Please login or register.

Login with username, password and session length


Poll

Is my story interesting?

Not at all.
0 (0%)
Quite interesting.
0 (0%)
Interesting.
1 (100%)
Super Interesting!!!
0 (0%)
Can't wait for the next update!
0 (0%)

Total Members Voted: 1

Author Topic: Ambivalence CHAPTER 6  (Read 958 times)

LexineMeiriona

  • Guest
Ambivalence CHAPTER 6
« on: April 06, 2013, 06:12:59 PM »
PROLOGUE


"Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn't do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover."


― H. Jackson Brown Jr., P.S. I Love You


'Yan! 'Yan ang motto ko kaya naman lahat na lang ng pumasok sa isip ko na gusto kong matutunan sinusubukan ko.

Sabi ng mommy ko, 2 and a half years old pa lang daw ako, kumakanta na daw ako at sumasayaw. Kaya noong nasa 2nd Grade na ako, sumali ako sa dance troupe ng school hanggang 6th Grade. Tungkol naman sa pag-awit, heto member ako ng choir ng Church namin at ng Glee Club ng school ko ngayon. Oo nga pala, 3rd year High School student na ako.

Gaya nga ng sabi ko, I'd like to learn everything kaya bibigyan ko kayo ng sample ng mga skills na natutunan ko at patuloy na inaaral. Gaya ng kasabay ng pag-aaral ko ng academics, sumasayaw at kumakanta ako every time may program sa school, AT kasabay din noon, sumali din ko sa mga sports gaya ng, badminton, volleyball, surfing, wind surfing at Taekwondo. Marunong din ako sa basketball, sepak takraw, softball, football at darts. Grabe! Ngayon ko lang napagtanto na sobrang active ko pala! Hyperactive!

Gusto ko pa nga magrange shooting, golf, archery, sky diving, wake boarding, cliff diving at fencing kaya lang di kami sobrang rich pero tama lang.

Ang dami ko nang nasabi di pa pala ako nagpapakilala pero bago ang pangalan ko personality muna, pwede? Whether you like it or not, 'yon muna!

*coughs*

First of all, I'm a jolly, trustworthy, thoughtful, loving, and all of the positive traits you can think of, that's me! Just kidding. But yeah, I am just a simple girl living in this chaotic world. Joke ulit.   And second kasi may first (oo, alam kong corny ako), obviously, I am adventurous. Fast learner nga pala ako kaya madami akong kayang gawin. Simple lang naman akong tao, matalino, oo pero 'di pagyayabang 'yon kasi 'pag itinanggi ko false humility na 'yon!

Ito na hinihintay n'yo. Excited na kayo, 'no? Ito na. . .

Basically, I am Marié Chesleigh Anderson. Hep! My name's pronounced as Mar-i-yey Ches-ley. Arte much! Pero ganyan talaga. Hindi ako lilingon kapag hindi ganyan ang pronunciation. Kaya, practice-practice rin. Half-British half-Filipino pero gaya ng sabi ko, hindi kami super rich, tama lang.

So, ayos na sigurong panimula ito. Gusto ko nang ibahagi sa inyo ang ilang kabanata ng buhay ko.

Let us now begin my story for this year.
« Last Edit: May 06, 2013, 07:18:30 PM by LexineMeiriona »

LexineMeiriona

  • Guest
Chapter 1
« Reply #1 on: April 06, 2013, 06:33:31 PM »
CHAPTER 1

Nasabi ko na ba na 3rd year High School student na ako? Kung oo, inuulit ko lang baka makalimutan n'yo. Alam n'yo namang inaalala ko ang kapakanan n'yo. Joke lang. Wala lang talaga akong masabi. Basta, 'yon na 'yon.

O, ayan, nasa school na pala ako. Ang bilis naman.

Nakakalungkot naman, tapos na ang summer pero ayos lang 'yon, magkakaroon naman ako ng bagong friends. Every year kasi nagrereshuffle so, chances are, 2-3 of your former classmates eh classmates mo pa rin.

Nung nakalabas na ako ng kotse, naglakad na ako papunta sa assigned room ng section namin. Hindi ko na sasabihin kung anong mayroon, alam n'yo na 'yon. It's just like the typical back-to-school ambience. Maraming naglipana sa corridors, sa benches surrounding the field, ganoon lang naman. Napansin ko lang, ang conyo ko.

Anyway, lahat naman tayo 'pag first day of meeting may konting awkward atmosphere pero may maingay din since may magkakakilala na. Katulad nito.

Kakapasok pa lang ng kanang paa ko sa classroom namin, "MC!!!" 'Yan si Shey. S'ya ang best friend ko since grade school. Nagpalipat pa yan ng section para lang makasama ako. Ang sweet, di ba? Maganda yan, mabait pa kaya sobrang daming nagkakagusto d'yan. Sobrang dami din ng nagiging boyfriend. Siya si Ms. Popular. Ewan ko ba d'yan, walang siniseryoso pero kahit ganun s'ya, maaasahan 'yan, sobra!

"Hush. Ano ka ba? Ang ingay-ingay mo! Nakakahiya ka!" Nakakahiya talaga kasi napatingin na 'yong ibang kaklase namin. Babaeng 'to talaga, nakakaloka.

"Ok lang yan. Alam naman nila na ganito ako, eh ikaw? Akala lang nila nerd ka pero kung alam lang nila," depensa n'ya tapos tumawa pa ng malakas. Ewan ko ba sa kanya, ang daldal pero poised pa rin.

Umupo muna ako bago ako nagsalita ulit, "Ang ingay mo talaga. Mahiyain lang talaga ako, 'no." Pero siyempre, joke lang 'yon.

"Asus. Mahiyain daw, saang banda?" tanong niya tapos boisterous 'yong tawa niya. Sabi ko nga di ba? Hindi talaga ako mahiyain. Hyperactive nga di ba? Ang contradicting naman yata masyado kung mahiyain ako tapos active din.

"'Di pa ako tapos. Mahiyain lang ako. . .sa una!" sabi ko na may diin sa huling salita.  Ito pala 'yong tamang description. Siyempre naman, kailangan mo munang gamayin kung magtutugma ba 'yong personality mo sa ibang tao. Aba, mahirap na. Ayaw kong magkaroon ng kaaway dahil lamang sa misinterpretation, 'no.

Tumawa na naman siya. Ano ba naman 'yan, sobrang saya naman yata n'ya ngayon. "Baliw ka talaga." Ah, so ako pa 'yong baliw ngayon. Ako ba 'yong tumatawa? Kaloka. "Kaya best friends tayo eh," pagpapatuloy niya. 'Yon na pala. Sige na nga, oo na, baliw din ako. Maghintay lang kayo. Sa mga susunod na araw, makikilala niyo rin ako. 'Yong ako na manghahawa sa inyo ng kabaliwan.

Ang ingay talaga ng babaeng 'to. Ang dami tuloy tumitingin sa'min. At oo nga pala! Yung nerd thingy, alam ko ang iniisip n'yo, di ako ganun! Madami lang talaga akong sinasalihan, hyperactive nga kasi, di ba? I also do not have those over large eye glasses and braces, just to clarify. Wala nga pala ako sa star section, nagpalipat kasi ako. Ayaw ko kaya mapressure kaya nagpalipat din si Shey. Gusto ko lang malaman n'yo na maganda po ako! Simpleng maganda! Hindi 'yan self-praise kasi sabi rin ng mommy ko maganda ako PO.

"Girl, classmate din pala natin ulit si Ken. Ayie," tukso ng bruha. 'Wag n'yo nang pansinin. May trisomy 21(down syndrome/autism) yata 'tong babaeng ito.

"Kadiri 'to. Kung alam ko lang na dito s'ya, eh di sana sa ibang section na lang ako." Totoo, 'no. Kinikilabutan na ako, marinig ko pa lang ang pangalan niya.

"Ang sabihin mo, pinili mo talaga 'to dahil n'ya, BARBIE!" pang-aasar pa niya habang tumatawa. Barbie daw? Hello, 'di hamak na mas maganda naman ako at mas sexy sa Barbie na 'yon, 'no. Pero wala akong ipinahihiwatig diyan, gusto ko lang linawin.

"Kilala mo ako, Shey. Humanda ka pag nasa mood na akong mang-asar," pagbabanta ko. Sigurado kasi ako na hindi siya titigil hangga't hindi ako nagse-seroyoso ng pakikitungo sa kanya.

"Hehe. Peace yo! Joke lang, oo na alam ko namang boyish ka, sayang ang ganda mo teh!" Sayang? Natapon ba? At maganda daw? O, 'yan ha, dalawa na silang nagsasabi na maganda ako. Oo nga pala, just to remind you, may pagkapilosopo nga po pala ang tagapagsalaysay niyo. Kaya kung slow kayo, ito lang ang masasabi ko, good luck!

Walang issue kay Ken, okay? Kasi since first year, kaklase ko na sya eh pag may project na by partner, ako lagi pinipili. Ewan ko ba sa kanya, pero okay naman kami, inaasar lang talaga ako ni Shey. Siguro tinatanong n'yo kung bakit di kaming dalawa and magkapartner. Ang galing ko 'no, may pagkatelepathic ako eh. Joke. Balik sa tanong n'yo, kasi 'yang magaling kong best friend laging lalaki ang inuuna bago ako. Naiintindihan ko s'ya kaya okay lang. Ang bait kong kaibigan,'no? Okay. Tama na. Conceited na ako masyado.

"MC, wow, nagpalipat ka pa talaga para sa'kin. I'm touched!" Ito na naman siya. Bagong araw ng pasukan, nagsisimula agad. Kendrick Moshary Chua. 'Yan ang pangalan niya.

Pero nalalaman niyang, naasar na ako sa kanya kapag, "Hoy Kenshin Himura! Echosero ka!" Kapag pangalan na ni Batusai ang itinawag ko sa kanya. Aba, pasalamat pa siya, ang pogi kaya noon.

"Hindi nga sabi ako yun! Sa gwapo kong 'to pasalamat ka pa at touched ako!" Ang isa pang tao na sobrang proud sa sarili. Pero kung tatanungin niyo ako sa itsura niya, papasa na. Pwede ng ipilit.

"Kayo talagang dalawa, nag-uusap lang kayo kinuha n'yo pa attention ng buong klase," sabi ni Shey na nakaharap ngayon sa kanyang salamin at nagsusuklay. Oo! Ganun talaga kami magusap ni Ken. Close friends na nga kasi kami kasi 2 years na kaming magkaklase at laging magkapartner. Madalas din kami magasaran gaya ngayon, nakaabala pa pala kami.

"Sorry guys, alam n'yo naman na may sakit 'tong si Ken kaya sya attention-seeker, my apologies," sabi ko habang nage-Asian bow. Tumingin ako kay Ken at nag-evil grin.

"Ako pa ang may sakit?! Ikaw kaya, palaging pakipot, gusto din naman akong kapartner. Maswerte ka pa at ako pa lumalapit sa'yo." Ano daw? Anong sinasabi niya?

"So, nasaan doon ang sakit ko? Kasi base dun sa sinabi mo-," pang-aasar ko sa kanya kaya lang pinutol niya. Bastusan lang?

"Nerd!!!"

"I know." Then I stuck my tongue out.

"Psh." Ano ba 'yan, sumuko agad.

Tinawanan ko siya. "Talo," sabi ko hand itinuturo siya.

"May laban ba?" pamimilosopo niya.

Sasagot na sana ako kaya lang, "Hep! Tama na nga kayong dalawa, masyado na kayong maingay at nakakaabala sa iba. Sorry guys," sabi ng bruhang tapos ng magpaganda. Basag trip naman 'tong si Shey nagwa-warm up pa lang ako pinatigil agad. 'Yan tuloy umalis na si Ken. Pumunta na s'ya sa barkada n'ya at sumunod naman ang mata ni Shey kasi puro lalaki 'yon. You know.

"MC!! MC!!! MC!!!!" Hay nako, nagma-man hunting na naman yata ang bruha.

"Ano ba?! Ano palagay mo sa'kin, bingi? Ano ba kasi?" sigaw ko kasi hindi siya tumitigil sa pad-alog sa'kin.

"Ang papable ng mga kasama ni Ken, parang sya lang." Hala, ang loka, dreamy na ang mga mata. Akala mo naman, hindi nakakakita ng lalaki.

Tatayo na sana ako nang pigilan nya ako, "O, san ka pupunta?"

"Kukuha ako ng palanggana, nakakahiya naman sa maintenance crew, tutulo na oh." Lumaki ang mata niya tapos biglang naconscious at pinahid ang bibig na ani mo'y may laway nga.

"Eeeh. Bes naman eh, pero seriously ang gwapo nila." Tiningnan ko 'yong mga lalaking sinasabi niya. Bakit parang ngayon ko lang sila nakita? Transferees? Pero barkada ni Ken. Nagrecruit si Ken? Ang daming kong tanong.

"Hay nako Ansherina! Tigil-tigilan mo na 'yang pangongolekta mo. Maawa ka sa kanila! Maawa ka!" Umarte pa talaga ako ng exaggerated para diyan.

"Una sa lahat, ang drama mo! At wag mo akong matawag-tawag sa pangalan ng manika na yan, hindi na ako bata!" Ang ganda kaya ng pangalan niya, babaeng-babae. "Pangalawa, di ako nangongolekta, sila ang lumalapit, ineentertain ko lang." Asus. Nagpalusot pa ang loka. Ang totoo naman, hinahanap niya 'yong dream guy niya. "Pero MC, kanina pa sila nakatingin sa'yo at wag mong sabihin na baka sa'kin kasi lampas ang tingin nila, sa'yo talaga." Tama ba 'yong narinig ko?

"Wala akong pakialam. They're just fascinated by my presence!" pagbibito ko. Pero wala talaga akong pakialam. Alam n'yo kasi, hindi ulit ako nagyayabang pero dahil nga ang dami kong extra-curricular activities, kilalang-kilala na ako sa school. Masyado lang sigurong ginagawa ni Shey na big deal 'yon.

"Oo! Kaya gamitin mo yan, baka masayang!" Ano bang problema niya sa buhay ko? Nasorahan yata siya sa concern niya para sa'kin.

"Whatever!" Hay nako. Lagi na lang akong pinilit, di ba nya alam na studies first? At saka madami pa akong gustong gawin, sagabal lang yun. Sa opinyon ko lang naman, iyan.

Pagkatapos noon, dumating na teacher namin at pagkatapos ay may dumating pa ulit, at may dumating pa ulit, and at last, my favorite. . .RECESS!!!

Kumain lang ako nang kumain. Nakakagutom kayang makinig sa paulit-ulit na class rules. Pinipigilan pa ako nitong si Shey.

"Hoy! Magdahan-dahan ka nga. Poise 'teh, poise. At saka sayang yang katawan mo, baka tumaba ka." Pageant ba 'to at kailangan prim and proper?

"Poise? Meron, ako nun, gutom lang talaga. At baka tumaba? Athlete 'to tol, mabilis lang 'to matatanggal, di gaya sa'yo," pambabara ko sa kanya. Nakakaasar kasi. Ang isa sa mga ayaw ko eh 'yong ginugulo ako habang kumakain.

"Hay nako. Activated na naman ang pambabara, nakapagsalita pa, concerned lang naman, nilait pa ako. Eh di ikaw na ang athletic, ako na ang hindi! Hmp." Nagtampo agad. Haha.

"Sinong kausap mo?" pang-iinis ko pa ulit.

"Wala! Nagmomonologue ako! Sasali kasi ako sa Speech Club! I'm talking to my hand. Di ba, hand?"

Natawa ako bigla dun ah. "Para kang shunga. Tara na nga." Shey talaga, oo.

Ganyan lang naman s'ya asarin. 'Di tuloy nagsasalita pero di naman ako matitiis n'yan.

Bumalik na kami sa room. Sumunod na yung ibang teachers. I'm bored. I told yah, I am not the stereotypical type of nerd. Actually, hindi talaga ako nag-aaral, prior knowledge lang. Ang yabang lang.

'Yong next teacher pala namin 'yong adviser namin. Aayusin na yung seats, I'm excited to meet new friends.

"Class, since I got your list few days ago, I was able to make your seat plan." Taray ni ma'am, ang sipag! Ang daming bulungan. Makareact naman 'tong mga 'to parang di pa sanay.

"Listen up, guys. Before you move to your proper place, I want to acknowledge the presence of Miss Marie Chesleigh Anderson, the new editor-in-chief of our school paper." Ako? Ano ba yan? Nakakahiya. Si ma'am pala yung facilitator namin ngayon. Kaloka! Bakit broadcasted? Opo. Tama ang nabasa n'yo ako ang bagong editor-in-chief. 'Yan tuloy napatayo ako ng wala sa oras. Nagpalakpakan pa sila. Si Ken at Shey ang nangunguna.

"Go Bes!" / "Ang galing mo partner! Di mo sinasabi ang taas na pala ng position mo sa school paper! Whoo!" Ang daming alam! Daldal!

"Ang ingay n'yo! Shh." Nahihiya na ako. Swear.

"Okay. That's enough. Let's start."

Nagstart na nga. Ang layo naman ni Shey tapos sa gitna pa ako inilagay. Actually, ako ang inuna so hihintayin ko pa 'yong mga katabi ko.

"Miss Rodriguez, sit on the left chair beside Miss Anderson, and Mister Montalla, on her(my) right."

"Hi Chief! I'm Alyssa Rodriguez. Writer ako sa school paper, bago pa lang. A pleasure to sit beside you." Nagbow pa siya at ngumiti. Ano daw? Chief? Ano ako pulis? Haha, writer? Ah, s'ya 'yong isa sa magagaling na nakapasa sa screening.

"Ah. Yes, I remember you. You're a good writer. Nice meeting you. And you need not call me chief, MC na lang." Napapa-English ang lola n'yo.

Nakasmile lang sya all the time, hindi kaya les- ay ewan. Tumingin naman ako sa kabilang side kay Mister Montalla ba yun?

"Hi sir!" Ngumiti ako. "What-"

"ZJ." Ay, kuya uso ang complete sentence. 'Di pwedeng tapusin muna yung tanong? Excited? ZJ daw. Sana katulad siya ni Alyssa 'no para masaya kaya lang mukhang opposite sila.

"ZJ-?" tanong ko.

"Zymon Joshua," sabi niya ng nakatingin lang sa board. Mukha ba akong board? Okay, corny ulit.

Ang tipid naman neto. Paano ako chichika nito. Parang nakakahiya magingay. Parang anytime magagalit sya. Well, anyway, ang arte lang nung Zymonna name. I offered my hand for a hand shake kasi ganun kami kanina ni Alyssa kaya lang di n'ya kinuha. Okay, napahiya ako dun ah. Nakita pa ni Ken, patay ako nito.

"Hahaha. Si Chief nareject ni ZJ! Hahaha." Bwiset! Kailangan ipagsigawan? Nagtinginan tapos nagtawanan tuloy 'yong mga kaklase ko. Lagot ka sa'kin Kenshin Himura!

"Ah. Nice meeting you too," sabi ko dun sa ZJ tapos ibinaba ko yung kamay ko. Humanda ka sa'kin Himura.

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
I'll support this  :D I like the story :D

LexineMeiriona

  • Guest
I'll support this  :D I like the story :D

Thanks! Might post the next chapter tomorrow. :)

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
Thanks! Might post the next chapter tomorrow. :)

okay! gonna wait for it :)

LexineMeiriona

  • Guest
Chapter 2
« Reply #5 on: April 07, 2013, 07:23:06 AM »
CHAPTER 2

Lumabas na si ma'am after nung seatplan asignment kasi may appointment pa daw. Eh di sya na ang busy!

"HIMURA!!!" Naguumapaw na sigaw ko. Wala akong pakialam kung lahat sila nakatingin sa'kin ngayon.

"Hala ka Ken, inis na si MC. Lagot ka." Sa mga sitwasyon gaya nito, si Shey lang at Himura ang nakakaalam kung hanggang saan ko kayang umabot.

"Oh no! Nagtransform na naman ang nerd, amasona na sya! Tago tayo mga kapatid!!!" Loko 'to ah. Amasona daw. Natatawa na ako kaya lang 'di pwede, magaling yata akong artista.

Papalapit na dapat ako kaya lang 'tong magaling kong best friend nagsalita. "MC! Anong gagawin mo kay Ken?" Pipigilan niya ba ako? "Hoy babae umayos ka. . .ang tagal mo na kayang hindi nagttraining baka mabigla ka." Di ba? Best friend ko talaga yan, full support. Muntik na akong matawa pero buti na lang magaling akong artista, kaya, carry on.

"Shey, walang hiya ka! Akala ko tutulungan mo ako. MC, joke lang naman, di ba close tayo, peace na, please," pagmamakaawa niya.

Naglakad lang ako papalapit sa kanya habang nagsasalita siya. "Joke? Which part of it was meant to be a joke, hmm? Close? If that's so, you should know what I do to people who embarrass me, then. And lastly, peace? Sure. Mabilis akong kausap, saka ano bang problema mo, bakit parang takot kang lumapit ako?" Ngumiti ako. Yes, ang taray lang ng acting ko.

Huminga siya ng malalim at saka nagsalita, "Ang dami mo namang tanong, akala ko kasi bubugbugin mo na ako."

"Talaga? I did not think of that, buti nasabi mo," sabi ko ng nakangiti pa rin. Chill lang.

"MC naman eh, hoy bati na tayo, kinakabahan ako sa'yo. Hoy, anong ginagawa mo?"

Habang nagsasalita kasi siya nagclose fist ako at pinakita ko talaga sa kanya. Tapos hiningahan ko. May napanood akong gangster na ganito ginawa. Yung mga kaklase ko nagbubulungan na. Akala daw nila mabait ako, brutal daw pala tapos nakakatakot banggain. Kung alam n'yo lang. "Ito? Wala, nagsstretch lang, ikaw naman."

"MC! Kilala kita, maawa ka."

Tapos itinaas ko yung braso ko at itinutok kay Ken 'yon. Natatawa na ako. Takot na takot sya. Nakapikit na. Tapos 'yong iba nakaabang talaga. Ano bang akala nilang gagawin ko?

"Aray! MC, tama na. Sorry na, aray, makapingot ka naman d'yan uy, wagas. Aray! Masakit na talaga, sorry na," pagmamakaawa niya.

Natawa talaga ako ng sobra. "Kung nakita mo lang itsura mo." Tumigil ako tapos tumawa ulit. "Kung kilala mo talaga ako, alam mong hindi ko kayang manakit ng bongga dahil lang sa simpleng bagay."

"Sige, tawa ka lang dyan, pasalamat ka quits na tayo, ipinahiya mo rin ako," naiinis niyang sabi. Si Ken naman, masyadong nagadamdam.

"Salamat!" sagot ko sa huli niyang sinabi.

Tapos 'yong tension napalitan agad ng mga tawanan. Grabe. Hindi naman ako ganung kabrutal 'no prim and proper kaya 'to. Charot! So 'yon, bumalik na ako sa seat ko then blah blah blah, natapos na din sa wakas. Half-day nga lang pala kami. Ang saya lang. Ganoon talaga sa school namin, may afternoon session pa kasi tapos yung PE classes namin once a week lang, boring! Gusto ko pa naman lagi maglaro. Pero ngayon, bilang editor-in-chief na nga ako, busy na ako. Si Shey umuwi na, hindi kasi 'yon ganoong kaactive sa school orgs eh, tamad kasi.

Pumunta ako sa office namin. Kinausap lang ako ng faci about sa mga gagawin tapos meeting ng konti with the members tapos yun gora na ako. Pero dahil wala pa ang sundo ko, 2 hours pa ako maghihintay  kasi sabi ko  5 pm ako sunduin, kaya maglilibot na lang muna ako at iaapprecite ang nature.

Nasabi ko na bang hobby ko din ang photography? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na. Minsan nagssubmit din ako ng photos pero kadalasan hindi kasi hassle tapos sayang yung effort nung iba pag sa'kin  yung napili. Ang yabang ko lang.

Sikat pala ako, ang daming bumabati. Ngiti naman ako nang ngiti. Capture dito, capture dun, hanggang makita ko ang isang lalaki na nakaupo magisa malapit sa kinatatayuan ko. Lumapit ako, then, *click*

"Hi classmate/seatmate! You alone?" tanong ko na puno ng energy.

"Duh. Mukha bang may kasama ako?" Pilosopo! Now I know the feeling.

Bumulong ako sa sarili ko "Sungit naman nito, ang tipid pa magsalita. Hmp!"

Pinagtaasan nya ako ng isang kilay, ako naman ngiti lang. Narinig ata niya. Patay.

"Hmm? Wala." Tumawa ako ng pilit to compensate. "Bakit nandito ka pa eh kanina pa tayong dismissed ah?" Chismosa lang ang peg ko ngayon. Wala rin kasi akong gagawin.

"May hinihintay." Libre naman magsalita, bakit ang tipid-tipid niya?

Nagpaalam na ako. Mukha naman kasing kailangan ko pa siyang ipush para lang magsalita. "Ah. Ganun ba sige, alis na a-"

"Joshua! Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry. Oh! You are MC, right? Hi!" enthusiastic na bati ni girl.

"Um, do I know you?" tanong ko tapos ngumiti ako.

Tumayo si sungit at kinuha yung braso ni girl. "Tara na nga Simone, ang tagal mo."

Problema nun? "Hi Simone, nice to meet you. Goodbye! :)"

Kinawayan niya ako. Ang epal naman ni sungit kinakausap ko pa yung tao, hinila agad. Pero ang cool, Zymon at Simone (Si-mown). Ang ganda rin nung girl, baka girlfriend n'ya. Ang possessive naman masyado. Anyway, nagtext na si manong driver. Yes! Makakauwi na ako sa bahay!

Pagkarating ko sa bahay, derecho ako sa kwarto ko kasi wala pa ang parents ko. They are busy at work pero keri lang, sanay na ako. Don't get me wrong, naiintindihan ko sila kaya hindi na ako nagtatanim ng sama ng loob.

Bilang active much nga ako, nagpass ako ng paper sa class kanina at pinalagay yung names and numbers nila dun kasi nga ako yung acting president.

To: everybody in class (haha hindi ko naman kasi mailalagay lahat ng names)


Bonsoir! How are you guys today? Hope to know more about you guys. Btw, just texted you so that if you needed anything, you can send me a message here. :D

-MC


Ang bilis magreply ah, ang daming nagttext. ''Yng iba papasalamat, gusto din daw ako maging friend. Basta lahat sila ang haba ng sinasabi. Nakakatuwa pero may nagiisang kakaiba ang reply bukod kay Shey at Ken na abnormal, sino pa nga ba, eh di si sungit.

From: ZJ

Okay.

-----
Like what!? Super tipid talaga. Pero ok na yun kaysa "K." Nakakainis kasi 'pag super effort tapos ganun lang ang sagot.


To: ZJ

Kahit hanggang sa text, ang tipid mo, pero okay lang :D btw, ang cute n'yo at ng names n'yo ni Simone.

-----
After a few minutes...


From: ZJ

Ah.

-----
Okay, ang tipid. Nakikipagfriends na nga ako sa lahat s'ya lang hindi matino. Walang pakisama!


To: ZJ

Would you mind if I ask, bakit parang ngayong year lang kita nakita, ha, ZJ?

-----


From: ZJ

Kasi masyado kang active, tingnan mo nga, third year na tayo, pupusta ako hindi mo pa kilala lahat sa batch natin.


-----
Wow, pwede bang yung matipid na lang ulit? Grabe naman 'to magsalita, bakit kasi nagtanong pa ako, yan tuloy bumalik sa'kin. Pero tama s'ya dun hindi ko pa nakikita lahat sa batch namin.


To: ZJ

Ah, siguro nga, hayaan mo makikilala ko rin sila bago tayo grumaduate. :)


-----
From: ZJ

K.


-----


'Yan na nga! Bahala ka di na ako magrreply. Nakakaasar lang, nakikipagfriends tapos ang sungit, eh di wag it is your loss ,not mine, anyway. Taray ko lang.

LexineMeiriona

  • Guest
Chapter 3
« Reply #6 on: April 10, 2013, 06:41:48 AM »
CHAPTER 3

Another chance to live, I must thank the Lord!

"Good morning, Mom, Dad!" nakangiti kong bati sa parents ko with matching widespread arms pa.

"Ang saya natin ah, what's up?" tanong ni Mommy pagkatapos ko siyang halikan sa pisgi. Ang cool niya, 'no. Kaya nga magkasundi kami maliban lang sa fashionista siya, samantalang ako, nangongolekta lang ng damit. Kaya nga napapagalitan ako minsan.

"Nah. Excited lang po," sagot ko naman. Ganyan talaga ang buhay. Dapat simulan natin ang umaga ng may ngiti sa ating mga labi.

"Alam mo anak, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Ikaw lang yata ang estudyanteng excited magklase," sabi ni Dad pero siyempre in English. Imported si papa eh.

"Dad naman eh! Hindi ba talaga kayo masasanay sa'kin? Sino pong nagsabi na excited akong magklase? What I meant by excited is, excited po akong magkaroon ng new friends." Pero nakakaintidi si Dad ng Tagalog. Aba, dapat lang. Pinakasalan niya ang nanay kong Made in the Philippines kaya dapat magadjust siya gaya ng pagadjust ni Mom sa kultura niya sa Britanya.

"Anak, siguro kung may Miss Congeniality, ikaw na yun!" Loko 'tong tatay ko ah. Tinawanan pa ako. Magsusumbong ako!

"Mom, si Dad po oh, inaasar po ako." Ang bait ko, 'no. Napakahalang na bata, sumbongera nga lang.

"Ewan ko sa inyong dalawa! Ang kulit n'yo. Ang aga-aga nagkukulitan kayo. Dad, may appointment ka pa at ikaw naman magandang babae na kasingganda ng nagsasalita, may class ka pa at kung ayaw nyo malate. Let's eat!" ratatat na sabi ni mudra.

"Aye, Ma'am!" sabay naming sabi ni Dad at nagsalute pa kami.

Cool ng parents ko, ano? Magtataka pa ba kayo kung bakit ako ganito? Kasi nga mana-mana lang yan.

Kumain na kami tapos after siyempre uminom muna ako ng tubig. Aba, mahirap na, baka machoke ako. Tpos, nagbrush ng teeth. Sabog ko lang, ano? Tapos ayon, sabay-sabay kaming umalis pero sa magkaibang sasakyan.

Noong makarating ako sa campus, "Ang ganda nya talaga. Bakit ba hindi sya nagkakaboyfriend?" narinig kong sabi noong isang estudyante.

"Maganda na, mabait, at talented pa! Kaya lang, walang boylet." Ako ba 'yon? Sumasakto sa personality ko ah. Oo, assuming ako minsan.

"Mataas siguro standard n'ya sa magiging boyfriend niya." 'Yong totoo? Ako nga yata 'yong pinaguusapan nila.

"Aba! Dapat lang. Sa ganda niyang 'yan tapos matalino pa, ang awkward naman kung hindi gwapo, di ba?" Thank you. Ay, ano ba 'yan. Naglalakad ako, tapos ganoon 'yong mga naririnig ko. Kaloka sila, pati buhay ko iniitriga pero gora lang. Kung alam lang nila na hindi ako nagpapaligaw. Kayo, alam n'yo ba? Hindi ako lesbian 'no. Ang sagot kung bakit wala akong boyfriend ay hindi naman madrama, normal lang. Basta trip ko lang na wag magboylet. Aba, madami pa akong gustong gawin, baka hindi n'ya trip o kaya naman pigilan n'ya ako. And that's a big no no!

Naglalakad pa rin ako at narealize kong ang layo pala ng room namin, the fact na sa first floor lang yun.

Lakad-lakad lang at may nakita ako.

May nakita akong...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
shunga na nakatingin sa dinadaanan ko.

"Hi Kendrick!" bati ko nang nakangiti.

"Wow! MC, ikaw ba 'yan? Ganda ng mood natin ah," bati naman niya. Tapos bumulong ng, "Sana forever ganyan ka."

"Well, maganda kasi ako kaya maganda mood ko. Ano yung last mong sinabi?"

"WALA!!! Bingi mo! Bleh!" sigaw niya tapos tumakbo sya papasok ng room.

"Aba't! Himura!"

Sinundan ko sya. Actually, narinig ko naman, kaya nga nababasa n'yo yung kwento ko eh. Gusto ko lang ipaulit. Ewan ko ba, hindi buo ang araw ko ng hindi ko s'ya inaasar and vice versa. Para bang kasama na talaga sa routine ko 'yon. 'Yong parang magkakasakit (exaggeration) ako ng wala nun. Basta!

"Himura! Ang ganda-ganda ng bati ko sa'yo, sinira mo na naman ang mood ko!" sigaw ko. Pero siyempre joke lang pero hindi niya alam. Ssh lang, nageenjoy talaga ako 'pag ganito.

"Pasalamat kang babae ka at madami kang naitulong sa'kin sa projects dahil kung hindi, lalabanan talaga kita!" sabi niya habang lumalayo sa'kin.

"Wow! Salamat ha?! Nakakahiya naman sa'yo at ako pa pala ang may utang na loob!" Oo nagsisigawan nanaman kami habang naghahabulan sa classroom.

"Walang anuman!" Loko 'yon ah. Walang anuman daw? Upakan ko kaya siya at ng malaman niya ang 'walang anuman' na sinasabi niya.

"Humanda ka-"

"Aish. Ang aga aga ang ingay." Sino yun? Problema ba niya? Eh di takpan n'ya tenga niya, walang pakialamanan. Kapag ganitong masaya ako, wag na wag niya akong babanggain.

Siga lang? Chos lang. Sino ba kasi 'yon?

Paglingon ko. Bumalik na s'ya sa pagtulog.

Sino?

Si...
.
.
.
.
.
.
.
Si.
.
.
.
.
.
.
Sitsiritsit alibangbang.

Si Hans.

S'ya yung barkada ni ZJ. Akala nyo kung sino, 'no?

Neknek n'yo!

Balita ko, (oo chismosa ako!) matalino daw yan lagi lang tulog kaya kahit nakakabawi s'ya sa exams hindi ganung kataas 'yong grade kasi nga laging tulog.

Working student kaya s'ya? O laging gumigimmick? Joke lang, ayaw lang daw niya makinig sa discussions kaya natutulog na lang. Ang dami ko ng alam hindi ko pa s'ya nakakausap, stalker ba? Hindi. S'ya yung isa sa mga gwapo na itinuro sa'kin ni Shey kahapon, remember? Ang gaga, nakapagstalk, I mean, in the modern day, it is called intensive research, na agad. Tapos kinukwento niya kagabi sa'kin, telebabad na naman.

Anyway, s'ya yung panira ng mood ko, punta na lang ako sa seat ko at mananahimik. . .Kung keri ng powers kong manahimik.

"Hi Chief!" Hyper din, Ate?

"Hey there, Aly!"

"Chief, kanina nung dumating ka, nasa may likod mo lang ako at naririnig ko yung mga bulungan about sa'yo." Chismosa lang din ang peg?

"Ah. Narinig ko din." Hay kawawa naman 'to, ang walang kwenta ko tuloy kausap. Yung Hans na 'yon kasi!

"Pwede ba magtanong?" Ano bang tawag mo sa ginagawa mo ngayon?

Siyempre hindi 'yan sasabihin ko, ang sama ko naman kung ibabaling ko sa kanya yung inis ko. Okay, inhale, exhale, back to normal. "Uh-huh. What is it?" nakangiti kong sabi.

"Bakit nga ba wala kang boyfriend, imposible namang walang nagtatangkang manligaw sa'yo?" Tama nga ang nasa isip ko! Manghuhula yata ako. Paano ko ba 'to sasagutin, para kasing ang lame na excuse yung totoong reason, pero sige na nga, bahala na. Kaysa naman magsinungaling ako, di ba?

"Eh kasi..."

"Laging busy." Napataas yung isang kilay ko, kasi nagulat ako at may nagsalita. Nagulat din ako sa nagsalita.

"Hi ZJ!" bati ni Aly kay sungit. Tapos tumango lang sya. Hindi ko alam kung maiinis ako or what, kasi naman ayaw ko sa lahat 'yong napuputol ang pagsasalita ko, may buelo pa naman 'yon at buti na lang s'ya ang sumagot kasi kung hindi, sasabihin ko na talaga 'yong reason.

Hindi naman talaga big deal 'yong reason ko di ba? Ayaw ko lang talaga ng may makakaalam kasi 'pag nangyari iyon, madaming maghahabol sa'kin. Malamang sasabihin nilang okay lang, susuportahan ako sa lahat ng gagawin ko. Ayaw ko nga noon, minsan nga iniisip ko, bragging rights lang ang habol nila sakaling mapasagot nila ako.

Oo! Assuming ako! Malay n'yo, totoo.

"Yun. Oo, Aly, lagi akong busy kaya wala akong boyfriend," pagsang-ayon ko sa sinabi ni sungit tapos humarap ako kay ZJ. "ZJ, pwede magtanong?"

"Ano pa ba 'yang tawag mo sa ginagawa mo?" Basag! Linya ko yun ah. Kainis!

"Ah. Sorry, nagask lang naman ng permission baka kasi hindi pwede." Wala na, nahiya na ako.

"Pfffffft. Hahahahahahahaha.. MC, feeling ko nahanap mo na ang contrapelo mo. hahahaha" Sinamaan ko ng tingin si Ken tapos tumigil s'ya.

Back to business. "ZJ, kabute ka ba?"

"Hahaha. Ano daw? Kabute? Si ZJ? Haha patawa ka Chief! " sabi ni Alyssa. Naaasar na ako ha, ang ganda ganda ng gising ko tapos ganito.

"Yes. Pumipick-up line. Hahaha" Walanjo 'tong si Ken. Patay 'to sa'kin mamaya.

Pag tingin ko kay ZJ, nakataas yung isang kilay nya yung parang nagtatakang nagtatanong. Nagsmile ako at sinabing, "Naninigurado lang. Bigla ka na lang kasing sumusulpot."

Tapos bigla siyang kumunot, nainis. Tapos nagroll ng eyes. Ha! Buti nga sa'yo. Kahapon ka pang mokong ka ha, baka akala mo.

Si Himura naman. Nakasmile ulit ako, "Ken, shunga ka ba?"

"Bakit?" With matching tone pa noong bakit 'pag may pick up line.

"Anong bakit? OO ang sagot!" sabi ko at tumawa ako ng tumawa pagkatapos. Tapos nagtawanan din ang klase. Siyempre sa pangunguna ko.

"Ah ganun. MC, shunga ka rin ba?" banat naman niya.

"Oo, bakit? Anong problema?" Ha! Akala mo ha, sasakyan ko ang trip mo.

"Naninigurado lang. Shunga rin kasi ako kaya bagay tayo!" Nagkantsawan yung klase dahil sa sinabi niya. Problema nun, bagay daw. Pwe! Kadiri!

"Bagay your face! Fyi, tao ako 'no!" Aba, tao talaga ako, 'no. Ewan ko na lang kung ano siya.

"Basag si Ken, busted!" sabi nung isa sa mga kaklase kong lalaki. Napakunot na lang ako at napatingin kay Ken, nagtatanong kung anong busted ang sinasabi nila. Sagot naman niya sa'kin kibit-balikat. Ewan daw. Oh di ba, nagkakaintindihan kami sa body language lang.

Hinayaan ko na lang sila, dumating na rin kasi yung teacher afterwards.

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
Nakakatuwa yung story! Ang witty ni MC! ang kulit  :D

LexineMeiriona

  • Guest
Nakakatuwa yung story! Ang witty ni MC! ang kulit  :D

Thank you, dear, there are still more to come. :)

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
Thank you, dear, there are still more to come. :)

I'll wait for it ate :D

LexineMeiriona

  • Guest
Chapter 4
« Reply #10 on: April 13, 2013, 03:11:27 PM »
CHAPTER 4


Lumipas ang mga buwan at Agosto na pala. Ngayon ko lang napagtanto, may kabuluhan na ba ang buhay ko bilang nasa ikatlong taon na ako sa mataas na paaralan? Ngayon ko lang din napagtanto na masakit pala sa ulo itong mga pinagsasasabi ko. Masyado itong pormal. Hindi na ako sanay sa kadahilanang ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi na gingamit ng puro ang wikang ating kinalakhan. (Am I saying this right?)

Whew! Ang hirap pala ng pure Tagalog! What I meant was, the Tagalog in its deepest sense, kaya back to normal.

Buwan ng Wika ngayon kaya sa school namin, we are celebrating it. Lahat dapat ginagamit ang wikang Filipino and since Tagalog kami, malamang Tagalog din ang sasalitain namin.

At dahil mayroong ginugunita, ibig-sabihin, magiging abala na naman ang inyong lingkod. Grabe, masyado na akong nadadala sa implementasyon nito kaya kahit sa inyo ganito na ako.

"Magandang tanghali, binibini," natatawang bati ni Kendrick.

"Maganda pa ako sa tanghali, 'no. Just so you know. Ay! Para lamang sa kaalaman mo," biro ko naman. Pero deep inside me, pakiramdam ko talaga mas maganda pa ako sa tanghali. Bakit ganoon?

"Asus. Maganda raw, ang sabihin mo, gwapo! Mas gwapo pa tayo sa tanghali," pangiinis niya. Ken talaga. Hindi pumapalya sa pangaasar sa'kin.

"Ano?! Himura!" Humanda ka sa akin!

"Haha. Aray! Hoy, tama na.hahaha Aray! MC naman eh." Sinabunutan ko nga. Lokong 'to gwapo daw ako, maganda kaya ako. Hmp!

Noong tumigil na ako sa pagsabunot, "Haha. Joke lang naman pero malamang kahit yung iba ganun din ang iisipin," sabi niya habang inaayos ang buhok niya.

"At bakit naman? Sa ganda kong 'to," taas-noo kong tanong sa kanya.

"Bakit, sinabi ko bang hindi? Ang sa akin lang po kasi, parang mas lalaki ka pa po sa lalaki kung umasta," sabi niya tapos hinila niya ako at iniharap sa salamin. Meron kasi sa office ng photography club. And yup, di lang ako member, president pa. Pero magkahiwalay sila ng school paper namin.

"Tingnan mo, anong nakikita mo?" tanong niya. Duh. Malamang reflection ko. Tsk.

"Grabe. Ang ganda ko pala talaga. Nakakatibo," seryosong sabi ko pagkatapos ay tumawa ako. Binatukan niya  ako. "Aray ha, ang drama mo kasi. Hindi pwedeng sabihin na lang nang derecho?"

"Ang demanding mo! Tingnan mo, maganda ka nga pero sinasayang mo lang." Hala, sa kanya pa talaga nanggaling 'yon? Hindi naman natapon ang ganda ko ah.

"Huh?" 'yan na lang nasabi ko.

"Ang slow mo rin minsan kahit matalino ka, 'no? Kasi nga, ang dami kong naririnig na nagsasabing bakit wala ka daw dinidate o manliligaw man lang. Pati nga ako tinatanong nila eh," paliwanag niya.

"O, eh anong sinabi mo?" At bakit kaya siya ang tinatanong nila?

"Malay ko. Hindi naman ako ikaw, bakit sa'kin sila nagtatanong." Sabi ko nga. In fairness to him, seryoso siya ngayon.

"Pfft!" Natawa ako dun ah. "Buti na lang nandito ka, nagigising ako kahit yung ganitong oras dapat tulog na ako." Nagtataka siguro kayo kung bakit nandito ang mokong na 'to. Kasi po nagpumilit, tinatamad pa raw umuwi, tambay lang daw muna s'ya. Kaya heto ako, nagtitiis, joke lang, I mean kahit papaano hindi bored kasi may nangungulit.
 
"Ikaw ha, habit mo na ang pagtawanan ako. Ano na naman ang nakakatawa?" Naasar na naman.

Bumalik na kami dun sa chairs bago ako nagsalita. "Yung sagot mo. Haha patawa ka talaga Ken."

"Anong nakakatawa dun eh yun naman ang totoo? Psh," inis niyang sagot. Bipolar ba siya?

"Yun na nga yun. Ano bang gusto mong ipoint-out?" tanong ko habng hindi makaget over sa pagtawa.

"Wala naman. After nun, napaisip din ako na sa three years na yun wala nga akong nakikitang nanliligaw sa'yo, unless tinatago mo."

"Shunga! Wala talaga 'no." Masyado bang interesting ang buhay pag-ibig ko. Mga tao talaga, oo.

"Bakit nga?" Makulit lang?

"Bakit gusto mong malaman?" pang-aasar ko kasi parang napaka-attentive niya ngayon.

"Para. . .para pag may nagtanong ulit, may maisasagot na ako?" Doubtful pa siya.

"Hindi ka sure? Haha. Pero. . .hmm. . .bakit nga ba? Hmm. . ." Ganun lang ako ng ganun at naiinis na s'ya. Halata kasi sa mukha niya. Ano ba, sasabihin ko ba o hindi? Sasabihin o hindi. . .Sige na nga. "Actually, hindi ko din alam kung bakit."

"Ano ba namang sagot yan! Ang tagal kong naghintay, yun lang?" Secret siyempre. Ayaw ko ngang malaman niya.

"Eh sa hindi ko alam eh!" Baka nga kasi malaman ng iba pa.

"Pero, may nanliligaw naman sa'yo." Ang kulit niya ah.

"Alam mo, ang chismoso mo na ngayon." Tumawa ako. "Nanliligaw? Included ba dun 'yong nagtatanong kung pwede pero hindi pinapayagan. Kasi kung kasali 'yon, eh di madami na pala naging manliligaw ko," sabi ko habang tumatawa.

"Grabe ka. Do you even know how much it takes a man to confess for the one he likes?! Tapos, hindi mo papayagan?" Problema nito? Nag-English pa.

"Bakit ba masyado kang affected? May reason po kasi ako." Bakit nga ba siya affected?

"At ano naman 'yon, aber?" Makulit, mapilit. Hay nako, Kendrick, pasalamat ka kaibigan kita.

"Eh kasi di ba, kung papayagan ko naman silang manligaw pero alam ko naman na wala talaga akong nafifeel sa kanila, di ba mas sayang lang yung effort nila. Kaya ruthless na kung ruthless, ayoko lang bigyan sila ng false hope kaya nagsisimula pa lang sila, tinatapos ko na. Masama ba ako masyado?"

Nag-isip siya. "Hmm. Medyo. Masakit kasi para sa'min ang mareject. Bukod sa masakit sa pride, masakit din na kahit anong gawin namin, wala nang pag-asa."

"Ahh. Eh ikaw, bakit parang wala kang girlfriend? Hindi ko lang ba nakikita dahil sa ibang school sya, wala talaga o baka naman.. oh my gosh, don't tell me..." Ibinaling ko naman sa kanya ang tanong.

"Hindi ako bakla 'no. Sa gwapo kong 'to. Wala lang talaga. Maka-oh my gosh naman 'to. Ang arte mo!" Parang gulat na gulat siya sa tanong ko ah. Paang kinakabahan?

"Maarte talaga ako. Haha eh bakit wala?" pagpupumilit ko.

"Tingnan mo, chismosa ka rin. Haha. Bakit nga ba? Hindi ko pa nakikita eh or baka andyan na, ayoko lang palang subukan." Ang taray, may love life pala siya, hindi nagkukwento.

"Bakit naman hindi mo itry? Malay mo." Sayang din kasi di ba, malay natin, gusto rin siya noong girl.

"Alam ko kasing hindi niya ako gusto." Madrama din pala 'to. Kawawa naman maencourage nga.

"Paano mo alam, eh hindi mo naman sinubukan?"

"Eh alam ko nga kasing wala akong pag-asa!" Si kuya, nagassume kaagad, malay ba niya.

"Eh bakit ka sumusigaw? Nagtatanong lang naman ako ah!" Sinigawan ko na siya para maiba na 'yong usapan. Ang bigat na kasi.

"Ang kulit mo kasi!!! Aish! Maka-alis na nga. Salamat sa tambay," sabi niya then he slammed the door. Whoa! Galit sya? Ano na namang ginawa ko? Nagtatanong lang naman ako. Hay, I am all alone. Aayusin ko na nga lang ang line up ng magiging model namin mukha namang wala nang magaapply. May magazine din kasi kaming pinoproduce aside from the school paper. After nito, lalabas na lang ako. Maghahanap ng subject.

Naglalakad na ako at naisipan kong itext si Kendrick. Hihingi ako ng tawad. Hindi kasi keribels ng mind ko 'pag may nasaktan ako intentionally or unintentionally. Bait ko lang.

-----
To: Kenshin Himura

Hoy! Ken, sorry na. Kung ano man ang nasabi ko kaya ka nagalit, sorry na. Peace yo! Haha ingat ka sa pag-uwi. :))


After masend nung message, nilagay ko na ulit sa bulsa ko at nagsimula na akong maglakad muli. Nang sa di inaasahang pagkakataon, nabangga ako ng kung sinuman. Natumba ako natural. Ang lakas nung impact kaya sure ako lalaki 'to.

"Sorry, miss. Hindi ko sinasadya, nagmamadali lang kasi ako. Sorry talaga." Actually, okay lang naman ako. Masakit ng konti sa braso pero keribels. Familiar yung boses nya. Anyway, bago ko sya asikasuhin, yung cam ko muna. Asan na? Ayun! Tumayo ako at lumapit sa cam ko para kunin at what?! Eto ang di ko mapapalampas. Lumingon ako para kausapin s'ya pero dun ako sa cam nakatingin habang papalapit sa kanya.

"Actually, kuya, okay lang naman ako pero itong cam ko mukhang hindi," Inis kong pahayag tapos tumingin ako sa kanya. I knew it! S'ya nga!

"MC?!" Duh. Sino pa? "MC, sorry talaga, nagmamadali lang kasi talaga ako kasi may hinahabol akong time, baka hindi ako umabot. Sorry talaga. Tapos yung lens ng camera mo, papalitan ko na lang. Nagmamadali talaga ako eh. Sorry." Puro sorry? Wow! First time ang dami niyang nasabi. Nagmamadali daw. Sus. Tapos napansin ko yung hawak niya, tatakbo na sana sya ulit, kaya lang pinigilan ko.

"ZJ! Sandali. Ano yang hawak mo?" tanong ko sa kanya.

"Papel." Alam kong papel yan, umayos ka may atraso ka pa sa'kin! Bwisit! Tinaasan ko nga ng isang kilay. "Basta kelangan kong ipass. Sige, bye. Sorry ulit."

"Photography Club?" chill na tanong ko ulit.

"Ah. Oo, sige, late na ako." So kasalanan ko pa ngayon?

"ZJ, wait. Pasabay ako." Pero di nya ako pinansin. Dire-derecho lang sya. Sige, ayaw mo akong hintayin ha,   Bahala ka. Haha. Pagkarating namin sa office, I saw him frown, sabi kasi sa'yo hintayin mo ako eh. Psh.

"O! Anyare?" nakangiti kong tanong habang naglalakad.

"Wala. Late na ako. Ikaw kasi." What?! Kasalanan ko pa nga.

Naglakad s'ya papunta sa bench tapos tinapon nya sa field yung papers. Pinulot ko nga."Bakit mo itinapon?"

"Ano pang gagawin ko dyan eh late na ako?" inis niyang sabi. 'Yon lang, galit agad?

"Eh balita ko, kanina pang from 8-12:30 pm ang passing nito ah. It's almost 1 pm," pang-aasar ko pa habang tinitingnan 'yong wristwatch ko.

"Naiwan ko kasi yung form ko kaya nagpaprint ulit ako. Malayo po yung comp shop kaya nagmamadali ako. Happy?" Ah. Kaya pala. Nginitian ko s'ya. Ang sama ng tingin nya. Sinisisi niya talaga ako. Pasalamat ka mabait ako. Naglakad ako, then tumabi ako sa kanya.

Raising my hand holding the papers, I said, "Ito? Wow. Nageffort ka pala talaga. Sorry, I caused the delay. Para makabawi ako..." Tumayo ako then naglakad pabalik sa office.

"Anong ginagawa mo?" Sumunod lang s'ya sa'kin. Pagkarating ko sa may pinto tumingin ako sa kanya tapos inilabas ko 'yong susi. Gulat na gulat s'ya. This is not the ZJ I knew.


"Wala. Isasama ko lang sa pile ng applicants. Just a little help since kasalanan ko di ba?" I grinned and his eyes widened as if realizing the answer to what's questioning him earlier.

While pointing at me, he said, "I-ikaw?"

"Yup. Ayos ba?" tugon ko.

"Sorry talaga sa nangyari sa'yo at sa lens mo. Hay, mas lalo na akong di makukuha nito." Makabuntong-hininga naman 'to, parang inipon ng isang taon.

"Ha? Bakit naman? Wag kang mag-alala hindi lang ako ang pipili at hindi ako name-mersonal 'no." Ngumiti ako at inassure s'ya na totoo 'yong sinasabi ko. Ngumiti naman s'ya, at mukha namang relieved na s'ya.

"Salamat, ah? At sorry talaga." Mukha namang sincere, kaya sige patatawarin na.

"Ano ba 'yan? Nakakabingi ang sorry mo. Oo na nga, okay na. Paulit-ulit ka. Haha. Tara?" Clueless 'yong mukha nya. Ano ba 'to? Gusto niya ba magstay dito? Ila-lock ko siya. "Tara sa labas, ayaw mo?" Tumawa ako.

Mukhang wala pa sa ulirat 'tong taong 'to. "Ah," sabi niya tapos ngumiti siya.

"Yan! Better!" Nagulat siya. Clueless na naman.

"Huh?" kasabay ng infamous raised eyebrow niya.

"Wala. In," panimula ko at nag-isip ng tamang salita. "2 months, ngayon lang kita nakita magsmile. Mas bagay sa'yo," patuloy ko ng nakangiti.

"Aah." Humanda ka sa'kin, this is my time. Chichikahin kita *evil laugh*

LexineMeiriona

  • Guest
CHAPTER 5
« Reply #11 on: April 22, 2013, 07:02:06 PM »
Chapter 5


At dahil may kasalanan siya sa'kin, he had no choice but to go with me.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang layo naman! Ang init-init pa! Tingnan mo yung araw oh, ang taas-taas." Malamang kuya, shunga ka? "'Di ka ba naiinitan?" Hindi naman, sanay na kasi ako 'coz I'm hot! "Eh di ba, ayaw ng mga babae mainitan kasi nagmumukha kayong wasted tapos mangingitim pa raw kayo?" This really isn't the ZJ I knew but he's way better now.

"Ang dami mong sinasabi, sumunod ka na lang!" Patuloy lang kami sa paglalakad habang sinasagot ko yung tanong niya. "Saan? Sa cafeteria. Mataas talaga ang araw, alam ko yun kaya hindi ko na titingnan kasi baka masira mata ko. At oo, naiinitan ako, malamang, tol, tao din naman ako. Oo rin, ayaw ng mga babae mainitan, bakit kayo bang mga lalaki, gusto n'yong mainitan?" He shook his head. "Yun naman pala eh, bakit nagtanong ka pa? Yung magmmukhang wasted, hindi maiiwasan yun pero wala akong pakialam, keri lang. At mangingitim? Pwede rin, pero kung mangitim man ako, ayos lang yun keri pa din," direderechokong sagot pagkatapos ay tumawa ako.

"'Yan ang hirap sa matatalino eh, PILOSOPO!" Duh. Parang ganoon din naman siya kanina.

"Haha, chill. Nageenjoy lang naman ako, lampas na sa ten words sinasabi mo. Cool!"

Tinaasan nya kang ako ng isang kilay then nginitian ko lang s'ya.

Nakarating na rin kami sa cafeteria. Naghanap muna kami ng upuan bago mag-order. Doon kami pumwesto malapit sa magazine stand. At heto ako, ngingiti-ngiti.

"Oh, bakit ka nakangiti dyan?" Bago ko sagutin yung tanong niya, kumuha muna ako ng mags, pinatong ko sa table at saka ako umupo.

"Wala. Magtitingin lang ng shots." Oo na, mahilig po talaga akong magcriticize ng shots.wala lang, tamang trip lang.

"Weird mo rin pala, 'no? Anong order mo? Ako na lang pipila." Wow! Gentleman si kuya.

Nag-isip ako. "Uhm. . ."

"Hoy! Walang am dito uy," sabi niya tapos tumawa. Am-am ka dyan! 'Yon ba 'yong sa bigas, 'yong pinaghugasan ba 'yon? Ewan. Buti na lang tumawa 'to, kung hindi. . .

"Better," sabi ko tapos ngumiti ako.

"Huh? Anong better, butter? Haha!" Namumuro na 'tong lalaking 'to ah. Konti na lang, bibingo na 'to. Ugh!

"Hay nako, pasalamat ka ngayon pa lang kita nakikilala, ngayon pa lang kita nakitang ngumiti at tumawa." 'Yan na lang nasabi ko. Kaloka, lakas ng tama.

"Salamat!" Tumawa na naman siya. "Ano na nga kasi yung order mo? Ang tagal!" Pwedeng maghintay, ang daldal mo kaya.

"Pasalamat ka talaga dahil kung hindi, malamang ginawa ko na sa'yo yung mga ginagawa ko kay Ken." Tapos biglang nagusot yung nakangiti niyang mukha. Oops! Ayaw niya yata magaya kay Ken. Dapat lang kaya umayos siya. "Ha? Order ko? Matagal ka d'yan, eh ikaw 'tong nagiinterrupt sa pag-iisip ko. Eto na, choco cream chip frappe at two slices ng chocolate cake."

"Yun lang? Ang tagal-tagal tapos yun lang?" I just agreed and then smiled. Noong kukuha na ako ng pera, nagsalita siya. "Wag na. Treat ko, may kasalanan pa ako, di ba? Saka babayaran ko pa rin yung lens 'wag kang mag-alala."

Pagkatapos nun, nagsmile s'ya tapos pumunta sa counter. Habang naghihintay ang maganda n'yong tagapagsalaysay, tinitingnan ko bawat pahina ng magazine at kung minsan natatawa ako. Bakit ba, eh yun ang trip ko. Hanggang sa dumating na si ZJ nang hindi ko namamalayan, nakaupo na pala s'ya.


"Oh! Ang bilis natin ah!" gulat kong sabi sa kanya.

"Gwapo eh, kaya yun, pinauna na ako. Haha" wow! Naamaze talaga ako. Ibang-iba sya during the first months.

"Wow! Ang hangin pala dito sa pwesto natin, gusto mong lumipat?" Umakto ako na parang nilalamig tapos tumawa.

Tumawa rin siya. "Joke lang. Oh, heto order mo. Oo nga pala, bakit puro chocolates?"

"Favourite ko eh, problema?" tanong ko habang excited na kinukuha ang haven ko.

"Wala naman. Hindi kaya magkatonsillitis ka n'yan." Doktor ba siya?

"Hindi 'yan, konti pa 'yan. Usually, may kasama pang ice cream. Sabay-sabay kong kinakain." Matakaw ba? Hindi naman. Comfort foods ko kasi ang sweets.

"Grabe pala ang tolerance mo sa sweets. Pero tanong ko lang, di ba sabi mo sabay-sabay mong kinakain." Nagnod ako sabay subo nung cake. "Nakakain ba ang frappe? Wow! Akala ko dati iniinom lang yun." Serious yung tone niya at sinamaan ko talaga siya ng tingin.

"Haha. Joke lang, gaya mo, natutuwa lang din ako kasi hindi pala ikaw yung inaakala ko na mataray at mahirap pakisamahan. Ahaha" ang saya mo! Ako? Mataray at mahirap pakisamahan? Eh Miss Congeniality nga ako kung may awarding man. Judgemental kasi.

Nagroll na lang ako ng eyes (sorry, conyo much. Haha) at s'ya naman ngumiti lang.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ko ng cake at s'ya naman sa carbonara niya nang bigla siyang magsalita. "MC, di ba matalino ka? Bakit walang lasa ang mushrooms?" Tinawag ba niya ako sa name ko? Naamaze pa rin ako. Anong klaseng tanong 'yon? At biglang nagsink-in sa'kin yung tanong.

"Pffft! Hahaha!"

"Anong nakakatawa sa tanong ko?" nagtatakang tanong niya.

"Haha, eh kasi naman, hahaha, yung mushroom. Ahahaha"

"Anong meron?" Nakakunot na siya kasi hindi niya ako maintindihan.

"Haha. Wala, may naalala lang ako. Haha"

"Ano nga?!" Ay nainis?

"Wala lang nga. Naalala ko lang yung sinabi ko sa'yo nung first meetings natin. Haha" Tinaas niya 'yong isang kilay niya. Bakit ang hilig nito magtaas ng kilay? Tapos yun kinwento ko ulit.


---flashback---

"ZJ, pwede magtanong?"

"Ano pa ba 'yang tawag mo sa ginagawa mo?" Basag! Linya ko yun ah. Kainis!

"Ah. Sorry, nagask lang naman ng permission baka kasi hindi pwede." Wala na, nahiya na ako.

"Pfffffft. Hahahahahahahaha.. MC, feeling ko nahanap mo na ang contrapelo mo. hahahaha" Sinamaan ko ng tingin si Ken tapos tumigil s'ya.

Back to business. "ZJ, kabute ka ba?"

"Hahaha. Ano daw? Kabute? Si ZJ? Haha patawa ka Chief! " sabi ni Alyssa. Naaasar na ako ha, ang ganda ganda ng gising ko tapos ganito.

"Yes. Pumipick-up line. Hahaha" Walanjo 'tong si Ken. Patay 'to sa'kin mamaya.

Pag tingin ko kay ZJ, nakataas yung isang kilay nya yung parang nagtatakang nagtatanong. Nagsmile ako at sinabing, "Naninigurado lang. Bigla ka na lang kasing sumusulpot."

Tapos bigla siyang kumunot, nainis. Tapos nagroll ng eyes. Ha! Buti nga sa'yo. Kahapon ka pang mokong ka ha, baka akala mo.

---end of flashback---


Yung itsura niya hindi ko maintidihan kung natutuwa o naiinis.

"Sabi ko sa'yo eh, wala lang yun."

"Hindi wala yun. Sorry ha, ang sama ng pakikitungo ko sa'yo before. May problema kasi ako nun eh. Sorry talaga."

"Huh? Sorry na naman. Pwede ba, wag ka nang hihingi ng tawad sa'kin? Nakakabingi eh. Haha." Ayaw ko nung paulit-ulit.kaloka lang.

"Kahit sobrang laki ng kasalanan ko?" Malaki na 'yon? Agad-agad?

"Hmm, if that's the case, make your actions speak whatever you're sorry for. Deal?" Yes! I'm speaking in English.

"Eh paano kung---" sabi niya pero pinutol ko.

"Okay. We have a deal then. Haha"

"Hay nako. Iba ka talaga, ang childish mo, pero cute tingnan." Cute? Di ba adjective 'yon para sa pet. Ngayon, compliment ba 'yon, o insult? I'll take that as compliment na lang.

"I know right. Haha. Kain na tayo."

"Bakit nga pala tumatawa ka kanina nung dumating ako galing counter?" Ay, huli. Chismoso rin.

"Ah. Yun? Wala naman, tingnan mo kasi." Kinuha ko yung mags at pinakita sa kanya. "Nagtataka lang ako, bakit nandito 'to eh ang pangit ng shot! Hahaha. Oh heto pa."

Ipinakita ko sa kanya lahat ng tinawanan ko tapos... "Ang sama mo. Wag mo nga silang tawanan, yung adviser ng mag ang may kasalanan. Mapanlait ka masyado ha, hindi maganda yan." Ouch! Sapul sa'kin yun ah. Nagenjoy lang naman ako, pero tama s'ya, ang sama ko, mali, ang sama ng attitude ko. Kasi nga maganda nga ako, di ba? Kaya imposibleng sasama ang kagandahan ko. Magiging paradox. Napakataas rin ng confidence ko, pasensya na.

"Sorry." 'Yan lang ang nasabi ko.

"Haha. Ikaw naman ngayon ang nagso-sorry. Okay, you're forgiven. Haha"

At dahil nakakain ako ng chocolates, hyper ako. "Yehey! Thanks for forgiving me. Hahaha"

"Ang weird mo talaga. Haha"

Tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa napagod na kami.

"ZJ, di ba sabi mo kaya ganun ka dati kasi may problema ka?" Nagnod siya. "Na kahit simpleng 'hello' sa girlfriend mo, bawal?

Kumunot ang noo niya bago nagsalita, "Huh? Girlfriend? Sino?"

"Si Simone?" Hindi ba?

Tumawa siya ng bongga. Okay. "Hindi ko girlfriend yun, 'no. Kapatid ko yun. Hahaha" Ako naman ang kumunot ang noo. "Haha sorr--sort of? Haha, kababata ko yun. Well, lagi nga kaming napapagkamalan kaya sanay na ako. Pero hindi ko s'ya girlfriend, best friend ko s'ya."

"Ah. . .hindi ko naman hinihingi yung status n'yo, hindi mo pa sinasagot tanong ko. Haha"

"Ang sagot sa tanong mo ay, nadamay lang yun. Kaya...ugh! Ang hirap, bakit ba kasi ako pumayag sa deal mo, hindi tuloy ako makahingi ng taw---" "hmm?" "taw---tawas?" "Hahahaha. Patawa ka ZJ. Hahaha" "Hay nako. Wala na akong kahihiyan nito." "Hahaha. Okay lang yan, pareho lang tayong pinagtitinginan dito. Haha alis na tayo?" "Tara."

Umalis na nga kami sa naturang cafeteria dahil nakakahiya na kami. Bakit ba, masaya kami eh. Naglakad-lakad lang kami habang tumatawa. Walang basagan ng trip.

"Teka, hindi ka pa ba uuwi?" natanong na lang niya bigla.

"Anong oras na ba?" Tiningnan ko ang wrist watch ko at, "Hindi pa. Ang sabi ko kasi 5 pm ako sunduin eh, ikaw ba?"

"Hindi pa rin, hihintayin ko pa si Simone hanggang 6 pm." Ah, kaya pala palagi siyang whole day.

"Ah. Sige, mauuna na ako baka kasi may pupuntahan ka pa, nakakaabala na ata ako. Thank you sa treat. Sa uulitin." Ngumiti ako at nauna na akong maglakad papunta sa garden. Nagulat ako nang sumunod pala siya.

"Wow! Ang ganda pala dito. Ngayon ko lang nakita 'to." Mukhang namangha talaga siya.

"Cool, 'no? Dito ako tumatambay pag wala na akong magawa sa office eh," sabi ko habang patuloy na naglalakad at hindi lumilingon sa likod.

"Ang sarap ng hangin, parang fresh na fresh." Hinayaan ko na lang siya, naglakad na lang ako at umupo sa may bermuda grass. Siya naman, sumunod ulit at tumabi sa'kin, pero humiga s'ya.

"Hoy! Bumangon ka nga d'yan, yung damit mo baka madumihan, sige ka."

"Hindi 'yan, nacheck ko na. Haha." Baliw talaga 'to. Dati mabibilang mo ang sinasabi, ngayon naman, ang daldal! Pero okay lang at least, may machchika na ako at hindi na ako mahihiyang magingay.

"Ang sarap talaga sa feeling!" Mukhang masaya talaga siya. Hinayaan ko na lang siya. Inilabas ko mula sa bag ko yung sketch pad ko. Wala lang, ayaw ko kasi ng walang ginagawa. The truth is, madami na akong nakatambak na sketch pads sa bahay na puno ng sketches, malamang.

"Ang dami mo talagang talent, 'no? Lahat na lang ata nasa iyo na. Hindi ka ba nagsasawa?" Sabi niya habang nakapikit ang kanyang mga mata at nakalagay yung mga kamay niya sa batok niya.

"Exag? Hindi naman lahat. Hindi ako nagsasawa at hindi ako magsasawa. Ang saya kaya ng madaming kayang gawin." Sobrang masaya. Ika nga nila, Jack of all trades.

"Masaya nga pero hindi ka naman makokontento. Hahanap at hahanap ka ng bago mong aalamin." Oo nga, tama sya. Masaya nga pero hindi naman ako nakokontento. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Lahat na lang nang sinasabi niya may impact sa'kin. Ang dami ko tuloy nagiging realization. Akalain mong sa kanya pa ako nakakapulot ng words of wisdom? Unpredictable talaga siya.

"Ewan, siguro." Wala na akong masabi, totoo kasi. Hindi ko na kailangan depensahan ang sarili ko kasi sapul talaga sa akin.

Pagkatapos noon, nagpatuloy ako sa pagshshade. Naramdaman ko na lang bigla na lang nagvibrate yung phone ko.

-----
From: Kenshin Himura


Haha. Okay lang ako, trip ko lang magwalk out. Asan ka ba ngayon?

-----
To: Kenshin Himura
Sa garden, malapit sa cafeteria. Bilisan mo, uuwi na ako by 5 pm haha


LexineMeiriona

  • Guest
Chapter 6
« Reply #12 on: May 06, 2013, 07:17:33 PM »
CHAPTER 6


"Andyan na ba ang sundo mo?" tanong ni ZJ.

"Ah. Wala pa, si ano iyon--" Naputol ang sinasabi ko nang dumating siya.

"Grabe ka MC! Makapagmadali ka naman," hingal na bungad ni Ken. Nagulat din siya na hindi lang pala ako ang nandito. "O, may kasama ka pala." Itinuro niya si ZJ na nakahiga pa rin at nakapikit.

"Speaking of the devil. . ." sinabi ko at saka tumawa. Nacrumple ang mukha niya. "Nagtanong ka ba? Upo ka nga dito malapit sa'min." Sumunod naman siya. Nang makaupo na siya, "Akala ko uuwi ka na, bakit nandito ka pa?" Akmang tatayo na siya, "Grabe naman 'to, napakabalat-sibuyas! Bakit nga kasi?"

"Wala lang. 'Di ba nga tinatamad pa akong umuwi? Noong bumalik ako sa office naka-lock na kaya I texted you."

"Wow! Ken, conyo ka ah," pang-aasar ko at pagkatapos ay tumawa ako.

"Sapakin kaya kita?" He pointed at me his clenched fist. "Minsan na nga lang magseryoso, panira ka talaga." Tumawa rin siya.

"Naka-inom ka ba?" May topak ata 'tong lalaking 'to.

"Oy, ayaw kong sagutin, baka pick-up line 'yan." Confirmed! May saltik nga.

"Baliw! Tanong talaga 'yun, 'no."

"Sorry. Durog na durog na kasi ako sa mga banat mo. Nagsisigurado na ako ngayon." Tumigil siya sa pagtawa, lumapit sa'king mukha, palapit ng palapit. . .at bumulong(oy ha! Kayo ha! Haha) "Anong ginagawa n'yan dito? Tulog?"

"Hindi ako tulog." Bumangon siya at nagstretch ng katawan.

"Wow! Lakas ng pandinig ah. Kumusta pare?" Nagfist bump sila. Akala ko tatamaan ako. Kasi nga 'di ba, sa left ko si ZJ tapos katabi ko sa right side ko si Ken. Okay, outcast.

"Oh. All boys tayo dito oh." Walanjo 'tong si Ken.

"Eh? Ken, sapok gusto mo? Libre lang," alok ko naman.

"Sabi sa'yo pare eh, lalaki 'to." Tumingin ako kay ZJ. Aba't nakangiti ang mokong.

Tumayo ako. "Saan ka pupunta?" sabay nilang tanong.

"Ay, kambal lang? Kailangan sabay? Aalis na ako, binubully niyo ako!" Tapos sabay nila akong pinigilan sa magkabila kong braso. "Kambal lang talaga. Oo na, uupo na po ulit, oh."

"Bakit nandito kayong dalawa?" sabi ni Ken habang nakatitig sa mga paru-parong umaaligid.

"Masarap kasi ang hangin dito." / "Sumunod kasi siya sa'kin." And Ken's face looked like a crumpled paper for a while then back to normal again.

"So, alin d'yan ang papaniwalaan ko?" tanong ni Ken.

"'Yong sa'kin!" Sabay na naman kami.

"Wow! Kambal din kayo? Triplets na tayo. Bale, all boys." At tumawa na naman siya. Kanina pa n'ya ini-insist na lalaki ako! Upakan ko kaya 'to? Ay, wag na lang, lalo akong magmumukhang lalaki sa paningin nito.

"Babae nga sabi ako Ken, babae!" galit kong sinabi sa kanya. "'Di ba, ZJ?" Tumingin ako sa kanya at hinihingi ang pagsang-ayon niya sa'kin.

"Hmm. . .ewan ko." Ngumiti pa ang loko. WHUTT?!

"Ugrrh! Nakakainis kayong dalawa! Ano bang ginawa ko, bakit ganyan kayo?"

"Dre, may babae bang mas lalaki pang kumilos sa lalaki? Ni walang manliligaw at hindi mo nakikita even once na nagkaroon ng ka-fling?" tanong ni Ken kay ZJ.

"Siguro, kung si MC ang tinutukoy mo, oo." At sabay pa talaga silang tumawa. Kasalanan ko 'to eh. Bakit ba pumayag pa ako na sumunod sa'kin si ZJ at papuntahin dito si Ken kung ganito lang pala ang aabutin ko?

Kalma ka lang MC, kalma. "So, anong gusto n'yong palabasin d'yan mga hijo? Rabbit?" Tinawanan ko ang sarili ko. "Ang corny ko." Gets n'yo. Magic hat tapos palalabasin ang rabbit?

"Buti alam mo!" Tumatawa lang din si ZJ. Ang tahimik pala talaga nito. Pero, at least, hindi na s'ya parang tuod gaya nang dati.

"Kasi nga, bakit hindi ka pa nag-" Nagring bigla ang phone ko. Nag-wait sign ako sa kanila.

"Yes, Hello. . . Yeah. . . Yes, Dad. . .I'm coming. . .yes. . .in a bit." Sosyalan lang. Brit nga kasi ang Dad ko, 'di ba? Nakakaintindi at nakakapagsalita naman siya nang katulad ng aking winiwika kaya lamang ay mas madali para sa kanyang gamitin ang wikang Ingles. Sakit lang sa nose.

At ito pa ang nakakatawa, sunod-sunod na may tumawag sa'min. Lahat kami ngayon may sariling kausap sa phone.

"Sorry, guys. I have to go." Nacarried on tuloy sa kanila. Nagsmile lang sila, nagwave at pinag-ingat ako. Siguro umalis na rin sila after ko.


---------------------------


"Hi, dad! I thought it is our driver that would pick me up here," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Yes, but we have to meet a family friend. They said they wanted to see how much you've grown up. Get in." At sumakay na nga ako sa loob ng kotse.

"Dad, who amongst your friends is this "family friend?" Makapagtanong lang, 'di ba? Eh sa madami sila eh.

"Do you remember Aunt Emma?" I shook my head. "How 'bout Uncle George? No? Well, maybe, that's because you're too young when you last saw them. We've known each other in England. They just came here today."

Ah. So, 'yon pala. Ang naaalala ko lang ay sa England ako pinanganak at nagstay kami dun hanggang nung 4 years old yata ako. Ewan. Wala talaga akong maalala about sa past experiences ko. Ang weird. Pero naaalala ko 'pag nakakakita ako ng photos. May memory gap na yata ako.

After 10 years, nakarating na kami sa isang restaurant. Ang sosyal talaga ng parents ko at ng mga friends nila, fine-dining pa talaga. Nahiya naman ako sa suot ko, amoy lupa na siguro ako.

Tumingin-tingin si Dad sa paligid na wari'y may hinahanap. "There, they are. Let's go."

Sumunod naman ako sa kanya. Nagbeso at naghandshake sila. At ako, pangiti-ngiti lang. Hindi ko  kasi alam ang gagawin ko, bakit ba?

"I believe you are Marié," Sabi ni "Tito." Tumango ako at ngumiti. Nagbeso rin kami ni "Tita" bago kami umupo.

Kinumusta nila ako and stuff hanggang sa, "Don't you remember Mosh?" Mosh? Ano bang pangalan 'yon? Masyadong pinag-isipan ah.

"I'm afraid I don't, Auntie. My apologies." Whoa! Masyado akong pormal.

"She just remember something from the past when you actually give her a photo," said my dad. Parang machine lang ako. Scanner. Nababaliw na ako sa Inglesan ng mga ito kaya pati sarili ko pinagtri-tripan ko na.

"Oh, I see." Si "Tito" patawa, I see daw eh hindi ko nga makita. Pero tama din sya, 'I' see nga, hindi 'you,' nahihibang na talaga ako.

"Maybe, you should see each other again. That might help, we just don't know. He's supposed to be here but he said he has projects to do."

"It's okay, Ma'am. Maybe next time?" sabi ko.

"By the way, what happened with your deal in China?" asked my Dad.

"That one? We had gotten it, thankfully. Tell you what, we came here straight from China and not the UK."

"That is why." 'Yon nga, sa China pala sila nagi-stay kasi may bahay raw sila d'on at kasi si Tito George ay may lahing Chinese, pero hindi ko makita kung saang banda.

Kumain lang kami. Nagusap-usap sila. Ako? Nagte-text. Hindi naman ako pwedeng makisali sa usapan, kaya nakipag-text na lang ako.

Pag-open ko ng messages, ang daming GMs. Bakit usong-uso 'to 'pag high school? Curious lang. Iyong huling dalawa, galing sa dalawang kakambal ko. Si ZJ at Kendrick.


From: Kenshin Himura


Hoy! Ano? Nakarating ka ba ng safe sa pupuntahan mo? Haha!


To: Kenshin Himura


Maka-hoy ka naman! Oo, safe na safe. Dad ko driver. Haha :))


----------------------------


From: ZJ


Nakarating ka ba nang maayos sa pupuntahan mo?


To: ZJ


Ay, pareho lang sa sinabi ni Ken? Haha, uulitin ko sa'yo ang reply ko sa kanya. Oo, ayos naman. Dad ko driver ko. Haha :))


-----

Ay! May nakalimutan ako.


To: Kenshin Himura; ZJ


Teka lang. Nakauwi na ba kayong dalawa? :)


-----

From: Kenshin Himura

Haha. Oo nakauwi na ako. Hulaan ko, nasa restau ka, 'no? Haha!


-----

Lumingon-lingon ako, baka kasi nandito rin siya.

-----

To: Kenshin Himura

Oo. Hoy, Kendrick Chua! Stalker ba kita? Haha!



-----

From: ZJ

Ah. Buti naman. Oo, nakauwi na rin ako. Yung lens mo, papalitan ko talaga, promise!

-----

To: ZJ

Paulit-ulit lang? Oo nga. Okay nga lang kung hindi na, mapilit ka lang talaga. :))

-----



From: Kenshin Himura

Haha! Shunga! May stalker ba na nagpapakila? Asa ka naman isstalk kita! In your dreams! Haha. Nakita lang kita noong dumaan ang sasakyan namin sa road.

-----

To: Kenshin Himura

Malay mo, ikaw mauna sa mga stalker na nagpakilala agad. Haha. Asa ka rin, uy!  Kapal ng fes (face) mo at conyo much ka pa rin. XD

-----



At yun na nga, ang tagal kong kakulitan si Ken, samantalang si ZJ, hindi na nagreply. Masungit pa rin.



 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Learning Should Be Fun!

by: ayessa, 2014-11-26

I've been reading a lot of things about Interstellar lately just because I'm so curious about Murphy's Law and how it plays in the movie. I haven't watched the film yet because my...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved