Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Author Topic: Ska Bu Forever ♥  (Read 3249 times)

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Ska Bu Forever ♥
« on: January 26, 2013, 12:46:29 PM »
See original post: http://www.wattpad.com/story/3136476-ska-bu-forever
Nawa'y magustuhan niyo ang Ska Bu Forever. Teheee. Support din tayoooo mga sis! Chalamat -- TeeSheer

-Prologue-

Sa buhay natin...alam kong meron tayong kanya-kanyang priorities.

Katulad ko, simula nung nawala yung parents ko, wala na kong ibang ginawang priority kundi suklian ang kabutihang naibigay ng family ng bestfriend ko sa akin...si Gayle.

My mom died when she gave birth to me. Yung Papa ko naman, namatay 6 years ago sa isang accident dun sa ibang country, OFW kasi siya dun. Siguro nung mga panahon yun, lugmok na lugmok ako na tipong hindi ko na alam kung ano pa magiging silbi ng existence ko. Pero buti na lang anjan si Gayle. Siya yung naging karamay ko nung mga panahong walang-wala ako. Kinupkop nila ako at inilagaan. Sa kanila na ako tumutuloy matapos nung nangyare sa Papa ko. Aside from being my bestfriend, Gayle was also my cousin.

At sa lahat ng napagdaanan ko, Gayle was there and her family...

They brought me to life and I owe them for that.

Enrollment na! Sa department kaagad ako dumericho since dun naman talga kami nagpapa-enroll. Nakita ko si Dren na nakatayo sa labas mag-isa, siya yung tatay-tatayan ni Gayle at ka-coursemate ko din...

“Oy Dren! Si Gayle?”
“Ha? Akala ko ba sabay kayo ng anak ko?”
“Ay hindi eh. Matagal kasi akong nagising... So wala siya dito sa dept?”

Inikot ko pa yung mga mata ko sa paligid...pero wala siya.

“Wala eh.”
“Pero si Maye?!”
“Ah! Nanjan sa loob!”

Pumasok kaagad ako sa loob, tinanong ko si Maye kung nakita ba niya si Gayle tapos sabi niya hindi pa daw niya nakita ever since nakarating siya sa dept. Eh asan ba yun? Nakatoka siya sa pagsisingil nung college assessment fee daw namin eh kaya dapat andito na yun.

Nakakapagtaka.

Sinubukan kong mag-inquire kung may extra balance pa ba yung load ko, thanks naman at meron pa. Iba kasi network ni Gayle eh. Tenext ko siya kung nasan na ba siya. Mga ilang minuto din siguro nun, nagreply siya.

Na siyang nagpakaba sa akin ng sobra...

Agad akong umalis or should I say, napa-karipas na ko ng takbo. Hindi na din ako nagpaalam kina Dren at Maye. Pumunta kaagad ako ng McDo kasi yun yung sabi niya sa text niya kung nasaan siya at yun...nakita ko siya, umiiyak sa isang table na nasa corner. Nakatabon yung magulo niyang buhok sa mukha niya habang nakatakip yung kamay niya dun sa mukha niya.

“Gayle! What happen?”
“Nao... Si... S—Si Nick.”

Natahimik ako saglit. Nung narinig ko pangalan ng boyfriend niya, mas lalo akong kinabahan. Lalo na... walang pakundangan yung luhang tumutulo sa mga mata ni Gayle.

“Bakit Gayle? Ano bang ginawa sayo ni Nick? Nag-away ba kayo? Ano?!”

Nagpapanic na ako. Oo, by definition, ako yung tipong over-protective masyado, lalo na pagdating kay Gayle. Ayokong umiiyak siya. Ayokong nasasaktan siya. Nagagalit ako sa mga taong nananakit sa kanya. Napayakap ako sa kanya... pero napabitiw ako nung nagsalita ulet siya.

“He broke up with me, Nao.”

Nanlaki yung mga mata ko. Tumagos sa puso ko yung sinabi ni Gayle. Hindi ako makapaniwalang magagawa yun ni Nick sa kanya. Hindi... hindi talga.

“Bakit Gayle? I mean—why all of a sudden? Diba nga kaka one month niyo lang?”
“I dont know Nao! Hindi ko talga alam! But I think... he has another girl.”

Natahimik ako dun. Sa loob loob ko, hindi yun magagawa ni Nick. Mabuti siyang tao at hindi niya kayang gumawa ng ganun.

Lalo na, alam niyang bestfriend ko si Gayle.

“Baka naman Gayle, nagkakamali ka lang.”
“No Nao. Feel ko talga eh! Bakit niya ko hiniwalayan kung wala? Hindi naman kami nag-away ah! Ok na ok naman kami!”

Mejo napalakas na yung boses ni Gayle nun kaya ramdam ko yung mga mata sa paligid namin. Umiiyak pa rin siya nun, mas lumala nga yung iyak niya kaysa nung una ko siyang nakita. Hindi ko siya maawat. Siguro nga sobrang masakit para sa kanya. Pero... kilala ko si Nick. Alam kong di niya gagawin yun.

“Pero kasi Gayle—“
“Alam kong mas kilala mo siya more than I do pero Nao. Sinaktan niya ko...and it hurts me so well.”
“Alam ko Gayle pero...”
“Pero what?! Please Nao... Do me a favor.”
“A favor?!”

Kinakabahan ako sa sinasabi ni Gayle. Sobrang seryoso kasi yung mukha niya at ewan ko, kinakabahan talga ako ng sobra.

“I want to know who’s the other girl. And I want you to do that.”
“Ano kamo?!”

Napasigaw ako dun. Hindi sa hindi ko narinig yung sinabi niya. Hindi lang talga ako makapaniwala sa sinabi niya. Like what? Aalamin ko yung babae ni Nick?

“Please Nao. Yun lang naman ang hinihingi kong pabor sayo eh...”
“Pero Gayle. Hindi ako marunong sa mga ganyang bagay. You know me! Lumulukot yung dila ko sa mga ganyan.”
“Lumulukot yung dila mo sa mga ganun or lumulukot dahil si Nick yun?”
“Gayle...”

Napatingin ako sa kanya. I can’t believe her bringing that thing up again.

“Please Nao... I know this sound’s stupid but please? Can you just do it for me?”

She looked at me with her face which anyone could lose their hearts into it. Nakakaawa yung mukha ni Gayle. Alam ko masakit...pero?

“Nao please... gusto ko lang namang malaman kung bakit niya ginawa yun sa akin.”
“Bakit hindi mo siya tanungin?”
“Ayaw ko siyang makausap, Nao.”
“Pero Gayle, problema niyo naman to at—“
“Please Nao? Kahit ito lang...”

Tiningnan ko si Gayle. Nangungusap yung mga mata niya. Malungkot at nasasaktan. Naaawa ako sa bestfriend ko. She doesn’t deserve it though, pati din naman ako pero sige, alang-alang sa bestfriend ko...

I’ll dig my own grave now.

“If that’s what makes you happy, I’ll do it then.”

Niyakap niya ko. Sana naman sa gagawin ko, maibsan yung lungkot at hinanakit niya. Alang-alang sa bestfriend ko...






Susubukan kong maging masokista sa storyang ito.
« Last Edit: February 24, 2013, 09:33:21 AM by TeeSheer »
FOREVER

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2711
  • Karma: +35/-10
Re: Ska Bu Forever
« Reply #1 on: January 26, 2013, 03:00:27 PM »
Spell martir = Nao

Curious talaga ko sa break up nina Gayle at Nick eh... Something's fishy pati dun sa favor ni Gayle parang may something!

Abangan ko to bangs...

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever
« Reply #2 on: January 26, 2013, 03:10:13 PM »
Spell martir = Nao

Curious talaga ko sa break up nina Gayle at Nick eh... Something's fishy pati dun sa favor ni Gayle parang may something!

Abangan ko to bangs...

HAHA. SALAMAT ATE. DI PUMAPALYA COMMENTS MO. :)) I'LL UPDATE THIS ATE, SIGURO KUNG DADAMI NA ANG COMMENTS. :))
FOREVER

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2711
  • Karma: +35/-10
Re: Ska Bu Forever
« Reply #3 on: January 26, 2013, 03:20:39 PM »
HAHA. SALAMAT ATE. DI PUMAPALYA COMMENTS MO. :)) I'LL UPDATE THIS ATE, SIGURO KUNG DADAMI NA ANG COMMENTS. :))


Dadami din yan bangs...

Natalya Arlovskaya

  • Guest
Re: Ska Bu Forever
« Reply #4 on: January 27, 2013, 01:07:26 AM »
Nice prologue! Wait ko na lang sana dito yung next updates kaso, I got impatient and read it in your Wattpad!  :D

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever
« Reply #5 on: January 27, 2013, 06:44:43 AM »
Nice prologue! Wait ko na lang sana dito yung next updates kaso, I got impatient and read it in your Wattpad!  :D

HAHAHA. NATALYAAAAA!! YAY! NAGFAN KA NGA DUN. :)) ANYWAY, DUMAAN KA SANA NG COMMENT DUN! NATAPOS MO NA TALGA LAHAT? HUWOW. :)) ANYWAY AGAIN, SALAMAT SA PAGBABASA NG LOVESTORY NI NAO! :">
FOREVER

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: Ska Bu Forever
« Reply #6 on: January 27, 2013, 09:10:50 PM »
Quote
Susubukan kong maging masokista sa storyang ito.

what a line... XD


Feel ko may crush rin si Nao kay Nick eh.. Yun ay feel ko lang rin naman.. Hahaha XD

And I'm really interested in this story. Dito ko na lang babasahin kasi, di na ako nakakawattpad masyado eh..

Tsaka napansin ko lang na same ng name ng character ko ang character mo.. Si Gayle.. as in.. yung spelling tugma na tugma.. haha XD

Anyway, I'm Jehee nga pala. ^__^

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever
« Reply #7 on: January 30, 2013, 10:52:34 PM »
what a line... XD


Feel ko may crush rin si Nao kay Nick eh.. Yun ay feel ko lang rin naman.. Hahaha XD

And I'm really interested in this story. Dito ko na lang babasahin kasi, di na ako nakakawattpad masyado eh..

Tsaka napansin ko lang na same ng name ng character ko ang character mo.. Si Gayle.. as in.. yung spelling tugma na tugma.. haha XD

Anyway, I'm Jehee nga pala. ^__^


HELLO JEHEE. =)) THANKS FOR READING . ;)) MAGKAPAREHO PALA? HUWAW. COINCIDE LANGS. :)) ANYWAY, TENCHUU ULET FOR READING! BET KO YANG DITO MO NA LANG BABASAHIN. HAHAHA. KAYA NGA I POSTED IT IN CC PARA MABAHAGI KO DIN SA MGA TAO DITO AT HINDI PARA MAGHAKOT NG READERS MULA DITO PAPUNTA SA WATTY. :">
FOREVER

girlpower19

  • jellybean
  • **
  • Posts: 132
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Ska Bu Forever
« Reply #8 on: February 01, 2013, 10:05:40 PM »
..oooooh..mnay past si nao kay nick..naging sila ba or talagang gusto nya lang to?..and the nga ba nag other girl or meron nga ba?..interesting..i'll support this..
♥nEgEn NaPpUnIyA♥

♥mS.vIoLeNt19♥

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever
« Reply #9 on: February 01, 2013, 10:24:41 PM »
..oooooh..mnay past si nao kay nick..naging sila ba or talagang gusto nya lang to?..and the nga ba nag other girl or meron nga ba?..interesting..i'll support this..

HELLO! :"> UPON READING YOUR COMMENT, NAPASMILE AKO. HAHA. SALAMAAAAAT! :))
FOREVER

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever
« Reply #10 on: February 02, 2013, 03:37:12 PM »
-1-
[Fast Backward]


“Oy bruha! Magbabandila na’t tagal tagal mo!”
“Sandali lang naman Gayle, grabeh ka!”

Enrollment na namin. Kaya ganyan yang si Gayle kung maka-echos sa akin. Ewan ko ba! What’s with the college thing at sobrang excited siya? Balita ko nga mejo hahaggard daw faces niyo oras na papasok ka na sa college. Serious type na daw ang study at ang teterror daw ng mga professors. Lalo na kung ang pinasukan mong school eh mataas pa sa Mt. Everest ang standards. Kinakabahan tuloy ako.

“Naoimi Laceda, ano ba?!”
“Oo na nga!”

Matapos kong magsintas sa sapatos ko eh dali dali akong lumabas ng kwarto. Sinalubong naman ako ng busangot na mukha ni Gayle.

“Ang tagal mo?!”
“Eh kasi yung sintas eh, di ko naready kagabi kaya tinali ko pa all over!”
“Grabeh ka! Eh ako nga nung isang araw ko pa niready lahat ng susuotin ko!”
“What is excited!”
“And what is slow! Tara na nga!”

Hinatak din ako kaagad ni Gayle papuntang labas. The next thing that I know, nasa school na kami. Sumalubong sa amin ang napakalaking tarp sa itaas ng gate na ‘Welcome Freshies’ Enrollment’. OK. The pressure and everything are already on my spine now. Itong si Gayle naman...

“Ayeeeeeh! So bonggacious ng tarp! I can feel na talgang dalaga na me!!”
“Eh? Matagal ka ng naging dalaga, second year tayo nung unang dalaw mo noh! Lokaret to!”
“Bruha! Eh hindi naman kasi yun yung ibig kong sabihin! Ay basta! I can feel it naaaaaah!!”

Ayun. Para siyang baliw, may pa hawak-hawak pa sa dibdib niya. Lokareet minsan ng pinsan ko, pagpasensyahan niyo na. Ayun nga, iniwan pa ko.

Nagdericho kami dun sa college building namin. Bago sa amin ang entire university. Kaya ito, mejo naliligaw pa ang peg namin.

“Asan kaya yung SCS (School of Computer Science) no?”
“Ewan ko. Sabi ko na nga ba, nakakatakot magcollege eh!”
“Hoy ano ka ba Nao, don’t say that! Hindi nakakatakot ang college no! Nakaka-excite nga eh! Im sure madaming poging fafabols dito!”

May dumaan na lalaki di kalayuan sa harap namin, bigla bigla na lang tinuro nitong ni Gayle..

“Kita mo yun?”
“I have my eyes bru, YES!”
“Then use it no! Yun yung nakaka-excite sa college! Ayeeeee!”

Yung pahawak hawak effect niya sa dibdib niya, umeeksena na naman...

“Hoy! Magtigil ka nga jan! Para kang boang! At tsaka, lalaki? Hindi na bago sayo yun! Dami mo kayang lalaki nung high school tayo, duuuh.”
“Marami nga pero they are not counted anymore. Im looking forward to my college fafabols no! Syempre, pag college na eh seryos mode na yung mga boys. Eh hindi kagaya nung sa high school, puro ka echosan at puppy love lang naman!”
“Atleast nagkaroon ka! Eh ako? Parang coke, ZERO!”
“Asuus. Wag na e-degrade ang sarili. I know bru, may makikita ka ding fafabols dito sa college! Swear!”
“Ugh! Wateber Gayle! Tara na nga! Hanapin na natin yang SCS na yan!”

Nagtanong tanong kami kung nasan yang SCS thing na yan. Pero sa awa ba naman ng Diyos eh puro ‘hindi alam’ yung sagot ng mga tao.. Naloloka na ko!

“Ay grabeh! Wala talga ni isa sa kanila may alam kung nasan tong SCS nato? Kaloka!”
“Onga eh! Pero tiwala lang Nao no! If there’s a will, there’s a way! Teka nga, CR muna ako! Bag ko nga, pakibitbit!”

Kinuha ko yung bag niya at yun, nag CR siya. Ako naman, mejo nababagot na. Kanina pa kasi namin hinahanap yung SCS thing eh. May nakita akong lalaki, tapos may bitbit siyang papel na katulad sa amin. Hmm. Matanong nga..

“Ah—Excuse me?”
“Oh?”
“First year ka?”

Di niya ko sinagot, tinawanan lang niya ko. Awt. Ano nakakatawa sa sinabi ko? Simpleng nagtanong lang naman ako ah!

“May nakakatawa ba?”
“Wala naman.. Sorry. Nagulat lang kasi ako. Yung iba, napagkakamalan akong 4th year, tapos ikaw eh 1st year.”
“Ah... eh... sorry.”
“No no, it’s okay. Um.. 2nd year nako.”

Second year? Wala sa itchura. Pero good thing yun! Kasi kung second year siya, edi ibig sabihin nun alam na niya pasikot sikot cheber dito sa university! Go Nao, tanungin mo na!

“Uhhh... Kuya, pwede po ba magtanong kung nasaa—“
“Ang SCS?!”
“Bat mo alam?!”
“Dahil sa papel mo...”

Automatic na napatingin ako sa papel na hawak ko. Onga naman, mukhang pareho nga yung papel namin. Baka nga may kinalaman yun sa SCS thing nato. Utak nga Naoimi!

“Baguhan ka dito? 1st year?”
“Opo...”
“Tama! Papunta ako dun eh... Kung gusto mo, sabay na tayo!”
“Ah sige po... Pero may friend pa kasi akong hinihintay eh.”

Speaking of... Bat ang tagal ni Gayle? Kung kelan andito na yung grasya, saka siya wala.

“Ah... matagal pa ba siya?”
“Ewan ko po... Kanina pa yun eh.”
“Nasan ba siya?”
“Nag CR po.”
“Jan ba?”

Tapos tinuro niya yung CR sa di kalayuan kung saan nag CR si Gayle.

“Opo.”
“Naku... uso ang linya jan. Madami kasi nagsi-CR jan eh.”
“Ah ganun po ba?!”

Tapos nakita ko yung mukha niya. Parang nagmamadali. Naku naman Naoimi, ok ka lang ba? Tanungin mo kaya kung nagmamadali ba yan o hindi!

“Ah Kuya, nagmamadali ka ba? Mauna ka na lang siguro...”
“Matagal pa ba talga yung kaibigan mo?”
“Mukha po. Ewan ko po... Naku sorry... Kung nagmamadali ka, mauna ka na lang. Magtatanong na lang kami sa iba.”
“Naku pano ba yan... Ah ganito na lang! Turo ko na lang sayo yung direction, okay?”

Tumango ako. Sa loob loob ko, napakabait niya. Akalain mo yun, tinuruan ako? Edi solve na problema namin ni Gayle! Malapit lang naman pala yung SCS eh. Nakapagpa enroll din naman kami ng matiwasay ni Gayle. Pareho ang lahat naming sched since first year pa naman daw kami. Ang sabi dun sa adviser namin, by block yung sectioning kaya ibig sabihin lang nun ay for one sem, kasa-kasama ko ang aking bruhang bestfriend! Yehey!

For once... Hindi kaba yung naramdaman ko kundi excitement... Ewan ko ba. Naalala ko kasi yung lalaki kanina na siyang nagturo sa akin kung nasaan yung SCS.





Magkikita pa kaya kami ulet nun?


HOPE YOU ENJOY THE UPDATE. ;)
« Last Edit: February 14, 2013, 07:26:36 PM by TeeSheer »
FOREVER

onefivefour

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +10/-2
  • smile.
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #11 on: February 02, 2013, 04:01:36 PM »
Nahiya naman ako sa yellow. Sakit sa mata ;D. May hula na ako anong meron sa break up. mehe.
it's when dreams do come true
Destined To Love

TeeSheer

  • jellybean
  • **
  • Posts: 206
  • Karma: +3/-1
  • TeeSheer Monterde ♥
    • Tahanan ni TeeSheer
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #12 on: February 03, 2013, 09:34:03 AM »
Nahiya naman ako sa yellow. Sakit sa mata ;D. May hula na ako anong meron sa break up. mehe.

HELLO. HAHAHA. SORRY NAMAN KUNG NAKAKASAKIT SA MATA SI YELLOW. ;) ANO NAMANG HULA MO SA BREAK UP? HAHA
FOREVER

onefivefour

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +10/-2
  • smile.
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #13 on: February 03, 2013, 12:05:08 PM »
May gusto si guy kay Nao, tapos dahil bestfriend slash cousin slash may utang na loob si Nao kay pinsan edi magletgo ang drama niya. Tapos yun, pero feeling ko lang yan. Ang feelingera ko tuloy =)))))
it's when dreams do come true
Destined To Love

RaineRawrr

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 46
  • Karma: +4/-0
  • A daughter of Poseidon~
    • My Stories
Re: Ska Bu Forever - 1 [FAST BACKWARD]
« Reply #14 on: February 04, 2013, 09:11:14 PM »
Aabangan ko tooo!! Nyahaha. JK. Magkocomment parin ako dito, dahil nga idol kita TeeSheer! :D
Oyy, Sheer, magpapareserve na ko kay Fafa Dren. Nyahaha. Basta akin na yun waah. Wala nang mangaagaw. :D

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

The Ultimate Selfie Phone

by: guest, 2014-12-19

The Lumia is back with bigger, better and bolder features! Last December 10, members of the press were given an exclusive sneak preview of the brand new Microsoft Lumia 535 and...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved