Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 54010 times)

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #150 on: January 22, 2013, 10:02:14 PM »
magingat ka jan eli
baka kung ano mangyari sa inyo ni chase ah
you dont know him that well pa naman
and he said so himself, he's selfish..  :-\
just be careful talaga eli  ;D

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2700
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #151 on: January 23, 2013, 02:13:47 PM »
Kfc gabi gabi - nakakapoor talaga yan

Ang bait naman ni sir chase nag-oofer ng ride. Ganyan kaya sya sa lahat ng employees nya? I bet kay eli lang... Ayyyiieee  ;)


"M-May date po kayo?"

"Meron..."

"Ikaw."

Kinilig naman daw ako sa conversation nila na yan... Ahehehe

He should be the one intimidated? Something's fishy... Parang may alam talaga siya kay Eli




jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #152 on: January 25, 2013, 10:48:37 AM »


C&♥10
Ghost of the Past






Hindi ko magawang itanong sa kanya kunga no ang ibig sabihin niya sa 'I'm selfish'... Natapos kaming kumain at agad-agad kong kinuha ang wallet ko para makapagbayad...

"Ako na.." Sabi niya at ngumiti.
"H-Huh? Uhm. P-pero..."

Kinuha niya ang bill at binayaran na agad.

"S-Salamat. Eh ang bait niyo talaga sir. Di ko makita bakit selfish kayo... tulad ng sabi niyo." Sabi ko. Sa wakas na open up ko ulit ang topic na kanina ko pa iniisip.
Tumawa siya at... "Cuz from what you said parang perfect ang paningin mo sakin... Just want you to know that I'm not."
"Nobody is perfect." Sabi ko at iniisip na kung selfish siya, sinungaling naman ako.

At nakita ko ang pagkislap ulit ng mga mata niya habang tinitignan ako.

*Kriiing*

Kinuha niya ang cellphone niyang nag riring at... "Excuse me."

Umalis siya para sagutin yung tumatawag. Isang minuto siguro ang nakalipas at bumalik na siya sa table looking stressed...

"Let's head back to Riala. I need to fetch Luke." Aniya at seryosong seryoso na ito ngayon. Parang yung boss na paminsan minsan ay nakikita ko sa office.

Si Madame kasi ang direct boss ko kaya di ko alam kung paano mamalakad ng kompanya si Sir Chase. Pero ang alam ko, he's friendly.

"O-Okay po, Sir Chase." Tumayo kaming dalawa at may nakita akong mga babaeng nakatingin samin at nagbubulung-bulungan na parang kinikilig.

He's popular!! Di na ako kailangang mabigla. Sa hitsura ba naman at yaman nila dito sa Cebu...

Tahimik lang siya nang pumasok kami sa pulang fortuner niya...

"M-May problema po ba?" Tanong ko.
Ilang sandali pa siya bago sumagot, "My dad's in the hospital."

Napanganga ulit ako... Tapos ba't pupunta kami sa Riala para kunin si Luke? Ay oo nga pala! Doctor si Luke! Baka doktor ng daddy niya?

"B-Bakit?" Tanong ko habang nakanganga at pinaandar niya ang sasakyan.
"High blood pressure." Sabi niya at di ko na alam kung anong sasabihin ko.

Napakagat na lang ako sa labi hanggang sa pinark niya na ang sasakyan niya sa harap ng Riala kung saan nandoon na si Luke at Celine na parehong naka jacket at nag-aabang. Si Sir Chase siguro yung naghatid dito kay Luke at sa kabilang elevator siya kaya di ko naabutan.

Aalis na sana ako pero sinalubong ni Celine ang pagbukas ng pintuan ko...

"You... stay... with us..." Sabi niya agad at sinarado niya ang pintuan ko at pumasok na sa likuran.
"Dude, don't panic." Sabi ni Luke habang tinatapik ang likuran ni Sir Chase.
"Di naman ako nagpapanic. Nagpapanic si mama." Tapos pinaandar na ni Sir Chase ang sasakyan.

Si Luke naman ay maraming tinatawagan sa cellphone niya at si Celine ay tahimik.

"Saan daw Chase?" Tanong ni Celine. "Sa Chong Hua Hospital?"
"H-Huh?" Napalingon ako kay Celine sa likuran at ang pagkabigla niya ang nagpamulat sakin na mejo weird yung reaksyon ko.

I'M NOT GOING ANYWHERE NEAR CHINESE PLACES, PEOPLE OR THINGS! :-[ :-[ :-[

Tumingin si Chase sakin at uminit ulit ang pisngi ko...

"S-Sorry, di ko narinig." Palusot ko.

Kumalma ako ng konti thinking its all paranoia... Pero nang nakarating na kami sa ospital... kahit na nag-expect na ako, hindi parin ako makapaniwala.

Limang doktor ang sumalubong kay Sir Chase para kausapin siya na okay lang ang papa niya at walang rason para magpanic pero kailangan siyang magpahinga, bantayang mabuti at painumin ng gamot. Dalawa sa mga doktor (isang babae at lalaki) ang tumitingin sakin at nagbubulung-bulungan.

"Chase, tignan ko lang si tito." Sabi ni Luke kay Chase.
"Mas mabuti pa nga, Dr. Rodriguez." Sabi nung head ng mga doktor na kausap ni Chase. "Mas maigi din kung every 30 minutes chinicheck yung Blood Pressure niya. May nurses ng naka station sa kanya. This is probably his worst high blood pressure record, Chase." Sabi nung doktor at walang imik ay umalis na si Luke at Celine patungo sa kwarto kung nasaan ang papa ni Sir Chase.
Tumango si Chase at kalmado lang.

"You're mom si planning to take a leave from the company to-"
"Excuse me doc..." Sabi nung dalawang doktor na kanina pa tumitingin sakin at nagbubulung-bulungan. "May I have a word with you, miss?" Sabi ng babaeng doktor sakin.

Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang namukhaan. Pinsan siya ni Yuan! Oh my god!

Sinundan kami ng tingin ni Sir Chase pagkatapos kong tahimik na tumango at naglakad palayo sa kanila.

Tumigil sila sa paglalakad malapit sa pintuan ng ospital. Nakapulupot ang balikat ng pinsan ni Yuan at yung lalaki naman ay mukhang galit talaga sakin.

"So you're hiding here, criminal?" Nabigla ako sa pagkakasabi nung babae.

Hindi ko makita ang doktor sa aura niya ngayon. Pinisil-pisil ko ang mga daliri ko sa kaba.

"Pagkatapos mong gawin kay Yuan yun! Pinilit mo siyang sumama sayo, diba? You are such a disgrace to your family! Mabuti at naisipan mong lumayo! pero sana lumayo ka na lang talaga ng tuluyan! I mean... sana di ka dito sa Cebu namuhay at doon ka na lang sa ibang bansa!" Aniya.

Halos bulong ang pagkakasabi niya pero I can sense her rage.

"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Tsaka... di ko naman siya pinilit-"
"Abah! Hindi pinilit? there's no way he'll go with you! In the first place, ba't ka niya pinagtabuyan sa bahay kung gusto ka niya diba? Pinilit mo siya! Such a disgrace to your father!" unti-unting tumaas ang boses niya.
"Tama na..." Sabi nung kasama niyang lalaki. "But i hope miss you will be gone in Yuan's life forever..." Dagdag niya.

Hindi ko namalayang mabilis pala ang pag tulo ng luha ko sa pisngi ko. Disgrace to my father? Pinilit si Yuan?

"You filthy illegitimate child! Kabit lang ang mama mo diba kaya inilihim ka ng ilang taon?"

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

"Wa'g ka ng mangarap na magiging kayo ni Yuan. We're not taking anyone like you. Disgraceful! illegitimate child! Anak ng kabit!" Bulong nung babaeng doktor.
"Hindi naman k-kabit si mommy..." Sabi ko habang umiiyak.

Hindi ko kailanman nakitang buhay si mommy. Comatose lang at kung iniisip ko siya, nasa higaan lang ang tanging naaalala ko. Namatay siya pagkatapos ng first birthday ko. Hindi siya kabit!

"Oh well? She's not, now? Anak ka sa labas! You are a disgrace! You should get out from this hospital and never show your face again or I'll call Yuan's mom and tell her the criminal is here. Pasalamat ka nga at di pa kita sinusumbong! Now! Get out!" Sabay turo niya sa pintuan.

Punong-puno na ang mga mata ko ng luha kaya di ko na makita ng maayos ang dinadaanan ko nang naglakad ako palayo.

"Eliana!" Sigaw ni Sir Chase. "Wha-"

Tumakbo na ako palabas ng ospital. Gusto kong lumingon at magpaalam dahil tingin ko ay rude yung ginawa ko pero di ko magawang ipakita sa kanya ang mukha kong puno ng luha.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2700
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #153 on: January 25, 2013, 10:57:59 AM »
Grabe naman yung mga kamag-anak ni Yuan. Mga doktor pa naman tapos ganun ganun na lang kung pagsalitaan si Eli. Akala mo alam ang lahat lahat ng bagay. Mali mali pa ang binibintang. Kainis!

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1893
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #154 on: January 25, 2013, 11:21:09 AM »
 >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:(

NANGGIGIGIL AKO SA MGA KAMAG-ANAK NI YUAN! lalo na sa lokong yun!! hindi man lang sinabi sa magulang niya yung totoo! hay jusko nakakaasar ang sasama ng ugali nila.

Eliana, wag ka naman magpapaapi.. lumaban ka. ano pa't naging bff mo si Denise!

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #155 on: January 25, 2013, 12:19:07 PM »
Grabe naman kung makapagsalita parang alam na nila lahat ang pangyayare, kainis lang, jusko.... Yuan talaga, di man lang marunong ipagtanggol si eli, haist,nakaiyak ang pangyayare, huhu
Laughter is the Best Revenge

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1641
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #156 on: January 25, 2013, 12:28:11 PM »
Patayin ang mga kamag anak ni Yuan! Leche! Nasaan ba si Bench at si Brent at ipapadissolve natin ang Chong Hua Hospital whatever na yun! Mga walanghiya!! GHrrrr!!!
Website for my stories

BlackLily Stories

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1641
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #157 on: January 25, 2013, 12:30:58 PM »
teka Hindi pa ako kuntento sa kinomment ko. Gusto kong malaman ng Daddy ni Eliana ang pinaggagawa sa kanya at ng mabigyan ng parusa ang mga salbaheng yun. Pasalamat sila mabait si Eliana at iyak lang ang alam. pasalamat sila at wala si Denise.

hays.... Eliana matuto kang lumaban! Ano ba! naiistress ako sa mga pangyayari.
Website for my stories

BlackLily Stories

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +5/-0
  • bookw0rm
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #158 on: January 25, 2013, 04:32:00 PM »
grabe.. i want to spank the face of that woman (yuan's cousin) ang kapal lang ha?
judging someone when you don't really know the whole story.. and
your not even the main character of it!!!
naiinis ako!!!!
super! grabe!



i almost cry! kawawa naman si Eli,  :'(
Go Chase, make her feel better!!!!!!!

be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 211
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #159 on: January 25, 2013, 05:55:25 PM »
Naiinis ako. Yadayadayada. Disgrace and illegitimate my foot. Nakakairita. Doctor pa man din. Hindi niya alam ung word na respect e no? psh.
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #160 on: January 25, 2013, 08:57:53 PM »
ang sama talga ng tingin ng relatives ni yuan kay eliana  :(
pero bakit ba nila pinipilit na illegitimate child si eli?!
may alam ba sila tungkol sa family nila?!
wala diba? wala

grabe na-aapektuhan na talaga ako sa mga judgements nila kay eli ah
it's just not fair for her  >:(

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #161 on: January 25, 2013, 10:14:47 PM »
ANSARAP PEKTUSAN SA BANGS AT SAMPALIN NG PADAKOT NUNG KAMAG-ANAK NA YUN! NAKUUUUUUUUUUU!  >:( >:( >:( >:(
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1250
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #162 on: January 26, 2013, 02:52:24 PM »
ANG SAMA PA RIN TALAGA. GRRRRRRR!

hannahvicente

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +0/-0
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #163 on: January 26, 2013, 07:44:44 PM »
ang sama nila..
sana hinayaan na lang nila si Eli.nasaktan din naman siya noon a. :(
hayyy nakakainis! >:( gusto ko tuloy sabunutan yung mga kamag-anak ni Yuan.
Love grows from within one's heart.

kcds

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 62
  • Karma: +2/-0
  • Crissyness
    • SeeMyEyes
Re: .::Chase & Hearts::. GHOST FROM THE PAST
« Reply #164 on: January 27, 2013, 01:11:09 AM »
Sinusumpa ko ang angkan ni Yuan! Sana mag-hirap sila! Mga bwiset. Sorry, nadadala sa bugso ng damdamin.  :-\

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Tita of Manila

by: dyan, 2014-11-01

  In two days, I’ll be turning 26, one step closer to becoming a full-fledged member of the #TitasofManila. Oh, who am I kidding—I am a tita of Manila! My tita habits include...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved