Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 53777 times)

jheanne15

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 540
  • Karma: +42/-37
  • closer...
Re: .::Chase & Hearts::. UPDATE!
« Reply #195 on: January 29, 2013, 04:47:40 PM »
salamat kay blacklily at nakita ko ang story na to.. ang ganda.  ;) ang galing mo pa rin jonaxx hehehe

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 211
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. UPDATE!
« Reply #196 on: January 29, 2013, 07:18:08 PM »
OMG! Big shocker there! Naman oooh! Nag-aala cupid ang mader dear ni chase! Hahahahaha! =))))

nako eliana, kamuntikan ka ng mabuking kanina! Harujusko. You need to be more careful than before. Tsk tsk tsk.
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. UPDATE!
« Reply #197 on: January 29, 2013, 10:48:59 PM »
Basa!  :D

Kaloka! Uiii. Si Sir Chase, may crush kay Eliana! HAHAHA ;D Gwapo tapos no real gf? Aba pag nakakilala ako ng ganyan, sunggab na! HAHAHA. LOLJK  ;)

Anyway, nakakaintriga yung sis ni Chase. Masungit kaya yun? Kay El? Or sana mala-Ara! Hihi.
At ngayon, si Chase na ang boss ni El. HMMMMM. Exciting!  ;) :D

Av, taga Cebu si Sir Chase! Try mong pumunta dun. hahahaha! Hahaha. malayo pa si Ate... di pa magpapakita kaya chill ka lang ;)

Wait bongga! Hahahaha! Napa-smile ako noong sinabi ng mommy ni Chase na secretary na niya si Eli. Hahaha! Pero mas nangiti ako doon sa holding hands and ewan basta. Hahahaha! May something eh. Naramdaman ko yung spark kahit hindi ko nakikita. Bastaaaa, Ate Jonah, alamonayon! Hahahaha!

Kunwari pa si Chase eh ang gusto lang naman niya ihatid, si Eli. Hahaha! Naeexcite na ko malaman ng lahat na mayaman si Eli. Kinakabahan kasi ako pag nagsisinungaling siya e. LOL! MUNTIK na naman si ELI mahuli. Hahaha! Scholar pala ha! =))))

Wait, ito pa pala! Sa aura niyang yun, di pa siya nagkakagirlfriend?! Ano ba Chase, ako na lang kasi. Muahahaha! >:D

PS: Gusto ko yung mommy ni Chase. Mukhang boto kay Eli e! Hahaha! Hindi na daw secretary oh! Hahahahaha! Nilalagyan ng meaning! Ramdam din niya yung spark? =)))
Hahaha. pero wala pa munang secretary scene na mangyayari kasi diversion ang next update! hahahaha! LOL!

Di ko nabasa yung ibang chapters..  :'(
basahin mo na! para makahabol ka!

Since sa Manila din nag-aral si Chase, kinabahan ako bigla, ewan ko kung bakit. Bwahahahaha. :D  ;D Abnormal lang noh?  ::) Saka kinukutuban ako don sa Ate ni Chase. Hahaha.

Anong walang girlfriend! Ako girlfriend ni Chase, chosera! Dejoke, yoko maniwala dian, mas maniniwala pa ako kung sasabihin nga nating kapareho ni Chase sina Brent at Bench, OMG. Sabog na naman ako. Kasi diba nung nakuha ni Bench yung 90% ng company nila, nagseryoso na bigla? Baka ganun din si Chase? Pwede, pwede.  ::) ::) ::)

Tawa ako ng tawa sa tuwing nagsisinungaling si Eliana, hahahaha. Di siya sanaaay!  :D Feeling ko kasosyo ng Dad ni Chase ang mga Jimenezes saka Cruz. Yaman kaya nila, imposibleng hindi diba? Haha. Naeexcite na naman ako pano pagtatakpan ni Eliana yang lahat na yan, hihi!  ;D

Yeheeey! Update! :D
bakit ka kinakabahan? May vibes ka madam milly? gooo! hahaha. hula ka! jk! matagal pa bago malaman ng lahat ang lahat tungkol kay Eli... at booom yun! hahaha

Nakakakilig tong chapter na to!! Haha. Halatang halata ang mga motibo ni Sir Chase. Hehehe. At ngayong secretary na niya si Eli, more kilig moments na!  :) :)

Hmm, nakakaintriga namang walang naging girlfriend si sir Chase!  :o SA GWAPO NIYANG YAN! Lol. Hahaha. Ang galing ate! Nakaka-GV yung update mo. :"> Salamat po! Excited na ako sa next :p  ;D

well... maraming secreto si Sir Chase kaya... hgahahaha secret muna for now ;)



ang ganda po nito :D ang galing galing niyo pong author  :)
wow salamat naman! hope you continue reading!

Ang bilis mag update! Yehey! Thanks Sis Jona. Grabe super kilig na ako kay Chase. Pwede bang ako na lang ang first gf ni Chase? Kahit si Lex ang first bf ko pwedeng ako na lang ang first gf niya? Aagawan ko lang ng role si Eliana. Hahaha.

Sa tingin ko alam na ng Daddy ni Chase kung sino si Eliana. Kelan ba nila malalaman kung sino talaga si Eliana? Excited na ako sa panahon na yun. At kelan din babalik si Yuan at ng makilala ko lalo at hindi lang lalaking walang backbone ang description ko sa kanya.  Kasi kahit ganun siya ang pogi pa din ng pangalang Yuan.

Oo  nga pala! I stake claim over Lex at Chase na. hahaha.
Isa pa pala, naniniwala akong hindi pa nagkagirlfriend si Chase kasi parehas sila ni Lex. Pag nagmahal wagas at totoo. Ahhh. Can't get enopugh of this story. Mabasa nga ulit ang RS habang hindi pa ito tapos.
haha! nagkagf si Lex... sa katauhan ni Kyla... si Chase... well.. marami pa akong ire-reveal kaya abangan ng mabuti.. wa'g kang kukurap. lol. nakakaoverwhelm talaga yung comments mo...hahaha. reminiscing RS talaga. mabasa na rin nga./.. haha

Hello, Joy here. New reader pero nabasa ko na din yung ibang stories mo. thumbs up! :D Ang ganda ng story na 'to, as usual, ikaw ang author eh. Keep it up! Can't wait for the next update. ;)
hello Joy! thank you for reading it! nakakainspire din pag may new reader akong nababasa sa comments... parang dumarami na ang readers kaya mas lalo akong mag uupdate hehe thanks!

hahaha!! eh kasi naman inagaw na niya sakin si Brent at Dae! HUHU! hahahaha,,, PERO HINDI AKO PUMAYAG NA MAAGAW NIYA SAKIN YUN. lol. feeling ko naman akin.. hahaha!! nagiging selfish na tuloy ako, pero okay lang.. para parehas kami ni Sir ChasE!! soulmateeeee! :D :D


__________________________________________________

KASALANAN NA YAN!! haha.. nakilala na ng mama't papa eh.. :D :D :D :D :D :D sana ireto nila si Chase kay Eliana.. ;D kahit selos kami. haha susme nama bakit feeling ko mas sweet pa si Chase kesa kay bench haha!!

gusto ko rin ng Chase ko!! HUHUHU!! kahit 27 years old pa siya at 11 years ang tanda sakin.. hehe

haha! soulmate na nga kayo! ikaw na! hanapin mo na si Sir Chase para mapakasalan na! nyahaha! dami mong kaagaw kaya mag ingat! :D

Nung nakita ko pa lang na may update ang C&H •••
What a great stress absorber.... Can't stop smiling...  hihihihi
I love the update since ang dami kong nalaman about my Chase...
He is really mysterious!!!
And I love it...


wow! stress absorber ang C&H, that's unique ah! sorry sa next kasi wala si Chase.. haha! pero abangan ang next up pa dahil nandoon na siya sigurado ;)

YAY, update na si Ate


Hmmm... Ang saya lang, mukhang may something na si Sir Chase kai Eli??? Tama ba to Sir Chase??? ahahaha... Haaay Eli, na iimagine ko ang maganda mong mukha pag nagsisinungaling..

Feel ko ate kilala nang Daddy ni Chase ang mga Jimenez
Diba si Bench may Hotel din sya??? ahahahah... baka magkasosyo yung pamilya nila.

Thank you ate sa update :))
Airlines yung kina Bench. haha. secrettt muna.... ;) dami pang revelations nito :)

salamat kay blacklily at nakita ko ang story na to.. ang ganda.  ;) ang galing mo pa rin jonaxx hehehe
salamat BLACKLILY! thank you din! Hope basahin mo 'to :)

OMG! Big shocker there! Naman oooh! Nag-aala cupid ang mader dear ni chase! Hahahahaha! =))))

nako eliana, kamuntikan ka ng mabuking kanina! Harujusko. You need to be more careful than before. Tsk tsk tsk.
tama! kasi naman hindi marunong magsinungaling eh. ;)

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. UPDATE!
« Reply #198 on: January 29, 2013, 10:52:14 PM »
Av, taga Cebu si Sir Chase! Try mong pumunta dun. hahahaha! Hahaha. malayo pa si Ate... di pa magpapakita kaya chill ka lang ;)

Teka pag mayaman na ko punta ko Cebu. Hhaha! ;D Parang nakakatakot pa din si ate. Lalo na at pinapagchill mo ko. Wooooo. Hahaha.
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #199 on: January 29, 2013, 11:00:16 PM »


C&♥13
Marcus the Photographer




Sa gabing iyon, di ko matanggal sa isipan ko kung paano ako pinagtanggol ni Sir Chase sa mga pinsan ni Yuan. Ano na kaya ang nangyari sa mga pinsan ni Yuan? Kinakabahan na rin ako sa pagsisinungaling ko pero kailangan talaga.

1:00 AM na pala at dilat na dilat parin ako! Naririnig ko rin si Celine labas-pasok sa kwarto niya at may kausap sa cellphone.

"Yes... Di kami nag night out nina Luke eh..." Sabi niya. "Hay nako! Sabihin mo sa kanya na wala si Chase. Kala niya naman every friday nag nanight out yun. Kainis talaga yang si Brittany... A-Ano? Inutusan kang tumawag sakin para tanungin iyan... huh? Oh my god she's crazy..."

Naalala ko na naman yung sinabi ni Luke na 'no REAL girlfriend'. May REAL girlfriend pala? At merong FAKE girlfriend? Kung ganun, REAL ba ako o FAKE girlfriend ni Yuan?

Tsaka sa mga narinig ko kay Celine (malakas ang boses niya sa inis siguro at nasa living room kasi siya) ay mukhang in love na inlove si Brittany kay Sir Chase. Tsaka... meron pa... 'night out'? Naalala ko yung mga huling night out ko sa Manila na lagi akong sinusundo ni Bench at Denise dahil sa kalasingan ko.

Sumakit ang tiyan ko sa kakaisip. Paano kung malaman ng pormal, matalino at mabait na si Sir Chase na ganun ang nakaraan ko, yayayain niya pa kaya ako makipag dinner kasama niya?

*1 message received*

Adrianne:
Sorry Eliana, hope nababasa mo to ngayon, if yes, call me... Shoot tomorrow at the studio. Matryoshka photographers only.


What? Bukas na pala!

Tinawagan ko agad si Addriene.

"Hello?" Sabi ko. Malakas din yata ang boses ko.
"Eliana! my gooodness darling! Buti gising ka pa at patay ako kung hindi. Bukas ah?"
"Uh-"
"Don't back out! Don't back out! Bukas na! Its a big event! You can't back out! I can raise your talent fee!" Sabi niya bago pa ako umapila.
Napabuntong-hininga na lang ako, "Okay. Anong oras nga ba yun?" Sabi ko at kumukuha ng papel at ballpen para ilista. Sabado bukas at walang trabaho sa CPI.

Kinaumagahan, nagising ako at nicheck kung okay ba yung postura ng katawan ko. Mukha ngang sobrang payat ko na ngayon. Papayag kaya yun si Adrienne kung ganito ang katawan ko?

Kumakain si Celine at Luke ng cereals nang lumabas ako sa kwarto.

"Hmm. Mamayang gabi, Eliana. Sama ka ah?" Sabi ni Celine. "Night out tayo. Mango square o sa Loft?"
"Uh... Titignan ko lang. May gagawin kasi ako mamaya eh." Naisip ko kasing makipag Skype kay Bench para mag follow-up sa modules ko for the Open University.
Tumango siya at... "Asus naman! Sige na! First time mo 'tong lalabas at mag nanight out kasama kami..."

Nagpumilit pa si Celine pero sinabi ko na lang na importante. Dumungaw ako sa malaking glass window ng living room bago ako naligo. Sunny day! Ganda ng araw ngayon! Sana maganda rin ang kakalabasan ng araw ko.

Nag jeep ako papuntang Matryoshka Building sa Lahug nang narealize kong bad move iyon. Hay, Eli! Trying to live like a normal girl pero ayan tuloy, nawawala ka. Kay lapit lang pala ng Matryoshka. Nag taxi na lang ako para makarating na talaga doon. Malapit lang ito sa Waterfront (kung saan ako ipapabook sana ni Daddy). In speaking of Daddy, tumatawag siya halos araw-araw para icheck ako. Every morning pa talaga kaya maaga akong nagigising.

"Eliaaaanaaa!" Sabay beso at tingin head-to-foot ni Adrienne sakin. "You look perfeeeect! Marcusss!" Sigaw niya.

Naaninaw ko ang halos sampung photographer at yung si Marcus na tinatawag niya at niche-check ang mga lights.

"Eto si Marcus Adams... Siya ang mag sho-shoot sayo..." Blablabla... Hindi ko na narinig yung mga sinabi ni Adrienne dahil sa bilis at sa kaba ko.

Naglahad ng kamay ang kanina pang nakangiti na foreigner sa harapan ko. Kulay blue ang kanyang mga mata, blond ang buhok at may dimple na nagpapaalala sakin sa playboy kong pinsan na si Benjamin.

"Marcus Adams." Sabi niya.
Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya, "Eliana." Sabi ko.
Nakangiti parin siya, "My mom's a filipina. She looks just like you... pero mas maganda siya huh? Mom ko yata yun."

I think I heard that line from Bench or something... Maybe a couple of times to different girls? >:( >:( >:(

Ngumiti na lang ako dahil ayoko namang maging mean. Mabuti at agad akong hinila ni Adrienne para bihisan na ng BRA at PANTY! Muntik ko ng makalimutan na Underwear company nga pala itong pinapasukan ko! OH MY GOD!

Unang outfit ko ay puting bra at panty, boots, gloves at wings. Akala ko naman yun na ang shoot for the commercial! Mali pala ako! May isa pang outfil na pula lahat. May corset at laced panty at bra, may pulang sungay din ako. Nakakaintimidate lalo na dahil sampung photographer yung nakaaligid. Si Marcus naman ay nandoon lang at nakangiting nakatingin sakin.

"Very good, Eliana! Is this your first time?" Sabi nung babae na may eye-glass at ipinakilala ni Adrienne sakin as main designer ng Matryoshka line.
"Yes, po." Sagot ko habang inaayos nila ang panghuli at pinaka nakakahiyang soot.

Paano ba naman kasi, walang kahit anong accessory. Bra at panty lang talagang itim. Nakapaa lang ako, light make up, walang earrings o kahit ano. Pinaupo ako sa isang couch kung saan may isang bolang pambasketball.

"You are going to play with that ball... be natural, Eliana. Pwede kang magtago... ngumiti. Whatever-" Sabi ni Adriene at nagpapanic na.
"Adrienne, calm down. I'm shooting this and she's an amazing model... It'll be fine." Ngumiti si Marcus sakin at first time kong ngumiti sa buong shoot ng nakakawala sa kaba.

12 seconds commerial is done. Ang sabi ni Adrienne, one month itong ipapalabas sa labas ng building around October (kasi sa November daw yung tournament). Malaki ang talent fee. Actually mas malaki pa siya sa sweldo ko at di ako nagsising ginawa ko ito.

"Subject to change yung sched sa pagpapalabas ah? Baka agahan namin." Kinindatan niya ako pero nagmadali na akong umalis kasi...

"Eliana! How about dinner?" Sigaw ni Marcus habang hinahabol ako papalabas ng building.
Gabi na kasi natapos ang shoot. :-[ :-[ :-[
"No, thanks. Sorry... May importante akong aasikasuhin."
"Well, then that's too bad." Sabi niya nang nakangiti. "I'm sure I'll see you again anyway... Coz if I won't, I'll find you." Napalingon ako sa kanya pagkasabi niya nun.

Ngumiti na lang siya at kumindat. Gwapo siya, I must admit it... But I have too many playboy cousins and I know how they do it... Tsaka si Bench (na pinaka close kong pinsan) ay masyadong manyak at may iba-ibang girlfriend o fling at ayaw kong mabiktima ng isa sa kanila. Buti na nga lang at nabuang yun kay Denise kaya natali... I know playboys too well, they can't fool me...

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #200 on: January 29, 2013, 11:01:37 PM »
Patulog na sana ko pero nabasa ko na may up. Lol.

Ayy ansaya may new permanent color! Hi Marcus! I know you're there to add a little spice! Lol. You're gonna make Chase jealous as hell, aren't you? Wooooo! Ate Jonah yung mga naiisip mo talaga! Can't wait! Haha.

PS. Taray ni Eliana. Victoria's Secret model ang peg! ;D
At ang hirap ipronounce nung building ha. Hahaha! ;D
« Last Edit: January 29, 2013, 11:47:55 PM by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #201 on: January 29, 2013, 11:26:42 PM »
Natutuwa ako dito kay Marcus, hahahahaha!  ;D May pagkamanyak nga kasi kita ngang underwears minomodel ni Eliana, tas kumikindat kindat na lang and I'll find you, hahahaha! Tama ka nga Eli na nangangamoy playboy yang si Marcus. Loooooools~ Dahil blue eyes chorva, naalala ko naman si Hans Anderson! Yung sa Loving Darkness, hahaha. Nagmarathon kasi ako ng mga stories mo sa blogspot ate, hahahaha. :D At diba playboy din yung si Hans. Yieeeeeeeeeeeeee. Gusto ko to, gusto ko to!  :D

Nung binasa ko yung 24 signs, parang medyo mas composed pa si Chase kesa kay Lex, kasi maloko rin yong lalaki na yon eh. Nakakatuwa siya, tas wow ha, pareho silang selfish. Excited na talaga akoooooooooooooooo~~

Thank you sa update ate Jonah! Ginaganahan na tuloy ako tapusin school works ko, hoho.  :D
Sino ngayon ang manhid? Tss.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2700
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #202 on: January 29, 2013, 11:27:01 PM »
Chapter 12


Sir Chase defensive agad?


Gusto ko yung way ng pagkakasabi ni Madame ng linyang:

"So... di ko sasayangin ang oportunidad na to para sabihin ko sayong..." Tumingin si madame sakin. "sayo, eliana... na si Chase Martin na ang boss mo dahil simula ngayong lunes ay hindi na ako papasok. You are to take his orders..."

nakakatuwa namang isipin na may mga lalaki pa palang tulad ni Sir Chase na hindi pa nagkakaroon ng REAL girlfriend. bakit kaya?


Naku ellie, muntik ka na naman mahuli. ingat ingat sa mga words na binibitawan...



Chapter 13


Ang cute naman ng outfit ni Ellie for photoshoot parang pang Victoria's Secret Angels...
 :)

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1641
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #203 on: January 29, 2013, 11:27:26 PM »
ang bilis ng update. Ano na naman kaya ang role ni Marcus dito? At ano ang magiging reaction ni Chase sa bikina commercial ni Eliana? baka ipatigil agad.
Website for my stories

BlackLily Stories

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #204 on: January 30, 2013, 01:51:41 AM »
Just woke up and may update. Hahaha, woo!

"Eliana! my gooodness darling! Buti gising ka pa at patay ako kung hindi. Bukas ah?"

Natawa ako kay Adriene. Hahaha! Bentang benta talaga sa akin ang mga bading. Hahaha! Shet, paranoid lang. ::)

Anyway, galing ni Eli! Alam na niya kung sino ang playboy sa hindi. Well, halata naman kasi si Marcus no and graaabe lang, may pagseselosan na agad si Chase!!! Hahahaha! Noice noice.

And ano kaya mangyayari diyan sa PANTY at BRA lang na minomodel ni Eli? Ramdam kong may magagalit at sana si Chase lang yun at hindi yung daddy ni Eli. Baka kasi pabalikin sa manila or worse, baka ipalipad siya sa Europe. Hahaha! On the BRIGHTER side, diba ayaw ni Chase mag model si Eli doon? Nag-usap kasi sila diba diba diba tapos natuwa siya noong hindi pumayag si Eli? 'Tay tayo diyan ngayon! Kinikilig na ko ngayon pa lang. Muahaha! Hala! =)))

Speaking of PANTY at BRA lang, OMGGG! Ang mahinhin na si Eli?! I can't imagine pero I think she looks great. Hahaha! Parang ang pretty pretty kasi niya pag dinidescribe eh. And mukha din ang daming nagkakagusto sa kanya. Ba't ba siya napunta kay Yuan? Ughh! =))
« Last Edit: January 30, 2013, 04:40:42 AM by strawberry008 »
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 211
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #205 on: January 30, 2013, 05:07:44 AM »
Yiiii. Hahahaa. Naks! May pagseselosan na si Chase! =)))) Go Marcus pero hindi kita gusto. -o-

Chase my loves! Akin ka na lang? Hahahaha.
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1887
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #206 on: January 30, 2013, 06:36:35 AM »
Hans Anderson!! Is that you? Hahahahaha?!! :D :D

Hay ang saya naman ng buhay ni Eli, buti't nabiyayaan siya ng perfect na physical appearance..papose pose lang, may pera na! Haha..

Hala excited ako sa night out!! Walanghiya naman sana sumama si Eli at sana mawala na si Brittany sa kwento na to! Hahahaha! Joke!  Hay basta..naeexcite na ko sa mga susunod na mangyayari! Dati hiling ko dumating si Yuan, ngayon naman ayoko na.. :D :P

Wag ka ng eepal dito Yuan! Pati yang mga chinese mong kamag-anak.

----

Haha okay lang sakin yung may kaagaw kay Chase sa internet world, wag lang yung kakilala ko.. :D

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1250
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #207 on: January 30, 2013, 01:38:42 PM »
Will be flying to Cebu. Ha-huntingin ko si Chase! HAHAHAHAHAHAHA :D

jhoyie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 174
  • Karma: +58/-1
  • love love love
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #208 on: January 30, 2013, 03:55:43 PM »
Maganda kasi talaga ang stories mo kaya nung nabasa ko to (thanks to Blacklily) basa agad! :) Anu kayang magiging part ni Marcus sa buhay ni Eli? Naku feeling ko magagalit si chase sa ginawa nyang commercial. Haha. Looking forward to the next update. ;)

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. Meet Marcus!
« Reply #209 on: January 30, 2013, 04:18:55 PM »
Yay, Update na!


Marcus??? ahahahaha naalala ko si Bench sa kanya, Tama Eli, wag kang padala sa kanya kahet gwapo pa yang Marcus na yan, dapat kai Sir Chase ka lang... heheheh... Grabe for sure Eli, yang commercial at mga photoshoots mo e endorse nila yan nationwide at makikita ka sa buong pilipinas... :)) So excited sa new work ni Eli, ano kaya reaksyon ni sir Chaese sa photoshoots na yun, at may karibal na sya kai Eli...  :))


Laughter is the Best Revenge

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Class Act

by: marla, 2014-10-24

Okay, okay: we know this blog has been looking more like a food blog than a lifestyle/fashion/beauty blog lately. But we can't help it—the universe just keeps showering us with delicious...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved