Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 53778 times)

Mikee;)

  • jellybean
  • **
  • Posts: 117
  • Karma: +5/-3
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #135 on: January 18, 2013, 11:51:45 PM »
naku feeling ko may alam na yang si Chase sa tunay na pagkatao ni Eli, tsk, tsk..

grabe paranoid talaga ni Denise, pero di ko din naman sya masisisi, napakainosente naman talaga ni Eli e..


milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #136 on: January 19, 2013, 05:35:16 PM »
Chase ha, ano yan?  8)  :D

Ba't parang feeling ko eh magkakilala si Chase saka si Yuan? or si Luke at si Yuan? Hahahaha!  :D Saka, dun sa hindi nasabi ni Luke habang napatingin siya kay Chase, feeling ko nagkukwento yang si Chase kay Luke re: Eliana na nakita niya sa airport, mehehehe. Yung tipong nagpapaka-cool lang talaga si Chase pero deep inside alam naaaa.  :D :D :D

Naeexcite ako pano makakapag-adjust si Eliana sa kanyang independent life, hihi. Saka ano na kaya balita at home? Kinasal na ba ang kutong-lupang si Yuan at Tanika? Hala lagot ka Eliana, magmomodel ka tas underwear pa! Lagot ka kay Chase! ;D Madidiscover ka nyan forsho! :P

Love this update ate Jonah!  8) Di mo talaga kami binibigoooooo~  ;)
Sino ngayon ang manhid? Tss.

withoutwords

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #137 on: January 20, 2013, 06:04:57 PM »
kakamiss naman sina Bench at Denise! :) nagulat naman ako sa desisyon ni Eliana na pag-alis. brave decision Eliana! Sana maka move-on ka! Destiny kayo ni Chase! ;) agad?hahaha iba talaga pag richkid di alam ang turon! favorite ko kaya yun!   :D ;D bakit may feeling ako na related si Yuan kay Luke? :o hmmm kakaexcite naman ang pagmomodel ni Eliana parang may mangyayare ah!  :-X 

hannahvicente

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +0/-0
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #138 on: January 20, 2013, 07:54:38 PM »
waah balak ko sanang magsilent reader kea lang hindi ko na matake!!!!
OMGEEEE!!!! :D si Eli magmomodel!!!tsaka ano kea sana sasabihin ni Luke???
oh my! I can't wait for the next update..
Happy Sinulog Festival sa mga cebuano!! :) :)
anyway Ms. Author I really love the story of Bench and Denise but syempre kay Brent pa rin ako. ;D
Love grows from within one's heart.

kcds

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 62
  • Karma: +2/-0
  • Crissyness
    • SeeMyEyes
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #139 on: January 20, 2013, 08:40:15 PM »
Napanood ko yung sa Jessica Soho tapos about sa Cebu yung isang topic nila. Then naalala ko tong story nito. Bigla akong kinilig.  :-[ Parang gusto ko tuloy pumunta doon para makita si Eliana at Chase. Hihihi tapos mag aapply din ako kung saan nagtatrabaho si Eliana tapos makikiFC ako. Hihihi naeexcite tuloy ako sa next. Ano kaya mangyayari sa pagmomodel niya. ;D

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #140 on: January 21, 2013, 10:32:48 PM »

C&♥9
Selfish





Maganda ang condo ni Celine. Halos parehong design sa condo ni Bench. Brown and cream ang theme niya at may mga halaman pa sa loob. May nakita akong cactus na palamuti sa table. Sa kitchen naman, nandoon yung mga bulaklak na binigay ni Luke.

"Actually samin 'to ni Luke na condo." Aniya. "Yun nga lang, minsan sa bahay siya umuuwi kaya wala siya dito. Pero pag nandito siya, sa kwarto ko siya natutulog." Sabi ni Celine. "Kaya walang natutulog sa kabilang kwarto at naisipan kong pagkakitaan." Kumindat siya.

Maganda dito sa Riala Towers. Mas malapit ito sa CPI kesa dun sa Radisson Blu. Pagkalabas mo, I.T Park ang bubungad sayo. Kahit na di malapit sa SM (kung saan ako kumakain), malapit naman to sa mga fast food sa IT Park.

"Saan ka ba kumakain?" Tanong ni Celine isang araw nang napansin na ang paglabas ko gabi-gabi simula ng tumira ako dito. Magdadalawang linggo na at nag sweldo kami kanina.
"Saa... KFC." Sabi ko.
"Doon ka ba kumakain gabi-gabi?" Sabi niya habang nanlalaki ang mga mata.
"M-Minsan dun sa Moon Cafe-"
"What? Di ka ba nauubusan ng pera?" Lumiit ang mata niya sa pagdududa.
"Uh.. Nauubusan nga eh." Sagot ko agad. GOSH! Anong sasabihin ko? "Kaya lang minsan gutom na gutom talaga ako eh." LOL!

Tumawa na lang siya.

"I bet, di ka marunong magluto. Di pa kita nakikitang napapadpad sa kitchen eh. Hayy nako! Sasamahan kita kung di lang sana pupunta si Luke dito ngayon. Sa Sabado sasamahan kita sa SM! Mag go-grocery tayo!" Aniya.

Tumango na lang ako at nagmadaling umalis dahil baka kung ano na naman ang pagdudahan niya.

Tatlo ang elevators dito sa Riala. Sa iisang elevator lang ako laging sumasakay, may pagka OC kasi ako eh.

*Ting!*

Bumukas ang elevator. Sumakay ako at pinindot ang 'G'.

Pagkalabas ko sa Riala... Naka tsinelas lang ako, short pants at blouse. Halos di nga ako nagsuklay. Malapit lang kasi dito ang KFC. Lalakarin lang.

Nakita ko ang repleksyon ko sa double doors ng exit na mukhang may dumi sa mukha. Para akong pusa na may kung anong itim sa mukha. Kaya nang nakita ko ang pulang Fortuner na nakapark sa harapan, agad kong pinagsamantalahan ang salamin at tinignang mabuti ang mukha ko. Inalis ko ang dumi at inayos ng kaonti ang buhok at... unti-unting bumukas ang bintana nito.

"S-Sir Chase!" Napasigaw ako sa bigla.

Nakangisi siya pero may kung ano sa mga mata niyang nagpapaalala sakin kay Bench.

"Going somewhere?" Tanong niya.
"P-Po? Uhm... Diyan lang... Kakain." Sabi ko.

Tumaas ang isa niyang kilay at nihead-to-foot ako.

"Uh.. Diyan lang kasi... sa KFC." Sabi ko at kinakabahan. Halos mabali na ang mga daliri ko sa kakapisil ko.
Ngumiti siya, "Want a ride??"
"Uh... malapit lang yun, Sir. Di na..."
"Sige na." Sabay labas niya at bukas sa kabilang pinto.
Napatunganga ako pero agad na lang sumunod at pumasok.

Pero imbis sa KFC kami tumungo, sa Mooon Cafe kami pumunta.

"Uh.. Sir... Dito ka po ba pupunta? Doon po ak-"
"Upo ka..." Aniya at binalewala ang sinasabi ko.
"M-May date po kayo?"
Ngumiti siya habang kinukuha ang menu sa waiter. "Meron... Ikaw." Sabi niya habang dumudungaw sa menu.

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya na wala na ulit lumabas na salita gaking sa bibig ko. Ninanamnam ko ang kagwapuhan niya (na laging nangyayari sa opisina kung saan mejo snob siya doon). Normal kaya itong ginagawa niya? Nakikipag date sa employee? I should take note and ask Denise about this...

"Mooon steak, tsaka coke." Aniya sa waiter. Tapos tumingin siya sakin. "Anong sayo?"
"Uh...Uh..." Agad kong kinuha yung menu. "Pork Chop tsaka coke din..." Sabi ko. NERVOUSLY!

Pagkaalis ng waiter napabuntong-hininga siya.

"Hmm. Sir.. Pwede po bang magtanong?" Tanong ko bigla nang nakahugot ng lakas ng loob. "I-Ilang taon ka na po ba?"
Ngumisi ulit siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Twenty-seven. Bakit?"
"Uh... Wala lang po... naitanong ko lang." Sabi ko. "Ang bata niyo pa at successful na."
"No, Eliana. That's because my parents own a good company. Pinagpapatuloy ko lang..."

Napalunok ako at inisip ang sariling kompanya ng parents ko. Habang iniisip ko iyon, na distract ako nang nakita kong nakatitig siya sakin. Agad kong inayos ang mukha ko.

"How bout you? Anong trabaho ng parents mo?"
"Uh... si Daddy uh... sa isang..." Pag sinabi kong brewery or airlines (na kina Bench) baka malaman niya... Pag sinabi ko namang shipping lines (lalo na yun!). "Sa opisina... pati yung mom ko... ng isang uh... companya."
Tumango siya pero bahagyang nakangisi. "Do I intimidate you?" Tanong niyang bigla habang umiinom ng tubig.

Napainom din ako sa tanong niya.

"Sa opisina at kahit sa labas... nakikita kong naiintimidate ka sakin..."
"Uhh... K-Kasi... Uhm..." Bakit nga ba, Eli? "Kasi mabait ka, gentleman, understanding na boss. S-Siguro dahil sa b-buong buhay ko di pa ako n-nakakakilala ng taong sobrang bait, tulad mo... po... Sir... Kaya naiintimidate at nahihiya ako sa inyo." Di ako tumitingin sa mga mata niya pero nang tumingin na ako, nakita kong seryoso siya at kumikinang ang mga mata, as reflected by the dim lights.

Narinig ko ang puso kong kumakabog sa kaba. Why?

Ngumiti siya, "From what you said, I think I should be the one intimidated. Hindi ako mabait tulad ng inaakala mo-"
"No... Di po sir... Mabait ka po. Tinutulungan at pinagtatanggol mo ako. Gentleman pa. Kung di ka mabait, I don't think you'll treat someone like me like this..." Di ko na napigilan ang pag e-engles.

Kita sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko at agad naman pumungay ang mga mata at gumaan ang pakiramdam. Habang nakikita ko ang pag gaan ng pakiramdam niya, naramdaman ko naman ang pagkabog ng mas mabilis at mas malakas ng puso ko.

"I'm selfish, Eliana."

Yun lang ang sinabi niya bago dumating ang pagkain. Hindi ko naman naintindihan pero one things for sure... habang tinitignan ko siyang kumakain, hindi ako mapakali at natutulala ako... I like him... Pero paano mangyayari yun? Isang buwan pa lang ang nakakaraan nung naaksidente kami ni Yuan.

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #141 on: January 21, 2013, 10:34:34 PM »
YEY CHAP 9!  :D

GAAAAAAAH! Para nagng si Lex to! Haha. Ilang taon na nga si Eliana, Ate? 18? AGE DOESN'T MATTER! Gaaaaaash. Hahaha  ;D Kung ako si El, maiintimidate din ako kay Prince Charming Chase e  ;D

At bakit feeling ko, malalim yung sinabi nya na SELFISH sya? Iba nasa isip ko. Feeling ko gagamitin at ibabalik nya ulit yang line na yan kay El someday  ;)

MOOOORE! Hhaha :D
« Last Edit: January 21, 2013, 10:46:04 PM by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #142 on: January 21, 2013, 10:56:22 PM »
AHAHAHAHAHAHA! :D

Nong sinabi ni Chase na, "Meron. Ikaw." kinilig ako ng bonggang bonggang bongga nauntog pa ako sa hagdan ng kama ko!  ;D :D Nakakabaliw naman yang si Chase! Mysterious!  ::)

Seryosong 27 na siyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa? Wow. HAHAHA. Maiintimidate ka talaga dian Eliana! Woooooo! Buti pa tong si Ate, hindi denial queen. Hihi!  8)

Selfish? Hmmmmm. Like I said, mysterious! :P

Carried away na ako kahit ganitong walang katwist twist pa, hahaha. :D Nice uppppp! :))
Sino ngayon ang manhid? Tss.

forgottenmiseries

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #143 on: January 21, 2013, 11:33:26 PM »
Aaah, hulog ka ng langit ate!! Katatapos lang ng madugong engineering exam kanina, at saktong pampa-GV tong update mo! Thank you po!! >:D<

Kinilig ako dun sa "I'm selfish, Eliana."!! Super hihihi. Excited na po ako sa susunod. Hihihi! :>

chorister_jenn

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #144 on: January 22, 2013, 03:13:38 AM »
YEY CHAP 9!  :D

GAAAAAAAH! Para nagng si Lex to! Haha. Ilang taon na nga si Eliana, Ate? 18? AGE DOESN'T MATTER! Gaaaaaash. Hahaha  ;D Kung ako si El, maiintimidate din ako kay Prince Charming Chase e  ;D

At bakit feeling ko, malalim yung sinabi nya na SELFISH sya? Iba nasa isip ko. Feeling ko gagamitin at ibabalik nya ulit yang line na yan kay El someday  ;)

MOOOORE! Hhaha :D





 ;D tomoh!!!, parang si Lex lng eh...  8)
at parang may pinaghuhugutan lang si Chase...
ibang meaning n tlaga ung "I'm selfish, Eliana" ni sir Chase..
ihhh..ang cute tlga!!! :D



 :D kinikilig n ako.... ;D

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1887
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #145 on: January 22, 2013, 07:12:36 AM »
OTW to school na ako ngayon at, buong byahe papunta sa school eh nakatakip ng panyo yung bibig ko kasi ayoko ipakita yung kilig ko! Haneeeeeeep! Grabe ka Sir Chase! Hahahhahahaha!! Nakakakilig super. Huhu. Wag ka ngang ganyan, joke sana lagi kang ganyan kay Eliana..

At doon sa selfish na sinasabi ni Sir Chase, may kutob ako haha. Siguro ano..hmmm, kwan! Basta. Haha.


Naeexcite naman ako sa facebook status ni ate Jonah, tama kaya tong mga twist na ineexpect ko! :D :)
« Last Edit: January 22, 2013, 11:58:47 AM by itsJiezelm »

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1641
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #146 on: January 22, 2013, 10:04:49 AM »
Mas gusto ko na si Chase para kay Eliana kaysa kay Yuan. I love selfish guy kasi selfish din ako. Wahaha.

Excited na ako sa time na malalaman nila Chase na super yaman ni Eliana. Matagal pa ba yun? At kelan ulit sila magkikita ni Yuan? Excited na ako Jonaaaa!!
Website for my stories

BlackLily Stories

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #147 on: January 22, 2013, 05:10:46 PM »
HAHAHA....ate jonaaaa mukhang mapapalitan na si Bench sa aking puso, mahal ko na yata si sir Chase, hahahaa... grabe kahet naka shorts and tsinepen lang si Eli, nakikipag date pa din si sir chase, hahahayyyyy Eli, ikaw na talaga... Selfish???? ano ibig sabihin nun ate jonaaaa.... hehehe kilig naman ako ditey
Laughter is the Best Revenge

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +5/-0
  • bookw0rm
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #148 on: January 22, 2013, 07:40:26 PM »
Ay ateh! Namimisteryusohan ako sa character ni Chase...
I dunno if may alam sya tungkol sa pagkatao ni Eli...
But all in all bumabanat din naman sya ng mga pick-up lines... Kilig!
be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1250
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. nine. SELFISH
« Reply #149 on: January 22, 2013, 09:32:51 PM »
Okey fine, Chase at Eli. Approve na kayo sa akin. Hahanap na lang ako ng iba para sa akin. Baka si Sparkling Abs na lang. HAHAHAHAHAHAHAHA :D

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Class Act

by: marla, 2014-10-24

Okay, okay: we know this blog has been looking more like a food blog than a lifestyle/fashion/beauty blog lately. But we can't help it—the universe just keeps showering us with delicious...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved