Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: IRISH here! Pasok po! :) [#MedyoBusy]  (Read 3971 times)

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1880
  • Karma: +43/-12
  • Brentology Genius
    • Tumblr
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #30 on: January 13, 2013, 07:22:56 pm »
AY KABAYO!! marunong magluto? maraming pera para sa foods? NAGBAGO NA YATA ISIP KO SA PAGDODORM NA YAN AH!! hahaha!! grabe.. pang-almusal lang din ang kaya ko.. haha, eh kung magnoodles nalang kaya ako araw araw? haha, kahit di healthy! basta makasurvive!! papayat pa ko. hahaha.. pero sana sa summer matuto akong mag-luto haha!!

kala ko dati mas mahirap kapag pang-umaga.. yung pinsan ko kasi dati hirap na hirap, pang umaga rin class niya.. (hs lang ah) tapos gigising siya ma 3am tapos pasok na sa school ng 4:30.. yung college naman dito sa school namin whole day rin lahat.. gaya saming mga high school.. depende ba saan yung mga pang-umaga at panghapon jan sainyo? depende sa course? :)

hmp! hinding hindi ako magiging coffee addict noh.. baka makasanayan ko ng hindi makatulog ng sapat na oras tapos lalo akong pumanget dahil sa pimples haha!! oo yung malakas ang sipa ang tinitira ko kapag ganung kapanahunan ng exam. haha.. pero dati sumubok ako ng 3in1.. wala akong napala.. nakatulog rin ako ng mas maaga :D

naranasan ko na yang ganyan, yung matatapat ka sa side na against sa talagang gusto mo.. debate pa naman yung samin nun, buti team-team,. good luck nalang ulit sayo. kaya mo yan, hahaha.. ako'y nahihirapan na rin para sayo. GOOD LUCK ULIT! pagdadasal kita!!

ay siguradong napakahaba nun.. :D performance sa swimming? :)

ltlmstwntysx

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +3/-1
  • yooolalaaaa~
    • Personal Blog
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #31 on: January 25, 2013, 09:33:23 pm »
Hello friends! Masyado akong naging busy dahil sa patong-patong na school works, kaya sorry talaga sa super late reply. :)



@Kambal Irish ;D: Oo nga, tama :) Lahat ng course mahirap sa sarili nilang paraan eh, basta tiwala lang tayo sa kakayahan ni AMA! :) Siyempre may kalakip na gawa para tuloy-tuloy ang pagpapala :) Nyahahaha!



@Ate Karen: from Dasma, Cavite po ako :D
Ayun, eto po balik na naman sa pagka-busy.. Kaya sorry po sa late reply :) Kayo po? Nag-aaral pa po ba kayo? :)



@Gia: Ui, eto 'yung ang pao oh. Hahahaha! >:D Lapit na Chinese New Year pero hindi pa rin ako tumatangkad. xD



@Jiezel: Ui. Haha. Alam mo 'yung Maggi Magic Meals? 'Yung ulam na sinasabay iluto sa kanin. Pwede 'yun! Hehe! Siguro naman masarap 'yun 'no. :D Baka magmukha na 'kong endorser dito, adik lang. ;D

Kapag pang-hapon kasi, parang hindi ko feel na may pasok. Haha. Eh kapag pang-umaga parang, urgent na urgent na talagang mag-ayos ng sarili pagkagising na pagkagising mo! Siguro depende ang sched namin sa kung gaano karami 'yung subjects. 'Yung mga Eng'g and Archi students, talagang fully loaded 'yung sched nila dahil madami silang subject, eh kami medyo magaan-gaan lang [pero hebigat ang mga pinapagawa] ;D Saka may classroom deficiency pa sa school namin ngayon kaya isa ako sa mga maraming nakakaranas ng afternoon classes :-\

sa akin nga din eh, kahit umiinom ako ng kape hindi pa rin ako nakakapagpuyat na as in puyat talaga! HAHA. Pero siyempre kakailanganin ko pa ring uminom nun para pampainit ng katawan!

Ay. Sa wakas natapos na din, mahigit isang linggo na ang nakalipas ::) Good news kamo! Walang nagtanong sa amin ni isa dahil gusto ng prof namin na madaliin na ang panel discussion kasi kinakapos na kami sa oras! WAHAHA! ;D

Oo, performance sa swimming. Nasimulan ko na 'yun noon, kaso hindi pa rin natatapos hanggang ngayon dahil sa sobrang ka-busy-han :-\ Dami ko tuloy utang na blog post!
« Last Edit: January 25, 2013, 10:28:23 pm by ltlmstwntysx »

harmony :]

  • jellybean
  • **
  • Posts: 170
  • Karma: +6/-2
  • ordinary ;]
    • BLOG :]
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #32 on: January 26, 2013, 10:56:38 am »
Hi Irish! Ang interesting naman ng mga blogs mo. Harmony nga pala. may blog din ako. Hihi. Friends?

TheUnpredictableGirl

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 27
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #33 on: January 26, 2013, 01:52:50 pm »
Hehe. Makikitamabay naman dito sa thread mo. XD

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1880
  • Karma: +43/-12
  • Brentology Genius
    • Tumblr
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #34 on: January 26, 2013, 09:20:54 pm »
hahahah siguro? haha susubukan ko yun! xD oy baka mamaya binabayaran ka na ng Maggi jan dahil sa pagaadvertise mo haha!!

oo nga noh! parang di feel pag hapon, nakakatamad nga!! narealize ko rin.. tapos ang bilis ng oras kapag umaga kapag may pasok sa hapon!!

good for you! :) haha, pinagpapala ka ng Diyos. ;D wala ng proproblemahin,, tapos na lahat! tapos na rin exams niyo diba?

lol. pampainit talaga ng katawan ha! haha lalo na nga ngayon, sobrang lamig.. yung tipong 3 times kang naiihi sa loob ng isang oras! >:( haha

ltlmstwntysx

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +3/-1
  • yooolalaaaa~
    • Personal Blog
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #35 on: February 04, 2013, 09:43:30 pm »
@Harmony: Hello! Ang cool naman ng pangalan mo :) Hihi salamaaat! Ikaw pala 'yung nag-follow sa blog ko nun, finollow back na rin kita. Sure, friends! Taga-san ka?



@TheUnpredictableGirl: Hi! Anong pangalan mo? Salamat sa pagtambay! :D



@Jiezel: Haha grabe naman! Wala lang, naisip ko lang 'yun dahil siguradong mauumay din ako kapag puro noodles eh. xD

Tama ka diyan! Tapos, eto. Kapag pang-umaga, parang ang bilis lang ng oras from umaga to hapon dahil tirik talaga ang araw. Kapag panghapon naman, super tagaaaaal talaga dahil parang gusto mo palaging antayin na dumilim na ang langit at makauwi na!

Ow. Ngayong week nga midterm exam namin eh, tas bukas tatlong subject ang i-e-exam! Tapos dun sa 2 subjects eh hindi diniscuss ng mga prof namin lahat ng lessons :-\ BS ACCOUNTANCY MAJOR IN SELF STUDYING.

Literal na init ng katawan 'yan 'no! HAHA! Ganyan na ganyan din ako dito sa bahay kapag sobrang lamig, ihi ng ihi! xD

chierachel

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1141
  • Karma: +4/-0
  • BS CS @ AdU
    • Facebook
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #36 on: February 04, 2013, 11:20:16 pm »

hi irish.. im rachel.. nice to meet you.. i hope na maging friends tayo..

iLailin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 17
  • Karma: +0/-0
  • Lailin Channel, but I go by my n-name Cece. 💗
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #37 on: February 05, 2013, 05:37:33 am »
Hi po ate Irish ^__^w
I live to E X p r e s s  not to  I M p r e s s . 💋

harmony :]

  • jellybean
  • **
  • Posts: 170
  • Karma: +6/-2
  • ordinary ;]
    • BLOG :]
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #38 on: February 05, 2013, 08:22:45 am »
@Harmony: Hello! Ang cool naman ng pangalan mo :) Hihi salamaaat! Ikaw pala 'yung nag-follow sa blog ko nun, finollow back na rin kita. Sure, friends! Taga-san ka?
THANK YOU! :) taga-alabang ako, ikaw?

erl25

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 17
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #39 on: February 05, 2013, 09:36:15 am »
Pangatlo ko na yatang thread 'to dito sa WW. HAHA Grabe hindi kasi ako maging active nung mga nakaraang taon! :D Sana ngayon magawa ko nang maging active.

__________

Ako nga pala si Irish Gail Santiago. Tawagin niyo na lang akong Irish.

16 years old at 4'8" lamang. Hoho.

Isa akong accountancy student. [Magiging CPA ako, tiwala lang.] :-)

Nag-aaral sa De La Salle University - Dasmariñas.

Ako ay isang Iglesia ni Cristo. Kaway naman sa mga kapatid diyan! ;-)

__________

Bigyan niyo ako ng:

spaghetti
siomai
lasagna
pizza
statement shirts
meme shirts

at mamahalin ko kayo habang buhay. ;-)

__________

Active ako sa mga social networking sites dahil pinagkaitan ako ng social life. :/

Eto ang Facebook at Twitter ko.

Mahilig din akong mag-blog. Actually, tatlo ang active blogs ko ngayon. ;-)

Ang main blog ko ay nasa Blogspot. Nakasulat diyan ang mga personal thoughts ko.

Meron din akong Tumblr blog. Puro reblogs ang laman niyan. 'Yan ang dati kong main blog, pero nung naisip ko na gusto ko ng blog na puro original posts ko ang laman, gumawa ako ng Blogspot blog para hindi ako tempted na mag-reblog. Heehee.

Ang pinakabagong blog ko ay matatagpuan sa Wordpress. Ang mga posts diyan ay puro tungkol sa mga TV commercials. Oo, tama ka sa nabasa mo! Interest ko nga ang panonood ng mga TVCs sa Youtube. At dahil nasumpungan ko ang sarili ko na pinagsisigawan sa FB ang mga magagandang commercial na napapanood ko, nag-create na lang ako ng blog. Check niyo 'yan dali!

Dahil sa pagiging active ko na dito sa Internet, ang online username ko ay ltlmstwntysx. Siyempre, 'yan din ang username ko dito sa TeenTalk! :-)

__________

F R I E N D S ?  ;)

P.S. Matinong picture ko ay makikita dito. HAHA. :D




hello irish! happy new year. :) pwede bang pa guide sa pag gamit dito sa candy mag acount? kinakain ako eh! HAHAHA.

nice to meet you! i'm perly  ;D
baby patoutieee :)

xoxothirteen

  • Guest
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #40 on: February 05, 2013, 10:23:12 am »

hi po! Mary Anne here.
16 y/o
Hope we can be friends. :)

ltlmstwntysx

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +3/-1
  • yooolalaaaa~
    • Personal Blog
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #41 on: February 06, 2013, 11:16:25 am »
@Rachel: Hello! Nice to meet you din! Sure, friends na tayo! xD
Kumusta?



@iLailin: Hello there! (Ü)v Anong pangalan mo? :)



@Harmony: Welcome :) Taga-Dasma, Cavite ako eh. High school ka ba o college? :)



@Perly: Hi! Happy new year din! ;D Panong kinakain? Parang load lang.. HAHA xD



@Mary Anne: Hi! Yes, friends na tayo :) Anong year mo na? Pwede ba kitang tawaging Meanne? Hehe :)



At katulad ng mga ibang natambay dito, gusto kong tanungin sila Rachel, iLailin, Perly, at Mary Anne: taga-saan kayo? ;D Ewan ko ba kung bakit, pero habit ko na talagang magtanong ng ganyan every time na may nakikilala akong friends online.. 'kala mo mag-o-organize ng eyeball eh! Lol! xD Pagpasensyahan niyo na 'ko :) Nawa'y ipagpatuloy niyo ang pagtambay dito! NAKS! ;D
« Last Edit: February 06, 2013, 11:18:29 am by ltlmstwntysx »

xoxothirteen

  • Guest
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #42 on: February 06, 2013, 02:00:51 pm »
@Mary Anne: Hi! Yes, friends na tayo :) Anong year mo na? Pwede ba kitang tawaging Meanne? Hehe :)

I'm from Daly City, CA dating taga Makati City, Philippines. Hehe :) junior palang ako ulit here, dapat college na sana eh. Kaso nag-migrate kami. And yes, you can call me Meanne. Pwede ding Anne. Ganyan tawag saken ng friends ko. :)

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #43 on: February 06, 2013, 04:12:14 pm »
Hello there irish!  ;D

chierachel

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1141
  • Karma: +4/-0
  • BS CS @ AdU
    • Facebook
Re: IRISH here! Pasok po! :)
« Reply #44 on: February 07, 2013, 12:19:32 am »
@Rachel: Hello! Nice to meet you din! Sure, friends na tayo! xD
Kumusta?


thanks sis.. ayun okie lang naman ako.. kw sis?? tga caloocan ako.. kw??

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

It's Recess Time!

by: angel, 2014-04-24

It's mid-morning on a school day. You're sitting in the classroom, trying desperately to keep your eyes open. Your stomach is grumbling because it's been hours since your first meal...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved