Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: 30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 14.]  (Read 2025 times)

glimpseofsmile

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +1/-0
  • "Life is too short to frown; so smile now! :)
30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 12.]
« Reply #15 on: May 16, 2013, 06:40:35 PM »


Chapter 12

 



Nagkatingan kami. Eye to eye. His eyes, never leaving mine. Mga ilang segundo yun hanggang sa magsalita na yung mama ni Andrea.

 

“Sige na. Hindi na kayo bata kaya alam niyo na kung anong kailangan niyong gawin. You need to talk, and settle things.”

 

Tumango naman si Karl at binuksan yung pinto sabay lumingon sakin ulit, “Lunch?” then tumango ako sakanya and the next thing I saw, andito na ko sa hallway ng hospital kasama niya.

 

Nurses, patients, doctors are passing by us pero wala parin kaming imik sa isa’t isa. Hanggang sa bigla siyang magsalita.

 

“San mo gustong kumain?”

 

“Ah? Ang totoo niyan, hindi ako gutom kasi marami akong kinain kanina sa bahay.” Bigla naman siyang napaisip.

 

“Drinks?”

 

“Sige.” Naghanap kami ng vendo machine sa hallway ng hospital. Meron naman kaming nakita at nag hulog si Karl ng bill dun. Medyo nagulat ako kasi pag bukas niya ng wallet niya, nakita ko dun yung picture naming dalawa. Hindi niya parin pala inaalis. Then maya maya, nahulog nalang yung mga canned pineapple juice namin. Umupo kami sa mga upuan na nasa tabi ng vendo machine.

 

Walang tao sa hallway, tahimik, and we can only hear each other’s breath.

 

Binuksan ko yung drink ko, then uminom ako ng konti. Then he started the conversation. “Tine.. I don’t know how to say sorry sa lahat ng nasabi ko. Alam kong nasaktan talaga kita, and sana alam mong nasaktan rin ako. Yung sa mall, nung araw na yun, hindi ko talaga meant na sabihin yung mga bagay na yun. Sinabi ko lang lahat ng yun, para ikaw na yung mag decide na iwan ako. Pero hindi pala madali yun kasi mahal mo talaga ko..”

 

Tumingin ako sakanya at nakita kong seryoso siya. He is so damn serious, then suddenly nakaramdam ako ng heart ache. I've missed him. I've missed talking to him like this. I've missed us. Napansin niya namang nakatingin ako kaya yumuko siya at uminom ng juice na hawak niya.

 

He only said those hurtful words to me para ako na yung kusang umalis? Does that mean puro kasinungalingan lang lahat ng sinabi niya sakin nung araw na yun? Pwede ba kong mag assume na kasinungalingan lang din yung sinabi niyang hindi niya na ko mahal?

 

I stopped from my reverie when he spoke again. “Alam kong galit ka parin sakin, pero naiintindihan ko naman kung bakit. I didn’t mean to hurt you. And—“ hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at nagsalita na ko.

 

“It’s okay. Mas naiintindihan ko na lahat ngayon. Ginawa mo lang lahat ng yun because you care for Andrea. You care for my bestfriend. OUR bestfriend. Thank you Karl. You don’t have to say sorry, because the moment that I knew everything about the reasons behind our break up.. Napatawad na kita.”

 

Nakita ko siyang ngumiti ng pilit. Kaya humarap ako sakanya and offered my hand. “Friends?”

 

Nakita kong seryoso lang yung tingin niya sakin. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sakin. Anong iniisip niya? Anong nafefeel niya ngayon? Hangga’t sa magsalita siya ulit at tanggapin yung kamay ko. “Friends..”

 

 

..

..

……

…………….

 

Nag meryenda kaming magkakasama sa loob ng hospital room ni Andrea. Everything’s okay among the three of us. Okay na kaming lahat kaya masaya ko para sa araw na to. Nung mga 3:30 pm na, nakareceive ako ng text from Patrick.

 

 

 

From: Pat

Hoy. Scavenger ka ng cookies! Hindi nagbibigay to oh. Tapos ka na ba sa hospital? Gusto mo sunduin kita?

 

Nagreply naman ako sakanya at sinend ko kung nasang hospital ako. 2 minutes lang, naka receive ako ng reply.

 

From: Pat

Okay. On the way na ko. Mga 10 minutes andyan na ko. Wag ka magalala, alam ko na parusa ko pag nalate ako kaya hindi ako magpapalate kumander! :P

 

 

Nung mabasa ko yun, hindi ko mapigilang mapangiti. Maybe he was the reason why ang dali kong napatawad si Karl sa mga nangyari. Parang narealize ko na, yung break up namin ni Karl, kahit gano yun kasakit, may good side din yun. Ano?

 

 

 

 

Nang dahil dun, nakilala ko si Patrick.

 

 

 

We met during the loneliest time of my summer day. I met him one rainy summer night. That same night when we started our 30 days of summer together. Pagkatapos ng 30 days, ano na kayang mangyayari samin? Yan ang hindi ko alam. Ang mahalaga, yung ngayon. Yung mga araw bago matapos tong summer namin na magkasama.

 

 

10 minutes later, naka receive na ko ulit ng text galing kay Patrick. Nasa hallway naraw siya ng 4th floor ng hospital. Tumayo na ko at nagpaalam kay Andrea at kay tita Aria.

 

“Babalik ako bukas Andrea. Magpagaling ka ha. See you tomorrow!”

 

“Thank you sa pagdalaw Tine. See you tomorrow.” Nagbeso pa kami sa isa’t isa. At nung palabas na ko ng pinto, hinabol pa ko ni Karl.

 

“Hatid na kita.” Tumango lang ako sakanya and lumabas na kami ng tuluyan sa hospital room ni Andrea. Naglakad kami sa hallway ng tahimik hangga’t sa magsalita siya.

 

“Mag isa kalang bang uuwi? Gusto mo ba hatid na kita?” biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig ko yun. The same old feeling went back. The memories of us together came back. Nakatitig lang ako sakanya, speechless hanggang sa may biglang umakbay sakin at hinead lock ako.

 

“Kanina pa kita inaantay dito. Haha! Tagal mo.” And I saw Patrick’s smiling face. His smiling face.. and Karl’s serious expression.

 

“Hmm.. Patrick, Karl. Karl, Patrick. Hindi naging maganda yung una niyong pagkikita, kaya sana maging okay narin kayong dalawa ngayon.”

 

Ngumiti lang si Patrick tapos inoffer niya yung kamay niya, “Patrick nga pala.”

 

Nakatingin lang si Karl. Palipat lipat yung tingin niya saming dalawa ni Patrick, hangga’t sa tinanggap niya na yung shake hands. Nung magbitiw sila, hinawakan na ni Patrick yung kamay ko. “Tara na. Excited na kong matikman yung cookies eh.”

 

Hindi na nagsalita si Karl after nun, kaya nag wave na ko sakanya. “Bye. Ingat pag uwi mo mamaya.”

 

Then naglakad na kami ni Patrick papunta sa elevator at papalabas ng hospital. Tahimik lang kami parehas sa di malaman na dahilan habang nasa taxi kami pauwi sa subdivision.

 

Nung nasa tapat na kami ng bahay namin, nagbayad na si Patrick sa taxi at bumaba na kami. Wala parin kaming imikan hanggang sa buksan ko yung pinto ng bahay. Wala parin ata sila mama. Dumiretso si Patrick sa Ref at kinuha yung cookie jar. Binuksan niya yun, tapos kumuha siya ng isa tapos kinain yun.

 

Inaantay ko lang yung expression niya, hanggang sa magsalita siya. “Wow! Ang sarap! Pwede ka ng mag audition sa master chef. Ito na ata pinakamasarap na cookies na natikman ko!” tapos kumuha ulit siya, then kumuha ulit. Mukha pa siyang masaya habang kinakain niya yun.

 

Napangiti nalang ako. Alam kong hindi masarap, dahil natikman ko yun kaninang umaga. Sinasabi niya lang masarap dahil ayaw nyang mahurt  ako. This is Patrick. My own version of a super hero. He always knows the right words to say sa mga panahong malungkot ako. Yep, sobrang lungkot ko ngayon after sa conversation namin ni Karl kanina. Kahit na napatawad ko na siya, masakit parin para sakin na hanggang magkaibigan nalang kami ngayon. Bigla naman akong napatigil sa pagiisip ng lumapit si Patrick at inaabutan ako ng cookies.

 

“Gusto mo?” alok nya ng may malaking ngiti.

 

“Natikman ko na yan kanina. Hindi mo na kailangang magsinungaling na masarap, kasi hindi naman. Ang pangit kaya ng lasa na kahit ako na gumawa mismo, hindi ko kayang tiisin.”

 

“Ganun ba? Eh bakit mauubos ko na?” tapos inangat niya yung jar at nakita kong konti na nga lang yung laman nun.

 

“PANO MO NATIIS KAININ YAN?” =__=

 

“Pag hindi ko kinain to, edi masasayang effort mo diba. At least sinubukan mong mag bake. Hayaan mo sa susunod, maayos mo na to. People are getting smarter the second time around, you know!”

 

“Eh? Ang lalim naman nun! Mag luto nalang tayo ng pancakes.”

 

Nung araw na yun, nagluto kami ng pancakes dalawa. Nakakainis nga kasi nilalagyan niya ko ng flour sa mukha kaya nung nainis ako, nilagyan ko rin siya sa buhok. Hindi naman siya nagreklamo at tumawa lang dahil mukha na daw siyang lolo dahil pumuti na yung buhok niya.

 

Minsan naguguluhan na ko pag kasama ko siya. Ano ba talaga kami? Anong meron samin? Anong mangyayari samin after 30 days?

 

 

 

Walang kasiguraduhan. Walang may alam saming dalawa. Basta ang alam lang namin, masaya kami pag magkasama.

 

 

 ..

.....

........

 

The next day, was a very nice day. As in umaga palang good vibes na ko ng dahil sa hindi malamang dahilan.

 

Bumaba ako ng hagdan ng may malaking ngiti sa mukha. Hanggang sa mawala yung mga ngiting yun ng makita ko si mama na may kausap na bisita.

 

 

 

Hindi lang basta bisita.

 

 

 

 

 

 

He's our dad.





------
to be continued..


ItsBlueHeart

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: 30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 12.]
« Reply #17 on: August 25, 2013, 05:15:39 AM »
 :D
ItsBlueHeart

glimpseofsmile

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +1/-0
  • "Life is too short to frown; so smile now! :)
30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 13.]
« Reply #18 on: September 21, 2013, 04:34:26 PM »
CHAPTER 13

 

 

I saw my mom sitting in front of my biological father na kahit kelan, hindi ko naman nakilala. I know how he looks like dahil pinapakita noon ni mama yung mga pictures niya sakin. Hindi maalis sakin yung sobrang galit ko sa sarili kong ama. He never held my hand when I was young, he wasn't there to bring me to school, he had never been there for me when I needed him the most. Tapos andito siya ngayon? Anong ginagawa niya dito?

 

Tumayo si mama mula sa pagkaka upo sa sofa at lumapit sakin. “Tine, I can fix this up. You can go back to your room, isama mo rin si baby Nathan.” Sabi ni mama habang nilalagay sa kamay ko yung kamay ni baby Nathan. Naka tingin lang ako sakanya at sa ‘bisita’ namin.

 

Hangga’t sa hindi ko na makayanan at kumukulo na yung dugo ko. “Masyado pang maaga para sa BISITA. Lalo na kung hindi namin kilala. Kaya pwede? Umalis ka na tapos wag ka ng bumalik.”

 

“Tine!” mom almost half-shouted. Bigla nalang dumating si tita out of nowhere at kinuha si Baby Nathan at dinala sa kwarto sa taas.

 

Kaming tatlo nalang naiwan ngayon dito sa baba, and I can now say whatever I want to say.

 

“Hindi mo ba narinig? We don’t allow strangers inside our house. Kaya makaka alis kana!” hinawakan ni mama yung kamay ko and I can see her crying. Medyo nasasaktan ako deep inside habang nakikita ko siyang umiiyak pero I have to be strong. Hindi ako dapat umiyak sa harap ng walang kwentang tao katulad ng ‘bisita’ namin na to.

 

“Tine.. You grew up so well.. Please let me—“ hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at sumigaw na ulit ako.

 

“LEAVE!!”

 

“Tine please.” Nagmamaka awang sabi ni mama.

 

“Bakit Ma, ano pong gusto niyong gawin ko?! Makipag plastikan ako na tinatanggap ko siya bilang daddy ko?! Sa tingin niyo magagawa ko yun?! Hindi na ko bata ma. I can clearly understand everything!! And he has to leave!!!”

 

“No tine. You can’t understand.. You can’t—“

 

“I can’t understand? Ano bang hindi ko maintindihan bukod sa fact na iniwan niya tayo?! INEEXPECT NIYO BA NA TATANGGAPIN KO SIYA PAGTAPOS NG LAHAT NG PINAG DAANAN KO NG DAHIL SAKANYA?! I’ve been bullied in school because of him! Kung alam nyo lang yung trauma na inabot ko ng dahil sa taong yan!!”

 

Umiiyak din yung ‘bisita’ namin. I wonder why. For sure dahil sa guilt yun. Naguguilty siya sa lahat ng ginawa niya sakin. SAMIN. Kaya siya umiiyak ngayon. He deserves that! Habang buhay nya dapat pag sisihan lahat ng ginawa niya!

 

Lumapit ako sakanya at tinulak tulak siya papalabas ng pinto. But he keeps on fighting at parang gusto niya kong yakapin. I don’t want to be hugged by a stranger! “LEAVE! I SAID LEAVE!”

 

“Tine, tama na please!” my mom is shouting while crying.

 

“NO MOM! HE HAS TO LEAVE!!”

 

“TINE!! THIS IS ALL MY FAULT!!” sigaw ni mama dahilan para mapaharap ako sakanya. Nanginginig yung boses niya at iyak parin siya ng iyak. Hangga’t sa magsalita na siya ulit.

 

“We are not his first family. Kabit lang ako ng daddy mo, naiintindihan mo? It was a sin we both committed at nasasaktan akong malaman na dahil sa pagkakamaling yun, ikaw yung nahihirapan ng ganito. Tine, I’m sorry. I’m really sorry na hindi ko kayo mabigyan ng buong family ni Baby Nathan. It was all my fault. Nag mahal ako ng maling tao.”

 

Halos mapaupo ako sa sahig nung marinig ko yun. Everything that I've heard is just too painful. I’ve never been born out of love. I’ve been born out of a mistake, and that hurts a lot.

 

“Tine, listen to me. Pinagsisisihan ko yung pagkakamaling yun, pero ang hindi ko pinagsisisihan eh yung dumating kayo ni Baby Nathan samin. I love the two of you so much, and you know that.”

 

I started crying. Kahit gusto kong pigilan na umiyak, hindi ko magawa. It’s just too painful not to cry.

 

“Mom, It wasn’t a mistake. Kasi twice nangyari. Dalawa kami ni Baby Nathan. It was both your selfish choice.” Pinunasan ko yung mga luha ko, then tinignan ko yung mukha ng biological father ko. I can see his resemblance to me and baby Nathan. Hindi ko talaga maidedeny na we came from him. Na kahit balibaliktarin ko man yung mundo, he’s our dad. But I still hate him.

 

“If you love your first wife so much, hindi mo dapat ginawa to. You’re just like any other bad husband who ruin their marriage. And I hate you for that! I HATE YOU!”

 

After ko sabihin yun, tumakbo na ko papalabas ng bahay na umiiyak parin. Tinatawag ako ni mama, pero I don’t  care. Masyadong masakit yung mga narinig ko. Masakit yung mga nalaman ko, masakit rin na nasagot ko for the first time ever in my life si mama. Ano ng gagawin ko ngayon? Saan ako pupunta? Takbo ako ng takbo hanggang sa makapunta ako sa bridge.

 

 

And there..

 

 

 

 

I started crying to my heart’s content.

 

 

 

--

 

Patrick’s POV

 

 

Nagising ako ng biglang mag ring yung phone ko. Nakita ko na tumatawag yung mama ni Tine. Yep. Alam niya number ko dahil nag exchange numbers kami nung araw na umalis kami ni Tine para magpunta sa Bohol. Pero teka, bakit siya tumatawag? May nangyari kaya?

 

Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinuha yung phone ko sa side table at sinagot agad yun.

 

“Hello po?”

 

“Patrick.. si Tine..” I heard sobs from the other line. May nangyari kayang masama?

 

“Bakit po? Ano pong nangyari?!”

 

“Nagkita sila ng papa niya.. *sniff* She’s mad Patrick. She ran out of the house. *sniff* P-please.. P-please find her.. *sniff*”

 

“Okay po tita. Wag napo kayong magalala. Ako napong bahala.” Binaba ko na yung phone after nun. San naman kaya pupunta si Tine? Wala akong ibang naiisip na pupuntahan niya pag ganito siya kalungkot kundi sa bridge. Sa bridge na yun. Kung saan una ko siyang nakitang umiiyak.

 

Tumakbo na agad ako papalabas ng bahay. Since malapit lang din naman dito sa subdivision yung bridge, tumakbo nalang ako papunta dun. Hingal na hingal ako at pawis na pawis at the same time. Pag dating ko naman sa bridge, hindi ako nagkamali ng pinuntahan. Naka upo si Tine dun na hawak hawak yung mga tali ng bridge tapos umiiyak na parang batang inagawan ng candy.

 

Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Nagulat siya sa pag dating ko, pero bumalik lang ulit sa pag iyak.

 

“Tine..”

 

“Pat, please. Wag muna ngayon..” mahina niyang sabi while she's still crying.

 

Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko tapos inabot yun sakanya. Natuwa naman ako kasi hindi niya tinanggihan. Huminga muna ko ng malalim, bago nag salita ulit. “Diba sabi ko naman andito ko pag kailangan mo ko. Hay. Sa ilang linggo nating nagsama, bakit ba palagi ka nalang umiiyak? Iyakin ka rin noh? Haha” pinipilit kong patawanin siya, pero talagang umiiyak parin siya kaya hinawakan ko yung pisngi niya, tapos sinandal nalang siya sa balikat ko.

 

“Okay. Sige na, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sakin. Kung gusto mong magalit sakin ngayon, ayos lang.”

 

I heard her sobs, but then she started talking. “Pat, I was born out of a mistake. Mom was dad’s mistress. How could I ever accept that? Sobrang sakit para sakin nung mga nalaman ko. I’ve always dreamt of having a happy family. Kahit hindi perpekto dahil wala namang ganung pamilya. Pero ang gusto ko lang yung sama sama. Yung kompleto. Is that too much to ask? Yun lang naman yung gusto ko eh. My biological father cheated on her first wife. Nambabae siya! And I HATE HIM FOR THAT. Galit ako sa mga taong hindi marunong makontento. Galit ako sakanya!!” And she’s crying hard now.

 

Habang nakasandal siya sa balikat ko, tinitignan ko lang siya. I can see pain through her eyes. Kahit gusto kong alisin yung mga sakit na yun, alam kong this time, mahihirapan ako. I don’t know the right words to say. The right words to comfort her. Pero hindi ba ang mahalaga eh yung nandito ako sa tabi niya para damayan siya?

 

I sighed, “Tine. Yes, maaring nagkamali nga sila. Pero sa pagkakamali nilang yun, andito ka ngayon. Minsan, yung mga pagkakamali natin yung nagdadala satin sa mga magagandang bagay. At ano yung bagay na yun para sa parents mo? Ikaw. Kayo ni Baby Nathan. Don't be mad at him, Don't hate him, kasi kahit ang dami niyang kasalanan sayo, kahit hindi siya yung ideal father na pinangarap mo, still.. Kahit balibaliktarin mo yung mundo.. Tine, he will always be your father.”

 

 

Napahawak siya sa bibig niya nung sinabi ko yun. Mas lalong lumakas yung pag iyak niya kaya niyakap ko na siya. “Shh.. Wag ka ng umiyak. Learn to forgive. At least you’ve known the truth. I think your father still cares for the two of you. Kasi kung kinalimutan niya na kayo, hindi na sana siya bumalik..”

 

Kumalas si tine mula sa pagkakayakap ko, then seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. Her eyes are full of pain and sadness. I am getting lost into her eyes, hanggang unti unti siyang lumapit.

 

Nung inches away nalang yung pagitan naming dalawa, she whispered. “Hindi ko alam kung ano ng nangyari sakin if hindi ka dumating. Pat, thank you.” And slowly, sa unang pagkakataon, we kissed.

 

 

Mixed emotions yung kiss na yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano eh. Siyempre masaya ko. Pero may nagsasabi din sa utak ko na hindi kaya nabigla lang siya dahil malungkot siya? Pero when we kissed, I felt something new. Something that I’ve never felt before.

 

 

Damn!

 

 

I think..

 

 

 

 

 

I think I have fallen in love with her.

 

 

 

 to be continued...

glimpseofsmile

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +1/-0
  • "Life is too short to frown; so smile now! :)
30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 14.]
« Reply #19 on: October 05, 2013, 09:11:19 PM »
CHAPTER 14

 

 

 

Tatlong araw na makalipas nung pumunta yung ‘bisita’ na yun sa bahay. Hindi parin kami nagkakausap ni mama after nun. Lagi akong umuuwi ng gabing gabi na, tapos gigising ako ng sobrang aga tapos aalis ng bahay. Minsan pupunta ko sa bahay nila Patrick at kung ano anong pinag gagawa namin. Madalas naman akong nasa hospital at dinadalaw si Andrea. Katulad ngayon, pupunta ako sa hospital at halos 5 am palang para tulog na tulog pa si mama.

 

Nag shower na ko sa bathroom sa loob ng kwarto ko tapos nag bihis na. Nung tapos na ko mag ayos, dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko tapos dahan dahan din akong bumaba. Pero nagulat nalang ako nung nakita ko si mama na naka upo sa may pinto ng bahay tapos nakatingin sa labas. I can see her hugging herself ng dahil siguro sa lamig. Habang nakatalikod sakin si mama, pakiramdam ko gusto kong yakapin yung likod niya ng dahil sa sobrang pagka miss ko sakanya. Medyo nakakaramdam ako ng galit sakanya, pero alam kong mali to dahil all this time, siya yung gumawa ng lahat para mapalaki kami ni baby Nathan ng maayos. Maybe, just maybe, nag mahal lang talaga siya ng maling tao.

 

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko at lumapit na sakanya at umupo sa tabi niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang nakasandal yung ulo ko sa may balikat niya. Hinalikan niya ko sa may hair ko, tapos hinug niya rin ako.

 

Seconds of silence, hanggang sa magsalita ako. “Ma, did you love him? Did you really love him?” after ko tanungin yun, napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin lang siya sakin.

 

“Hmm.. Yes. I loved him. Alam ko naman na hindi ako yung una, pero tinanggap ko parin yun dahil mahal ko talaga siya. I maybe a complete idiot and slut for doing that. Pero maybe that’s what love can do to people. Pag nagmamahal tayo, nagiging tanga tayo. Ang mahalaga, natututo tayo. I’ve learn so much from what happened. I was wrong, at least I know how to admit that.”

 

“Did his wife know?”

 

“Yes. She knew. Eventually, she found out. Nasaktan siya of course, pero ginusto niya rin kayong makilala. Mabait siya Tine. Kasi kung hindi, matagal niya na sana akong sinaktan. Your dad loved me too but I know that not how much he loves his wife. At wala akong magagawa kundi tanggapin lahat yun. After all, kundi dahil sa pagkakamali na yun, wala sana kayo ni Baby Nathan sakin ngayon.”

 

“Ma, do you want me to forgive him?”

 

Nung marinig niya yun, napahigpit yung yakap niya sakin. “If  you can’t, then I won’t ask you to forgive him. I can’t blame you if you’re still mad at him.”

 

“Ma, simula nung bata ako pinangarap ko talaga ng magkaron ng daddy. Yung daddy na ipagtatanggol ako, tuturuan ako mag bike, yung maipagmamalaki ko sa mga kaibgan at kaklase ko. Pero as time goes by, narealize ko na bakit pa ko maghahanap ng daddy, kung andyan naman yung mama ko na daddy slash mommy sakin? Na mahal na mahal ako?”

 

I saw my mom slightly smile. Yes, I want to see her smile. My mom is so beautiful, at bagay lang na lagi siyang naka ngiti. Minsan naiisip ko, why did my mom choose to be a second choice? Kung pwede naman siyang maging first choice sa iba? Kung pwede naman siyang maging legal wife sa iba? Pero it was my dad whom she chose to love. Wala akong karapatang husgahan siya kasi nagmahal talaga siya ng totoo. Just like what she said, nagiging tanga tayo pag nagmamahal tayo.

 

And my decision is clear. “Mom, I want to meet him. I want to meet my dad. I want to know him more.” That gave my mom a surprise, pero ngumiti lang siya sakin at nag nod.

 

..

…..

…….

 



Pumunta na ko sa hospital after ko mag breakfast na luto ni mama. It feels so good na naguusap na ulit kami. Hindi din ako sanay na hindi kami nagpapansinan eh. Bumili muna ko ng healthy juice drink bago tuluyang pumunta sa hospital.

 

Papasok na ko sa hospital ng biglang makasalubong ko si Karl na papalabas na ata.

 

“Hi.” Bati niya sakin. Ngumiti rin naman ako sakanya.

 

“Hello. Pauwi kana?” I asked.

 

“Hmm, nope. Bibili sana ko ng breakfast para kay Dea. Alam mo naman yun, nababaliw na sa lasa ng hospital food.” I just smiled. Yeah, that’s really Andrea.

 

“Gusto mo sumama? Dyan lang sa mcdo sa tapat? Akin na, ako na magdadala nyan mukhang mabigat eh.” Then kinuha niya yung plastic na hawak ko na naglalaman ng mga health juice drink na binili ko for Andrea. Sumama ako sakanya papunta sa mcdo sa tapat. Breakfast time kaya medyo mahaba yung pila.

 

Nag aantay lang kami sa line at nung turn na namin, humarap sakin si Karl. “Want anything?”

 

“Ah nope. Kakakain ko lang din.”

 

“Tinanggihan mo na na ko nung first, at least accept it this time. Pancakes?” then tumango nalang ako sakanya. Wala naman na akong magagawa. Ganito rin siya dati. Palagi niya kong gustong madaming kinakain. Nung first date namin halos magsuka ko sa sobrang dami kong nakain, or should I say, sa sobrang dami niyang pinakain sakin. Minsan pa sa school, pupuntahan niya ko sa classroom para lang dalhan ng pagkain.

 

I came back to present nung makita ko na naman yung picture namin sa wallet niya pag bukas niya nun. Hindi na ko makapag pigil. I have to ask him about this. “Hey, Bakit andyan pa? I mean bakit hindi mo pa inaalis?”

 

“Ito ba?” sabi niya sabay turo sa picture sa wallet niya. “Hindi ko maalis eh. Hindi ko kayang alisin.”

 

Medyo naguluhan ako dun, aaminin ko. Bakit hindi niya maalis? Bakit hindi niya alisin? Hindi kaya may something parin? ERASE. ERASE.

 

Kinuha na ni Karl yung mga inorder namin tapos lumabas na kami ng mcdo. Papatawid na sana kami pabalik ng hospital, ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. As in hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Then suddenly, naalala ko nung unang beses niyang hinawakan yung kamay ko. Natatakot din ako nung tumawid, then ngumiti siya sakin nun tapos hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko. Karl, bakit? Why are you doing this to me? Why are you giving me mix signs para isipin kong mahal mo parin ako?

 

Tumawid na kami nun tapos pumasok na sa hospital then sumakay na sa elevator. Pag dating namin sa room ni Andrea, wala siya dun. As in walang tao. Nag tanong kami sa nurse station and sabi nila nasa ICU daw si Andrea dahil inatake daw siya habang wala kami. Pumunta kami sa ICU at dahil bawal kaming pumasok sa loob, nag antay nalang kami sa labas nun. Nakikita ko yung pag aalala sa mukha ni Karl, at alam kong ayun din yung nararamdaman ko.

 

Then suddenly narealize ko na hawak parin ni Karl yung kamay ko, so I squeezed it. “Don’t worry. She’ll be fine.”

 

Tumingin siya sakin tapos bigla siyang napasandal sa pader tapos pumikit. “I’m sorry. I think this is because of me.”

 

“Ha?” nagtataka kong tanong sakanya.

 

“Tine, I told Dea that I miss you. That I want to come back to you. Bestfriends kami ever since bata palang kami. Pero talagang hanggang dun lang eh. Ayoko siyang saktan, pero hindi ko maiwasan yung sarili kong bumalik sayo. Nung unang beses kong nakita yung Patrick na yun, Tine. Nasaktan talaga ko. Kung alam mo lang.” I can hear his sighs. Nagulat ako sa sinabi niya, I can feel my heart is beating so fast. As in sobrang bilis na halos aatakihin narin ako sa puso. I can see his face, and he is so damn serious.

 



--PLAY MUSIC AT THE RIGHT (Baby Girl – Innervoices) –



 

 “Karl..” I said with a low voice. “We can’t hurt Andrea.”

 

“Pero mahal kita. Tine, it hurts to let you go. It hurts to see you with someone else.” Hindi ako nakapag salita after nun.

 

“Baby, bumalik ka nalang?” Ayun na siguro yung mga salitang nagpatigil sa tibok ng puso ko. Matagal kong inantay na sabihin niya sakin to ulit. Matagal kong inantay na makipag balikan siya sakin. Pero bakit ngayong sinabi niya na, bakit parang..

 

 

 

Parang hindi ako sobrang saya? Ang nag flash back lang sa utak ko, yung kasama ko si Patrick kahapon. Yung kiss. Yung hug. Am I even in love with Patrick? Bakit pati sarili ko hindi ko na maintindihan?

 

 

..

….

…….

……….

 

2 hours later, lumabas narin ng ICU si Andrea. Dinala ko na sa kwarto niya yung mcdo and healthy juice drinks na dala dala namin ni Karl kanina. Si Karl naman, sinamahan si Tita Aria, yung mama ni Andrea umuwi para kumuha ng mga damit.

 

Nandito na sa hospital room nya si Andrea at ako ang bantay niya ngayon.

 

“Andrea, anong gusto mo unahing kainin? Hmm, medyo lumamig na yung mga pagkain dahil kanina pa to. Nauuhaw ka ba?”

 

Tumingin naman si Andrea sa mga hawak ko. “hmm, kahit juice lang. Medyo nauhaw ako sa tagal ko sa loob ng ICU.”

 

Kinuha ko na nga yung juice then inalalayan ko siyang umupo mula sa pagkakahiga niya. Tapos nilapit ko yung juice sakanya at ginamit yung right hand ko para pansalo sa may ilalim ng baba niya. “Thank you.” She said.

 

“Kamusta na? Okay naba pakiramdam mo? May masakit ba?”

 

She smiled at me, then hinawakan niya yung isa kong kamay. Although may dextrose yung isa niyang kamay, dalawang kamay parin yung pinanghawak niya. “Best..”

 

“Hmm?”

 

“Promise me one thing.”

 

“Yes?”

 

“Date Karl again. Please..” Nanlaki yung mata ko sa mga sinabi niya. Ano daw? Ano daw gusto niyang gawin ko? Makipag date ulit kay Karl? Is she sacrificing herself again?

 

umiling iling naman ako. “No. Andrea, don’t do this for me. Trust me, magiging okay naman ako eh.”

 

“I’m not doing this for you alone. I’m doing this for the two of you. Please, date him again or I’ll be guilty for everything that happened. Please Tine. For me. Magpapagaling ako. Magbobonding ulit tayo. But please, do me this favor.”

 



I can see sincerity in her eyes. I can’t say no, so I just nod.

 

 

..





 

Hapon na at nagpaalam na ko kay Andrea at tita Aria. Nag insist pa si Karl na ihatid ako, pero nagdahilan nalang ako na may pupuntahan ako. Although totoo naman na may pupuntahan talaga ko. Pupunta ko sa bahay nila Patrick.

 

Nung nasa tapat na ko ng bahay nila, kinuha ko yung cellphone ko tapos nag text ako kay Patrick.

 

To: Pat

 If 2 minutes, wala kapa dito sa baba, patay ka talaga sakin! Alam mo na mangyayari sayo!! >.<

 



Maya maya, wala pa atang 2 minutes nakita ko na si Patrick na tumatakbo papalabas ng gate nila. Pag labas niya ng gate, hingal na hingal siya tapos yung suot niyang tsinelas magka iba pa since nataranta ata siya.

 

“Hahahaha! Tignan mo yung tsinelas mo oh.” Sabay tumingin naman siya sa tsinelas niya.

 

“Eh kasi ikaw eh. Nagulat ako sa bigla mong pag text. Nauntog pa nga yung tuhod ko nung tumalon ako sa higaan eh. Napa punta ka ata?”

 

“Aayain sana kita sa playground eh. Bawal naba dumalaw ngayon?”

 

“Sabi ko nga eh. Tara!” naglakad na kami papunta sa playground ng subdivision. Ganun parin yung slippers niya. Magka iba parin. Isang pang babae, tapos isang panglalaki. Sa mama niya ata yung pang babae.

 

Pag dating namin sa playground, umupo ako sa swing tapos siyempre, si Patrick yung taga tulak ko para gumalaw yung swing.

 

“Ang bigat mo. Ang taba mo kasi eh.” Napalingon naman ako sakanya nung sinabi niya yun.

 

“MAY SINASABI KA?!”

 

“Hahaha! Sabi ko na nga ba yan sasabihin mo eh. Namiss ko pagka suplada mo kumander.” Bigla naman akong naguilty dun. Actually, andito lang naman ako para sabihin sakanyang..

 

“Pat, malapit na matapos yung 30 days. And I want to tell you something. Stop the swing please.” Huminto siya sa pagtulak ng swing tapos sinadsad ko yung paa ko sa sahig para huminto yun ng tuluyan.

 

Umupo naman siya sa swing na nasa tabi ko tapos excited na nagtanong. “Yes? Ano sasabihin mo?”

 

I can see him smiling, kaya mas lalo akong naguilty sa sasabihin ko sakanya. I took a deep breath then started talking. “I’m going to date Karl again. Hmm.. thank you for everything. Pero bumalik na si Karl sakin. Pat, mahal niya na ko ulit. Nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sakin. He said sorry, and he told me that he wants me back.”

 

Nakita kong unti unting nawala yung mga ngiti niya sa mukha. Hindi siya nakapagsalita at napayuko lang. “Ganun ba.. Edi solve! Hindi mo na ko kailangan kasi andyan na siya ulit.”

 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swing tapos lumapit ako sakanya at umupo ako sa sahig sa harap niya. Para kahit naka yuko siya, makita ko parin yung mukha niya. “Pat, wag mo naman isipin na kaya lang ako andito kasi kailangan kita. Pero it’s about time to go back to where I am supposed to be. Pat—“ bigla siyang napatayo tapos nakita ko yung seryoso niyang mukha. Or should I say, galit ba siya?

 

“TINE! YOU’RE DUMB! AS IN COMPLETE DUMB!”

 

Nanlaki yung mata ko sa mga sinabi niya kaya tumayo din ako para sigawan din siya. “AT BAKIT MO NAMAN NASABI YAN HA?”

 

“ANO YUNG SINABI MO, IT’S ABOUT TIME TO GO BACK TO WHERE YOU ARE SUPPOSED TO BE? Hindi mo alam, dito ka dapat. This is where you are supposed to be! Ang hirap kasi sayo—“ hindi niya natuloy yung sasabihin niya at napayuko lang siya.

 

Lumapit ako sakanya tapos tinulak tulak ko siya sa dibdib niya. “ANO HA? ANONG HIRAP SAKIN?!”

 

Hinahawakan niya yung mga kamay ko at pinipigilan ako sa pagtulak sakanya. “ANO HA? BAKIT HINDI MO MASABI?! ANO!?”

 

Tinulak tulak ko parin siya hangga’t sa magsalita siya. “Ang hirap kasi sayo, andito na ko, hindi mo pa ko makita. Ano to? Balewala nalang yung kiss? Walang ibig sabihin yun? Walang meaning yun?! Ginawa mo lang yun kasi malungkot ka?! Alam mo ba kung anong hirap sayo?!! MAHAL NA KITA, HINDI MO PA ALAM!”

 

Bigla nalang ako naluha sa mga sinabi niya. I can’t believe this. What did he say? He said he loves me? Damn! He’s a complete idiot!

 

Tinulak tulak ko parin siya habang umiiyak ako. Hinawakan niya yung dalawa kong kamay tapos niyakap ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na hindi na ko makalaban pa. “Yes, I fell in love with you. But I’m not asking for something in return. Basta gusto ko lang malaman mo. Will you stop crying kung babalik ka kay Karl? Magiging masaya ka ba? Hindi na ba kita makikitang umiyak ulit? Kasi kung oo, then bumalik kana sakanya. Feel free to forget about me, but I won’t forget about you.”

 

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin then he kissed me on my forehead. “Thank you din sa lahat. Bye, Tine.”

 

Then unti unti siyang umalis.

 

 

Bakit parang ang sakit? Bakit parang pakiramdam ko mas masakit pa to kesa nung araw ng break up namin ni Karl? Gusto ko ba talaga siyang umalis? Gusto ko ba talaga siyang kalimutan? I don’t want. Ang gusto ko lang naman sabihin sakanya, pwede parin kaming maging mag kaibigan. Pero eto na nga, sinabi niyang mahal niya na ko.

 



Mahal ko na rin ba siya?

 





Mahal ko parin ba si Karl?





 

Naguguluhan na ko. Hindi ko na alam gagawin ko.





Yes, maybe I'm dumb. I'm a perfect description of a complete DUMB. And I’m sorry Pat.

 

to be continued..

glimpseofsmile

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +1/-0
  • "Life is too short to frown; so smile now! :)
Re: 30 days of summer with HIM. ❤ [CHAPTER 14.]
« Reply #20 on: October 12, 2013, 11:33:14 PM »
CHAPTER 15


 

Mga 1 week na after ng sigawan namin ni Patrick. Nakalabas narin from the hospital si Andrea tapos nag sisimula na ulit kaming mag date ni Karl. Inaamin kong namimiss ko talaga si Patrick ng sobra dahil hindi na siya nagpaparamdam. Ilang araw nalang matatapos na yung 30 days. As in 2 days nalang.

 

 

Ngayong araw na to, makikipag meet ako sa biological father ko. Hindi ko parin siya matawag na daddy o papa o kahit na ano pa dahil naiilang talaga ko. Hindi ko pa kaya. Hindi ko nga alam kung isang araw makikita ko yung sarili kong tinatawag siyang ‘papa’ eh. Pinapunta ngayon ni mama yung biological father ko dito sa bahay dahil ayun yung request ko. Handa naba ko? I think I should be. It’s now or never.

 

Nag ayos na ko ng sarili ko, tapos bumaba na. At andun na nga yung ‘bisita’ namin.

 

“Tine..” sabay tumayo siya mula sa pagkaka upo niya sa sofa. Tumakbo naman papalapit sakin si baby Nathan.

 

“Ate, tignan mo oh. Nibigyan ako ng toys. Siya paya yung papa natin.” Lumuhod ako para maging kasing tangkad ko lang si baby Nathan. Ngumiti ako at pinisil ko yung magkabila niyang matatabang pisngi. “Wow naman. Ang dami niyan ah. Sige play ka na. Mamaya makikipag play si ate sayo ha?”

 

“yehey!” tapos tumakbo na si baby Nathan papunta kay mama.

 

Lumapit ako sa biological father ko tapos umupo ako sa sofa kaya umupo narin siya sa sofa na kaharap nun.

 

“Tine.. Sorry. Hindi ko gustong gulatin ka nun sa bigla bigla kong pag punta dito. Maniwala ka, matagal ko na kayong hinahanap. Pero lately ko lang nalaman yung address niyo. You grew up as a fine young woman. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong—“

 

I cut him off. “Don’t say sorry. I can now understand na you have your first family to prioritize. Kahit naman po ano pang mangyari, hindi na mababago yung mga nangyari na. Pero gusto ko pong tanggapin kayo hindi lang para sakin, para narin po kay Baby Nathan. Kasi alam ko naman pong kahit ano pang nagawa niyo, kayo parin yung papa namin.”

 

Lumapit siya sakin, and before I knew it.. He’s already hugging me. Eto pala yung pakiramdam na nagpatawad ka, na mayakap ka ng sarili mong ama.

 

The warmth of his hug.. I can feel that he really is my dad. And even though we are not his first family, at least kahit papano bumalik siya para hanapin kami. How I wish I can say na etong story namin, kami yung first family tapos malalaman naming may 2nd family yung daddy namin like what most story is all about. Pero kami, iba. Kami yung second family. I can’t blame my mom. She loved our biological father, but at least she knows that she was wrong. Yun naman yung mahalaga diba? Yung malaman mo yung pagkakamali mo.

 

 We may never be complete, but at least I've met him. At least I know what he looks like. And suddenly, feeling ko nakompleto narin yung pagka tao ko.

 

--

 

Patrick’s POV

 

 

Hindi ko na ata kinakaya na isang linggo na wala parin kaming balita tungkol sa isa’t isa. Alam kong nagpapataasan kami ng pride, pero kasi.. baka naman masaya na talaga siya kay Karl? At ako nalang tong sira na nag aakala na may chance pa kami.

 

Sinusubukan ko namang kalimutan siya eh, sumasama na ulit ako sa mga gala ng tropa. Pero kagabi nung makita ko yung mga pictures namin sa mga pinuntahan namin nung magkasama kami, hindi ko maiwasang isipin siya. Yung sa tapat ng bench, sa loob ng haunted house, at marami pang ibang pictures. Minsan iniisip ko puro kalokohan yung inabot ko nung kasama ko siya eh. Pero sino bang mag aakala na yung mga kalokohan niya at pagiging masungit niya na yun yung mamimiss ko?

 

Naknampucha! Sobrang gay!! Pero nung isang araw pumunta ko sa hospital para makita manlang si Tine. Alam ko kasing dadalawin niya dun yung kaibigan niya eh. Pero nag aantay ako dun sa fourth floor, hallway ng hospital ng ilang minuto.. Hindi ko siya nakita. Imbes na siya, yung hinayupak pang Karl na yun yung nakita ko.

 

Napansin niya naman ako tapos nag death stare pa nga siya. Hindi ko nga alam kung mahal nya ba talaga si Tine o ayaw niya lang may makaagaw kay Tine na iba dahil lang sa rason na selfish siya at ayaw nyang maka move on si Tine sakanya.

 

Lumapit ako sakanya habang naglalakad siya tapos sumabay sakanyang sumakay ng elevator. “Pare! May gusto ka bang sabihin?” tanong niya sakin ng seryoso.

 

“Inom?”

 

..



….

 

Pumunta kami sa bar down town tapos umorder kami ng mga beer. Uminom inom lang kami tapos nagsimula na siyang mag salita.

 

"Ano kailangan mo? Tungkol kay Tine, tama?"

 

“Diretsuhin na nga kita. Mahal mo parin ba talaga si Tine? O natatakot ka lang na maagaw siya sayo?” natawa siya sa tanong kong yun tapos uminom muna ng beer bago ako sagutin.

 

“Parehas dude. Ano naman yan? Ang gay.”

 

“Naninigurado lang. Kasi baka masaktan na naman yun eh. Ilang beses na kasing umiyak yun ng dahil sa walang kwentang katulad mo! Wag ka sanang magalit, totoo naman eh.”

 

Imbis na magalit siya, natawa lang siya tapos tinap pa ko sa braso. “I saw it you don’t need to tell me. Wag ka magalala, hindi ko na ulit gagawin yun. Alam kong type mo siya, pero sorry ka nalang. Akin parin siya eh.”

 

Medyo napa close fist naman ako nung marinig ko yun. Pero totoo naman eh. Kahit naman anong mangyari, siya parin yung gusto ni Tine. Siya parin yung pipiliin ni Tine.



Napabuntong hininga nalang ako. “Okay, Basta wag mo lang siyang sasaktan ulit. Maghanda ka lang na gumawa ng mga kalokohan para mapasaya mo siya. Kasi ako, nasubukan kong mag push up sa harap ng mga tao dahil late ako sa unang date namin. Wag ka magpapalate, ayaw nya nun. Pangalawa, pag masakit yung paa niya makipag palitan ka ng sapatos sakanya. Kung high heels man yun, edi isuot mo parin. Pangatlo, maghanda ka ng mamake upan dahil gusto niya yun. Pang apat, minsan naiisipan nun na magpakuha ng picture sa loob ng haunted house o sa tabi ng bench poster. Wag ka ng magtaka, mag pose ka nalang. At panlima, bigyan mo siya ng flowers. Tapos bago mo ibigay, lumuhod ka muna sa harap niya.”

 

Natawa lang siya sakin. Alam kong ang corny ko nung sinasabi ko yung mga yun dahil naalala ko yung mga pinagawa niya sakin. Pero sinasabi ko lang yun para kahit ang hirap intindihin ni Tine, eh pilitin niya paring maintindihan. Yun na siguro yung pinaka huling gagawin ko para kay Tine. I said good bye to her, so siguro it’s about time na kalimutan ko narin siya.

 

 

--

 

Tine’s POV

 

 

Days passed. And eto na yung day exactly na matatapos na yung 30 days. Eto na supposedly yung 30th day ng summer na magkasama kami.. Pero nauna ng natapos yung 30 days na yun simula nung nag good bye siya.

 

Mag dedate kami ni Karl ngayon kaya pinili ko na yung pinaka maganda kong dress para sa araw na to. Naghahanap ako ng hair pin sa drawer, ng makita ko yung pictures namin ni Patrick. Yung wacky niya nun sa loob ng haunted house, yung pictures namin magkasama sa Bohol. All those memories. Sa loob ng konting araw, napalapit narin ako sakanya. Hindi ko parin makalimutan yung araw na una niya kong nakitang umiiyak sa bridge. Yung araw din na kinomfort niya ko nung unang beses kong makita yung biological father ko. Andyan siya nung mga panahong kailangan ko siya. Then biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya sakin..

 

‘Ang hirap kasi sayo, nasa harap mo na, hindi mo pa makita.’

 

I came back to present, nung bigla nalang bumukas yung pinto tapos pumasok si mama.

 

“Si Karl nag aantay sa baba. Ayos naba kayo ulit?” I just gave my mom a weak smile tapos lumapit siya sakin tapos umupo sa tabi ko.

 

“Anong meron 'nak? Hindi ka ganito dati ah. Dati, marinig mo lang yung pangalan ni Karl, tatalon kana tapos tatakbo kana pababa. Bakit parang nag iba na yung ihip ng hangin ngayon?”

 

“Hmm.. Ma, ewan ko nga po eh. Naguguluhan na nga din po ako eh.”

 

“Let me think, naguguluhan ka kung mahal mo pa si past, o mahal mo na si present tama ba?” Hindi nalang ako sumagot. Pano alam ni mama yung nasa isip ko? Mama ko nga talaga siya. -__-

 

She sighed, then continued talking. “Hindi kaya naguguluhan ka lang? Hindi kaya sinusundan mo lang yung isip mo na nagsasabi na, si past dapat yung mahalin mo. Kasi nasanay ka ng siya yung mahal mo. Pero hindi mo napapansin, yung puso mo na yung nagsasabi na.. Iba na pala. Iba na pala yung mahal ko. Alam mo Tine, kung mahal mo pa talaga ng sobra si past, hindi ka maguguluhan ng ganyan. Hindi ka magdadalawang isip. Kasi ang puso, pag nagmahal, sigurado.”

 

Napatingin naman ako kay mama. “Ma naman eh. Daig mo pa si papa Jack sa radio kung mag advice eh. Pwede kanang Dr. Love, Ma.”

 

Ngumiti lang siya tapos hinalikan ako sa noo. “Basta, ang gusto ko wag kang gagaya kay mama. Ang gusto ko magpapakasal ka sa altar, ikaw yung bride, ikaw yung pang una. Hindi lang una, yung ikaw lang talaga. I love you Tine, ikaw na mag decide. Follow your heart.”

 

Nag babye na kami ni Karl kay mama tapos inaya ako ni Karl na magpunta sa sports complex para mag bowling. Pag dating namin dun, nag bowling kami ng ilang beses. After nun, nag tennis naman kami. Hindi ako masyadong magaling, pero tinuruan niya naman ako. Nung mapagod na kami, nag hanap kami ng restaurant sa loob lang din ng complex. At the end, napunta kami sa T.G.I Fridays. Dito kami unang kumain sa labas ni Patrick, sa ibang branch nga lang. Pero dito ko siya pinainom ng iced tea na kailangan ubusin niya within 3 seconds. Habang pumipili si Karl sa menu, sinilip ko muna yung cellphone ko.

 

Brinowse ko yung mga pictures namin ni Pat dati. Nakita ko dun yung pictures namin sa haunted house, yung picture niya sa tabi ng bench poster, yung nag make up at nail polish kami, then yung mga pictures sa Bohol. Lahat ng yun nandito pa. Sa kakaisip ko sakanya, hindi ko namalayan na nagtext na pala ko sakanya.

 

To: Pat

 I miss you.

 

SENT!

 

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nung makita kong nasend ko yun!

 

 

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

 

 

Anong ginawa ko??!!

 

Hindi ko naman talaga dapat isesend, pero kusang gumalaw yung daliri ko at pinindot ko yung send button!! WAAAAAHHH!!

 

 

Napansin ata ako ni Karl na nagulat kaya tinignan niya ko. “Okay ka lang?”

 

“Ha? Ah. Oo. Hehe. Nevermind.” Ano bang ginawa ko. =__=

 

 

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa lagay ni Andrea. Tapos yung mga ginawa niya nung nag break kami. Yung mga nafeel niya nung mga panahon na yun. Pwede bang wag nalang yun balikan? Parang nahihiya ako sa mga ginawa ko nung break up scene namin eh. -__-

 

Dumating na yung order at kumain na kami. Nung mapansin ko na ubos na yung iced tea ko, tumingin ako sakanya tapos nakita ko na may iced tea pa siya.

 

“Karl.” Tawag ko sakanya. Napatingin naman siya sakin, tapos huminto siya sa pagkain para antayin kung anong sasabihin ko.

 

“Hmm.. Inumin mo yung iced tea mo within 3 seconds! Dapat ubos mo agad ah. 1.. 2.. 3!!”

 

Imbis na inumin niya yun, natawa lang siya sakin. “Hahaha! Tama nga yung sinabi ni Patrick.”

 

Nanlaki naman yung mata ko dun. “Ha? Anong sabi ni Patrick? Nagkita kayo?”

 

“Oo. This week lang, nag punta pa nga kami sa bar eh.”

 

“Ganun? Bakit wala ka manlang nababanggit sakin?!”

 

He eyed me suspiciously. “Do you need to know? Hindi ko naman alam na gusto mong malaman eh. Is it important to you?”

 

“Ha? Ahmm..” napayuko nalang ako. “Wala lang. Baka kasi pinaguusapan niyo ko behind my back..”

 

“Yes. Actually, napag usapan ka namin.”

 

Napatingin na ulit ako sakanya. “Anong pinag usapan niyo?!”

 

Tumingin siya sakin na may halong pagtatataka. Siguro nagtataka siya kung bakit gustong gusto ko malaman. Hindi ko rin alam kung bakit. Matagal tagal ko ng hindi nakita si Patrick, tapos yung huli pa naming pagkikita hindi naging maayos.

 

“Hmm.. Sabi niya wag daw kitang sasaktan ulit dahil ayaw ka na niyang makitang umiyak. Did he comfort you while I was gone? Tapos, binigyan nya pa ko ng mga tips para daw mapasaya kita. Una, wag daw ako magpapa late sa mga date natin dahil ayaw mo nun. Pangalawa, pag masakit yung paa mo, kailangan ready ako na makipag palitan ng sapatos sayo. Kahit daw high heels pa yun, isuot ko parin. Haha! I would never do that. Pangatlo, maghanda daw ako na mamake upan dahil ginawa mo raw sakanya yun. Baby, hindi mo naman gagawin sakin yun diba? Pang apat, minsan naiisipan mo raw na magpakuha ng picture sa loob ng haunted house o sa tabi ng bench poster. Wag naraw ako mag taka, mag pose nalang daw ako. Hahaha! Mamamatay ata ko pag ginawa ko yun sa harap ng mga tao noh. At panlima, bigyan daw kita ng flowers. Tapos bago ko ibigay, kailangan ko raw munang lumuhod sa harap mo. Haha! How gay. Alam mo namang hindi ko yun magagawa diba? Baby, sadista ka. Bakit mo naman pinagawa sakanya yung mga yun? Nakaka ubos ng pagka lalaki yun eh! Hahaha!” tawa pa siya ng tawa, tapos bigla nalang tumulo yung mga luha sa mga mata ko.

 

Yes, siguro nga hindi mo yun kayang gawin. Kasi si Patrick, wala siyang pake sa pride niya. Ang mahalaga, makita niya kong ngumiti. Si Patrick, kahit ano handang gawin para lang maging masaya ko. Kahit pa ang kapalit nun, mapahiya siya sa harap ng mga tao. Never kong nafeel na sobrang importante yung mga ngiti ko para sa isang tao, hanggang dumating si Patrick. Siguro nga tama si Patrick. All those times na kailangan ko ng kasama, siya yung nandun. ‘Andyan na siya para sakin, pero iba parin yung hinahanap ko.’

 

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagulat naman si Karl. “Baby, bat ka umiiyak? San ka pupunta?”

 

“Pupuntahan ko yung tao na mas mahal ako, kesa sa pride niya. Sorry Karl, pero I think once na pinakawalan mo na yung isang tao, hindi mo na siya maibabalik. Thank you for the one year and the half, but we can’t continue this.”

 

 

 

 

 -- PLAY THE SONG, THIS I PROMISE YOU – NSYNC --

 

 

Hindi ko na pinakinggan yung susunod niyang sasabihin. Tumakbo na ko papalabas. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marinig ko yung phone ko na tumutunog. Nakita ko na tumatawag si Patrick, kaya habang tumatakbo ako, sinagot ko yun. Nakalabas na ko ng sports complex and nakita ko na umuulan na pala. Tumakbo na ko papunta sa highway para maghanap ng taxi. Wala na kong pake kahit mabasa na ko ng ulan.

 

I answered his call. “Hello?”

 

“HELLO? NASAN KA? PUPUNTAHAN KITA. DAMN IT! I MISS YOU TOO! ANDITO AKO SA BAHAY NIYO, PERO WALA KA EH. TINE AL--”

 

Lalo lang akong naiyak sa mga sinasabi niya kaya pinutol ko na siya mag salita. “Pupunta ko sayo. Pupunta na ko dyan. Sandali lang. maghahanap lang ako ng taxi. Antayin mo ko.”

 

Pagbaba ko ng phone, maya maya lang nakahanap na ko ng taxi. Nagpahatid ako hanggang samin. Umuulan parin, palakas ng palakas habang tumatagal. Sana hindi nalang ako umalis ng bahay. Sana noon palang nakapag decide na ko. Sana noon palang alam ko na kung sino talaga yung dapat piliin ko.

 

Nung medyo malapit na kami sa subdivision, sobrang traffic na. Hindi na ko makapag antay na mag sorry kay Patrick. Na makita siya ulit. Na sabihin kong mahal ko rin siya. Kaya nag decide na ko na bumaba na. Nag bayad ako sa driver then tinakbo ko na hanggang papasok ng subdivision. Hanggang sa makasalubong ko si Patrick na may dala dalang payong.

 

Napahinto ako sa pagtakbo at natulala nalang ako sakanya. Tumingin rin siya sakin tapos tumakbo papalapit tapos niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit. And this is what I need. His hug. His presence.

 

“Bakit ka nag paulan?! Sabi ko ako na pupunta sayo eh! Mag push up ka ngayon din ng 10x!” sabi niya sakin kaya napangiti nalang ako.

 

Yakap ko parin siya ng mahigpit at pinapayungan niya parin kaming dalawa. Feeling ko tuloy nasa teleserye kami. “Sorry. Sorry na naging bulag ako. Pero ngayon alam ko na. Pat, mahal din kita. Hindi sukatan yung dami ng pinagsamahan o tagal ng pagsasama, ang mahalaga, mahal talaga kita.”

 

Kumalas siya sakin tapos yung left hand niya, hinawakan ako sa may braso. “Would you mind, to be my girlfriend? Kahit lagpas ng 30 days. Kahit hindi na summer. Kahit hanggang New year, Christmas, lahat na ng occasion. Be my girlfriend, Tine.”

 

Tinignan ko siya sa mga mata niya. His sincere eyes. His sincere words. I’m so lucky that once in my summer night, dumating si Patrick sakin. Umuulan nun, umuulan din ngayon. Is this a sign? Habang tinitignan ko siya sa mga mata niya, I am sure that I want to spend every single day with him. More than 30 days of summer with him.

 

“Hmm.. Ligawan mo muna ko.” I said. And he just smiled at me then hinug niya ko. “Hahaha. Yes kumander!”

 

 

And the moment that he hugged me, I know that I made the right choice. My 30 days of summer with him is over.

 

 

The good thing is..

 

 

I’m gonna spend more days, years, and I dunno how many ocassions with him.

 

 

==

 

10 years later,

 

 

Naka upo ako sa tabi ni Baby Christine. 4 years old na siya ngayon and kinikwentuhan ko siya ng bed time fairy tale. “And.. that’s how we are going to end our fairy tale for tonight. Did you like it?”

 

“Of course mom. What happened to the prince and the princess?”

 

“Hmm.. They are still together. And you call them your mommy and daddy.”

 

“Wow. Mommy was that your fairy tale story?”

 

“Umm.. Yes. The prince and the princess spent too many ocassions together that they finally decided to get married. And after years, Baby Christine came as a blessing to them.”

 

“I love your story mommy. They lived happily ever after just like in fairy tales.”

 

I kissed her on the forehead. “Okay. Time to sleep, sweetie. Good night. Mommy and Daddy love you so much.”

 

She hugged me tight. “Good night mommy. I love you too.”

 

Tumayo na ko then nakita ko si Patrick na kadadating lang from work na nakasilip sa may pinto. Pumasok na siya, then hinalikan niya rin sa noo si baby Christine, tapos bumulong ng good night.

 

This is my family.

 

 

Who would have thought na yung taong bigla nalang dumating sa buhay ko, eh yun pa pala yung magtatagal at makakasama ko forever? :D

 

 

We don’t know when love will arrive. It may come in the worst part of our life. Magugulat nalang tayo, andyan na pala. Love is unpredictable. It can come in the moment when we least expect it.

 

I don’t think our love story is like a fairytale. It has too many twists and turns, real life trials, and most of all.. I am not a princess. Well, whenever I’m with him.. I feel like one.

 

 

Also, we are far from fairytales. Fairytales do have happy endings. While in reality.. TRUE LOVE never ends.

 

 

 

        --------- THE END --------

Copyright ©  2013 by Glimpseofsmile. All rights reserved. This material may not be published, reproduced, broadcast, rewritten, or redistributed without any permission from the author.

 
 


 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

A Lesson In French and Food

by: macy, 2014-07-29

I had a BFF date with my bestie and we decided to try this new restaurant in Shangri-La Mall. I've been seeing Duck & Buvette on Instagram and wanted to try it out for myself. We...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved