Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 53764 times)

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: .::Chase & Hearts::. 18 - Dense :)
« Reply #285 on: February 07, 2013, 10:16:22 PM »
Kakauwi ko laaaaaang! T_____T LOL, Nevermind. Hahahahaha! Tawang tawa ko dito. Hahahaha! Saktong sakto yung pagkakasabi ni Celine na sa manhid pa si Chase nahulog e. Hindi lang pala kasi manhid si Eli, slow din! Obvious na nga, dami ng clues, waleeeyyyy pa din. Hahahahaha! Mukhang mahihirapan si Papa Chase dito kay Eli e. =)))

Nakakatawa pa na sinisisi niya yung sarili niya sa buong chapter. Palala ng palala yung guilt e. Hahahahaha! Naku Eli, you have to make bawi kay Sir Chase para di ka na ma-guilty. Inaway pa pala si Brittany! :""""""">

BUT WAIT! Nakakakilig yung di niya ginalaw yung pagkain scene at yung bawal mag tawag ng Sir. Hahahaha! Grabe naiimagine ko, parehas silang nagbblush. Hahahaha, awkward! Nakakatuwa lang, ang saya. Hahahaha!
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. 18 - Dense :)
« Reply #286 on: February 07, 2013, 11:57:39 PM »
Eto na naman tayo sa alam-na-ng-buong-mundo-na-gusto-ka-niya-ikaw-na-lang-hindi syndrome. HAHAHAHA  :D ;D Eliana Jimenez, pagpatuloy mo yan! Push! Push Chase to the limit hanggang siya mismo magsabi sayo, hahahahaha! Kalokaaaa~~  8)

Kinabahan naman ako don sa pinagalitan si Britanny part, she deserved it, true, pero lalong magmamaldita yan kasi na in yo fez lang siya na si Eliana ang gusto ni Chase. hihi.  ;D

Papuntahin mo na si Bench saka si Denise, yooohoooooo~~ excited na ako sa magiging reaction ni Denise sa kamanhiran ni Eliana.

And Yuan, speaking of Yuan, Ate Jonah, possible kaya na magkaroon tayo ng flashback how Eliana and Yuan fell for each other? Haha, diba nga kasi patago sila? Pano sila nagkadevelop, pano dumamoves si Yuan.  ;D

Next chapter busog na busog na si Chase! Wahaha! :D
Sino ngayon ang manhid? Tss.

ianne11

  • jellybean
  • **
  • Posts: 170
  • Karma: +10/-4
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 18 - Dense :)
« Reply #287 on: February 08, 2013, 07:05:42 PM »
lalalala... :D
sana po may update naaa! ;)

jhoyie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 174
  • Karma: +58/-1
  • love love love
Re: .::Chase & Hearts::. 18 - Dense :)
« Reply #288 on: February 09, 2013, 04:46:17 PM »
Grabe, sobrang naeexcite ako sa susunod na update. Ang dense mo Eli! Haha. Hindi ko na maintay ang pagdating ni Marcus sa eksena. Gusto ko kasing makita kung pano magselos si Chase.  Inlove na ang anak ni Madame!  :D

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #289 on: February 10, 2013, 11:22:33 AM »
wooh! andami ko ng updates na miss
pero grabe and vibes talaga ni chase
parang maya-maya may malking mangyayari sa kwentong ito
tapos si eli naman, she cant help but be dense kasi nga iniisip niya boss niya si chase and nothing more  ;)

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 18 - Dense :)
« Reply #290 on: February 10, 2013, 11:24:25 AM »

C&♥19
Changes






"Naku Eli, tingin ko talaga gusto ka ng boss mo or something." Sabi ni Denise sa Skype.
"Imposible naman yan, D. Ang-Ang sama-sama ko ngang tao magugustuhan niya pa ako?"

Umirap na lang siya sa kawalan. Isang week na akong bumibili ng lunch ni Sir Chase at kung anu-ano na lang ang binibili ko. Pagkatapos palagi na lang akong nagkakamali, 'Sir Chase' imbes na Chase lang pero di niya pa naman ako tinatanggal sa trabaho.

Natapos ko rin ang isang module kagabi kaya puyat na puyat ako kinaumagahan sa opisina. Jusko! Sana pala di ko tinapos kagabi ayan tuloy inaantok na ako dito sa labas ng meeting ni Sir Chase.

"Bawal ang natutulog dito!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko.Si Ma'am Brittany pala.

"So-Sorry po." Sabi ko.
"Hmp!" Mukhang marami pa siyang gustong sabihin pero dumating si Celine at...
"Sige! papasok ako sa board ngayon at irereport ko kay Chase na inaaway mo na naman si-"
"Yeah whatever!" Umalis agad si Ma'am Brittany at kinindatan ako ni Celine.

Pumasok si Celine sa meeting ni sir Chase at lumabas ilang sandali ng nakangiti at agad bumalik sa sariling opisina niya. Dalawang oras na ang meeting at nahuhulog na talaga ang mga mata ko.

Biglang may lumabas na naman sa board kaya napatalon ako. Si Sir Chase pala!

Napatayo ako pero di siya lumapit sakin kaya umupo ulit ako at pinagmasdan siyang umalis papunta yata ng opisina ni Madame.

"Ba't kaya di niya na lang akong inutusan? Importante yung meeting ah?" Bulong ko sa sarili ko.

Baka may gusto siyang kunin? Kanina ayaw niya ako sa loob ng meeting, dito lang daw ako sa labas at si Mary na ang kukuha ng minutes. Tapos ngayon ay di niya man lang ako inutusan.

Ilang sandali ay bumalik siya na may dalang isang tasang kape. Napatingin lahat ng mga nagtatrabaho sa kanya.

"Drink this." Nang nakalapit na siya sakin.

WHAT? Para sakin?

"Pagkatapos ng meeting pupunta tayo ng Mactan para kunin yung records kay Mr. Lim." Aniya.
"A-Ako na lang kaya kumuha sir Chase?" Tanong ko at agad siyang sumimangot.

Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa tinawag ko ulit siyang Sir o dahil ayaw niya sa ideya ko.

"Malayo ang Mactan dito, Eliana. And didn't I tell you to stop calling me sir?"
"Po.. Sorry Chase." Sabi ko.

Ngumuso na naman siya na para bang tinatago niya ang pagngiti.

"Are you tired?" Tanong niya habang tinitignan akong tumutunganga sa kape.
"Hindi naman." Sabi ko.

Tapos biglang bumukas ang pintuan at lumabas si Mary na nininerbyos.

"S-Sir Chase... Hinahanap ka na nila sa loob." Sabi ni Mary.
Sumimangot si Sir Chase kay Mary at, "Saglit lang 'to, Mary. Tell them."

Bumalik si Mary sa loob at tumingin ulit si Sir Chase sakin.

"Uhmm... salamat sa kape." Sabi ko.
"No problem. Magpahinga ka habang nag memeeting ako kasi may lakad pa tayo pagkatapos, ayt?"
"Okay."

Umalis siya pagkatapos nun at bumalik sa meeting. Narealize ko na lang na marami palang nanonood nang halos lahat ng nandoon ay dumungaw at lumapit sakin.

"Ano ang pinakain mo at nagkakaganyan si Sir Chase ngayon?" Tanong nung isang babae.
"Maganda naman kasi siya." Sabi nung isa.
"Pero seriously mag iisang buwan ng malambot si Sir Chase diba nga pinahiya mo siya noon?" Tanong naman nung isa. "Nung nakalimutan mo ang pangalan niya?"
"MGA CHISMOSA!" Nakita kong halos mag-usok yung ilong at tenga ni Ma'am Brittany nang nakita niya ang mga taong nakapaligid sakin. "Balik na nga kayo sa trabaho! Nothing's special with this girl!!!" Aniya. "Mahilig sa fling si Chase diba, I bet isang buwan na lang aalis ka na dito at masasaktan ka na kaya wa'g kang maging feeling, Eliana."

What? Anong problema ng babaeng 'to. Kainis lang eh! Anong ibig niyang sabihin.

"Wala naman akong pakealam kung anong mga hilig ni Sir Chase, ang alam ko lang nagtatrabaho ako dito." Sabi ko sa kanya dahil sa inis ko.
"What?" Humalakhak siya. "Bahala ka! Tignan natin kung sinong luhaan sa huli!" at umalis.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Brittany na mahilig si Sir Chase sa mga fling? Fling? Yung tulad sa mga pinsan kong playboy? At bakit naman tingin nila ay espesyal ako? Diba mabait naman talaga si Sir Chase kahit kanino?

Bumukas ang pintuan ng board hall at nagsilabasan ang mga board members pati si April. 4PM na pala! Huling lumabas si Sir Chase.

Kitang-kita kong nakatoon ang paningin ng mga nagtatrabaho sa kanya. Uminit ang pisngi ko nang nakita ko siyang diretsong naglalakad at nakatingin sakin.

"Let's go?"

Naglaglagan ang mga panga ng mga chismosang nakatingin at halos pati ako'y malalaglag narin ang panga dahil sa kagwapuhan niya. Habang tumatagal ako dito mas lalo lang siyang gumagwapo eh.

"Anong problema?" Tinagilid niya ang ulo niya para tignan akong mabuti kaya di ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa hiya. "Your face is red."

SINABI MO PA SIR EH PARANG KANINA PA AKO NAGPIPIGIL DITO EH.

"Wala po. tayo na." Sabiko at naglakad palabas.

REALLYYYY? :-[ :-[ :-[ :-[

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1887
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #291 on: February 10, 2013, 11:57:56 AM »
omg. meron na sa wakas.. read..



_______________


nakakaasar ka brittany! bat kailangan mo pang magsinungaling na mahilig si Chase sa fling? HMP! (as if naman alam ko yung totoo eh) hay nakakalito na ang katauhan mo Chase ha! ano bang totoo?


hahahaha syempre may kilig moments nanaman dito, hahahaha.. nakakaasar naman bakit si Eliana lang ang biniyayaan ng isang boss na tulad ni sir Chase, :D :D


hoy Eliana, tingnan mo nga oh pati si Denise alam na ang may gusto si Chase sayo.. ikaw nalang ang hindi!
« Last Edit: February 10, 2013, 12:06:29 PM by itsJiezelm »

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #292 on: February 10, 2013, 12:15:54 PM »

SANA Sir Chase ako din pagtimpla mo din nang Kape :) Jusko Eliana, ang swerte mo huh, lumabas lang talaga si Sir Chase dahel sayo, hehehe :)


Super Bitter talaga ni Brittany kai Eli, bwahahahaha..
Laughter is the Best Revenge

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #293 on: February 10, 2013, 12:24:46 PM »
Ang cute, naimagine ko na tinagilid niya yung ulo niya. Geez! Ang gwapooooo at grabeee, hindi ko mapigilan maimagine si Chase as Matt Bomer. O_O

Ang sweet pa!!! Sinong boss ang lalabas ng meeting para lang kuhanan ng kape ang secretary? Kaloka! Kung ganyan lang din naman yung boss ko... kahit janitress pa yan, gora ako! Jk. =)))

Ano ba kasi tinatago ni Sir Chase at ganun na lang ang gulat ng mga empleyado sa treatment niya kay Eli? Gets ko yung never pa siya nagkagirlfriend but I know there's more than that... Haaay ate Jonah, binabaliw mo ako. Hahahaha!

LOL! Makaano naman si Brittany eh baka nga siya yung umuwing luhaan sa huli =)))
« Last Edit: February 10, 2013, 12:40:57 PM by strawberry008 »
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

yhancel

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 52
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #294 on: February 10, 2013, 12:28:47 PM »
Waaaa! Kinikilig talaga ako kay Chase! Jusko po >//////<

insecure much lang Britanny? haha xD everytime na lang? xD

May special treatment si Eliana eh. Hahaha. lakas ng charm kay Chase xD

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2700
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #295 on: February 10, 2013, 12:36:58 PM »
Grabe napakagaan ng trabaho ni Eli, taga bili lang ata ng lunch... May alam talaga itong si Chase tungkol kay Eliana.

Kakilig naman! Ipinagtimpla at inabutan pa ng kape ni Chase... Super concern lang?


Mamatay sa inggit ang mga office mates ni Eli lalo na si Brittany...

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +5/-0
  • bookw0rm
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #296 on: February 10, 2013, 02:05:13 PM »
Yey! May update...
Hayst in all...
Naiinggit talaga ko kay Eli!
May fafa Chase na gwapo and super caring...
Sana ako din :)
be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #297 on: February 10, 2013, 04:40:33 PM »
Late to the highest level! Hahaha.

HMMMMMMMMMMM. Wala naman akong masabi. Basta  ang alam ko lang, may crush si Shase kay Eli. Tapos, nagseselos si Brittany!  ;D Well, wala na syang magagawa.
Aabangan ko ang mangyayari papunta at sa Mactan mismo!  :D
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 211
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #298 on: February 10, 2013, 05:10:07 PM »
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! LABS NA LABS NA TALAGA KITA CHASE MY LABS! HAHAHAHAHAHAHAHAHA. ANG TAE, BAT KA BA GANIYAN?!!!! HAHAHAHAHAHHA. GRABE KA HA. HAHAHAHAH
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. Chapter 19 - Changes.
« Reply #299 on: February 10, 2013, 05:21:15 PM »
omg. meron na sa wakas.. read..



_______________


nakakaasar ka brittany! bat kailangan mo pang magsinungaling na mahilig si Chase sa fling? HMP! (as if naman alam ko yung totoo eh) hay nakakalito na ang katauhan mo Chase ha! ano bang totoo?


hahahaha syempre may kilig moments nanaman dito, hahahaha.. nakakaasar naman bakit si Eliana lang ang biniyayaan ng isang boss na tulad ni sir Chase, :D :D


hoy Eliana, tingnan mo nga oh pati si Denise alam na ang may gusto si Chase sayo.. ikaw nalang ang hindi!
pasensyahan mo na at masyado siyang inosente. hahaha. wa'g kayong highblood ah kasi may maslala pa diyan. hahaha!

SANA Sir Chase ako din pagtimpla mo din nang Kape :) Jusko Eliana, ang swerte mo huh, lumabas lang talaga si Sir Chase dahel sayo, hehehe :)


Super Bitter talaga ni Brittany kai Eli, bwahahahaha..
oo nga. malas ni chase eh manhid ni eli! hahaha

Ang cute, naimagine ko na tinagilid niya yung ulo niya. Geez! Ang gwapooooo at grabeee, hindi ko mapigilan maimagine si Chase as Matt Bomer. O_O

Ang sweet pa!!! Sinong boss ang lalabas ng meeting para lang kuhanan ng kape ang secretary? Kaloka! Kung ganyan lang din naman yung boss ko... kahit janitress pa yan, gora ako! Jk. =)))

Ano ba kasi tinatago ni Sir Chase at ganun na lang ang gulat ng mga empleyado sa treatment niya kay Eli? Gets ko yung never pa siya nagkagirlfriend but I know there's more than that... Haaay ate Jonah, binabaliw mo ako. Hahahaha!

LOL! Makaano naman si Brittany eh baka nga siya yung umuwing luhaan sa huli =)))

ahhaha. yes there's more than that at nasa next up na yun! hahaha. magsisimula na ang twist...

Waaaa! Kinikilig talaga ako kay Chase! Jusko po >//////<

insecure much lang Britanny? haha xD everytime na lang? xD

May special treatment si Eliana eh. Hahaha. lakas ng charm kay Chase xD
haha. kahit manhid naman si Eli eh. kawawang chase. hahaha

Grabe napakagaan ng trabaho ni Eli, taga bili lang ata ng lunch... May alam talaga itong si Chase tungkol kay Eliana.

Kakilig naman! Ipinagtimpla at inabutan pa ng kape ni Chase... Super concern lang?


Mamatay sa inggit ang mga office mates ni Eli lalo na si Brittany...
hahaha! kaya ayan nabubully si Eliana ni Brittany... hay nako!

Yey! May update...
Hayst in all...
Naiinggit talaga ko kay Eli!
May fafa Chase na gwapo and super caring...
Sana ako din :)
yep! pero di perpekto ang relasyon dahil masyadong manhid ang batang si eliana. hahaha

Late to the highest level! Hahaha.

HMMMMMMMMMMM. Wala naman akong masabi. Basta  ang alam ko lang, may crush si Shase kay Eli. Tapos, nagseselos si Brittany!  ;D Well, wala na syang magagawa.
Aabangan ko ang mangyayari papunta at sa Mactan mismo!  :D

sige! dahil alam kong may pasabog doon (o yung papunta doon) sa mactan. well, di pa siya sasabog... hindi pa magkakaalaman pero may clues. hahaha

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! LABS NA LABS NA TALAGA KITA CHASE MY LABS! HAHAHAHAHAHAHAHAHA. ANG TAE, BAT KA BA GANIYAN?!!!! HAHAHAHAHAHHA. GRABE KA HA. HAHAHAHAH
nako! marami na kayong nahuhulog sa kanya! hahaha

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Class Act

by: marla, 2014-10-24

Okay, okay: we know this blog has been looking more like a food blog than a lifestyle/fashion/beauty blog lately. But we can't help it—the universe just keeps showering us with delicious...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved