Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Author Topic: .::Chase & Hearts::. CONCLUSION - END (Mar.31,2013)  (Read 51230 times)

BlackLily

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1641
  • Karma: +136/-11
    • My Tumblr.
Re: .::Chase & Hearts::. 3.
« Reply #75 on: January 04, 2013, 03:01:50 PM »
Ewan ko ba pagkabasa ko pa lang ng Castillo na pangalan Chase Martin Castillo na agad ang pumasok sa isip ko. Tama ba ang hinala ko?

Habang nag eemo si Celine natatawa ako. Kakaibang HR nga. Hehehe. Natawa talaga ako lalo na nung sinabi ni Celine, "You're Hired" "Damn it" Wahaha

Website for my stories

BlackLily Stories

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1253
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. 3.
« Reply #76 on: January 04, 2013, 08:53:49 PM »
BWAHA. Namiss ko rin si Denise ah. Taray pa din. HAHAHAHAHAHA :D

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 3.
« Reply #77 on: January 04, 2013, 11:13:54 PM »
waaah! hahahaha. yes meron na agad.


grabe may part sakin na naiinis kay Eli dahil mas gusto niya pa yung simpleng pamumuhay. haha, if i were in her shoes I'll just go to Europe and do what Denise says. hahahaa. napakalaking pangalan ng 'Jimenez' haha.


may kutob ako dito kay Celine kaso secret muna yun kasi baka mapahiya lang ako dahil mali yung kutob ko ;D :)
haha! ano ang kutob mo!? Ewan ko kay Eli. kasi naman para siyang asong kinulong kaya ayan. hahaha

Ahahahahaa.. Galeng nang HR ah, gusto kong may HR na mga ganun, chi chikahin ka lang!!!
I love the story ate, Teka Castillo??? Diba si Chase Castillo din? Sana Siya yung president!!! OMG... Sana si Chase yung President.. hehe
hahaha. abangan! gagaling ng kutob niyo! hahaha

Ate Jonabells! Sa wattpad ko 'to binabasa. Hahaha. Nalimutan ko na sa teentalk. Lol. =))

Chase ha? Hahahahahaa! Alam ko na! :DDD Ayaw ko kay Yuan! Ayaw ko sa kaniya poreber! Nakakainis naman kasi siya. Basta siya ang nawalan. Che! Nakakainis talaga! Chapter 3 pa lang gumaganda na. Hahahaha. Alam ko na kung bakit chase and hearts ang title. Mehehehe :3 hula lang naman. XD

Kaloka ung chapter 3. Ang weird. Dahil langsa nangyari sa lablayp ni eli kaya siya natanggap? Hahahaha. Kaloka. XDD Pero buti na rin un para magkaroon siya ng trabaho! Good luck naman sayo eli. :DDD

Sana magkaencounter si Eli saka si Chase! MaaaaahGaaaahd! Sana officemates sila! Ansabe naman nung gusto kong mangyari? XD Pero kasiii! Hahahahaha!

Galing mo talaga ate Jonabells! Hands down ako sayo! :D Number 1 fan here! Lol. =))))) excited na ko sa next update! :))))))))))

ansabe naman ng malanobela kong comment? XD yae na. Bumabawi sa pagkawala ko. XD
mukhang isang chapter ang comment mo! nyahahaha. o eto na yung mga 'sana' mo ah? hahaha

Ewan ko ba pagkabasa ko pa lang ng Castillo na pangalan Chase Martin Castillo na agad ang pumasok sa isip ko. Tama ba ang hinala ko?

Habang nag eemo si Celine natatawa ako. Kakaibang HR nga. Hehehe. Natawa talaga ako lalo na nung sinabi ni Celine, "You're Hired" "Damn it" Wahaha


haha! carried away lang sa kanyang love story! nyahahaha!

BWAHA. Namiss ko rin si Denise ah. Taray pa din. HAHAHAHAHAHA :D
oo nga... para siyang conscience ni Eliana sa story na 'to. nyahahaha.

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #78 on: January 04, 2013, 11:25:36 PM »


C&♥4
Oh na na... What's his name?






Ang sabi ni Denise sakin, extremely weird daw yung nangyari sakin sa CPI. Imposible daw na ganun yung HR. Kung ganun daw, baka mumurahing kompanya lang daw yung napasukan ko. Nilarawan ko naman sa kanya ang building ng CPI na halos kasing tayog ng building ng Jimenez sa Maynila. Hindi siya makapaniwala. "Baka na scam ka lang huh?" Aniya.

Dinelete ko ang Facebook account ko dahil puno iyon ng wall post ni Yuan na pinagpyestahan ng mga tao.

Friends ni Tanika: Kabit! Sana wa'g ka ng bumalik dito. Kung saan kaman sana mamatay ka na.

Hindi yun nabasa ni Denise kasi aniya'y mag dadalawang linggo na siyang di nag-oopen ng account niya. Buti dahil baka na pektusan na niya ang mga iyon at kinasuhan ng kung anong pwedeng ikaso.

Hindi matanggal sa isip ko si Yuan. Di ko nga namalayang di pala ako nag dinner nang nakatulog akong umiiyak sa Hotel room. Hay buhay! Mahal ko talaga si Yuan. Noon, nagdasal ako na sana kaya niyang ipaglaban ako. Anim na buwan din akong naghintay, maiksing panahon pero para sakin ay mahaba na yun. Araw-araw, minu-minuto ko siyang iniisip. Iniisip at binubuhay muli ang mga alaala naming dalawa, hanggang sa halos parang panaginip lang lahat na nangyari samin.

"Eliana?" Sakmal ni Celine sakin.
"P-po?"
"Anong nangyayari sayo? Spacing-out? What's your problem?" There's that concerned look in her face again.

Para bang uhaw siya sa mga problema ng mga tao.

"W-Wala. Dito yung table ko?" Tanong ko.
"Oo..." Pumalakpak siya at tinawag ang mga tao sa paligid.

Lumapit naman yung iba, yung iba hindi na...

"New?" Tanong nung isang lalaki na kasing tangkad ko at may malalaki at 'expressive' na mga mata.
"Yes, Marc." Sabi ni Celine. "Eto nga pala si Eliana Jimenez, yung bagong secretary ni Madam, hope you treat her well-"

Tumango yung iba at sa mga mukha nila ay parang kagalang-galang talaga si Celine. Hindi ko naman sinasabing di siya kagalang-galang pero... hindi parin talaga matanggal sa isip ko yung nangyari sa interview.

"Hmm? Ano na naman yan, Celine." May matangkad at mala diyosang babae ang dumaan at napa-balik talaga lahat ng lumapit, except kay Marc, sa kanilang mga mesa.

Etong girlet na 'to, matangkad, maputing-maputi, as in para siyang bond paper sa puti at mukhang mahinhin at di ngumingiti.

"Bago?" Nihead-to-foot niya ako.
"Wala kang pakealam, Britt. Back off. Balik ka na lang sa marketing department, di ka welcome dito."

Nung nagkalapitan na silang dalawa ni Celine, narealize kong mukhang ka-age silang dalawa, magkasing tangkad at parehong magaganda.

"Brittany, dun ka na lang sa Marketing, hayaan mo na si Celine-" Sabi ni Marc.
"No, Marc. Mula nung naging HR siya dito puro palpak ang niha-hire niyang empleyado. Palibhasa ginamit lang yung boyfriend niya para maging HR siya dito. At ikaw naman, hija, anong pangalan mo? Kita ko sa resume mo di ka pa pala nag co-college sana inuna mo ang pag-aaral mo. Celine, may mga graduates na dun sa nag apply bakit siya pa?" Nagkatagpo ang kilay niya na para bang diring-diri sakin.

Uh-oh? Anong gagawin ko? Mukhang ifa-fire na yata ako di pa nga ako nakakaupo sa mesa.

"Ano? Ikaw na lang kaya ang mag HR? Palit tayo ng trabaho? Anong pake mo?!" Tumataas na ang tono ng boses ni Celine. "Ikaw na lang magdesisyon kung sino! Insecure ka yata eh!"
"Girls... girls... tama na..." Awat ni Marc sa dalawa.

Huminga akong malalim at kinabahan sa tinginan ng dalawa.

"Uhh... Aalis na lang muna-" :o
"No... you're not leaving." May boses akong narinig sa likuran.

Tumingin lahat ng tao sa paligid pati si Marc, Celine at 'Britt' sa likuran ko.

"What's wrong here, Celine?"

O.M.G. ITS HIM! YUNG LALAKI! SA AIRPORT! WHAT'S HIS NAME AGAIN? I CAN'T REMEMBER! :o :o :o

"Si Brittany, nangengealam sa new secretary ni madame!"

HE WORKS HERE!? :o :o :o

Nakapamaywang siya habang tinitignan ng seryoso si Celine at tuminginulit sakin. Umaliwalas ang kanyang mukha at tinignan si Brittany.

"Okay... okay... Whatever, but I'm warning you, girl!" Sabi ni Brittany sakin. "You better be good." Umirap siya at tinalikuran kaming lahat.
"What's her problem, bro? Pinaiyak mo?" Tumawa si Marc at hinampas ang dibdib nung lalaki.

WHAT IS HIS NAME? :o

"By the way, eto si-" Sabi ni Celine.
"We've met, Celine."

OMG! Patapusin muna si Celine please?! Hindi ko maalala ang name... A? B? C? D? E? Ffff? Which letter? G? H? I? Jjj? K? L?

"Oh? Really? What's the girl's name, then?" Nakataas ang kilay ni Celine.
"Eliana, right?" Sabi nung lalaki.

Tumango ako at uminit na naman ang pisngi dahil alam ko kung ano ang susunod na tanong!

"Anong pangalan niya, Eliana?" Tanong ni Celine sakin habang nakaturo sa lalaki.

Natahimik ang paligid. Pati yata yung security guard sa elevator ay inabangan ang sagot ko. Gosh! This is the hardest question I have ever heard!

"Mmm." Sabi ko habang tumitingin sa itim na ballet flats na soot ko.

("Do not wear pumps or anything heeled. Secretary ka, 'Eliana, kuha ka ng kape... bili ka ng ganito... ganyan... takbo doon...' kaya mas convinient kung flats. AT! Pagmakita ng mga taong tulad ko ang pumps mong Aldo, Louboutins at iba pa, hindi ka na tatanggapin kasi malalaman nilang mayaman ka at ayaw nating mangyari yun, diba?" Yun lang ang naiisip ko na sinabi ni Denise kagabi.)

I have no hope. Magpakatotoo ka girl.

"Na-Nakalimutan ko..."

Nalaglag ang panga ng lahat at may nakita pa akong mga papel na nabuhusan ng tubig sa bigla. Tinignan ako ni Marc na parang may kasalanang nagawa. Naka perfect O naman ang bibig ni Celine.

Yung lalaki sa harapan ko, nakanguso na para bang gustong ngumisi pero pinipigilan ang sarili.

"Everyone, back to work!" Sabi niya.

Limang segundo siguro bago siya sinunod ng lahat.

"OMG!" Tumatawa si Celine at Marc. Walang tunog yung tawa nila at namimilipit sa tiyan. "Over confident na kilala, di naman pala..." Tumakbo si Celine papuntang elevator, di parin kayang huminga ng maluwang sa kakatawa.
"Congrats, bro." Tumatawa din si Marc palayo sa lalaki.

Nung kami na lang dalawa ang naiwan...
"You, Eliana, come with me..." Itinuro nung lalaki ang opisina ng BOSS ko...

Akala ko ba madame? WHAT THE? HE'S MY BOSS? OMG! And who is he again? Pls God! Tulungan niyo po ako! Please! Magsisimba na ako sa linggo! Please! Help! What's his name! OMG! OMG! OMG! :'( :'( :'(

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #79 on: January 04, 2013, 11:36:40 PM »
may update! Muntik na ko matulog. Hahaha

MWAHAHAHA! ;D Idol na kita, Eliana! Sa gwapo ni Chase, nakalimutan mo name? Tsss. Ganda mo talaga! :D Patay ka. Boss mo yan. At feeling ko yung mother nya na si Madame? Basta patay ka! Hhaha. ;D

Yan may asungot na! Brittany! Name pa lang kontrabida na. May gusto siguro sya kay Chase. Echosera! Hahaha. Pasalvage ko na sya kasama si Yuan at friends ni Tanika! Lol.

Ate! Kelan next? Hihi. :D ;)

« Last Edit: January 04, 2013, 11:54:47 PM by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 211
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #80 on: January 04, 2013, 11:40:54 PM »
Alam ko first ako pero baka may mas maunang magcomment. Lol. Iii. Nakakatuwa naman! Officemates sila! Hahahaha! Ay hindi si chase pa ata ang boss? Ay ewan. Kakatuwa naman! Hahahahahahah! Kaloka ung britt ha. Pakontrabida ang effect. Sura lang. Go eli! Kaya mo yaaaaan! Aja! Fighting. Tandaan mo, si chase lang dapat ang mamahalin mo ha? Lol. Kalimutan mo na ung walang kwentang intsik na un. Loljk. :))) nice update ate jonabells! Nangyari ung 'sana' ko. XD
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4466
  • Karma: +331/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #81 on: January 05, 2013, 12:04:03 AM »
GRABE, NAHURT ANG FEELINGS NI CHASE! KALOKA!!! <3

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2697
  • Karma: +35/-10
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #82 on: January 05, 2013, 06:09:54 AM »
Anong meron kina Celine at Britt? Not in good terms sila ha.

Galing talagang fashion stylist ni Denise. Pwede na niyang palitan si Rachel Zoe hahaha   ;)

Uh oh! Patay nalimutan mo Ellie ang name ni Chase... First day of work tapos ganyan agad. Tsk tsk tsk

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1884
  • Karma: +44/-12
  • Brentology Genius
    • Ask me!
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #83 on: January 05, 2013, 10:43:24 AM »
omg hahahaahah. npfeel ko na ang embarrassment na napfeel ngayon ni Chase. omigod. hahahaahahhhahhah..

haha! ano ang kutob mo!? Ewan ko kay Eli. kasi naman para siyang asong kinulong kaya ayan. hahaha

SECRET. hahaah!! ate kailan mo ba ieexpose si YUAN dito sa cebu ahahah. naeexcite ako sa tagpo nila ni Eliana.
« Last Edit: January 05, 2013, 10:46:12 AM by itsJiezelm »

Candygrl4ever

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 998
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #84 on: January 05, 2013, 11:57:15 AM »
grabe tatlong updates na ang na miss ko  :o
basa basa basaaaaaaa

===========================

oooohhh, naiimagin ko na si chase sa utak ko parang older version lang ni brent at bench  ;D
at eto namang si celine and other characters :) excited na ako sa magiging part nila sa buhay ni eli sa cebu  ;)

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #85 on: January 05, 2013, 01:21:04 PM »
grabe super aliw ako sa kwentong ito... :)) kakaaliw si eliana at mukhang nakakakilig si Chase... iba to ate sa NPP mo... super may pagka comedy ang peg ;))
Laughter is the Best Revenge

biancarnation

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1253
  • Karma: +38/-6
  • Oh Chinito ♥
    • Fate, Destiny and Seredipity
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #86 on: January 05, 2013, 06:15:38 PM »
Nice job Eli! Taray ng bangs! HAHAHAHAHA. Ay wait, may bangs ba si Eli Ate Jonah? HAHAHAHAHAHA :D

kcds

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 62
  • Karma: +2/-0
  • Crissyness
    • SeeMyEyes
Re: .::Chase & Hearts::. 4. More characters.
« Reply #87 on: January 05, 2013, 11:42:09 PM »
OHMO! Kinikilig ako. Hihihi  :-[ Sana huwag munang umepal si Yuan.  :D

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2171
  • Karma: +343/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Chase & Hearts::. 5. Chase Martin
« Reply #88 on: January 06, 2013, 10:37:08 PM »

C&♥5
Chase Martin R. Castillo






Pumasok ako sa loob ng office ng diumano'y boss ko. Yung lalaki yung nauna at umupo dun sa upuan ng 'boss'.

"Chase Martin R. Castillo."  Sinabi ko agad nang nakita ko ang isang close-up painting ng mukha niya (mula labi hanggang mata lang ang ipinakita), sa baba nun may nakalagay na Chase Martin R. Castillo.
Napabuntong hininga siya. :P

"Now you finally know, eh?"
"Sorry po. Di ko talaga naalala. Dami ko kasing iniisip eh." Sabay kamot sa ulo ko.
"No. Its okay!" Tapod ngumiti siya. One dangerous smile.

Para bang tinititigan niya ako at nababasa niya ang isip ko kaya siya ngumingiti. Bakit? Anong iniisip ko? Na ang bobo ko talaga dahil di ko naalala ang pangalan niya tapos manghang-mangha pa nga ako nung nagkakilala kami dahil ang gwapo niya diba? Siguro dahil masyado akong preoccupied sa lahat ng nangyayari.

"So... tinanggap mo ba yung offer ni Adrienne?"

Tapos nagloading na naman ako at napatingin sa chandelier sa itaas at sa malaking glass window sa gilid na nagpapakita ng iba't-ibang building sa buong I.T. Park.

"Adrienne?" Sabi niya ulit. "You don't remember?"
"Ah! Hindi! Yung... Hindi ko tinanggap. hehe." Tumatawa ako na parang krung-krung sabay kamot ulit sa ulo ko.

My God Eli! Yung bading nga pala yun na nag-offer sakin ng modeling job! Actually, ngayon, mejo nararamdaman ko ng pwede ko yung gawin tapos sabihin kay Adrienne na sana hanggang Cebu lang ang ad na yun. Pu-pwede kaya yun?

"Okay. That's good." Sabi niya nakatitig parin sakin.

Ayan na naman ang ngiting pilit niyang pinipigilan kaya ngumunguso siya.

"By the way, this is the office of my mother... the President and CEO of CPI. In case di mo alam, her name is Marie Elizabeth Castillo. Everyone calls her madame, you should too." Aniya habang pinaglalaruan ang ballpen ni 'Madame'.

Napabuntong-hininga ako. Tapos tumaas ang kilay niya na para bang kini-kwestyun ang pag buntong-hininga ko.

"A-Akala ko kasi ikaw yung boss ko..." Sabi ko bigla, avoiding his stare.

Another one of his supressed smile flashed. Ugh! Pakiramdam ko umiinit na naman ang pisngi ko. No doubt, I'm blushing!

"Why is there a problem with me? Ayaw mo ba akong boss?"

Ngayong tinanong niya na iyon, naitanong ko na rin sa sarili. Struggle na naman ako sa sagot dahil di ko rin maintindihan kung bakit takot akong maging boss siya.

"Uh... hindi...po..." Ngumiti na lang ako ng plastic.

Kelan ba ako makakalabas at makakapagtrabaho? Diba ngayon na dapat!? Ba't nandito pa kami sa office eh di ko naman pala siya boss?

Niluwangan niya ang neck-tie niya at tumingin sa relo.

"Kung ayaw mo akong boss... Sorry to tell you, Eliana, but I'm the Chief Operating Officer of this company. Boss mo rin ako..."
Nanlaki ang mga mata ko pero ngumiti parin, "O-Okay po Sir! Nice meeting you!" Sabi ko kahit na mukhang sarcasm yung pagkakasabi ko.

Hindi niya na napigilan ang pagngiti. Naririnig ko na yung pintig ng puso ko! Kinakabahan ako. Will I get fired?

"Come over here, Eliana." Sabi niya sabay tayo. "You should arrange these papers first... then magtimpla ka ng kape."

Agad akong pumunta dun sa kanya at i-aarrange ko sana yung papers at mga folders nang sabay naming kinuha ang mga iyon kaya nahawakan niya ang mga kamay ko.

Limang mahahabang segundo siguro kaming nagkatitigan bago binitawan ang papers at folders dahil may biglang pumasok sa opisina... Isang maputi, kulay-brown ang buhok at malalaking gold earrings na babae ang pumasok at may dalang Louis Vuitton bag...

Pagkapasok niya, nakanganga na ang bibig niya at tinanggal ang sunglasses at mukhang nakita ang scene bago kami lumayo sa isa't-isa ni Sir Chase.

"M-Ma..." Sabay halik ni Chase kay 'Madame'. "I thought you'll be here in an-"
"Bakit? Nahiya ka sa nakita ko?" Kumindat si madame sakin! "Eliana, my new secretary?" Ngumiti siya.
"Opo..." Sabi ko.
"Paki timplahan mo ako ng kape." Patuloy niya.
"Okay po..." Sabi ko habang umaalis na sa opisina...
"Oh wait..." Ngumisi si Madame. "You don't know how I like my coffee."

Tumigil ako para dinggin kung paano yung kape niya.

"Chase... will you teach her how to do it?" Hindi na tumingin si Madame kay Chase o kahit sakin, doon na nakatoon ang atensyon niya sa mga papel at folders.
"Sure, Ma."

Nakatingin na si Chase sakin at naglakad na rin patungo sa kitchen ng office.

"Put your bag on your table." Aniya nang nakitang dala-dala ko parin ang bag ko.

Pero bago ko pa nagawang ilagay ang bag ko sa table, kinuha niya na ito at tinanggal sa balikat ko.

"Here..." Sabi niya. "You should start to put things here..." Ngumiti siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Gutom ba ako? Naisip ko ang tanong na yan dahil habang naglalakad kami, parang ang gaan ng mga paa ko. Para bang anytime, pwede akong madulas dahil sa gaan nito. Pero sa layo ng kitchen, narealize ko kung ano o sino ang nagdudulot sakin ng pakiramdam na 'to, si Sir Chase. I don't know why.

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 287
  • Karma: +4/-6
  • Unjaena, Youngwonhee <3
    • Twitter
Re: .::Chase & Hearts::. 5. Chase Martin
« Reply #89 on: January 06, 2013, 10:38:06 PM »
YUN!!

Antagal bago ko naedit yung comment ko! HAHAHA.  ;D Pano, Baka Sakali at C&H dito, sa FB at sa Wattpad  :D

Anyway, wooooo! Chase Martin R. Castillo ang cute cute mo! Naiimagine ko yung pipipigil na smile kaya nakasungo sya. Ang cuuuuuuute! :"> Si Eliana naman, crush na din si Chase, palutang lutang na lang e. Haha.
Akala ko nung una masungit si Madame, pero mukhang type nya si Eliana! Yiee! Malayong malayo sa parents ni Yuan. Kaya Eliana, ano pang hinihintay mo? Come to you Boss Chase! :D
« Last Edit: January 06, 2013, 11:00:52 PM by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Mid-Week Essentials

by: marla, 2014-07-30

It's a Wednesday that feels like a Monday, and on one hand I can think, "Yay! It's almost the weekend!" but on the other hand it's... well, a Wednesday that feels like a Monday....

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved