Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: ORDINARY SONG (ONE SHOT)  (Read 585 times)

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« on: January 04, 2013, 10:48:01 AM »
 




"Ang ganda niya talaga."  I uttered while watching the most beautiful girl I've ever seen in my whole life. Break time namin and as usual, mag-isa na naman ako ng makita ko si Louise.

Tinamaan na yata talaga ako sakanya. Sino ba naman ang hindi? She's pretty, smart, humble, talented...in short she's every man's dream girl. Samantalang ako? Im such a nerd, hindi pansinin at baduy.  Kilala ako sa school nato bilang Nerdy Boy at si Louise naman? Campus Sweetheart, Ms. Killer Smile and Brainy Girl. Anong panaman ko sakanya? Wala.

Habang nakatingin ako sakanya, bigla na lang siya napatingin saakin. Automatic naman na napaiwas ako.  Kakahiya. Sana di niya ko nakita. Hays, bakit ba kasi ang hirap abutin ng isang katulad niya?



Maya-maya nag ring na yung bell, signal na tapos na ang break time kaya agad akong nagbalik sa room namin.

And there again, i saw that smile that always make me grasp.

 Yeah, classmate ko si Louise, since second year pa hanggang ngayong third year pero hanggang ngayon ay hanggang tingin pa rin ako sakanya. Duwag ako eh. Nerd nga diba? Pssh.

Dumating yung Prof namin sa Chem...


"Okay now, we're going to have a pair activity...choose your partner.... blah..blah..bla.h..."



Eto na naman, kaya ayaw ko ng ganito eh! tiyak mag-isa na naman ako. Sino ba naman kasi ang gusto maka-partner ang isang katulad ko? Kahit matalino ako, ayaw naman nila sakin kasi bukod daw sa pagiging nerd ko ay di daw ako pala-salita at minsan weird pa. Mahiyain nga ako eh diba?

Ayun...habang busy ang lahat sa paggawa ng activity ako nasa sulok lang, mag-isa. Mag-isang ginagawa ang dapat pair activity. Okay lang, sanay naman ako eh.

Maya-maya may biglang tumabi saakin pero di ko pinansin.



"Hey... may partner ka na?"



Napitigil ako sa ginagawa ko. That voice... I look at the that person and there I saw L-ouise smiling at me.  Teka? totoo ba tong nakikita ko? Kinakausap a-ko ni L-ouise?   :o



"H-ey... okay ka lang?" she snapped her fingers.



Putek. Daryl, kinakausap ka nga babaeng gusto mo!



"Ah-eh" Sht nauutal pa ako. Napangti na lang siya. Nakakahiya ka Daryl!  >:(



"Hmm okay lang ba na partner tayo? Lahat kasi may partner na..."



Nananaginip ba ako? !@!#. Hindi! Totoo to...



"A-h sige...okay lang"

Daryl concentrate! Huwag magpahalata!


Sinimulan na nga namin gawin yung activity. Habang ginagawa namin yun di talaga ako mapakali. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkapartner kami ng babaeng gusto ko. Ang saya ko!

Pero kakahiya talaga. Putek ka Daryl. Pero ang sarap ng feeling... para akong nasa heaven. First time ko siyang makausap. Ang ganda niya talaga. Hindi ako nagsasawa titigan siya.

Almost 30 minutes din namin natapos yung activity. Umalis na nga Prof namin at sinabing ipasa na lang sa President namin yung output. A



"Ayan...tapos na tayo  Thanks ha!"  :)


Nginitian ko na lang siya. Hindi ko alam sasabihin eh. Maya-maya napansin ko na medyo lumabo yung eyeglasses ko kaya tinanggal ko para punasan.



Napansin ko na nakatingin siya saakin.



"You know, why don't you try using contact lense? May itsura ka naman eh, di lang nakikita dahil diyan sa malaking salamin mo" sabi niya habang nakangiti sabay alis. Ako naman naiwang nakatulala. Di ko akalin maririnig ko yun sakanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko.



Pero after that day eh balik na naman ako sa dating ako. Hindi ko na ulit siya nakausap, nahihiya na naman kasi akong lapitan siya lalo na pagkasama niya mga kaibigan niya. Compare to  her, im just nothing. Pero naisip ko, bakit di ko kaya subukan yung sinabi niya? Just for a change? wala naman sigurong mawawala diba?



Kaya the next Monday,nagpasya akong magsuot ako ng contact lense for the first time. Napabili pa ako ha! Kasabay din  nito, inayos ko rin ang hairstyle ko... ang dating buhok na gaya kay Rizal ngayon ay nilagyan ko ng konting gel.



Nagulat pa nga nanay ko sa bago kong itsura eh... maski ako.



"Anak... ikaw ba yan? ang gwapo mo " napangiti na lang ako.



Okay kinakabahan akong pumasok, pero bahala na. Pagkadating ko sa school, pinagtitinginan ako lalo na ng makarating ako sa room. Maraming nagbubulong-bulungan...



"Grabe, sabi na sayo gwapo si Daryl pag walang salamin"

"Oo nga..nawala ang pagka-nerd niya! ang cute "

Nahihiya naman tuloy ako sa mga naririnig ko. Hindi ako sanay sa atensyon eh saka pakiramdam ko namumula na ako. Pssh. Napatingin naman ako kay Louise at nakatingin naman siya saakin. Nakangiti. Mas lalo tuloy akong namula at nahiya. Ano kayang iniisip niya?

Ayun dahil sa aking transformation, ang dating nerd na laging OP ngayon marami ng pumapansin. Nagkaroon na rin ako ng self confidence at di na masyadong aloof sa mga tao. At dahil diyan sa loob ng halos limang buwan eh nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan at nakasali pa ako sa banda ng school. Pinilit lang nila akong sumali, sayang daw kasi  ng boses at talent ko sa pagtugtog.   ;) Grabe talaga. Di ko inasahan na ganito ang magiging epekto saakin ng pagbabago ko.

Pero kahit nagbago ako, ako pa rin ang dating Daryl pagdating kay Louise. Oo.Hindi ko pa rin siya nakakausap, mahiyain pa rin ako pagdating sakanya. Ang !@#$ lang no? Nagawa ko nga magbago pero ang kausapin ang babaeng gusto ko? Hindi ko kaya. Ang !@#$ ko talaga. !@!#$$



Hanggang dumating ang February. Malapit na ang Prom. Maraming babae ang nagyaya saakin na maging partner nila pero lahat tinaggihan ko. Isa lang gusto ko makapartner, alam niyo na yun.



Syempre si Louise. Kaya ayun, tinipon ko lahat ng lakas at tibay ng loob ko.. bahala na kung ma-reject basta susubukan ko. Ayoko na maging duwag.... mahal ko siya eh. I need to ask her to be my prom date.





After class, I decided na tanungin na siya... hihintayin ko lang na mapag-isa siya bago siya lapitan. Kaso pagkatapos ng klase, bigla siyang nawala... sobrang nalungkot ako... kung kailan may lakas ng loob na ako saka naman biglang nawala. Tsk. Palabas na ako ng room nakita ko siya... kasama si Marc, batchmate namin na sikat. Muka yatang niyaya na si Louise na maging prom date,at si Louise nakangiti pa. Muhkang huli na ako. Bigla naman akong nanghina at umalis agad. Di ko na kaya eh. Putek, naiiyak pa ako.

Putek Daryl, bakit ka pa kasi umasa? Kahit nagbago ka...ikaw pa din ang dating nerd na baduy at mukhang ewan!

Pagkatapos nun, dahil di ko naman nayaya si Louise, I decided na wag na lang pumunta. Para san pa? Hindi naman ako sasaya. Sinong matutuwa na makita ang mahal mo na kasayaw ng iba? Putek. Ang sakit.

----------------

After 2 days, after class.

"Oh Mr. De Vera, buti nandito ka... pwede ka ba magkaroon ng presentation sa Prom kasama ang banda mo?"

Ano ba yan. Wala na nga akong balak pumunta.

"Ah-eh..Ma'am hindi po ako pupunta eh"

"Pero Mr. De Vera bakit naman? Sayang , siguradong mag-eenjoy ka...at saka maraming nagrequest na tumugtog kayo..."

Matatanggihan ko ba to? teacher eh.. nakakahiya naman.



"Okay po Ma'am, I'll go"

No choice. Uwi na lang ako pagkatapos ng presentation.



"Oh thanks Mr. De Vera..."



-----

2 weeks after:

Prom Night.



Saktong 6PM dumating ako sa Venue. Pumunta agad ako sa mga kabanda ko. Madaming ding bumati saakin at maraming nagtaka kung bakit wala akong ka-date.

"Hoy Pare, san ka-date mo?"

"Wala.."



Habang busy kami sa pag-aayos sa stage ng mga kabanda ko.. nakita ki si Louise kasama ang mga friends niya. Natulala panga ako.... an ganda kasi niya.



Pero nakapagtataka, siya lang walang kapartner sa mga kaibigan niya. Asan yung Marc na yun? Iniwan siya? Anong klaseng date yan. Kaasar? Kung ako yung date ni Louise di ko siya iiwan! Naasar man ako, perro wala na rin akong magagawa.



Alam mo yung feeling na lahat masaya, ng-eenjoy pero ikaw? malungkot. Putek.



Maya-maya nagsimula na rin kami kumanta... 5 songs. Ako pala yung vocalist. Yung unang 4 songs puro rock, at yung pag-last...



"Hmm....the last song that I will sing this night is entitled " Ordinary Song..."

I said while looking at the crowd.



"And I dedicate this song to a very special girl to me...Sana marinig mo to. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon..." naghiyawan naman sila.


CLICK: Ordinary Song

Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you



Verse 2:

I may not have much to show

No diamonds that glow

No limousines

To take you where you go.



Chorus 1:

But if you ever find yourself

Tired of all the games you play

When the world seems so unfair

You can count on me to stay

Just take some time

To lend an ear

To this ordinary song



Verse 2:

Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you



I don't even have the looks

To make you glance my way

The clothes I wear

May just seem so absurd



Chorus 2:

But deep inside of me is you

You give life to what I do

All those years may see you through

Still I'll be waiting here for you

If you have time

Please lend an ear

To this ordinary song



Interlude



Verse 3:

Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you.






While singing nakatingin ako sa crowd searching for Louise. Nang makita ko siya ay nakatingin din siya saakin. Alam mo yung pakiramdam na parang kami lang yung tao doon. At that time I realize, hindi ko talaga siya mahal.



Kundi mahal na mahal ko na siya.





After that, nagpalakpakan na lahat. Bigla namang nawala sa paningin ko si Louise. Bumaba na lang agad ako.



"Daryl! Laki na talaga ng pinagbago mo!"

"Oo nga, cant imagine na magagawa mo yun! tibay ah!"

Marami pa rin ang nagugulat sa mga inaasta ko ngayon, kasi nga diba ang dating nerd na mahiyain ngayon ang lakas ng loob. Pero ganun talaga,

"People change" sabi ko na lang.

Marami ding nagtanong kung sino yung special girl na yun pero nginitian ko na lang sila. Privacy ko na yun. Pagkatapos nun eh nagpasya akong maglakad-lakad sa labas ng hotel. Nakarating ako sa likod na part, sa may garden...

Kaso may nakita akong babae na nakaupo sa isang bench... Napatingin siya saakin sabay tayo. At ako naman nagulat.



"L-ouise?A-nong gi-nagawa mo dito?"

Nagulat din siya pero biglang ngumiti. Pero may  mali..parang malungkot yung mga mata niya. Ewan, naghahallucinate lang siguro ako.


"Ah wala nagpapahangin lang.. ikaw"

Hays. ang ganda niya talaga

"Wala..nagpapahangin lang rin"



Then silence came. Lumapit ako sakanya...



"Uhm, nice voice by the way... you change a lot...Daryl" She said while smiling. That smile. And the way she said my name. Grabe, ang lakas ng tibok bg puso ko.

"T-hank you...and.... y-ou look very pretty, L-ouise"

I said na medyo nahihiya. For the first time natawag ko siya sa pangalan niya at napuri pa. Napangiti na lang siya. Silence came again.



Argh. Daryl! speak up! this is your chance... habang wala ang date niya... wait speaking of date. Nakakahiya man pero..

"N-asan si Marc?"

"Ha si Marc? bakit?"

"Di ba siya date mo?"

Bigla na lang siya natawa... Ako naman nagtaka.



"Who told you na si Marc Date ko?"



"Eh-kasi ..Nakita ko kayo last week sa labas ng room, niyaya ka niya diba?"

"Yes he did... but i rejected him...and i dont have a date"

Ano? did i hear it right? ni reject niya si Marc...at wala siyang date.

"W-hy?"



" Ha?Teka nga... why should I tell you?"

Sht. napahiya ako...

"I-im sorry" nauutal na naman ako.

"Haha..Okay lang...eh ikaw? w-here's your date?"

"A-h I dont have a date.."

So pareho kaming walang date?



Then silence came again. Mga 5 minutes din. I look at her, at nakatingin siya sa malayo.

Ewan but I think this is the right time...bahala na kung ma-reject. Kaya mo yan Daryl.



Grow up be a man,



"Uhm Louise, I know this may sound absurd..but w-ill You dance with me? kahit walang music"

Im so nervous. Im ready to accept her answer. Kahit reject okay lang.



"Sure" I was speechless. Natulala pa.

"Hey? kala ko magsasayaw tayo?" she snapped her fingers.

Im not dreaming. Totoo to Sht. Daryl! Wake up..

Hinawakan ko siya agad and we started dancing...slowly.  Yung position namin ay yung pang solw dance, magkalapit yung mga katawan namin. Hawak ko yung kaliwa niyang kamay habang nakapatong naman yung kanan niya sa balikat ko. Nung una tumingin siya saakin at nginitian pa ako at maya-maya naramdaman ko na lang na pinatong niya yung ulo  niya balikat ko.

And it feels so... right. Parang nayayakap ko na rin ang babaeng mahal ko. :)

Para nga kaming tanga, walang music eh...pero sa totoo lang dahil medyo malakas yung music sa loob ng hotel eh naririnig pa rin namin.

 Sa wakas... after all this years, naisayaw ko na rin siya. Dati isa lang to sa mga pangarap ko tapos ngayon nagkatotoo na. :)   Habang nagsasayaw, tahimik lang kami. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung naririnig niya pero I can feel and hear her heartbeat too.



And that strikes me, i think this is the right time.





The right time for me to confess my feelings for her. Baka hindi na ako mabigyan ng another chance...kaya mabuti pa. Gawin ko na ngayon.




 I  slowly held her closely and look at her. Her eyes was closed.

I took a deep sigh. Kaya ko to.




"L-ouise, I l-ove you..." mahinang sabi ko... I dont know if she heard it or not. Okay lang kahit hindi siya sumagot. Masaya na ako dahil nasabi ko sakanya. Gumaan ang pakiramdam ko.







After almost 2 minutes. No answer.
Siguro nga di niya narinig. okay l-a--







"I love you too...Daryl"

I was frozen. T-tama ba ang narinig ko? Or I'm just hallucinating?



"L-ouise?" :o



"You know..." then she slowly open her eyes and  look at me i.  We stopped  dancing.  "...matagal na kitang gusto, kahit nung nerd ka pa. I dont know why. There's something about you that I find attractive...and you know what, kaya wala akong partner at ni-reject ko si Marc kasi I've been waiting for you to ask me...kaso hindi eh."



"L-ouise...i-d-ont know what,-- Im sorry"  I dont know what to say kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.



"H-ey, Daryl... i c-ant breathe..." Binitiwan ko siya  agad at tiningnan siya.



"Sorry... I--im just happy."

Argh. sht. Kalalki kong tao pero naiiyak na ako sa sobrang saya. Ganun din siya.



" Matagal na rin kitang gusto Louise, Im just afraid that you'll reject me... you know Im just an ordinary guy... loving a very special girl like you. Compare to you..I am nothing. Kaya lang naman ako nagbago..from being a nerd to being like this...dahil sayo. Mahal na mahal kita Louise...actually dapat yayain kita maging prom date but when i saw you with Marc that day smiling...akala ko huli na. Im sorry masyado ako naging duwag....."





"Silly..You know Daryl, I love you as you are...kahit hindi ka pa nagbago..kahit ikaw pa yung nerd, it will never change, i will still love you...."



I hug her tightly again. I cant stop myself from smiling. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip na nagkatotoo.



"Thank you for liking and loving me..kahit ganito lang ako...Yung last song ko kanina, its was dedicated to you. I just wanted you to know how I really feel about you through that song. I may not be the perfect guy for you..but I promise that you'll the only girl I will love...Mahal na mahal kita""

Then she look at me again.

"Thank you...I really aprreciate it, di mo lang alam na sobrang nagselos ako dun sa babaeng pinag-alayan mo nun kaya nga ako nagpunta dito eh... then now malalaman kong ako lang pala?" Then she chuckled. Natawa na rin ko.

"Sorry...masyado lang akong natakot at naduwag"

"I understand...but seriously...thank you...dahil minahal mo ako..."

Then she hug me.  Niyakap ko naman siya ng  mahigpit.

"Its okay, thank you for loving me too...I love you very much Louise Jane Ramirez"

"I love you too.. Daryl John De Vera..."

We look at each other.

"So tayo na?" I said. Then she slightly punch me in my chest. Grabe, sadista pala tong mahal ko.

"Hay Daryl..pumogi ka lang..syempre hindi pa... manligaw ka muna!"

"Yes boss...sorry naman "

and we both laugh and begin to dance again. Habang sumasayaw... kinanta ko uli yung "Ordinary Song"...

Grabe ang saya ko. Hindi ko akalain na matutupad yung kaisa-isahang pangarap ko. Ang makasama ang mahal ko.

After that bumalik na kami sa loob ng hotel, marami ngang nagtaka kung bakit kami magkasama. Well saamin na lang yun. Basta ang alam ko masaya ako. Sinong mag-aakala na mahal din ako ng mahal ko? Well, siguro wala, Basta ang mahalaga mahal ko siya. And its not yet the end of our story...its only the beginning.  ;)




The END
« Last Edit: January 04, 2013, 11:09:06 AM by yellowdreamer »

JzMie24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 24
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« Reply #1 on: January 16, 2013, 07:24:37 PM »
Wooot woooot! :"> Kinilig aketch XD :DD Ahm nagsusulat po ba kau sa watty? *u*

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2711
  • Karma: +35/-10
Re: ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« Reply #2 on: January 17, 2013, 08:34:23 AM »
Kakilig naman! Daryl and Louise forever!  ;)

Jean.Naej

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 56
  • Karma: +9/-0
  • JeanMaurer
    • : Tweet me at :
Re: ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« Reply #3 on: January 20, 2013, 03:12:38 AM »
EEEEEEEEEEEH SHHHHH. Ang ganda :> Kilig te. <3  :)


Nice one shot! Jean here =)
Let's Pretend, Baby

Sarang-Girl

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« Reply #4 on: January 26, 2013, 08:30:09 PM »
I'm sorry to criticize your story ate or anything but I only want to give my opinion, tingin ko po medyo parang feminine yung POV ni daryl (kahit po lalampa lampa kasi ang isang lalake ay medyo masculine parin ang dating ng iniisip nya.) then cute naman po medyo I find it cliche dahil almost 2 years na ako sa industry ng pagbabasa kung saan saan.
good luck in writting a story

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 416
  • Karma: +4/-1
  • TeenTalker
Re: ORDINARY SONG (ONE SHOT)
« Reply #5 on: March 25, 2013, 08:50:13 PM »
I'm sorry to criticize your story ate or anything but I only want to give my opinion, tingin ko po medyo parang feminine yung POV ni daryl (kahit po lalampa lampa kasi ang isang lalake ay medyo masculine parin ang dating ng iniisip nya.) then cute naman po medyo I find it cliche dahil almost 2 years na ako sa industry ng pagbabasa kung saan saan.
good luck in writting a story

Naku. its okay, i accept criticisms naman. :) Anyways thank you for giving a lil of your time reading this ! And yeah i know na masyado na common ang ganung story pero ewan ko ba, may nagtulak lang sakin na isulat to..matagal ko na kasi tong naiisip eh.. thanks anyways!

EEEEEEEEEEEH SHHHHH. Ang ganda :> Kilig te. <3  :)


Nice one shot! Jean here =)

Thank you Jean :)

Wooot woooot! :"> Kinilig aketch XD :DD Ahm nagsusulat po ba kau sa watty? *u*

Uy thanks :D actually yes, i have my unfinished stories there.. haha..

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

The Ultimate Selfie Phone

by: guest, 2014-12-19

The Lumia is back with bigger, better and bolder features! Last December 10, members of the press were given an exclusive sneak preview of the brand new Microsoft Lumia 535 and...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved