Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: Ska Bu Forever ♥  (Read 3202 times)

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #15 on: February 05, 2013, 08:21:26 AM »
Baka magkita pa kayo! Sabi nga ni Gayle.. Tiwala lang! Hehehe ^_^

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2709
  • Karma: +35/-10
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #16 on: February 05, 2013, 03:09:46 PM »
natawa naman ako sa Mt. Everest na standards.. ahahaha

magkikita pa kayo niyan Nao. just believe  :)

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #17 on: February 06, 2013, 11:45:03 AM »
May gusto si guy kay Nao, tapos dahil bestfriend slash cousin slash may utang na loob si Nao kay pinsan edi magletgo ang drama niya. Tapos yun, pero feeling ko lang yan. Ang feelingera ko tuloy =)))))

HAHAHAHA. BA MALAY MO, BAKA TOTOO YANG FELINGS MO. PEROOOOOO. ABANGAN MO NA LANG :))
natawa naman ako sa Mt. Everest na standards.. ahahaha

magkikita pa kayo niyan Nao. just believe  :)

HAHAHAHAHAHA. YES ATE! JUST BELIEVE! ;))
Aabangan ko tooo!! Nyahaha. JK. Magkocomment parin ako dito, dahil nga idol kita TeeSheer! :D
Oyy, Sheer, magpapareserve na ko kay Fafa Dren. Nyahaha. Basta akin na yun waah. Wala nang mangaagaw. :D


SIGE RAINE. GAWIN MO YAN PARA SURE NG SAYO SI DREN. HAHAHA. ANG UNFAIR LANG EH NO? ;))
FOREVER

girlpower19

  • jellybean
  • **
  • Posts: 132
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #18 on: February 06, 2013, 08:32:54 PM »
.oooohhh..mukang interested nga si kuang nagmamadali kay nao..i'll support this talaga..kung tama man si ateng nagcomment..mala 548 yung storty nila..magiging si cuz at si loves..
♥nEgEn NaPpUnIyA♥

♥mS.vIoLeNt19♥

RaineRawrr

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 46
  • Karma: +4/-0
  • A daughter of Poseidon~
    • My Stories
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #19 on: February 06, 2013, 08:41:54 PM »

SIGE RAINE. GAWIN MO YAN PARA SURE NG SAYO SI DREN. HAHAHA. ANG UNFAIR LANG EH NO? ;))

GANUN TALAGAA. :D
ANW, G'LUCK SA SKABU DITEY SA CC. SURE AKO MAGIGING SUCCESSFUL DIN TO TULAD SA WATTY.

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #20 on: February 07, 2013, 03:57:34 PM »
Baka magkita pa kayo! Sabi nga ni Gayle.. Tiwala lang! Hehehe ^_^
.oooohhh..mukang interested nga si kuang nagmamadali kay nao..i'll support this talaga..kung tama man si ateng nagcomment..mala 548 yung storty nila..magiging si cuz at si loves..

WOW. 548? :)) FAVORITE KO YUN. PERO, BAKIT NAMAN ALA 548? TEHEE. ANYWAY. WHO'S CRUZ? :))

GANUN TALAGAA. :D
ANW, G'LUCK SA SKABU DITEY SA CC. SURE AKO MAGIGING SUCCESSFUL DIN TO TULAD SA WATTY.



WOW. CHALAAAAMAT RAINE! HAHA. SANA NGA. :)) WOOOAH, SANA! :))


Baka magkita pa kayo! Sabi nga ni Gayle.. Tiwala lang! Hehehe ^_^


HAHAHA. TIWALA LANG! :)) TAHAHA. SALAMAT NGA PALA. :))
FOREVER

RaineRawrr

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 46
  • Karma: +4/-0
  • A daughter of Poseidon~
    • My Stories
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #21 on: February 07, 2013, 09:49:26 PM »

WOW. CHALAAAAMAT RAINE! HAHA. SANA NGA. :)) WOOOAH, SANA! :))




TALAGANG MANGYAYARI YAN NOHH! TIGNAN MO NGA ANDAMI NA AGAD NAGBABASA NUNG STORY MO DITO EH CHAPTER 1 PALANG! ANG INTENSE NUN DIBA? :D

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #22 on: February 08, 2013, 11:01:38 AM »
TALAGANG MANGYAYARI YAN NOHH! TIGNAN MO NGA ANDAMI NA AGAD NAGBABASA NUNG STORY MO DITO EH CHAPTER 1 PALANG! ANG INTENSE NUN DIBA? :D


:)) NAPATAWA NAMAN AKO DUN HAHAHA. SANA DUMAMI PA. KAGAYA NUNG SA WATTY! PHEW! PERO, OK NA AKO SA KONTI BASTA ACTIVE :))
FOREVER

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #23 on: February 10, 2013, 07:10:38 AM »
-2-
[The Start]


Ang bilis ng araw at first day of school na namin! Parang kahapon lang nung graduation namin nung highschool eh.  Alam niyo yun? Parang yung taon, nagiging buwan. Yung buwan, nagiging araw, at yung araw, nagiging oras. Ang bilis bilis. Haii. OK Nao! Get up ka na lang! Nagdasal muna ako bago bumangon. Pinagdasal ko na sana magiging maayos ang unang araw ng pasok ko. At...

Yung lalaki nung enrollment, sana magkita kami ulet nun.

Nagsign of the cross ako tapos... laking gulat ko na lang nung pagdilat ko eh nakatingin na pala sa akin si Gayle tapos ang laki laki pa ng ngiti.

“Oy Gayle? Anong nginiti ngiti mo jan?”
“Ikaw nga jan ang ngingiti ngiti Nao eh!! Asus!!”

Eh? Ako? Nakangiti?

“Anla! Ewan ko sayo Gayle!!”
“Ayeeeee! Si bestfriend!! Inlove ka bestfriend no?”
“At bakit mo naman natanong, aber?”
“Eh baliwag ka kanina habang nagdadasal eh! Come on bestfriend, sino yan? Ha? May hindi ba ko nalalaman?”
“Wala no! Naisip ko lang yung lalaki nung enrollment...”
“Ayeeee!! Si Mr. Direction?”
“Kung maka-ayee ka naman jan! Wala yun! Naisip ko lang kasi, sa laki ng university, magkikita kaya kami ulet nun?”
“Malay mo girl no! Nothing’s impossible naman! Tiwala lang! At tsaka... kapag magkikita kayo eh meant to be kayo! Kapag hindi, eh hindi.”

Natahimik ako dun...

Paano kung oo? Pero... Paano kung hindi?

“Chosera ka Nao ha?! Hindi pa nga nagsisimula yung araw natin, lumalove life ka na! Naku nga! Maligo ka na!”

Sabay hatak niya sa akin papuntang CR at tulak sa akin dun papasok. Naligo na nga lang ako. Pagkatapos nun nagbihis ako tsaka kumain.. And after rituals and everything...

“This is it Nao!!”
“Grabeh Gayle... Kinakabahan na ako.”
“Bakla ka! Wag ka nga kasi kabahan! Isipin mo na lang si Tita Melchie at Tito Jose! Isipin mo para sa kanila itong gagawin mo! College thing will bright up your future girl! At im sure, your parents will be so proud of you! Kaya wag ka kabahan!”

Tiningnan ko lang siya. Tama! Yang confidence mo Naoimi, bring it up! Walang magagawa ang kaba mo! College lang to! Malay mo naman uulanin ng bait ang mga professors mo!

Pinuntahan namin yung CASS (College of Arts and Social Sciences) building. English yung una naming subject at dun sa building na yun ang room namin. Since first day of class, asahan na yung introduce yourself portion. Ok din naman! Mukhang mababait din naman yung mga kaklase namin. Mostly nga lang sa kanila eh makukulit. Itong katabi ko nga eh, salita ng salita tapos tanong ng tanong... Ako naman eh sagot lang ng sagot.

“So magpinsan pala kayong dalawa?”
“Oo... Yung father ko at father niya eh magkapatid.”
“Kaya pala ang ganda niyo pareho.”

Natawa lang kaming dalawa ni Gayle nun. Pasalamat ako hindi suplado tong mga kaklase naming lalaki. Wala na nga kaming ginawa ni Gayle kundi tumawa ng tumawa eh. Nga pala, Aldren ang pangalan nitong katabi ko. In fairness talga, mabait siya.

Tapos maya maya eh may tumabi sa gilid ni Gayle... Si Ian. Nakilala namin siya ni Gayle nung orientation namin. Maingay din naman kasi tapos machika kaya naging kaclose na namin agad. May taglay din na kabaklaan itong si Ian. Mejo gwapo nga eh kaya sayang.

“Hi mga sister!!”
“Ganda mo naman sister!!”
“Syempre naman Gayle no! Andito kaya si Fafa Dren!”

Nagulat ako dun...

“Magkakilala pala kayo nito Ian?”

Sabay tingin ko pa kay Dren nun. Pero si Dren eh nginitian lang ako.

“Yes teh!! Nung enrollment natin! Eh sa naligaw ang inyong dyosa sa kakahanap jan sa  SCS building na yan! Buti na nga lang may hinulog si Papa Jesus na prince charming eh! Tinulungan ba naman niya ko para mahanap yang SCS! Aynako!! Tenchuu so much talga Fafa Dren!! Mua mua chup chup!”
“Ayeeee! Kaloka ka sister ha! Kayo ng meant to be!!”
“Onga sister!! Pakasal na nga kami bukas eh!”

Natawa lang kaming tatlo ni Dren at Gayle nun kay Ian. Tumayo pa kasi siya’t nilapitan si Dren tapos yinakap yakap pa ito. Panay yuko naman ni Dren para hindi siya mayakap ni Ian. Tawa lang talaga kami ng tawa ni Gayle nun. Ang cute kasi nilang tingnan.

Naisip ko lang... Mabuti pa si Ian at Dren, nagkita ulet. Eh kami kaya ni Kuya Direction? Magkikita kaya kami ulet nun?

Matapos nung English namin eh wala na kaming ginawa kundi tumunganga lang at magchikahan. Hindi kasi dumating yung mga professor namin sa ibang subject namin eh. Sa second half nung araw eh bumalik kami ng school at dun kami pumunta sa CSM (College of Science and Mathematics) building since Math yung una naming subject sa hapon nato. Mabuti nga at pumasok yung professor namin kaso late nga siya ng 30 minutes. Sabagay, oks lang naman yun kasi first day pa lang din naman. Aatakihin din siguro ako sa puso kung magpa-proper lecture na agad agad yung mga professors no! Naku!

Ayun, as usual eh introduce yourself na naman yung ginawa namin. Mejo marami rami na rin yung naging friends namin ni Gayle. Kadalasan nga lang sa kanila eh mga lalaki, yung ibang girls kasi eh kanya kanyahan eh. Ewan ko ba.. Siguro andun pa din yung factor ng hiyaan. Pero may naging friends din naman kaming babae kaso mas madami nga lang talga yung na gain naming friends na lalaki kaysa sa babae.

Si Ian naman umarangkada dun sa introduce yourself. By nature, nakakatuwa naman talga silang mga bakla. Ang nakakaaliw lang dun eh sumasabay din yung professor namin. Tawa lang talga kami ng tawa. Sumunod na subject eh hindi na naman pumasok yung professor namin. Katulad nung kaninang umaga, nag-usap lang kami ng mga bagay bagay. Nalaman ko na itong si Dren eh hindi pala taga dito sa amin at ito ding si Ian. Kapwa sila nagdodorm.

“Eh kung magsama na lang kaya kayong dalawa Dren!”
“Onga Fafa Dren! Trululu si Gayle dun!!”
“Pero hoy Ian ha? Baka naman kapag same dorm na kayo eh mabubuntis itong si Dren?”

Nakisabat na din ako sa usapan...

“Oo nga Ian! Baka halayin mo tong kaibigan natin eh!”
“Wag ka nga jan Nao! Hindi ko naman gagawin yun no! tsaka... walang mabubuo kung walang papatol!”
“What if papatol ako?”

Si Dren yun kaya naman bigla na lang kaming napasigaw ni Gayle. Loko talga tong si Dren! Si Ian eh dinoble pa yung tili sa amin ni Gayle. Nilingon nga kami nung mga kaklase namin. Anyways, time na kaya nagsilabasan na kami sa room na yun at nagpunta kami dun sa SCS building. Dun kasi yung last subject namin which is major subject namin. Mabuti nga hindi kami na late eh kasi andun na pala yung professor namin, naghihintay lang matapos yung nagklase sa room namin. Itong si Gayle naman, bigla na lang na busy sa pagtetext.

“Gayle! Sino katext mo? Kanina pa jan!”
“Eh kasi Nao! Yung nakilala ko nung enrollment natin? Yung sinasabi ko sayong kapareho din natin ng course, remember? Wala pa kasi siya eh...”
“Oh? Magkatext pala kayo non?”
“Oo! Kinuha niya kasi yung number ko just in case daw... Asan na kaya yun?! Sabi niya paparating na daw siya tapos—Oh? Anjan na pala siya eh!! Ito talgang si Nick... walang pasabi!”

Lumingon naman ako sa likod ko out of curiosity... At wala akong ibang nakita kundi ang lalaking...




Hinangad kong makita ulet.
FOREVER

Ronaline

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 6
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Ronaline Albalos
Re: Ska Bu Forever - UPDATED NA! :)) REAAAAADERS CANDYMAGGERS?
« Reply #24 on: February 12, 2013, 09:03:26 PM »
Support :)

notebooknikayen

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +4/-0
  • Drift and Kill
Re: Ska Bu Forever - UPDATED NA! :)) REAAAAADERS CANDYMAGGERS?
« Reply #25 on: February 15, 2013, 11:58:45 PM »
yehey magkikita na sila ni kuya Direction...
nakakabitin!!!

-Kayen
Trigger and Bullets

girlpower19

  • jellybean
  • **
  • Posts: 132
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Ska Bu Forever - UPDATED NA! :)) REAAAAADERS CANDYMAGGERS?
« Reply #26 on: February 17, 2013, 01:32:05 PM »
..nakuu..jan tayo ee..nagkita nga sla ulit.pano naman kung crush na dn ni gayle yun?.tsk3..

..yes sis..favorite ko din yun..gondo gondo kasi..uhm aun..si cousin and si loves ang naging magjowa sa umpisa..
♥nEgEn NaPpUnIyA♥

♥mS.vIoLeNt19♥

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - UPDATED NA! :)) REAAAAADERS CANDYMAGGERS?
« Reply #27 on: February 24, 2013, 09:32:00 AM »
Support :)

WEW. SALAMAT! SUPPORT LANG NG SUPPORT! HOHO.


yehey magkikita na sila ni kuya Direction...
nakakabitin!!!

-Kayen


HAHA. NAGKIKITA NA NGA SILA. XD HAHA. NAKAKABITIN? POST KO NA YUNG NEXT SIS KAYEN! :)


..nakuu..jan tayo ee..nagkita nga sla ulit.pano naman kung crush na dn ni gayle yun?.tsk3..

..yes sis..favorite ko din yun..gondo gondo kasi..uhm aun..si cousin and si loves ang naging magjowa sa umpisa..


HAHA. PAANO NA LANG KAYA TALGA! LELS. ABANGAN! :) THANK SA SUPPORT SIS. :) FAVORITE KO YUN SA LAHAT NG NABASA KO. :)
FOREVER

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever ♥
« Reply #28 on: February 24, 2013, 09:43:12 AM »
-3-
[Sundae]


Nabigla ako.

Oo natural mabibigla ako! Onga gusto kong makita ulet si Kuya Direction pero hindi sa ganitong paraan... I mean... Bakit sa lahat pa ng tao sa mundo... sa bestfriend ko pa siya related?

Nakita ko siya. Papalapit siya sa amin pero nakatuon lang yung mga mata niya kay Gayle. Naisip ko, parang hindi na niya ako natatandaan. Sabagay, ang ikli lang naman ng pinag-usapan namin nung enrollment! Simpleng nagtanong lang naman ako sa kanya tapos agad din naman siyang umalis. Malay ko nga kung marami pala kami nun na nagtanong sa kanya nung enrollment. Baka nga nakalimutan na niya ako. Ni pangalan ko nga hindi niya alam. Yumuko na lang ako sa may gilid.

Gusto ko na tuloy pagsisihan kung bakit pa ako nagtanong sa kanya noong araw na yun.

“Grabeh! Tagal mo yata Nick!”
“Eh kasi, nakita ko lang yung dati kong kaklase at ayun, mejo napasarap ng kwento!”
“Naku! Maswerte ka at kakatapos lang nung previous class! Tara na nga! Ay teka lang, bespren ko nga pala si Nao.”

Naramdaman ko na lang yung kamay ni Gayle sa kamay ko tapos hinihila niya ko papalapit doon kay Nick. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung titingin ba ako o ano...

“So ikaw pala si Nao? Teka—you look familiar. Nagkita na ba tayo?”

Napalunok-laway ako. Tiningnan ko siya at nakatingin na pala siya sa akin. Sinikap kong magpaka-casual sa harap niya at sa harap rin ni Gayle. Kung aarte akong kilala ko siya, magtataka si Gayle nun.

So ito ang unang pagkakataon na maglilihim ako kay Gayle.

Eh teka naman Nao! Bakit ka naman maglilihim kay Gayle kung pwede namang sabihin mo sa kanya na itong si Nick at si Kuya Direction ay iisa? Pero kasi... Paano kung crush pala siya ni Gayle? Or worst... Baka crush siya ni Nick. Hiningan nga ng number, diba?

Sana naman hindi.

“Ha?! Familiar? Ako? Naku baka nagkamali ka lang! Ngayon pa lang kita nakita eh.”

That’s the stupid lie ever.

“Onga naman Nick! Baka may kamukha lang si Nao! Naku maya na nga yang chikahan gallore! Pasok na tayo sa room, nandun na si sir eh!”
“Siguro nga...sige tara!”

Nakahinga ako ng malalim nun. Sana naman tama yung desisyon ko. Pumasok kami sa loob at kagaya noong mga nakaraang subject, hindi pa kami nagproper lecture. Hindi din naman kami nagtagal at dinismissed din kami kaagad. Pinakilala lang nung teacher namin yung sarili niya tapos binigyan lang kami ng warm-up na assignment. Since major naman daw, wag na raw kaming magtaka at magreklamo pa.

Nung naglabasan na, kasa kasama pa rin namin si Nick. Mukhang close na nga sila ni Gayle eh. Ako naman mejo naiilang kasi nga...andito na yung lalaking hinahanap ko. Oo nga at natagpuan ko na siya pero, saka naman niya ako hindi nakilala.

I mean... kilala niya ako, pero as bestfriend ni Gayle at hindi yung babaeng nagtanong sa kanya noong enrollment.

Ay anubayan! Cheer up nga Nao! Eh ano naman ngayon kung hindi ka niya natatandaan? Atleast kilala ka na niya! Yun na lang isipin mo instead na mag emo ka jan!

Si Ian naman biglang nagsalita.

“Oy alas singko pa pala! Ano ng gagawin natin?”
“Edi uuwi sa kanya kanya nating bahay!”
“Fafa Dren naman eh, ang kj!! Ayoko muna umuwi sa dorm! Wala pa kong friendships dun eh! at isa pa—bonding na lang tayong lima!! Tsaka.. getting to know each other tayo dito sa bago nating friendship! Diba Gayle?”
“Ay bet  ko yan Ian! Pero ewan ko lang kung hindi ba to busy si Nick..”

Lahat kami nagsitinginan kay Nick. Sasama kaya siya? Sana naman, oo.

“Wala naman akong gagawin, so game ako jan.”
“Uwaaaah! Lalabshoo na talga! Ikaw Fafa Dren?”
“Kung game si Nao, game na rin ako.”
“Aba aba! So ikaw pala ang pag-asa ng h-inang bayan Nao!”

Tiningnan ko ng masama si Ian. Binibiro ko lang naman.

“Yang fes mo na yan Nao, ha?! Don’t tell me kj queen ka?”
“May sinabi ba ako Ian? Gutom ako eh! Kaya game ako! Saan niyo gusto, ha?”

Ayun at napagkasunduan naming sa Jolibee magpunta. Malapit lang naman kasi tapos trip ko ding mag Jolibee. Actually, si Dren ang may idea nun at trip din naman namin yung idea niya kaya dun na kami. Pagdating namin dun, hindi naman marami yung tao pero hindi mo din masasabi na kaunti lang. Karamihan sa mga kumakain dun eh studyante. Feel ko nga mga schoolmates namin ito base na rin sa mga ID cords na suot nila. Anyway...

Nag-order kami individually. Wala kasing papatalo kung sino ang oorder eh. Kadalasan sa amin, nag-order ng sundae tsaka burger steak. Si Ian lang yung fries at sundae ang inorder. Diet daw kasi siya. Ayun. Kain kain din. Dahil nga gutom ako, naubos ko kaagad yung steak ko.

“Grabeh girl! Kung maka-lafang ka naman, chibog eh!”
“Anong lafang sinasabi mo jan? Gutom nga ako diba?”
“Lafang! Meaning kain! Aish! Hindi ako teacher mo na kailangan ka pang turuan no!”
“Hoy bakley! Wag mo nga maaway away yang bespren ko, pektusan kita eh!”
“Sorry naman Gayle! Nga pala.. pakilala mo naman yang boylet mo sa amin!”
“Boylet?”

Lahat kami napatingin kay Nick. Yung reaksyon niya... ngumiti lang siya, tapos nagsalita.

“Hindi kami “kami” ni Gayle, nagkakilala lang kami nung enrollment!”
“Wow bonggacious! Parang kami lang ni Fafa Dren eh! Diba Fafa Dren?”

Sinimangutan lang siya ni Dren kaya nagsitawanan kaming lahat kay Ian. Si Ian naman parang batang nag pout ng lips. Ang gwapo nga ng bakla eh. Sumubo ako ng isang kutsara nung sundae ko nung biglang nagsalita si Dren.

“So tol, ka-course ka din namin?”
“Ah oo. Shiftee ako, BSMath yung dati kong course.”
“So meaning Fafa Nick, 2nd year ka na dapat ngayon?”
“Oo. Kaso nagshift nga ako, 1st year irregular yung standing ko ngayon pero ayos lang naman yun.”
“Sayang naman yung 1 year mo sa BSMath tol.”
“Hindi naman masyado Dren kasi nacredit ko naman halos lahat ng subject ko. Halos pare-pareho lang naman ang subject ng CompSci tsaka BSMath eh.”

Kaya pala. Kaya pala kami nagkita noong enrollment. Naalala ko yung sinabi niya na papunta din siya sa SCS at nagmamadali pa siya. Siguro dahil yun sa pagshift niya. Baka pahirapan yung pagkuha ng slots kaya ganun. Anyway... Inubos ko na yung sundae ko at maging sila eh patapos na rin sa mga kinakain nila.

“Dapat pala magKuya na kami sayo Nick!”
“Nah wag na Gayle! Hindi naman naglalayo mga age natin eh.”
“Asus! Ang sabihin mo Fafa Nick, ayaw mo lang malosyang! Don’t worry, Fafa ang tatawag ko sayo at hindi Kuya! Sabihin pa ng mga echosera jan, kabaro kita! Mygash! Kinikilabutan ako!”
“Patawa ka talga Ian!”
“Pero syempre, second fafabol na kita kasi si Fafa Dren ang perslab ko eh!”
“Hoy Ian, manahimik ka jan!”

Tawa lang kami ng tawa nun. Baliw talga tong si Ian! Anyway... May gusto akong itanong kay Kuya Direction—este, Nick pala.

“Nga pala, bakit ka nga pala nagshift sa CompSci?! Bakit hindi sa COE (College Of Engineering)? Diba halos credited naman yung mga subjects mo sa Engineering since nanggaling ka naman sa BSMath?”
“Gusto ko kasi yung CompSci eh, highschool pa lang ako trip ko na talga yung pagmamanipula ng program tsaka...




...sa tingin ko kasi, andito yung future ko.”




Comments are highly appreciated! :))
FOREVER

notebooknikayen

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +4/-0
  • Drift and Kill
Re: Ska Bu Forever ♥
« Reply #29 on: February 24, 2013, 01:44:22 PM »
Naku po...
Eto na iyon eh, tag of war ng magbestfriend.
Aaaat Nick, sino ang future mo??

(waiting for the next!!)
Trigger and Bullets

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Mad for Mad Fest

by: kaye, 2014-11-23

So this is happening: Kimbra, one of my favorite artists in the world, is finally coming to our tiny little archipelago as the headliner for JACK TV'S MAD Fest this December 5. It's...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved