Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 48677 times)

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 243
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #120 on: January 14, 2013, 01:10:16 pm »
wahahahh... kainis di pa nga nakasagot eh, sana nag evesdrop ka din Sir chase, para malaman mo ang sagot ni Eli.. hahahah...

Britanny, pngalan palang Monster na... ahahahah
:))  super na enjoy ko tong bago mong kwento ate, pati yung baka sakali, ang kulet lungs!!! hahhaha....
« Last Edit: January 15, 2013, 11:57:04 pm by emyrae »
Laughter is the Best Revenge

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1258
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #121 on: January 14, 2013, 07:26:51 pm »
BWAHAHAHAHAHA. Ano ba Eli? Palpak ka na forevs eh.  :D

milroski

  • jellybean
  • **
  • Posts: 271
  • Karma: +27/-3
    • mamemillymomu
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #122 on: January 14, 2013, 11:03:40 pm »
Hahahaha!  :D I love Eli! Like supeeeeerrrr~!! Paulit ulit na ako dito, tahahaha! Sama ko pinagtatawanan ko na lang yung kawalang muang niya sa buhay!  ::) ::) 10k, mura lang? Kahit ano pilit mo itago pagiging rich kid mo, wala eh. :3

Eto namang si Chase, arte. May gusto rin naman yan kay Eli, crush niya rin yan! Oo, papangunahan kita, hahaha! De joke, Chase. :3 Epal ka, singit ka sa moment! Wag mo namang sabihin na papairalin mo yong etiquette na ayaw mo sa nagpapantasyang mga employado? Asus. Stricto mo mukha mong gwaps!  8)

Naweweirduhan ka kay Eli, Marc? Hahaha! Ako nga tawang-tawa eh, di rin makagetover sa OMG ano yong turon!  ;D ;D ;D ;D Etong si Brit, echoserang palaka, inggit ka, inggit! :)))))) Si Celine na ang bagong BFF? Nyahahahaha.

HAHAHA! Ate babasahin ko talaga to! Favorite kita eh, I mean, tamang tama lang sakin yung writing style mo, hindi heavy, hindi super light, tama lang, simple lang pero feeling mo nasa story ka rin, eh basta ganon yon! Binasa ko uli Invisible Man, sabi ni Maxine, ang ganda ni Eli, as in ang ganda niya, at ang ganda niya, ang ganda sinabi ko na bang ang ganda niya? HAHAHAHAHAHAHA! Gandang ganda na tuloy ako kay Eli, ehmerghed!  :o 8)
Sino ngayon ang manhid? Tss.

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #123 on: January 14, 2013, 11:15:00 pm »
ang cute ni eli  :D
pero sobrang sama naman nung britt na yun  >:(
grabe! narinig ba talaga yun ni chase, ay este sir chase pala?!  ???

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2033
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #124 on: January 15, 2013, 09:45:45 am »
Grabe ilang ulit kong binasa ang bedspacer na 10 thousand. Tapos mura pa yun? Jusko Eliana! Napapahamak ka sa ga ganya.  Isang apartment na yun dito sa Manila. Hahahaha.
Website for my stories

BlackLily Stories

issay123

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 16
  • Karma: +0/-1
  • I just need somebody to love :)
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #125 on: January 15, 2013, 11:23:13 pm »
oh my  G Eli ?? choose Chase please ? :'(
You make me happy even in my worst moods.

follow me on twitter :)) it's @issaylovesyou

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 7 --- update.
« Reply #126 on: January 17, 2013, 09:08:40 am »

C&♥8
To model or not.





Natahimik kaming dalawa ni Celine ng lumapit na si Sir Chase samin. Di ako makatingin sa kanya. Ewan ko kung bakit kinakabahan din ako.

"Luke, texted me..." Sabi ni Sir Chase samin.

Narinig niya kaya yung pinag-uusapan namin ni Celine? Eh malamang kasi kanina pa siya nakatayo riyan!

"SURPRISE!" Sabi nung biglang dumating na chinito at may dimples (parang si Yuan lang).

Hinalikan niya agad si Celine sa pisngi at binigyan ng mga bulaklak. Si Celine naman pulang-pula at ngiting-ngiti.

"Sinabi mo ba sa kanya na di ako dadating Chase?" Sabay sundot sa likod ni Chase.

Si Luke ay naka puting button-down shirt din at mukhang doktor na doktor ang aura. Kaibigan pala sila ni Sir Chase? Sa pag-uusap nila parang gusto kong gumapang na lang palabas ng opisina eh. Out of place ako masyado dito.

"Hindi... ko nasabi." Sabi ni Sir Chase na parang walang gana at umiiling pa.
"Ano? Edi hindi 'to surprise?" Sabay tingin ni Luke kay Celine.
"Si Chase kasi nakikinig pa sa mga sasabihin nitong bago naming si Eliana kaya di agad lumapit sakin para sabihin yun." Sabay turo ni Celine sa kinatatayuan ni Sir Chase kanina.


OMG! So nakikinig pala talaga siya? :-[ :-[ :-[

"By the way, Luke... Eto si Eliana. Siya ang bago kong bedspacer at bagong secretary ni madame!" Sabi ni Celine.
"Hi!-" Sabi ni Luke... Parang may idudugtong pa siya pero parang pinigilan niya ang kanyang sarili nung tumingin siya kay Sir Chase.

Pagkatapos ng araw na yun at pagbalik ko sa hotel... agad kong sinabihan si Denise through Skype na may nakita na akong matutuluyan sa halagang 4 thousand pesos...

"Four thousand pesos? Okay. Saan ba yan? Baka sa mga liblib na lugar yan ah?" Aniya.
"Nope. Sa Riala Towers. Isang condo dito sa Cebu na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Yung HR namin na si Celine Reyes ang nag offer skin na-"
"What? Di kaya scam yan o baka magnanakaw yan ng gamit mo? Bedspacer?" Tanong niya.

As usual, ayan na naman ang mga pagdududa ni Denise. Hinayaan ko na lang siyang magduda kasi tinatamad na akong maghanap ng ibang apartment.

Fifteen minutes kong hinalughog ang hotel room ko para hanapin ang calling card nung Adrienne...

"Hello?" Tinawagan ko na talaga.
"Who's this?" Salubong niya.
"E-Eto si Eliana Jimenez... Yung sa-"
"Airport?" Sabi niya na parang sumisigaw na.
"O-Oo. Pu-pwede bang-"
"Mag model sa offer ko?! SYEMPRE NAMAN!" Tumitili na siya. "Naku girl! Sabi na nga ba! Nakapili na kasi kami ng mag momodel para sa hosted basketball tournament ng company para sa launching ng new underwear at hindi parin talaga ako convinced sa napili... Ano? Gusto mo ba?" Tanong niya.

Underwear company nga pala yun, ano? UNDERWEAR? IBIG SABIHIN MAG PAPANTY AT BRA LANG AKO SA AD NA YAN? :o :o :o

"Underwear nga pala yan ano?" Sabi ko. Skeptical.
"Oo girl. Don't worry, this ad is at most 12 seconds only..." Aniya.

12 seconds? Meaning ad talaga siya tulad nung sa TV! Nako! Pag nagkataon sa TV yun ipapalabas at makikita yun ng mga kakilala ko, di na talaga ako pwede!

"Tsaka... don't worry, sa November pa namin ipapalabas ang ad na 'to." Aniya.
"P-Pero sa TV?"
"Huh? Ayaw mong ilabas ka sa TV?" There was a short pause. "Hindi ito sa TV. Well, not the nationwide TV. Diyan lang sa tabi ng billboard ng Bench malapit sa bulding namin sa Lahug. May parang malaking TV diyan sa tabi ng billboard, diyan ipapalabas. Di naman kailangang nationwide yung palabasan nung ad kasi target ng tournament ay puro taga Cebu lang na basketball team..."

So sa Cebu lang pala siya ipapalabas! NO PROBLEMO!

"Oh? Okay! Sige! I'm in." Sabi ko at kinagat ang labi. No. English. "K-Kailan ba yung shoot?"
"YEEEY!" Tili niyang nakakabingi at halos itapon ko yung cellphone ko para di marinig ang matulis niyang boses. "I'll just text you, okay!?"

Kinaumagahan narealize kong di pala ako kumain ng hapunan. LOL. Nag text din si Adrienne... Yung shoot ay 3 weeks from now. Tagal pa pala! Akala ko magkakapera na ako ngayong weekend para mabayaran ko na si Celine. Natetempt ako sa ATM na dala ko kung saan nandun ang pera ko galing kay Daddy... Haaay!

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4590
  • Karma: +331/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #127 on: January 17, 2013, 09:18:33 am »
Hi Ate. Nandito pa ako! Waits lang. Will make habol after school. :)

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 214
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #128 on: January 17, 2013, 09:22:00 am »
OH EM JI! HAHAHAHA! =))))))) TINANGGAP NI ELI 'YONG OFFER! XD SANA MAGKITA SILA NI CHASE DUN! TAPOS MASESEXY-HAN SI CHASE KAY ELI. HAHAHA. TAPOS PAGKAKITA NI CHASE KAY ELI, BIGLA SIYANG MAGIGING PROTECTIVE! TAPOS BIGLA NIYANG BIBIGYAN NG BATHROBE SI ELI! TAPOS BIBIGYAN NIYA NG MASASAMANG TINGIN DUN SA MGA LALAKING TITINGIN KAY ELI! HAHAHA. BEYEN, ANG DAMI KONG NAIISIP NA PWEDENG MANGYARI!! XD

SI CHASE TALAGA OH! NAPAGHAHALATAAN NA. BA'T NAMAN KASI SIYA NAKIKINIG SA SASABIHIN NI ELI? HMMM, FISHY FISHY FISH. LOL =)))))))) NICE UPDATE ATE JONABELLS! EXCITED NA AKO SA KASUNOD!!!! WIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII.
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1880
  • Karma: +43/-12
  • Brentology Genius
    • Tumblr
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #129 on: January 17, 2013, 10:56:51 am »
haha baka madiscover si Eli.. mamaya, maging hollywood star na. :D


talaganag nakikinig ka pala Chase ha! hahaha.. napaka naman ni Celine. ;D nakakatuwa talaga siya!!

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 243
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #130 on: January 17, 2013, 01:05:15 pm »
hehehe... Sir, Chase ha nakikinig ka pala sa usapan nina Eli at Celine, sana man lag pinakinggan mu muna yung sagot niya... hehehe.. feel ko may HD yang si sir chase ke eliana, hahaha...excited na ako sa shoot nila ate, :))
Laughter is the Best Revenge

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #131 on: January 17, 2013, 05:53:34 pm »
AHA! Kung nadinig nya, bakit naman nya pinutol yung sasabihin ni Eliana? Akala nya ba hihindi si Eliana kaya pinutol na ;lang nya para sa ego nya? haha. Tagal nga naman kasi umo-o ni E!  ;D
Yaaaaaaan! Sexy Eliana coming soon! Andami naglalaro sa isip ko  :D
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #132 on: January 17, 2013, 08:55:52 pm »
nakikinig pala si Sir Chase! Sir Chase talaga...

ad talaga ng underwear? seryoso ka talaga eli na sasabak ka sa ganyan? baka mamaya magawi ang isa sa mga kakilala mo sa Cebu. naku patay ka...

well good luck on your modeling career  ;)

forgottenmiseries

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #133 on: January 17, 2013, 11:25:22 pm »
Yehey, meron na ulit :) Hmm, ano kaya yung sasabihin ni Luke pero nawala nung napatingin kay sir Chase? Hahaha, nakakaintriga. :P Okay lang na hindi pa narinig ni sir Chase ang sagot para may kilig vibes pa din of the unknown. Chos! HAHA.  :D Model na si Eli, mas lalong mahuhumaling nan si sir Chase pag nakita na niya yung ad ni Eli. Hihihihi kilegs.  ;)

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1258
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. eight - to model or not?
« Reply #134 on: January 18, 2013, 04:47:12 pm »
YUAN </3 GRRRR!

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Be a Running Princess

by: guest, 2014-04-15

Remember how you said you'd try to exercise more this summer? Here's a totally fun way to do it! :D The Etude House Princess Run is happening on May 25 at Bonifacio Global...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved