Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: YOU'RE BACK--[Chapter 16 posted!] Readers po :) Thanks! :)  (Read 2174 times)

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
YOU'RE BACK--[Chapter 16 posted!] Readers po :) Thanks! :)
« on: December 06, 2012, 09:07:28 pm »
You're Back



[PROLOGUE]


Iniwan mo ako. Pinaasa mo ako sa wala.

Uso naman ang magpaalam di ba? Pero hindi mo ginawa.

I did my best to be okay. I tried hard to move on.

And now you're back. Wala na sana akong pake eh, kaya lang sabi mo pa, "I want you back."
!@#$ ka ba?! Siraulo ka ata eh! Iniwan mo ko...

Ilang taon kang nawala? 3 years? 4 years?

Tapos ngayon, you're back and you want me back?
Aba! Sinuswerte ka ha!



Pero...



Sabi ng puso ko... Mahal na mahal pa rin kita.
Pero sabi ng utak ko... Wag na, tama na. Madami pa jan. Tangengot ka na masyado.



Pero sino nga ba ang susundin ko?
Ang puso kong tanga o ang utak kong nagsasabi ng tama?





Lalo pa ngayon na... You're back.




written by: amethyst_o17
All Rights Reserved.
« Last Edit: February 28, 2013, 06:42:26 pm by amethyst_o17 »
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: -YOU'RE BACK- [Prologue posted!] New story po! Readers po? :) Thanks!
« Reply #1 on: December 06, 2012, 09:09:57 pm »
COMMENTS AND READERS PO! THANKS!!
- amethyst :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
[ONE]


"Penicillin G is converted to Penicillin V to avoid certain side effects..." patuloy pa din ako sa pagbabasa habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room. Tae naman kasi eh! Every other meeting may quiz! Wala na tuloy akong social life! >_____< Lesheng yan...



"Leesh! Hey Leeeeeeeeeeeeesh!"
Lakad. Lakad. Lakad.



"Erithromycin has a prototype compound which is Clarithromycin.." ang hirap naman kasi magmemorize! Puro gamot pa! Nakakawindang at nakakatuyot ng utak. =____=


"Leesh! Grabe ang bingi mo!" nagulat na lang ako nung hinarap ako ng friend kong si Massie. Cool name no? Ako din naman, cool ang name ko. :)


"Sorry naman! Wait, nagaral ka na?" tanong ko. Napansin ko naman na nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. Tsk tsk, alam na.


"Shet! Oo nga pala! Tara sa library! Hindi pa ako nagaaral!" tapos kinaladkad na niya ako papunta ng library. Habang papunta kami ng library, I'll introduce myself muna. Segway segway din! Hahaha.



Ehem, ehem. Anyeong! Ni hao! I'm Leesh Montez. Alicia's my full name but I prefer to be called Leesh para cool. I'm 18 years old and a third year Pharmacy Student at Osborne International Schools and Colleges. Oo alam kong mahirap ang course ko, pero okay lang, pre-med ata 'tong course ko! xD



"Ayun pala si Princess! Ang geek talaga. Haha." sabi ni Massie.



Nilapitan namin si Princess. Her name's Princess Torres, sa aming tatlong magkakaibigan, she's the most diligent. Si Massie Sanchez naman ang pinaka-petiks at reyna ng cramming. What happened earlier is one proof. Ako naman ay average student lang, tinatamad at sinisipag din kadalasan.

Nagstart na kaming magreview at si Massie ay halos mauntog na sa lamesa dahil sa sobrang antok. Tsk. Katamaran ever kasi eh!


Pinagtawanan namin siya ni Princess, baliw kasi eh! Haha. Naramdaman ko naman na nag-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko at tiningnan ko kung sino yung nagtext. Si Erika pala, friend ko siya nung high school and she's taking up Fine Arts, we're on the same school. Binasa ko naman yung text niya.



Quote
From: Erika
Leesh, he's back.



Huh? Di ko gets. I replied, "Who's back?"



*vibrate vibrate*



Binasa ko at parang nagiba yung pakiramdam ko, ewan ko. Mixed emotions siguro. Eto yung text.





"Ryu's back." NO WAY.



---

Comments and Readers po :))
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

princessofstyles

  • Guest
kapatid hindi mo naman sinabi na may story ka na dito.anyway ako ang una dito ah!! yiee :)
medyo bet ko yung name na Ryu ah..ang gwapo lang at siyempre nakakarelate ako diyan sa sabi ng puso ko mahal na mahal pa rin kita...omg..pero siyempre i followed my brain kaya happiness sadness overdue!!!

ang cute naman tatlo silang magkakaibigan at pharma students...parang kami din ng bestfriends ko..bio students naman..

abangan ko next UP!!!

namiss ko ang chemistry bigla :))

-yanna-

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
kapatid hindi mo naman sinabi na may story ka na dito.anyway ako ang una dito ah!! yiee :)
medyo bet ko yung name na Ryu ah..ang gwapo lang at siyempre nakakarelate ako diyan sa sabi ng puso ko mahal na mahal pa rin kita...omg..pero siyempre i followed my brain kaya happiness sadness overdue!!!

ang cute naman tatlo silang magkakaibigan at pharma students...parang kami din ng bestfriends ko..bio students naman..

abangan ko next UP!!!

namiss ko ang chemistry bigla :))

-yanna-



Nakoo kapatid, kagabi ko lang naman pinost ito after kong magbasa ng Update mo. Hahaha. Tsaka, pharma student ako! Hahaha. Bio pala ang course mo, patuyuan din ng utak ah. :D Anyways, thank you naman sa pagsupport dito sa story ko! Matagal kong pinagisipan kung iuupload ko ba or hindi, hahahaha. Pero natuwa naman ako kasi nagustuhan mo. Thank you so much sis! :))

- amethyst :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
[TWO]



Three days na din ang lumipas simula nung sinabi sa 'kin yun ni Erika. Yun ang isa sa pinaka-kinatatakutan kong mangyari. Buti na nga lang at nakasagot pa ako sa quiz ko nun kasi talagang biglang lumipad ang utak ko at napunta sa kung saan. Alam ko naman na may question kayo sa 'kin eh. Sino si Ryu? Siya lang naman ang lalaking tinutukoy ko sa prologue.



Inaamin ko naman eh, nakaramdam ako ng konting saya. Pero nakaramdam din naman ako ng kaba at galit. Madami ako gustong itanong sa kanya. Madami akong gustong malaman tungkol sa pagkawala niya na parang bula. Mga katanungang mabibigyan ng sagot pag nagkita kami. Pero hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa siyang makita. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin?



Sige, ikkwento ko.



Fourth year highschool ako nun nung nakilala ko siya. Friend siya ni Erika. He's one year older than me. We got acquainted because of Erika. Sabi niya, like daw ako ni Ryu kaya naman she became the bridge. Ako naman, ay nagustuhan ko din siya. Para sa 'kin kasi, nasa kanya na lahat ng qualities na gusto ko. Mabait, thoughtful, matalino, and ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay magaling siyang kumanta. He's also very understanding at sweet kaya naman, nainlove ako sa kanya.




He courted me for three months. Sabi pa ng friends ko, ang tagal naman daw masyado. Pero masaya ako kasi nahintay niya ako. At ayun nga, Ryu Enriquez became my boyfriend.


Isa sa mga to-do list ko nung 4th year high school ako ay ang maghanap ng university na papasukan ko. Siya naman ang lagi kong kasama nung panahong yun. Pero ewan ko ba, sa sobrang daming universities na napuntahan ko, I ended up entering his school. Music ang course niya dun.




Legal kami on both sides. Open kasi ang family ko at ganun din naman ang family niya, mabait ang parents niya. Sabi pa nila, perfect couple na daw kami. But there's no such thing as perfect right? Nagkakaroon din naman kami ng mga misunderstandings tulad ng ibang couple, pero inaayos namin bago pa matapos ang araw na yun.




Nung dumating ang vacation, namasyal kami. Nagdate kami. Yung normal na ginagawa ng couple. Nung oras na yun, I felt everything was so right, and perfect. Nung dumating na din ang first day ko as freshmen college, sinamahan niya din ako. He even tour me around the school para daw mafamiliarize daw ako. Pag vacant niya at vacant ko din, nagkikita kami. Pag sabay kami ng uwian, well, sabay kami.




Masaya ako, masaya siya. We are so much in love. Pero nagbago ang lahat ng yun nung bigla siyang nawala. Wala akong balita, kahit na kay Erika ay hindi siya nagparamdam. Akala ko nagpapamiss lang siya. Pero dumaan ang araw, linggo, buwan... at taon. Pero ni anino ni Ryu ay wala. Tinry ko din puntahan ang bahay nila pero wala ng tao dun. Hindi din alam nung ibang residents dun kung saan sila nagpunta.




I feel so depressed and wasted. Pero nung nakilala ko si Princess at Massie, bumalik ako sa dati. I rejected every guy who wants to court me. Tinatak ko noon sa utak ko na lahat ng lalaki ay manloloko at mangiiwan.




Pinagpatuloy ko ang buhay ko at nagtuon na lang sa pagaaral. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ko siya, pero parang ayaw ko naman. Siya pa din eh.




Kaya nung nalaman ko na bumalik siya, ewan ko ba. Pero, hindi ko alam ang irereact ko. Kay Erika daw siya nagtext kasi hindi daw ako macontact. Eh paano niya ako macocontact eh nakailang palit ako ng number?




Kaya kayo, ano sa tingin niyo? Pagpapakatanga ba kung tatanggapin ko pa siya? Iniwan niya ako ng walang pasabi, tapos ngayon babalik siya...




"Leesh! Ang lalim ng iniisip mo ah!" pagpansin sa 'kin ni Massie. Andito kami ngayon sa apartment niya dahil 4 hours ang vacant namin.


"In love kasi yan." pang-aasar naman ni Princess.


"Ikaw lang ang inlove dito Princess." ganti ko. Siya kasi may boyfriend eh. Kami ni Massie, single. Well, si Massie? Di ko sure. Alam ko indenial yan eh. Haha.



Tumabi naman sa 'kin si Princess, "Girl, ano ba kasing problema? Ganyang-ganyan ang itsura mo nung nakilala ka namin nung first year. Tell me..."


Lumapit na sa 'min si Massie. Siguro nga kailangan ko na ding sabihin sa kanila. Alam naman nila eh. Tsaka may karapatan din naman silang malaman kasi friends ko sila. Kaya, sasabihin ko na.



I sighed, "He's back."



Halata namang naguluhan sila sa sinabi ko. Kaya naman nagtinginan sila at sabay na sinabing, "Sino?"



I sighed again, "Ryu. Ryu Enriquez is back." tapos nahiga na lang ako sa kama ni Massie.



"WHAT?! Hoy tumayo ka jan!" hinihila ako ni Massie kaya naman napatayo ako.


Tumingin lang ako sa kanila, "Ano na plano mo?" tanong ni Princess.


"Ewan. Hindi ko alam. Natatakot ako..." sabi ko.


"Saan ka naman natatakot? Pagkakataon mo na 'tong Leesh! Gusto mong malaman yung dahilan di ba?"



"Oo. Kaya lang natatakot ako. Ayoko na masaktan... Natatakot ako sa magiging sagot niya... Natatakot akong malaman ang totoo. Natatakot akong makita siya, kasi..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi parang naiiyak na naman ako.


"Kasi?" tanong ni Princess.


"Kasi..."




"Kasi baka bumigay ka. Kasi mahal mo pa siya." napatingin ako kay Massie. Why does she have to be right always? T______T Hindi ko na napigilan at naiyak na ako.



"Oo *sniff* mahal ko pa siya... *sniff* Ang tanga ko na ba? *sniff* hindi ko na kasi alam... *sniff* hindi ko na alam ang gagawin ko... *sniff* Hindi ko alam kung ano ba yung nangingibabaw sa 'kin... *sniff* Kung galit ba or pagmamahal... *sniff* Oo, galit ako sa kanya, pero... *sniff* Mahal ko siya eh... *sniff* Mahal na mahal..."



Naramdaman ko na lang na niyayakap nila ako. Parang naipon yung mga pinigil kong luha sa loob ng ilang taon at ngayon ko lang nailabas. Nakakainis kasi eh! Bakit ba kasi siya bumalik? At bakit ba ang tanga ko? Bakit?! Y__________Y




"Follow your heart. Yan ang laging sinasabi sa 'kin ng Mommy ko." sabi ni Princess nung medyo nahimasmasan na ako.



"Hindi ka naman masasaktan ng ganyan kung hindi mo siya mahal di ba?" eto na naman si Massie. Tagos-tagusan ang mga sinasabi eh! Sakto eh!



"Pero galit ako... Galit ako sa kanya..." sabi ko na pinipigilan pa din ang maiyak ulit.


"Galit ka kasi hindi mo alam kung bakit ka na lang niya iniwan ng bigla. Siguro may malalim siyang dahilan kaya siya umalis... At malalaman mo lang yun pag nakausap mo na siya." sabi pa ulit ni Massie.


"Tama siya Leesh. Kailangan mo na siyang harapin. Ilang taon mo na din yan kinimkim. Mahirap magkunwaring okay ka, Leesh." sabi ni Princess.



Umalis kami at naglakad-lakad. Nilibre pa nga nila ako ng favorite kong Caramel Milk Tea. Pumayag na ako kasi minsan lang manlibre ang mga 'to. Kuripotism ever tong dalawang 'to eh. Bumalik na kami ng campus at umupo dun sa bleachers sa may field. Pwede naman kasi tumambay dito eh. Tsaka ang sarap kaya ng hangin.



"LEESH! LEESH!" natigil kami sa pagtatawanan nung may narinig kaming sumigaw.


"Sino yun?" tanong ni Princess.



Hinanap naming tatlo kung saan galing yung sigaw na yun. At nakita namin si Erika na tumatakbo sa field habang sinisigaw ang pangalan ko.



"LEESH! Andito ka lang pala! My gosh." sabi niya na super hinihingal pa. Pinainom ko naman siya ng water ko at pinaupo sa tabi namin. Magkakakilala naman kaming lahat, dahil kay.. Well, alam niyo na.


"Anong meron? Nagsisigaw ka pa diyan sa gitna ng field?" tanong ko naman kay Erika.



Humarap naman siya sa 'kin, "Wag kang mabibigla ha Leesh." sabi niya.


"Derechuhin mo na kasi. Pinapakaba mo pa ako eh." sabi ko tapos nagsip ako dun sa tea ko.


"Andito sa school si Ryu, he's looking for you."





O________________________________________________O





*cough* *cough* *cough* *cough*




"OMG! Water!" inabot sa 'kin ni Massie yung water ko at ininom ko ito. Parang nagbara yung pearls sa lalamunan ko! Grabe!




*cough* *cough* *cough* *cough*


"Okay ka na?" tanong ni Princess.




*cough* *cough* *cough* *cough*




"Yeah, *cough* okay na. *cough*" grabe, parang mamamatay na ako kanina ah. >____<



"Sorry Leesh! Ikaw naman kasi eh, sabi ko sa'yo wag kang mabibigla eh." sabi ni Erika na nagpanic din sa pagkakasamid ko kanina.



"Teka nga, to-totoo ba yang si-sinasabi mo?" tanong ko kay Erika.


"Oo. Hinahanap ka niya kanina! He even called me na tulungan ko siya. Alam mo ba pinagkakaguluhan siya sa building niyo! He's so cool, at ang gwapo niya ngayon."





O_____________________________________________O





Did she say gwapo? >____< AHHHH! Don't be deceived!




"Bahala siya! As if naman magpapakita pa ako sa kanya." sabi ko tapos ininom ko ulit yung milk tea ko. Ang sarap eh!



"LEESH! Di ba napagusapan na natin yan?" sabi naman ni Massie.




Si Princess naman ay tatahi-tahimik lang at nakikinig lang sa paguusap namin. Hindi ba niya ako ipagtatanggol? >__<



"Oo nga! Magpakita ka na! Di ba madami kang gustong malaman?" tanong ni Erika.


"Oo! Pero hindi pa ako ready na harapin siya..." tumayo ako at kinuha ko yung bag ko. "Uuwi niya ako bago pa niya ako makita." right. Dapat hindi niya ako makita.



Bumaba ako ng bleachers at naglakad palayo, pero tinawag pa ako ni Massie.



"LEESH! ANO KA BA? BAKIT KA UUWI?!"


Humarap ako sa kanila at naglakad ng patalikod, "SINABI KO NA YUNG DAHILAN KAYA BYE!"


"OYY! WAIT! SI----"




Bago ko pa marinig yung sinasabi ni Erika ay napaupo na ako dahil may nakabangga pala ako. Putek. Buti na lang nasave ko pa yung milk tea ko! Lumapit naman sila Erika sa 'kin at tinulungan akong tumayo, para naman silang nabato sa kinatatayuan nila at nakatingin lang sila sa likod ko.




"Oy, ano bang---" bago ko pa matapos yung sinasabi ko ay hinarap na nila ako dun sa kanina pa nila tinitingnan. At kung pwede lang lumuwa ang mata ko ay lumuwa na 'to. At kung pwede lang na lumabas ang puso ko ay nakalabas na ito. Nakita ko ang taong dahilan kung bakit ko binalak na umuwi ngayon at i-ditch ang classes ko.





O___________________________________________________O



Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.





Nakangiti siya sa 'kin, "Nakita din kita. I missed you so much, Leesh." then he hugged me.






*****

Hi po! Comments po pleasee :)) Tsaka, suggest naman kayo ng cast! Wala akong maisip na pang-imaginary characters eh! Thanks!
- amethyst
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

TheRailgun04

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 18
  • Karma: +3/-0
  • Bring The Boys Out~
    • Railgun
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #6 on: December 07, 2012, 07:46:49 pm »
Yo! Railgun from wattpad ito xDDD WAHAHHAHA. Ate, Mag su-suggest po ako ng cast, ito lang ang mga japanese/korean na actor/actresses/singers na pumasok sa isip ko xDDD

Massie (Jessica Jung)
Princess (Toda Erika)
Leesh (Han Hyo Joo)
Ryu Enriquez (Jaejoong)

Btw, wahahhahah, Massie? Sayang, malapit na sa pangalan ko 8D, and maganda yung story. Go Leesh! Kaya mo yan kahit mahirap para sayo ang mag move on xDD
Bae Suzy, Tiffany Hwang and Jessica Jung-biased ♥


amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #7 on: December 08, 2012, 10:42:06 am »
Yo! Railgun from wattpad ito xDDD WAHAHHAHA. Ate, Mag su-suggest po ako ng cast, ito lang ang mga japanese/korean na actor/actresses/singers na pumasok sa isip ko xDDD

Massie (Jessica Jung)
Princess (Toda Erika)
Leesh (Han Hyo Joo)
Ryu Enriquez (Jaejoong)

Btw, wahahhahah, Massie? Sayang, malapit na sa pangalan ko 8D, and maganda yung story. Go Leesh! Kaya mo yan kahit mahirap para sayo ang mag move on xDD


Hello! Andito ka na pala sa story ko. Hehe. Sana masuportahan mo 'to :)
Tsaka thanks dun sa suggestion mo :) I think fit sila, pero may naiisip ka pa ba para kay Ryu? Hehe. Ang common na kasi ni jaejoong :) Kung meron ha, di naman kita nirerequire :) Maghahanap din ako, pero gagamitin ko yung mga girls. THANK YOU SO MUCH! :)

- amethyst :)
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

TheRailgun04

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 18
  • Karma: +3/-0
  • Bring The Boys Out~
    • Railgun
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #8 on: December 08, 2012, 11:33:09 am »

Hello! Andito ka na pala sa story ko. Hehe. Sana masuportahan mo 'to :)
Tsaka thanks dun sa suggestion mo :) I think fit sila, pero may naiisip ka pa ba para kay Ryu? Hehe. Ang common na kasi ni jaejoong :) Kung meron ha, di naman kita nirerequire :) Maghahanap din ako, pero gagamitin ko yung mga girls. THANK YOU SO MUCH! :)

- amethyst :)


Haha, oo nga noh, pansin ko din common na si Jaejoong. Koike Teppei nalang, hihi ;)
Bae Suzy, Tiffany Hwang and Jessica Jung-biased ♥


candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #9 on: December 08, 2012, 10:14:56 pm »
Oh my gee! Biggest nightmare ba ni Leesh na makita muli si Ryu? But she deserves to hear what Ryu will explain.

Excited for the explanation part...  :)

princessofstyles

  • Guest
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #10 on: December 08, 2012, 10:55:59 pm »
sis yung totoo?? magkakilala ba tayo sa ating life before tayo ipanganak sa earth kasi huling huli mo ang kiliti ko..as in mahheart attack ako sa chapter two baka sa next chap hindi na ko magcomment dahil matuluyan na ko..kung alam mo lang yung sigaw ko habang binabasa ito..kilig na nakakarelate ako..relate na relate lalo na dun sa part na natatakot makita kasi baka bumigay...kasi mahal pa niya si ryu...RELATE!!! napaiyak ako sa chap na to..kasi kahit ako confused  :( :( :(

ganun pa man you made me happy...kakatuwa din si massie at princess..follow your heart talaga ang advice... :)

pero ryu ano bang dahilan mo at bakit bigla kang nawala..para ka lang si arkin ni erine..bigla na lang nakipagbreak..siyempre tayo lang mga authors ang nakakaalam.hahaha!!!

sis mag UD ka na...hindi na ko makapaghintay..go go go na!!!

what will happen after that hug event???

-your pretty sister- [wag ka na kumontra! :)]

april

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #11 on: December 09, 2012, 12:28:31 pm »
sis yung totoo?? magkakilala ba tayo sa ating life before tayo ipanganak sa earth kasi huling huli mo ang kiliti ko..as in mahheart attack ako sa chapter two baka sa next chap hindi na ko magcomment dahil matuluyan na ko..kung alam mo lang yung sigaw ko habang binabasa ito..kilig na nakakarelate ako..relate na relate lalo na dun sa part na natatakot makita kasi baka bumigay...kasi mahal pa niya si ryu...RELATE!!! napaiyak ako sa chap na to..kasi kahit ako confused  :( :( :(

ganun pa man you made me happy...kakatuwa din si massie at princess..follow your heart talaga ang advice... :)

pero ryu ano bang dahilan mo at bakit bigla kang nawala..para ka lang si arkin ni erine..bigla na lang nakipagbreak..siyempre tayo lang mga authors ang nakakaalam.hahaha!!!

sis mag UD ka na...hindi na ko makapaghintay..go go go na!!!

what will happen after that hug event???

-your pretty sister- [wag ka na kumontra! :)]

april



Hahaha! Sis! Grabe sobrang natawa ako sa comment mo! Malamang nga at nagkakilala na tayo sa ating past life! Saktong-sakto ba sa'yo? Ang galing ko naman! Ikaw nga, gumaganyan ka! Lumalovelife at confused ka na ha! Taraaay mo na sis! :))

At talagang sumigaw ka pa ha? Relax lang! Kailangan mo pang mabasa itong story ko up to the last chapter! Wag kang bibigay sis! Iyak ka na lang :)) Pero ewan ko lang kung sa next chapter ay maiiyak ka hehe :))

At korek ka jan, tayo lang ang nakakaalam ng mga tunay na reasons kung bakit nangiiwan sila. Haha. Pero sis hindi sila nagbreak up, wala silang proper closure eh. Pero break up na nga ba yun?? :)

Sige na, hindi na ako kokontra. Pero mas pretty ako sa'yo. Hahahahaha! :))

- amethyst :)




[/quote]
Oh my gee! Biggest nightmare ba ni Leesh na makita muli si Ryu? But she deserves to hear what Ryu will explain.

Excited for the explanation part...  :)


Hello po! Thank you po for reading! You're right, she deserves talaga pero may part kay Leesh na natatakot siyang malaman ang katotohanan. :)

- amethyst :)





HERE GOES CHAPTER 3 ! :))
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 2 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #12 on: December 09, 2012, 12:36:06 pm »
[THREE]



"Nakita din kita. I missed you so much, Leesh."




O_________________________________O





TEKA NGA MUNA. Bakit ba ako nagpapayakap sa paasang epal na bula na walang kwenta na lalaking ito?! OMG! Wag ka nang bumigay Leesh!! One is enough, two is too much! >__< Kaya naman naitulak ko siya at dahil sa lalaki siya ay parang kalabit lang yung ginawa ko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, pagkabwisit... at saya...




"HOY IKAW?! ANONG KARAPATAN MONG YAKAPIN AKO?! TSAKA ANG LAKI MONG STRANGER!!" sigaw ko. OO SIGAW. Wala na akong pake kung gumawa ako ng scandalo dito. Wala naman silang magagawa eh! Democratic country 'to! At isa pa, habang walang dumadaan na school admins, magwawala ako dito!! Grr.



"I know you're mad at me per---"



"ALAM MO NAMAN PALA EH! EH BAKIT KA PA NAGPAKITA?! MALAPIT NA NGA AKONG MAKAGET-OVER SA'YO TAPOS AAPPEAR KA NA NAMAN? LAKAS TRIP MO AH!" galit na galit kong sabi. Ewan ko ba kung bakit ako galit na galit! Basta galit ako! Naeewan na naman akooo!



"So ibig sabihin ba nun na ako pa din?" tanong niya. Huh? Pinagsasabi niya??



"Anong ikaw pa din?! Asa ka naman! Kapal mo din no!" sabi ko. Eh ano ba kasi yung sinabi ko at nasabi niya yun? Bwisit siya.



"You just said your already getting over me but then I suddenly appeared. So that means may pag-asa pa ako?" tanong niya. Hala naman! May sinabi ba akong ganun? Pwes, ang shunga ko naman para sabihin yun! AHHHH! Shungaers ka Leesh! >____<



"Okay fine. Oo nga, hindi pa ako nakakagetover sa'yo, pero mga 40% na lang naman ang nararamdaman ko sa'yo eh! Pero wag kang magassume na may pag-asa ka pa. Hindi ako easy-to-get!!" bwisit siya.. Sana hindi na lang talaga siya bumalik...



"I still love you Leesh, and I want you back..." Back?! Bakbakin ko mukha niya eh! Hindi naman porket mas LALO siyang gumwapo eh babalikan ko siya?



"Sorry Ryu, but I've had enough of you. Masakit yung ginawa mo sa 'kin..." tapos umalis na ako. Iniwan ko na din yung mga friends ko dun. Pero nagulat na lang ako nung may humawak sa braso ko.




"Let's talk... I'll explain everything to you..." sincere naman niyang sabi.



"No. Ayoko na... Nakakapagod na kasi magmukhang tanga." sabi ko sa kanya. Mahal kita, mahal na mahal. Pero... tama na... Hindi ko na ata kakayanin kung mawawala ka ulit. Hindi sa nagaassume ako, pero paano kung nagkabalikan kami? Pano kung iwanan niya ulit ako? Kawawa na naman ako... Nakakapagod eh.




Naglakad-lakad na lang ako at walang sense of direction. Nakarating na lang ako dun sa may mga upuan malapit sa may LRT station at umupo ako dun at saka ako... umiyak.



Ang tanga-tanga ko naman. Ang lagay ko ngayon ay parang pinagsisisihan ko pa na ginawa ko yun sa kanya. Kung alam lang niya kung gano ko siya kamahal, kung gano ko siya gustong yakapin at mahawakan ulit yung kamay niya. Pero hindi ko magawa... Kasi galit ako... Kasi takot na ako... Natatakot na akong magmahal ulit... Dahil baka iwan na naman niya ako...




"Bakit ka umiiyak?"




Inangat ko ang luhaan kong mukha at tiningnan yung nagsalita sa tabi ko. Kilala ko naman siya eh. Siya yung classmate ko sa Microbiology. Kagroup ko siya at seatmate. Pero ngayon lang niya ako kinausap. Hindi ko nga alam kung sino ang weird sa 'min eh.




"Wa-wala..." sabi ko sabay hikbi ko. Gustung-gusto kong ngumawa pero hindi ko magawa. Una, dahil nasa public place ako. Second, mukha akong tanga. At third, magmumukha lang akong baliw. Ang sakit sa puso, ang sakit sa puso ang magpigil umiyak... Pero mas lalong masakit, yung pagpigil kong, mahalin siya ulit. T________T



"Kung gusto mong umiyak ng malakas, may alam akong place. Pero kung mas prefer mo ang umiyak dito, pwede din naman..." sabi pa niya. Hindi siya nakatingin sa 'kin, dun siya nakatingin sa mga taong dumadaan.



"I'm okay..." ang ngongo ko na magsalita. Ang sakit na ng ilong ko, ng ulo ko at ng puso ko...



"Tingin mo ba maniniwala ako sa'yo? Yan ang dahilan kung bakit ayaw kitang kausapin eh, ang arte mo kasi." sabi niya at talagang inemphasize pa niya yung salitang ARTE MO.




Para naman tumigil bigla yung luha ko at napatingin sa kanya. "Ano ulit yun?" garalgal ko pang tanong sa kanya.



Tumingin din siya sa 'kin, "Sabi ko, ang ARTE MO kasi..." at talagang inulit pa niya ha? Grabe. ANG BAIT NIYA TALAGA. Ang sarap niyang saktan eh.




Pinunasan ko ang mukha ko dahil nagkalat na ang luha ko tapos sinabi ko sa kanya, "Excuse me ano ha Mr. Reid Montero... Hindi naman ata yan valid reason? Dahil lang sa maarte ako kaya hindi mo ako kinakausap?"



"Oo. At isa pa pala, ang O.A. mo pa."



"Ano?? Ako?? O.A?!!!"




"See?? Yan na ang evidence! Ang galing ko!" so ganun? Parang nagtagumpay pa siya? Ganun ba yun?



"Whatever!" tapos tumayo ako at nagwalk-out na ako.




Pero sa hindi inaasahang pangyayari, sinundan niya ako. Lakas trip ata ang mga tao ngayon ah? Dati hindi ako kinakausap, ngayon naman todo usap at lait sa 'kin. Tapos sinusundan pa ako?? Ayos din siya ah. =___=




"Teka nga?? Bakit mo ba ako sinusundan??"




"You should thank me for following you..."



"Huh? Pinagsasabi mo??"




Lumapit naman siya sa 'kin. At dahil ako ay malisyosa, todo ilag naman ako. Kaya hinigit niya yung braso ko sabay lapit sa tenga ko at may binulong, "You're having your RED day."




O_______________________________O




Alam niyo na siguro?? Oo na, nakakahiya na ako. Bwisit. =____=




***

New guy alert! Ano naman kaya ang magiging papel niya sa buhay ni Leesh Montez? :))
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 3 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #13 on: December 09, 2012, 01:52:57 pm »
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa presence ni Reid o maiinis eh. Tama ba namang sabihan ng maarte at O.A si Leesh? Ni hindi nga nya alam ang nangyari eh. Pero in fairness concern sya kay Leesh because of that red days thingy.

Leesh 40% is still a big percentage. Mukhang mabubuhayan pa ng loob niyan si Ryu to win you back. Sana lang pinakinggan mo muna yung explanation niya.  :-\


amethyst_o17

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +2/-0
  • Cookie Monster <3
    • Twitter
Re: YOU'RE BACK--[Chapter 3 posted!] Readers po pleaseee~? :) Thanks! :)
« Reply #14 on: December 10, 2012, 08:09:54 pm »
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa presence ni Reid o maiinis eh. Tama ba namang sabihan ng maarte at O.A si Leesh? Ni hindi nga nya alam ang nangyari eh. Pero in fairness concern sya kay Leesh because of that red days thingy.

Leesh 40% is still a big percentage. Mukhang mabubuhayan pa ng loob niyan si Ryu to win you back. Sana lang pinakinggan mo muna yung explanation niya.  :-\


For a guy, Reid is too straight-forward. But in time... you'll know the reason behind his harsh attitude. Haha. Spoiler much? :)
Sana nga pakinggan na siya ni Leesh, masyado kasing matigas ang ulo niya eh :D
Wattpad account:
http://wattpad.com/amethyst_o17

Don't give up. Have faith.

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

It's Recess Time!

by: angel, 2014-04-24

It's mid-morning on a school day. You're sitting in the classroom, trying desperately to keep your eyes open. Your stomach is grumbling because it's been hours since your first meal...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved