Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Author Topic: YOU'RE BACK--[Chapter 16 posted!] Readers po :) Thanks! :)  (Read 2387 times)

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 3 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #15 on: December 10, 2012, 08:19:47 PM »
[FOUR]




"Huy..." walang tigil sa pagkalabit 'tong si Reid na 'to. Hindi ko siya pinapansin. Eh sino ba naman ako para pansinin ko siya di ba? At saka. Nakakahiya yun!!! Kung naalalala niyo, magaling! Pero kung hindi, hindi ko na ipapaalala kasi sigurado akong malalaman niyo din naman sa takdang panahon lalo na pag nagsalita 'tong lalaking 'to.




"Kaya ba hindi mo ako pinapansin ng halos isang linggo ay dahil dun sa nakita ko?" napatingin naman ako sa kanya. Hindi ba niya alam na nakakahiya yun?? BABAE AKO. BABAE!! Bakit kasi ang galing tumayming nung RED eklavu na yun!! >___<



Hindi ako nagsalita, nakatingin ako sa kanya pero yumuko ako. Narinig ko naman siyang napatawa ng mahina, "Ang arte at ang O.A. mo talaga... Ano nga ulit course natin? Pharmacy di ba? So, tingin mo ba hindi pa yun normal?? At saka wag ka nga maginarte jan! Buti ng tinakpan kita nun eh!!"




>______________<




"Yun na nga yun eh! Dobleng kahihiyan pa yung nangyari nun! Para tuloy tayong PDK nun. Brr." goosebumps talaga pag naalala ko yun.






*Flashback*


"You're having your RED day."




Seryoso ba siya? Well, parang may something eww ako na nararamdaman at naisip ko na hindi pa ako nagkakaroon this month... So... WAAAAHHH!



Ang galing naman! Kanina lang nagddrama ako at ngayon naman may RED ako! At ang maganda pa dun, I'm wearing my uniform which is ALL WHITE. Ayos no! At ang maganda pa dun, wala akong dalang Hydrogen Peroxide! Effective yun pantangal ng stain! Okay, ang galing! Ano na gagawin ko? At ang malala pa pala, lalaki pa ang nakakita. Ahuhuhu Y_______Y




Nagulat na lang ako nung nilagay niya yung kamay niya sa magkabilang balikat ko and he stays... so close to me. Kulang na nga lang magyakap kami dito eh! Hello? Public Display of Kalandian? "O-oy! Te-teka... Anong---"



"Just shut up and walk papunta dun sa Jollibee, magCR ka na. Siguro naman may dala kang you-know-what jan di ba?" sabi niya kaya sinunod ko na lang siya. Okay lang naman eh! Kaya lang, super close talaga yung katawan namin sa isa't isa para hindi lang makita yung sa likod ko.



Kaya yung mga taong malisyo't malisyosa ay panay ang tingin sa 'min. Kinikilig pa yun iba. Eww lang? Hindi kami talo ni Reid! Masyado siyang harsh na tao!




Nung nakarating na agad ako ng Jollibee, pumasok agad ako sa CR. Dun na lang ako sa baba na para sa mga disabled. Aba! Hindi ko na ata kayang umakyat pa eh! Tapos narinig ko pa siyang nagsalita, "Bili ako ng Peroxide mo. Babalik din ako."




Magugulat sana ako dahil alam niya yung gamit ng Peroxide para sa girls, pero nung naalala ko na parehas kami ng course at alam namin ang tungkol dun... na-touch ako. Talagang tinulungan pa niya ako. Kung ibang lalaki siguro 'to pagtatawanan pa ako at ewan ko kung may magsasabi ba sa akin.



Tapos na akong mag-change nun nung kumatok siya. Binuksan ko ng konti yung door at inabot naman niya yung binili niya at sinimulan ko ng tanggalin yung mantsa sa skirt ko. Hayy. Gusto ko na umuwi now na. Nakakadiri na kasi yung pakiramdam ko... Kaya lumabas na ako at pumunta na sa sakayan ng jeep. Akalain niyo yun? Talagang hinatid pa ako?



Tsk. Napakaunpredictable niya talaga. Bago ako sumakay, sinabi ko sa kanya, "Thank you Reid."



He just smiled at me. Tapos sumakay na ako.


*End of Flashback*





"Eh kung nagtthank you ka na lang kaya at hindi mo ko inaaway, edi sana natuwa pa ako sa'yo." sabi pa niya.



Hinampas ko siya, "Basta secret lang yun ah! Buti na lang at walang nakakakilala sa 'tin nun dahil kung hindi, grabeng trending tayo ngayon."



Tumango-tango siya at binalik na niya yung mata niya sa pagbabasa. Ako din naman nagbasa niya at nakita ko na dumating na si Princess. Binati niya ako at maya-maya ay dumating na din si Massie. Buti na lang at hindi siya late. Ang lapit-lapit na ng bahay ang hilig pa magpalate. Tsk tsk.



Nagstart na yung class at yun pa din naman ang usual na pinaguusapan. Drugs, Kinetics, Pharmacology, Manufacturing, and many more. Kung ano yung mga yun, wag niyo na itanong kasi tinatamad akong sagutin. Search niyo na lang kung gusto niyo. Hahahaha.




Break na namin ngayon kaya dun ulit kami sa may field tumambay at kumain. Bumili na naman kami ng milk tea namin dahil parang nagccrave na naman kami. Usap-usap lang kami nun nung nalipat sa akin yung topic.




"Teka nga Leesh, nagkakamabutihan na ba kayo ni Reid? Hindi ka nagsasalita jan ah." pangaasar naman ni Massie.



"Ano?? Saan mo naman nakuha yan? Pauso ka!" sabi ko naman.



"Eh di ba kasi hindi naman kayo naguusap? Eh ngayon halos hindi na kayo makinig sa prof para lang makapagdaldalan lang kayo." pagintriga naman ni Princess. Hina-hot seat na naman ako ng mga 'to ah! >__<



"Wala namang masama eh. Pero paano na lang si Ryu? Pa'no na lang kung makita niyang masaya kang nakikipagusap kay Reid? Siguradong magseselos yun." sabi ni Massie.



"Eh bakit naman siya magseselos? Hindi ko naman siya boyfriend..."



"Kahit na ano pang sabihin mo, hindi kami maniniwala sa sinasabi mo. Alam natinng tatlo kung gaano mo pa kamahal si Ryu.." sabi naman 'to ni Princess.



"Oo nga. Hindi ko naman tinatanggi yun eh. Pero kasi, ayoko na eh... Natatakot na ako..." sabi ko naman.



"Ganto na lang ha... Paano na lang kung sa pagtaboy mo kay Ryu ay mawala na talaga siya ng tuluyan? Kakayanin mo ba? At saka, nasa huli lagi ang pagsisisi. Kahit na gaano mo itanggi sa sarili mo, sa amin at lalo na sa kanya, alam na alam mo pa din sa sarili mo na mahal mo pa din siya..." eto na naman ang patama queen na si Massie. Talagang tagos sa puso eh... Para akong nasaksak.



"Ewan ko... Naguguluhan ako..." nakakainis. Naiiyak na naman ako, gusto kong mag-move on pero parang wala namang nangyayari, "Change topic na nga!" sabi ko. Nagtinginan naman sila at ayun iba na lang ang pinagusapan namin. Tungkol naman sa lessons, mga gagawin sa laboratory subjects namin at sa mga quizzes.




Maya-maya lang ay dumating na din si Erika. Tumabi siya sa 'min dahil daw may chismis na naman daw siya sa akin. Ay sa amin pala. Pagdating talaga sa mga lates issues, mapa-school, showbiz, at iba pa, lagi siyang may update. Kakaiba ata ang radar niya sa chismis. Hahaha.



"What's up Erika?" bati ko sa kanya.



"Nako, chismis na naman yan panigurado. Go ahead, spill it. Wag mo na kaming bitinin." sabi naman ni Massie.



"Okay okay..." tapos nag-inhale exhale pa siya at saka tumingin sa 'kin. "Kanina kasi, napadaan ako sa may registrar natin. At nakita ko si Ryu doon so kinausap ko siya at tinanong ko kung bakit siya andun. Sabi niya, he enrolled himself as 3rd year student here at ang course niya ay Music. Dahil nga natatandaan siya ng school admins at nakapagbigay na din siya ng awards dito sa school ay tinanggap siya. So as of now, he's an official student here..."




O________________O




"WHAT?!" sabay na sabi ni Princess at Massie. Ako, hindi ako nagsalita.




Nakakainis! Talaga bang gusto niya akong pahirapan?? Hirap na hirap na nga akong pigilan 'tong nararamdaman ko tapos ngayon bumalik na nga siya, nagaral pa siya dito! Sana tinapos na lang niya ang studies niya sa lugar kung saan mang lupalop siya nagpunta! Arrgh! Nakakainis!




Sa sobrang inis ko, tumayo ako at naglakad. Hinanap ko siya. Oo, hinanap ko siya para makausap at palayasin siya dito sa school namin. Pumunta ako sa registrar namin at buti ay andun pa siya. Inantay ko siyang lumabas dun. Siguro after 20 minutes ay lumabas na siya at nung nakita niya ako ay nagulat pa siya.



"Oh... Hey." sabi niya tapos nagsmile pa siya. Oh please, stop that. =____=



"Let's talk." sabi ko na nakatingin naman siya sa 'kin at nakatingin din ako sa kanya.



"Sure, what about?" tanong niya.



"Privately." nung sinabi ko yun ay parang nagulat siya sa sinabi ko. Kaya niyaya niya ako at sumama na lang ako. Hindi ko nga alam na I ended up riding his car. This is so great. Binibigyan ko na ba siya ng chance sa ginagawa kong 'to?!









***
Habang hindi pa busy! Updated na ulit! :)) Hala oh! Makikipagusap na si Leesh kay Ryu! :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2699
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 3 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #16 on: December 10, 2012, 09:23:22 PM »

For a guy, Reid is too straight-forward. But in time... you'll know the reason behind his harsh attitude. Haha. Spoiler much? :)
Sana nga pakinggan na siya ni Leesh, masyado kasing matigas ang ulo niya eh :D



Hhhmmm... Naiintriga tuloy ako kay Reid

-----------

Sa real life po ba pharma course mo?

Sumesavior ekek tong si Reid, yan ba ay isa sa mga good side niya? Sana lagi na lang siyang ganyan.  :)

Naku! Ano ng gagawin mo Leesh? Lumiliit na ang mundo nyo ni Ryu. He's so close na sa'yo. Hindi mo siya maiiwasan habang buhay at agree ako sa mga sinabi ni Massie.

Next na po.  ;D


amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 4 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #17 on: December 10, 2012, 10:14:54 PM »

Hhhmmm... Naiintriga tuloy ako kay Reid

-----------

Sa real life po ba pharma course mo?

Sumesavior ekek tong si Reid, yan ba ay isa sa mga good side niya? Sana lagi na lang siyang ganyan.  :)

Naku! Ano ng gagawin mo Leesh? Lumiliit na ang mundo nyo ni Ryu. He's so close na sa'yo. Hindi mo siya maiiwasan habang buhay at agree ako sa mga sinabi ni Massie.

Next na po.  ;D





Ako din, naiintriga na kay Reid.  Hahaha :))

Yes po :) Pharmacy Student po ako, hehe :)

Ako din, sobrang agree kay Massie. Natutuwa ako sa pagiging straight-forward niya. Tagus-tagusan kasi ang mga sinasabi niya. :)

Anyways, thanks po for reading! Malapit na ang next :))


- amethyst
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2699
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 4 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #18 on: December 11, 2012, 08:56:55 AM »


Ako din, naiintriga na kay Reid.  Hahaha :))

Yes po :) Pharmacy Student po ako, hehe :)

Ako din, sobrang agree kay Massie. Natutuwa ako sa pagiging straight-forward niya. Tagus-tagusan kasi ang mga sinasabi niya. :)

Anyways, thanks po for reading! Malapit na ang next :))


- amethyst


Ganda naman ng course mo! Hehehe

You're welcs po. Abangan ko na lang yung update mo.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 4 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #19 on: December 11, 2012, 04:59:34 PM »
Ganda naman ng course mo! Hehehe

You're welcs po. Abangan ko na lang yung update mo.


Oo nga daw, maganda yung course dito pero maloloka ka muna bago ka makagraduate. :))
Anyways, thank you ulit! :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 4 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #20 on: December 12, 2012, 07:12:33 PM »
[FIVE]




Dinala niya ako sa coffee shop kung saan kami madalas tumambay dati. Mahilig kasi siya sa coffee eh. At hindi naman kasi ito yung normal na coffee shop. It's more like a bistro or a resto bar pero pang coffee shop ang sineserve nila. May band na kumakanta dun, and... he used to sing here. Nakakainis. Bakit ba nagfflashback sa utak ko ang past? =_____=




Binigyan niya ako ng maiinom pero hindi na muna ako nagabalang inumin yun at nagsalita na ako, "Bakit ka nagenroll sa school ko?"



Napatingin siya sa 'kin, "As far as I can remember, it's my school as well. So I still have my record there."



"Talaga lang ha?" tinaasan ko siya ng kilay. Base on what he said, hindi yun ang reason.



"Okay, you really know me," nagsip siya dun sa coffee niya. "I enrolled because of you."




O___________O




"Me?!"



"Yes. I want you back... I badly want you back Leesh. I really love you so much at wala naman nagbago... You're the sole reason why I'm here."



I gulped, "Please Ryu, don't start." yun na lang yung sinabi ko. Sa twing sinasabi niya kasi yun, parang gusto ko na bumigay... Gusto na ulit bumigay ng puso ko...



"But I'm serious Leesh... If you want I can explain everything to you..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.




"Okay then," siguro nga kailangan ko na din malaman yung side niya. Pero hindi 'to assurance na magkakabalikan pa kami... "Saang lupalop ka ng earth nagpunta? What's the reason? Bakit wala ka man lang sinabi sa 'kin na aalis ka? Bakit mo ako iniwan?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Kahit na anong pigil ko sa luha ko, lumabas pa din sila kaya pinunasan ko naman agad yun. Ayokong makita niya akong umiiyak. Nagmumukha lang akong kawawa.




He sighed, "Our family went to US. We need to migrate there dahil sa business ni Daddy. Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil hindi ko kakayanin... And besides, one day before our departure tsaka lang nila sinabi sa 'kin. And maniwala ka, I never left you. Sabi ng parents ko, magsstay lang daw kami dun for like 3 months, pero late na nila sinabi yung about dun sa business ng Dad ko. I tried to get my passport and go back here pero tinago nila, they even got my phone and for the past 3 years, wala akong connection sa kahit na sino. I can be compared as a prisoner when I'm in the US. That's why, I stopped schooling."




O__________O




Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung maniniwala ko. I judged him. At ngayon na alam ko na yung side niya, parang nakonsensya ako bigla. Parang ang sama sama ko na halos isumpa ko na siya sa sobrang galit ko sa kanya. At ngayon na alam ko na yung tunay na dahilan, ewan ko. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko.




"Then why are you here?" tanong ko. Kasi kung ayaw na siyang pabalikin dito, bakit siya andito ngayon?



"This is their condition. If I stayed there for 3 years, they'll let me go back here." sabi pa niya.



"For good?"



"Yeah, for good. Truth is, ikaw lang ang iniisip ko for the past 3 years. You're the only reason why I'm here..."




After niyang sabihin yun, tumakbo na ako palabas. Sumigaw lang siya pero hindi niya ako hinabol. Buti yun dahil gusto kong mapagisa ngayon. Ayoko muna ng makakausap ngayon. Gusto ko pang iabsorb yung mga nangyari at yung sinabi niya sa 'kin. Nakalimutan ko na nga yung tunay na pakay ko kaya nakipagusap ako sa kanya eh, which is papaalisin ko siya sa school. Pero hindi ko naman inaasahan na ganun yung reason niya eh.




Dumerecho na ako sa bahay at naabutan ko naman si Kuya ko na andun. "Hi Leesh, ang aga mo ata."



"Wala kaming class. Sige Kuya Luke, akyat muna ako." tapos nagderecho na ako sa kwarto ko.




Pagkadating ko sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama at doon nagiiyak. T____T Nakakainis talaga. Bakit ba siya ganun? Bakit ba siya pa din? Sa totoo lang, sa sinabi niyang yun... Parang gusto ko na talaga siyang balikan... Pero natatakot ako... Sobrang takot... dahil baka iwan na naman niya ako.





***


Pumasok na ulit ako ng school at namumugto pa talaga yung mata ko. Sobrang iyak ko yung kahapon. Halo-halong emosyon eh. Nakokonsensya din ako at the same time. Hindi ko na nga alam kung ano bang dapat kong gawin eh. Hindi ko alam kung dapat ba tuluyan ko na siyang ipagtabuyan sa buhay ko, or hayaan na ulit siyang pumasok ulit sa buhay ko...




"Ang tawag diyan, ay pakipot." nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako. Parang sinagot niya yung nasa utak ko eh!



"Pinagsasabi mo jan?"



"Alam ko na yung issue mo no. Pakipot ka nga, mahal mo pa di ba? Pero umaarte ka, ayaw pa. O.A mo. Pakipot." aish! Bakit ba ang salbahi niya? Pero bakit ba tinatamaan ako sa sinasabi niya sa 'kin?? Bwisit na 'to. =___= Mas maganda pa nung hindi niya ako kinakausap eh!



"Pwede ba Reid! Tigilan mo na ako! Masyado na talaga akong nalilito eh!" sabi ko tapos lumabas na ako. Lalo lang akong nasstress eh. >__<




"Kung mahal mo, edi mahal mo. Bakit ka pa aayaw? Bakit mo pa siya ipagtatabuyan di ba?" sinundan pala niya ako.



"Hindi mo alam ang sinasabi mo..." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.



"Mahal ka niya kaya siya bumalik dito... Ngayon na andito na siya, tinataboy mo naman. Hindi ba yun harsh?" bakit ba napakapakielamero niya?!



"Wag mo kong kausapin." sabi ko.



"Advice lang naman yun Leesh eh. Ngayon na alam mo na yung side niya, bakit ayaw mo pa siyang balikan?" this time eh napatingin na talaga ako sa kanya na sobrang nagtataka na.




"Teka nga, stalker ba kita?" tanong ko.



"Wag kang feeling." sabi naman niya.



"Eh bakit mo alam yung mga nangyayari sa 'kin? Don't tell me, mind reader ka??" panic kong tanong sa kanya.



"I'm not a mind reader okay? At kahit na alam ko yung nangyayari sa'yo, hindi ko naman sasabihin kung bakit ko alam."



"Ang weird mo." sabi ko na lang.



"Ang arte mo." sabi naman niya tapos pumasok na lang siya.






Pero... Paano ba kasi niya nalalaman? Grabe, napakaunpredictable niya talaga... at mysterious.





***

Nagkaalaman na! Ang tanong, tatanggapin pa kaya siya ni Leesh? May chance pa ba for them? At higit sa lahat, anong problema ni Reid at nagpapakaepal siya??? Hahahaha :)))
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2699
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 5 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #21 on: December 12, 2012, 11:27:20 PM »
Yun naman pala ang kwento eh bakit umalis si Ryu ng walang paalam. Pero ang mahalaga bumalik siya. Binalikan ka niya. Kung hindi siya bumalik sa'yo ibig sabihin di ka na niya mahal. He even sacrificed for 3 years to meet his parents' condition to stay here with you for good.

Mahal mo pa di ba Leesh? Why not give him another chance? Hindi lang naman ikaw ang nahirapan sa mga taong lumipas, siya din. Parehas kayo. Now is the best time to enjoy every moment na magkasama na ulit kayo.

Kaya lang.

Epal ka Reid, wag ka ng makigulo muna.

Nakiki-emote lang, nakakarelate eh. Hehe  :)

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 5 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #22 on: December 17, 2012, 08:23:02 PM »
Yun naman pala ang kwento eh bakit umalis si Ryu ng walang paalam. Pero ang mahalaga bumalik siya. Binalikan ka niya. Kung hindi siya bumalik sa'yo ibig sabihin di ka na niya mahal. He even sacrificed for 3 years to meet his parents' condition to stay here with you for good.

Mahal mo pa di ba Leesh? Why not give him another chance? Hindi lang naman ikaw ang nahirapan sa mga taong lumipas, siya din. Parehas kayo. Now is the best time to enjoy every moment na magkasama na ulit kayo.

Kaya lang.

Epal ka Reid, wag ka ng makigulo muna.

Nakiki-emote lang, nakakarelate eh. Hehe  :)

Ikaw na talaga girl! Sobrang tama ng sinabi mo. Kaya lang, nacoconfuse at natatakot pa din talaga si Leesh. Peroo malay natin dumating ang time na matanggap na ulit siya ni Leesh :)

Hayaan na si Reid. Paepal lang yun. Haha :)) Thanks po for reading! :)

- amethyst
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 5 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #23 on: December 17, 2012, 08:59:00 PM »
[SIX]




Naglalakad-lakad lang ako nung sa school grounds dahil maaga pa at wala pa masyadong tao nun. Habang naglalakad ako, may kumalabit naman sa 'kin. Kaya lumingon ako sa kanya...




"Bakit ka andito?" pagtataray ko. Nakakainis! Bakit ba lagi siyang nagpapagwapo pag haharap sa 'kin?



"Grabe ka naman... Namiss lang kita eh..." sabi niya tapos nagwink pa siya sa 'kin.



"Oh please Ryu, don't start." sabi ko na lang dahil baka kung saan na naman mapunta yung usapan namin, "Di ba sabi mo 3 years ka sa US? Bakit straight ka pa din magtagalog?" curious na tanong ko.



"Di ba hindi naman ako nagschool dun? Bahay lang ako palagi." sabi niya.



"Oh... Hindi ba boring yun?"



"Boring, pero ayos lang." tapos naglakad-lakad kami hanggang sa makarating na kami sa field.




"Eh bakit kasi hindi ka nagschool dun?" tanong ko ulit.



"Wala lang. I just don't feel like it. Kaya nagtrabaho na lang ako sa isang resto-bar dun. Syempre, as a vocalist. Ang dami ko ngang fans eh."



"Ikaw na madaming fans. Yabang mo."
sabi ko naman. Nagkaroon naman ng sandaling katahimikan kaya parang naging awkward. Ewan ko ba, pag kasama ko siya kinakabahan ako palagi. Tsaka parang may kung ano sa tyan ko, tapos nanlalamig yung kamay ko at para akong naeewan.




Naupo naman kami dun sa may bleachers dun. Tapos bigla na naman siyang nagsalita...



"Alam mo maganda sa US. Sa New York pala kami ng punta. Sobrang ganda dun lalo na pag nagssnow at pag-christmas." nakangiti niyang sabi sa 'kin.



"Wow, ako din gusto kong makakita ng snow. Tsaka gusto ko din nga makita yung cherry blossoms eh!"



"Wala namang cherry blossoms dun eh!"
natatawang sabi niya



"Sinabi ko bang meron dun? Baliw ka!" natawa lang kami parehas nun, "Wait, nasan na pala yung bandmates mo?"



"Hindi ko alam eh. Wala na akong contact sa kanila..."
malungkot na sabi niya.



"Ha? San cellphone mo?"



"Wala akong cellphone eh."
nagulat naman ako sa sinabi niya.



"How about networking sites?" tanong ko.



Umiling siya, "None at all." sabi niya ng nakangiti.



"Eh saan ka ba talaga tumira??? Bundok ba yan?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.



"Hahahaha. Sira. Wala lang, nakalimutan ko na sa sobrang excitement ko na makabalik dito. At yung networking sites, banned ako sa bahay." nalungkot naman ako. Para nga siyang prisoner.




"Gusto mo bang bumili? May pera ka naman siguro di ba?" tanong ko.



"Ako pa? I'm rich you know."
then he smiled. =__= Gwapong mayabang pa din. Tsk tsk.



"Ikaw na."



"So samahan mo akong bumili ng phone? Tsaka gawan mo na din ako ng account.sa mga networking sites na yan."
sabi niya.



"So ano ako? Utusan?" sarcastic kong sabi sa kanya.



"Request yun, 'to naman." sabi naman niya.



"Fine. Kelan?"



"Saturday?"




Nagisip ako, wala naman akong gagawin nun eh, "Okay fine."



"Good. Sunduin kita sa bahay niyo ha."
sabi niya. Tumango na lang ako dahil hindi naman niya ako titigilan eh.




Nanahimik ulit kami, pero may narinig ako na nagstrum ng gitara. Well, as expected from a Music student, dapat kaya mong makaplay ng at least 2 instruments, bonus na yung voice mo. Pero dahil nga siya daw ay isang gwapong vocalist, magaling siya. Hindi ko yung idedeny.




Kumanta siya...




"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Looking nowhere in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening"





Napatingin ako sa kanya. He used to sing me this song... Naalala pa pala niya...




"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"


"We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply"





Naalala ko pa nun, pahirapan talaga siya nun. Kinanta niya 'tong nung sinagot ko siya. At sobrang nahihiya siya at hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa 'kin yung I love you. Hahaha. Ang cute niya nun...




"That I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"





Hindi ko naman talaga maitatanggi na sobrang namiss ko siya... Pero... Ewan ko... Nagtatalo kasi ang puso at utak ko...




"Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"



"Oh and I know this love grow"


"Oh I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"


"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me"





Natapos na yung kanta at hindi ko namalayan na nagkakatitigan na pala kami. Then at that moment, my heart skipped a beat. I feel... something weird, something... familiar....




Hiniwalay ko agad yung tingin ko at biglang nagbell, nagsmile lang siya sa 'kin, "See you later Leesh. I'll go ahead." sabi niya then binitbit niya yung gitara niya at nagpunta na sa building niya.





Nung umalis siya parang nalungkot ako. May class daw kasi siya eh. Pero parang gusto kong sabihin na, 'wag muna, dito ka muna...' Pero hindi ko na sinabi. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Reid.





"Ang tawag diyan, ay pakipot."





Nagpapakipot ba ako? Ha? Hindi naman di ba? Hindi ako pakipot! >____< Well, bakit nga ba ayaw kong makipagbalikan sa kanya? Dahil galit ako sa kanya. Pero alam ko yung reason niya at andito na siya ulit... Naalala ko naman yung sinabi niya nung una ulit kaming nagkita...





"I still love you Leesh, and I want you back..."





Does he deserve a second chance?








Arrgh! Ryu Enriquez. You're making me confused... and you're making me... fall madly in love with you... AGAIN.








***
Comments po! :)) Thanksss!!
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

princessofstyles

  • Guest
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 6 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #24 on: December 17, 2012, 11:02:54 PM »
sis!!!!!!
ryu enriquez!-eldridge enriquez! ay naku magkapareho ng apelyido ang mga characters natin.wala lang.natuwa lang ako.hehe!

anyway umpisahan ko na ang aking comment.

una: reid bakit ka ganyan, parang alam mo ang lahat lahat,alam mo yung taga bantay??hahaha! ikaw yun kasi pakiramdam ko nakikita mo ang past present at future tapos sobra mo pang straightforward...yan ang gusto ko sa guys! yung masungit kunwari.chos!!

pangalawa: naiintindihan ko si leesh kung ayaw pa niyang makipagbalikan kay ryu kasi naman masakit pa at walang masama kung maninigurado siya..pero may dahilan naman si ryu kaya he deserves a second chance...i'm sure kilig yang pagbili ng phone moment nila...leesh wag ka na magtaka kung walang account si ryu kasi normal lang yan..may mga kakilala akong ganyan.haha!

pangatlo: i love the song!!!!! kinikilig talaga ako sa passenger seat!!!! at ang pinakamasayang part ako ang una!!!

UD na kapatid!!! :)

-april-

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2699
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 6 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #25 on: December 18, 2012, 11:59:40 AM »
Oh my! naalala ko tuloy yung crush ko nung college kay ryu. He's also not so into texting and social networking and other stuff. He doesn't have an e-mail account back then. Ako ang namilit sa kanya nun to have one so we can chat on YM. 'Til now he doesn't have an FB account, thank goodness marunong na siyang gumamit ng phone. hahahha... just sharing.

Nakakakilig ng sobra yung part na kinantahan ni ryu si leesh... love it!  :)

Next na po.

Merry Christmas and Happy New Year po  ;)

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 6 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #26 on: December 18, 2012, 02:45:08 PM »
sis!!!!!!
ryu enriquez!-eldridge enriquez! ay naku magkapareho ng apelyido ang mga characters natin.wala lang.natuwa lang ako.hehe!

anyway umpisahan ko na ang aking comment.

una: reid bakit ka ganyan, parang alam mo ang lahat lahat,alam mo yung taga bantay??hahaha! ikaw yun kasi pakiramdam ko nakikita mo ang past present at future tapos sobra mo pang straightforward...yan ang gusto ko sa guys! yung masungit kunwari.chos!!

pangalawa: naiintindihan ko si leesh kung ayaw pa niyang makipagbalikan kay ryu kasi naman masakit pa at walang masama kung maninigurado siya..pero may dahilan naman si ryu kaya he deserves a second chance...i'm sure kilig yang pagbili ng phone moment nila...leesh wag ka na magtaka kung walang account si ryu kasi normal lang yan..may mga kakilala akong ganyan.haha!

pangatlo: i love the song!!!!! kinikilig talaga ako sa passenger seat!!!! at ang pinakamasayang part ako ang una!!!

UD na kapatid!!! :)

-april-



SIS!!! Swear! Hindi ko talaga sinadya ang surname ni Ryu na same din pala kay Dridge! >__< OMY. Parehas nga ba ang takbo ng utak natin? Hahaha ^__^ Well, gwapo nga siguro ang mga may apelyido na Enriquez :))
Eto na ang replies ko haha :)

Una - Type mo si Reid sis? He's single and ready to mingle! Wahahaha. Pero tama ka, napakastraight-forward at pakielamero niya talaga pero masungit, ata? Hahaha.

Pangalawa - yung totoo? Parehas ba kayo ng sitwasyon ni Leesh? Hehehe :)) Ikaw ha, ayiie :P

Third - AGREE! Kakilig kaya ang song na yan! Wahahaha :))

Sis! Thanks sa pagbabasa at comments! Thank you for supporting me kapatid!! :)
Malapit na ang UD! Sinisipag ako!! :)))



Oh my! naalala ko tuloy yung crush ko nung college kay ryu. He's also not so into texting and social networking and other stuff. He doesn't have an e-mail account back then. Ako ang namilit sa kanya nun to have one so we can chat on YM. 'Til now he doesn't have an FB account, thank goodness marunong na siyang gumamit ng phone. hahahha... just sharing.

Nakakakilig ng sobra yung part na kinantahan ni ryu si leesh... love it!  :)

Next na po.

Merry Christmas and Happy New Year po  ;)


Grabe naman yung crush mo, same ba sila ni Ryu na taga-bundok? hahaha. JK  :) Siguro nga may mga guys talaga na hindi hilig yung mga ganun, at siguro sila yung mga "serious type" na guys na tatahimik lang sa isang tabi pero pag bumanat na eh grabe kung makapagpakilig, parang si Ryu lang! OMY. How I wish na kantahan din ako ni Ryu. Hehehe.

Merry Christmas and Happy New Year din po :)
God Bless!



- Amethyst ♥

Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

princessofstyles

  • Guest
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 6 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #27 on: December 19, 2012, 07:30:00 PM »
Quote

SIS!!! Swear! Hindi ko talaga sinadya ang surname ni Ryu na same din pala kay Dridge! >__< OMY. Parehas nga ba ang takbo ng utak natin? Hahaha ^__^ Well, gwapo nga siguro ang mga may apelyido na Enriquez :))
Eto na ang replies ko haha :)

Una - Type mo si Reid sis? He's single and ready to mingle! Wahahaha. Pero tama ka, napakastraight-forward at pakielamero niya talaga pero masungit, ata? Hahaha.

Pangalawa - yung totoo? Parehas ba kayo ng sitwasyon ni Leesh? Hehehe :)) Ikaw ha, ayiie :P

Third - AGREE! Kakilig kaya ang song na yan! Wahahaha :))

Sis! Thanks sa pagbabasa at comments! Thank you for supporting me kapatid!! :)
Malapit na ang UD! Sinisipag ako!! :)))



- Amethyst ♥[/color]


actually sis kaya ko ginamit ang apelyido na enriquez ay dahil sa crush ko!!!! ang gwapo kasi niya kaya ayun...dati pa naman yun.haha.!!

bet ko yan si reid kasi yung mga masungit yan ang totoo daw.chos! basta aabangan ko ang progress niya sa mga susunod na chaps :)

pareho siguro kami noon pero ngayon hindi na...nakamove-on na ako ng bongga kapatid! appear tayo dyan!  ;) ;) ;)

may bago akong song na gusto ngayon at kinikilig din ako yung they dont know about us ng 1D.pakinggan mo sis. yiee!!!

very very much welcome kaya naman magUD ka na.magsipag kapatid!

-april-


amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 6 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #29 on: December 20, 2012, 06:22:39 PM »
[SEVEN]




Nakakaasar naman yung Rye na yun! Bakit ba hindi ko magawang magalit sa kanya? Oo, galit ako sa kanya dahil umalis siya nung hindi siya nagpaalam. Pero nung bumalik siya at una ko ulit siyang nakita, parang nahangin yung galit ko sa kanya at ang unang gusto kong gawin nun ay maiyak sa sobrang saya at yakapin siya...




Pero ngayon na nalaman ko na ang reason niya, tinataboy ko naman siya. Hindi ko maintindihan sarili ko! Sabi ng puso ko, mahal na mahal ko pa din siya... Sabi naman ng utak ko, tama na. Pero sino nga ba ang mananalo? Sino nga ba ang susundin ko? Naguguluhan ako. Naiinis ako sa kanya dahil ginugulo na naman niya yung puso ko. Yung 40% na pagmamahal ko sa kanya ay parang unti-unti na naman tumataas.




"Leesh! Nakikinig ka ba? May tinatanong ako sa'yo eh!" nag-snap back into reality na lang ako nung bigla kong narinig na tinawag ako ni Massie.



Napakamot ako sa ulo ko, natulala na naman pala ako... "Ay sorry, eh ano ba yung tinatanong mo?" sabi ko naman.



Sinara niya yung book niya, "Sabi na eh, hindi ka nakikinig eh. Tulala ka na naman, nakatingin sa kawalan. Ano ba kasi iniisip mo? Si Ryu na naman ba?" bakit ba lagi na lang tama 'tong si Massie?




"Siya kasi eh. Binabalik niya ang nakaraan.." sabi ko.



"Natural! Eh mahal ka eh at gusto niyang mahalin mo ulit siya tulad ng dati.. Gusto niyang bumalik kayo sa dati. So masisisi mo ba siya?" sabi ni Massie. Tiningnan ko si Princess para sana humingi ng tulong dahil hindi na naman ako titigilan ni Massie. Pero busy si Princess sa pagrereview. Nakakaasar =__=



"Hindi. Eh kaya lang di ba ayaw ko na?" well, ayaw ko na nga ba?



"Ewan ko sa'yo! Pero tingin ko gusto mo pa at mahal mo pa din siya. May pinapairal ka lang..." sabi ni Massie.



"Huh? Anong pinapairal ko?" curious kong tanong dahil medyo nalito ako sa kanya.



"Pride." mahinang sabi ni Princess pero tama lang para marinig ko at napatingin ulit ako kay Massie na tumatango-tango pa. Pride? Hindi kaya...




"Eh paano namang pride ang pinapairal ko?"



"Mahal mo pa siya pero ayaw mong umamin kasi pag umamin ka, iisipin nila na ang tanga mo para balikan ang nangiwan sa'yo. Mataas ang pride mo kasi iisipin mong talo ka pag bumigay ka..."



"Ganun ba talaga ako?"



"Oo! Si Ryu nga halos wala ng pride na pinairal. Kasi kahit gaano mo siya itaboy nung araw na yun, ang sabi lang niya ay naiintindihan ka niya at hindi siya titigil hanggang sa mahalin mo ulit siya..."





Natigilan ako sa sinabi sa 'kin ni Massie. Siguro nga tama siya. Pinapairal ko nga ba masyado ang pride ko? At saka, nagiinarte nga lang ba talaga ako? Nalilito na talaga ako...

 


"Eh ano bang dapat kong gawin?" nakayuko kong tanong.




"Leesh..." narinig ko yung boses ni Princess, "Ilang beses ba naming sasabihin sa'yo... Follow your heart. Kung saan ka masaya, edi dun ka. We don't have the right to intrude to your decisions. Ikaw lang ang makakapagdecide at higit sa lahat, ikaw lang ang makakaalam kung saan ka sasaya at kung saan hindi. Just learn to make the right decision and there will be no problems... Massie and I are always here for you... We'll help you..."




BOOM. Parang natauhan naman ako sa sinabi ni Princess. Hayy, bakit ba ako nagkaroon ng best friends na masyadong patama ang mga advices? Masyadong tagos eh.



Pero... Ano nga ba ang dapat kong gawin? Saan nga ba ako sasaya? Follow my heart? Dapat pa ba? O dapat si mind na lang ang sundin ko? Pero magiging masaya ba ako?





***



Friday na. At hindi ko namamalayan na malapit na magsaturday. Yung araw na yun ay yung unang araw na magkakasama kami ULIT. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag at kung bakit ko nasabi ang idea na yun eh? Basta na lang lumabas yun sa bibig ko at late na naprocess ng utak ko yung mga sinabi ko nun. But I guess, wala ng urungan di ba?




"Leesh!! Wait!"




Lumingon ako dun sa boses na narinig ko. Pagtingin ko, si Ryu pala. Pero teka, bakit nakaramdam ata ako ng kilig?




Tumakbo siya palapit sa akin. Magisa nga lang ako ngayon eh, dahil si Princess ay nag-library pa at si Massie naman ay nag-grocery pa. Ako naman, pauwi na. Sinadya ata nung dalawang yun na iwanan ako eh! Ano ba naman yan!




"Hi." bati ko sa kanya na medyo nahihiya pa ako. Ayy! Hala!! Nahihiya na ako sa kanya? Pero... bakit??!!



"Pauwi ka na?" OO! Pake mo?



"Ah oo, ikaw din?" bakit ba naiiba yung dapat kong sasabihin?!



"Sabay na tayo?" wag na! Ayaw na kitang kasabay! >__<



"Ha? Eh wag na..." halaaa! Ang eching ko??



Nakita ko naman siyang napangit, para saan naman yun? "Sabi na sasabihin mo yan eh. Sige, hatid na lang kita sa sakayan mo..." sabi ko nga eh, mapilit siya. =___=



"Okay fine." sabi ko na lang.




At syempre ay naglakad kami hanggang dun sa may inaabangan ng jeep. At ang nakakainis pa dun, walang jeep! Punuan lahat? Kamusta naman?? =____=



Wala ngang nagsasalita sa amin ngayon eh. Ang awkward tuloy. Eh wala naman akong masabing kahit na ano kasi baka mapunta na naman kung saan yung usapan namin, lakas pa man din sumegwey nitong Ryu na 'to.




"Uhh, Leesh?" napatingin naman ako sa kanya pero hindi ako nagsalita, "Wala pa din jeep.. Ah, gusto mo... Kung gusto mo lang... Gusto mo ihatid na kita? I brought my car." siya na! Siya na talaga ang may kotse! Well, dati pa naman eh. =___=



Naisip ko na din na practical naman kung sasabay ako kasi at least, tipid ako sa pamasahe, hassle free pa at hindi pa mainit at maalikabok. Tsaka siya naman ang nagoffer, might as well tanggapin ko na tsaka gabi na din naman. Yan lang ang mga reason ko kung bakit ako papayag. WALA NG IBA. PROMISE!




"Err, okay." nakita ko naman siyang napangiti nun at nagsalita siya...



"Wait for me here, I'll just go get my car." tapos tumakbo siya papunta dun sa parking lot sa school at after 5 minutes lang siguro ay anjan na siya.




Syempre, bilang FRIEND. Ay sumakay ako dun sa unahan dahil magmumukha naman siyang driver. Sayang ang kagwapuhan.



At sa BUONG byahe, ay naka-smile lang siya. Ayaw ko naman na magtanong ng bakit kasi... you know, it's just too obvious. Kaya naman pati ako ay napangiti na lang din. Dahil nga medyo malayo ang bahay ko at traffic pa ay nagsabi naman ako na magradio kami. At tingnan mo nga naman ang kanta...




Passenger Seat... Now playing...




"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Looking nowhere in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening"





Lahat na lang ba papatamaan ako?? Kulang na lang kidlat eh! But wait! Ito na ba ang sign? Are we... Should I... Err, nevermind.





"...Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me..."





Sinabayan niya yung line na yan. OPO. Yang mismong line na yan. YANG MAHIWAGANG LINE NA YAN! AT HINDI PA DIN NAAALIS YUNG SMILE NIYA!! >___<




"We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her..."




"Mahirap ba ang course mo?" nagulat naman ako sa biglang tanong niya.



"Lahat naman ng course mahirap. Pero ibang pahirap kasi ang ginagawa sa 'min..." sabi ko. Eh totoo naman eh!



"Just don't stress yourself too much... You also need to rest.." hindi na ako sumagot nun dahil... kinikilig ako. OO na. Ako na maarte. Ako na baliw. Ako na lahat. Tsk..




"...Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply.."





Natapos na yung kanta at naiba naman. Mga dance songs na siya kaya kahit papano eh medyo nawala yung 'dead-air' sa aming dalawa. Though wala pa ding nagsasalita sa aming dalawa, but the cool beats of the song makes the mood lively...




After siguro ng mga 45 minutes, ay nakadating na din kami sa tapat ng bahay namin. Medyo nagulat pa nga ako kasi alam pa din niya yung way pauwi ng bahay. That makes me smile... he's still the Ryu I know.




Bumaba na ako sa kotse niya at siya din naman, "You want to go inside? Baka nagugutom ka na..." inalok ko naman siya.



"No thanks, I'm okay. Pasok ka na, uuwi na din ako."



"Sure ka na ayaw mo? Kahit na water or juice?"
tanong ko ulit.



Umiling naman siya, "Nah, okay lang. And isa pa, nahihiya pa ako sa Mom mo..." napatahimik ako dun. Siguro iniisip niya na galit si Mommy sa kanya dahil sa nagawa niya sa 'kin. At ngayon, para na namang nakonsensya ako. Tsk! Bakit ba ako ang nakokonsensya??




"Oh... Okay. Maybe some other time..." sabi ko na lang.



"Yeah... Sure." tapos sumakay na siya ng kotse niya dahil uuwi na siya syempre.




Nagstart na yung engine niya pero bago siya umalis, may sinabi siya sa 'kin...




"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%." then he flashed a smile, "See you tomorrow. Sunduin kita by 11am." tapos nagdrive na siya.




"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."

"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."

"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."

"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."

"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."

"Remember when you said about your 40% feelings for me? Mark my word, I'll make that 100%."












What exactly does he mean by that???





***

Uwaaaa~! Parang na-ewan lang 'tong UD ko! Pero nasipag ako dahil kay Sis April! Buti ka pa hindi na confused! Si Leesh! COnfused pa din ang drama! :)

Sana po magustuhan niyo kahit na parang ewan lang. Hahaha. Comments po! :)

Btw, may pinost po pala akong pictures ng mga characters ko sa taas neto, in case lang na hindi niyo napansin :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Lovin' leggings and trainers

by: jed, 2014-09-19

Isn't there something really cute about a dress + leggings + trainers combo? I'd like to see your interpretation of this trend! Instagram your look and tag me @jedgcandy. Jed...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved