Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Visit our new Candy Blog for the latest news and updates from Candy editorial team!



Poll

Anong masasabi niyo sa story na 'to?

I'm looking forward to it! Susubaybayan ko 'to!
Nakakarelate ako!
Ayos lang.
Hindi siya interesting, actually.
Hindi maganda! Nakakatamad basahin.

Author Topic: Bittersweet Memories  (Read 2546 times)

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 21
« Reply #45 on: August 19, 2013, 12:32:20 AM »
Chapter 21

 

Nagising ako ng 3 am. Dun sa time ko na yun sinet yung alarm ko. Baka madami na din kasing tao sa bathroom kapag 4 am na eh. Naupo muna ako. Tinignan ko si Shane sa tabi ko. Tulog na tulog pa. Pero kailangan ko na siyang gisingin para maligo na. Niyugyog ko siya para magising kaagad.

 

"Hmmmm..." Narinig ko boses niya.

 

"Gising na oy! Ligo na tayo!" Bulong ko. Mamaya magising pa yung iba eh. Saka hindi kami sabay maliligo sa isang cubicle noh! Haha. Ew.

 

"Anong oras na ba?" Sagot niya na medyo paos pa yung boses dahil kakagising lang.

 

"3 am."

 

"Oh akala ko ba 4 am?" Tanong niya habang nakapikit pa rin.

 

"Eh naisip ko baka madami nang tao mamaya eh. Sige na, bangon na d'yan!" Inalog ko ulit siya.

 

Naupo na din siya. Nag-unat-unat muna siya bago kumilos. Hinanda na namin yung mga panligo at pamalit na damit namin. Hassle pala kapag nasa taas ka sa double-deck. Kailangan magdahan-dahan kami ni Shane para 'wag sila magising.

 

Pagkadating namin sa bathroom, may ilang tao na rin pala. Naligo na rin. Di naman ako masyadong nagtagal ni Shane pero pagdating namin sa loob ng room ng batch namin, madami nang gising at bukas na din ang ilaw. Lahat sila nagpeprepare nang maligo. 3:30 am na pala.

 

Pagkatapos kong magsuklay, nagdecide akong ayusin na gamit ko. Uuwi na din kasi kami mamaya. Yung suot ko nga ngayon, yun na yung susuotin ko pauwi eh. Shirt, skinny jeans at chucks lang. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang biglang..

 

"Omg, Tori. Hahaha. What happened to your eyes??" Tanong ni Ysa na nandoon sa kabilang kama na kakaligo lang rin. Pero anong meron sa mata ko?

 

"Hahahaha. Oo nga noh? Bakit di ko yan napansin kanina? Tori, ano ba yan? Mukha kang isda." Gatong naman ni Shane.

 

"Uy grabe kayo kay Tori. Ito mirror oh. Tamo mata mo." Sabi ni Pheobe habang inaabot yung mirror niya sa akin.

 

Nang makita ko ang mata ko, nagulat ako. Leche. Magang-maga siya. Tama nga si Shane. Mukha akong isda. =__=

 

"Malamang kakaiyak 'yan kagabi. Haha. 'Yan kasi!" Asar ni Shane.

 

"Ugh. Grabe. Ayoko na. Hindi ako pwede makita ni Aaron na ganito mata ko. Lalo alng nun iisipin na iniyakan ko siya." Reklamo ko naman.

 

"Well, that's your fault. Haha." Sabi ni Ysa.

 

Pinilit kong ngumiti nang ngumiti. Kasi ang alam ko, mawawala yun kahit konti kapag ngumingiti ka. Hahaha. Ewan, baka imbento ko lang yun.

 

Nang tapos na ako mag-ayos, nilaro ko nalang yung PSP ni Shane pampalipas-oras habang nakangiti. Para mawala yung maga. Ilang oras din akong pumatay ng oras nang mga bandang 7 am, nag-aya nang bumaba sila Ysa kasi maliwanag na daw sa labas at pwede na lumabas.

 

Hindi pa rin masyadong nawawala yung maga ng mata ko. Pero pag inaaya nila ako magpicture, go pa rin ako. Haha. Puro picture-taking ang naganap dun sa amin sa baba bago kami magbreakfast dun sa dining hall.

 

Nakita ko naman si Aaron doon nakatayo sa may tabi nung isang statue. Hindi siya sumasali sa pictures. Sila ni Jay laging magkasama. Ang dami ko nang pictures with these maga eyes pero keri lang. Naghanap kami ng iba pang places dun sa Angel's Hills para sa barkada picture namin. Haha. Ang saya kaya. Tapos yung mga Koreano sa lower year, nakipagpicture din kami. Isa kasi sa kanila ang cute ng damit. Parang tiger na hoodie-jumper tas may buntot pa. Hahaha.

 

Nagbreakfast na kami at nagpicture pa ulit. Then it's time for our last activity for this retreat. Yun yung sharing sa malaking-malaking circle. Kaloka. Buti nalang hindi ako natawag dun. Nakakahiya kaya! Haha.

 

After nung activity na yun, sabi sa amin i-hug daw namin mga people parang peace offering and to share the love. Syempre inuna ko na yung girl friends ko. Si Jay nilapitan ko at hinug ko rin. Haha. Payat niya talaga. Napatingin naman ako kay Aaron. Nakatingin pala siya sa amin ni Jay. Pagkatapos ko ihug si Jay umalis ako kaagad. Hayyy. Wala akong lakas ng loob to approach him and give him a hug. Pero si Cliff nga nahug ko eh. Pero syempre si Ridge hindi. Haha. Nakaka-intimidate kaya kagwapuhan nung Koreanong yun.

 

Natapos ang retreat namin nang nanghihinayang ako na hindi ko nahig si Aaron. :( hayyy. Hindi naman sa manyak or malandi ako ah? Wala, gusto ko lang siyang ihug. Pero wala eh. Wala akong courage to do that..

 

---

 

Back to normal na ang lahat sa amin. Classes na ulit. Aral-aral na din. Papasok nanaman ako ngayon nang maaga. Antok pa ako eh.

 

Naglalakad na ako papunta sa classroom. Doon kasi ako dumadaan sa back stairs sa may tapat ng classroom nila Kate na nag-iisang class sa first floor. Haha. Yun yung malapit sa fish pond. Mga kasama nila room dun are THE Room, Computer Lab, Speech Lab, Prefect of Discipline at Principal's Office. Haha. Medyo madilim sa hallway na yun. Yung pond lang nagpapaliwanag dahil walang bubong yung hanggang sa 4th floor. So kung nasa 3rd of 4th floor ka, parang malalim na balon yun. Haha. Ang dami kong sinabi.

 

Anyway, naglalakad ako dun sa hallway nang may mahagip mata ko.

 

May guys na nakatayo doon sa may tapat ng THE room. Yung isa naka-uniform tapos yung isa mukhang mas matanda at nakacivilian lang. Mukhang sinasamahan lang niya yung guy-in-uniform. New student siguro. Inabsorb ko itsura nung niya. Omg. Crush ko siya. Saang class kaya siya???

 

Napatingin ako sa loob ng classroom nila Kate. Napatingin naman sa akin si Kate at parang sumenyas at tinuturo yung guy-in-uniform. Sumenyas din ako ng 'ano?'. Tas sumenyas ulit siya na 'mamaya na nga, akyat ka na!'.

 

Nilagpasan ko lang sila at umakyat na sa classroom. Sila Andrea at Miggy palang ang nandoon. Naupo lang ako dun sa chair ko at tumunganga. Naghihitay ng flag cem nang biglang pumasok si Kate sa classroom namin.

 

"Uyyy Tori!!!! Nakita mo na ba?" Tanong ni Kate na excited.

 

"Yung guy ba sa baba? Haha. Oo. Crush ko na nga eh. Hahahaha. Bilis." Sagot ko.

 

"Alika, baba tayo sa classroom namin!" Aya niya sa akin sabay-hila sa braso ko. Wala na akong nagawa. At gusto rin naman siya makita ulit eh. Haha.

 

"Kaklase niyo ba?" Tanong ko kay Kate habang bumababa kami sa stairs.

 

"Oo daw eh." Sagot niya.

 

Nakarating na kami dun sa classroom nila. Pumasok ako kahit na bawal. Haha. Siya din naman pumasok sa amin kanina eh. Pasimple naming tinatanaw si guy-in-uniform dun sa labas mula sa loob ng room nila Kate.

 

"Hindi masyadong gwapo eh. Sige, Tori. Iyo nalang. Haha." Sabi ni Kate.

 

"Fine. Akin na talaga. Hahaha. Joke. Feeler." Sagot ko na natatawa pa.

 

May bigla namang kumatok sa room at binuksan ito.

 

"Mga ate, labas na po kayo magfaflagcem na." Pakiusap nung isang 4th year na CAT. Sila kasi in-charge magpalabas ng students sa classroom kapag flag cem at kapag may students sa classrooms kapag recess at lunch. Bawal kasi yun.

 

Lumabas na kami. Nilagpasan namin si guy-in-uniform. Hindi pa naman namin siya kilala para ayain namin siya doon sa gym.

 

Pagdating sa gym...

 

"Uy andito ka na pala? Saan ka galing?" Tanong ni Shane.

 

"Ah kasi may new student kila Kate. Crush ko. Haha."

 

"Agad? Loko ka talaga. Haha. Saan?" Tanong ni Shane ulit.

 

Tingnan ko kung andoon na siya sa pila nila Kate. Doon kasi class nila sa likod ng class namin. At andoon na nga siya. Tinuro ko kay Shane.

 

"Ano ba yan?! Haha. Di naman gwapo!" Reklamo niya.

 

"Malamang kasi magkaiba tayo ng taste!" Sagot ko naman. Bad boys kasi type nitong si Shane eh.

 

"Whatev. Bahala ka d'yan. Haha."

 

Bigla namang sumulpot sina Aaron at Jay sa harap ulit ng pila ng boys. Nakitingin pa dun sa tinitignan namin.

 

"Who is that?" Tanong ni Jay. Nagtataka naman ako kasi hindi umiimik si Aaron.

 

"A new student. Tori's new crush." Sabi ni Shane. Napansin ko namang napatingin si Aaron sa akin.

 

"Oh really? Let me check if he's pogi." Sabi naman ni Jay. Effortless yung paghahanap niya eh. Tangkad kasi.

 

"What do you think?" Tanong ni Shane kay Jay.

 

"Hahahahahaha. Tori!" Tawa nang tawa amp. Problema nito?

 

"Aaron is better!" Pagpapatuloy niya. Napatingin ako kay Aaron.

 

"Haha. So what? Aaron has a girlfriend." Sabi ko naman.

 

"Ah. Yah. Andy. Haha." Sagot ni Jay.

 

"How did you guys become a couple, Aaron?" Tanong ni Shane.

 

Magsasalita na sana siya kaso biglang nagsimula na yung flag cem. Hay badtrip! Gusto ko pa naman malaman kung ano nakalagay dun sa note-passing nila. Haha. Okay na nga pala ako. Move-on move-on din. Haha. MOMOD amp. XD benta much.

 

---

 

"Jake Castillo pangalan niya! Galing siyang Guam kaya English-speaking. Slang kung slang eh. Haha." Balita ni Kate sa akin. Classmate nga nila si guy-in-uniform kaninang umaga.

 

"Ohhh? Sige sige. Thanks, Kate!" Sagot ko naman na nakangiti. Hihi.

 

Kakatapos ko lang magrecess. Mahilig kasi alo magchill sa upuan ko pagdating sa classroom. Ganun din si Shane. Nakatunganga lang ako as of now. Dumating naman si Aaron.

 

"How are you and Andy?" Tanong ko na nakakaloko.

 

"We're good. Why?" Tanong niya naman. Haha.

 

"Nothing. Anyway, how did you, guys, start?"

 

"Note...pass...you get it? We pass paper last retreat. Like that." Hirap na hirap siya i-explain. Di niya alam pa'no sasabihin eh.

 

"That fast? What did you tell her?" Matanong ako masyado eh.

 

"At first i was just kidding. I told her that i like her but she replied and said that she likes me, too. Then i thought about it. So i asked her to be my girlfriend. I was shocked when she said yes." Kwento niya.

 

"So you really don't like her? You were just kidding?" Napangiti ako dito.

 

"She's really nice. I love her already." Sagot niya.

 

Ouch. Ang sakit sa puso. Sana pala hindi ko nalang tinanong. Akala ko talaga hanggang ngayon napipilitan lang siya kay Andy, based sa kwento niya eh. Pero yung huling tanong ko yung pumigil dun sa pag-asa ko. Hayyy. Badtrep. Pero hindi ka pwedeng magpahalatang nasasaktan ka, Tori.

 

"Ahhhh. Good for you." Sagot ko nalang. Nginitian naman niya ako.

 

Ilang buwan kaya sila magtatagal? Hayyy. Or years? I don't know. Kilala naman kasi 'tong si Aaron na walang tinatagalang girlfriend eh.

 

---

 

"Uy seryoso hindi ko alam kung totoo nga kasi. Sabi kasi nila si Andy na mismo nagsabi." Sabi ni Kate.

 

"Nakaka-offend naman kasi kung siya mismo tatanungin natin 'di ba? Haha." Sabi naman ni Nix.

 

"Saka para saan naman at tatanungin natin siya? Wala lang? 'Uy, Andy. Virgin ka pa ba? Wala lang. Curious lang kami.', ganun?" Sabi ni Shane.

 

May kumakalat kasi na balita na hindi na nga daw virgin si Andy. Galing siyang Australia kaya medyo understood. Normal na yun sa mga tao siguro dun. Pero dito sa amin binibig deal namin kasi halos lahat kami virgin pa. Si Razel naman aminado na hindi na eh. Galing kasi siyang Hawaii. Hayyy. Puro kami chismis. Haha. Pero ang nakakagulat kasi pati boys alam.

 

"Halata kasi sa lakad 'yan eh." Sabi ni Miggy.

 

"Hala. Pano niyo nasasabi sa lakad yun?" Tanong ko.

 

Sakto naman nakikita namin si Andy na naglalakad. Pagkakataon nga naman. =___=

 

"Tamo. Kakaiba di ba?" Tinatry niya talaga i-explain sa amin kung paano malalaman pero hindi talaga namin magets. =___= hindi namin alam kung slow lang kami or boys lang talaga ang may ability na malaman yun.

 

"Hay ayoko na nga! Hindi ko na din naman maintindihan!" Sabi ko.

 

Pero naisip ko lang, malamang alam na din 'yan ni Aaron. Siya boyfriend eh. Lagi na nga silang magkasama ngayon sa school eh. Edi ako na nagseselos! T.T

 

---

 

Lumipas ang ilang linggo. Umamin naman si Andy na totoo nga yung rumor na kumakalat.

 

"Pero wala namang masama dun 'di ba? Lahat naman tayo dadaan sa stage na ganyan. Hindi naman siguro tayo forever magiging virgin." Sabi ni Andy.

 

Tama nga naman siya. Naiintindihan ko na. Makitid lang ang utak namin at masyadonpa siguro kaming isip-bata para pag-usapan yun behind her.

 

"Eh kayo naman ni Aaron, nag-FK na ba kayo?" Tanong ni Razel.

 

Open naman si Andy na ikwento sa amin yung tungkol dun sa tanong ni Razel.

 

"Uhhh...yes." Sabi nito na parang nahihiya pa.

 

Nanlaki naman mata ko. Hindi ako makapaniwala. O.O si Aaron nag-e-FK??? Omg hindi ko ma-imagine! Wait, BAKIT KAILANGAN KO IIMAGINE?! Ugh. Nonononono. Ugh. No. Stop, Tori!

 

"Oh??? Pa'no?? Saan?? Kailan??" Sunud-sunod na tanong ni Pheobe.

 

"Ehhhh. Nahihiya ako eh. Haha." Sabi ni Andy.

 

"Sige na kasi!" Sabi ni Nix.

 

"Well, sa house nila. Nakakahiya pa nga kasi nahuli pa kami ni Cliff! Haha!" Kwento niya. Nasa iisang bahay kasi sila Cliff, Ridge at Aaron eh. Parang dorm ng mga Koreano ba.

 

"Oh?? Hala bakit? Anong ginawa ng labs ko?? Anong nangyari? Simulan mo kasi! Haha." Tanong naman ni Pheobe. Si Cliff yung tinutukoy niyang 'labs' niya. =___=

 

"Natawa lang siya. Well, kasi pumunta ako sa bahay nila. Wala lang, bumisita lang ako. Haha. Tapos doon kami nagstay sa sala nila. Eh naging awkward kasi wala na kaming mapag-usapan. Tapos yun. Nilapit niya mukha niya sa'kin tas napapikit nalang ako. Tas yun. You know. Kaso nga biglang lumabas sa kwarto niya si Cliff. Haha. Nakakahiya." Kwento niya.

 

Ugh. Bakit hindi ko ma-imagine si Aaron sa isang FK scene? Hahaha. Not that gusto ko imaginin ha? Gets niyo lang yung point ko? XD basta parang hindi bagay sa kanya!

 

Uy pero masakit marinig yung mga kinukwento ni Andy ha! Nagseselos ako kasi may potential silang dalawa na magtagal. At sawi nanaman ako. =___=

 

---

 

"Sasama kayo sa field trip? Sama tayo ha?" Aya ni Pheobe. Next week na kasi field trip namin. Nagrelease na kasi ng consent letter ang school. Sa Subic daw kami. Zoo, Safari and all. Masaya yun.

 

"Oo naman. Shunga ka lang? Sino ba namang KJ sa atin ang hindi pupunta?" React ni Shane.

 

"Ehhh kasi naman excited lang ako. Haha." Sabi ni Pheobe.

 

Natapos yung lunch at bumalik na kami ni Shane sa classroom. As usual doon diretso namin sa tapat ng aircon. Automatic na yun. Since ako unang-unang pumapasok sa room dahil nasa unahan ng pila, sinosolo namin ni Shane ang aircon. Kasabay naman ng pagchichill namin sa tapat ng aircon ang aming pakikipagbonding sa boys ng class. Araw-araw nalang nangyayari yun. Haha. Kakatuwa nga kasi close kami sa boys sa class namin eh. Mas close pa kaming dalawa ni Shane sa kanila kaysa sa girls.

 

"Bebeh, sasama ka sa field trip?" Tanong ko kay Cody, ang malaking tao sa class namin. Haha. Madalas nga niyan sinusundot kili-kili ko eh. =__= parang kuya ko lang 'yan eh. Pero 'Bebeh' tawagan namin. Haha.

 

"Oo naman, Bebeh. Haha. Si Jake pala sasama." Sabi nito. Simula nung sinabi ko sa ilang guys yung crush ko si Jake, kumalat na din yun malamang. Mga lalaking 'yan lakas makapanchismis eh. Lahat na ata ng lalaki alam maliban kay Jake eh.

 

"Oh ano ngayon?" Tanong ko.

 

"Sus! Kunwari ka pa, Bebeh eh. Haha. Kasama kasi tropa niya eh. Sila Sam." Sabi nito na tumatawa sabay sinundot kilikili ko. Bwiset 'to!

 

"Tigilan mo nga ako, Cody ah! As if naman may pakialam ako. Hindi ko din naman yun makakatabi sa bus." Sabi ko.

 

"Ire-request ko. Hahaha."

 

"Ano bang trip mo? Tama na nga!"

 

"Field trip. Haha. Boom!" Sagot ni Cody.

 

"HAHAHAHA! !@#$, joke ba yun?! Tol, waley eh. Hahaha!" Biglang-singit ni Jace sa usapan namin. Makatawa wagas eh.

 

"Waley pero tawang-tawa ka! Parang !@#$ lang." Sabi ni Cody. Makapagmurahan din wagas eh. Napailing nalang ako. Makaalis na nga dito.

 

Bumalik na ako sa pwesto ko. Andoon na si Aaron sa upuan niya.

 

"Will you go to the field trip?" Tanong ko.

 

"Yes. And Andy also."


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 22
« Reply #46 on: August 19, 2013, 01:04:12 AM »
Chapter 22

 

"Oh sige, Newton. Pili na kayo ng partners slash buddy niyo sa bus." Announce ni Ms. J.

 

Nagtinginan lang kami ni Shane kasi alam namin na kami na kaagad ang magpartner. Naunang pumasok yung boys ng batch sa loob ng bus. Sa isang bus lang ang buong batch namin since 70 plus lang kami. Syempre kaming magtotropa doon sa bandang likod umupo. Hindi namin na-own yung back seat. Naunahan na kami ng boys. =___= Nandoon sila Gian, JD, Miggy at Aaron. Si Jay nandoon sa harap ni Aaron nakaupo. Haha. Nasa gitnang seat siya. Yung seat na nakakahilo at walang view na maeenjoy. XD

Sa harap naman ni Jay si Andy. Andoon din siya sa nakakahilo seat. Haha.

 

Si Jake pala sumama din. Kaso nga lang nandoon sa bandang harap nakaupo tropa niya eh. Kaya hanggang tingin lang ako.

 

"Ya! Tori!" Rinig ko na pagkalakas-lakas ng boses na yun. Si Aaron.

 

"Oh?" Tanong ko habang tinatanaw siya doon sa likuran.

 

"Borrow camera." Sabi niya.

 

"No. Use yours."

 

"I don't have one."

 

"Use your phone."

 

"Ya! Please?"

 

"Ugh. Kulit." Bulong ko habang dinidukot yung camera sa bag ko.

 

"Nako mamaya punuin nila ni Andy yang camera mo. Haha." Sabi ni Shane na nasa tabi ko.

 

"Subukan nila. Burahin ko lahat yun." Sagot ko. "Paki-abot naman dun sa nasa likod." Sabi ko dun sa mga nasa likod namin na sila Kate.

 

---

 

Ang init ng panahon ngayon. Parang mas gusto ko pa magstay dun sa bus. Kaloka yung pawis ko. Nakakawala ng poise. Haha. Pero in fairness, ang saya sa zoo. Kasunod namin lagi naglalakad si Jay at Aaron. Si Andy kasi ang kasama si Razel eh.

 

Nung napadpad kami dun sa sloth na pinapakain, sinubukan ni Aaron na pakainin yun. Naka-stick yung banana at saka ilalapit dun sa nakalambitin na sloth. And cute niya tignan. Haha. Amazed na amazed nga siya eh. Pati narin tuwang-tuwa. Parang bata lang.

 

Nagsasalit-salitan kami ni Aaron dun sa paggamit ng camera. Okay lang naman sa akin hangga't di niya nasisira eh. Mukha namang iniingatan niya. Hindi ko muna viniview yung mga nakuhanan na namin. Gusto kong masurprise sa kung gaano na kadami nakukunan namin.

 

Kumain muna kami doon sa parang food court nung zoo.

 

"Kamusta naman pagtitig kila Aaron at Andy? Haha." Tanong ni Kenneth na nang-aasar habang umuupo dun sa tabi ko.

 

"Excuse me. Hindi ko sila tinititigan. And you see, hindi sila gaanong nagkakasama." Sagot ko.

 

"Ahhh. Okay. Anong kakainin mo?" Tanong niya.

 

"Yung barbecue saka rice lang siguro." Sabi ko.

 

"Baduy naman. Pero sige. Yun na din ang akin. Hahaha." Sabi niya habang nakatingin pa dun sa menu.

 

Kinolekta na orders namin. Kumain at nanusog ako dun. Magstroll lang kami nila Ysa dun sa malapit na stadium-like place. Kasama namin sila Aaron at Andy. Nagpicture-taking pa kami dun. After nun, sumunod na kami dun sa guide. Magkakasama pa rin kami.

 

Habang naglalakad, nakita kong uminom ng tubig si Aaron. Pagtapos nun, binigay niya kay Andy. Turns out, iisa lang tubig nila. Okay. :|

 

Sunod na pinuntahan namin yung safari ride. Yung magpapakain ng Tigers. Hindi namin nakasama sila Aaron at Andy sa isang truck. Pero nasa akin ang cam ko.

 

Pagkatapos doon, pumunta kami dun sa souvenir shop. Ang cute nung stuff may headdress thingy na animals.

 

"Tori, papicture naman kami ni Gabe. Hihi." Request sa akin ni Nix habang naghahanda nang isuot yung headdress nila.

 

"Game. 1...2...3..."

 

"Thanks, bebegurl! Wait." Sabi ni Nix at nakita kong hinila sila Aaron at Andy.

 

"You take a picture, too, with the headdress!" Sabi ni Nix dun sa dalawa. Kamusta naman yung ako pa talaga nagpicture sa kanila? =____= hay nako, Nix.

 

"Bwiset. Tayo nga din, Shane!! Wala kasi tayong boyfriend eh. Hoy, Nix! Kuhanan mo kami!" Sabi ko sabay hinila si Shane.

 

---

 

Bumabyahe na ulit na kami. Lumingon ako sa likod. Na kay Aaron kasi camera ko. Titignan ko sana kung ano anong kinukunan niya. Nakita ko namang may pinipicturan siya dun sa likod ng bus. As in yung dun sa labas. Ano nanaman yan? =____=

 

"Hey! What are you doing???" Tanong ko kahit na medyo malayo ako sa kanya.

 

"The la..." Nagpause siya at humarap kay Gian. "La...what? Again."

 

"Lama." Sagot naman ni Gian.

 

"The lamas are running! Haha. With the chickens and ducks!" Sabi niya na tuwang tuwa. Parang bata talaga. =_____= baka maubos memory at battery nung cam ko sa mga kalokohan niya ah. =____=

 

---

 

Malapit-lapit na kaming umuwi. Medyo gabi na rin. Dumaan muna kami sa Shell of Asia sa may express way. Stopover daw eh. Eh may Starbucks dun at kung ano ano pang pwede pagbilhan kaya lahat kami nagsibabaan. May mga nag-CR din. As in halos walang natira sa bus. Medyo kami nila Shane, Kate, Chelsea, at Ysa ang nahuling bumaba. Nagdecide kami na mag-Starbucks muna habang naghihintay sa iba. Bumaba kami sa bus. Nandoon nakatambay sila Gabe and the other guys, tulad ni Jrey, sa may harap ng bus.

 

"Uy, baboy! Haha." Asar ko kay Gabe. Taba kasi nun eh. Well, sabihin na natin na chubby siya. Haha. Si Nix din chubby pero ang ganda-ganda.

 

"Anong sabi mo?" Tanong niya na parang nang-aasar din. Yung mukha niya na parang may revenge na naiisip.

 

"Baboy ka. Taba mo." Sabi ko.

 

"Aba! Sige ah. Tandaan mo yan, Tonette Rianne ah. Haha." Banta niya.

 

"Okay. Hinding hindi ko makakalimutan na mataba ka. Haha." Sabi ko.

 

"Okay. Bye. Ingat, Tonette." Sabi pa nito. Ba yan! Imbes na siya mapagtripan ko, ako ata napagtripan eh. =____=

 

Dumeretso na kami ng Starbucks.

 

"Nako, Tori. Mukhang may balak yun si Gabe ah. Haha. Oh no." Sabi ni Chelsea na natatawa pa.

 

"Haha. Bahala siya noh. Di niya lang kasi matanggap na ang taba niya. Deh. Hahaha." Sagot ko naman.

 

"Babalikan ka nun, i swear. Haha." Sabi naman ni Shane.

 

"Edi balikan niya. Sumbong ko siya kay Nix." Sagot ko. Nasa CR pa kasi si Nix kaya di nakasama sa amin dito sa SB.

 

Nakuha na namin orders namin sa SB. Pero naisipan kong bumili muna ng fries sa Potato Corner. Ang dami ko pa namang nakikitang gumagala dun sa Shell of Asia eh. Ibig sabihin hindi pa kami paalis. Hinintay na din ako nung mga kasama ko sa Starbucks. Bumili na din sila.

 

Nung natapos na kami, bumalik na kami sa bus. Pero dun muna kami sa labas. Boring kaya sa loob. Kumain at uminom muna kami dun habang chinichika yung guys.

 

"Uy, Tori. Nasa loob na ng bus si Jake ah. Pasok ka na dun. Haha." Asar sa akin ni Gabe.

 

"Ayoko nga. Saka ano naman kung andoon siya?" Tanong ko.

 

"'Di ba crush mo yun? Ayieee." Asar pa niya.

 

Bwiset talaga 'to. Talo talaga ako forever sa asaran dito sa baboy na 'to eh.

 

"Tigilan mo nga ako, taba." Sabi ko.

 

"Wow. Inggit ka lang kasi ikaw toothpick. Haha."

 

"Kesa naman sa mataba. Mahirap magpapayat."

 

"So ibig sabihin madaling magpataba?" Tanong niya na parang nang-aasar pa rin.

 

Nagnod lang ako.

 

"Eh bakit payat ka pa rin?" Asar niya. Alam kasi nila na pangarap kong magkalaman. Ayoko ng taba. Laman lang. Haha.

 

"Hay nako. Makaakyat na nga." Sabi ko. Okay, ako nanaman lumabas na pikon at talo. Lagi naman eh. =____=

 

Pag-akyat ko sa bus, bumungad naman sa akin si Jake. Since doon nga sila nakaupo sa medyo harap ng bus, nakita ko siya kaagad. Napatingin ako sa kanya syempre. Tapos nakatingin din siya. At sa mga sumunod na pangyayari, parang nawala na ako sa sarili ko dahil...

 

"Jake, bro! You know Tori, right?" Tanong ni Gabe kay Jake inglisero.

 

"Well, yeah. I know her." Sagot niya habang napangiti pa sa akin.

 

Nakatigil talaga ako dun sa kinatatayuan ko. Hindi na ako makagalaw sa sobrang kaba sa maaaring gawin ni Gabe na susunod.

 

"Jake, she likes you. She has a crush on you." Sabi ni Gabe.

 

Mas lalong hindi ko na talaga alam gagawin ko!!! Nanlaki mata ko. Hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong maihi dun. Ang alam ko lang ay galit na galit ako kay Gabe ngayon. Hayop siya. =_____=

 

"Hahaha. Oh come on, bruh." Natatawang sabi ni Jake na parang hindi naniniwala...sana.

 

"Hahaha. Hayyy. Tori." Tawang-tawang sabi ni Gababoy. =____=

 

"Wala kang kwenta, Gabe." Sabi ko at inirapan ko siya. Pumunta na ako dun sa pinakalikod ng bus. Sa upuan namin. Badtrip na ako. Hindi ko na alam kung may mukha pa akong ipapakita kay Jake after what happened. That Gababoy is just pure evil!!!

 

Nakumpleto na kami sa bus. Pansin ko naman na parang badtrip si Aaron at Andy. LQ ata eh. May bad vibes akong nararamdaman sa aura nila. Haha.

 

Pumasok nanaman sa isip ko yung scenario na nangyari kanina. Ugh!! Nagrereplay siya sa utak kooo!!

 

"Hoy Nix!! Nabalitaan mo na ba ginawa sa akin niyang Gababoy mo?!" Tanong ko nang medyo malakas kahit katabi niya si Gabe. Malapit lang kasi seat nila sa amin.

 

"Aba! Gababoy pala ah? Gusto mo pang madagdagan yung kanina, ha Tori??" Sagot naman ni Gabe.

 

"Hoy kayong dalawa, magtigil nga kayo. Ikaw naman kasi, Gabe, bakit mo ginawa yun? Loko ka talaga eh." Sabi ni Nix.

 

"Siya kaya nauna." Sagot naman ni Gababoy.

 

"Mine was just minor pang-aasar. Pero yung sayo, grabe ka eh! Grabe lang talaga. Wala lang puso, Gabe!" Pagdadrama ko.

 

"Well, that's how i roll. Haha." Nakakalokong sagot pa rin ni Gabe.

 

"Ugh!! I hate you." Yun nalang nasabi ko sa inis at galit. =_____=


-teeheezzle-

Zottie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 16
  • Karma: +0/-1
  • Madaldal...
Re: Bittersweet Memories
« Reply #47 on: August 21, 2013, 08:56:22 AM »
Ganda!!!!  ;D
Hug mo'ko >(O.O)>

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 23
« Reply #48 on: August 22, 2013, 03:02:25 PM »
Chapter 23

"In all fairness, Tonette Rianne, record-breaker 'yang si Andy ha? Haha." Sabi ni Nix.

"Anong ibig mong sabihin, Nix?" Tanong ni Pheobe.

"Duh, Pheobe. Si Andy ang pinakamatagal na girlfriend ni Aaron as of now." Sagot naman ni Shane.

"Oh really??? What's the shortest?" Tanong ni Ysa.

"3 days." Sagot ko.

"Omg. Sino yan??" Tanong ni Pheobe.

"Si Diane. Yung Koreana na tropa ko noon." Sabi ko.

"Woah. Was that even legit? Haha." Biro naman ni Ysa.

"Pero mukhang hanggang 3 months nalang 'yang sila Aaron at Andy eh. 'Di na magtatagal 'yan, i guess." Spill ni Nix.

"Sama naman nito. Bitter ka pa dun sa may gusto kay Aaron ah. Haha." Shane was referring to me. =______=

"Eh kasi totoo naman eh. Lagi kaya silang may problema these past few days. Magbebreak na yan, wait lang kayo, guys!" Sabi pa rin ni Nix.

 

---

 

"I broke up with her na." Balita sa akin ni Aaron. Aba't parang proud pa siya ha?

 

"Wait. What???" Hindi ko exactly alam kung totoo ba yung narinig ko. Pero masama mang pakinggan ito, masaya ako. Hello? Yung taong mahal mo ba naman, break na sa girlfriend niya. Oh 'di ba?

 

"I broke up with her." Sagot niya. OMG! Siya pa talaga ang nakipagbreak? Seryoso ba talaga 'to? Kasi nakakapagtaka talaga eh. Sa itsura ni Andy, parang siya ang unang makikipagbreak eh.

 

"Are you serious? Hahaha. You? Broke up with her?" Medyo bumenta sa akin eh.

 

"Yes." Hayyy. Oo, masaya ako pero hindi kasi kapani-paniwala eh.

 

After nun, napag-usapan na ng circle of friends namin. Eh pano ba naman kasi hindi mapapag-usapan, eh yung mata ni Andy, magang-maga. =____= Kaloka.

 

"Huy, ano ba talaga nangyari?" Tanong ko.

 

"Edi break na sila." Sabi ni Nix habang nakatingin sa akin at hinihimas himas yung buhok ni Andy para icomfort siya.

 

"Ahh. Nasabi nga din sa akin ni Aaron kanina eh. Akala ko joke lang, so totoo pala." Sabi ko.

 

"Ha? So nasabi na niya sa'yo?" Tanong sa akin ni Andy.

 

"Uhhh..Oo. Pero nakakapagtaka nga kasi parang di man lang siya malungkot or something." Sagot ko.

 

"Sus! Si Aaron pa?!" React naman ni Nix.

 

"See? I told you, guys! Ginusto niya talaga 'tong break-up na 'to! Masaya pa siyang nakipagbreak ako sa kanya." Sabi naman ni Andy.

 

"Wait, ikaw nakipagbreak sa kanya?" Tanong ko na nalilito pa.

 

"Oo. Bakit? Anong sabi niya sa'yo?" Tanong naman ni Andy sa akin.

 

"Well, sabi niya kasi siya daw nakipagbreak sa'yo eh." Sagot ko.

 

"What?! Siya?! Nakipagbreak sa akin?! Excuse me noh! Alam ko namang gustong-gusto niya nang makipagbreak eh. Nahihiya pa ata siya nun kaya inunahan ko na siya!"

 

"Oh? Ay, ewan ko sa inyo. Kayo naman nakakaalam kung sino talaga eh. Basta ako, nagkwento lang siya sa akin. Bakit ka nga ba nakipagbreak sa kanya?" Tanong ko. Si Aaron kasi ang reason, parang ayaw na daw sa kanya ni Andy tapos nabawasan na daw love niya para sa kanya. Pero parang hindi talaga kapani-paniwala eh. Ang babaw naman masyado ng reason na yun para magbreak sila nang ganun.

 

"Tori, hindi mo ba napapansin sa class niyo na naglalandian sila ni Macy?" Tanong niya.

 

"Uhhh...Napapansin naman. So si Macy ang reason kung bakit ka nakipagbreak kay Aaron?" Tanong ko.

 

"Wait. OO! Ako din napapansin ko yun! Minsan nga magkatabi pa sila sa klase eh. 'Di ko nga lang alam kung sino yung tumatabi sa kanila. Kung si Aaron ba or si Macy." Dagdag naman ni Shane.

 

"UGH! Tignan niyooo! Yan yung reason kung bakit ako nakipagbreak eh. Kasi pati ako, na hindi niyo naman classmate, napapansin ko na ang close nila masyado nung Macy na yun! Tas madalas pa sila magkatext! Basta! Ang landi-landi niyang Aaron na yan!"
[/color] Sabi ni Andy na naiyak pa rin.

 

"Awww! Don't cry na, Andy! Hindi siya worth it, okay?" Comfort naman ni Ysa sa kanya.

 

Natapos ang lunch time na yun na kinocomfort lang namin si Andy. May mga guys sa batch namin na nagtatanong kung bakit naiyak si Andy pero pinapaalis nalang namin sila. Mangungupal lang yun dun eh.

 

---

 

"STUPID!" Sigaw ko kay Aaron, sabay hampas nang malakas sa braso niya pagdating ko sa classroom.

 

"AHH! AISH! WHAT'S YOUR PROBLEM?!" Sigaw niya. Kahit naman magsigawan kami, walang pakialam classmates namin dahil busy sila sa kanya-kanya nilang businesses sa classroom. Wala pa naman kasing teacher eh.

 

"You! You lied to me, stupid!" Sabi ko.

 

"What? What are you talking about?" Tanong niya na takang-taka.

 

"You said you broke up with Andy. But the truth is SHE broke up with you!" Matigas na sabi ko.

 

"Aish. Just because of that? But that's the truth! I broke up with her." Depensa pa rin niya. ANO BA! Sino ba talaga papaniwalaan ko? =_____=

 

"Ugh! Whatever your reason is, i think it's too shallow. Hay nako! Bakit ko ba kasi pinoproblema 'to  eh. Landi." Sabi ko nalang at umupo na sa upuan ko. Ayoko na kausapin 'to. Labo eh.

 

"If you don't believe me, it's okay." Pahabol niya. Siya naman umalis dun sa upuan niya.

 

Hay. Kahit magdrama siya nang ganyan, malakas ang kutob ko na kay Andy ako maniniwala.

 

---

 

"AHH!" Narinig ko nanaman ang maiksing sigaw na yun. Kanino pa ba? Edi kay Aaron. Napatingin ako sa kanya para tignan kung bakit sumigaw yun. Nandoon kasi kami ni Shane sa may tapat ng aircon, kasama yung boys. Nagkekwentuhan lang kami dun nang marinig ko si Aaron.

 

Nung napatingin ako, nalaman ko lang naman na kinurot pala siya ni Macy sa bewang kaya siya napasigaw. Hayy! Harot harot talaga! I was like ----> =_______=

 

"Ito talaga si Aaron, wala pa ngang 3 months, over na kaagad? Hindi niya ba alam yung 3-month rule?" Bulong sa akin ni Shane. Napatingin din pala siya doon kila Aaron at Macy.

 

"One More Chance mo ba nakuha yan?" Tanong ko.

 

"Slight. Haha. Uy, pero seryoso nga. Nakakairita kaya. Si Andy hindi pa rin makaget over tapos siya, harot kaagad?! Wala pang 3 months, teh!" Rant ni Shane.

 

"Medyo 3 days pa nga lang eh. Haha. Ito, parang hindi mo kilala yan si Aaron ah. Landing lalaki niyan eh." Sabi ko.

 

Binalik na ulit namin tingin namin dun sa tapat ng aircon.

 

"Mukhang mauunahan ka ata, tol." Sabi ni JD.

 

"Kakabreak lang kay Andy niyan si Aaron, 'di ba?" Tanong naman ni Gian.

 

"Oo daw. 3 months lang tinagal nila 'di ba?" JD.

 

"Aba, ewan ko! Aalamin ko pa ba?" Gian.

 

"Gagi, unahan mo na oh. Bilis bilis sa diskarte, tol." JD.

 

"Eh mukhang gusto rin naman ata ni Macy si Aaron eh." Sabi ni Gian na parang nahihinaan na ng loob.

 

"HAHAHAHAHA! Tol, ikaw ba yan? Ang alam ko kasi, ang Gian na kilala ko eh makapal ang mukha. Kaya nakakapagtaka at hindi mo mapormahan kaagad yan si Macy. Naunahan ka pa nung kakabreak lang sa girlfriend." Asar ni JD kay Gian.

 

"Lul. Hahaha. Syempre joke lang. Hintayin mo lang na maging kami, tol." Sabi ni Gian.

 

"Sige ba." Sagot naman ni JD.

 

Napansin ko na hindi lang pala ako ang nakikinig sa usapan nung dalawa. Pati rin pala si Shane. Haha. Kaya pagtapos mag-usap nung dalawa, nagkatinginan kami ni Shane at napangiti. Parang mga tanga lang. =))

 

---

 

"Sila na ba? Bakit magkasama yung dalawang yun?" Tanong ni Shane sa akin habang pareho kaming nakatingin kila Macy at Aaron. Sila kasi yung bumili before kami dun sa isang food stall.

 

"Ewan ko. Kung oo, kailan pa kaya?" Tanong ko.

 

"Baka nung weekends? Monday ngayon 'di ba?" Tanong naman ni Shane.

 

"Oo. Baka nga nung weekends. Bakit ang bilis naman?! Parang 2 weeks ago lang sila pa ni Andy ah. Iba talaga pag malandi, tsong! Haha!" Sabi ni Shane, sabay sip doon sa iced tea niya.

 

"'Di pa naman tayo sure eh. Alamin muna natin kung totoo man. Saka natin sabihin sa iba." Sabi ko. Syempre, naging kaibigan na din naman namin si Andy kaya inaalam namin. Wala lang. Kaya dapat maghanap na din siya nang bago. =))

 

---

 

"Hey. Are you together na?" Tanong ko kay Aaron nung naupo na siya sa tabi ko. Remember, seat arrangement? Haha. Anyway,...

 

"Who? Macy?" Tanong niya.

 

"NO!! ME!! Hay nako! Malamang!" Pamimilosopo ko.

 

"You want?" Malanding sagot niya. Pesteng mukha yan.  Nakakaloko lang. =_____=

 

"Shut up. Just answer my question." Sagot ko.

 .....

.....

.....

.....

.....

"Yes. During the weekends."


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 24
« Reply #49 on: August 22, 2013, 03:27:21 PM »
Chapter 24

 

"What?! Really?! That fast?! You made ligaw to her immediately?" Sunud-sunod na tanong ko.

 

"No. She courted me." Sagot niya.

 

Okay, my jaw dropped. Si Macy?! Si Macy ang nanligaw kay Aaron?! Inhale. Exhale.

 

"Hey! I'm serious. Don't joke." Seryosong sinabi ko.

 

"I'm serious, too!" Sagot niya sa akin na nakapoker face pa.

 

"Wait, HOW?!" Tanong ko. I know ang kulit ko lang. Pero whatever! Eh sa gusto ko malaman eh.

 

"She texted me 'Aaron, let's be boyfriend and girlfriend!'" Kwento niya sa akin.

 

"Then you said yes?" Tanong ko ulit.

 

Nagnod naman siya.

 

"Oh." Yun lang nasabi ko. Umiwas na din ako ng tingin. Hay nako, Tori. Talo ka nanaman.

 

Ako nalang ata sa mga may gusto sa kanya ang hindi pa niya nagiging girlfriend eh. :|

 

"Are you jealous?" Tanong sa akin ni Aaron.

 

Bigla naman akong napatingin sa kanya. Nakakagulat naman kasi yung tanong niya eh! OO, NAGSESELOS AKO! KASI GUSTO KO AKO NALANG YUNG GIRLFRIEND MO! GUSTO KO PAG NAGING TAYO, MAGTATAGAL TAYO! AKO ANG MAGSESET NG RECORD NA PINAKAMATAGAL MONG NAGING GIRLFRIEND! AKO NALANG KASI EH! T.T

 

"What?! NO! Feeler ka ha!" Sagot ko. Kung kaya ko lang sabihin eh!

 

"Uyyy! She's jealous. Haha." Asar niya sa akin habang pino-poke yung tagiliran ko.

 

"Ano ba! Tigilan mo nga ako! I. Am. Not. Jealous. Go away." Sabi ko.

 

"No. I'll stay here beside you." Sabi niya, sabay inurong pa lalo yung upuan niya sa tabi ko at humilig pa lalo malapit sa akin. Tinignan ko siya nang masama. Sobrang lapit niya talaga sa akin. Buti nalang wala si Macy ngayon kundi baka wala na siguro akong buhok dahil nakalbo na ako ni Macy.

 

"Landi mo ah. Will you move?!" Iritableng pakiusap ko.

 

"No." Sagot niya.

 

Bigla namang bumukas yung pinto ng classroom at nakita kong pumasok si Macy. Napatingin siya sa amin. Buong akala ko ay lalayo si Aaron sa akin, pero hindi eh. tumingin lang din siya kay Macy. Ako na yung kusang lumayo kasi baka kung ano pang isipin nung babaeng yun noh! Tumayo ako para mag-CR. Pero hinawakan ako ni Aaron sa braso ko para pigilan ako.

 

"Ouch ah. Remove your hand from my arm, please?" Pakiusap ko.

 

"Where are you going?" Tanong niya.

 

"CR."

 

"Oh. Okay. Hurry." Sabi niya. Maka-hurry, kala mo naman siya yung malelate sa klase pag 'di bumalik kaagad. =___=

 

Binagalan ko maglakad kasi nag-eemote din naman ako. Haha. Kasi naman eh. May girlfriend nanaman si Aaron. Hayyy. Kailan pa ba ako? :| Never na ba talaga?

 

Bumalik na ako sa classroom. Sumilip muna ako dun sa harap ng room kung may teacher na pero wala pa pala. Pumasok na ako ng room. Pero hindi ako dun sa upuan ko dumeretso dahil nakita kong nandoon si Macy. Kausap ata si Aaron. Nakita ko pang kinakalikot pa niya yung buhok ni Aaron. Umiwas na ako ng tingin. Doon muna ako dumeretso sa place ni Shane. Kadaldalan niya yung ibang mga boys. Nakikinig lang ako sa kanila na magdaldalan habang nagpapalamig dun sa aircon.

 

Dumating maya-maya yung teacher namin. Bumalik na si Macy sa upuan niya. Ako rin bumalik na.

 

"So tagal naman! Why didn't you come back here after you went to the CR?" Tanong niya pagkaupo ko.

 

"You were talking to Macy. That would be rude if i shooed her away." Sagot ko.

 

Nilapit nanaman niya upuan niya sa akin. Ang kulit talaga.

 

Nakinig lang ako buong oras nung class na yun. Kakaiba kasi usually nagdadaldalan kami ni Aaron, o kaya naman kung anu-anong ginagawa naming kalokohan. Minsan kasi nagdoodoodle din kami sa notebooks namin.

 

Maya-maya, naramdaman kong may nagpo-poke dun sa kaliwang braso ko. Lumingon ako kay Aaron at nakita kong nakasalumbaba siya gamit left hand niya at yung right naman ay pino-poke ako sa braso. Pero sa teacher siya nakatingin. =______=

 

"Stop it. It's irritating me." Bulong ko. Pero umiling lang siya. Ibig sabihin, hindi niya ako titigilan. =____=

 

Nilayo ko nalang yung upuan ko para tumigil siya. Pero inurong niya din yung kanya. I felt so hopeless na titigilan niya ko kaya pinabayaan ko nalang kahit na iritang-irita na ako. :|

 

---

 

1 message received

From: Ms. A

   Guys, prepare tayo ng despedida party para kay Brandon. I heard he's leaving for the States soon kasi. :( -Ms. A


 

Oo nga pala noh? Aalis na nga pala sila Brandon. Magmamigrate na daw ata kasi sila ng family nila doon sa States. :(

 

To: Ms. A

   Go ako dyan, miss. Kailan po ba?


 

From: Ms. A

   This August. Kaya magplan na tayo.


 

Eh nagstart na ang August ah? So ibig sabihin malapit na nga? Hayyy. Panigurado mag-uusap na kaming Darwin nito sa Monday. Kami kasi yung section last year na pinaka naging close kaya pati sa pag-alis ni Brandon, united pa rin kami kahit hindi na kami lahat magkakaklase ngayong year.

 

1 mesaage received

From: Gian Buenavista

   Guys, meet tayo on Monday ha? Regarding 'to sa GM ni Ms. A.


 

Sabi na eh.

 

---

 

"Ako na bahala sa sasakyan natin. Gamitin nalang natin yung L300 namin papunta doon." Sabi ni JD. Mayaman kasi eh. Daming sasakyan ng pamilya nila. Kainggit lang.

 

"Tapos on the way there, bili nalang tayo ng cake para naman may dala tayo pagdating doon." Suggest naman ni Nix.

 

"Sabi pala ni Ms. A, yung Darwin shirts daw natin ang suotin natin. Yung niregalo niya sa atin nung Christmas." Sabi ni Gian.

 

"Nakausap ko na pala yung mom ni Brandon. Siya na daw maghahanda ng iba pang pagkain. Sabi niya naman hindi niya sasabihin kay Brandon eh. Para surprise pa rin. Haha." Sabi ni Ramz. Todo-effort din si Ramz dito kasi bestfriend niya yan si Brandon eh.

 

"Uy, guys. Dapat complete tayo doon ha?" Paninigurado ni Ysa.

 

"Hey, Aaron, Jay, Sunny! You should go with us, ha?" Sabi ni Pheobe dun sa mga Korean friends namin na classmates din namin last year.

 

"So, okay na? Dapat lahat talaga pumunta. Para naman 'to kay Brandon eh." Announce ni Gian.

 

"Ayos na." Sagot naming lahat.

 

"Sige. 'Di pa naman ata tapos lunch time eh. Kain na tayong lahat dun sa canteen." Sabi naman ni JD.

 

Pumunta na kami sa canteen.

 

"Tori oh. Gusto mo?" Alok ni JD dun sa toron na binili niya. Hindi naman sa may something kami ni JD. Mayaman nga siya, 'di ba? Saka sobrang bait pa niyan.

 

"Ay, sige. Salamat ha?" Sabi ko naman habang kinuha yung toron sa kanya.

 

Hindi ko alam pero tinitigan ko yung toron tapos biglang pumasok sa isip ko yung pangalan namin ni Aaron. Tori + Aaron = ToRon! OMG. BIgla kong kinalabit si Shane.

 

"What?" Tanong niya nung mapaligon siya sa akin na parang ang NR niya. Eto siya oh: -______-

 

"Toron oh. Tori plus Aaron, equals Toron! Hahaha. Galing noh?" Tuwang tuwa kong sinabi sa kanya.

 

"Tuwa ka na niyan? Edi kayo na ToRon! Haha." Sagot naman niya.

 

Napakasupportive talaga nitong babaeng 'to. Kila Pheobe ko nalang sinabi. Buti nalang sila supportive. Kahit daw ang weird at nakakatawa pakinggan, okay naman daw eh. We  finally have a ship name! :""">

 

---

 

"I'm excited to go to Brandon's house." Sabi sa akin ni Aaron.

 

"Me, too." Sagot ko.

 

"Let's go together," Sabi niya.

 

"Weren't you listening in our meeting last week? We will go there using JD's L300 van." Sabi ko. =______=

 

"Where will we meet him?" Tanong niya.

 

"At Phase 1. Maybe at Pergola Mall because we, the girls, are planning to meet up there." Sagot ko.

 

"Ahh. Okay. Text me so I know you're there already. I'll go with Jay and Sunny."

 

Hayy. Na-eexcite ako na nalulungkot. Excited kasi mukhang magiging masaya yung mini party namin sa bahay nila Brandon. Malungkot dahil aalis na kasi sila Brandon. :( Ano kayang mangyayari sa August 22? :/


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 25
« Reply #50 on: August 22, 2013, 04:06:52 PM »
Chapter 25

 

1 message received

From: Nix Bebegurl

   Bebegurls! Lahat tayong girls magshorts ha? :> Si Ms. A din daw magshoshorts. Hihi. Sa school na pala tayo magmeemeet ha? :D Papunta na ako dun in a bit. Am sooooo excited.


 

Buti nalang at kakaligo ko palang at hindi pa ako bihis nang makita ko ang text ni Nix. Agad kong hinanap yung shorts ko na black. Sinuot ko na din yung Darwin shirt namin since yun nga yung napag-usapan. Tapos na high-cut na Chucks nalang ako.

 

Pumunta na ako sa school. Doon ako dumeretso sa gym. Nandoon na si Nix. Ang bilis niya. =____= excited nga.

 

"Uy! Bebegurl! Haha. Yay! May kasama na ako." Excited na bati niya sa akin. Naupo ako doon sa tabi niya.

 

"Asan na daw yung iba?" Tanong ko.

 

"Sila Pheobe, Ysa, at Alyssa sabay-sabay pupunta dito. Si Shane daw malapit na. BTW, nasabi mo na ba kila Aaron na dito sa school tayo magmeemeet?"

 

"Yes." Sagot ko.

 

Naghintay lang kami dun sa iba hanggang sa nakumpleto na kaming lahat doon. Dumating na din maya-maya yung van nila JD. Sumakay na kami. Si Ramz doon sa harap naupo kasama ni JD kasi siya ang nakakaalam kung saan ang bahay nila Brandon. Ako naman doon sa dulo, sa likod ng driver, umupo. Magkakatabi kaming tropa. Kainis nga eh. Hindi lahat ng babae nakashorts. Si Monica at Sunny nakaskinny jeans. Hindi ata kasi sila nasabihan. :/

 

Napansin ko namang nakasalamin si Aaron. Pero guess what? Walang lens yung salamin niya. =_____= Kumbaga, pamporma lang talaga yung salamin na yun. =)))

 

"Aaron! Borrow nga your glasses." Sabi ko. Sinubukan kong suotin yun.

 

"Uy, Tori. Bagay sa'yo!" Sabi ni Pheobe na doon sa tapat ko nakaupo.

 

"Yah. It looks good on you." Dagdag naman ni Ysa. Napatingin si Ramz sa amin na nandoon naman sa harap. Binigay ko kay Pheobe yung glasses.

 

"Uy, kanino yan? Hahaha. parang tanga lang. Walang lens. Pahiram nga." Sabat ni Ramz.

 

"Kay Aaron yan! Epal ka talaga forever eh noh? Di yan bagay sa'yo." Sabi naman ni Pheobe.

 

"Bakit ba? Akin na nga yan. Hinihiram ko eh. Ikaw ang epal eh." Asar naman ni Ramz kay Pheobe. Hay nako. itong dalawang 'to talaga oh.

 

Sinuot ni Ramz yung glasses. In fairness, bagay nga sa kanya. Lalo siyang gumwapo. =)) Napatingin naman ako kay Pheobe. Titignan ko sana kung anong itsura niya nung nakita niya mukha ni Ramz eh. Haha. Kaso umirap lang siya.

 

"Aaron. I'll borrow this first ha? I look so pogi." Paalam ni Ramz. Punung-puno siya ng self-confidence. =_____=

 

Nagstopover muna kami sa Red Ribbon sa may Phase 1 para bumili muna ng cake. Tapos dumeretso na kami sa bahay nila Brandon. Bumaba kami sa van 3 houses away from Brandon's house. Kasi nga surprise 'di ba? Sakto naman na nasa labas lang yung mom ni Brandon kaya nakausap siya kaagad ni Ramz. At doon na nagsimula yung surprise. Ininvade na namin yung bahay nila. :))

 

SOBRANG GANDA NG BAHAY NILA BRANDON!!!! As in! I swear, 'pag kayo ang napunta doon, maaamaze talaga kayo. Yung design ng bahay nila parang architectural house talaga. Meron pa silang malaking-malaking garage na may mini-court pa. Tapos sa tapat nun, parang may open basement sila na may insturments. Mahilig kasi sa jamming yung mga kapatid ni Brandon eh. Lahat kasi sila lalaki at ang gagwapo pa. Tapos pag pumasok ka pa farther doon sa basement, may mini gym din sila doon. Sa taas nung basement is yung malaking balcony kung saan nandoon yung table tennis nila at dirty kitchen. Pag pasok mo doon, nandoon na yung living room. At pag tumingin ka sa taas, may balcony din doon sa loob, nandoon na yung mga kwarto nila. Hindi na kami umakyat dun sa isa pang floor. Pero ang ganda talaga. T.T

 

Nagpicture taking kami doon sa balcony sa labas at doon sa malaking garage. Sobrang nashock si Brandon na kumpleto kami doon. After un, kumain kami dun sa malaking garage. May table kasi doon na pwedeng mag-dine sa labas pag trip mo. Kwentuhan lang kami doon.

 

"Tori, pahiram ng camera mo." Paalam ni Nix habang kumakain ako ng ice cream.

 

May space doon sa tabi ko. Nagulat ako nang maupo si Aaron doon. Sobrang lapit niya sa akin. Akala ko kulang yung space na inuupuan niya kaya umurong ako nang konti. Pero nung umurong din siya, ganun pa rin siya kalapit sa akin. Tapos napansin ko na yung left hand niya nandoon na nakalapag sa space sa left ko. So pag sumandal ko, masasandalan ko yung buong arm niya.

 

"Uy, SHET! Tori, tingin ka dito, bilis!" Tawag sa akin ni Nix. Napatingin naman ako.

 

"Baki.....ahh!" Naputol yung tanong ko kasi biglang nagflash yung camera ko. Napatingin naman ako kay Aaron kung nakatingin din siya doon sa camera. Aba at nakangiti pa! =_____=

 

"Ang cute niyo tignan!" Sabi ni Nix.

 

"Tignan mo oh. Sobrang close niyo kaya." Sabi naman ni Shane.

 

"Ay, Tori! Parang kayo na!" Asar naman ni Pheobe. Napansin ko naman na sila pala ni Ramz ang magkatabi doon sa tapat namin.

 

"Ay, parang kayo hindi ah." Sabi ko naman.

 

"Syempre. Kami pa ni Pheobe! Hahahaha." Sabi naman ni Ramz na parang nang-aasar lang.

 

"Wait, Tori, isa pa, bilis!" Sabi naman ni Nix na may hawak ng camera ko. Ngumiti naman ako pero si Aaron nakatingin sa akin. Hnghhhhh!! Nikikilig na akooooo. :""""">

 

"Aaron! Put your arm on her shoulder!" Sabi naman ni Ms. A. Ginawa nga ni Aaron, sabay kuha ng picture ni Nix sa amin, At hindi ko alam kung gaano kadaming dugo ang napunta sa ulo ko dahil sa kilig. :""""> grabeeee.

 

"Hey, Aaron, Does Macy know that you're here? Did you ask permission from her?" Tanong ni Ms. A.

 

"Yes, Miss. But I don't have to ask permission from her. I just told her." Sagot naman ni Aaron.

 

"How did you court her ba? You like her?" Tanong pa ni Ms. A.

 

"I did not. She courted me. She just told me 'Let's be boyfriend and girlfriend' then I said yes." Kwento ni Aaron. Nakikinig naman kami nila Nix, Shane, Ysa, at Pheobe. Yung iba nagkkwentuhan naman.

 

"So you like her?" Ms. A.

 

Nagnod naman si Aaron. Okay, ang sakit. Kinuha ko nalang yung Sprite doon sa harap ko at uminom. Drama mode.

 

"How about Tori? Do you like her?" Bigla naman akong nagulantang doon sa tanong ni Ms. A kay Aaron. Napatingin ako kay Ms. A na para bang tinatanong ko kung bakit niya tinanong yun. Ano ba yaaaaan! Mamaya hindi pa maganda isagot nitong Aaron na 'to eh. Walk out na kaya ako? Hahaha.

 

"Of course, I like Tori. But Tori hates me." Napatingin naman ako sa kanya. Ganun pa rin siya kaclose sa akin tulad nung kanina.

 

"Hala, Miss! Daming alam nito ni Aaron." Sabi ko nalang.

 

"Why didn't you try courting her?" Tanong ni Ms. A.

 

"She will just reject me, Miss." Sagot niya.

 

"Hahaha. Tori, 'di pa nanliligaw busted kaagad?" Sabi sa akin ni Ms. A. Tinawanan ko nalang.

 

Tumayo si Aaron at nagstretching doon sa likod ko. Ito si Nix, wala pa ring tigil sa kakapicture sa amin.

 

"Aaron, stay there. Tori, smile ka, dali!" Utos ni Nix sa amin.

 

Nakailang kuha nanaman sa amin si Nix. This time, yung mga pose namin, puro suggestions nila ni Ms. A. =_______=

 

Natapos na kami kumain ng desserts doon sa garage kaya inakyat na namin doon sa dirty kitchen yung mga pinagkainan namin. Nagdala ako ng mga plato paakyat. Babasagin pa naman yung mga yun kaya ingat na ingat ako sa akyat ko sa stairs.

 

"Tori, be careful with the plates ha?" Sabi sa akin ni Ms. A.

 

"Yes, Miss." Sabi ko.

 

Nagulat naman ako kay Aaron kasi sinabayan niya ako ng lakad paakyat dun sa dirty kitchen. Inaalalayan niya pa ako dun sa dala kong mga plato. Nung nailapag ko na yung mga yun dun sa sink,...

 

"Thanks." Sabi ko kay Aaron. Ngumiti lang siya sa akin. Nailang ako kaya umalis na ako doon. Pumunta ako dun sa balcony sa may tabi nung table tennis.

 

"Uy, Tori, kuhanan mo nga kami ni Gian. Bilis! Hahaha. Florante at Laura times." Utos ni Nix sa akin. Eh ano pa bang magagawa ko 'di ba? =)) Ayun, nagfeel na feel photoshoot sila doon at ako nag photographer. =____=

 

Nagkwentuhan lang kami nung mga girls doon sa dirty kitchen habang pinapanuod yung mga lalaki na naglalaro ng table tennis. Napatigil ako nung si Aaron na naglalaro. Kalaban niya si Brandon. Grabe. Ang galing niya. Tapos ang lakas ng dating. Tapos suot-suot niya pa yung glasses niyang walang lens. Haha. Basta ang gwapo niya tignan talaga.

 

Nung nagkasawaan na sa table tennis, nag-aya sila Gian na magjamming doon sa open basement. Si Gian sa main guitar at vocals, si Brandon sa rhythm guitar, si Andrew sa bass, at si JD sa drums. Kami naman doon naupo sa may garage habang pinapanuod sila at nakikising-along. Tapos doon na namin binigay yung gift namin kay Brandon. Sa Mini-Me namin yun binili. Caricature version ni Brandon. :))

 

Nagsisimula nang magdilim. Doon ulit kami tumambay sa may balcony. Nagkkwentuhan kami nila Nix at Ysa, si Shane at Pheobe naman ang mga kakwentuhan ni Gian. Yung iba naglalaro lang. Si Alyssa maagang umuwi. Sinundo kasi siya doon eh.

 

Biglang lumapit sa amin si Aaron at Jay.

 

"Hey! Haha. You, Aaron ha! You have so many pictures with Tori." Asar ni Nix kay Aaron.

 

"May I see?" Paalam naman ni Jay habang kinukuha yung camera ko kay Nix.

 

"Really? You send it to Macy. Haha." Biro naman ni Aaron. Loko talaga 'to.

 

"Wow. You're mean." Sabi ni Ysa kay Aaron. Napapansin ko naman na kumuha ng upuan si Aaron at tumabi sa akin. Ang lapit-lapit nanaman niya. =___=

 

"EHHHHHHHH!!! YSAAAAAAA!! Bakit kinikilig akooooo????" Kilig na kilig na sabi ni Nix.

 

"Hahaha. Me din kaya!" Sagot naman ni Ysa.

 

Bigla namang tinutok ni Jay yung camera sa amin ni Aaron. Si Aaron naman naglean sa akin. So napasmile na din ako. :))

 

Inagaw naman ni Nix yung camera kay Jay at siya na ang kumuha ng pictures nanaman namin ni Aaron. Panay ang lean niya sa akin ah.

 

"Jay! Your turn!" Tawag ni Brandon kay Jay para maglaro.

 

Nangangati na ako sa mga lamok na pumapapak sa akin. :( Kamot na ako nang kamot sa legs ko. Ugh!

 

"Ano ba yan, Tori. Kalma lang naman sa kamot noh! Haha." Sabi ni Nix sa akin.

 

"Eh ang kati kasi eh. Pesteng mga lamok yan." Sagot ko naman.

 

"Itchy?" Tanong ni Aaron sa akin. Nagnod naman ako.

 

"You get my jacket in the living room." Utos niya sa akin. Wow. Ako pa talaga kukuha ng jacket niya ha. =_____= Pero kinuha ko din naman. :| Inabot ko sa kanya at naupo na ulit ako.

 

Bigla naman niyang nilagay yung jacket niya sa legs ko para pantakip from the mosquitoes. Inayos niya pa talaga. Sa sobrang gulat ko naman sa ginawa niya, nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun. Nung naayos na niya sa legs ko, napatingin din siya sa akin. And there goes the awkward eye-to-eye contact, sabay nagsmile siya. O.O

 

"Cover your legs with that." Sabi niya, sabay tumayo at pumunta dun sa table tennis.

 

Sinundan ko lang siya ng tingin at humarap na ulit ako kila Nix na ngiting-ngiti sa akin.

 

"Grabe na 'to, Tori. Ang sweet sweet niyo ni Aaron baby mo! Parang ikaw yung girlfriend ah." Sabi ni Nix.

 

"Ugh! Tori, I just wish Cale would do that to me rin. Hahaha! Joke!" Sabi ni Ysa.

 

"Ano baaaaaa. Hahaha. "Wag niyo ko masyadong pakiligin!" Sabi ko.

 

Tumayo na ako doon at naglakad-lakad kami nila Nix at Ysa para tigilan na kami ng mga lamok. Sinuot ko nalang yung jacket ni Aaron since malamig din naman yung hangin.

 

"Uy, bebegurl! Bagay sayo yang jacket ni Aaron. Hingin mo nalang sa kanya!" Sabi ni Nix.

 

"Haha! Loko. Talaga? Sige nga, picture-an mo ko. Hahaha." Sabi ko.

 

Maya-maya sumingit naman si Aaron sa picture ko.

 

"Hey, Aaron! You exchange glasses with Tori!" Utos nanaman ni Nix sa amin. Kaya nagpalit nga kami ni Aaron, tas nagpose kami na nasa baba namin yung hands namin na para bang couple na nagpapacute. Haha. Suot ko glasses at jacket niya at siya naman, suot glasses ko at nakalean kami sa isa't-isa.

 

"Grabe! ANG CUTE NIYO, SHET!" Sabi ni Nix habn=ang tinitignan yung picture namin.

 

Natapos yung party na masaya. Puro kwentuhan, kainan at laro ginawa namin doon sa bahay nila Brandon. Sobrang appreciated niya yung pagpunta namin doon at pagsurprise namin sa kanya.

 

Pagdating ko sa bahay, binrowse ko yung mga nakuhanan naming pictures kanina. Sobrang tinadtad pala ni Nix yung camera ko ng mga mukha namin ni Aaron. Ang dami ding stolen shots ng mga tao. Haha. May isa pa nga dun na ang dumi ng bibig ni Brandon sa ice cream.

 

Hayyy. Super saya nitong araw na 'to At isama niyo na din yung kilig. Haha. Sayang nga lang aalis na sila Brandon next week. :(


-teeheezzle-

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

#Throwback Talk with Amanda Leighton from The Fosters

by: dyan, 2014-08-21

Up-and-coming actress Amanda Leighton from The Fosters and The Young and the Restless let her “inner old lady” out in our August issue. Here, some more from our exclusive interview...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved