Chapter 1 part 2
“Oo ako nga?” Nagulat ako. Tss. Sayang gwapo na kaso mahilig lang talaga mang insulto. Pero familiar siya saaken. Pamliyar na pamilyar pero parang malabo kase wala naman dito ‘yun, at matagal na kaming hindi nag kikita.
Tumalikod ako sa kanya. Sabay gawa ng assignment. Concentrate ka lang claire don’t mind them. Ginawa ko yung assignment ko na hindi ko nagawa kagabi.
Kinalibit niya ako..
“Ano?” With pasigaw effect. Sa totoo lang wala ako ngayon sa mood eh, may toyo ba kumbaga. Ewan, alam ko kaseng may paparating eh, ‘yung alam n’yo na pag sa babae, PANG BABAE lang. Ang sakittt. (━┳━ _ ━┳━)
“Tss. Sunget “ Aba at ako pa ang naging masunget, sabagay masungit nga ako ngayon. Tss nakikisabay pa kase ‘tong lalaking ‘to eh. Mooood swing stand by ka lang d’yan okay? Gahh.
“Kapal. Makapal na nga mukha mo, mahilig ka pang mang INSULTO”. Minention ko talaga yung word na yun at lumipat ng ibang upuan.
“TABACHOY OINK OINK” Aba tumayo at sumayaw pa sa gitna ng classroom namin habang inaasar ako.
Tumatawa na yung mga ka-blockmate ko tss para kaseng bata nakakaasar lalo tas minemention niya na talaga saaken yung pang asar na yun. Makapag soundtrip na nga lang.. Pero teka? Sino ba ‘tong mokong na ‘to? Ni hindi nga siya pamilyar sa’ken eh. Tss bahala na nga siya d’yan mag isa..
*Let's go to the beach, each
Let's go get away
They say, what they gonna say?
Have a drink, clink, found the bud light
Bad b-tches like me, is hard to come by*
Sinabayan ko yung pag kanta habang sumasagot sa assignment ko. Wala lang, para mawala ‘yung iniinda kong sakit. Nakakaloka lang talaga. Talaga buwan buwan na lang naman kase weh.
*The patron on, let's go get it on
The zone on, yes, I'm in the zone
Is it two, three? Leave a good tip
I'mma blow off my money and don't give two sh-ts*
Wala akong pakielam kung malakas or mahina yung boses ko. Maganda naman boses ko diba? HAHA, buti nga kabisado ‘yung lyrics nito. Paano ba naman kase halos tuwing umaga at hapon eto naririnig ko sa mga kapit bahay namin. Halos araw araw, kung nakakapag reklamo lang siguro ‘yung eardrums ko.
*I'm on the floor, floor
I love to dance
So give me more more, till I can't stand*
Ayun napagod na si loko kakaasar saaken. GOOD. Pero nakatingin silang lahat saaken. Tss pabayaan na lang sila, tsaka FC s’ya masyado huh? Sino ba s’ya at ang lakas ng loob mang asar? Eh hindi pa naman kami ganong close.
*Get on the floor, floor
Like it's your last chance
If you want more, more
Then here I am*
Sinasabayan ko ng pag beats ng kanta ‘yung pag nod ng ulo ko, parang tanga tuloy ako neto. Eh pero ang ganda kase ng kanta weh. Ano ba? Hahaha. Ang hilig ko talaga sa mga ganitong music.
*Starships were meant to fly
Hands up, and touch the sky
Can't stop, 'cause we're so high
Let's do this one more time*
Feel na feel ko yung pag kanta ko pero wala akong pakielam dito lang ako masaya eh.
*Starships were meant to fly
Hands up, and touch the sky
Let's do this one last time
Can't stop..*
Biga siyang umupo sa may harapan ng upuan na bakante. Hindi ko lang pinansin siguro nahiya na siya sa mga ginagawa niya. Ini-stop ko muna yung soundtrip ko baka may sasabihin. Pero hindi ako nakatingin sakanya.
“Hoy alam mo hindi ka parin nag babago. Ang ganda parin ng boses mo” Huh? Hindi nag babago? Teka ngayon ko lang naman siya nakilala ah? Teka?
“Anong? Hindi nag babago?” Ibinalik ko yung pag susulat ko. Ako talaga ‘yung tipong taong hindi kinakausap ‘yung mga hindi ko ka-close, kaya parati akong sinasabihan ng matabang masungit. =_= “A-a-araayyy! ANOO BAAHH!!” Kinurot ba naman yung pisngi ko. Hinimas ko nga yung parte kung san niya pinisil. Sakit ah?.
“Sira ka hindi mo ba ako natatandaan?” Sabay tingin sa mukha niya pero hindi eh. Hindi ko siya pamilyar pero kanina pang umpisa sinasabi kong hindi ko talaga siya kilala pero pamilyar siya, teka tinitira na ba ako ng alzheimer? Or talagang baka kilala ko nga siya?
Hinatak niya ako sa papalabas, teka sino ba kase ‘tong mokong na ‘to? Hindi pa ako tapos sa pag aayos ng gamit ko, kaya ayun sabog sabog. Ang FC naman kase ‘tong lalaking ‘to. Gahh ang sunget ko ngayon.
“H-hindi? Sino kaba? Kakakita pa lang natin umasta ka matagal na tayong mag kakilala” Inayos ko na yung gamit ko dahil tapos na akong mag sulat.
“Kababata mo.” Huh? Ane daw?
“Huh? Anong kababata? Yung nag iisa kong kababata nasa amerika at hindi pa bumabalik. Tss kung may kalokohan ka mang gagawin huwag na huwag mong idadamay yung bestfriend ko OKAY?” Sabay lakad with irap mode sa kanya, pero nahablot niya agad yung braso ko at napaupo ulit sa inupuan ko kanina.
“Ano ba?” Sabay tingin sa kanya.
“Remember this?” Itinaas niya yung t-shirt niya naku po lord forgive to our sin. Virgin pa mata ko sa mga ganyan pinikit ko na lang. O.A mo claire.
“Hoy dilat kala mo naman mamanyakin kita look at this *Itinuro niya yung tagliran niya*” Nanlaki yung mata ko sa nakita ko.. Yung tattoo na yun parehas kami ayun yung tanda ng friendship namain.
“Jake Villaroman?” Nanlaki bigla yung mata ko. Namiss ko siya bigla.
“Claire SAMIEGO!” WAHHHHHH Sabay yakap sa kanya namiss ko ‘tong lokong ‘to.
[CANTEEN]
Nandito kami ngayon sa canteen kumakain ng favorite naming dessert na ice cream parang bata lang kami ng loko lokong ‘to. Grabe na-miss ko ‘tong boybestfriend ko na ‘to.
“Uy bhadz kailan ka pa dumating dito sa pinas?” Bhadz ang tawag ko sa kanya simula nun bata pa kami.
“Nun isang linggo pa” Nag nod na lang ako habang kinakain yung ice cream. Nag bigay ako ng death glare sa kanya habang kumakain. Ganyan ako, na miss ko lang s’ya.
“Andaya mo hindi kita nakilala bhadz gwapo mo na ngayon. Kaw ah? Siguraduhin mo munang tuli kana bago manligaw—A-aray hahaha” Napahawak na lang ako sa parte kung saan niya ako kinurot. Napasandal ako sa kakatawa dahil sa sinabi ko.
“Sira ulo ka talaga. Pero seryoso ako kanina sa sinabi ko nagbago man yung laki ng katawan mo, hindi pa rin nag babago yung boses mo lalong lalo na ugali mo” Wow huh? May kasama pang insulto? Ang prangka niya parin, minsan ugaling babae ‘to. Ewan parang bakla pero hindi naman. HAHAHA. =_=
“Complaint ba yun or pang iinsulto?”
“Complain” Seryoso siya nung sinabi niya yun. Nag nod na lang ako sa kanya.
“Punta ako mamaya kila tita vanz ah?” Nag nod ako sa kanya. Si tita vanz na sinasabi niya si mama yun. Nasanay na siya na yung ang tawag niya kay mama.
“Teka teka, enrolled kana ba dito?” Tanong ko sa kanya bago tumayo, “Yep, same as your course” Ngintian niya ako. Kung hindi ko lang ‘to best friend matagal na akong may crush sa kanya.. Ang gwapo. Eyy Keyy landi ko best friend ko lang ‘to kaya hanggang do’n lang dapat LIMIT!.
Nag lalakad kami ngayon sa campus papunta na kami ng parking lot uwi na kase kami eh, nakita ko yung crush ko na si Carl Esteban napahinto ako sa pag lalakad at sinusundan ko siya ng tingin hanggang papalabas siya ng campus may nakaabang na kotse then may nakita akong babae ang ganda niya bigla siya niyakap sa cheeks then yinakap siya siguro girlfriend niya yun. Haist. Mangarap ka na lang jan claire.
Yep, almost two years ko na siyang crush, teka crush pa ba tawag do’n, ang sabi ni jemay, depende –-kung Long time crush pa ba or Love na.. >.<. Hangga’t maari ayoko muna. Pero iba feelings ko sa kanya eh. Gulo ko.
“A-aray ano ba? Hilig netong mang batok” Nawala tuloy yung tingin ko sa kanila pero pag balik ko sa tingin ko kay carl kaso papaalis na yung sasakyan nila. “Uy tinitignan si carl, Crush mo noh?” nag smirk siya saaken...
“Kilala mo siya?? H-Hindi wah” Nag nod siya saaken then nagsimula na kaming lumakad. “Tss. Wag ng mag-deny nag bu-blush ka eh”
Hindi ko alam kung hanggang ngayon uso pa rin sa college ang mga crush crush na ‘yan, pero ang sabi nila ‘HINDI’ pero para sa’ken ‘YEP YEP’. Highschool lang ang peg pag bigyan na hahaha.
Nandito kami ngayon sa sasakyan. WOW ang ganda dito sa loob wah? Ang yaman na talaga nila umaasenso na sila simula nun nag punta sila ng amerika. Inuusisa ko yung sasakyan niya. Habang si jake sinisimulan niyang paandarin yun sasakyan.
“Uy, Kilala mo si carl esteban?” Nag nod siya saaken then he give me a killer smile.
“Yup, Ka-team mate ko siya sa amerika noon sa basketball at kakampi ko siya sa chess competition, pati na rin pala sa basketball” Nag che-chess pala ‘to nung bata kaya maraming nasasalihang competition. Kainggit. Kaso ako pwede sa isang competition, ‘yung paubusan ng pag kain!. =_=.
“Ah. I see” Binalik ko yung tingin ko sa may bintana.
“Gusto mo ba siyang maging kaibigan?” Nag nod ako sa kanya then nag smile. Syempre sino pa ba ang tatanggi? Mapapalapit ka sa isang taong matagal mo ng crush. >.<
“Teka matanong lang sino yung babae kanina, 'yung niyakap niya?” Nag killer smile na naman ‘to grabe.
“Ahh yun ba? Little sister niya yun. Si Fatima” Ahh. Kala ko girfriend niya. Edi ibig sabihin single pa rin s’ya? Hihihihihi. Landi. Ahh, Akala ko girlfriend niya so he’s still single so claire may pag asa pa waaah. Ang assuming ko. Kaso hanggang pangarap na lang haist. Tumingin ako sa may binatana ng sasakyan papapauwe na kami. Inabutan pa kami ng ulan malas naman e no.
Jake P.O.V
Minsan napapatingin ako sa matabang ‘to namiss ko siya ng sobra... Simula kase nung pumuntaako ng america I think mga 12 or 13 kaming parehas nung malayo ako sa kanya. Siya lang talaga ang tumagal kong best friend na babae na hindi ako iniwan at parati niya akong pinapasaya kapag may problema ako. Simula nung naging bestfriend ko siya nung bata pa kami ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya para bang ayaw ko ng malayo sa kanya.
So ngayon hinding hindi ko na siya iiwan, hinding hindi na. Dahil siya lang yung babaeng nag pasaya sa’ken. Siya lang ang nag simulang nag patibok nito.. Siya lang wala ng iba.. Siya lang ang minahal ko ng totoo simula nung mga bata pa kami.. Kahit na ganyan ang katawan niyan... Wala akong pakielam kase alam ko kahit na hindi maganda ang anyo niya maganda naman ang kalooban niya.. Ang weird ko ba’t ko nga pala sinasabi ‘yung mga bagay na ‘to?
Malapit na kami sa bahay nila namiss ko sila tita pati narin yung mga ate ni claire..
“Oy stop na natin jan..” Alam ko naman eh
“Tss. Oo alam ko tabachoy” Hininto ko yung sasakyan sa may harap ng bahay nila ganu pa rin walang pag babago simula nun iniwan ko siya walang nagbago..
"May pangalan ako, at hindi tabachoy pangalan ko!" sigaw niya sa'ken.. Nakakatatuwa lang para lang siyang bata.
“Maaa! Pakibukas yung gateeee!!” Sigaw niya. Na miss ko lang ‘yung matinis niyang boses.
“Ayy eto na anak” Nakita ko si tita aba ang taba niya na.. Nun last na nakita ko siya ang payat niya dahil sa sakit niyang brain tumor.. Sana okay na siya ngayon..
Hinalikan ni claire yung nanay niya sa cheeks.. Aakmang papasok ako pero pinigilan ako ni tita.
“Oy oy sino ka? Aakyat kaba ng ligaw sa anak ko?” Kung pwede sana tita kaso hindi ko kaya. Torpe kong ‘to.
“Tita vanz naman.. Si jake ake ‘to hindi mo ba nakikilala?” Nanlaki yung mata ni tita at napatakip sa bibig niya.
“B-Bhadz i-iho, nakkooo iho ang laki laki na ng inaanak ko” Sabay yakap saaken ng mahigpit, niyakap ko rin siya.. Nakakamiss naman dito sa pinas, lalo na ‘yung mga relatives ko at specially si claire.
“Ma pasok na tayo dun tayo mag usap usap.. Natatawa ako sainyong dalawa ma” Napatawa na rin si claire.
Pag pasok ko ang laki ng pinag bago ng bahay nila. Kung dati konti lang yung gamit nila ngayon marami na.. Na-miss ko yung pikikipag harutan ko kay claire noon.. “Naku iho kailan ka pa nakauwe dito sa pinas??” Binaba niya yung marienda na tinapay at may kasamang juice.
“Nung isang linggo pa ho ‘ta. Balak ko po talaga surpresahin kayo kaya eto sinorpresa ko kayo” Sabay ngiti kinain ko yung tinapay na inilagay niya sa lamesa.
“Alam mo iho hilig mo talagang mang surpresa” Nakita ko si claire pababa ng hagdan nag palit siya ng damit niya..
“Ma kanina nga hindi ko yan nakilala nung inasar niya ako pag pasok ko ng klase. Parang artista kase ma.” Napangiti ako nung sinabi niya yun.
Nag kwentuhan kami nung tungkol sa anong mga ginawa ko sa america pati narin yung mga negosyong ginagawa. Malaki na daw ang pinagbago ko simula nun pumunta ako roon, hindi na daw ako yung diwag at payatot na palaging inaasar ng mga kalaro ko dati.. Maliban lang sa pagiging torpe ko. Halos hindi na nga raw nila ako nakilala dahil sa laki ng katawan ko lol hindi naman sa pag mamayabang I have a six pack abs. Haist. Kaso etong si claire wala parin ganun parin katawan niya.. Ang weird ko.
Papalabas na ako ng pinto at nag paalam na kila tita pati na rin sa ate niya.. Nakita ko si claire sa tabi ko ang ganda ng ngiti niya... Kahit anong pagod ko nakakawala makita ko lang siyang nakangiti..
“Oy bhadz.. Todo ngiti natin ah??”
“A-a-ah? Wala nakakahawa kase ngiti ng tabachoy kong bestfriend” Pinisil ko yung pisngi niya.. “A-Aray ano ba parati na lang pisngi ko” Hinihimas niya yung pisngi niya haha ang kyut naman namumula.
“Tss alis na nga bilis” Tinulak tulak niya ako hahaha ganito naman kami palagi eh.. Namiss ko ‘to.Papasakay na ako ng sasakyan ko bigla niya akong hinalikan sa cheeks ko.
“O-Oy anu yon?” Nakaka-bakla naman kinikilig ako.. Ano ba.
“Oy walang malisya yun gawain ng mag best friend yun nakalimutan mo na ba? Kaw ah? Sige ingat” Para sa kanya walang malisya pero saaken meron... Kinawayan niya ako habang pinapaandar yung sasakyan ko.. Ako rin kumaway sakanya.. Claire kung alam mo lang.. Mahal na mahal kita higit pa sa besfriend. Bigla na lang ako nag sad face bago ko pinaharurot yung sasakyan..
>----------------------------------<