Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 51217 times)

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #240 on: February 03, 2013, 11:20:58 PM »
oh my~~~ you woke up his sleeping heart daw eli oh  ;)
define kilig and medyo tumaas ang balahibo ang up na ito  :D

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #241 on: February 04, 2013, 12:38:15 AM »
OMG. Di ko talaga mapigilan sarili ko tumili kahit grabeng grabe na pagpigil ko, since it's already 12:30 AM. HAHAHAHAHA! :D ;D

Kinukutuban na talaga ako rito kay Chase, may alam na tong lalaking 'to eh. I mean, it's not a coincidence na biglang nagchange topic si Chase, like, umuwi ka na Brittany! Jusko Eliana, hahahaha, di mo talaga alam gano ako kinakabahan sa bawat salita mo eh. Haha! Yung sinabi mo yung alak na yon tas ganon na lang makareact si Luke, ayun, napaisip rin tuloy ako kung ano problema nong alak na yon, kung hard ba yun o pangit. *ehem feeling Eliana ehem*

Kumbaga ate sa IM, bawat ngisi ni Brent, napapangisi din ako. Ngayon naman, bawat ngiti ni Chase, ngumingiti din ako, hahaah! OMG, you and your boooooys!  ::) Lasing na yaaaan! HAHAHA!

Yung feeling na hindi ko talaga alam kung ano ineexpect kong mangyayari tapos bigla na lang ako magagalit, matutuwa, mapapatili, kikiligin and many to mention. Hihi, your stories had that effect on me, Ate Jonah.  :D ;) Damang dama ko talaga bawat words eh, as in crystal clear ko siyang naiimagine sa utak ko, hahaha! I really love your writing style, super thumbs up! :D  :D
Sino ngayon ang manhid? Tss.

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1884
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #242 on: February 04, 2013, 05:04:13 AM »
Kung sana pagkatapos lahat ng heartaches eh may ganyang magcconfess sayo...juskoooo!! Ang swerte mo Eli. :D :D. Kakainggit ka!!

Pwede bang magturn into a fantasy story nalang tong Chase and Heart tapos. Magiging 19 ulit si Chase..babalik sa pagkabata.. Tpos sila na ni Eli ! :D :D

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2697
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #243 on: February 04, 2013, 08:23:03 AM »
Nakakawala pala ng problema ang presence ni Sir Chase, pwede bang agawin ko na lang sya sa'yo Eliana? Ahahha joke  :D

Kinilig ako ng bonggang bongga sa late night confession ni Sir Chase! Ano daw? "You woke my sleeping heart" ayyyiiieee so kilig! Grabe lang hanggang ngayon kinikilig pa din ako...  :)

forgottenmiseries

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #244 on: February 04, 2013, 09:26:34 AM »
:D :D :D WAGAS ANG KILIG KO SA CHAPTER NA TO :"> Wag mo nang iyakan yang si Yuan, epal yan. Yaan mong pangitiin ka na lang ni sir Chase. Yaaaay!! <33

PS: Eli, natutuwa pa din ako sa mga expensive taste mo. Hihihi. <3

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #245 on: February 04, 2013, 07:38:41 PM »
Buti na lang may update grabe, nanghihina ako sa The Fault in Our Stars ni John Green e. Grabeeee, nakakaiyak!Huhuhu! Buti talaga may update, nagbago ang mood ko. Muahaha! Grabe I can't believe this, what a confession! Hahahaha! Haba ng hair Eli! And grabe, tinawag siyang Eli ni Papa Chase! Bonggaaaaaa! Alam kaya ni Sir Chase yung background ni Eli? Sana alam niya. Kinakabahan talaga ko e. Hahaha! Ewan, feeling ko kung hindi naman niya alam tapos pag nalaman na niya, he'll understand. Hahaha! Kamusta naman, hindi naisip ni Eli na sobrang mahal ng champagne na iniinom niya. Gesh, Eli's a bad liar. Hahahaha!
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

clairie26

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 19
  • Karma: +4/-2
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #246 on: February 04, 2013, 07:53:18 PM »
Hello po! Silent reader here. I've been reading this story for quite a while. Two thumbs up for this very nakakakilig na chapter.  :D

BTW, I'm Claire. I'll be waiting for your [sana soon] next update.

babychaii26

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #247 on: February 05, 2013, 02:33:36 PM »
Bitin na. Bitin na! :) Update na po! Silent reader po ako. Eh, nakakabitin po kasi talaga kaya please po update na po kayo. Please?

ianne11

  • jellybean
  • **
  • Posts: 170
  • Karma: +10/-4
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #248 on: February 05, 2013, 07:20:49 PM »
Yay! I just finished No Perfect Prince and I'm happy may katuloy sya (Somewhat) at si Eliana na ang main protagonist! :D Nakakatuwa kasi after a year and half kong hindi pagbabasa, may mga nakita akong stories na kaabang-abang talaga!!!  :) Sana po may update naaa!!

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 15 - Chase's confession
« Reply #249 on: February 05, 2013, 11:16:47 PM »


C&♥16
The Special Lunch





Hindi ko matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Chase. 'You woke my sleeping heart.' Ano kaya ang ibig sabihin nun? Tinawag niya pa akong 'Eli'.

"Naku! Ngayon sigurado ako ibubully ka ulit nung Brittany na yun." Sabi ni Celine nung papunta na kami sa CPI.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"May gusto nga yun kay Chase at magiging acting CEO na si Chase simula ngayon kaya secretary ka na niya. Noon pinapagalitan niya si Mary kahit wala namang masamang ginagawa, ngayon pati ka na rin siguro." Tumatango siya habang inaayos ang buhok.
"Ba't di na lang maging sila ni Sir Chase?" Tanong kong noon ko pa gustong itanong. LOL.
"What?" Tumawa si Celine na para bang nahihibang na ako. "Chase? He's not that kind of guy. I got a feeling magiging single na siya forever. Ayaw niya ng relationships at hindi ko pa siya ever nakitang na inlove. Kung may babae mang umaaligid, hindi yan seryoso na yayayain niyang mamalagi sa piling niya." Umiling siya. "Hindi naman talaga siya playboy but he'll break anyone's heart for sure." Tumango naman siya.

Tahimik na lang ako hanggang sa nasa office na kami. Si Celine ay pumunta na sa opisina niya samantalang nandito na ako sa table ko sa harapan ng CEO's office.

Iniisip ko yung mga sinabi ni Celine. Not a playboy but he'll break anyone's heart? Hindi ko na alam kung alin ang mas nakakatakot na klaseng lalaki, ang tulad ba ng mga pinsan kong puro playboy o yung tulad ni Sir Chase?

He's 27 pero wala pa siyang girlfriend, ever?

"Hello!" Naaninaw ko ang isang babaeng ngumingiti, naka ponytail ang buhok at naka oversized slacks at puting blouse. "Ako nga pala si Mary!" Sabi niya at tumawa. "Ikaw si Eliana diba?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Ako yung secretary ni Sir Chase. Nako! Dalawa na tayo ngayon pero syempre magkaiba ang mga trabaho. Anong pinagawa niya sayo? Alam mo ba? Inutusan niya akong icheck yung halos buong department at kunin yung mga reports... ikaw?"
"W-Wala pa eh."
"Nako! Buti ka pa! Tsaka isa pa yang si Ma'am Brittany ha? Kainis! Kanina pinagalitan niya ako! Alam mo yun? Lagi naman pero mukhang mas galit siya kanina. Problema niya? Hay! Gwapo naman talaga si Sir Chase pero weeehh? Bakla yun noh! Twenty seven, wala pang GF? Bakla yan! Sus! kung ako lalaking gwapo ta's maraming babaeng nagkakandarapa, tinikman ko na silang lahat! Nakuuu! Bakla yun! Pustahan tayo, ano? One kyaw?"
Hindi ko na talaga alam kung anu-ano yung mga pinagsasabi niya. Ang alam ko lang ay bakla daw si Sir Chase!
"Ano, Eliana? Hay! Ayaw mo? Basta! Noon? Crush na crush ko siya! three years na akong nagtatrabaho dito pero ni di niya pa ako tinitignan ng mas matagal sa limang segundo kaya sigurado akong juding siya!"

"Good morning!" May bumati galing sa likuran namin at agad kumaripas ng takbo si Mary pabalik sa table niya sa kabilang block ng opisina.
"G-Good morning, S-Sir." Di ko matignan ng diretso si Sir Chase dahil na rin siguro sa lahat ng nalaman ko tungkol sa kanya.

Dala na rin siguro ito ng guilt pero... di ko alam... for some reason, I think he's staring at me. Dahan-dahan kong tinignan ang mukha niya at nakita ang pangungunot ng noo kasama ang pagnguso niya at pagpipigil sa ngisi. I looked away.

"Eliana." Sabi niya.

Nakapamaywang siya nang ibinalik ko na ang tingin ko sa kanya. Naka blue-button down shirt siya ngayon. Lumapit siya sa table ko. Hindi parin ako makatingin ng diretso.

Sabi ni Mary, 5 seconds daw... 5 seconds lang siya kayang tignan ni Sir Chase. Sabi naman ni Celine, heartbreaker si Sir Chase... Paano magiging heartbreaker ang ganito ka bait na boss.

"Your job for today..." Tinignan ko na siya sa puntong ito. 1 sec. "Hmmm. let me see..." 2...3...4 seconds, nakatingin parin siya. "Bilhan mo ako ng lunch, I guess?" 5... 6...7?

Uminit ang pisngi ko kaya ako na lang ang bumitaw sa tinginan namin.

"L-Lunch po?" Nag panic ako. :-[
"Are you okay?" Tanong niya. "May problema ka ba?"
"W-Wala po." Sabi ko. "Ano po ang gusto niyong lunch, Sir Chase?" Tumayo na ako at nagpanic ulit nang naramdaman ko kung gaano siya kalapit sakin at kung ilang tao (pati si Marc) ang tahimik na nakatingin sakin.

Tumingin din si Sir Chase sa palagid at ngumisi siya. Di ko naman alam kung bakit.

"Sa office ko na sasabihin kung ano ang gusto ko..." Aniya at naglakad na siya, I should say this: GRACEFULLY, papuntang office niya.

Sa dami ng taong tumitingin, imposibleng kaya mong maglakad ng ganun ka palagay ang loob.

Pumasok kami sa opisina ni Madame na ngayon ay opisina niya na...

"Maybe you're wondering why I ordered lunch kahit ganito pa ka aga."

Pagkasabi niya nun saka ko tinignan ang relo kong 9:00 AM ang nakalagay.

Ngumisi siya at umupo sa upuan ni madame. Nag-relax habang tinitignan ang balisa kong ekspresyon.

"Gusto kong pag-isipan mong mabuti ang lunch ko para ngayong araw. Gusto ko espesyal." Aniya.

Tumango ako at nagsimulang sumulat sa papel... 'espesyal'... 'pag-isipang mabuti'...

"Kung ako yung boyfriend mo, anong lunch ang ibibigay mo sakin?"
Napanganga ako sa tanong niya. Natigilan.
Tumawa siya, "No. That's a rhetorical question. Guide question para sayo... sa pagpili ng lunch ko." Aniya na para bang nabasa niya ang isipan ko.

Tumango ako kahit di ko naintindihan.

"O-Okay..." Napalunok ako sa kaba. Bakla siya sabi ni Mary, diba? Pero sabi naman ni Celine heartbreaker pero di playboy, which is which? Baka playboy?

"Sige po, sir." ??? ??? ??? ??? ???

Tumango siya bago ko tinalikuran. Maghahanap ako ng lunch? Espesyal? Para sa boypren?

Mikee;)

  • jellybean
  • **
  • Posts: 117
  • Karma: +5/-3
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 16-special mission
« Reply #250 on: February 06, 2013, 12:17:54 AM »
naku Eli, di yan playboy at lalong-lalo namang di bading, nagising mo nga ang natutulog niang puso di ba? ikaw lang talaga ang hinihintay nian para magkaGF na sya, nyahaha!! naku Eli, dahan-dahan sa pagpili ng lunch, baka sobrang mahal na naman ng mapili mo, mabuko ka na nian sige ka..

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. 16-special mission
« Reply #251 on: February 06, 2013, 12:19:20 AM »
 ::) ::) ::) ::)

Para-paraan na lang Chase? Hahaha! Dropping hints and such?  :P
Natawa ako dun sa sinabi ni Mary, bwahahaha! Juding yan! :D Di mo ba naisip na sadyang hindi ka lang niya type kaya nanlilimos ka pa ng pagtingin?  8)

I love how innocent Eliana can be. Hahaha! Alam mo ang sagot sa tanong mong kung ano ang magandang lunch para sa boyfriend? Syempre yung luto mo!  :D Dagdagan mo ng pagmamahaaaaal~~ :D

Yeheyyyyy! Excited na ako sa konti-konting developments pa kina Eliana at Chase, hihi! :D
Sino ngayon ang manhid? Tss.

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. 16-special mission
« Reply #252 on: February 06, 2013, 04:53:38 AM »
Si Mary ang isang example ng tsismosang secretary! Hahaha. Kaloka yung bibig. Lol.

Si Chase ay never magiging bakla! Nilandi nga si El sa harap ng lahat! Lol. Kaexcite ang special lunch!!!!! :D

PS. GUSTONG GUSTO KO YUNG SIGNATURE POUT NA NAGPIPIGIL NG NGITI NI CHASE! WAAAAAA! NAIIMAGINE KO :D
« Last Edit: February 06, 2013, 04:56:28 AM by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1884
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. 16-special mission
« Reply #253 on: February 06, 2013, 04:56:06 AM »
Ano kayang lunch ang maidadala mo eli? :D :D sana lang kumasya pera ah!!  Hahaha

Ay walanghiyang mary at celine. JOKE! Hahah, nbrainwash pa si Eli, ano eli naniwala ka naman! Di yun totoo! Ayun nga't malapit na malapit ang mukha niya sayo, ang aga pa nagpapansin! Hahaha.. Magdate nalang kaya kayo para sa lunch?? Ha?

yhancel

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 52
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. 16-special mission
« Reply #254 on: February 06, 2013, 06:35:16 AM »
Kyaaa. Para-paraan si Sir Chase! Hahaha. xD Grabe lang sa pag judge sa kanya ih. Hindi tuloy mapakali di Eliana. Haha xD Si Chase na ang bahalang magpatunay kung ano nga ba siyang klase ng tao. hihi

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

A Lesson In French and Food

by: macy, 2014-07-29

I had a BFF date with my bestie and we decided to try this new restaurant in Shangri-La Mall. I've been seeing Duck & Buvette on Instagram and wanted to try it out for myself. We...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved