Chapter 4: Cae meets Him
“Ehem,” narinig ko pa yung fake cough niya. Saka lang ako parang natauhan. Muntanga lang ako nakatulala sa kanya ee. “Are you okay?” at tinulungan niya pa akong tumayo sabay abot ng phone ko.
Heids was right again.
Okay. He’s tall, white, and cute? No, he’s cute. Period. Hindi question mark. Or more than cute. Ah basta, hindi ko ma-explain. All I can say is that he got looks. Makapal ang eyebrows pero hindi nerdy type. Just perfect for his face. Perfect brown eyes. Perfect jaw lines. Perfect nose. And pinkish lips.
“Hey, are you okay?” tanong niya ulit.
Wala sa sariling tumatango-tango ako. Napatingin pa ako sa phone na inabot niya sakin, “T-thank you.” I uttered.
“You’re welcome and I’m sorry for what happened.” Nakangiti niyang sagot. There, perfect teeth.
Ano ba ‘tong pinag-iiisip ko? Bakit perfect ang descriptions ko? May ganun ba? Diba wala namang perfect sa mundo maliban sa pinag-aralan mong exams na ay kung swertehin ka lang? Kung maka-describe naman ako eh. Pero yun talaga ang nasa isip ko.
Okay. Stop. Stop. Hindi dapat Finding Mr. Perfect ang peg mo Caerelle, okay? Concentrate ka sa kausap mo, uy!
Napakamot pa siya sa batok niya, “Baka nasira ko yung phone mo.”
Napatingin ulit ako sa phone ko. Fini-flip ko pa back and front para tingnan kung may sira nga. Wala naman kaya umiling-iling ako sa kanya, “No damage at all. Matibay ata ‘tong phone ko eh!” nahihiya kong sagot.
Napangiti na lang siya sakin. “Ah, Justin nga pala.” At inabot niya sakin yung kanang kamay niya.
“Bieber?” that word automatically came out of my mouth with an accent. Napakunot pa yung noo niya saka biglang ngumiti ng malawak at tumawa. Tumawa ng tumawa. Baliw lang? xD
“Hahaha, nice joke huh.” Natatawa pa siya nun. Pulang pula nga yung mukha niya eh. “Justin Enriquez. Ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo!” tas tumawa na naman siya.
I rolled eyes and chuckled, “Caerelle Rodriguez. Cae for short.” And we shook hands.
We stood there, shaking hands for a minute or two. Nakangiti sa isa’t isa. What is wrong with the world? (O_o) Mabuti na lang bigla akong napatingin sa left chest niya at nabasa yung pangalan ko na nakatahi doon. So Heids was right.
And I almost forget kung bakit ko nga pala siya hinahanap. Ano bang nangyari sakin?

I faked a cough and took my hand, “By the way,” tumingin ako sa mukha niya then sa left chest niya, and vise versa. Mga two times. “H-hinahanap pala kita kanina pa.” Medyo nahihiya kong tugon. Teka, ba’t ba ako nahihiya? Tumingin ulit ako sa left chest niya. Pagtingin ko ulit sa mukha niya ay nakatingin pala siya sa left chest din niya.
Tumingin siya sakin, “Oh,” he said that in a tone of something ring a bell. “So this is yours.” More of a statement rather than a question. Napatango naman ako ng sunud sunod. “I was right, ikaw nga yung nakabunggo ko rin kanina malapit dun sa statue.”
Ako naman yung napaisip. Ay oo nga pala, “The guy who called me kid.” I remember. Nagkangitian na naman kami.
Hinubad naman niya ng dahan dahan yung smack gown ko. Napatingin pa siya sa naka-embroidered na name ko, “Caerelle Rodriguez, nice name...” saka inabot niya sakin. So, kailangan sabihin iyon?

“Thanks... for the both.” What I meant is for saving my smack gown and for saying that my name is nice. For unknow reason, it felt nice to hear that. ^U^
“No probs.” Nag-wink pa siya nun. Ang kulit tuloy ng mukha niya. “Saka sorry nga pala sinuot ko,” sabay crossed arms at sumandal sa wall. “Hindi ko kasi alam kung saan ko ilalagay. Kapag nilagay ko sa bag ko, baka magusot. Kapag naman hinawakan ko lang, baka mawala ulit. Kaya nga suot suot ko rin yung smack gown ko.”
“Ahe, ok lang yun.” Inamoy ko pa yung smack gown ko. “Mabango naman.” Natawa na naman siya. “Thank you talaga. Akala ko tuluyan na ‘tong nawala eh. Utang ng smack gown ko ang buhay niya sayo. Haha~” At nagkatawanan na naman kami.
Feeling close lang kami eh nu? xD
“JUSTIN!!!” sabay pa kaming napalingon dun sa tumawag sa kanya. Yung lalaking kasama niya ata kanina nung na-late sila, if I’m not mistaken. “Kanina pa kita hinahanap dun sa loob ng kitchen. Andito ka pa pala. Kakain na tayo, gutom na ako. Mamaya maubusan pa tayo ng pagkain!” Tuluy-tuloy na wika nung bagong dating at napalingon sakin. Nagulat pa siya nung makita niya ako. Tas humarap ulit siya dun kay Justin, nilapit pa niya yung mukha niya dun at bumulong pero narinig ko naman, “First day na first, nangangaliwa ka na? Pero... cute tsong.” Siniko-siko pa nito si Justin.
Bigla naman siyang tinapik sa tyan ni Justin kaya napa-ubo tuloy siya. “Tumahimik ka nga, uy!” Then tumingin siya sakin na parang nahiya, “Pasensyahan mo na ‘tong kaibigan ko. Kung anu-anong pinagsasabi. He-he.”
Humarap naman sakin yung kaibigan niya, napakamot pa sa batok. “Ahe, Cedric nga pala.” Gaya ni Justin, inabot niya rin sakin yung kanang kamay niya. Nakipag-shakehand naman ako at pinakilala ang sarili ko. “Kain na tayo sa loob, baka maubusan tayo. Hehe.” Compare kanina, hindi na siya parang hinahabol ng kung ano.

“Sige, una na kayo. I still need to go to the bathroom. Kita na lang tayo sa loob.” Sabi ko naman. “Thank you pala ulit dito, Justin.” Tukoy ko sa smack gown ko.
“Sige,” paalam niya at tumalikod na sila. Lumingon pa siya ulit at ngumiti. I just smiled back.
Narinig ko pa yung sinabi nung Cedric, “Tara na Justin Bieber! Mamaya ka na magpacute!” natawa na lang ako dun. Nakita ko pang kinutusan ni Justin yung kaibigan niya. Ang kulit lang! xD
Napatingin ulit ako sa smack gown ko. Sa wakas, nasa akin ka na ulit! Niyakap yakap ko pa ito. Ito na naman ako na parang baliw. ^U^ Makapag-CR na nga lang.
~*~*~
Pagbalik ko sa kitchen ay nagkakainan na nga sila. Sulit pala na hindi kami nagsnacks kanina, kakain din pala kami dito. Hoho.
Tinawag pa ako ni Ate Zhe sa tabi niya. Pinag-save daw niya ako ng upuan at pagkain.
“San ka ba nagpupunta?” agad na tanong niya sakin pagkaupo ko.
“Nag-CR lang ako Ate. Bigla kasi akong naihi.” Paliwanag ko naman. “Thank you nga pala sa pag-save ng food and chair.”
Pagtingin ko dun sa table, wala ng pagkain. Simot agad? xD Buti na lang pala talaga at may Ate Zhe sa mundo. Ang pinakamaalalahanin sa aming lahat. Si Ate Zhe kasi ang pinakamatanda sa grupo namin. She’s 23. Kahit mas matured si Ate Zhe compared samin, kadalasan naman ay feeling mo ka-age mo lang siya. Cool and funny most of the time.
Kinain ko naman na yung tinabing pagkain sakin ni Ate Zhe. Tinawag ko naman si Heids na nasa kabilang side ng table, katabi ni Omar na kumakain.
Pinakita ko sa kanya yung smack gown ko. Iwinagayway ko pa, “I got it.” I mouthed. Lumawak yung ngiti sa mukha niya at nag-thumbs up sakin. Nag-sign language pa siya kung paano ko daw nakuha, nakita ko na daw ba yung guy? Medyo malayo kasi yung pwesto niya kaya nakakahiyang mag-usap. Sinabi ko na lang na mamaya ko na iku-kwento sa kanya.
After nung kainan ay pinag-rest kami for 10 minutes. I-o-orient na daw kami regarding laboratory and its staff. Yung 10 minutes na iyon ay ginamit ko para ikwento kay Heids yung nangyari, of course, minus the ‘tulala’ and ‘description’ part.

Nahihiya akong ikwento yun lalo na’t the whole group is listening, I mean yung grupo ng school namin. Ganun nga kami ka-close magkakaklase.
“Sabi nga namin eh, hindi mo naiwan sa bahay niyo yan.” Sabi pa ni Alvin para bawiin yung sinabi nila kanina sa conference hall. Natawa na lang ako sa kanya.
Gaya nga ng instruction samin, after nung ten minutes ay pinapunta na kaming lahat sa conference hall ng laboratory which is located at the third floor. Hindi kasing laki ng unang conference hall itong isa. Katamtaman lang ang laki. May wooden U-shaped na table sa gitna. Tama lang siguro para sa staff ng laboratory. Pero para sa aming mga studyante eh kulang. Yung mga girls na nga lang ang pinaupo samantalang sumandal na lang sa tables or wall yung mga guys.
Kami naman, nag-share share na lang kaming mga girls ng chairs namin para makaupo yung mga boys namin.
Maya-maya pa ay nasa harap na si Dra. Dang with a laptop in front of her. May projector din.
“I prepared a short presentation here,” she started. Maya-maya pa ay may lumabas na doon sa white board that serves as the screen of the projector. “Wag kayong mag-alala, short lang talaga ito. Alam kong ayaw niyong ma-bore at ayaw ko rin,” natatawang sabi niya at pati kami natawa rin. Joker pala si Doc.

“So I’ll start with introducing myself. My name is Dra. Ferdauzia Bastero. You can call me Dra. Dang or Dra. Bastero, which ever you prefer.”
After niyang ipakilala yung sarili niya ay inumpisahan na niya ang pag-papakilala isa-isa ang mga staff. “Eto si Mam Helen, ang head ng Clinical Microscopy” nag-click siya dun sa laptop niya at lumabas na picture dun ng isang middle-age na babae. May mga naka-enumerate pa dun, “May pag-strict si Mam Helen pero pagtagal tagal ay okay na. She has her own set of rules,” at binasa na nga niya yung mga naka-enumerate doon. Ganun din yung pagpapakilala niya sa mga sumunod pang staff. At lahat sila ay may sari-sariling set of rules sa section nila.
Seryosong nakikinig ako nun kay Dra. Dang nung parang may humihila ng buhok ko. Nung lumingon naman ako sa kaliwa’t kanan, wala naman akong nakita. Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Doc.
May humila na naman ng buhok ko ulit, “Aww.”
“Opps, sorry.”
Hinanap ko yung pinangggalingan nung boses. Nasa likod ko lang pala, at nakaupo sa floor. Naka-wide smile siya with peace sign.
Napakunot noo pa ako nun para i-adjust yung paningin ko. Nung pagtingin ko...
“J-justin?” hindi pa ako sure nun kung siya nga talaga.
“The one and only!” bulong niya in a hyper tone. Hindi rin siya hyper? xD Tapos umusog siya sa tabi ko pero nakaupo parin siya floor. “Ang boring, inaantok ako.” Sabi niya.
“At ako pinagti-tripan mo?” joke ko naman sa kanya. Natawa naman siya.
“Eto pala, nahulog panyo mo kanina nung paakyat dito,” sabay abot niya sakin ng panyo. Pagtingin ko, akin nga. “Ikaw na ata ang Queen of Fall.” At tumawa siya ng mahina. Mabuti na lang talaga natatakpan siya ng table at nasa pinakalikuran kami kundi lagot kami nito.
“Thank you.” Parang wala na atang katapusan ang pag ‘thank you’ sa araw na ‘to ah. “Queen of Fall?” hindi ko gets. Haha.
“Fall,” with hand gesture pa siya, “Nahulog. Kanina ka pa nahuhulugan. Nawawalan.”
Natawa naman ako dun, “Haha, oo nga no?” tanong ko pa sa kanya na tinanguan naman niya, “At ikaw na siguro ang King of... hmm, ano ba?” nag-isip pa ako nun. “Catch? King of Catch? Ang laging nakakakuha?”
Natawa siya sa sinabi ko. “Pag may nahuhulog, dapat---” may sinasabi pa siya nun kaso...
Bigla naman bumukas na yung ilaw. Teka, tapos na? Nagsitayuan na yung mga classmates namin. Nasisilaw pa ako sa ilaw nun. Pagtingin ko sa kanya, nakatayo narin siya, pinapagpag pa yung pantalon niya. Ako rin ay tumayo na.
Nagkatinginan pa kami nun at nagkangitian.
Ayan na naman. Para na naman akong matutulala sa mukha niya. Errr, what’s happening???
Bago pa ako tuluyang matulala ay naramdaman ko na ang paghila sakin ni Ate Zhe na katabi ko kanina. Hindi ko alam kung narinig niya ang pagkukwentuhan namin ni Justin.
Hindi na ako nakapagpaalam dahil madalian kaming lumabas ng conference hall. Pupuntahan daw namin yung bawat section. So ganun na nga yung ginawa namin. May konting sinasabi pa si Doc about each section. So on and so fort.
After that, na-divide na naman kami into two groups, yung school namin at yung isa pang school. Magkahiwalay na itu-tour daw namin yung different wards and buildings ng hospital. ‘Pag nagsama-sama daw kami ay masyadong crowded.
Ganun na nga ang nangyari, itinour kami ng C.I. namin. Sa laki ng hospital na ito, don’t expect me to remember all these. Gaya nga ng sinabi ko, mahina talaga akong mag-familiarize ng lugar, in cases of emergency lang. Haha. Kaya naman, nakikisama lang ako sa mga classmates ko.
And finally, natapos din. We ended up sa canteen. Kainan na naman. This time, yung mga dala naming snacks na yung kinain namin. Bumili lang kami ng softdrinks para hindi naman nakakahiya makiupo sa canteen nila.
Sinabi na ni Mam na bukas na lang daw mag-uumpisa ang official duty namin. 2:15pm na kasi. Ilang minutes na lang ay off duty na.
Hindi na kami bumalik ng laboratory. Pagkatapos namin magsnacks ay nagsiuwian na kami. Separate ways. Yung mga boys, uwi na daw sila diretso. Si Minee and Alvin ay may pupuntahan pa daw. Si Ate Zhe, sinundo ng boyfriend. Si Heids, kinailangan umuwi dahil walang magbabantay sa pamangkin niya. Dahil along the road lang naman ang bahay ni Heids sa bahay ni Omar, sumabay na siya sa motor nito.
So that leaves... Me. Alone. (>n<”)
“Cae!! Relle!!!”
I guess not. ^U^