partner na ka-meeting ko sana dito.” sagot ko pero nababasa ko ang malisya sa mukha ng janitor na ‘to. “Umayos ka na nga at buhatin mo siya. May sakit ‘yan.” inis na utos ko.

Agad na sumunod naman ito sa takot na masinghalan ko pa. Hirap man dahil medyo malaki si Paix, nabuhat niya pa rin ito. “Ma’am, saan ko siya dadalhin?”

Napa-isip rin ako sa tanong niya. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Justin – that’s the deal. Hindi rin naman pwedeng si Tita Ross, baka kung anong isipin ‘non.

You live in the same building, fella. bulong ng kunsensya ko. Telling me to drive him home, huh? Damn.


Sa huli, nanalo pa rin ang kunsensya ko. Pinadala ko siya sa kotse ko. Now, wonder how I got a driver’s license? Justin helped me a lot with this. Sandali akong sumulyap sa tulog na si Paix na ipinalagay ko sa back seat. Hibing na himbing ang loko, ni hindi nagising. Nangiti ako ulit nang maalala ko ang kwentuhan naming kanina.

I drove carefully. Ayaw ko kasing magising siya sa loob ng kotse ko. Ngayong nakatulog na siya, I doubt if he’s still going to be chatty. Babalik na naman ‘yung antipatikong lalaking kinaiinisan ko.

Matapos ng kalhating oras, narating ko ang building. Buti na lang hindi masyadong traffic at hindi malayo ang hotel sa condominium. Maingat kong hinila palabas ng kotse si Paix, tulog pa rin siya. Sobrang bigat niya pero nagawa ko pa ring dalhin siya papasok ng lobby at papunta sa elevator. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao, karamihan sa kanila may malisya ang tingin. Ugh. I hate this.


Hirap na hirap ko siyang hinila sa hallway at papunta sa harap ng unit niya. Napasipat ako ng noo nang makita ko ang password machine sa harap ng pintuan niya. Oo nga pala! May security machine pala ang bawat unit dito! Napa-buntong hininga ako sa katangahan ko. How could I forget that?

Napa-tingin ako kay Paix. Gigisingin ko na ba siya? I shift gaze to the password machine. I’ll just give it a try. Natagpuan ko na lang ang sarili kong pinipindot ang mga letrang Y-A-R-A sa password machine.

Wrong password. Try again. lumitaw sa maliit na screen. Ugh. Ano kayang password niya?

A crazy idea came to my mind – the next thing I knew – I’m typing down my name.

Click! The door opened!

To be continued

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #37 on: April 05, 2014, 11:42:52 AM »
Lol sis hahaha just be objective when you write :) hehehe ay talaga sige consider me as your kaclose in cc hahaha :)))))

Update na dali haha wala pa ko planong magsulat ee masyafo akong focus sa fitness project ko at sa pakikipaglandian sa crush ko lol hahaha ayuuun anyway, update naaaa :) excited na ko magbasa sis :)))))

Yieee. Yehey! First friend sa CC. :')

Oh? Babalik din yang passion sa pag-susulat. Makapag-aantay naman yan e. :3 Hihi. LOL. The term 'pakikipaglandian" talaguuuuh? xD

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #38 on: April 06, 2014, 02:14:20 AM »
Yieee. Yehey! First friend sa CC. :')

Oh? Babalik din yang passion sa pag-susulat. Makapag-aantay naman yan e. :3 Hihi. LOL. The term 'pakikipaglandian" talaguuuuh? xD

oha oha! :) hehehe! :) ay anu ba yaaan bitiiiin hahaha gusto ko malaman kung papaano hinila ni nicoleen si paix bwahahahaha lol imagination ko nanaman hahaha!

yhup yhup naghihintay lang ng push hahaha konti na lang at magsusulat na din ulit ako :)

"PAKIKIPAGLANDIAN" bwaahahaha success kaya yun kamustahin mo naman yung magkasama kami from 7pm for the jog ended at around 9:30 and tambay up until 11:30 bwahahaha! ayyy nakoooo ang cute niya hahaha and he kees on calling me SEXY hahahaha humaba naman ang hair ko teh lol... aaa bast magpapayat pa rin ako :) kahit na gusto niya ako maging chubby lol... hehehe! :)

UPDATE UPDATE UPDATE! :)

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (Chapter 14 Updated)
« Reply #39 on: April 08, 2014, 11:10:20 AM »
She Got Played

Round Fourteen - Pretend

-Paix's Play-


Natagpuan ko ang sarili kong payapang nakahiga sa ibabaw ng kama. Agad akong bumangon kaya't napansin ko agad ang basang bimbo na nahulog mula sa noo ko. Pinag-masdan ko rin agad ang paligid. Looks like I'm back to my room again.

Mabilis na nanumbalik sa'kin ang mga nangyari. Napa-iling na lang ako sa mga ginawa at pinag-sasabi ko kay Nicoleen. I know what I'm doing around that time. I'm ill but I'm not drunk. Nakakapag-taka man pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat.

"I resent you."

Naaalala ko pa ang reaksyon ng mukha niya nang sabihin ko 'yon. Imbes na galit ang iganti niya, nababasa ko ang simpatya sa mga mata niya. She's so innocent and naive. Hindi man lang niya 'ko pinagdudahan - that I might be doing this on purpose.

For the game? Kahit ako hindi sigurado kung para ba saan lahat ng effort na 'to.

Saglit akong napaisip. Paano nga pala niya 'ko naipasok sa kwarto? She knows my password? Nahulaan niya? Teka - Oh !@#$. My password - alam na niyang pangalan niya? Good. Mag-mumukha na naman akong stalker nito.

Nagpa-buntong hininga na lang ako. Nothing's changed anyway. Ang kailangan ko lang gawin ay magpanggap na hindi nangyari lahat ng iyon. Tumango-tango ako at inayos ang sarili ko. Muli akong sumulyap sa bimpong nasa noo ko kanina. I can imagine the hassles I've caused her. Nakaya niya 'kong buhatin papunta dito? Ibang klase.

Dahil mas maganda na ang pakiramdam ko, napag-pasyahan kong maligo muna. Ipinihit ko nang malakas ang shower - washing away my worries. Matagal din akong nanatiling nakatayo at blangko ang isip. Katulad ng agos ng tubig, may mga alaalang pilit na bumabalik sa'kin.

"Someday, somehow - malalaman mo na hindi talaga tayo para sa isa't-isa, Paix."

"I'm selfish. Pinag-damot kita kahit na hindi ka naman dapat sa'kin."

!@#$. Stop this. Huwag mo na alalahanin, Paix. Tigilan mo na! Damn it!

"Ibinabalik kita sa kanya. Sa taong dapat minamahal mo ngayon."

Hindi ko pa rin maintindihan yung mga sinabi niyang 'yon. Bago siya tuluyang bumitaw sa pag-hinga, may mga kataga siyang iniwan sa'kin na hinding hindi ko malilimutan. Pinakawalan ko pa rin siya, kahit na alam kong maiiwan ako sa isang misteryo na mahihirapan akong lutasin.

"If it weren't for my lies, this love story might be hers not mine. Take care of her. Please."

Hanggang ngayon wala akong ideya kung sino ang tinutukoy ni Yara. I'm in the middle of contemplating if it was Nicoleen she's talking about. Pero - hindi ko pa rin maintindihan. Bakit niya 'ko ibabalik kay Nicoleen? Bakit siya ang dapat minahal ko?

Umiling ako at pinatay ang shower. Masyado lang akong nag-iisip - I just need to see the end of this. Siguro malalaman ko rin ang ibig sabihin ni Yara habang ginagawa ko 'to. May pakiramdam akong tama ang hinala ko kay Nicoleen. I'll hold on to that. Siya lang ang magiging daan para maintindihan ko ang ibig sabihin ng mga katagang 'yon.

Matapos kong maligo at mag-bihis, dumiretso agad ako sa kusina. Katulad ng inaasahan ko, may nakahandang almusal sa mesa. Ham and eggs with fried rice - and a note saying; "Get well soon, pervert."

Unknowingly, I smiled. Hindi pumalya sa mga kalokohan ang babaeng 'yon. "Sira talaga." tanging bulaslas ko.

Hindi kasarapan ang luto ng pagkain pero naubos ko pa rin. Nakakapagtaka dahil mapili ako sa pagkain. Parang may naaalala ako sa lasa ng pagkain. Sa hula ko'y baka first niya time mag-luto - O baka tinuruan siya ng Justin na 'yon.

Suddenly, I got annoyed with that thought.

Nawala lahat ng iniisip ko nang marinig kong pumihit pabukas ang pinto. Wala akong naramdamang pumasok kaya agad ako tumayo para silipin kung sino ang nasa labas.

Unang sulyap ko palang, nakikilala ko na ang mga matang nakasilip sa nakaawang na pinto. Yara's eyes - that's Nicoleen now. Natawa ako, mukhang tinitignan niya pa kung gising na ko.

"Anong sinisilip-silip mo d'yan?" sarkastikong untag ko sa kanya. Nakita kong nagulat siya nang mapagtantong nakatayo na ko sa harapan ng naka-awang na pintuan.

She smiled nervously. "A-Ah. Wala." nauutal na usal niya.

Tuluyan kong binuksan ang pinto. "Pumasok ka na." utos ko at agad siyang tinalikuran.

Habang kunwaring abala ako sa pagliligpit ng pinagkainan ko, pinanood ko mula sa gilid ng mga mata ko ang dahan-dahan niyang pag-lapit.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" ingat niyang usisa.

Tumango ako. "Oo. Thanks to you." tipid na sagot ko.

Ramdam kong pareho kaming naninimbang sa sitwasyon. It was awkward. Matagal din na nanahimik ang paligid. Hindi ko pinahaltang nararamdaman ko rin iyon.

"Naalala mo ba yung nangyari sa venue?" tanong niya habang naka-tingin sa sahig.

"A bit." pagsisinungaling ko. Sa kakatwang dahilan, gusto kong subukan kung maglalakas loob siyang ikwento ang mga nangyari.

"Pati yung request ko?" naninigurado pa siya.

"Yes." kumpiyansang tugon ko.

"At yung kundisyon mo?"

Ngumisi ako nang marinig ko 'yon. "Ofcourse."

Puminta ang dismaya sa mukha niya. Akala siguro nito makakalusot siya sa kundisyon ko. What was that? No dates with Justin Montalban? Tch. Pangalan pa lang umiinit na ulo ko.

"Iyon lang naaalala mo?" usisa niyang muli. She's expecting something more.

Tinapunan ko siya ng malisyosong tingin. "May dapat pa ba kong maalala?" pamimilosopo ko.

"U-Uhm. Wala naman." ginantihan niya ko ng masamang tingin. Giving off a you-flirted-with-me-bastard look.

Okay, I did. Hindi ko itatanggi. Ang !@#$ ko lang talaga.

"Hindi nga pala masarap yung niluto mo." pag-iiba ko sa usapan.

Sumimangot siya agad at nagtiklop ng mga braso. "Aba't di na lang mag-thank you, no?" inis na bulaslas niya.

"Then, thank you." sabi ko nalang. Dumiretso ako sa lababo at doon ibinaba ang mga pinggan.

"Hindi talaga masarap yung luto ko?" pag-uulit niya, ayaw niyang maniwala sa sinabi ko.

Nagbuntong-hinga na lang ako at humarap sa kanya. "Let's just say that I can guess through the taste na first time mo magluto." I said truthfully.

"Pero di 'ko naman first time eh. Tinuruan kaya ako ni - "

I knew it. Hindi talaga nagkakamali ang mga hula ko. Natigilan siya at lumapad naman ang ngiti ko. "Hm? Who was it?" paghahamon ko.

"W-Wala!" mabilis niyang agap. "Bakit kaya? Tama naman 'yong mga nilagay kong sangkap 'di ba?" malakas na bulong niya.

Napako ang tingin ko sa inilabas niyang maliit na journal. Kilala ko ang journal na 'yon! Namamalik mata na naman ba 'ko?

Printed blue butterflies. I'm certain. Diary ni Yara 'yon! Kumunot ang noo ko at agad na hinablot ang journal mula sa kanya. With the hand writing, I confirmed it.

Bumaling ako sa kanya. I don't know why but I felt sullen. Kaya pala nakikilala ko ang lasa ng pagkain na hinanda niya. It was Yara's recipe, nakasulat sa diary.

"Uh - Paix." gusto niyang magpaliwanag, pero pinutol ko agad 'yon.

"Pa'no mo 'to nakuha?" may awtoridad na tanong ko sa kanya. She flinched in surprise. Hindi siya nakasagot kaya uminit agad ang ulo ko. "Sagutin mo ko." mariin kong utos.

"K-Kay Tita Ross." nanginginig ang boses niya. "Look, I can explain. I'm just trying to - "

"Trying to what?" pinutol ko ulit ang pagsasalita niya. "Sinusubukan mong palitan si Yara sa buhay namin?"

I sounded mad. Well, I'm really mad right now. Iyong mga ginawa niya ngayong umaga - pagluluto ng paborito kong agahan - and that stupid note! Si Yara lang ang may alam na matutuwa na mahilig ako sa personalized sticky notes. Ang buong akala ko ginawa niya lahat ng iyon dahil sa sinseridad, pero mali ako. Ginawa niya 'yon kasi nabasa niya.

Nagagalit ako ngayon hindi dahil sa ginawa niya - nagagalit ako sa sarili ko. Why am I trying hard to find sincerity through her actions? Bakit ako nagagalit?

"Ano bang problema, Paix?" tumapang ang tono niya at pilit na nakipagpalitan sa'kin ng tingin. "What the heck is the problem with that?" galit na tanong niya.

"The problem? Ikaw ang problema, Nicoleen." marahas kong sagot. "Because you keep on crossing the wrong line."

Kumunot ang noo niya, may mga luha na rin na namumuo sa mumunting mga mata niya. "Line? What kind of line? Nakakalito ka na, Paix!" gasgas na ang boses niya, kahit anong oras ay nahuhulaan ko na ang pag-hikbi niya. "Ginagawa ko ang lahat para matupad ang hiling ni Yara, pero lagi ka na lang kumukontra. Ano bang problema mo?"

Nang tuluyan na siyang sumabog sa pag-iyak, nanigas ang katawan ko. Napako ang tingin ko sa kanya habang tumatangis siya. Hindi ko masagot ang tanong niya. Ano nga bang problema ko? I don't have any idea.

"Akala ko may pag-asa pa, Paix."
basag niya sa katahimikan habang humihikbi-hikbi. "Nakita ko kasi eh. Alam kong mabuti kang tao - that's why I thought, this wish might have a chance but - "

"But you're wrong." I said coldly. Hindi ko hinayaang may linya ng emosyon na dumaan sa mga mata ko. "Hindi ako mabuting tao."

Natahimik siya sa huling sinabi ko. Nakikita kong gusto niya mag-protesta at kumontra pero pinipigilan niya ang sarili niya. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya - I hate that sight but I have to bear it. Pretend like it's okay, Paix.

"May nakakalimutan ka, Nicoleen." walang bahid ng kahit anong galak ang boses ko. "I accepted your role in that wish simply because of one thing - I want to play with you."

Nanlaki ang mga mata ni Nicoleen na para bang hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi ko.

"I want to see you fall." pagpapatuloy ko. "Para ma-realize mo na wala kang kinalaman sa kung anong naiwan ni Yara sa mundong 'to."

"At wala kang karapatan sa kahit sino o ano ang kanya."

She stared blankly at me for a few minutes. Matapos 'yon, unti-unting bumaba ang tingin niya sa sahig at bumagsak ang mga kamay sa magkabilang gilid.

"I need to go." mahinang bulong niya at tumalikod papunta sa pintuan.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakaapak siya sa labas ng pintuan. Natigilan ako nang makita kong agad siyang sinalubong ng bisig ng isang lalaki. Tinitigan ko itong mabuti - it's Justin Montalban. Habang pinapatahan si Nicoleen sa bisig niya, nakatingin siya sa direksyon ko. Like he's ready to knock me down any second now.

I pretended that I wasn't alarmed. Nakipagtitigan ako sa kanya. It all ended like that - it all leads to one thing - pretending.

To be continued

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #40 on: April 11, 2014, 11:24:51 AM »
She Got Played

Round Fifteen – Truth

- Nicoleen's Play -

Mabigat sa pakiramdam lahat ng narinig ko mula sa bibig ni Paix. Bakit ba nasasaktan pa rin ako? Ilang beses niya na ba pina-mukha sa'kin na wala akong karapatan? Siguro kasi umasa na naman ako. Sa pag-aakalang lalambot na siya sa wakas, umasa ako ng sobra.

Oh? Bakit ka umiiyak? pangungutya ko sa sarili ko. Paulit-ulit kong pinupinasan ang mga luhang bumabagsak sa pisngi ko pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-agos. I don't know what's happening to me.

"Here." iniabot ni Justin ang isang basong tubig sa'kin. I was lucky he came by to visit - kahit pa'no may karamay ako ngayon.

Kinuha ko ang basong inabot niya at mabilis na lumagok ng tubig mula dito upang pakalmahin ang sarili ko. "S-Salamat."

Umupo siya sa tabi at tinapik ang balikat ko. "What happened?" kalmado ang tono niya pero nababasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Hindi ko napigilang mapa-hikbi muli. Niyakag agad ako ni Justin at kinulong sa bisig niya. "S-Sorry, Justin. Ang sakit lang kasi nung mga sinabi niya eh."

"I know. Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung hindi ka nasaktan eh." komento niya na para bang kilalang-kilala niya na talaga ako. Saglit akong nagtaka, pero iwinaglit ko na lang 'yon sa isipan ko at nagkibit-balikat.

Sa kung anong rason, gumaan ang pakiramdam ko habang naka-kulong sa bisig ni Justin. Parang nagawa niya na sa'kin ito dati - hindi ko lang maipaliwanag kung saan at kailan. His scent seems familiar too.

"Hindi ko na hahayaang saktan ka pa niya ulit." bulong niya sa'kin at lalong humigpit ang yakap niya.

"J-Justin." tawag ko sa kanya. Hindi na kasi ko kumportable sa posisyon namin.

"Ssh." saway niya. "Let's stay like this for a little longer." aniya.

Hindi na ako nag-protesta, hinayaan ko na lang na ganon ang posisyon namin. Dinig na dinig ko ang mabilis na pag-tibok ng puso niya. Pinikit ko ang mga mata ko upang mas lalo kong marinig 'yon. For some reason, I like this sound. Ilang sandali lang rin na nag-tagal 'yon. Nang bumitaw siya, hindi ako nakaramdam ng ilang sa pagitan naming. I swear this feels like it has happened before, I'm sure of it.

"Are you feeling better/" ngumiti siya at kinindatan ako.

I frowned. "Are you?" sarkastiko kong ganti at bahagyang tumawa. "You know what, parang nangyari na 'to sa'kin dati. Hindi ko lang maalala."

"May mga bagay na hindi mo na dapat maalala." bulong niya. Napatingin ako sa kanya, hindi ko malaman kung namali lang ako ng rinig.

"Ano?"

"Hmn? Wala." tipid na sagot niya.

"Oo nga pala." tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Bakit ka nga pala napadaan dito?" biglang usisa ko.

Lumapad ang ngiti niya na tila ba nagpapa-cute. His dimples shows off again. "I sensed that you're in trouble?" pang-aasar niya.

Sumimangot ako at inirapan siya. "Tigilan mo nga yang pag-papacute mo." masungit na usal ko.

"Bakit? Naaakit ka ulit sa dimples ko?" malisyosong wika niya at lumapad ang ngiti ng mga labi niya. 'Hmn?"

Naramdaman ko ang pag-angat ng init sa pisngi ko. Tinapunan ko agad si Justin ng masamang tingin at tinawanan niya lang ako. "Umayos ka, Justin Montalban ha?" banta ko.

"Yes, boss." he answered playfully. Tumayo siya at ginulo ang buhok ko. "Pinapunta ako dito ng Papa mo."

"Si Papa? Kilala ka ni Papa?" tinignan ko ulit siya nang masama. "Stalker ka talaga no?"

Umiling siya, mukhang walang balak na mapikon sa pang-aasar ko. "Stalker? Sa gwapo 'kong 'to? I'm a secret admirer." preskong pagtatama niya sa sinabi ko.

"Yabang." bulaslas ko. "Bakit ka pinapunta dito ni Papa?"

"He was worried about you getting into trouble - and I guess, his worries are happening now." seryosong paliwanag ni Justin. "At pinapa-sundo ka niya para sabay na daw kayong mag-lunch. May surprise daw siya sa'yo."

Pumalakpak ang tenga ko nang marinig ko 'yon. "Talaga? Surprise?"

"Uh-huh." tumango-tango siya saka naglakad papunta sa pinto. "Mag-bihis ka na, hihintayin kita sa labas ng unit mo." utos niya at tuluyan nang lumabas.

-Paix's Play-

Kanina pa ako naka-titig sa kawalan. I did it - I just made her cry. Sa unang pagkakataon, nagawa kong makataagal at pag-masdan ang isang babae na umiiyak. It feels like bullshit.

Hindi man ito ang unang beses na napag-salitaan ko siya, pakiramdam ko mas masasakit ang mga sinabi ko ngayon. Sariwa pa sa isipan ko ang itsura niya kanina. Sad. Angry. Pitiful. Kahit na gusto kong bawiin ang mga sinabi ko at patahanin siya, hindi ko magawa.

At 'yung Justin na iyon - to the rescue sa kanya. Lumilitaw na parang kabute tuwing nag-aaway kami ni Nicoleen. That thought angers me more. Jealousy? I can't say for now. Mabigat lang talaga ang dugo ko sa lalaking 'yon, lalo na kapag magkasama sila.

"Sh*t!" singhal ko at binalibag sa mesa ang diary ni Yara. Napako doon ang paningin ko. "Damn it, Yara. Hanggang ngayon 'di mo pa rin ako pinapatahimik?" pasigaw na bulaslas ko.

This is bullsh*t. G*go ka, Paix. G*go!

Bumabalik na naman ako sa dati - my scornful self. Yung taong gagawin ang lahat maitaboy lang lahat ng taong may malasakit sa kanya. That's me. That was me back then, before I met Yara again. Binalik niya sa realidad ang buong pagkatao ko - hindi ko alam kung kelan ko matatanggap o kung matatanggap ko pa ba na wala na talaga siya. I need her here.

And now I felt so sick of myself. Pilit kong hinahanap si Yara - kay Nicoleen. Tinaboy ko siya dahil nadismaya ako. Dahil hinding-hindi niya magiging katulad si Yara.

Bakit ba 'ko nagkaka-ganito? Kailan pa naging ganito kabigat at kalaki ang epekto ng babaeng 'yon sa'kin? F*ck.

'Tok! Tok! Tok!'

Humugot ako nang malalim na hininga bago tumayo at tumungo sa pinto. Ipinihit ko agad pabukas ang pintuan - at hindi ko ikinatuwa ang bumungad sa'kin.

"Paix Montenegro." kaswal na bati niya sa'kin. This tall and annoying guy - Justin Montalban.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong. Sinigurado kong mararamdaman niyang hindi siya welcome kumatok anumang oras sa pintuan ko.

"I just came by for this."

Isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ko. Sa sobrang lakas ay bumagsak ako sa carpet. Naramdaman ko ang pag-daloy ng dugo mula sa pumutok kong labi. Tss!

Pinunasan ko iyon at umangat ng tingin sa higanteng nasa harap ko. "Anong problema mo?" paghahamon ko at tumayo.

"That's for making her cry." matigas nitong saad. Rumihistro agad sa utak ko si Nicoleen. Great. Nandito na agad ang karma.

"Tapos ka na?" sarkastiko kong tanong. Kunwari'y hindi ako apektado sa nangyari kanina. Akma ko sanang isasarado ang pinto pero tinabig ng paa niya ito. "What now? Susuntok ka ulit?"

"Hindi ka na nag-bago, Paix." saad niya. Wala akong alam sa sinasabi niya pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at poot. It's all directing to me.

"Ikaw ang walang karapatan na saktan si Nicoleen. Masyado na kayong maraming naidulot na sakit sa kanya." natigilan siya sandali at tila ba nagdadalawang-isip sa mga susunod niya pang sasabihin.

"What are you talking about?"

"Si Yara - kayong dalawa lang naman ang dapat sisihin kung bakit lahat ng pasakit na 'to nangyari kay Nicoleen." galit na galit na pagpapatuloy niya. "Because she was selfish and you were a good for nothing arrogant - nauwi sa ganito ang lahat."

"Ano bang pinagsasabi mo?" iritableng singhal ko sa kanya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Suddenly, his words sounded like Yara's last words.

"I won't let you hurt her again." wika niya at binalewala ang tanong ko.

"Bullshit! Just tell me what you really mean!"

Sumigaw na 'ko. Nag-iinit ang ulo ko na para bang bomba na kahit anong oras pupuwedeng sumabog at maminsala.

"Are you sure you want the truth? Once you hear it, maipapangako mo bang hindi mo kakamuhian si Yara?"

Natigilan ako sa tanong niya na iyon. What's this? Anong katotohanan ang kapalit ng pagmamahal ko kay Yara?

To be continued

jhajhariffic

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 61
  • Karma: +0/-0
  • Rejection hurts worse than Death...
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #41 on: April 12, 2014, 05:43:25 PM »
Sis update na daliiiiii hehe!!!!

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #42 on: April 14, 2014, 03:29:58 PM »
She Got Played

Round Sixteen - Romantic Feelings

- Nicoleen's Play -


Gumaan ang pakiramdam ko nang umiyak ako kay Justin. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaibang epekto sa'kin ang yakap niya. Pakiramdam ko ligtas ako. I know that sounds a little bit cheesy.

Umiling ako at iwinaglit agad iyon sa isipan ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa salamin. Hindi ko napagilang mapangiti. Today's a special day! Nagsimula man ng nakakainis dahil kay Paix na 'yon, may kasunod naman na sorpresa. Ito ang unang beses na makakasama ko si Papa sa isang hapag.

Matapos kong makuntento sa itsura ko, dumiretso ako palabas ng kwarto. Wala doon si Justin, inisip ko na baka sa labas na talaga siya nag-hintay kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tumungo palabas ng unit.

Tug!

Kakapihit ko pa lang ng pinto, natigilan na agad ako. Nahagip ng mga mata ko ang pagsuntok ni Justin kay Paix. Nag-usap sila na para bang nakakasagutan. Hindi yata nila namalayan ang bahagyang pag-awang ng pinto ng unit ko. Wala akong naintindihan sa unang pinag-uusapan nila. Abala kasi ako na mag-ingat para hindi nila mapansin ang presensya ko.

"You want to know the truth?"

Iyon ang tanging katagang narinig ko. With those words, I decided not to eavesdrop any longer with the conversation. Saka napagdesisyunan ko nang wala na akong paki sa kahit anong may kinalaman kay Paix. Kung sinapak man siya ni Justin dahil sa pagpapaiyak sa'kin - he deserves it.

Bumalik ako sa loob ng unit at dahan-dahn na sinara ang pinto. Sinubukan kong pumirmi sa sofa ngunit di pa rin ako mapalagay. Binabagabag na naman ba ako ng kunsensya? Suddenly, a flash of how Justin punched Paix came across my mind.

Malakas kaya 'yon? Nasaktan kaya siya? Wait - I'm thinking about him? Bakit siya ang inaalala ko? That bastard!

Huminga ako nang malalim at tumayo. Tutungo na sana muli ako sa pinto nang bumukas ito bigla.

"Ready? Let's go?" isang nakangiting Justin ang bumungad sa'kin. Ibang-iba sa galit na galit niyang itsura kanina.

Tumango ako at pilit na gumanti ng ngiti. "A-ah. Okay." tugon ko.

Tahimk kaming sumakay ng taxi. Normal pa rin naman na umakto si Justin, para bang walang nangyari kanina. Siguro ayaw niya lang ipahalta sa’kin, naiintindihan ko naman ‘yon. What I can’t explain right now is this feeling. Naiinis na ‘ko sa sarili ko. May kung anong nagtutulak sa’kin na tanungin siya kung ano ba talaga ang nangyari kanina. At ano ang mas nakakainis? Nag-aalala ako sa Paix na ‘yon!

“Uh – Justin?” tawag pansin ko sa kanya. Giving in to my temptations to ask. “Puwede ba ‘kong magtanong?”

Tumingin siya sa’kin at tumango. “Ofcourse, what is it?” masiglang paanyaya niya.

Humugot ako nang malalim na pag-hinga bago mag-salitang muli. “Anong nangyari sa inyong dalawa ni Paix kanina?” pakunwang inosenteng tanong ko.

“Hmn? Nangyari?” nag-aalinlangang tugon niya.

“Sinuntok mo siya. Nakita ko.” napilitang pag-amin ko.

“Ah. That. That’s his punishment. Pinaiyak ka niya ‘di ba?” preskong sagot niya at tinapik ang ulo ko. “I told you already, right? Hindi ko na hahayaang saktan ka pa niya ulit.”

That phrase shuts me up literally. Nakaramdam ako ng guilt. Si Justin ang may malasakit sa’kin pero si Paix pa rin ang iniisip ko sa sitwasyong ‘to? Kung ‘di ka ba naman isa’t kalahating tanga, Nicoleen. Pinaiyak ka na nga, concern ka pa?

‘H-How is he?” hindi pa rin nagpa-pigil sa pagtatanong ang bunganga ko. !@#$.

Napansin ko ang pag-papalit ng ekspresyon niya. He obviously didn’t like the question. “Ha’yun, putok ang labi.” tipid niyang sagot habang naka-tingin sa labas ng bintana.

“Ah.” saad ko na lang at tumahimik na. Lihim kong kinakastigo ang sarili ko. Dapat hindi na lang ako nag-salita.

“You really do care about that punk.” basag niya sa pananahimik ko at ngumiti. "Regardless, hindi ko pa rin hahayaan na masaktan ka niya.”

Gumaan ang pakiramdam ko, mukha kasing hindi naman siya na-offend sa sinabi ko. “Justin, Paix is a good person. Nasaktan lang siya kaya siya nagkaka-gano’n.” paliwanag ko.

I know I sound like I’m siding with Paix –  but that’s my honest opinion. Umiyak ako kanina dahil nasaktan ako sa mga salita niya, pero hindi ibig sabihin n’yan masama na ang tingin ko sa kanya. Naiintindihan ko naman na masakit pa rin para sa kanya. And I’m the constant reminder of his loss.

“Pero hindi ibig sabihin ‘non may karapatan na siyang saktan ang damdamin mo.” wika ni Justin at hinawakan ang kamay ko. “You don’t deserve those harsh words. Siya ang walang karapatan.” matigas niyang sabi.

Matapos ng katakot-takot na traffic na dinaanan ng taxi namin, nakarating kami sa hotel. Hindi ko ginamit ang kotse ko dahil coding ako ngayon, kaya wala kaming choice ni Justin kung hindi mag-commute kasi dir in niya dala ang kotse niya. Dumiretso kami sa restaurant ng hotel. Namataan ko agad si Papa sa isang table. Tumayo siya agad nang makita kami at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

“Here’s my baby.” bulaslas niya at kumalas ng yakap sa’kin. “Justin, thank you sa pag-sundo sa kanya.” baling niya kay Justin. Nag-ngitian sila na para bang matagal nang magka-kilala. Nagtataka talaga ako – bakit kilala ni Justin lahat ng tao sa paligid ko? Yara, Tita Ross – and Papa. Weird.

“Uhn – “ bago pa ‘ko makapagsalita isang kamay ang humila sa’kin at ang tanging naramdaman ko na lang ay isang mainit at mahigpit na yakap.

Ilang segundo pa bago ko mapagtanto na ang yumakap sa’kin ay isang babae. Naka-wheel chair siya at maikli ang buhok. Dahil nga yakap niya ‘ko, hindi ko makita ng mukha niya. “Uhn?” tanging tunog na nausal ko. Nakita kong naka-ngiti si Papa at Justin sa gilid.

“Anak.” narinig kong bulong niya sa’kin. Natigilan ako saglit. I know that voice! I was just like 5 when I last heard her voice. “Nicoleen.”

“M-Mama?” nauutal na tanong ko. Kumalas ako sa yakap niya upang makita ang mukha niya. Hindi ko napigilan ang pag-tulo ng mga luha ko. I’m finally seeing her face. “Mama.”

“Ako nga, anak. Ako nga.” malambing niyang saad at hinaplos ang pisngi ko. Umiiyak din siya habang nakatingin sa’kin. “Ang laki-laki mo na, anak. Ang bilis lumipas ng panahon. Patawarin mo ‘ko dahil napabayaan kita.”

Hindi tulad ng inaasahan ko, wala akong naramdamang sama ng loob sa kanya o kay Papa. Sa sobrang saya ko, wala na akong paki sa mga taon na nag-daan at hindi ko sila kasama. What’s important is that they’re here with me now.

“Ma,” muling usal ko. Ang sarap ulit-ulitin ng katagang ‘yon. “Mama.” pag-uulit ko at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. “Wag ka mag-sorry. I understand. Kahit ano pang dahilan, maiintindihan ko. I’m just so happy right now.”

Matapos ‘non, matagal din kaming nagyakapan muli. Hindi ko na halos maalala kung kailan ang huling pagkakataon na nayakap ko siya. My memories when I was young were all unclear. Minsan ko ngang inakala na may amnesia ako eh. Minsan ko din pinaniwalaan na hindi ako pinanganak nang bulag. Sounds crazy but yeah. Nangarap ako.

“Tama na nga ‘yan. Hindi niyo ba kami papayakapin?” untag ng isang boses sa gilid.

Nang kumalas akon kay mama at bumaling sa direksyong ‘yon, may nakita akong tatlong lalaking nasa table din namin at nakatayo. They were smiling at me and they resemble – Papa. “Are they – ?”

“NicNic! Hindi mo na ba naaalala ang pinaka-gwapo mong kuya?” ginulo ng isa sa kanila ang buhok ko. Matangkad siya, pareho kami ng mata – chinito at naka-mohawk ang buhok. Niyakap niya rin ako nang mahigpit. “Namiss ko ang prinsesa namin.”

 “Kuya?”

“Kuya Nicollo.” pagpapatuloy niya.

“Ang lagay ba niyan, hindi kami makakayakap?” singgit naman ng isa pa. Nalilito na ‘ko pero pakiramdam ko mas kilala ko ang boses niya. Umakbay siya sa’kin nang bumitaw si Kuya Nicollo. “Kilala mo pa boses ko ‘di ba?”

“Y-You sound familiar.” tanging nasagot ko. “Kuya?”

“Kuya Nathan. Pero hindi kuya tawag mo sa’kin dati eh.” parang nagmamaktol pa ang tono niya. Narinig kong nagtawanan ang lahat.

“A-Anong tawag ko sa’yo?” medyo ilang pa rin ako.

“Tantan!” bulaslas ni Kuya Nicollo. “Kayo kasi pinaka-close noong bata pa tayo.” paliwanag niya.

Napa-ngiti ako. “Tantan?”

“Hoy, Nicollo!” asar na saway ni Kuta Nathan kay Kuya Nicollo. “Tarantadong ‘to!”

“Oopss! May nakakalimutan yata kayo.” natahimik ang lahat. Nilingon ko ang natitira ko pang ‘KUYA’ na hindi pa nagpapakilala. Sa hula ko’y siya ang pinaka-matanda sa’min. Lumapit siya sa’kin at kumindat. “Kuya Nate mo nga pala.” malumanay niyang sabi at niyakap rin ako.

Yumakap rin ako sa kanya. Ang saya-saya sa pakiramdam, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko. It’s all overflowing. Akalain mong may tatlo pala akong Kuya? I remember Kuya Nathan visiting me noon. Naalala ko ang boses niya habang binabasahan niya ‘ko ng stories bago ako matulog pero hanggang doon lang. Wala na akong ibang maalala.

The rest of the lunch event became memorable. Lahat ng kuwentuhan ay tungkol sa pagka-bata namin na hindi ko na maalala. Nakakalungkot na wala akong maalala sa mga masasayang alaalang ‘yon pero hindi na mahalaga ‘yon ngayon. I’m with them now.

“Balita ko may binili kang condo unit, Nicnic?” biglang nabanggit ni Kuya Nicollo.

“Um, meron.” tugon ko habang kumakain. ‘Bakit?”

“Bakit di ka na lang sa bahay mag-stay?” suhestiyon ni Kuya Nate.

“Oo nga. Spend the rest of the summer with us! Mag-outing tayo.” dagdag pa ni Kuya Tantan. Okay, I like how I call him ‘tantan’. It sounds funny.

“Uhn – “

“Hey. Go easy on your little sister.” pagtatanggol ni Mama sa’kin. “Alam kong miss niyo na siya pero may mga bagay pa siyang dapat ayusin.” isang makahulugang tingin ang binaling niya sa’kin.

Tumango na lang ako at nagkibit balikat sa nakakapagtaka niyang tingin. “A-Ah. Oo. I’ll think about that after the event Papa have assigned to me. “ palusot ko na lang.

“Ito naman kasing si Papa, pinag-trabaho agad si Nicnic.” angal ni Kuya Nicollo.

“Well, mas may pakinabang naman ang kapatid mo kaysa sa’yo.”  sarkastikong sagot ni Papa sa kanya.  Nagtawanan kaming lahat.

“So, Justin.” bumaling naman si Kuya Nate kay Justin na katabi ko sa upuan. “Kamusta naman kayo ng kapatid ko?”

Halos mabulunan ako sa tanong niyang ‘yon. Buti na lang naiabot agad sa’kin ni Justin ang baso ng juice at nainom ko ‘yon. “K-kuya!” angil ko sa kanya.

“Oh? You’re not dating her?” parang gulat pang tanong niya.

“No, not yet.” naka-ngiting sagot ni Justin. Tumatak sa utak ko ‘yung ‘not yet’.

“So, may balak ka?” nakisali si Kuya Nicollo, isang nakakalokong ngiti ang pinukol niya sa’kin. Ugh.

“Uhn, mag-sisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong balak.” prangkang sagot niya at ngumiti sa’kin. “I like her.”

“Hmn. You know you’ll need to get our permission, hijo.” pabirong babala ni Mama.

“Marami kang dadaanan, Jus.” sabi pa ni Kuya Nathan.

Just like that, nasentro ang usapan sa’min ni Justin. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong namula sa harapan nila. Nararamdaman kong na-miss nga nila ako. Hindi na ko nag-abalang tanungin kung ano ba talagang dahilan kung bakit napabayaan nila ako. Ayaw ko kasing sirain ang magandang araw na ‘to. We need this moment as a family. I can’t throw tantrums randomly.

Natapos ang lunch-until-four-in-the-afternoon talk ng buong pamilya nang masaya. Kailangan na kasing pumunta ni Papa sa meeting, si Mama naman sasamahan ni Kuta Nate sa treatment. Sila Kuya Nathan at Nicollo kasama sa meeting ni Papa. Sinabihan nila ako na mag-pahinga at umuwi kaya hindi na ko nag-pumilit pa na samahan si Mama sa treatment niya. Sabay kaming bumalik ni Justin sa condominium building. I’m so happy today.

“Thank you, Jus.” sambit ko nang maihatid niya na ‘ko sa harap ng unit ko.

Umiling siya. “It’s nothing. Masaya ka ba?”

Tumango ako. “Uh-huh. Sobra.” tugon ko.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang dampi ng labi niya sa noo ko. “I’m happy for you.” bulong niya.

Justin left me hanging there. Ngumiti siya at tumalikod na. Wala akong nagawa kung hindi titigan siyang maglaho sa paningin ko. Napahawak ako sa noo ko na hinagkan niya. What was that for? Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang mabilis na pag-tibok ng puso ko.

I feel different. What’s this romantic feeling? Am I already – in love?

to be continued

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #43 on: April 14, 2014, 03:33:02 PM »
Sis update na daliiiiii hehe!!!!

Hi sis! Sensya na nawala ako dito ng ilang araw. <3 Mustaaaa? Kaka-update ko lang. <3

SweetAna

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 60
  • Karma: +2/-0
  • Day Dreamer
Re: She Got Played (ON-GOING NEW STORY)
« Reply #44 on: April 21, 2014, 09:30:02 AM »
She Got Played

Round Seventeen - Lies


- Paix's Play -

"Are you sure you want the truth? Once you hear it, maipapangako mo bang hindi mo kakamuhian si Yara?"

Malinaw pa sa isipan ko ang mga sinabi ng Justin na 'yon. Hindi ko makalimutan kahit anong gawin 'ko. What the heck does he mean by that? Nakakagago siya. Ilang beses ko tinanong kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya pero nilayasan ako ng tarantado.

!@#$! Bakit ba pareho sila ni Yara? Giving me puzzles I can't hardly solve. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, may koneksyon lahat ng 'yon kay Nicoleen.

I'll figure you out soon.

Humugot ako ng malalim na hininga at nag-tungo sa banyo. Binaling ko ang atensyon ko sa labi kong pinadugo ng Justin na 'yon. Nakadapa pa rin ang pride ko sa nangyari, kung hindi lang talaga ako nakunsensya sa pagpapaiyak kay Nicoleen, gumanti na rin ako ng suntok sa kanya.

"I won't let you hurt her again."

Tss. Kung umakto akala mo boyfriend. I'll get back to that punk sometime later. Kapag nalaman ko na ang lahat tungkol sa mga misteryong iniwan ni Yara, babalik ako sa larong sinimulan ko. The game of falling.

Matapos kong maghilamos, may nahagip ng paningin ko habang pinupunasan ko ng twalya ang basa kong buhok. My cellphone. Nasa ibabaw lang 'yon ng kama at doon napako ang pangin ko. May ideya agad na pumasok sa utak ko.

Call her. Mala-prinsipe kong utos sarili ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pakikipag-debate sa aking sarili nang napagtanto kong dinampot ko na pala ang telepono. Hinanap ko agad ang number ni Nicoleen na si Tita Ross pa mismo ang pilit na nag-type sa phone book ko. Bago ko pa namalayan, pinindot ko na ang number niya para tawagan.

"Anong kailangan mo?" sarkastikong bungad niya sa kabilang linya. Mukhang alam niyang ako ang tumawag.

"So you know my number too." panunuya ko naman. "That's sweet."

Isang malalim na buntong-hininga ang sunod kong narinig mula sa kanya. "Look, Paix. Wala na akong oras para makipag-lokohan sa'yo. I'm hanging up."

Toot. Toot. Toot.

Aba't binabaan ako ng telepono ng babaeng 'yon? Talagang hinahamon niya na 'ko ngayon? Tignan natin kung sino mas matibay.

Tinawagan ko ulit siya. Ilang beses ko rin na pinindot-pindot ang numero niya bago niya muling sagutin ang tawag ko. This girl - she's getting into my nerves right now.

"Ano ba? Hindi ka ba magpapatulog?" angil niya sa'kin.

"Bakit? Hindi ba naka-silent 'yang cellphone mo?" pamimilosopo ko at ngumisi.

"Uhn." sadaling tumahimik ang kabilang linya. "Pa'no ba i-silent 'to?" nahihiya pang bulong niya.

I knew it. Hindi ko napigilang bumulaslas ng tawa sa sinabi niya. Magically, the tension between us fled. Napaka-inosente niya talaga kahit kailan.

"Hoy! Huwag mo nga ako tawanan!" galit na wari niya.

"Why? You're funny." tipid na sagot ko at tumawa muli.

"Huwag ka ngang umarte na parang hindi mo ko pina-iyak kanina." biglang nag-seryoso ang boses niya. Natigilan din ako sa pagtawa.

As much as I want to say sorry, I need to stop myself. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na may epekto siya sa'kin. "Anong gusto mong gawin ko? Mag-sorry?" sarkastikong tanong ko.

"Bakit ka ba tumawag?" balik tanong niya na lang sa'kin. Natunugan niya yata na wala akong balak humingi ng tawad.

"May hihingin lang ako sa'yo." tugon ko.

"Ano 'yon?" malamig na ang tono ng boses niya, hindi katulad kanina.

"Yung number ng higante mong tour guide."

"Higanteng tour guide?" nagtataka niyang pag-uulit. "Ah, si Justin?"

Kumulo agad ang dugo ko nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ng kumag na 'yon.

"Oo." tipid na sagot ko.

Matagal na walang tunog o kaluskos sa kabilang linya. Ang sunod na umalingawngaw na lang sa tenga ko ay ang hagikgik niya na halos bumasag sa eardrum ko.

"What now?" napalakas na bulaslas ko dahil sa gulat.

"Dude, are you - " bumubuwelo pa siya sa gitna ng paghagikgik. This is getting out of hand and irritating. "A-Are you gay?"

!@#$? Anong klaseng tanong 'yan? Damn it! Ako? Bakla? Nakakagago mag-tanong 'tong babaeng 'to.

"What? Ako?" malakas na paglilinaw ko. "Are you toying with me?"

"Bakit mo kinukuha number ni Justin?" malisyosang usisa niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "May kailangan lang akong itanng." sagot ko.

"Ano naman 'yon?"

"Damn it. Quit asking and just send the number." inis na utos ko at pinatay ang tawag.

Saan ba pinag-lihi 'yong babae na 'yun? Napaka-kulit. Ang daming tanong sa buhay. Simple lang naman hinihingi ko. Pain in the ass.

Sa kasamaang palad, hanggang kinabukasan walang ni-isang message si Nicoleen. What do I expect? Kahit na hindi halata, alam ko naman na galit pa rin siya sa'kin. I can't blame her though. I was really mean to her.

Ilang oras lang ang naitulog ko kakahintay sa text niya pero kailangan ko na agad bumangon para sa lintik na event ng Baltazar Hotel. Ngayon namin itutuloy ang meeting na naudlot noong isang araw dahil nga nakulong kami ni Nicoleen sa venue. Medyo iba lang sa pagkakataong 'to, may mga kasama daw kami sa meeting. Looks like she doesn't want that lock up to occur again. Napangiti ako sa ideyang 'yon.

Nag-bihis ako ng karaniwan kong porma. Jeans and v-neck white shirt, walang makakahula na business meeting ang pupuntahan ko 'di ba? I don't care. At isa pa, hindi naman ako doon didiretso. Sobrang aga pa naman. Napagpasyahan ko na umuwi sa bahay. Balita ko kasi nagta-tantrums na naman ang step mother ko dahil hindi ako nakikita. Tch. Sinumbong na naman yata ako ni Yuan. That jerk.

Matapos nito, dumiretso ako palabas ng unit. Saglit akong sumulyap sa unit ni Nicoleen. Mukhang di pa siya nagigising. Dahan-dahan akong lumapit at inilapag sa tapat ng pintuan niya ang bote ng gatas na hawak ko. Hindi naman niya malalaman na ako ang naglagay 'di ba? This is just to satisfy my conscience.

Nag-drive ako ng humigit kumulang tatlumpung minuto papunta sa bahay. Laking pasalamat ko na lang dahil maaga pa at walang sumalubong na traffic sa'kin sa daan. Malayo pa lang, natatanaw ko na si Manang Rosing na binubuksan ang gate, tila ba kanina pa ito nag-hihintay sa labas.

"Kanina ka pa hinihintay ng mommy mo, hijo." nakangiting bungad sa'kin ng matanda.

Tumango lang ako at gumanti ng ngiti saka ko idineretso ang sasakyan papasok ng gate. Ipinark ko lang sa gilid ang kotse, wala naman akong balak magtagal dito. Papagalitan ko lang kay Yuan na tigilan na ang pagsusumbong. Speaking of him, nakatayo ang !@#$ sa harap ng pinto.

"Finally!" malakas na bulaslas nito nang makita niyang bumaba ako. "Nagpakita ka rin sa'kin, bro!" wika niya at akmang yayakap sa'kin.

Umiwas agad ako at tinapunan siya ng masamang tingin. "Thanks to you and your trouble maker mouth." malamig na tugon ko.

"You never changed, bro!" humalakhak si Yuan at inakbayan ako. "Ako na naman ba dinahilan ni mom?"

"Sino ba sa tingin mo?" iritadong saad ko. "Get your stupid arm away from me, Yuan." sita ko sa kanya sabay tabig sa kamay niyang naka-akbay sa'kin.

Ihinagis niya ang dalawang kamay niya sa ere. "Chill, bro. Si mom talaga nagpupumilit magpapunta sa'yo dito." paliwanag niya habang sinusundan ako papunta sa kwarto ni Sandra. My step mother.

"Bakit niya 'ko gustong makita?" seryosong usisa ko at huminto sa harapan ng pintuan.

"I don't have any idea." tipid na sagot niya.

Tch. Useless crap. Bulong ko sa isipan ko bago tuluyang buksan ang pinto.

"Ingat lang. She's in a bad mood." pahabol na babala nito sa'kin.

Hindi ko na maalala kung kailan ang huling pagkakataon na nakapasok ako sa kwartong 'to. Mula nang mamatay si Dad at naiwan kaming lahat kay Sandra, nilayo ko na rin ang sarili ko sa kahit anong magpapaalala sa'kin sa pagkawala niya.

"Mabuti naman naisipan mo pang umuwi, Paix." narinig ko na naman ang boses niya. Cold and sarcastic. Maraming nagsasabi sa'kin na magka-ugali kami kahit na hindi ko siya tunay na ina.

"Wala na nga akong balak eh. Yuan just told me that you're throwing tantrums again." kaswal na sagot ko. Humakbang ako palapit sa office desk at umupo sa harapan niya.

"Kamusta na?" lumambot ang ekspresyon ni Sandra. "I heard about Yara -- "

"Stop." putol ko sa pagsasalita niya. "Kung si Yara na naman ang pag-uusapan natin, cut it off. I'm moving on." maagap na saad ko.

"Alright. Just checking. You don't look so well." may tono ng pag-aalalala ang mukha niya. I hate it when Sandra acts like a mother.

"I'm fine and grand, Sandra." paninigurado ko sa kanya.

"At hindi mo pa rin ako matawag-tawag na Mommy." mahinang bulong niya pero malinaw kong narinig 'yon.

It's not like I hate Sandra as a mother. Ayoko lang talaga masanay na may sinasandalan. Noong mamatay si Mommy at dumating siya sa buhay namin, lalong gumulo ang pamilyang 'to. Nagpakatarantado na rin ako pero sinagip ako ni Yara. I changed but I realized just now, that I've never opened up to anyone ever again.

"Let's stop this drama, Sandra." sabi ko na lang. "Bakit mo ko pinatawag dito?"

"Here." may binato siya sa direksyon ko, awtomatikong nasalo ko iyon. "Happy 22nd birthday, Paix."

A motorbike. Pagkalabas na pagkalabas ko sa bahay bumungad agad 'yon sa'kin. Nakakatawa pero nakalimutan ko ngang birthday ko ngayon. Biruin mo na si Sandra pa ang magpapaalala sa'kin 'non?

Napangiti ako at tinignan ang susi na binigay niya. "Time for some test drive." bulong ko.

Mabilis akong nakarating sa hotel, salamat sa motorbike na bigay ni Sandra. It feels refreshing, though. Naaalala ko tuloy noong nililigawan ko pa lang si Yara, lagi ko siyang tinatakas kay Tito Ross gamit yung luma kong motor. Tandang-tanda ko pa rin kung paano sinira ni Sandra 'yon dati, kaya siguro ito ang niregalo niya sa'kin ngayon.

"Mr. Montenegro!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Bumungad sa paningid ko si Nicoleen na may kasamang dalawang lalaki. Bumaba agad ako ng motor at tinanggal ang helmet ko.

"So, this is the famous Paix Montenegro." bati ng katabi niyang lalaki na mukhang hindi nalalayo ang edad sa'kin.

"Uh, Paix. Meet my brother, Nathan." singit ni Nicoleen. "And my eldest brother, Nate." pagpapakilala niya sa isa pa niyang katabi.

Parehong matalim ang tingin sa'kin ng dalawa pero tumango na lang ako bilang pagbati sa kanila. I suddenly wondered what will happen if they found out how I made her cry. Ilang pasa kaya lalatay sa katawan ko?

"There's one more." bulong sa'kin ni Nicoleen habang papasok sa lobby, tila ba nababasa ang iniisip ko. "Not just two but three. Subukan mong paiyakin ako ulit, tignan ko lang." pang-aasar niya.

I gave her a cold stare. "I'm ready for them." ganting bulong ko.

Hindi rin nagtagal ang pakikipag-inisan ko kay Nicoleen. Narating namin agad ang venue at mula doon puro tungkol na sa event ang pinag-usapan namin. Kung saan ipupwesto ang mga camera, kung anong mga angulo ang kukunan at kung ano ang dapat mai-highlight.

Habang abalang nag-aayos ang lahat, hindi ko naiwasang tignan si Nicoleen. Kumpara noong nasa Paris kami, mas mukhang kumpiyansa na siya sa sarili niya. From one look, she's not the same helpless girl. She's standing on her own now.

"Mr. Montenegro? Are you listening?" untag sa'kin ni Nathan, isa mga kuya na pinakilala ni Nicoleen.

"Uh. Yes?" tanong ko na lang.

"Kanina ko pa napapansin na iba ang tingin mo kay Nicnic ah?" nakangising puna niya.

"Nicnic?"

"Nicoleen. Nicnic ang palayaw niya."

"Ah." Umiling ako at napakamot ng ulo. "Is that bad?" pabirong tanong ko.

Tumingin din siya sa direksyon ni Nicoleen kung saan ako nakatitig kanina. "No, it's not." preskong sagot ni Nathan. "May gusto ka kay Nicnic?"

"Honestly, hindi ko alam." I answered truthfully. "I'll figure it out somehow."

"Figure it out fast, dude. Marami nang pumuporma sa kapatid ko." bulaslas nito at tumawa.

For example, Justin Montalban. Ugh. That reminds me. Kailangan ko pa lang kausapin 'yon tungkol sa mga sinabi niya.

"Tita Ross?" wala sa utak na naibulong ko nang mamataan ko siyang dumaan palabas ng venue.

"Dude, may sinasabi ka?" tanong ni Nathan.

"Wala. May kukunin lang ako sa labas." palusot ko.

"Okay."

Mabilis kong sinundan palabas si Tita Ross. Nakita ko siyang lumihis sa gilid ng elevator na papunta sa tapat ng wash room. Habang papalapit ako nang papalapit, nakita ko na may kausap siya. Akma na sana akong hahakbang para tawagin siya pero natigilan ako. Si Justin ang kausap niya at mukhang nagtatalo pa sila.

"Nasisiraan ka na ba, hijo?" ito ang galit na sigaw ni Tita kay Justin. "Hindi mo pwedeng ipaalam sa kanya o kay Nicoleen!"

Nicoleen? Bakit nila pinag-uusapan si Nicoleen?

"Bakit tita? May karapatan silang malaman 'yon!" bulaslas naman ni Justin. "Ayaw niyo lang na malaman nilang dalawa ang mga kasinungalingan ni Yara. That's it, right?"

Nakita kong lalong dumilim ang mukha ni Tita Ross at sinampal si Justin. Ayoko muna na mag-isip ng kongklusyon pero -

"How dare you talk about my dead daughter like that!" singhal ni tita na halos papaiyak na.

"She may be dead, pero patuloy niyang ginagawang miserable ang buhay ni Nicoleen!" matigas na sagot ni Justin. "Dapat na malaman ni Paix 'to, whether you like it or not. Tapusin na natin ang kalokohan na sinimulan ni Yara!"

"Anong dapat kong malaman?"

Hindi na ako nakatiis sa mga naririnig ko. Siguro mas okay 'to, sa harapan ni tita ko maririnig ang totoo.

"Paix hijo." gulat na gulat si Tita Ross nang makita ako. "No. Don't mind Justin - "

"Tita, kailangan ko nang malaman ang totoo." putol ko sa pagsasalita niya. "I'm going crazy because of this bullshit!"

Natigilan na siya kaya't bumaling na ako kay Justin. "Spit it out."

"Sigurado ka na ba?" tanong niya. Sa unang pagkakataon, hindi ako nainis sa tono ng boses niya. He sounds like a friend warning me.

Tumango ako. "Just spit it out." pag-uulit ko. "Anong ibig sabihin ng mga huling habilin ni Yara? Anong kalokohan ba 'to?"

"Yara planned this all way back then." tugon niya.

"What? H-How?"

"Siguro ang buong akala mo, si Nicoleen ang may malaking utang na loob kay Yara." may pait sa tono ng pananalita niya. "It's the other way around."

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang huminga nang malalim.

"Hindi pinanganak ng bulag si Nicoleen, she's one healthy little girl back then. Malapit na magkaibigan ang pamilya nila ni Yara kaya naging malapit din sila. I'm their friend too, kaya nakita ko kung gaano sila ka-close. Everything seems to be perfect." saglit na sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Justin pero nawala rin agad 'yon.

"Until a tragedy came. Si Yara dapat ang tatamaan ng firework sa mata pero sinalo ni Nicoleen 'yon. Niligtas niya si Yara at siya ang nabulag. It was supposed to be Yara in that ridden bed for years, can you imagine that? Sinakripisyo ni Nicole ang mata niya para sa sinungaling na 'yon!"

"Justin!" narinig kong saway ni Tita Ross sa kanya.

"I still don't get it." singit ko. Naguguluhan pa rin ako. "How is she a liar? Aksidente ang nangyari."

"Patapusin mo muna ako saka ka humusga." seryosong sagot ni Justin sa'kin.

Tumango ako. "Fine."

"You know how you said you met Yara in Paris? Kung paano siya naging savior at first love mo?"

Nairita ako sa paligoy-ligoy niyang pagtatanong. What's with the random questions?

"Oo." tipid na sagot ko.

"That girl is not even Yara."

Nanigas ang mga kalamnan ko sa sinabi niya. "Ano?"

"Hindi ba nahanap mo siya dahil suot niya yung kwintas na palatandaan mo sa nagligtas sa'yo?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Hindi naman talaga kay Yara ang kwintas na 'yon. At mas lalong hindi siya ang nagligtas sayo." pagpapatuloy ni Justin.

"T-Then, who's that girl?" nagawa ko pa na itanong sa gitna ng pagkagulat ko.

"Nicoleen." tipid na sagot ni Justin. "Bago maaksidente ang mga mata niya, binigay niya ang kwintas na 'yon kay Yara."

That can't be. Nagsinungaling nga si Yara sa'kin? Hindi niya magagawa 'yon.

"B-Bakit walang maalala si Nicoleen tungkol kay Yara? I thought sa ospital lang sila naging magkaibigan?"

"Nicole suffered from amnesia. Noong matamaan ang mata niya ng fireworks, bumagsak siya at nabagok sa bato kaya wala siyang maalala." maagap na sagot niya.

Napahawak ako sa ulo ko. All the dots are connecting now but I can't accept it. Sumasakit lang ang ulo ko. Damn it, Yara!

"Nagsinungaling siya dahil matagal ka na niyang gusto." mahinahon na ang boses ni Justin. "Naiintindihan mo na ba? Yara's true wish isn't about making you smile. Ang gusto niya, maibalik kay Nicoleen lahat ng dapat sa kanya. Starting with the eyes - and you. And that's too much in my opinion. You don't deserve Nicoleen at all."

Napapikit ako sa huling sinabi niya. Hindi dahil nasaktan ang pride ko kundi dahil tama siya. Damn it. Hinamak-hamak ko si Nicoleen! Wala akong kaalam-alam na siya pala ang nawalan dito.

Yara, how could you do this? Kaya ba iniwan mo ang mga katagang 'yon sa'kin? Kaya ba sinulatan mo si Nicoleen? You planned all this to cover your lies? Damn!

"Ngayon sabihin mo sa'kin, don't you hate Yara now?"

No. Hindi ko kamumuhian si Yara kahit kailan. I just hate all this. How it turn out. I hate her lies.

To be continued

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Go to Taipei!

by: marla, 2014-11-25

The title of this post pretty much sums up what I've been encouraging/urging/begging people to do since I got back in town last week. Taipei is charming and cultured and colorful...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved