C&♥41
Never Look Back
"No... no! I think you don't like that idea!" Sabi ko sa kanya nang nakalabas kami sa bahay nila.
Tinanggihan ko ang paghawak ng kamay niya sakin. Humalakhak siya kaya sinapak ko ang braso niya.
"Ugh!" Umirap ako.
Tumatawa parin siya. Sinapak ko ulit sa inis ko. Di ko naman alam bakit ako naiinis sa kanya.
"Damn!" Hindi parin siya natigil sa pagtawa at pag ngisi. "Damn I love you."
"I love you, really?" Umirap ako. "Ipagpapalit mo ako agad-agad eh!" I can't hide the bitterness behind my words.
"No one will ever replace you, baby." Sabay halik niya sa lips ko.
Kainis! Isang halik lang solb na ako eh! Ang daya nito!
Napangiti ako, "Some big client?" Tanong ko.
"YEP! THE BIGGEST CLIENT EVER!" Tumawa siya.
My eyes narrowed, "You sure that's not an excuse?"
"Nope!" Agad niyang sinabi.
Kinurot niya ang pisngi ko at ngumiti. Marami akong doubts... he's 27, really hot and sexy for a CEO, very tempting, gentleman, kind, mature... Anyone can fall for him. What if that woman falls for him? And what if he'll fall for her, too? What will happen to me? I don't think I can handle another heart ache... Not with Chase... No. Pero alam ko din na dahil sa trabaho niya kaya niya gagawin ito. Kahit di ko alam kung anong rason kailangan kong maniwala.
Naniwala ako kay Yuan noon kahit harap-harapan niya na akong niloloko. Okay lang sakin ang lahat noon dahil naniwala ako. Naniwala akong ako yung mahal niya kahit ipinapakita niya sa lahat na si Tanika yung gusto niya. At ngayon, kung gagawin yun ni Chase sakin, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I just have to believe that he wouldn't do that to me... Masakit... May kung ano sa tiyan ko at may lump sa lalamunan ko habang kinakausap ko siya pero ayokong makita niya ang kahinaang ito. He's mature while I'm not... at least not yet... and letting him go or believing him right now will be my first step sa pagiging mature.
"You'll understand soon." Kumindat siya.
"Yeah! I know... I really need to learn more about the business world!"
May mga tao talagang mahirap tanggihan lalo na kung business ang pinag uusapan. Well, I just hope... I just hope...
"So? Magpapakasal kayo?" Tanong ko.
Nagseryoso agad ang mukha niya, "Of course not! I'll just fix some things and I'll make sure... ma-dame..." Ginaya niya ang accent ni Korean Doll Natalia. "will know my clear intentions... that I am not going to marry someone who isn't Eliana Jimenez." Kumindat siya.
MARRY ME? Napalunok ako at natulala sa sinabi niya. Naisip niya na ba talagang pakasalan ako? Ako na walang malay sa mundo? At siya na nasa kanya na ang lahat sa mundo ay naisipang magpakasal sakin?
"Hey, you still jealous?"
Sumimangot ako, "No! I'm not jealous!" Sabi ko.
"Yes you are baby..." Hinalikan niya ulit ako. "You shouldn't... I've waited too long for you... I won't just let you go without begging, fighting or chasing..." Tapos nag isip siya at ngumuso at pinigilan ang pagngiti. "I won't let you go at all, ever."
Then someone poked him from behind.
"Ser... tawag ka na ho ni madame." Wika ng naka uniporme nilang maid at sumulyap pa sakin bago umalis.
Tumawa ako. "You should go, Chase... Uuwi na lang muna ako..."
"Yes... Text me aryt? Coz I'm going to be texting you like mad while eating on that table." Tumawa siya.
"Ugh! Lowbat ako." Sabi ko.
"Hmm! Then... Text me agad pag nakapagcharge ka na okay?" Tumango ako.
Tinawag niya ang driver niya at inutusang ihatid ako sa Riala ng safe and sound. Hinalikan niya ulit ako at nagpaalam na..
"I'll be waiting for your text." Kumindat siya.
Umalis na kami. Kinakabahan ako sa mangyayari sa marraige interview niya pero grabe kung makapagbigay ng assurance si Chase. I feel like I'm the most beautiful and the luckiest girl in the world! This is it!
Pero yun nga lang... ang pinaka gutom din na babae sa mundo.
"Manong, uh... pwede sa tapat na lang ng the Walk niyo ako ihatid kasi mag lulunch po muna ako." Sabi ko kay mamang driver.
"Pero bilin ni Mr Castillo sa Riala."
"Sige na po manong... Lalakarin ko lang naman yung Riala galing the Walk eh."
Tinignan niya ako sa salamin at tumingin ulit siya sa daan.
"Papagalitan ka ni Mr Castillo kung gugutumin mo ako." Sabi ko nang narealize na ibang driver ito.
Hindi siya yung kumuha samin ni Chase sa Port galing Bantayan kaya di niya alam na may relasyon kaming dalawa.
"O sige... saglit lang po pero baka kailangan kong maghintay sa labas. Kung ano yung utos niya yun dapat masunod eh." Aniya.
I frowned... The control freak he is?
"Okay."
Okay lang naman. Saving energy sa pag lalakad papuntang Riala pero wasting gas and time kay Manong.
Agad na akong pumunta KFC, half-running... Naaawa na ako kay manong eh... Naka pag lunch na kaya yun? Bilhan ko na lang ng lunch at mag titake out na ako.
Dahil masaya ako today binilhan ko ng 2 piece chicken si manong at maraming side dish. Naisipan ko ring bilhan si Celine (kahit na for sure nasa CPI pa yun ngayon)... Bumili pa ako ng maraming pagkain in case pupunta si Luke mamaya... o di kaya si Chase...
Uminit ang pisngi ko habang naiisip ko yun pero agad naman bumabaliktad ang sikmura ko tuwing naiisip ko ang ginagawa niya ngayon.
Naglakad ako dala-dala ang take out ko sa KFC pabalik doon sa kung saan naka park ang red fortuner ni Chase nang biglang... BAM!
"Eliana!" A familiar desperate voice from afar.
WHAT THE HECK?
Napalingon ako at nakita ko ang isang matangkad at maputing may pagka chinito ang half-running papunta sa akin. Si... YUAN! Halos malaglag ko yung bitbit kong supot.
"Tulungan ko na po kayo." Kinuha ni Manong ang mga supot at nilagay sa loob ng fortuner.
THEN IT STRUCK ME! Ito yung emergency na gustong sabihin ni D sakin! Ang emergency na nalaman ni Yuan kung saang parte ako sa mundo nagtatago ngayon. Should I run? Anong gagawin ko? Pero habang nag iisip ako at nanginginig sa kaba ay papalapit siya ng papalapit sakin.
"Eliana! God! I missed you!" Sabay yakap niya sakin.
Di ako makagalaw. I don't know but I can't take this. Sinaktan niya ako at sana nag move on na lang siya tulad ng pag mo-move on ko. The tears running down his cheeks reminded me that it wasn't that long ago... Everything was still fresh... But its dying in me. Everything in his point of view is fresh... actually... it is fresh. But it wasn't that fresh for me... no... not anymore.
"Yuan." Halos maiyak din ako habang iniisip ang pinag daanan namin.
Of course, I loved this man. Sagad sa buto na nakaya kong humarap sa pamilya niyang galit na galit sakin. But something inside me is different. I'm not that girl anymore. Not the Eliana Jimenez from the past... Not anymore...
"Yuan... anong ginagawa mo dito? You shouldn't be here... Bumalik ka ng Maynila." Basag ang boses ko habang nakikita ko siyang pulang-pula sa pag iyak.
I've never seen him this emotional before. Pity... I'm sorry... I loved you... But... chasing me won't be worth it anymore... Its too late.
"No! Ngayong nakita na kita, hindi ako babalik! I won't go back and live with that god forsaken family!" Sigaw niya.
"Yuan!" May isa pang pamilyar na boses sa likuran ni Yuan. It was Tanika. "Yuan, let's go! You've found her! Let's go back! She's alright!"
"Shut up, Tanika!" Sigaw ni Yuan.
Nakatitig siya sakin at mejo kumalma na.
Napairap ako nang mas lumapit si Tanika saming dalawa. God... I'm not in the mood with this effin drama right now! Kanina lang I'm walking on sunshine tapos ngayon feels like I'm walking in the rain.
"She's right, Yuan. I'm okay! Umalis na kayo. Bumalik na kayong Maynila!" Sabi ko.
"No! Eli! We can finally be together! Please! Go back with me!" Sabi ni Yuan.
Nakita ko ang paglandas ng luha sa mata ni Tanika.
"No... Yuan, I'm sorry." Sabi ko.
"WHAT? Di ka na ba babalik ng Maynila? Gusto mo dito ka na lang sa Cebu?" He is hysterical.
"Oo! I'm happy here! You should live your life with Tanika..." Sabi ko.
"Of course, Eliana! I'm still his fiancee!"
Ayokong mag mura pero para akong susuka sa pagmumura dahil sa sinabi ni Tanika. Oh yes you think I'm still bitter about the two of you? Bullsh1t! Get a fcking life!
"Alam ko. Hindi ko alam kung bakit ka nandito... Bakit di mo siya pinigilan kung fiancee ka naman pala?" Tanong ko.
Di makasagot si Tanika.
"Whatever game you're playing right now... I'm sorry but I'm not playing it. And I will never...again... ever..." Sabi ko kay Yuan.
Tinalikuran ko silang dalawa at agad hinila ni Yuan ang braso ko.
"No, Eli... Don't leave me please. I've been fighting for you... almost a year now... don't leave me. please." Basag na basag ang boses niya.
Yes... I couldn't deny it. It breaks my heart. But every tear I've shed in the past was enough to make realize that I shouldn't insist in our love story... Not now... Now that I'm in love and happy with someone else. Alam kong bago pa lang kami ni Chase... marami pa kaming issues at marami pa akong doubts... With all his women... Ophelia de los Reyes and that Natalia... Alam kong mas madali kung sumama ako kay Yuan dahil proven and tested ang pagmamahal niya pero I'm not made for the proven and tested anymore... I'm made for a Chase Martin. Sa maikling panahon na ito ay sigurado na ako.
"Come back! Live with me! Come home with me!"
This is my home, Yuan. Ayoko mang aminin dahil sa mabilis na pangyayari pero I'm really sure right now!
"Babalik ako, Yuan." Sabi ko.
Natigilan siya at napatingin sakin.
"I'll come back... Babalik ako sa Maynila. Just leave me alone today... Umalis na kayo! Umalis na kayo!" Sabay tingin ko kay Tanika na humihikbi na sa gilid.
"Kailan?!" Yuan's face lit up.
"Soon." Sabi ko.
"I need the date, Eli!" Halos masaktan na ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Binawi ko ang braso ko. Nabigla naman siya sa ginawa ko pero di niya na lang pinansin dahil mas interesado siya sa idudugtong ko.
"Next week. Wa'g mo kong sundan. Wa'g mo kong hanapin dito." At tinalikuran ko sila.
I know I've been so unfair. The accident months ago was because of me. Gusto niyang makaalis ng bansa kasama ko kaya mabilis ang takbo ng sasakyan. I rejected his offer... I backed out. But it was the bravest thing I've ever done. The wisest thing I've ever decided. The best decision I ever made... Alam kong masama akong tao dahil sa kabila ng pag baback-out ko sa kanya, hinanap niya parin ako pero heto ako at di naappreciate ang ginagawa niya.
Sorry... pero I'm fed up... And I've moved on. One things for sure here. I will never look back.