Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: True Love, Waits | CHAPTER 12 + Author's Note  (Read 2241 times)

loveeelymhieee

  • Guest
True Love, Waits | CHAPTER 12 + Author's Note
« on: April 05, 2013, 06:30:20 AM »
Quote
Hello! Bago lang ako dito sa cc at ito ang una kong story dito.  May story na ko sa wattpad kaso hindi ko pa masiyadong inuupdate yun kasi busy ako pero ngayon hindi na. Nag-iisip nalang ako ng update dun. Pero pagtapos kong panoorin yung Sunny, nakaisip ako ng idea para sa bagong story. So hope you enjoy!

*POSTER*

CHARACTERS
Sophia de la Cruz
Kae Concepcion
Jacob Reyes

INSPIRATION & SPECIAL THANKS
Inspired by the korean movie "Sunny"
Maraming salamat sa kaibigan kong si Kae Concepcion. Galing po sakanya ang title ng story. Dahil tinulungan niya ako, magiging character siya sa kwento na ito :)

CHAPTERS
[ 1 ] [ 2 ] [ 3 ] [ 4 ] [ 5 ]
[ 6 ] [ 7 ] [ 8 ] [ 9 ] [ 10 ]
[ 11 ] [ 12 ]

Please comment and support... Thank you!  :)
« Last Edit: April 19, 2013, 01:54:56 AM by loveeelymhieee »

blue143

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-1
  • TeenTalker
    • wattpad
Re: 1st story: True Love, Waits (Short Story)
« Reply #1 on: April 05, 2013, 06:42:27 AM »
Haha, si kae talaga?  ;D ::) :D
Well, support ko to!
Fan me in Wattpad ♥☻

loveeelymhieee

  • Guest
Re: 1st story: True Love, Waits (Short Story)
« Reply #2 on: April 05, 2013, 06:45:21 AM »
Haha, si kae talaga?  ;D ::) :D
Well, support ko to!

Oo. Siya kasi gumawa ng title eh.  ;D
Salamat. Short story lang to eh, mga 4-5 or more chapters lang.  ;)

loveeelymhieee

  • Guest
[ 1 ]
« Reply #3 on: April 05, 2013, 06:22:37 PM »
Nakatulala ako habang nakatingin sa sobrang laki na eskwelahan. Tama nga si mommy, swerte ako at nakapasok ako dito. *gulp*

Nagsimula na akong maglakad papasok. Nang makarating ako sa entrance hallway, nabasa ko kaagad pangalan ko sa isang board.. School board.

1st - de la Cruz, Sophia

Ako kasi ang nagkaroon na pinakamataas na score sa entrance exam dito. Yeah, may entrance exam ang high school.  ;)

Lakad lang ako ng lakad, di ko alam kung saan ako pumupunta. Nag bell na rin at nakita kong nagtabuhan mga students papunta sakanilang mga classrooms.

Okay lang naman siguro ako malate noh? Tsaka new ako dito. Hindi pa ako nakakapag tour sa school at hindi ko alam kung saan faculty. Wala naman akong matanong kasi sakto akong dumating nung nag bell na kaya nagmamadali na mga students.

Habang tumitingin ako sa paligid may nabunggo akong tao, babae at mukha atang teacher dito? Mukha na siyang middle-aged woman. Siguro mga 35-45 years old na siya.

"Sorry po!" Sabi ko at tinulungan siya sa pagkuha ng mga libro niya na nahulog dahil sa nabangga ko siya.
"Hindi, okay lang anak." Sabi niya at nginitian ako.

Anak?  ??? Ayy. Oo nga pala ganun tawag nila sa mga bata, hehehe.

Nakatayo na kami. Since hindi kailangan ko na talagang malaman kung saan ang faculty para maka-attend na ko ng 1st day of school, nagtanong ako.

"Ahm. Ma'am, alam niyo po ba kung nasaan yung faculty ng mga teachers? New student po kasi ako dito eh tsaka late na din po ako sa 1st class ko.  :-\" Paliwanag ko.
"Ikaw ba si Sophia de la Cruz?" Tanong nung teacher.

Paano niya nalaman pangalan ko?  ??? Hmm, siguro dahil dun sa pagiging 1st ko sa exam.

"Opo. Bakit po?" Tanong ko.
"Ah, ako yung teacher mo. Hindi ka pa late, tara na. Mamaya nalang natin pag-usapan yung room assignment at mamaya ko nalang rin ibibigay sayo yung susi ng locker mo." Sabi nung teacher at naglakad na kami papuntang classroom ko.

Nang malapit na kami, rinig na rinig ko ang ingay na nanggagaling sa loob ng classroom. Sheeet! Ingay naman oh. Ayoko ng ganito, hindi ako sanay.  >:(

Kumatok si Mrs. Sanchez, yung teacher na kasama ko at teacher ko na rin this school year. Biglang tumahimik ang buong klase at tumingin samin. *gulp*

"Good morning class!" Sabi ni Mrs. Sanchez.
"Good morning Mrs. Sanchez!" Bati ng mga students.
"Today we have a new student, Sophia de la Cruz. Siya ang nag top 1 sa entrance exam this school year. Ms. de la Cruz... Tumingin siya sakin "Please introduce yourself." Sabi niya at napalunok naman ako ng laway. Kadiri.

Tumingin ako sa mga kaklase ko. Lahat sila nakatingin sakin, syempre. Hindi ako sanay sa introductions, wala naman kasing introduction ek-ek sa school ko dati kaya hindi ako sanay.

"*gulp* H-hello. Ako nga pala si Sophia de la Cruz, 15 years old na ako at mabait naman ako kaya wag kayong mag-alala s-sakin." Sabi ko na hiyang-hiya.

May nakita akong tumaas ng kilay, babae. Omo!  :-[ Agad akong umiwas ng tingin at napatingin dun sa isang babaeng nakatingin sakin at nakangiti, napangiti na din ako pero slight lang.

Mukha atang mahihirapan ako dito. Una, hindi ako sanay sa maingay. Pangalawa, parang may ayaw na ata sakin.. O baka ganun talaga siya. Maarte.  :-\ Hayy.
« Last Edit: April 14, 2013, 08:27:59 PM by loveeelymhieee »

loveeelymhieee

  • Guest
[ 2 ]
« Reply #4 on: April 05, 2013, 08:42:28 PM »
Pinaupo ako ni Ma'am Sanchez sa vacant seat na nasa harapan ng babae na nginitian ako kanina. Katabi ko naman isang chubby na babae na tulog.

"Hello. Ako nga pala si Kae." Sabi niya sa mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti.

"Sophia." Sabi ko at ngumiti din.

Tumingin na ako ulit sa harapan kasi baka mahuli pa kaming hindi nakikinig sa klase. Natapos naman kaagad dahil may sinabi lang si Ma'am tungkol sa foundation day. Malapit na daw kasi yun, next month na kailangan mag prepare. School ko kasi ay mas madaming extra curricular kaysa sa subjects. Pero madali ka lang din naman matuto dito kaya okay lang. :)

*kriiiiing~*

Tumunog ang bell kaya tumayo na ako at kinuha yung wallet ko sa bag. Nung palabas na ako bigla naman akong inakbayan ni Kae.

"Kain na tayo?" Sabi niya habang nakangiti.
"S-sige." Sabi ko.

Dun din naman ako papunta eh.  :-X

Nang makarating na kami sa canteen nakita ko ang sobrang daming tao na kumakain. Omg! San ako uupo?  :-\ Ayy oo nga pala, kasama ko si Kae. :)

Dinala niya ako sa isang table na malaki, umupo kaming dalawa dun. Hinintay kong dumating yung iba pa niyang mga kaibigan kaso wala.

"May hinahanap ka ba?" Tanong niya sakin.
"Ah, w-wala. Wala ka na bang ibang kaibigan?" Tanong ko.
"Hmm. Madami naman akong kaibigan, mga kaklase ko, mga teachers... Sabi niya.
"I mean, yung close? Close friends." Tanong ko ulit.
"Ah, wala. Ikaw lang!" Sabi niya sabay ngiti ng malaki.
"Oh..." Sabi ko sabay kagat sa tinapay.

Ako lang kaclose niya? Bakit?  ???

"Sophia, ikaw. May mga kaclose ka ba sa dati mong school?' Bigla niyang tinanong.
"Ah, w-wala. Loner kasi ako dati eh." Paliwanag ko.

Tumango siya at kumagat sa tinapay niya. Hmm? Loner din ata siya eh.  :-X

Mabilis ang panahon. Uwian na kaagad. Naglalakad ako papuntang exit gate kaso tinawag ako ni Kae.

"Sophiaaa!" Sigaw niya at tumakbo palapit sakin sabay hug.

Tinggal niya ang pagka hug niya sakin at ngumiti.

"B-bakit?" Tanong ko.
"Punta ka sa bahay namin!" Sabi niya habang nakangiti.
"H-huh? Bakit? Baka magalit parents mo." Sabi ko.
"Wala parents ko ngayon. Sige naaa! Wala naman kasi akong magagawa sa bahay eh.  :(" Paliwanag niya.

Naawa naman ako sakanya kaya umoo nalang ako.

Nakarating na ako sa bahay ni Kae. Nasa sala kami kumakain ng chips at nanonood ng Running Man. Parehas pala kaming mahilig sa kpop at lalo na sa mga variety shows sa Korea.

"Asinop fgudtop nmop asas erunningh nmanm?" Di ko maintindihan sinabi niya kasi punong puno yung bibig niya habang nagsasalita.
"Ano?" Tanong ko.

Uminom muna siya ng tubig bago siya magsalita ulit.

"Sabi ko, sino gusto mo sa running man?" Tanong niya ulit.
"Ah. Yung host." Sagot ko.
"Ako gusto ko si Giraffe!" Sabi niya habang nakangiti.
"Si Gwangsoo?" Tanong ko.

Tumango naman siya. Bigla bigla nalang may bumukas ng pinto, isang lalaki.

"Kuya! Akala ko ba di ka uuwi dito?" Tanong ni Kae sa lalaki.

Kuya niya pala yun...

"Sino naman nagsabi sayo nun? Hayy nako. Wag kang mag-alala, sa kwarto naman kami mangungulit eh." Sabi ng kuya niya at umakyat na kasama mga iba pang lalaki.

Nanood nalang kami ulit ni Kae kaso may nahuli.

"Hi Jacob!" Bati ni Kae sakanya habang nakangiti ng sobrang laki.

Okaaay?  ???

Bigla namang tumingin sakin yung Jacob kaay napantingin ako sa baba.

"Buti naman may kaibigan ka na." Sabi nung Jacob.
"Oo. New student siya dito eh." Sabi ni Kae.
"Maganda siya." Sabi nung Jacob at ngumiti sakin tsaka umakyat.

Namula naman ako dun.  :-[ Pagkatapos ng ilang hours ng pag-uusap at panonood, nagpaalam na ako.

"Sigurado ka bang kaya mong maglakad pauwi?" Tanong niya sakin.

Oo naman, may paa naman ako eh. Lol.

"Oo, okay lang. Malapit lang naman ako sainyo eh, mga 10 blocks ata?" Sabi ko sabay ngiti.
"Sige. Ingat ka pauwi ah?" Sabi niya.

Tumango at naglakad na pauwi. Buti naman at nagkaroon ako ng kaibigan... At crush?  :-\
« Last Edit: April 14, 2013, 08:28:23 PM by loveeelymhieee »

loveeelymhieee

  • Guest
[ 3 ]
« Reply #5 on: April 06, 2013, 12:41:48 AM »
Ilang weeks na nagpass, hindi ko na ulit nakikita si Jacob. Hindi na kasi umuuwi sa bahay yung kuya ni Kae, hindi naman daw kasi dito yung tirahan niya sabi ni Kae.

Saturday ngayon kaya naglakad lakad lang ako sa labas. Ganito kasi tuwing weekends, boring. Umaalis kasi parents ko pag weekends, to visit my older brother. Konti lang pera namin kaya naiwan na lang ako sa bahay, may nagbabantay naman sa akin. Yung tita ko kaso tuwing umaga hanggang hapon lang siya bumibisita sa bahay dahil may night school siya.. Teacher siya.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Jacob mag-isa. Dahil isa akong dakilang stalker, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang bar. Ang ingay sa loob, parang gusto ko ng lumabas kaso may sinusundan ako diba?

Matagal siyang naka-upo at may iniinom. Wala naman akong magawa kaya tingnan ko nalang siya habang umiinom siya. Looool, stalker much? ;D

Tumayo siya bigla kaya napatayo din ako. Saan nanaman siya pupunta? Linapitan ko siya.

"Uyy! Ikaw yung kaibigan ni Kae diba?" Tanong niya sakin.
"Uhh, o-oo." Sagot ko.
"Ang ganda mo talaga." Sabi niya.
"S-salamat." Sabi ko.

Ramdam na ramdam ko ang namumula kong pisngi habang nakatingin ako sa baba.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at agad akong hinalikan.

O///O

"J-jacob?" Sabi ko dahil sa gulat talaga ako.

Tumingin ako sakanya at nakita kong tulog na tulog na siya doon sa upuan kung saan siya umuupo kanina pero binalewala ko lang yun.

F-first kiss ko yun! Sinabi ko sa sarili ko at ngumiti. Ngiti na abot langit!

Ramdam na ramdam ko parin ang labi niya. Malakas parin ang tunog ng puso ko, at hindi matangal-tangal ang ngiti sa mukha ko.

Bigla akong napasigaw "Kyaaaaaaaaaaaaaaah!" :D

Lahat napatingin sakin kaya nag sorry ako at tumakbo palabas. Umuwi ako na dala dala parin ang ngiti na hindi matangal sa muka ko. Ahihihi :">
« Last Edit: April 14, 2013, 08:28:45 PM by loveeelymhieee »

blue143

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-1
  • TeenTalker
    • wattpad
Re: True Love, Waits (Short Story) | CHAPTER 3 POSTED! SHORT UPDATE ONLY
« Reply #6 on: April 06, 2013, 02:46:21 PM »
niiiiice!!  ;D ;) :")
Fan me in Wattpad ♥☻

loveeelymhieee

  • Guest

loveeelymhieee

  • Guest
[ 4 ]
« Reply #8 on: April 07, 2013, 01:12:27 AM »
Pasukan nanaman. :-X

Naglalakad ako papuntang classroom nang tawagin ako ni Kae mula sa garden na dinaanan ko kanina lang.

"Oh Kae!" Bati ko sakanya ng nakangiti.
"Sooophiaaa!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit sakanya.

Nagulat ako kasi bigla nalang niya ako niyakap.

"Miss na kita alam mo yun?" Sabi niya at tumingin sakin habang naka pout.
"Miss na din kita. :)" Sabi ko.

Niyakap niya ako ulit at agad naman niyang tinanggal ang pagkakayakap sakin.

"Can you do me a favor?" Tanong niya sakin.
"Hmm, sure. What are friends for?" Sabi ko.
"Ahm. May surprise kasi ako sa boyfriend ko, pwede mo ba akong tulungan?"
"Sige. What can I do?"

Sinabi niya sakin mga kailangan kong gawin para sa surprise niya sa boyfriend niya dahil monthsary nila sa monday. Madali lang naman gagawin ko ay ibigay yung scrapbook na ginawa ni Kae nung weekends at iconvince na pumunta sa T.G.I.F. dahil dun daw ang unang meeting nila. Kwinento pa nga niya sakin ang nangyari nung unang meeting nila, ang sweet nga eh. Kaso ang nakakainis naman kay Kae ay nakalimutan niyang sabihin kung sino yung boyfriend niya. -___- Kausapin ko nalang siya mamayang uwian o bukas.
« Last Edit: April 14, 2013, 08:29:06 PM by loveeelymhieee »

kaedooot

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: True Love, Waits | CHAPTER 4 POSTED! VERY SHORT UPDATE
« Reply #9 on: April 08, 2013, 05:58:10 AM »
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. :"> :))
Hi Hello! :D

loveeelymhieee

  • Guest
Re: True Love, Waits | CHAPTER 4 POSTED! VERY SHORT UPDATE
« Reply #10 on: April 08, 2013, 06:11:57 AM »
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. :"> :))

Kilig naman to! HAHAHAHA ;D

loveeelymhieee

  • Guest
[ 5 ]
« Reply #11 on: April 08, 2013, 10:15:14 PM »
Monday. Kabaligtaran day. Wew :D

Absent nga pala ngayon si Kae dahil nagrready siya para mamayang gabi. Ngayon na kasi yung monthsary nila eh. :)

*kriiiiing~*

Bell time! Pumasok na ako ng klase.

Ilang minutes akong nakaupo sa upuan ko nang nalaman kong absent pala ang teacher. Hay nako! Naghintay pa ako dito. Makapagbasa na nga lang ng online story. :D

Bago ko pa makuha yung cellphone ko may lumapit na kaagad saking babae. Yung babae nung 1st day na tinaasan ako ng kilay. Si Ms. Maarte :3

"Well, well, well. Look who's here." Sabi Ms. Maarte sabay taas kilay.

Aba't nag-english pa. Ano kaya problema nito?

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya gamit ang mataray kong boses.

Oo. Kaya kong gawing mataray boses ko, dahil matary yung character ko sa play sa dati kong school. :))

Kumunot ang noo niya nung sinabi ko yun. Haha!

"Yo--!" Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, dumating na kaagad yung next teacher namin.

Huhuhu. Ligtas ako dun ah! XD

*lunch break*

Naglalakad lang akong papuntang canteen nang hilain ni Ms. Maarte buhok ko. Aray! Ano ba problema niya?!

"ANO BA PROBLEMA MO?!" Tanong ko na halatang inis na inis.
"Ikaw!" Sabi niya.
"Ako? Ano naman ginawa ko sayo? Eh wala naman!"
"Lumayo ka kay Kae! Hindi ka nararapat maging kaibigan niya!"
"At bakit naman?"
"K-kasi...!"

Wala na siyang masabi... Sakto namang dumating yung teacher at tinanong kung anong nangyayari dito.

"Wala po." At sabay pa talaga kaming nagsabi nun.

Nagalit ang teacher at dinala kami sa dentention. Yeah! Akalain mong may detention dito. XD

Tiningnan ko naman si Ms. Maarte at halatang inis na inis siya.

"Uy. Pwede ba wag na tayong mag-away? Wala naman kasi akong ginagawang masama sa--"
"Can you please shut up?!"

Napatahimik naman ako dun. Okay, shut up na kung shut up! >:(

1 hour kami nag stay sa isang room na may nagbabantay. After 1 hour, pinaalis na din kami. Saktong dismissal na.

Hayy. Kailangan ko nang puntahan si Kae at tulungan na siya.

'Hindi pa ako tapos sayo!" Sigaw ni Ms. Maarte mula sa likod.
"Well ako tapos na!" Sabi ko ng hindi lumilingon.

Hmp! Maiwan na nga siya diyan. Kailangan ko nang puntahan si Kae.

Naglakad ako papuntang locker room at binuksan yung locker ko. May nahulog na papel nung binuksan ko.

"Mag-aaway din kayo ni Kae. Monthsary nilang mag syota bukas diba? Wag mo na siyang tulungan kung ayaw mong masaktan."

Paano naman nalaman ng taong to na monthsary nila Kae at ng boyfriend niya ngayon? At anong masasaktan? ???

[ sa bahay ni kae ]

*knock* *knock*

"Hello kae? Si Sophia to. Pwedeng buksan ang pinto?" Sabi ko mula sa labas.

Hahaha, parang bahay ko to ah. XD

Bumukas naman ang pinto at nagpakita si Kae na nakasuot ng isang magandang damit. Red Cotton-Panel Tulle Tank Dress.

Waaah! Ang ganda niya.

"Hi Sophia! Halika, pasok ka!" Bati niya sakin.

Pumasok naman ako.

"Kae. San ko nga pala mahahanap yung boyfriend mo?" Tanong ko.
"Ah. Tinawagan ko siya kanina, sabi niya nasa *toot* place daw siya." Sabi naman sakin ni Kae.
"Ah, sige. Puntahan ko na ba ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Sige! Ito nga pala yung scrapbook." Sabi ni Kae at inabot saki ang scrapbook na ginawa niya para sa monthsary nila ng boyfriend niya.

Kinuha ko naman yun at nagpaalam na. Pumunta akong *toot* place kung saan ang boyfriend niya. Sabi naman ni Kae, naka White Check Button-Down Shirt at Tie yung boyfriend niya.

Mahilig ako sa fashion kaya alam ko kung paano mag described ng mga suot.

Nag ikot-ikot ako sa loob at nahanap ko na. Nakatilokod siya kaya linapitan ko at nung humarap sakin nagulat ako.

Ang sakit ng puso ko. Parang dinurog. :'(
« Last Edit: April 14, 2013, 08:29:42 PM by loveeelymhieee »

loveeelymhieee

  • Guest
[ 6 ]
« Reply #12 on: April 09, 2013, 07:44:16 PM »
Humarap siya sakin at dun dumurog ang puso ko. Ang sakit. :'(

"Oh Sophia! Nandito ka pala." Sabi ni Jacob habang nakangiti.

Natameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya kaya inabot ko na lang sakanya yung scrapbook na ginawa ni Kae at tumakbo na ako palabas sa lugar na yun.

Hindi ko na kaya. Alam kong crush ko lang siya pero ang sakit parin eh. Yung malaman mong yung crush mo pala ay boyfriend na ng best friend mo. Bakit di ko nalaman yun? Nadala ako kasi ako sa mga kasinungalingan niya. :-[

His sweet lies made me fall for him...

Takbo lang ako ng takbo. Di ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko namang pumunta kay Kae dahil nasasaktan nga ako. Ayoko rin namang umuwi sa bahay, baka tanungin pa nila mama kung anong nangyari.

Sa huli, napunta ako sa park. Doon ako umiyak ng umiyak.

Jacob's POV

Nag vibrate cellphone ko kaya agad ko naman tong sinagot.

"Jacob..."

Si Kae lang pala.

"Oh bakit?"
"May natanggap ka na ba?"

May natanggap? Oo. Yung scrapbook na binigay ni Sophia.

"Ahm. Pumunta si Sophia dito at inabot sakin isang scrapbook. Bakit?"
"Happy Monthsary! :) Yan regalo ko sayo. Pwede bang magkita tayo sa *toot* restaurant?"

Feel na feel ko na masaya siya ngayon. Pero ako hindi... Bakit?

"Sorry Kae but I'm breaking up with you."
"W-what? Ano sinasabi mo Jacob?"

Sabi niya na halatang paiyak na kaya in-end ko na yung call. Ayokong marinig na umiiyak siya ng dahil sa akin. Oo, nakipag break na ako. Na realize ko na hindi ko na siya mahal... Na may iba na akong minamahal at yun ay si Sophia.

Speaking of Sophia. May inabot nga pala siya saking scrapbook at agad namang umalis.

Umupo naman na ako at binuksan yung scrapbook.

"Happy Monthsary Babe! Ito nga pala regalo ko sayo. :) Mahal na mahal kita simula palang nung makilala kita. Ang saya saya ko nga nung nalaman kong kaibigan ka ni kuya eh.. Kasi nagkaroon ako ng pagkakataon. Umasa ako na mapapansin mo din ako, at yun nga. Naging tayo, at ang saya saya ko nung mga panahon na niligawan mo ako. Hindi nagtagal, sinagot na rin kita. Actually, matagal ko na talaga gustong sagutin ka kaso syempre pakipot muna. Tsaka ayoko rin naman na walang effort kaya nagpaligaw muna ako sayo. Hehe. Mahal na mahal kita babe! Sana magtagal pa tayo lalo. :)"

Huminga ako ng malalim at tiningnan tingnan yung mga nasa loob. Mga pictures naming magkasama, masaya.

Sorry Kae. Sorry talaga at wala akong nagawa for this past 5 months nating magkasama. Sorry at di tayo nag tagal kahit 1 year man lang. Pero anong magagawa ko? Na-inlove ako sa best friend mo. :-[
« Last Edit: April 14, 2013, 08:30:27 PM by loveeelymhieee »

loveeelymhieee

  • Guest
Author's Note #1
« Reply #13 on: April 09, 2013, 07:50:08 PM »
Hello! Nung una inisip kong gumawa ng short story. Kaso pagtagal tagal naisip ko na gawin ko nalang kaya tong story talaga? Yung mga 20+ chapters hindi na siya short. :3 Kasi may pumasok ding idea sa isip ko kaya ko naisipang hindi nalang gawing short story.

Yun lang. Sana suportahan niyo tong una kong story dito sa cc. Don't forget to leave comments, aryt? ;)
« Last Edit: April 18, 2013, 03:25:06 AM by loveeelymhieee »

loveeelymhieee

  • Guest
[ 7 ]
« Reply #14 on: April 10, 2013, 07:11:25 AM »
Sophia's POV

"Miss, umiiyak po ba kayo?"

Tanong ng isang hindi pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ang isang gwapong nilalang na nakatayo sa harapan ko na may hawak na panyo. Pero kahit gwapo siya, mas gwapo pa rin naman si Jacob. :(

"Oh eto oh. Wag ka ng umiyak, pumapangit ka eh."

Sabi nung lalaki at inabot sakin ang panyo na hawak niya. Pumapangit? Matagal na kong pangit. :-X

"Salamat. Tsaka matagal na kong pangit."

Sabi ko sabay punas ng luha ko gamit panyo niya. Tinanggap ko agad eh. Bat ba? Tinutulungan ka na nga, di mo pa tatanggapin.

"Mason nga pala. Mason Cruz..."

Pakilala niya sabay abot ng kamay. Tinaggap ko naman ito.

"Uhh.. Sophia de la Cruz."

Pakilala ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Bat ka nga pala umiiyak kanina?"
"Ah wala. May nangyari lang..."
"You can tell me. Maybe I can help you?"

Ay! Feeling close? Pero sige na nga. Gusto ko ng masasabihan ko ng mga problema eh. :-[ Kwinento ko lahat sakanya. Hindi siya nagsasalita kundi nakikinig lang siya. :)

"Ouch naman. Bakit kaya hindi sinabi ni Kae sayo na boyfriend niya na pala si Jacob?"
"Hindi ko alam. Hindi din naman niya alam na may crush ako kay Jacob eh."

Tumango lang siya.

"Osige una na ako. May pupuntahan pa kasi ako. Tandaan mo lang to... Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami pa diyang lalaki na mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo kay Jacob. True Love, Waits..."

Pagkasabi niya nun, nawala na siya nang parang bula. Woah! :o Galing din nung Mason na yun ah! Bigla nalang akong tatanungin kung umiiyak ako tas magpapakilala, kakausapin ako at sasabihan ako ng mga salita na hindi ko naman maintindihan. True love, waits?
« Last Edit: April 14, 2013, 08:30:58 PM by loveeelymhieee »

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Fierce Fun at the Whisper Fearless Fair

by: guest, 2014-11-20

Did you know that six out 10 women in the Philippines experience back leaks? And did you also know that this hinders us from being active and fearless in our day-to-day activities?...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved