Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Poll

Anong masasabi niyo sa story na 'to?

I'm looking forward to it! Susubaybayan ko 'to!
Nakakarelate ako!
Ayos lang.
Hindi siya interesting, actually.
Hindi maganda! Nakakatamad basahin.

Author Topic: Bittersweet Memories  (Read 2636 times)

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Bittersweet Memories
« on: December 01, 2012, 02:49:01 AM »
Prologue

We get so complicated
This fingers full of memories...
 
So rip my pictures from your wall.
Tear them down, burn them all.
Light the fire, walk away.
There's nothing left to say so
 
Take the ashes from the floor,
Bury them to just make sure
That nothing more is left of me.
Just bittersweet memories.

 
Bittersweet memories?
Yung emotions na na-feel ko while listening to this song are sadness and regrets. Parang nahihirapan yung guy na kalimutan yung girl pero on the contrary, sinasabi niya din naman kay girl na kalimutan na niya yung memories na 'yun. How sad could that get?
 
Hmmm...napaisip ako dun ah. Bakit bigla kong naalala lahat ng moments namin ni Aaron sa song na 'to?
Ano bang ibig sabihin ng "Bittersweet"? Neutral ba 'to? Kasi alam naman nating lahat yung feeling na bitter ka 'di ba? Tapos ang sweet, syempre sweet kayo. Ano ba 'yan, ang hirap i-explain. Parang wala kasi talagang connection eh. The words "bitter" and "sweet" were together in one phrase.
 
In short, halo-halong memories yan. Sweet memories na ayaw ko nang i-bring back kasi hindi naman ganun kaganda. Do you get it? I hope so.
 
Pero para sa'kin, bittersweet dahil away-bati din kami. We never had a proper talk. Nakakasawa na rin minsan 'no! Lalo na kung madami kang gustong malaman, itanong at siguraduhin. Gusto mo siyang kausapin nang maayos para masagot lahat ng tanong mo. Kaso wala talaga eh. 'Di mo alam kung iniiwasan ka o sadyang wala lang talaga eh. Malabo pa rin ba?
 
Well, eto lang naman ang love story ko na pagkahaba-haba ng tinakbo. And guess what, these memories are, what i can say, the best Memories kasi kakaiba, Bittersweet eh. Nakakaumay din naman kung laging sweet. Here you go...

--------------------------------------------------------------------
note: based on a true story po ito. :) hope you guys would read it. :D
« Last Edit: December 06, 2012, 11:07:39 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 1
« Reply #1 on: December 01, 2012, 06:09:59 PM »
Chapter 1

 

"Toriiiiiii!!! Anong section mooooo???"

 

Si Joan 'yan. Naging close kami nung Grade 6. Actually, kakagraduate lang namin from our Elementary days in the same school. High school na kami ngayon. Ang saya. Dito na din namin tinuloy high school namin sa Ann Arbor Montessori sa BF Homes, Paranaque.

 

"Aristotle ako. Kayo??"

 

"What?! Joan and I will be in Galileo."

 

'Yan naman si Diane or you can call her Hae Soo. Pure Korean siya pero she can understand Tagalog. Kinakausap nga namin ng Tagalog 'yan eh.

 

"Awww. Mag-isa lang ako dun sa Aristotle"

 

Nagpapatransfer ako to Galileo pero bawal daw. So i thought of it as a new beginning. High school na eh. Time for new friends. Dapat din naman ako matutong makipag-interact sa iba 'di ba? Hindi lang naman sila Joan at Diane ang students sa batch namin.

 

Wala na din pala ang 2-year crush ko na si Gian. Andun na siya sa Science High School ng City namin. ParSci, as in Paranaque Science. Oo, matalino siya. Nakapasa ako dun, actually kaso sabi ng dad ko sa Ann Arbor nalang daw ako 'til 4th year. Okay lang naman. At least andun friends ko. Baka isipin pa ni Gian sinusundan ko siya.

 

"Anong name niya?? Ang pogi, shocks!" Bulong ko kay Karrie, nasa classroom na kasi kami eh. Oo, ang harot ko. Haha! Pero ang pogi niya talaga kasi eh. New student si guy, i've never seen him before. Kilala ko lahat ng batchmates ko 'no! Dami ko ding napansing new student. Maybe dahil na rin first year kami. Connect?

 

"'Di ko din alam eh. Alamin natin. Sabi ni Karrie.

 

May napansin din ako na doon sa may far left side ng room, nasa dulo na seat siya kaya hindi ko masyadong napapansin, pero napansin ko din eventually. Kamuka niya si Genks, yung hearthrob na Fil-Jap samin nung grade school. Lumipat na din siya, sa San Beda Alabang. Anyway, nalaman ko na Korean pala si stranger na nasa dulo ng room. Pero wala akong pake sa kanya as of now, yung pogi ang kelangan ko na malaman ang name. Hahaharot. XD

 

"Curt! Curt Serezo daw ang name niya!!" Kinikilig na bulong sa'kin ni Karrie.

 

"Haha! Type niyo 'no? Pogi ba?" Sabat ni Brandon. Basag-trip talaga 'to. Si Brandon nga pala ang isa sa mga makukulit na nilalang ng batch namin. Pogi din 'to eh. Pero never ako nagkacrush sa kanya. Kamuka niya kaya si Makisig Morales. Mas maputi nga lang itong si Brandon at hindi katangkaran.

 

"Bakit ba? Inggit ka 'no?" Pang-aasar ko.



"Excuse me. Walang tatalo sa pogi nito 'no!" Pagmamayabang nito.



"As if naman. Manahimik ka nga d'yan!" Response ni Karrie na umirap pa.

 

Lumipas ang first day na panay ang pa-cute ko kay Serezo. Pano ba naman kasi, ang pogi, ang puti, ang bango, matangkad. Kaso tahimik eh, kaya hindi effective.

 

One week lang ang tinagal ng pagkakacrush ko kay Serezo. I realized na hindi siya yung type ng guy na ka-i-in-love-an ko talaga. I don't know. Sobrang tahimik niya kasi at hindi palatawa.

 

"Ano, kamusta na si Curt?" Ito nanaman si Brandon eh. Lakas mang-asar. -____-

 

"Ano bang pinagsasasabi mo d'yan?!"

 

"Sus! Magdedeny pa! Crush mo 'yan 'di ba?"

 

"Hindi NA! Kaya tigilan mo na 'ko"

 

Bakit ba kasi ito pa na-assign na seatmate ko eh?! Pero kahit papano nakekwentuhan ko din naman 'tong lokong 'to eh. Masaya din kasi makipagkulitan sa kanya.

 

Days passed and nagdidrift away na sila Joan at Diane sa'kin. Nung una nalulungkot ako. Pero nakita ko namang masaya sila sa mga naging set of friends nila eventually eh. Since dumami ang number of Koreans sa school, dun na belong si Diane. Si Joan naman, ayun, sila Kate na kasama, classmates kasi sila. Eh ako? Dun ako kila Nix, Alyssa at Karrie napapasama. Sila yung masasabi mong kikay na normal lang.

 

May kanya-kanya naman kaming understanding na ibang groups na sinasamahan namin eh.

 

Isa na din sa mga naging kaclose ko ay si Aaron. Siya si guy sa dulo ng room na Genks-look-alike. English name lang naman niya 'yung Aaron. Korean siya: Park Chan Young. Narealize ko na hindi naman talaga siya kamuka ni Genks. Sa una lang na tingin.

 

Mahilig siya makipagfriends, lalo na sa girls. I don't know how we got each other's numbers. Bigla nalang na magkatext kami almost everyday na. Kung anu-anong random things lang pinag-uusapan namin, halos puro asaran lang and all. Para kasing kuya ang tingin ko sa kanya kasi siya ang oldest sa section namin. Hindi ko siya nakikitang crush dahil alam ko sa sarili ko na si Gian pa rin. May communication pa naman kami eh. Yun nga lang, text-text lang.

 

To: Aaron Park

 Ya! May i call you "Dear Brother Aaron"?


 

Wala lang. Gusto kong ganun itawag sa kanya. Kasi nga kuya ang treatment ko sa kanya.

 

From: Aaron Park

 Why that?! Ok fine. :)


 

Akala ko mag-iinarte pa siya eh. Ang saya ko naman. May kuya na 'ko sa school!! Yay!

 

To: Aaron Park

 Yay! Thanks, Dear Brother Aaron! :D


 

Kinabukasan, sinubukan kong tawagin siya nun in public. I was testing him kung titingin siya. Since walanghiya naman ako nun, tinawag ko siya sa harap ng Korean friends niya.

 

"Dear Brother Aaron! Haha!"

 

Napatingin naman siya at nag-Hi! Halata kong napilitan siya. Tawagin ko ba naman siya nun in public eh. I know na nakakahiya yung name na yun. 'Di naman kasi kagandahan pakinggan.

 

Pag akyat sa classroom, kakaunti palang kaming nandun. Dumating si Alyssa,

 

"Iroooooot!!" Habang nakaambang iha-hug ako. Kasama niya si Nix. Galing siguro sila sa canteen. Pero wait, WHAT?! What dis she call me?!

 

"HA?! Anong sabi mo?" Gulat na sagot ko. Natatawa naman 'tong si Nix. -____-

 

"Irot. Kabaliktaran ng Tori. Oh 'di ba, cute? Cute cute kaya!" Tuwang tuwa amp. Pinarinig niya pa talaga sa mga tao sa classroom. Nasabi ko na bang may pagkataklesa 'tong si Alyssa? Ang lakas-lakas ng boses. Akala mo laging ang layo ng kausap niya eh. Pero sobrang nakakaproud na maging friend 'to kasi handa siyang ipagtanggol kung sino man sa'min na kaclose niya ang naaapi. Pero ngayon, medyo nakakabanas lang yung tinawag niya sa'kin.

 

"Yuck. Ang pangit kaya! 'Wag mo na yun uulitin, please? Ang pangit pakinggan eh. T.T" halos magmakaawa na 'ko.

 

"Ayoko nga. Cute nga eh. Kung ayaw mo, ako gusto ko. Wala kang magagawa. Haha!" Saya niya, bwiset. Badtrip. Ang pangit talaga. Asar na asar na nga ako nang biglang...

 

"Yeah!! Alyssa, that was nice! Irot irot irot!" Lecheng Aaron 'to!! Panira ng araw. Ginatungan pa eh.

 

"I know, right?!" Sagot naman bigla ni Alyssa. WOAH! Wait. Himala, magkasundo 'ata sila. Alam ko hindi talaga talo 'tong dalawang 'to kaya 'di nagkakasundo eh. Pero what is happening?! Nagkasundo sila sa mabantot na "IROT" na yun?! Wth?! 'Di ko alam kung dapat ba 'ko matuwa kasi magkasundo sila eh, or mainis dahil ang sama talaga pakinggan.

 

"Kayong dalawa! Tigilan niyo nga ako! My goodness! Kairita!" Reklamo ko.

 

Bakit ba nakikisali pa 'tong lokong 'to?!

 

Oh wait, is he doing this 'cause of what i did earlier? Yung "Dear Brother Aaron" thingy? So nahihiya nga siya 'pag tinatawag ko siya nun?? Hahahahaha! So gumaganti siya?! Oh no!!

 

Kumalma na yung dalawang loko sa pang-aasar sa'kin. Pero etong si Aaron, hanggang ngayon tatawa-tawa pa rin. Umupo pa sa seat sa tabi ko, sa upuan ni Brandon, saan na ba kasi yun? Baka nasa canteen pa. Tagal naman oh! Nang lumayas na 'tong si Koreano sa tabi ko. -____-

 

"Hi, Irot! Haha!"

 

"Don't talk to me." Sabi ko habang nakatingin nang diretso. Pikuning bata ako eh.

 

"Fine fine. Sorry. Don't be mad, okay?" Sabi niya habang 'di pa rin maiwasang ngumiti.

 

"Stop it, okay? You don't even know my real name." Poker face. Oh sht. Bakit ko sinabi yun?!

 

"What is it?? I want to know now" pangungulit nito. Ugh. Bakit ko pa kasi sinabi eh?! Ayoko talaga yung name ko eh. Ang baduy. T.T

 

"No!"

 

"Please???" Ayaw niya akong tigilaaaan!! Inaalog pa 'ko sa shoulders ni loko. Ugh!

 

"Tonette Rianne! There! Happy?!"

 

Napaisip siya. Siguro iniisip niya kung bakit naging Tori. Hay slow kid.

 

"Ahhhhhh" parang amazed na amazed yung muka ni loko. Pero nangingiti siya. Ano, tatawanan niya nanaman pangalan ko?! Namumuro na 'to ah.

 

"It's nice" ano daw? Nice daw pangalan ko? Weh?! Ew. Pero napangiti ako dun ah. 'Di yun kilig for sure. Natuwa lang ako kasi I, myself, don't appreciate my own name. Pero siya, na-appreciate niya.

 

"Hey, man! What's up?" Andyan na pala si Brandon.

 

"Oh, sorry. I'll go back to my seat now. Bye." sabi ni Aaron.

 

"No, it's okay. I think you and Tori are talking. Continue. I'll stay there" sabay turo kila Gabe at Jrey. Classmates din namin sila. Naging close ko din yung mga yun dahil pare-pareho kaming naka-enroll sa guitar class for our Music subject. Madalas ko sila maka-bonding. Kasama na si Brandon dun.

 

"Oh. No no. I'll go back to my seat. Thanks!" Pilit ni Aaron at umalis na din. Umupo naman si Brandon at nag-smug face sa'kin.

 

"Problema mo?" Tanong ko habang naka-kunot-noo.

 

"Wala langzzzzz. Haha! Deh. Siya na ba pinalit mo kay Serezo??" Ito nanaman siya sa pang-aasar niya.

 

"Hindi ah. Naging close lang kami. Issue ka dyan ah!"

 

"Sige, sabi mo eh" pero nakangiti pa ring nakakaloko.

 

"Bakit pala ngayon ka lang? Tagal mo kumain ah." Tanong ko.

 

"Ah. Hindi ah. Nakilala ko kasi si Aivory, yung new student sa Fleming."

 

"Ohhhhhh. Crush mo 'no?" With matching smug face pa 'ko nyan.

 

"Hmmm...pwede. Pretty naman siya eh. Kamuka siya ni Erich Gonzales."

 

"Uyyy, si Brandon, may crush kay Aivory. Hihi"

 

 

The next day,...

 

Nakilala ko naman yung isa sa tropa ni Aaron na Korean din, si Tom. Siya naman ang naging happy crush ko nun. Cute kasi siya. Galileo ang section niya. Classmate niya sila Joan kaya medyo close sila. Happy crush, kasi hindi pa seryoso. Haha. Because still, the defending record-holder is Gian. Ewan ko ba. Crush ko pa rin yun, since grade 5 pa.

 

*Flashback*

 

Birthday ko, pagkaakyat ko sa classroom galing flag ceremony sa gym, i spotted something on my armchair. May paperbag dun. Nagtataka pa 'ko kung kanino galing. Ininvestigate ko yung paligid ng paperbag and found a note written on it:

 

Happy Birthday, Tori!

 

It was from Gian. Kilig na kilig ako. Pano ba naman, heart-shaped na pillow ang gift niya sa'kin.

 

*end of flashback*


 

Anyway, back to Aaron.

One day, nalaman ko nalang na nililigawan niya si Kate.

 

1 message received

From: Aaron Park

 Tori! Can u help me court Kate?


 

Wth? Ano ako, bridge?! Sinuswerte na siya?! Oo, alam kong alam niya na close kami ni Kate, pero wow ha? Pero...

 

To: Aaron Park

 Fine. How can i help u? :/


 

Langya. Bait ko naman kasi eh. Tsaka "brother" ko nga siya 'di ba?

 

after some days,....

 

'Di siya sinagot ni Kate kasi 'di daw niya type si Aaron. I really tied to help him pero si Kate na mismo nagsabi sa'kin na 'di niya talaga gusto si Aaron. Aww. Kawawang bata. Haha!

 

"Ayaw mo talaga sa kanya?? Mabait naman siya ah. May itsura naman kahit papano." I was really trying to get some chance na baka meron talaga.

 

"Hay nako, Tori! Ayoko nga! 'Di ko siya type. Kung gusto mo sa'yo nalang!" Sabi naman ni Kate.

 

"Nooo! Kuya lang tingin ko dun 'no! Anyway, fine. Sige."

 

Oh well papel. 'Wag pilitin ang ayaw. Pero naawa ako kay Aaron after nun. 'Di maipinta muka niya sa sobrang lungkot. Mga 3 days din na iniwasan niya si Kate.

 

Ang dami din niyang niligawan afterwards. Para bang tinutuhog niya yung girls ng batch namin isa-isa. I feel like 'di naman siya serious about girls. Then,...

 

1 message received

From: Aaron Park

 Tori, can i court you??


 

Hindi ko talaga ineexpect yun dahil alam ko friend lang talaga tingin niya sa'kin. Nakakaloka 'to. Ano bang dapat ko isagot? Magpapaligaw ba 'ko dito?

 

Wait, tinatanong pa ba yan? I'm sure i don't feel anything for him. So why give him a chance. Now i understand Kate. 'Pag 'di mo gusto, mahirap din pilitin sarili mo na magustuhan siya.

 

Inaayos ko yung stuff ko sa cabinet ngayon. Weekends naman eh. Well, i guess, it's the best time to clean up. When...

 

1 message received

From: Aaron Park

 What r u doing?

 

To: Aaron Park

 Packing my clothes. :) i'm going to the province already. I'll be studying there. U?

 

Syempre joke lang yun!! Oh no. Umiral ang pagkapilya ko. Pikunan nanaman aabutin nito. Haha!

 

From: Aaron Park

 What?! U can't go there!! Don't go!! Please?!


 

To: Aaron Park

 Haha. Why??


 

Tumawag pa siya bago pa makapagreply. Pero nung sinagot ko naman ayaw na niya magsalita. Weird.

 

From: Aaron Park

 .....because.....


 

Ano ba 'to?! Pasuspense pa eh!! Kainis.

 

To: Aaron Park

 Because...?


 

From: Aaron Park

 .....because.....


 

Tae!! Ano ba 'to?! Naiihi na 'ko eh! Haha.

 

To: Aaron Park

 WHAT?! WILL U SAY IT ALREADY?!


 

Nakakairita na kasi eh!! Pero bakit excited ako malaman?

 

From: Aaron Park

 ...because i love you!!


 

WHAT?!?!
« Last Edit: December 06, 2012, 11:07:02 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 2
« Reply #2 on: December 01, 2012, 07:31:50 PM »
Chapter 2

1 message received

From: Aaron Park

...because i love you!!


 

WHAT?!?! Omg. Wait, is he serious?! No way!! Pa'no nalang 'pag nalaman niyang nagjojoke lang ako?! Baka hindi na niya ko kausapin forever. Mapapahiya siya! Eeeehhhh!! Ano nang gagawin ko?! T.T

 

Hindi ko siya nireplyan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. :(

 

*calling*

Aaron Park


 

O.O omg. Sasagutin ko ba 'to?! Naloloka na 'ko. Shall i tell him the truth?

 

I answered the call.

"He-hello?" Gosh. Anong sasabihin ko?!

 

"Tori ya! Don't leave. Please?" Parang ang tamlay ng boses niya. Malungkot ba talaga siya? Awww. Nakakakilig naman isipin na may kaibigan akong ganito. Na malulungkot 'pag umalis ako. Kaso, isa na nga lang siya sa mga ganung friends ko, tapos gumawa pa 'ko ng paraan para mapalayo siya sa'kin. Bakit ba kasi pinagtripan ko pa 'to eh! :(

 

"Aaron, uhhh...you see, i was just...uhmmm...i was just joking, you know? I won't leave. I'm just fixing my room right now" ang hirap. Nauutal pa 'ko. Plus, i'm nervous of what his reaction will be. >.<

 

"Oh. Okay. I'll just see you tomorrow" yun lang sinabi niya! Mygahd! Kamusta naman yun?! T.T galit ba siya? Napahiya? Nainis? Nagtampo? Feeling ko lahat eh. :((( ang stupid mo naman kasi, Tori eh!

 

Kinabukasan, hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko talaga alam kung pa'ano siya haharapin.

 

"Brandon!!! Anong gagawin koooo?" Pangungulit ko sa kanya. Naikwento ko na din kasi sa kanya eh.

 

"Bayaan mo siya. Ikaw naman kasi eh! Loko ka rin eh 'no? Lilipas din 'yan. Close naman kayo eh. Madali lang niya mapapalampas 'yan" sabi ni Brandon. Muka 'atang matamlay siya ngayon?

 

"Whatever. Pero wait, may problema ka ba? Bakit parang hindi ka 'ata maligalig ngayon?" Tanong ko.

 

"Eh kasi naman! May Koreanong aali-aligid kay Aiv" ohhhh, in-love na kaya 'to si Brandon?

 

"Koreano? Sino naman 'yun? Ka-batch natin?"

 

"Oo 'ata. Galileo section. Tom 'ata pangalan nun" omg. Seryoso?! Si happy crush ko?!

 

"Oh?! Nililigawan niya si Aivory?" Tanong ko. Hindi naman masakit sa'kin yun. Happy crush lang naman eh. Pero gusto kong tulungan si Brandon.

 

"Hindi pa naman 'ata. Pero sana hindi na talaga."

 

"Bakit 'di mo kasi ligawan?!"

 

"Eh hindi ko naman kasi sure kung gusto niya rin ako eh. Mapapahiya lang ako" ahehehe. Torpe lang ang peg nito? XD

 

Pero dapat kong tulungan 'to si Brandon.

 

Bumibili ako sa canteen at nakasalubong ko si Aaron. Napatingin ako sa kanya. I was shocked when he smiled at me. Wait, so hindi siya galit? Ganun ganun lang yun? :/ pero 'di ba dapat masaya ako kasi hindi siya galit? Oo, dapat masaya ako! Yay! Hindi galit si Dear Brother Aaron sa'kin! Nagbalik na ang kuya-kuyahan ko! Haha.

 

Magkatext na ulit kami lagi. Naging maliwanag na sa kanya na ni-reject ko siya. Ang tanga ko lang naman kung papatulan ko siya 'di ba? Si Aaron na niligawan halos lahat ng babae sa batch namin (and i'm not exaggerating here) sasaluhin ko? No way. I love my reputation in school. Kilala kaya ako na honor student. Tapos papatol sa Koreanong playboy? Psh.

 

"Toriiiiii!!" Tawag sa'kin ni Karrie habang papalapit. Nakaupo kasi ako sa chair ko. Wala lang, nagpapahinga.

 

"Oh, bakit? May problema ba?" Tanong ko.

 

"Walaaaa. Uhhh...ay oo, meron. Uhhh...meron na wala. Hay!! 'Di ko alam!" Ano daw? 'Di ko siya maintindihan. Para kasing nag-aalala or namomroblema yung muka niya eh.

 

"Sabihin mo na kasi!" Naaatat na 'ko eh. Haha.

 

"Si Aaron kasi eh!"

 

"Oh, anong meron?"

 

"Nililigawan niya ko!!" What?! So it's Karrie's turn. Hayy. Ang landi talaga ni Aaron. Parang 2 weeks ago lang ako nilalandi nito ah. Ibang klase talaga si loko.

 

"Oh, nagpapaligaw ka naman?" Don't tell me...

 

"Ayos lang naman eh. Tignan natin." Omg. She probably likes Aaron, too. Oh well papel.

 

"Ikaw bahala. Ingat lang. Haha" sabi ko. Totoo naman eh. Alam naman nating lahat na playboy yun eh.

 

---

 

Nasa dance club sila Nix at Karrie. Pumunta ako dun kasi, wala lang. Trip ko lang. Dance club din nga pala si Joan. So ayun, magkakausap kami tungkol sa panliligaw ni Aaron kay Karrie. Dismissal time kasi ang practices ng dance club kaya chill na kami.

 

"So balak mo nga sagutin?" Tanong ni Nix kay Karrie. Break time kasi kaya nakakapagkwentuhan kami.

 

"'Di ko pa alam eh" sagot naman ni Karrie.

 

"Edi may chance nga!" Sabi naman ni Joan.

 

"Oo nga. Hindi ka naman magkakaganyan kung ayaw mo eh. Basta warning lang ha? Alam mo naman yang si Aaron eh." Expert kasi sa love itong si Nix eh.

 

Nakikinig lang ako sa kanila. Yun bang kasama ako sa convo pero tahimik lang ako. Bigla namang naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.

 

1 message received

From: Aaron Park

Did u see my letter na?


 

Ano ba 'to? Nasa school pa 'ko, nagtext kagad. Namiss ako kagad ah. Haha. At anong letter pinagsasasabi nito?

 

To: Aaron Park

What letter?

 

From: Aaron Park

I put it in ur bag. Look for it there.


 

Chicks pala 'to eh! Utusan ba 'ko? Edi syempre ako naman 'tong si shunga na hahanapin. Nasa may gate 1 pa ng school yung bag ko. Ba 'yan!! Maglalakad pa 'ko. Hindi ba pwedeng mamaya nalang yun pagkauwi ko?!

 

To: Aaron Park

Later, when i get home.

 

From: Aaron Park

No, i want u to read it now.


 

Aba eh, chicks talaga! Ga'no ba ka-importante yung pesteng letter na yun at desperadong ipabasa sa'kin right at this moment?! Naglakad na 'ko papunta sa gate 1. Hinanap ko naman. Halos hukayin ko ang bag ko bago ko pa nahanap eh. Naka-fold pa nang hindi-ko-maintindihan way. Kakaiba eh. 'Di ko 'to natutunan sa bundok, sorry.

 

At ang laman ng letter:

 

NO!

I am not a playboy. Hehe~

It's true. OK?

 

They are misunderstand!

Just i want to make friends with them...

I found but my mistake...

I can't become friends with them.

Keep it in your mind.

(I am not a playboy)

You cannot understand my feeling

*that is my problem. Hehe


 

Woah. Medyo paulit-ulit kong binasa yun hanggang maintindihan ko. Nagnosebleed ako eh. Hindi dahil sa galing at deep ng English niya, pero nagnosebleed ako dahil sa sobrang nakakasakit sa ulo yung English niya. 'Di ko maintindihan. Pero i kind of get his point. I'm not that stupid. Pero ang sakit talaga eh. Haha! At ang taray, may paninindigan yung tone of voice na na-i-imagine ko sa letter na 'to ah.

 

Pumunta kaagad ako kila Nix at pinabasa ang letter. Sumakit din ulo nila sa pagbabasa.

 

"Nakakaloka. Sakit sa bangs nun ah! Tori, close naman kayo 'di ba? Turuan mo nga 'yan!" Reklamo ni Nix.

 

"Sige. Haha." Sagot ko habang natatawa.

 

"So anyway, yun naman pala eh. 'Di naman DAW pala siya playboy eh" sarcastic na sabi ni Joan. In-emphasize niya pa yung DAW. Parang 'di naniniwala. Duh. 'Di naman kami ganun ka-stupid para 'di mahalata yun 'di ba?

 

Tahimik nalang si Karrie.

 

---

 

Nang mga sumunod na araw, kami ni Nix ang kind of naging bridge nila Aaron at Karrie. Napansin ko kasi na gusto talaga ni Aaron si Karrie kaya pumayag na din akong tulungan siya. Si Nix naman ang assigned kay Karrie. Sa kanya ko nalalaman yung nafee-feel ni Karrie for Aaron at yun ang magiging base namin kung dapat ba na maging sila.

 

As for Brandon, gumawa ako ng paraan para maging close kami ni Aivory. Magkatext kami and all. At nalaman ko na gusto niya din pala si Brandon. Edi 'yun. Naging MU sila. Eh si Tom? Ayun, naging kaclose ko rin. Crush niya pala talaga si Aivory. Kaso wala eh. Mas close ako kay Brandon kaya siya ang tinulungan ko. Well, napalapit naman si Tom kay Joan and now, sort of MU sila. Baliw din 'to si Joan eh. Kuya rin ang tawag niya kay Tom. Sige, sila na. Ako na ang stuck pa rin kay Gian. Kainis. -____-

 

"Why did you help Brandon?" Nag-pause pa siya. "Ahhh, you like Tom 'no?" Loko 'to ah. Lakas makasira ng mood.

 

"Excuse me, Aaron. I have a boyfriend" okay, WHY THE HELL DID I SAY THAT?!

 

"Really?! What's his name?" Sht sht sht. Sino ang sasabihin ko?! KILL ME NOW!!
« Last Edit: December 06, 2012, 11:05:41 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 3
« Reply #3 on: December 04, 2012, 10:42:17 PM »
Chapter 3
 
"Really?! What's his name?" Sht sht sht. Sino ang sasabihin ko?! KILL ME NOW!! Isip, Tori! ISIP!!!!
 
 
 
 
 
"Gian"
 
WTF?! Tori naman eh! Umiral nanaman 'yang kagagahan mo eh. Bakit mo ba kasi sinabi pa yun?! Para lang ma-mislead si Aaron na hindi ko crush si Tom?? Maybe? Pero bakit 'yun pa?!
 
"Ahh. That's why you said no to me. Why didn't you say so? Where is he now?" Naniniwala siya?! Dapat na ba 'kong umamin na joke lang yun? Sa bagay, the last time na ginawa ko 'to parang wala lang sa kanya eh. Might as well tell the truth now.
 
"I'm just joking. I don't have a boyfriend and i don't like Tom, okay?" There. I said it. Achievement! Hindi ako kinabahan.
 
"Hay nako, Tori! Liar talaga!" Aba! Tumatagalog na din 'to si loko?
 
Hindi yun dapat makarating kay Gian at sa tropa niya. Haha. Classmate din kasi namin tropa niya eh. Or else, i'm doomed!!
 
By the way, nasabi ko na ba na naging sila Diane at Aaron? Yeah. Naging sila for like, 3 days? Bilis 'no? Tapos after naman ni Diane, si Lizzie naman. Koreana din. Mas tumagal naman yun. One week. Oh, 'di ba? Bumongga siya dun.
 
Sila kaya ni Karrie magtatagal kung sakaling sagutin siya nun? Sana naman magpakatino na siya 'no!
 
"Tori, ano ba, dapat ko ba siyang sagutin?"
 
"Ikaw bahala. Choice mo naman 'yan eh" pero sa totoo lang naman, alam ko namang may gusto na din 'to kay Aaron eh.
 
"Kasi kanina kinukulit na niya ko eh. Sabi niya kasi nung isang araw hihintayin niya daw sagot ko in 2 days"

"Ba! Talagang may date? At talagang kelangang 2 days ha? Bilis naman niya. Nagmamadali 'ata eh. Haha."
Natatawang sabi ko. Ibang klase talaga level ng kalandian nitong lalaking 'to
 
"Oo nga eh. Demanding."
 
"Oh eh at least may 2 days ka pa to decide 'di ba? Kaya mo 'yan! Just think positive." Pero even I, myself, don't know kung dapat ba sagutin ni Karrie si Aaron.
 
"Ano ka ba, Tori? Hindi ka ba nakikinig?? 2 days daw. Nung isang araw niya pa sinabi yun. Which means, today is the last day. Malamang kukulitin na 'ko nun mamaya!" Nagpapanic na si Karrie.
 
"Sorry naman ah. Edi dapat maghanda ka na ng sagot mo before today ends! Kaya mo 'yan, Karrie!"
 
Iniwan ko muna siya para makapag-isip. Pero pagkaakyat ko ulit, wala na siya dun sa classroom. Baka umuwi na or,....baka kausap na si Aaron ngayon.
 
Bumaba ako papuntang gym. Agad ko namang nakita si Karrie dun sa may bleachers. Mukang aalis na siya kasi inaayos na niya yung bag niya. Pero nakita kong lumapit si Aaron sa kanya. Oh no, ito na ba yung moment? Pinanuod ko lang sila. Aamba pa sana si Karrie na aalis pero napigilan naman siya ni loko. Edi ayun, wala siyang nagawa. Maya-maya, nakita kong ang saya na ni loko. Most probably, sinagot na siya ni Karrie.
 
---
 
I was right. Sila na nga that time. Pero 'di pa sila nagtatagal ay ganito na si Karrie,
 
"Ugh! Nakakairita na siya! Pati ba naman si Mommy tinetext niya. Isama niyo na rin sa Ate!" Nagrereklamo na si siya about Aaron.
 
"Huh? Eh bakit daw?" Tanong ni Nix.
 
"Nagsusumbong na hindi ko daw siya sinasamahan 'pag inaaya niya ko tuwing recess! Ang babaw 'di ba? At iniiwasan ko daw siya sa school."
 
"Iniiwasan mo nga ba?" Tanong ko. Nahahalata ko rin kasi yun. Parang ayaw niyang makita siya in public na kasama si Aaron. Parang nahihiya siya. Para bang joke time lang sa kanya. Everytime na lalambingin siya ni Aaron, lagi niyang sasabihin, 'you go there!' Para bang aso. Tapos paglalapit sa kanya si Aaron, lalayo siya tapos natatawa pa. Halata mong hindi seryoso. Siguro ganun siya dahil alam niya na hindi naman din talaga seryoso si Aaron sa mga babae. Pinapakita niya na hindi din dapat sineseryoso ang ganung lalaki. Serves him right, huh? Haha! Omg. Ako na ang nagkwento.
 
"Ehhh kasi naman eh. Nahihiya akong kasama siya at ang kulit kulit niya. Gusto niya lagi kaming magkasama!" Karrie. See? I was kind of right. Haha.
 
"Alam mo, feel ko hindi mo naman talaga gusto 'yan si Aaron eh. Para bang sinubukan mo lang na maging boyfriend siya. Haha. No offense, huh? Siguro na-feel mo na baka masaya siya maging boyfriend. I don't know. Pero kung ganyan din lang nang ganyan, might as well break up with him habang maaga pa at wala pang masasaktan nang sobra sa inyong dalawa." Nix. Woah. Basta pag expert talaga sa love eh, 'no? Pero tama naman siya eh. Makipagbreak na siya habang maaga pa at wala pang gaanong masasaktan.
 
"Pero pa'no? Baka magsumbong siya kay Mommy. Close na kasi sila eh. Minsan nga parang mas kinakampihan pa siya kesa sa'kin eh. Baka isumbong niya lang din yung tungkol kay Paul" nag-aalalang sagot ni Karrie. Wow ha? Si Aaron major sumbungero. Haha! Si Paul nga pala ay isa sa mga new students ng batch. And guess what, classmate din namin siya. May something sa kanila ni Karrie pero hindi pa rin sila makapag-aminan dahil nga sa boyfriend pa ni Karrie si Aaron.
 
"Edi tell your mom na hindi ka masaya kay Aaron. Just don't tell her about Paul. Hindi pa naman magiging kayo agad-agad 'di ba? Layo ka muna kahit konti kay Paul para hindi talaga maghinala si Aaron." Sabi ko. Okay ba sa advice? Haha.
 
---
 
Kinabukasan, kausap namin ni Nix si Aaron.
 
"I think she likes Paul more than me" aba! Si Koreano dumadrama?! I'm like, WOAH! O.o
 
"She likes you, too. But you know, you're just too....uhmmm..." Hindi malaman ni Nix kung pano niya sasabihin.
 
"Stupid. You're just too stupid. Why the hell would you always talk to her mom about her behavior towards you?? Why don't you talk to Karrie first and fix your problems?? Why would you go straight to her mom?? What, naghahanap ka ng kakampi??" Lumabas lahat 'yun sa bibig ko. O.o
 
"Uyy, dahan-dahan. Grabe ka naman. Mukha na ngang kawawa tapos kinawawa mo pa lalo. Adik ka pala eh" sabi ni Nix sa'kin. Okay, maybe i was too harsh but i have a point, right? Dapat pag usapan muna nila before siya magsumbong diretso sa mom ni Karrie. Ang childish niya kasi!
 
"How can i talk to her when she's always avoiding me?" Malungkot na sagot ni Koreano.
 
"Ang clingy kasi eh." Bulong ko. Pero narinig ni Nix kaya siniko ako nito.
 
"What if she breaks up with you? What will you do?" Tanong ni Nix. Nagulat ako sa tinanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Bakit niya sinabi 'yun? Pero naisip ko, expert nga 'to 'di ba? Though shall trust an expert. Haha.
 
"I don't know what to feel. Of course, i'll be sad. Wait, is she going to break up with me??" Tanong ni Aaron.
 
*uy, nagtataka ba kayo kung bakit ang galing niya mag-English compared dun sa letter niya last chapter? Eh kasi syempre baka isipin niyo na ang author ang stupid sa English kaya nirerevise niya nalang mga sinasabi ni Aaron. Haha!*
 
Nagkatinginan kami ni Nix at sabay tumingin kay Aaron. Nanahimik lang kami. Yumuko nalang si Aaron. Alam na niya siguo 'yun sa sarili niya. Pero Nix broke the silence.
 
"Just ask her"
 
Ang masakit pa kasi dito ay first monthsary na nila bukas. What if bukas pa napagdesisyunan ni Karrie na makipagbreak? Edi mas masakit. Hayy buhay. Kawawang Aaron.
 
---
 
1 message received
From: Aaron Park
  I have a surprise for her tomorrow.
 
To: Aaron Park
  What is it?
 
From: Aaron Park
  But promise me, you won't tell her, okay?
 
To: Aaron Park
  Okay, promise!

 
Pa-suspense pa 'to si loko eh. Parang excited pang ibalita sa'kin. Parang kanina lang sa school ang lungkot niya ah. Alam na nga niya mangyayari pero nag-e-effort pa rin siya. Mahal niya nga talaga siguro.
 
From: Aaron Park
  I'll give her a ring. We'll have a couple ring. :)

 
Haha. Masaya na siya n'yan? Natuwa masyado kaya ibinalita sa'kin.
 
To: Aaron Park
  Good for u. :>

 
---
 
"Hey, how was it?" Nakangiting tanong ko kay Aaron pagpasok niya sa classroom. Gusto ko malaman kung anong reaction ni Karrie sa 'surprise' niya. Haha. Malamang naibigay na niya yun. Kakatapos lang kasi ng recess namin.
 
Pero ang kinagulat ko ay parang malungkot siya at hindi ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako na parang walang naririnig. Sinundan ko nalang siya ng tingin. Pumunta siya sa chair niya at may nilagay na maliit na box sa bag niya. Ano kaya 'yun? 'Yun kaya yung ring na ibibigay niya kay Karrie? Nangyari na kaya 'yung ikalulungkot niya kaya siya nagkakaganyan? Oh noo! Pagkatapos niya ilagay iyon sa bag niya, lumabas din siya kaagad ng classroom. In fairness, na-snob ang beauty ko dun. Haha! Hindi ba naman ako pansinin?!
 
Nakita ko namang papasok si Nix, Alyssa at Karrie ng classroom. Lumapit naman ako kaagad sa kanila.
 
"Guys, anyare?" Siguro alam na naman nila kung ano tinutukoy ko 'di ba?
 
"Edi 'yun! Break na!" Sabi ni Alyssa. Parang natutuwa pa. Hindi naman kasi talaga siya favor kay Aaron eh. 'Di ba nga, hindi sila magkasundo.
 
"Pa'no mo nalaman? Hinahanap ka nga namin para ma-witness mo eh. Malungkot ba si Aaron?" Tanong ni Nix.
 
"Oo eh. Sama niyo naman, talagang na-witness niyo pa ha? Haha." Sabi ko.
 
---
 
"Are you sad?" Pa-inosenteng tanong ko kay Aaron. Kakatapos lang ng lunch at walang teacher sa next subject. Edi free time!!
 
"What are you saying?! Of course i'm sad!!" Nanlalaki pa yung singkit na mata niya. Woah. More like mad, man! Haha. Scary.
 
"Okay okay! Sorry ha?!" Sabi ko. Tama ba naman kasing makipagtalo pa ngayon 'di ba? Wth, Tori? XD
 
"You guys can have this!" Sabay abot niya sa amin nung maliit na box na nakita kong nilagay niya kanina sa bag niya. Umalis na din si Aaron.
 
Binuksan namin ni Nix. Tama nga ako. 'Yun yung ring na sinasabi niyang surprise niya kay Karrie. Mukang mamahalin ah. Yung isa simpleng ring lang pero yung isa, ring na nakasabit sa necklace. 'Yun daw ang dapat kay Karrie. Pinaghatian naman namin ni Nix. Haha. Mga loko lang eh. Akin yung necklace type one. Pinatago ko muna kay Nix for ilang days hanggang nakalimutan ko nang kunin. Lagi niya kasing naiiwan sa bahay eh.
 
---
 
Makalipas ang ilang linggo, napansin naming nagiging close na nga sila Paul at Karrie. Pero parang wala nalang kay Aaron. Mabilis lumipas ang lahat para sa isang playboy. 'Di ba, 'di ba??
 
"Napapansin niyo din ba 'yun?" Tanong ko kay Ramaine at Lewis. Naging close na kami. Classmates ko din sila. Ang dali naming nagkasundo. Mas madalas ko na nga sila kasama kesa kila Nix, Alyssa at Karrie these past few days eh.
 
"Oo kaya. Madalas kaya silang gumagala sa ATC" sagot naman ni Raine, yan ang tawag ko sa kanya in short.
 
"Oh? Pa'no mo naman nalaman?" Tanong ni Lewis. Pinag-uusapan namin ngayon ang pagiging close ni Aaron bigla sa higher batch.
 
"Duh! Edi sa Friendster! Nag-a-upload ng pictures dun sila Ate Nikka at Ate Korin" sabi ni Raine. Oo, uso pa Friendster sa amin nung 1st year.
 
"Ohhh. Eh bakit ba kasi affected ka, Tori?" May pang-aasar sa tone of voice ni Lewis.
 
"Sa totoo lang kasi, mas napapalapit na siya doon sa higher batch eh. Ewan ko, parang napapalayo na siya sa akin. Ewan ko. Kasi 'di ba siya ang kuya-kuyahan ko. Para bang nagseselos ako." Ang dali kong nasabi sa kanila 'yun. Magaan nga kasi loob ko sa kanila.
 
"Hay nako, Tori! Bayaan mo na 'yun! Andito naman kami eh!" Sagot naman ni Lewis.
 
---
 
"Nililigawan na daw niya eh. 'Yun yung balita eh." Sabi ni Raine.
 
Oo, nililigawan ni Aaron si Ate Korin. Madali siyang naging close sa higher batch dahil one year younger lang naman siya sa kanila. 2 year older naman sila Ate Korin sa 'min. Pero bakit parang nagseselos ako? Hindi 'to pwede!!
 
"Crush mo na 'no?" Nahalata siguro ni Lewis yung reaction ko.
 
"Hindi ah!" Hindi pwede! Ayoko!
 
"Sige, sabi mo eh" ang sarcastic ng dating niya.
 
"Oh noooo, Tori! Feeling ko may crush ka na sa kanya!" Nag-aalalang sabi ni Raine. Forever soft-spoken 'tong si Raine. Ang hinhin niya kahit galit na.
 
"Hindi ngaaaaa! T.T" depensa ko. Ano ba 'to?! Ayoko nitoooo!!
 
---
 
Retreat namin. Overnight yun. Sinurrender phones namin during the activities. Pero nung binalik na sa amin that night, magkatext pa rin kami
 
1 message received
From: Aaron Park
  Tori, r u still awake??

 
Nasa quadrangle side kasi kami nung retreat house. Sila Aaron din. So nakikita ko window nila. Sumilip ako at nakita kong may patay 'yung ilaw nila pero may nakikita akong konting light. Para bang may phone na nakabukas. Malamang lamang siya na yun.
 
To: Aaron Park
  Yeah. Still am. Why?
 
From: Aaron Park
  Nothing. Just checking. :)
 

Bakit siya ganito?! Bakit ako kinikilig?! Hindi naman kakilig-kilig yung sinabi niya ha?! Oh noooo!!

To: Aaron Park
  Oh. Okay. I'll sleep now. Goodnight! U sleep na rin!
 

Dapat ko na 'tong iwasan.
 
From: Aaron Park
  Oh. Ok fine. Goodnight! I'll sleep too.

 
Back in Manila...
 
"Tori, sama ka sa amin!! Lilibre daw tayo ni Aaron sa Starbucks sa may Phase 1!" Aya ni Kate.
 
Sasama ba 'ko?? Baka hindi ako payagan eh.

To: Mommy
  Mommy, pwdng pumunta sa SB w/ friends? Sandali lang kami.

 
Papayag kaya?
 
From: Mommy
  Cge. Pero sandali lang ha? Balik ka sa school. Dun kta sunduin. Ingat.

 
Woah!! Seryoso?! Pumayag siya! O.o
 
To: Mommy
  Ok. Thanks!

 
Pumunta na kami sa Phase 1. Umuulan pa nang malakas nun. Ang lamig sa SB. Naka-slippers nga lang ako eh. Oo, ang squatter mode ko lang nun. Kainis. Eh malay ko ba naman kasing pupunta kami dun 'di ba?!
 
"What do you want to order?" Tanong niya sa amin.
 
Sinabi nila mga order nila. At ako, "Whatever. You guys order for me"
 
Hindi ako makatingin kay Aaron. Nagkakacrush na nga ba ako kay sa kanya?? Bakit pinipigilan ko sarili ko na magkagusto sa kanya??
« Last Edit: December 06, 2012, 11:05:22 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 4
« Reply #4 on: December 05, 2012, 08:29:08 PM »
Chapter 4
 
"Oo nga, Tori! Bakit nga ba? Crush lang naman eh. Ano bang problema dun??" Tanong ni Raine. Nasa canteen kami ngayon. Kumakain habang gumagawa ng homework.
 
"Eh kasi alam niyo yung feeling na nireject ko siya dati? Tapos what if malaman niya pa na may crush na 'ko sa kanya?? Tatawanan lang ako nun!" Sunod sunod na sinabi ko. Oo, natatakot ako sa magiging reaction ng mga kaibigan ko, yung mga tao sa paligid at pati na rin ni Aaron once na malaman nila. Iisipin nila na si Tori Hernandez na honor student, magkakacrush sa isang playboy na Koreano. Ew.
 
"Bakit? Crush lang naman ah! As if naman papakasal na kayo kaagad!" Sabi ni Lewis.
 
"Palibhasa madali lang lahat para sa'yo eh. Para kang girl version ni Aaron. Playgirl ka kasi!" Sagot ko. Para sa isang normal na babae, masakit 'yun marinig mula sa kaibigan mo, pero para kay Lewis, medyo compliment pa 'yun. Kilala naman kasi siya sa batch na playgirl eh.
 
"Ba't 'di ka kasi gumaya sa'kin eh. Issues come and go. Eh ano naman kung malaman nila? Nagkakacrush ka, that's normal for one human being, Tori. Ewan ko ba sa'yo kung anong reputation ang pinanghahawakan mo eh. Oo, alam namin matalino ka at nagkacrush sa isang playboy. Pero bakit, ikaw lang ba nagkacrush sa kanya? Oh come on, there must be someone else in this school na nagkakacrush dyan kay loko 'no! Kaya please lang, 'wag mo na problemahin yan si Koreano?" May point din 'to si Lewis eh. Oo nga, eh ano naman kung magkakacrush ako kay Aaron. That's pretty normal. Sabi nga ng isang teacher namin, 'Having crushes is part of being human. Hindi ka normal kapag wala kang crush'.
 
---
 
Tahimik akong nanunuod ng TV Patrol sa living room nang may biglang nagtext sa'kin.
 
1 message received
From: 0915*******
  Hi, Tori! :)

 
Sino naman 'to? At bakit alam niya pangalan ko?
 
To: 0915*******
  Cno toh?

 
Stalker much.
 
From: 0915*******
  I'm Ellie. Ellie Perez, cousin ni Lewis. :)

 
Oh. So if she's a Perez, she's her cousin from her mother's side, eh? Wait, is this person a girl or a guy? Ellie sounds neutral. Pwedeng pambabae o panlalaki yung name. At isa pang dapat tanungin ko ay kung bakit niya ko tinext 'di ba? And for all we know, si Lewis ang nagbigay ng number ko sa kanya.
 
To: Ellie Perez
  Hi, nice meeting u. Pero bkt mo pla ako tinext?

 
From: Ellie Perez
  Wla lng. Gsto lng kta mklala. :)

 
Wait, now i'm confused and would almost conclude na guy nga 'tong si Ellie. Sino ba namang babae ang magsasabi ng 'gusto lang kita makilala' sa kapwa niyang babae? Pero it's better to make sure. Malay natin ganun lang talaga siya.
 
To: Ellie Perez
  Ouch. Lalaki ako. Sory kng nalito ka sa name ko. Hha.

 
Oh. So he's a guy. All my questions were answered already. Now what?
 
From: Ellie Perez
  Oh, sorry. Okay.

 
'Di ko na alam sasabihin ko. Hindi ko din naman 'to close eh.
 
To: Lewis Santos
  Hoy babae! Bkt bngay mo no. ko sa pinsan mo?!
 
From: Lewis Santos
  Haha! Wla lng. Nghahanap ksi sya ng txtmate eh. So no. mo ang unang pumasok sa isip ko. :p
 
To: Lewis Santos
  Adik ka tlga.

 
---
 
The next days, lumalandi na si Ellie. Ako naman 'tong si kinikilig. Sinasabi niya pa na pumunta daw ako kila Lewis para magkita na kami. Syempre, hindi naman ako papayagan dun kahit kilala ni Mommy si Lewis.
 
1 message received
From: Ellie Perez
  Tori, may extra load ka ba jan? Papasa naman oh. Tnx.

 
Loading center lang ang peg ko dito. Bibigyan ko ba?
 
... As in 'dot dot dot' ...
 
To: Ellie Perez
  Natanggap mo na?

 
Yeah, binigyan ko siya. Tanga eh. Well, hindi ko na alam kung nag-fa-fall na ba ako dito sa lokong 'to eh. For some days, nawala sa isip ko na nagkakacrush na 'ko kay Aaron. Since may nagpapakilig sa'kin, edi go. Makaiwas lang kay Aaron. Text text lang kami ni Ellie. Until...
 
From: 0927*******
  Hi. Is this Tori?

 
Ito nanaman tayo sa mga unknown numbers eh.
 
To: 0927*******
  Yeah. Y? And sino toh?

 
Taray much lang ako? Haha. Pero no, bait baitan ang peg ko nung first year.
 
From: 0927*******
  Jamie Santiago toh. Gf ni Ellie.

 
.... May girlfriend siya??? Oh no. Oo nga 'no? Bakit 'di ko man lang naisip itanong yun kay Ellie?!
 
To: Jamie Santiago
  Oh. If ds is about Ellie, i din't know. Sya ang unang ngtxt skn. I don't even know him from the start. C Lewis ang ngbgay ng no. ko sknya w/o me knowing. >.< sorry.

 
I was so defensive. Hindi ko talaga alam anong sasabihin at gagawin ko. Ang alam ko lang talaga ay hiyang hiya na ko kay Jamie at sa sarili ko. Para kay Ellie at Lewis naman, inis at galit ang nararamdaman ko. I knew to myself na malamang magkasabwat sila dito. Well, duh! What are cousins for?
 
From: Jamie Santiago
  No, it's ok. Alm ko naman un eh. Magkagalit km ngyn, actually. Pro wla kng kasalanan. Sadyang malandi lng bf ko. Hehe. :)

 
Bakit ang bait niya?? :'( For a girlfriend who'd been cheated on (if cheating is what you'd really call it), sobrang bait niya.
 
To: Jamie Santiago
  Ang bait mo. Sorry tlga ult. :(

 
From: Jamie Santiago
  It's ok. Sorry dn ult sa kalandian ng bf ko. :)

 
And it ended there. I don't know, but i liked her. Not in a girl-to-girl way. Pero ewan. Bait niya kasi.
 
Pero ito naman, magtutuos kami nito...
 
To: Lewis Perez
  Thanks a lot!
 
From: Lewis Perez
  Ha? Anong cnsb mo jan?

 
Acting like she's clueles. Ugh. Nakakaasar!
 
To: Lewis Perez
  Alam kong alam mo na noh! Ang sama mo skn.
 
From: Lewis Perez
  Sorry. :( d ko naman alam na dadating sa ganto eh. D ko alam na magfafall ka ky kuya Ellie.

 
Oo, mas matanda sa'min ng one year si Ellie, sama niyo na rin si Jamie.
 
To: Lewis Perez
  Whatever.

 
---
 
After what happened, medyo nagdistance ako kay Lewis. Sila Alyssa, Nix at Karrie nanaman ang nakakasama ko. Wala naman akong kaaway kaya ayos lang kahit sino man ang kasama ko.
 
Nakakatext ko pa rin naman si Aaron. Pero tuluyan na nga siyang naging close kila Ate Korin. Pero hindi naman siya sinagot nun eh. Ngayon naman, tropa tropa nalang sila.
 
As of now, nasa classroom kami, walang teacher. Edi free time! Magkausap kami ni Alyssa. By the way, nasabi ko na ba na half-Japanese itong si Alyssa? Yeah, she's a Fil-Jap, too. Just like Genks. Anyway,...
 
"Ewan ko. Feeling ko meron na talaga akong gusto d'yan eh" sabi ko kay Alyssa habang nakatingin sa direksyon ni Aaron. Andun siya, kausap sila Liza na half German at si Honey na super cute ng curls. Haha.
 
"Nako, Tonee! Sa dinami dami ba naman ng mga lalaki dito, d'yan ka pa sa KOREANOng 'yan nagkagusto?" Sindya niya talagang iparinig yung Koreano part kay Aaron. Hay. Basagulera talaga 'tong si Alyssa. Laging naghahanap ng away eh. -____-
 
"Alyssa, ano ba 'yan. Ang ingay mo. Rinig na rinig na ng iba 'yung sinasabi mo oh!" Awat ko sa kanya. 'Pag eto napaaway, ewan ko nalang eh.
 
"Eh totoo naman eh. Hayop 'yan. Hinayupak. Demonyo!" Pagpaparinig ni Alyssa. Napatingin na si Aaron. Napatayo na siya at naglakad lakad. I can sense na nagtitimoi na siya ng galit. Natatakot na 'ko. I've seen him mad before. Scary yung muka niya na para bang gangster. Pero as far as i'm concerned, alam ko hindi pa 'to napapasabak sa away.
 
"Oh ano? Papatulan mo na 'ko?!" Sigaw ni Alyssa. Sht this. Naghamon pa talaga siya.
 
Nakita ko nalang na may nakuhang scissors si Aaron sa isang armchair at inambahan si Alyssa na para bang sasaksakin niya 'to.
 
"NO!!! Stop!! Tama na Alyssa kasi!!" Sigaw ko. Natatakot na talaga ako. Kung alam niyo lang kung ga'no kabilis tibok ng puso ko ngayon. Si Alyssa naman, ayun, chill pa rin itsura niya pero halata mong gulat siya sa ginawa ni Aaron.
 
"Tignan mo, Tori! Gawain ba 'yan ng matinong lalaki?! Demonyo 'yan eh. DEMONYO!!" Sabi ni Alyssa, sabay sipa dun sa armchair sa harap niya na tumama naman kay Aaron. Hindi naman ganun kalakas pero it made him madder! At inambahan nanaman si Alyssa ng suntok.
 
Tumayo naman si Alyssa, "SIGE!! SAKTAN MO 'KO!! DALI!! PARA MA-KICK OUT KA NA DITO!"
 
"UGH!! !@#$!! YOU SHUT UP!!" Sabi naman nito kay Alyssa.
 
Natatakot ako dun sa scissors na malapit kay Aaron. 'Pag nahawakan niya ulit 'yun, baka kung ano pa mangyari.
 
"TAMA NA SABI EH!!" Sigaw ko habang inaawat sila.
 
"'Wag mo 'ko pigilan, Tori. Masisipa ko na talaga 'tong demonyong 'to!" sabi ni Alyssa. Galit na galit na din siya. ANO BA 'TONG DALAWANG 'TO?! Wala ba silang balak tumigil?!
 
"Tama na kasi 'yang kaka-demonyo mo d'yan eh! 'Wag ka nalang sumagot kung ayaw mong ma-suspend or ma-kick out, PLEASE?!" Pangungumbinsi ko kay Alyssa.
 
"Wala na 'kong pakialam kung ma-suspend ako! Eh kung demonyo naman talaga 'yan eh!" Sagot ni Alyssa.
 
Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan ni Aaron yung armchair na nasa harap niya at halos ibato kay Alyssa yun. Tinulak niya nang pagkalas lakas at halos tumilapon yung armchair. Naramdaman ko nlang na tumama 'yun sa armchair sa tabi ko at sa'kin.
 
MASAKIT! Tumama 'yun sa left thigh ko at namula nang bongga. Umabot 'ata yun hanggang sa buto ko eh. T.T
 
Dun na umeksena ang mga boys ng class namin.
 
"OY!! Tigilan niyo na nga 'yan!!" Sigaw ni JD, sabay inilayo na nila si Aaron kay Alyssa.
 
Ako naman, nawala na 'ko sa sarili ko at ang nasa isip ko lang ay tawagin na ang advicer namin sa faculty. Katabi lang ng room namin 'yun kaya mabilis lang ako nakarating dun.
 
"Miss! Sila Alyssa at Aaron po nag-aaway dun sa classroom! Punta po kayo dun, Miss! Grabe na po eh." Nanginginig na sabi ko kay Teacher Annie.
 
"Ano?? Asan na??" Napatayo na sa pagkakaupo si Teacher Annie at mabilis na pumunta sa classroom.
 
"Anong nangyayari dito?!" Sabi ni Miss. Nakita niya na din na gulo-gulo yung mga chairs at galit na galit yung mga itsura nila Alyssa at Aaron.
 
---
 
Kumalat na sa buong batch ang nangyari. Ako ang mainly nagkkwento dahil ako ang nakakaalam kung pa'no nagsimula 'yun. Edi syempre, ako naman 'to si kwento.
 
"Tori, pinapatawag ka ni Teacher Annie." Sabi ni Monica nang lumapit sa'kin sa kinauupan ko sa classroom. Wala pang teacher kasi eh.
 
Pero wait. Oh no!! Eto na ba yung part na i-i-interrogate nila ako?? Wala si Alyssa nung recess eh. Baka kinausap na siya nung time na yun.
 
Pumunta ako sa faculty at nakita ko dun sila Alyssa, Teacher Annie at tito ni Alyssa. Wala si Aaron dun. Nasa classroom siya. Siguro para makaiwas na rin na magrambulan silang dalawa ni Alyssa. At tama nga ako. I-i-interrogate na nila ako. T.T
 
Nagsimula nang magsalita si Teacher Annie.
 
"Tori, sabihin mo sa'min, sino ba talaga nagsimula?"
 
NOOOOO!! Ayoko nang ganito. Alam ko sa sarili ko na si Alyssa ang nagsimula. Pero sasabihin ko ba? Or pagtatanggol ko si Alyssa? Pero nakakkonsensya din naman eh. Oh nooo!! ANONG SASABIHIN KOOOOOO?! Gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon. T.T
 
CHOOSE: my close friend Alyssa (which means, i have to lie and make up another story) or the truth (meaning, it'll be like, i defended Aaron)?
 
KILL ME NOW!!
 
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Think. Think. Think.
« Last Edit: December 06, 2012, 11:04:58 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 5
« Reply #5 on: December 05, 2012, 08:53:44 PM »
Chapter 5
 
"Tori, ano? Sino nagsimula nung away?" Tanong ulit ni Teacher Annie.
 
Kung alam niyo lang kung ga'no kabilis ng tibok ng puso ko ngayon. At kung alam niyo lang din kung ga'no kahirap magdesisyon. T.T
 
There was a moment of silence when,...
 
"Si Alyssa po nagsimula. Sinabihan niya po si Aaron ng demonyo hanggang nagalit si Aaron at muntik na siya patulan" kinwento ko habang nakayuko. Hindi ako makatingin kay Alyssa at sa tito niya. Hiyang hiya ako sa kanila.
 
Anong klaseng kaibigan ako, 'di ba? Pero hindi lang talaga kaya ng konsensya ko eh. At wala din akong maisip na kwento para mabago ko pa 'yun. Hindi ako magaling d'yan sa mga ganyan. Nauutal talaga ako. Mahahalata mong nagsisinungaling ako kapag ginagawa ko 'yun.
 
Alam kong galit na galit sa'kin si Alyssa ngayon. Naiintindihan ko siya. Ready na nga ako na away-awayin niya eh. Pero sana maintindihan niya din ako kung bakit ko nagawa 'yun. Sana 'wag niyang isipin na kinampihan ko si Aaron.
 
"Sige, Tori. You may go now. Alyssa and i will talk first" sabi ni Teacher Annie.
 
Naglakad na 'ko palabas ng faculty pero 'di ko maiwasang 'di mapatingin kay Alyssa.
 
I looked back and saw her face. Parang malungkot na galit na disappointed. I know, Alyssa will never forget what i've done to her. Alam ko hindi na niya ko kakausapin.
 
Bumalik ako sa classroom at nanghihinang naupo sa armchair ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Napansin kong lumapit si Nix sa'kin.
 
"Girl, okay ka lang? Anong nangyari??" Tanong niya habang umuupo sa armchair ni Brandon na bakante as of now.
 
"Nix, ang sama-sama ko. Nilalag ko si Alyssa." Halos maiyak ako habang sinasabi ko yun.
 
"Ha? Sinabi mo yung totoo??" Nanlalaking matang tanong ni Nix.
 
"Oo. Sorry talaga. Baka pati ikaw galit na sa'kin. Hindi ko lang talaga alam sasabihin ko eh. Oo, nagsisinungaling ako sa parents ko pero bakit kanina hindi ko nagawa sa harap nila Teacher Annie at Alyssa?"
 
"Naiintindihan kita. Pero malamang si Alyssa masama loob sa'yo. Kaya mo 'yan!"
 
"Oo nga eh. Natatakot na 'ko"
 
Napatingin ako kay Aaron. Nakita kong nakatingin siya sa'min ni Nix. Para bang kumukuha siya ng clue kung ano nang nangyari. Umiwas nalang ako ng tingin. Ayoko siyang tignan. Naalala ko lang yung ginawa ko kay Alyssa. Naiisip ko tuloy na ang lumalabas, siya ang kinampihan ko.
 
---
 
Matagal-tagal ring nag-usap sila Teacher Annie at Alyssa. Pagkabalik ni Alyssa sa classroom, mahahalata mo sa muka niya na badtrip siya. Hindi ko alam kung pa'no ako lalapit sa kanya para magsorry. Nagulat nalang ako when i saw her approach me.
 
"Thanks, Tori ha?!" Sabi niya in a super sarcastic and angry way.
 
"Sorry, Alyssa. 'Di ko talaga sinasadyang sabihin yung totoo. Sorry talaga." Sabi ko.
 
"Anong 'di sinasadya? Ano ka ba, Tori. TOTOO nga 'yun 'di ba?! So bakit ka magsosorry kung totoo?" Sarcastic pa rin yun. At imaginin niyo nalang kung ga'no kalakas ang boses niya habang sinasabi niya yun. Oo, ako yung lumalabas na masama ngayon. Well, partly totoong masama ako sa panlalaglag ko kay Alyssa.
 
Hindi na 'ko umimik. Hindi ko na din naman alam sasabihin ko eh.
 
Si Aaron na sunod na pinatawag. Hayyy. Ano kaya magiging judgment ng mga nakakataas?
 
---
 
Kinahapunan, dismissal time na. Pero since may homeroom time kami before dismissal, kinausap ni Teacher Annie ang buong class.
 
"So siguro naman lahat alam na kung anong nangyaring incident kahapon 'di ba?" Tanong ni Teacher Annie.
 
Nagnod lang kaming lahat. Ito nanaman. Pag-uusapan na naman yung issue na 'yan. Hiyang hiya na nga ako sa ginawa ko eh. Paulit-ulit pa ring ireremind sa 'kin.
 
"Gusto ko lang naman ipaalam sa inyo ngayon ang mangyayari kila Alyssa at Aaron. Sasabihin ko sa inyo para matakot na kayo at 'di na maulit ang ganitong incident. Okay?"
 
Nagnod nalang kami ulit. Ano pa bang dapat namin sabihin, 'di ba?
 
"Masususpend sila for a day. Enough nang punishment yun. Wag nang uulitin, ha??" Sabi ni Teacher Annie.
 
Lalo naman akong nakonsensya nito eh! Pa'no nalang ang conduct ni Alyssa?? Ako ang may kasalanan kung bakit bababa grades niya. Pangarap niya pa naman mapasama sa top 3 ng batch. Pero pa'no niya magagawa yun kung sinira ko na ang lahat? Hayyy buhayyyy!!! T.T ang sama-sama ko.
 
Tinignan ko si Alyssa, nakatingin lang siya nang diretso, naka-cross yung arms, at naka-cross yung legs habang nagsuswing yung isang paa niya. Mukhang alam na niya ito before pa i-announce sa class. Pero muka pa rin siyang galit sa mundo. Si Aaron naman, ayun, parang wala lang sa kanya.
 
---
 
Kinabukasan, umaga palang hindi na namin nakita si Alyssa. Malamang pinadiretso na sa library yun.
 
Gano'n kasi ang suspension dito sa AAM. Papasok ka pa rin pero hindi ka aattend ng classes. Doon ka lang magsstay sa library at kung anong iutos ipagawa sa'yo ng librarian, gagawin mo. Tulad nalang ng pag aayos ng libro into alphabetical order sa shelves.
 
Bakit ko alam? Well, i have friends, 'di ba? Malamang kinukwento nila sa'kin. I haven't experienced it yet. And i'll never experience it ever. Haha.
 
Anyway, hindi na namin siya hinanap kasi panigurado nga andun na yun as of now. Hindi pala sila magkasabay ni Aaron. Well, pag nangyari yun, rambulan nanaman aabutin nilang dalawa. 'Di sila pwede pagsamahin sa isang lugar.
 
Nagulat nalang ako nang recess time, nagdrop by si Alyssa sa classroom to ask kung ano na ba mga nangyayari sa class. Wala pa namang teachers kaya chill muna siya dito. Hindi ko na muna binalak na lumapit sa kanya dahil alam ko sukdulan pa rin galit niya sa'kin. Kaso bigla siyang nagparinig...
 
"Kasi naman yung iba d'yan, hindi ata alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan eh. Laglagan ba 'to, 'day?"
 
Napatingin ako sa kanya pero umiwas din. Ayokong gumulo nanaman ang lahat. Nung 'di ko na kinaya, mabilis akong naglakad palabas ng classroom, papuntang CR at dun na ako naiyak. Syempre sa loob ako ng cubicle. Madaming babaeng makakakita sa'kin pag hindi ako sa loob ng cubicle magdadrama.
 
Wala pang 5 minutes ay tumahan na 'ko. Kaya ko 'to!!! Sinabi ko lang naman yung totoo 'di ba? Nagsorry na ko 'di ba? Hindi ako dapat paapekto sa sinasabi ni Alyssa.
 
Maya-maya bumalik na 'ko sa classroom. Baka nandoon na kasi yung teacher.
 
Wala na si Alyssa dun pagdating ko. Malamang bumalik na sa library. Umupo na ko sa armchair ko. Wala pa naman yung teacher ka mananahimik nalang ako dito.
 
"Girl, okay ka lang? Ano ka ba, 'di naman sobrang galit sa'yo si Alyssa eh. Masama lang talaga loob niya sa'yo. Sabi niya iniintindi ka naman daw niya. Yung mga sinasabi niya kanina, malamang dala lang yun ng sama ng loob. Pero lilipas rin yan. Si Alyssa pa." Sabi ni Nix at nagsmile pa.
 
Hayy. Sana nga totoo yung sinasabi ni Nix. Ayoko naman na forever na kaming hindi mag-uusap ni Alyssa 'di ba?
 
---
 
The next day, si Aaron naman ang suspended.
 
Yeah, i kind of DON'T CARE. Kasalanan niya naman kung bakit din siya nasuspend eh. Oh wait, fault pala nila pareho. Nag-init lang naman talaga ulo ni Aaron that day. Pero still, I FEEL NO SYMPATHY. :|
 
Since alam ko hindi pa kami okay ni Alyssa, sila Lewis at Raine nanaman ang nakasama ko. Oo na, ako nang palipat-lipat ng set of friends. Yung tungkol kay Ellie, wala na yun. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob eh. Madali lang kalimutan ang lahat para sa'kin. Ang hirap naman kung dadalin ko pa yung sama ng loob na yun sa pagtanda ko 'di ba? Forgive and forget kumbaga. Well, syempre we cannot totally forget about what happened, right? Let's just pretend things like that never happened. Haha!
 
Nasa canteen kami, kumakain, nang biglang may tumabi sa'kin na masamang elemento, si Aaron. Oo nga pala, lunch break kaya nakikilunch break din 'to si loko.
 
"Why are you here?" Sabi ko with matching poker face.
 
"You don't like me here??" Tanong niya. Alam ko mang-aasar lang 'to eh.
 
"Just go away." Bigla kong sinabi. Medyo napalakas 'ata. Pero wala na kong pake kung sino nakarinig. Nagkatitigan kami for like, 3 seconds at bigla naman akong umiiwas habang nagbuntong-hininga.
 
Napatingin naman ako kila Lewis at Raine na nakaupo sa harap ko. Pinapanuod lang nila kami ni Aaron.
 
Akala ko naman aalis na 'tong mokong na 'to. Hindi eh! Ayun, katabi ko pa rin. Nasaan na ba mga kaibigan nito?! Binilisan ko nalang ang kain saka umalis. Iniwan namin siya doon. Aalis din yun dun no!
 
---
 
Sa mga sumunod na araw, napapansin kong nagiging okay na kami ni Alyssa. Nagkakausap na kami kahit papano. Hindi ko din alam kung pa'no nangyari yun pero masaya ako kasi okay na kami.
 
Si Aaron naman, ayun. As usual, bangayan nalang laging nangyayari sa'min. Asaran, kulitan. Wala nang matinong usapan.
 
Math time namin ngayon. At ngayon din i-a-announce kung sino ang mga kasama sa MTAP training. Since nagtransfer ako dito sa AAM, naging participant na ko nito. Hindi sa pagmamayabang, pero nag-e-expect din akong matatawag pangalan ko.
 
"Andrew, Tonette, Monica, Lewis, Nix, Alyssa, JD, Jrey, Jee Hae, and...Aaron"
 
Sige, sana sinama nalang buong class namin, 'di ba? -_____-
Pero wait, totoo ba yung narinig ko?? Si Aaron? Kasama? Magaling pala 'to si loko sa Math eh.
 
"Sa ParSci ang training niyo starting this weekend" dagdag pa ni Doc Em. Yun ang tawag ng students niya sa kanya. Magaling 'tong teacher na 'to. Sobrang sungit nga lang. Tangkad pa. Doc, kasi nga magaling siya kaya nagtake na siya ng doctorate. Pero one thing's not for sure,...lalaki siya. Haha! *ssssshhhh!!!* uy pero mahal ko yan si Doc Em! Madaming nagmamahal d'yan!
 
But wait, enough with Doc Em. Anong sabi niya?! ParSci? 'Di ba dun ngayon si Gian? So magkikita kami dun? Woah!
 
Pero wait again, may gusto pa ba 'ko sa kanya?
 
Oh well papel, malalaman lang natin 'yan pag nagkita kami sa Saturday.
 
"Will you join the training??" Tanong ng isang Koreano na kumakalabit sa'kin.
 
"Of course! Didn't you hear my name?" Sagot ko.
 
"Oh! Hahaha! You're Tonette nga pala" sabi nito. Oh em. 'Di ko napansin yun ah. Tonette tinawag sa'kin ni Doc Em. Ugh!
 
"Oo na! Sige tawa pa!" Sabi ko na nanlalaki pa lalo ang malaki kong mata. Oo, tinatagalog ko 'to si Aaron pag naiinis ako. Wala akong pakialam kung 'di niya naiintindihan.
 
Lakas makapang-asar. -_____-
 
"Oh! And you're Gian! He studies there, right?" PA'NO NIYA NALAMAN YUN?! SINO NAGSABI SA KANYA?!
 
"How did you know?" Tanong ko habang nagpepretend na kalmado ako pero deep inside, nagpapanic ako. Baka makarating kay Gian yung mga sinabi ko kay loko nun. Na boyfriend ko si Gian. Oh nooooo!!
 
"JD told me" wtf?! So alam na ni JD kalokohan ko?! Kung oo, edi no doubt, alam na ni Gian yun. T.T
 
"You asked him?" Tanong ko ulit, pero this time, you can tell na kabado na 'ko.
 
"Hahahahahahahaha! I was just joking!" Tawa nang tawa si loko!! UGH!! NAISAHAN NIYA KO DUN AH!!!!!!
 
"Ugh!! I HATE YOU!!! GO AWAY!" Umalis na 'ko pero sumunod siya. Ugh. Bwiset talaga!! Ako pa talaga yung umalis pagkasabi ko ng GO AWAY eh no? -____-
 
"Hey! Joke lang kasi! Nix told me" pilit na sinasabi nito.
 
"Wag mo nga ako sundan!" Sabi ko.
 
"Ya! Sorry na!" Sabi niya habang natatawa pa rin.
 
Naupo ako sa armchair ko.
 
"Umayos ka ah! Siguraduhin mo totoo yang sinasabi mo, kundi papatayin kita!"
 
"What???" Yes!! Hindi niya naintindihan sinabi ko!
 
"Ang panget mo sabi ko!"
 
"Ya! Masama ka!! I know what panget means!" Ay okay. :|
 
"Mas masama ka! Dun ka nga. Alis ka dito!"
 
"No." Ugh! Nasaan na ba yung next teacher?!
 
Maya-maya bumukas pinto ng classroom. Hay sa wakas! Dininig ang panalangin ko. Umalis na sa tabi ko si Aaron. Andyan na kasi yung teacher.
 
---
 
"Uy tol! Kamusta ka na dito??" Sabi ni JD kay Gian.
 
Nasa ParSci kami ngayon for the MTAP training. Kasama namin sa iisang room si Gian. Classmate namin siya sa training.
 
Si Nix, Alyssa, at Lewis wagas makatingin sa'kin. Hinihintay siguro nila reaction ko nang makita ko si Gian.
 
"Ayos naman. Kelangan mag aral lagi. Haha!" Sagot ni Gian.
 
Napatingin naman siya sa'kin.
 
"Uy Tori. Kamusta? Nice! MTAP ulit tayo ah! Sayang kulang na tayo nila Andrew" sabi niya. Si Andrew yung isa naming kasama sa MTAP contests noong grade school pa kami. Kami lagi yung finalists na inilalaban against other schools. Pero since lumipat na siya, kami nalang ni Andrew.
 
Pero wait, ano ba dapat isagot ko sa sinabi niya? Bakit 'di ko alam?
 
"Uhhh... Ah. Oo nga eh. Sayang kasi lumipat ka pa eh." Sabi ko. Sila JD naman ngingiti ngiti sa'kin. Palibhasa alam nila na crush ko 'tong si Gian eh.
 
"Haha! 'Di ba nakapasa ka dito? Bakit 'di mo kasi tinuloy. Edi sana magkasama tayo!" Ehhhhhh!! Ano beeeeeeey. Kinilig ako dun, in fairness. :">
 
"Eh, ayaw ni Papa eh" yun lang nasabi ko.
 
"So,... Magiging kaklase ka namin dito?" Biglang singit ni JD. Siguro nafeel niyang awkward na. Haha. Napaptitig naman ako kay Gian habang magkausap sila ni JD. Best buds nga pala sila, FYI.
 
Habang tinititigan ko si Gian, naaninag naman ng mata ko si Aaron. Tatawa tawa nanaman. Malamang alam na niya na si Gian yung kausap namin. Ugh. Lakas niya talaga mang-asar.
 
Pero ang weird eh. Iba yung nafee-feel ko ngayon sa pagtitig ko kay Gian. Naaalala ko nga pala na nagkakacrush na ko kay Aaron. Nililipat-lipat ko ngayon ang tingin ko kay Gian at kay Aaron. Pero bago ko pa marealize,
 
"Uhmmm... Ann Arbor Montessori students, you'll be transferred to another room" sabi nung isang babae dun sa may pinto. Wala nga palang aircon dito, FYI.
 
"Uy sige, mga tol. Sa ibang room pala kayo eh. Sayang!" Sabi ni Gian.
 
Nagsitayuan na kami para lumabas. Iba talaga nafeefeel ko kay Gian ngayon. Hindi na tulad nang dati. At napapansin ko na kapag titingin ako sa kanya, napapatingin din ako kay Aaron. Ano 'to???
« Last Edit: December 06, 2012, 11:04:34 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 6
« Reply #6 on: December 06, 2012, 09:52:48 PM »
Chapter 6
 
Ehhhh.. 'Di ko pa rin malaman kung bakit ganito. Pero isa lang ang sigurado ko: kinakabahan ako na baka malaman ni Gian yung kalokohan ko! Buti nalang talaga nilipat kami ng room. Mamaya maging close pa sila ni Aaron kung nagstay pa kami dun eh.
 
Habang naglalakad papunta sa room na paglilipatan namin, sinabayan ako ng lakad ni Aaron. Ugh! Oo na, alam ko na pakay nito: ang bwisitin nanaman ako.
 
"Oh so that's Gian, huh?" Tanong niya habang naka-smug face.
 
"So what?!" Naiiritang sabi ko. Pero ngiti pa rin siya.
 
"He's your boyfriend, right?" Tanong nito na nang-aasar.
 
UGH!! Bakit ba inuungkat niya yun nang inuungkat?!
 
"Would you stop it?! You're irritating me!"
 
"No. Haha! I like irritating you!" Ugh! Hindi ba 'to marunong makiramdam?! Ang sarap niyang ipasagasa sa tren eh!
 
Hindi nalang ako nagsalita. Malay mo, tigilan ako.
 
"Gian" bulong nito.
 
"STOP IT!" Sigaw ko.
 
"Uy uy uy! Anong nangyayari d'yan ah. Nagkakadevelop-an na ba kayo d'yan?" Tanong ni Nix.
 
"Hindi ah! Binibwisit nga ako ngayon tapos magkakadevelop-an pa?! Ilayo niyo nga 'to sa'kin bago ko pa 'to kalbuhin" sagot ko.
 
"What??" Tanong ni Aaron. Ha!! 'Di nanaman niya naintindihan! >:))
 
'Di ko naman siya sinagot.
 
At last, nakarating na kami sa room.
 
Naghanap ako ng mauupuan. Syempre tabi-tabi kaming girls. Pero ewan ko ba, wala na ngang space para sa kanya, eh sisiksik pa rin 'to si Aaron! Ugh!
 
Hindi ako active sa MTAP trainings, actually. Para ngang tambay lang ako dun eh. Saka ko nalang kinacareer pag yung elimination na. Haha. Pero itong si Aaron, ewan ko ba! Sila lang ni Andrew ang active na active sa pagsagot sa proctor namin. Sige. Edi sila na magiging finalist. Ayos lang sa'kin. Haha! Syempre joke lang yun. Kailangan ko galingan sa elimination. Malay mo swertehin ako at makapasok 'di ba?
 
"Ya! You answer!" Pangungulit sa'kin ni Aaron pagkabalik niya sa upuan niya galing sa pagsagot sa board.
 
"No! I don't know the answer." Hindi ko naman talaga alam eh. 'Di nga ako nakikinig 'di ba?
 
"I'll give you one answer then you write on the board" sabi nito.
 
"No! What if she tells me to explain my answer? I'll be dead!" Sagot ko naman. Hello, ayoko mapahiya 'no!
 
"That's why i'll explain it to you!" Pangungulit pa rin nito.
 
"Fine! Grabe! Ang kulit mo!" Reklamo ko.
 
Teka teka. Bakit napapansin ko na kanina pa tinginan nang tinginan yung mga classmates namin from DOST kay Aaron?
 
Omg! 'Wag nilang sabihin na napopogian sila sa mokong na 'to! No way! O baka naman ngayon lang sila nakakita ng Koreano? Haha! Syempre hindi naman siguro 'no!
 
Napatingin tuloy ako kay Aaron na sinusulat solution niya sa paper ko. 'Di naman siya nakatingin kaya matitigan nga. Hmmmm...
 
Sa bagay, 'di naman pangit 'to si Koreano eh. Kung tutuusin may itsura nga eh. Naka-cap na Converse siya ngayon, naka-PE shirt (kasi yun yung required attire), pants, Chucks, hoodie at naka-glasses na hindi naman nerd tignan. Fine, sabihin na natin na may dating siya. May appeal. Magaling kasi pumorma si loko eh.
 
"There. Do you understand the solution?" Tanong niya nang matapos na niya isulat.
 
"What? Ahh. Yeah. Of course, i understand" wala lang. May maisagot lang. Sabay naman na binasa ko kaagad yung solution niya para hindi halata.
 
At ayun na nga, next set of questions na. Sumagot ako sa board. At tulad nga ng inaasahan ko, pina-explain nga yung solution namin. Second to the last ako. Si Aaron, dahil sa dakilang epal nga, ito nasa board nanaman at sumasagot. Siya naman yung last. Nasa may bandang dulo kami ng board, waiting for our turns. Ino-observe ko naman yung students sa harap namin. Nagbubulungan sila na parang kinikilig pa. Well, halata namang si Aaron pinag-uusapan nila eh.
 
"Ate, close po kayo ni Aaron?" Biglang tanong sa'kin nung isang babae na nakaupo sa harap.
 
"Uhhh... 'Di naman. Bakit?" Tanong ko. Hindi kami close ni Aaron, we're frienemies. Haha!
 
"What? We're not close??" Biglang sabat naman ni Koreano.
 
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay. Taray much?
 
"We're close!" Sabi ni Aaron dun sa girl.
 
"Ahh. Wala lang natanong lang namin" sagot niya. Ah so pinagplanuhan pa pala nilang tanungin 'yun. Baka yun yung pinagbubulungan nila kanina.
 
"Ya! It's your turn already!" Sabay tinulak ako nang mahina ni Aaron papunta sa spot nung solution ko.
 
Natapos akong mag-explain at turn na ni Aaron. Ang loko ngiti nang ngiti ba! Hanggang makarating sa upuan niya nakangiti pa rin. Lakas makapagpacute ah! Porket nahahalata na niya na trip siya nung mga babae eh.
 
"Uyyy, may nagseselos." Biglang sabi ni Lewis sa'kin. Anong pinagsasasabi nito?
 
"Ano?! Sino??" Tanong ko.
 
"Edi ikaw! Hello, halatang halata kaya na hindi mo gusto kung pa'no ngitian ni Aaron yung classmates natin! Haha!" Ano daw?! Ako?! Nagseselos?! No way!!...
 
Or am i? :/ baka nga tama si Lewis. Oo, lagi kong nakikita yung mga ngiti na yun kapag inaasar niya ko. Pero parang may feeling ako na gusto ko sa'kin lang siya ngingiti nang ganun. Haha!! Possessive lang ang peg ko.
 
Break time naman. Kumain lang at gala-gala kami sa vicinity ng ParSci. Si Aaron? Ayun, kasama nila Ate Korin, Ate Nikka at yung iba pa. Basta yung higher batch sa'min na kaclose niya. So wala akong karapatan magselos, okay?
 
Naglalakad kami nila Lewis, Nix at Alyssa nang may ma-spot-an kaming cutie. Napag-alaman naming taga-DOST siya at hindi sa ParSci. Topher ang name niya. Since chicks nga itong si Lewis ay malakas loob niyang mag-damoobs. Nagpakilala siya at yun, nagkakilala sila. Haha! Hanggang dun nalang yun. Chaka eh. 'Di effective damoobs ni Lewis sa kanya. May pagka-conservative ata si Topher. Haha.
 
---
 
Lumipas ang ilang linggo at paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa MTAP trainings--tumunganga at magtext. Para bang sinasayang ko lang Sabado ko dun. Well, not in a bad way. I mean, ako mismo ang gumagawa ng move na mafeel kong every Saturaday spent there is a waste. Dapat nakikinig ako eh.
 
Pero pagdating naman ng elimination, LUCKILY, nakapasok ako. Kabado ako nung araw na yun kasi parang nararamdaman kong 'di na ko makakasali. Ako, si Andrew at Monica ang finalists at magcocompete.
 
"You kasi! Very careless!!" Sabi ni Doc Em kay Aaron.
 
"Huh? Why?" Tanong naman nito.
 
"I checked your answers, you know the solutions but some of your answers are wrong because of your careless usage of operations! If you got those correct answers, you'll be part of the finalists! You too, Jee Hae! You're supposed to be part of the finalists!" Sabay tingin kay Jee Hae.
 
Sa aming tatlo nila Andrew at Monica, ako yung lowest. At least nakapasok 'di ba? Pero medyo nahurt lang ako kasi pinarinig pa sa akin ni Doc Em yun. Nafeel ko tuloy na wala siyang tiwala sa'kin at parang mas gusto niya pang makapasok si Aaron kaysa sa'kin. Pero 'di ba careless nga siya? Hindi pwede yun sa contest. Baka sa'kin talaga nakalaan yung slot na yun. Oo, na-insecure ako kay Aaron nun. Kasi alam ko sa sarili ko na mas magaling siya sa'kin at mas gusto siya ni Doc Em, i mean, SILA ni Jee Hae. Pero wala eh. Kailangan din naman namin tanggapin na mas mataas pa rin nakuha kong score sa kanya. Gagalingan ko nalang talaga para mapatunayan na deserving ako sa slot na yun.
 
Oha! Haba ng speech ko. May pinaglalaban eh! Haha!
 
Lumayo nalang ako sa kanila nun. Ayoko nang marinig sinasabi nila dun. Congratulate ko nalang sarili ko na nakapasok ako.
 
---
 
Lumipas ang mga araw na every Math time namin sa school hours ay inilalaan ni Doc Em para sa practice slash preparation namin for the contest. Tinetrain niya kaming tatlo na parang nasa contest na talaga kami. Nagdadala pa siya ng buzzer para damang-dama talaga namin 'yung mga pangyayari. At alam niyo kung sino ang lagi niyang kinukuhang buzzer person? Sino pa? Edi si Aaron. At minsan pa, pag hindi namin nakuha yung tamang sagot, tatanungin niya nalang bigla si Aaron. Nasasagot naman ni loko. Nakakainis!! Bidang-bida siya eh! Ugh! Sarap ipukpok nung buzzer sa kanya eh!
 
Tuluy-tuloy lang training namin. Pero one week before the actual contest, tumawag mom ni Andrew kay Doc Em para sabihin na hindi na 'to makakasali sa contest dahil nagkasakit. Medyo nabadtrip si Doc pero naghanap kaagad siya ng kapalit. Buong akala ko si Aaron ang mapipili niya pero si Jee Hae pala. Tres Marias kami ngayon.
 
"Ano ba naman 'to si Andrew oh! Ngayon pa nagkasakit eh! Bwiset!" Sabi ni Doc Em. Nagulat naman ako na natatawa.
 
---
 
Hindi kami nanalo. In my perspective, alam ko naman na parang wala lang ako dun sa group namin. Oo, nakapagsolve naman ako kahit papa'no pero mas nafeel ko presence ni Jee Hae sa'min nun. Siya pa yung back-up pero siya yung sagot nang sagot. Hayyy. Iba talaga pag Korean. Galing sa Math. Kahit 'tong Koreana na 'to magaling din pala.
 
Malapit na magtapos yung school year. Ito naman si Lewis nagkaroon pa ng conflict between her and Teacher Annie. Malamang dahil na rin sa grades and all. To the point na nagdecide ang mom ni Lewis na itransfer na siya ng school.
 
"Sa'n ka naman ililipat??" Tanong ko kay Lewis.
 
"Baka sa Beda" sagot niya.
 
"Oh nooooo! Lewis, mamimiss ka namin. Hindi na buo ang 'Bad Chicks'" sabi ni Raine. 'Bad Chicks' daw kami ayon kay Lewis. Siya nakaisip niyang napakabaduy na pangalan na yan. Kaya hindi namin masyado ginagamit dahil nga nakakaasar pakinggan. Haha.
 
"Bayaan niyo! Bibisita pa naman ako dito eh!"
 
"Siguraduhin mo yan ah!" Sabi ko.
 
"Akala ko pa naman sabay-sabay tayo gagraduate! Badtrip naman 'to eh! Teacher Annie kasi eh!" Reklamo ni Raine.
 
---
 
1 message received
From: Gian Buenavista
  SBFF!! Baka bumalik ako sa AAM nxt schoolyear!

 
Oo, SBFF ang tawagan namin ni Gian. As in, Super BestFriends Forever. Napag-usapan namin yan kasi halos araw-araw ba naman kami magkatext eh. Tapos ito, after a week of not texting each other, bigla niya 'tong sasabihin. Pero parang na-excite ako na parang wala nalang sa'kin.
 
To: Gian Buenavista
  Oh?! Yay!! Edi malay mo united na ulit tyo sa MTAP. :> eh bkt ka nga pla babalik sa AAM eh science high school nmn yng ParSci ah. :o

 
From: Gian Buenavista
  Hnd kse umabot sa quota grade ko. Haha! Pro hnd pa tlga sure kng jan ako lilipat ha? Update nlang kta pag sure na. Haha. :))

 
To: Gian Buenavista
  Ok! Haha. For sure classmate tyo nian pgbalik mo. XD
 
From: Gian Buenavista
  Haha. Sana. Uy cge ah. Txt you later, paliguan ko lng c Jesh.

 
Si Jesh lang naman ay ang super cute niyang aso na Shih Tzu.
 
To: Gian Buenavista
  Cge. Goodluck!

 
Haha! Tama bang mag-goodluck sa taong magpapaligo lang naman ng aso? Hindi na din naman siya nagreply.
 
Tumunganga lang ako bigla at nag-iimagine ng stuff na pwede mangyari next year. Magiging classmate na namin ulit si Gian. Hayyy. Sana naman by that time wala na talaga akong gusto sa kanya.
 
---
 
Malapit na mag-recognition day. Ibig sabihin, malapit na talaga magbakasyon. Na-e-excite ako na nalulungkot. Na-e-excite kasi, SINO BA NAMANG HINDI SASAYA SA BAKASYON?! Haha! Malungkot naman kasi hindi na namin makakasama si Lewis next school year. How sad.
 
First honor nga pala ako. Haha! Proud? Oh well. Si Aaron naman hindi makapaniwala. Palibhasa new student eh. -____- inggit lang 'to.
 
Pero alam niyo, i found myself wishing na sana classmate ko ulit 'to si loko. Ewan ko, nag-e-enjoy ako sa company niya. Kasi naman yung mga pang-aasar niya nakakainis nga pero parang ang unusual talaga 'pag hindi din kasi kami nag-aaway eh. Ibig sabihin lang nun may problema.
 
 
"Wow. Very smart! Anyway, congrats!" Sabi ni Aaron. Wait, si Aaron ba talaga 'to? Haha. May sakit ata eh. Bakit ang bait?
 
"Uhhh...thanks? Are you sick?"
 
"What? No! Why?" Nagulat na sagot niya.
 
"Nothing." Sabi ko nalang.
 
---
 
Bakasyon pa rin namin as of now. Sinamahan ko si Mommy sa school para mag-enroll. Hayyy. Another school year ahead. Wala naman akong napala dun sa school. Sayang sa oras. -_____- wala friends ko dun.
 
Omg. Ngayong nakapag-enroll na 'ko, yung iba kaya nakapag-enroll na? Sana maging classmate ko si Raine ulit! Si Lewis naman kasi lumipat pa eh.
 
Ay oo nga pala, si Gian kaya saan na mag-aaral? Maitext nga mamaya pagdating sa bahay.
 
Saka, isa pa...sana maging classmate ko din si Aaron. 'Di ko alam kung magiging masaya ang Sophomore year ko nang hindi ko siya classmate. :( WEH!! Haha. CHOS LANG YUN!! Fine, malulungkot ako...pero konti lang! Haha.
 
---
 
To: Gian Buenavista
  SBFF! Ano na? San kna mag-aaral?? :>
 
From: Gian Buenavista
  Ayy oo nga pla. Gud news. AAM nko ult. :D

 
Bilis talaga nito magreply. Pinaglihi ba sa typing machine 'to? Haha. Weh, korni, Tori. -____-
 
To: Gian Buenavista
  Oh?! Tlga?! Omg. Yay! For sure classmate tyo nto! Haha.
 
From: Gian Buenavista
  Haha. We'll still see. :))

 
Hayyyyy. Yay! Babalik na si Gian. Pero wait, gusto ko pa rin ba siya?
 
Feeling ko...
Hindi na? Kasi naman eh....
 
 
CRUSH KO NA OFFICIALLY SI AARON!!!!!
« Last Edit: December 06, 2012, 10:44:08 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 7
« Reply #7 on: December 06, 2012, 10:05:54 PM »
Chapter 7
 
First day of school nanaman. Hayyy. KATAMAD!! Pero curious din naman ako kung sino magiging classmates ko noh! Sana naman kasama dun si Raine. Gusto ko talaga siya maging classmate. :( Pero kinakabahan din ako at the same time kasi naman malaki ang possibility na maging classmates kami ni Gian.
 
Wait, bakit nga ba ako kinakabahan? Sus! Magiging classmate lang eh! Haha. Ehhh kasi naman, alam niya naman kasing may crush ako sa kanya dati pa. At ayoko nang bumalik pa yung feelings na yun lalo na't si Aaron na talaga ang gusto ko. Pero part of is saying na ayaw niya pa din kay Aaron.
 
Well, speaking of Aaron. Sana classmate ko din siya. Para may kakulitan ulit ako. Ang boring kaya kapag wala yun. Nasanay ako last year na nakaaligid siya lagi.
 
"Toriiiii. Hindi tayo classmates. :((((" sabi ni Raine habang papalapit sa'kin. Ayan nanaman ang mahinhin niyang boses.
 
"Oh?! Oh noooo! Palipat ka ng section!! Darwin ka nalang din! Biliiiiis!" Pilit ko.
 
"Tinanong ko na kung pwede lumipat eh. Hindi daw pwede."
 
"Awww. I guess 'di talaga tayo meant na maging classmates. :("
 
Oh well, parang ganito din nangyari sa'kin nung 1st year ah. Every year nalang ba?! -_____-
 
"Uy sige ah. Punta na 'ko dun sa room namin." Paalam ni Raine.
 
"Sige. Bye. See you around!"
 
Pumasok na din ako sa classroom. Classmate ko naman sila Nix at Alyssa eh. We used to be close kaya okay na rin. Kaso may napansin akong bago. Nag-iisa siya dun sa may bandang harap ng room.
 
"Uy, may new student oh. Gusto niyo tabihan natin? Kaibiganin natin. Nag-iisa dun eh" aya ko.
 
"Sige." Sabi nila Nix at Alyssa habang tumatayo na galing sa upuan nila.
 
Tinabihan ko siya. Sa kabilang side niya naman sila Nix at Alyssa.
 
"Hiiii! I'm Tori. :D"
 
"Ako naman si Nix and this is Alyssa" sabay ngiti din naman sila.
 
"Ah. Hi! I'm Phoebe." Sabi nito.
 
Muka naman siyang mabait eh. May balak kasi kaming kaibigan lahat ng magiging girl classmates namin. Para fun ang school year na ito 'di ba? United kami.
 
Next na dumating is si Shane. Kilala ko na siya noon. Fleming nga lang siya nung 1st year. Classmate siya nun ni Aivory.
 
"Hi, Shane!" Sabi namin nila Nix.
 
"Dito ka umupo sa side na 'to. Dali! Para sama-sama tayong mga girls!" Sabi ni Nix. Umupo naman dun si Shane at nginitian kami. Tahimik pa siya ngayon pero alam ko pag naging close na kaming lahat, dadaldal na 'yan!
 
Oo nga pala, nasa left side kami ng room at sa right side yung boys. Para bang gender wars ang nagaganap. Taray. Andyan na nga pala sila JD, Brandon, Ramz, Andrew, Jace, Miggy, Mac at... Wait,... Wala pa si...
 
Biglang may nagbukas ng pinto.
 
"Yun oh!!" Sabay-sabay na sabi nung mga lalaki. Kami namang girls, napatingin lang pero, no big deal. Come on, si Gian lang yan. -_______-
 
"Welcome back, tol!" Sabi ni JD.
 
"Uy Jeyd! Namiss kita bro ah!" Sagot naman ni Gian. Sige na! Magsiupo na kayo. Mamaya na kayo magreunion, hinihintay ko pa labs ko. Deh!
 
Ang tagal naman kasi ni Aaron eh. Pero i swear, nakita ko name niya sa list ng section namin! Omg! Baka nagpapalit siya ng section?! Noooo! Halos complete na yung buong class eh. Bigla namang bumukas ulit yung pinto. Ugh!!
 
Si Monica. Classmate din pala namin siya. Syempre kaming girls, bati lang nang bati sa mga dumadating at inaaya sila na dun umupo sa side namin. Dalawang Koreana din, actually ang classmates namin. Si Pheobe naman kanina pa tahimik. Grabe. Feeling ko makapal din muka nito eh. Pero syempre bago palang siya, tatago niya muna yun.
 
Ugh!! Nasan na ba si Aarooooon?! Binilang ko yung girls. Kulang pa rin pala kami.
 
"Nix, sino pa kulang natin?" Tanong ko.
 
"Ha? Ilan nalang ba kulang?"
 
"Isa"
 
"Ahh. Baka new student. Andito na lahat ng kilala ko eh." Sagot ni Nix.
 
"Grabe. Kinakabahan ako. Mabait ba si Ms. Athena? 'Di ko pa siya naging teacher eh" nag-aalalang tanong ko.
 
"Sabi nung higher years okay naman daw siya eh. Mabait naman daw." Nix.
 
Ang awkward pala nito. Nag-uusap kami nasa gitna namin si Pheobe.
 
"Ikaw, Pheoebe. Magsalita ka naman d'yan oy!" Sigaw ni Alyssa.
 
"Ano namang sasabihin ko?" Mahiyang tanong nito.
 
"Kung saang school ka galing? Bakit dito ka sa AAM lumipat? Mga ganun." Tanong ko.
 
Nagkwento naman siya. Ayos naman pala tong si Pheobe eh. Nahihiya lang talaga siya dahil bago pa siya.
 
Nagbukas nanaman for the nth time yung pinto. Medyo kinabog ako dun dahil Koreano yung pumasok. Sino pa ba? Edi si Aaron loko. Sabay naman na may pumasok na isang girl. Siya na malamang yung new student na hinihintay namin kanina. Naupo silang lahat dun sa back part ng room. Wow grabe. Yung new student na girl, nandun sa group ng boys. Dapat dito siya eh! Sobrang tahimik niya tuloy dun.
 
At sa wakas dumating na si Ms. Athena. Ang cutie niya pala. As in ang sarap niyang ihug. Maliit tas chubby. Haha.
 
"Okay, class. I'm Ms. Athena Bando. Well, some of you, familiar na ako. Most of you came from the class of Ms. Annie last year, right?"
 
Nagnod lang kami. 'Di pa naman kasi kami ganun ka-close sa kanya eh.
 
"Well, sadly, she won't be teaching in AAM anymore."
 
"Po?! Bakit daw po?" Tanong naman ni Monica. Yeah, may pagka-epal kasi 'to eh.
 
"For some reasons. Let's not talk about that. I just wanted to inform you, guys. So let's get to our introduction." Pagpapatuloy ni Ms. Athena. Muka namang okay siya eh. 'Di naman ganun ka-sungit.
 
Ito yung pinakaayaw ko sa lahat talaga eh. Never ko talaga nagustuhan yung introduction na yan! Lalo na pag sinabi pa na "describe yourself" or yung "what are your hobbies?". Ano 'to, slambook?! Well, wala naman akong magagawa. Minsan nag-iisip nalang ako ng random hobby para may maisagot lang eh. -____-
 
Sa hinaba-haba ng introduction, sa wakas, malapit na rin matapos. Ang name pala nung new student na girl ay Ysa. I want to be friends with her. Muka siyang mabait. Mamayang recess. Para masaya. Kaso alam niyo ba? Conyo si Ysa. Sosyal eh. Galing kasi sa Woodrose. All-girl school na puro conyo. Haha.
 
"wait, may isang kulang pa kayo. Based on my list, 9 palang ang boys na nandito. Dapat 10 kayo. Aaron, who is Kim Jae Choon? Is he your friend?" Tanong ni Ms. A kay Aaron.
 
"Miss? No. I don't know him." Ang NR niya tignan.
 
"Okay. Coconfirm ko nalang mamaya. Or baka sadyang absent lang 'to." Sabi naman ni Ms. A.
 
Hayy. Sayang naman. Hindi pa namin mameemeet yun ngayon. Type ko pa naman mga singkit. Malay mo magkakacrush pa 'ko dun kung pogi. Hahaha! Ang landi ko.
 
Recess time na. At ayon nga sa napag-isipan ko, balak ko na ayain si Ysa na sumama sa'min kaso naunahan na kami ni epal. Sino pa? Edi si Monica. Hahaha! Laki ng galit eh.
 
"Guys, pwede sama ako sa inyo? Wala kasi akong kilala dito eh." Tanong ni Pheobe.
 
"Oo naman!! Ano ka ba? Welcome ka sa'min noh!" Sabi naman ni Nix.
 
Hindi naman kaagad magiging close yung section namin nang ganun ganun nalang 'di ba? Pero nagwiwish talaga ako na sana maging okay 'tong school year na ito.
 
"Tingin niyo ba pogi yung Koreanong new student natin?" Tanong ko.
 
"Nako, Tori! Basta chinito talaga eh noh?" Sabi ni Alyssa.
 
"Syempre. You, guys, know me too well. Haha!" Sabi ko. Talagang alam nila kung anong type ko.
 
Sabay naman dumaan yung tropa nila Aaron na puro Koreano din.
 
"Talaga bang crush mo na yang hayop na demonyong Koreanong yan?!" Galit na tanong sa'kin ni Alyssa. Wala nalang sa'min yung nangyari last year.
 
"Ano ka ba, Alyssa? Normal lang nagkacrush noh! Kesa naman kay Gian na may girlfriend naman." Sabi ni Nix. Oo, may girlfriend si Gian back in ParSci. Ang pretty nga eh. Older nga lang sa kanya.
 
"Talaga, Tori? Crush mo si Aaron?" Tanong naman ni Pheobe.
 
"Well, yeah. Haha. Kadiri noh?" Sinabi ko na rin. Feeling ko naman magiging close din kami nito eh.
 
"Ha? Grabe ka naman maka-kadiri d'yan. Haha." Uy, ayos ah. Nakakasabay na 'to si Pheobe sa'min.
 
"Hahaha. Tama ka d'yan, Pheobe. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya magkacrush d'yan noon pa lang first year eh." Sabi ni Nix.
 
"Eh pa'no ba naman kasi, hayop eh." Ito nanaman ang bibig ni Alyssa eh.
 
"Ganyan ba talaga kaingay si Alyssa?" Mahinang tanong ni Pheobe na mukang naiingayan din sa bibig ng babaeng 'to.
 
"Oo eh. Sanayan lang yan. Haha. Daig pa wangwang sa ingay eh noh?" Mahinang sagot ko naman.
 
"Hoy! Ako ba pinag-uusapan niyo d'yan ha?" Sigaw nanaman ni Alyssa.
 
Hay nako. Ayoko na nga makipagtalo dito kay Alyssa. Bubungangaan pa ko nito eh. Haha! Iisipin ko nalang kung ano itsura nung new student namin. Sana pogi. Haha. Sige, ako na talaga malandi.
 
---
 
Nakalipas ang first day of school. Inaabangan na namin si Kim Jae Choon.
 
"Nako, girl. Baka 'di pa rin yun papasok ngayon. Haha!" Inaasar pa 'ko nitong si Nix.
 
"Grabe. Ang nega naman nito!" Sabi ko.
 
At sa wakas! Dumating na siya. Pero bakit magkasama sila ni Aaron? Akala ko ba 'di sila magkakilala?! Ano ba 'yan? Pa'no ko 'to icoclose kung close sila ni Aaron! Aasarin lang ako nun. Hindi ko pa makita muka niya kasi nakatalikod pa. May kausap ata sa labas. Pero ito ang nakakagulat, sobrang tangkad niya for a Sophomore student.
 
At nung humarap na....
« Last Edit: December 06, 2012, 10:43:43 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

PseudoWriter

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 820
  • Karma: +15/-7
  • Haaaaaaave you met Ted?
Re: Bittersweet Memories
« Reply #8 on: December 06, 2012, 10:16:02 PM »
Woooowwwww! Super update itech! Hi sis. First reader/supporter! Luvetttt!

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Characters
« Reply #9 on: December 06, 2012, 10:21:33 PM »
Characters:

so yeah, on-going itong story na 'to ngayon pero hindi ko pa pala napopost yung characters. kaya naman, here:

Tori
Aaron
Gian
Shane
Nix
Ysa
Pheobe
Alyssa
Jay/Jae Choon
JD/Jeyd
Brandon

Macy
Aivory
Monica
Ms. A/Ms. Athena
Kenneth
Karrie
Ramz
Lewis
Raine
Kate
Joan
Jace
Andy
Chelsea
Bella


Note: yung mga naka-bold na black lang, hindi na ko nag-effort. mauubos kasi colors eh (since limited lang colors dito sa CC). kaya when you see that they're in that format, ibig sabihin, wala naman silang masyadong role/dialogues or kaya naman napadaan lang sila. pero si Brandon, baka gamitin ko sa ibang characters yung purple niya. :p you'll know why. i'll just inform you or you'll just see my notes in every updates kung may inulit akong colors for the characters. pero yeah, hindi pa complete yan ah. plus, hindi ko nilagyan ng last name kasi mahirap mag-isip. :p hahaha. anyway, comment naman kayo! :D please???  ;)

and oh! this is based on a TRUE STORY. :D
« Last Edit: December 12, 2012, 09:05:40 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories
« Reply #10 on: December 06, 2012, 10:22:46 PM »
Woooowwwww! Super update itech! Hi sis. First reader/supporter! Luvetttt!

OMG!! thank you! :D hope you'll keep on reading, sis! <3


-teeheezzle-

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories Chapter 8
« Reply #11 on: December 06, 2012, 10:35:49 PM »
Chapter 8
 
Humarap na si Jae Choon. Ayun, matangkad nga siya. Pero alam niyo yung feeling na mukha siyang Filipino. -_____- singkit siya, moreno, payat, matangkad, at para naman siyang mabait. Kung icocompare siya kay Aaron, mas may dating si Aaron. Pero gusto ko kaibiganin itong si Jae Choon.
 
"Oh, so you're Kim Jae Choon, right?" Tanong ni Ms. A, pagkaupo niya sa place niya.
 
Nagnod naman siya. Nag-uusap kasi sila ni Aaron in Korean eh. Nakakaintindi kaya siya ng English? Sana naman nakakaintindi siya para mas madali makipagfriends. Mehe. Pero i swear, wala akong pagnanasa sa Koreanong 'to noh! Aaron pa rin ako kahit ayoko. Haha.
 
"So your last name's Kim?" Tanong ulit ni Ms. A.
 
Nagnod nanaman siya. Kami namang mga classmates niya, ayun, patingin tingin lang at nag-aabang sa mga isasagot ni Koreanong Jae Choon. Pero wala kaming maasahan. Wala na ba 'tong ibang isasagot kundi yung pagnod niya?! Gusto ko marinig boses niya eh! Titignan ko kung scary ba. Haha! Sa tangkad niyang 'yan, malamang mababa boses niya. Hay! Ano ba 'to! Para akong nakakakita ng alien ah. Maka-observe lang ako, wagas!
 
"Uy, ayos ka lang? Kanina mo pa tinititigan 'yan si Jae Choon ah!" Sabi ni Pheobe sa'kin. Aba! Dumadaldal na 'tong babaeng 'to ah.
 
"Eh bakit ba?! Gusto ko siya maging friend eh! Haha." Sagot ko naman.
 
"Type mo ba?"
 
"Hindi ah! Malisyosa 'to!"
 
Tapusin na ang pag-uusap na 'to! Haha! Ayoko na ma-issue pa.
 
"Jae Choon, do you mind of i ask you why were you absent yesterday?" Biglang tanong ni Ms. A. Ito na yun eh! He'll explain! Magsasalita na siya! Oh, Tori! Wait for it... Wait for it...
 
"Oh, he just came fresh from the airport from Korea" paliwanag ni... Wait, okay! Bwiset talaga. Bakit si Aaron nag-explain?! Sabihin niyo nga sa'kin! PIPI BA 'TONG KOREANONG JAE CHOON NA 'TO?!
 
"WHAT?! He just came from the airport?!" Shocked na tanong naman ni Ms. A. Bakit ba? Anong meron?
 
"Miss, bakit po?" Tanong ni JD.
 
"Ha? Ah eh, baka kasi may AH1N1 yan!" Nangangambang sagot naman ni Ms. A. Oo nga noh? Uso pala AH1N1 sa ibang bansa. Oo nga!! Baka meron 'tong di Jae Choon!! At dito pa talaga sa school dumeretso!! Oh noooo!! Ayokong magkaron ng ganung sakit!!
 
"Hala, Miss!! Anong gagawin natin??" Tanong ni Nix na nag-aalala.
 
Nagpapanic na kaming lahat. Kaya naman itong si Ms. A,..
 
"Jae Choon, may i please ask you to step out first?" Pakiusap ni Ms. A. Hala! Ano nang nangyayari??
 
"But why??" Tanong niya na mukang confused na confused. Pero wait, OMG!!!! NAGSALITA NA SIYA!! Pero disappointed nanaman ako. Hindi ganun kababa boses niya eh. Pero ayos lang, bagay naman sa kanya eh.
 
Wala din siyang nagawa kundi lumabas ng room dahil halos ipagtulakan siya ni Ms. A.
 
"Miss, why??" Tanong na din ni Aaron.
 
"Is your friend healthy? I mean, is he clear of the famous virus these past few days? You said he came straight from the airport, right?" Sunud sunod na tanong ni Miss. Talagang kabado siya eh. Ako naman tingin tingin lang sa mga pangyayari. Mukang clueless talaga si Jae Choon! Andoon lang siya sa labas ng pinto. Pero yung pinto naman nakabukas eh.
 
"No no, he is not my friend. I just met him downstairs. He was asking me with the classroom stuff. Wait, what?! Miss, you're scaring me! I was the one close to him! Aish!" Ang kulit ng muka ni Aaron. Parang shocked na natatawa na kinakabahan din.
 
"Ohmygahd. I have to make sure." Sabay alis si Ms. A. Pumunta siya sa faculty na nasa harap lang naman ng room namin. Ano kayang gagawin nun?
 
Nakabalik na si Ms. A na may dala-dalang disinfectant spray. Wag mo sabihing,...
 
*pshhhhhhh pshhhhhh pshhhhh* (sound po yan ng disinfectant spray. Sorry ang lame)
 
Tama nga ako. Inispray-an niya yung chair na inupuan ni Jae Choon, yung buong classroom, sabay pinalabas kami. Magkakasama kami sa isang side habang si Jae Choon nakahiwalay sa'min. At ito na nga bang sinasabi ko eh. Pati si Jae Choon inispray-an na ni Ms. A. *facepalm* hayyy!! Ano ba 'tong nangyayari dito! Disaster. -___- maya-maya,...
 
"Aaron, come here!" Tawag ni Ms. A kay Aaron. Parang ayaw pa nga lumapit ni Aaron eh. Kasi naman alam niya kung anong gagawin sa kanya. Oo, pati si Aaron napaghinalaan na meron din. Kaya ayun, pati siya amoy disinfectant spray na. Dumating naman ang principal namin.
 
"What's happening here??" Nagtatakang tanong nito.
 
"Uhhh... Ma'am kasi po i have one student who just came straight from the airport po. Eh i was assuming baka may virus po siyang dala. I was just making sure. Para na rin po sa safety nung iba ko pang students." Explain ni Ms. A.
 
"Who among you is that student?" Tanong naman ni Ma'am principal sa amin. Tinuro naman kagad namin si Jae Choon. Nakakaawa na yung clueless na muka niya.
 
"Will you please go to the clinic? So our nurses can check you." Utos ni Ma'am principal at sumunod na din naman siya.
 
Pagkatapos naman nun ay nagstay pa rin kami sa labas ng room at ayun, dinisinfect na buong classroom namin. Quarantine ba! Hayyy. Ano ba 'to! Lahat naman kami lumalayo kay Aaron. Haha. Pa'no ba naman, malalaman namin na sila magkatabi kanina ni Jae Choon eh. Sino bang hindi matatakot?
 
Bumalik din kinahapunan si Jae Choon sa classroom. Nashock naman kami at hindi alam kung anong irereact pa. Homeroom na din naman. Matatapos na 'tong araw na 'to. Feeling ko naman wala talaga 'tong AH1N1 eh. OA lang talaga class namin. Haha! Maka-panic wagas eh.
 
"Jae Choon, dear, don't go to school yet tomorrow, okay? It's better to stat home and be safe. Just attend the classes the day after. I'll just excuse you tomorrow. Is that clear?" Sabi ni Ms. A.
 
Hay, kawawa talaga. Wala siyang nagawa kundi magnod.
 
---
 
Ngayon palang pala iseset yung seat arrangement namin for the 1st quarter. Hayyy. Sana naman maganda pwesto ko. Yung makikita ko lahat. Malabo kasi mata ko eh. Yeah, ako ay nakasalamin. Pero hindi ako nerd. Kung tutuusin mas nerd pa nga si Andrew sa'kin eh. Ang nerd ay yung walang ibang ginawa kundi mag aral! Well, hindi kasi ako ganun. 'Di ko naman kasalanang malabo mata ko 'di ba? At nasa lahi kasi ng papa ko. -_____-
 
Anyway, back to the arrangement. Dito kasi sa AAM, may kanya kanyang trip ang teachers slash advisers. I-a-arrange nila ang chairs in a way na gusto nila. In this case, ang napagtripang pwesto ni Ms. A ay may pahiwa-hiwalay pang nalalamang. May mala-pyramid na arrangement sa gitna na nakaharap sa board at may tatlong chairs sa each side ng pyramid na nakaharap sa kanila. Gets niyo? Ganito oh:
 
|          --          |
|         ----        |
|        ------       |

Basta parang ganyan. For the sake of imagination lang yang crap na yan. Haha. Anyways, inaasahan ko na nasa harap ako. Pero si Ysa at Monica ang nilagay dun sa dalawang nasa pinakaharap ng pyramid. Eh ako saan? Edi dun sa pinakaright sa right side ng pyramid. Isa ako dun sa nakaharap sa pyramid. Pero ako yung pinakamalapit sa board sa row namin. Basta! Andun ako. Haha. At ang katabi ko? Si Jae Choon!! Kapag minamalas ka nga naman oh! Siya nga lang ang bukod tanging katabi ko eh tas ganito pa?! T.T siya ang nasa left ko. Eh sino naman ang nasa left niya? Edi si Shane! Hayyy. Kawawa naman kaming dalawa. Pa'no kung may sakit nga si Jae Choon? Pa'no nalang kami ni Shane?!
 
"Ang malas naman oh!!! Ayoko dito!" Bulong ni Shane na pinaparinig sa'kin.
 
"Ayaw mo rin dito?" Tanong ko.
 
"Ayoko! Mamaya mahawa pa 'ko eh." Maarte din pala 'tong babaeng 'to eh.
 
"Haha. Oo nga eh. Magpapalipat ka?"
 
"Malamang sa malamang. Ayoko talaga dito." Reklamo niya. 'Di na niya ko hinintay na makasagot nang magtanong siya kay Ms. A.
 
"Miss, pwede po bang pa-transfer ako? Ayoko po dito eh" tanong ni Shane. Aba eh, sosyal pala 'tong lola mo eh. At talagang straight to the point na ayaw niya eh noh?
 
"No, Shane. Wag kang choosy" NR na sagot ni Ms. A.
 
"Ugh! Miss, please?" Pilit pa rin nito.
 
"I said no, Shane. Wag kang makulit." Sabi ni Ms. A.
 
"Miss, bakit ba kasi kami ni Tori ang nilagay niyo sa tabi nun? Pwede namang si Aaron eh." Malakas loob ni Shane sabihin yan kasi wala naman si Jae Choon. Bukas pa yun papasok.
 
"Kaya kayo nilagay ko d'yan eh. Ikaw magaling sa Tagalog. Turuan mo 'yan. Ikaw naman, Tori, sa English mo yan iguide." Explain at request ni Ms. A.
 
"Sige po." Sagot ko. Wala na 'kong magagawa eh. Pati si Shane nanahimik na. We can't do anything about it anymore. Pero on the other hand, ayos na din 'to noh. Gusto ko nga maging close si Jae Choon 'di ba? Papasok na kaya siya bukas? Gusto ko na siya makilala. Wag lang ako mahawa kung meron man siya nung virus na yun.
 
---
 
Kinabukasan, pumasok na nga si Jae Choon.
 
"Jae Choon, you'll sit here" turo ko dun sa upuan sa gitna namin ni Shane.
 
Umupo naman siya. Bakit ba hindi 'to nagsasalita?! Sa bagay, baguhan eh. Parang si Pheobe lang nung una.
 
"So, Jae Choon, how do you feel?" Tanong ni Ms. A.
 
"What?? I'm okay!" Parang iritable na siya. Sino ba naman kasing hindi maiirita kung ganyan ang tingin at tanong sa'yo ng mga tao 'di ba? Haha.
 
"Okay fine. You seem alright naman." Pagtatapos ni Ms. A.
 
Kinalabit naman ako ni Jae Choon.
 
"What are they talking about anyway? You guys are weird." Sabi nito. Aba! At kami pa weird ah! Kami ba 'tong matipid magsalita?! Hay nako.
 
"Well, the other day, you came straight from the airport. You know the virus spreading these days? The AH1N1 thingy? They thought you have it." Sabi ko naman. Talagang kelangan ko pa i-explain sa kanya eh noh? Kami na nga 'tong nasabihan ng weird. -____-
 
"What?! Haha! Stupid." Natatawang sabi niya habang umiiling pa.
 
"Eh ang yabang pala nito eh." Bulong ko. Ganito ba talaga ugali niyo?! Leche. Napatingin naman ako kay Ms. A.
 
"Kim Jae Choon, what is your English name?" Tanong niya.
 
"I don't have one." Mukha talaga siyang ignorante.
 
"Oh class. Bigyan niyo ng English name si Jae Choon." Suggest ni Ms. A.
 
"Ako ako! Ako mag-iisip! Uhmmm...GEORGE!!" Sigaw ni Ramz. Tawanan naman kaming lahat. Wth? Sa'n niya naman napulot yung George na yun? At sa itsura nitong si Jae Choon ay hindi bagay sa kanya yung pangalan na yun.
 
"Ano ba yan, Ramz? Seryoso ka ba d'yan?!" Natatawang tanong ni Miss.
 
"Ah ito! Jeffrey! Oh 'di ba? Ayos na yun, Miss!" Sabi ni Ramz. Loko talaga 'to.
 
"Wag yun! Jay nalang!" Sabi naman ni Miss.
 
"Ano ba yan! Akala ko ba kami mag-iisip, Miss?" Tanong ni Ramz na napakamot naman sa ulo. Nainis. Haha.
 
"What are they saying?" Nagtatakang tanong naman ni Jae Choon.
 
"They are thinking of an English for you. Haha." Sabi naman ni Shane.
 
"Alright. Jae Choon, from now on, we will call you Jay. Okay?" Announce ni Ms. A.
 
Natawa si Jae Choon pero nagnod na din naman siya. Ayos naman siya eh. May pagka-arogante lang talaga. -____-
 
---
 
After recess, as usual kinukulit pa rin ako ni Aaron. Uyyyy, namiss ko 'to ah. Haha! Okay, umiiral nanaman pagkamalandi ko.
 
"Ya! You like Jay??" Tanong nito.
 
"What??" Shocked na tanong ko. Pero wait, mapagtripan nga.
 
"Ohhh. Jay? Haha! Yes, i have a crush on him." Pagbibiro ko.
 
"Oh really? Fine. You go to him na! Go there!" Aba! Pinagtutulakan pa 'ko ni loko! Kapal ng face. Oh wait, nagseselos ba siya? Hahahaha. Okay, ako na feeler.
 
"Hey! Stop it! Fine! Pupunta talaga ako dun!" Sabi ko. Kausap kasi nila Pheobe, Shane at Nix si Jay. Alam naaaa!! Hahaha. Chick magnet pala 'to eh.
 
"Hoy ano yan ha?!" Tanong ko.
 
"Wala naman. Iniinterview lang namin itong si Jay." Sabi ni Pheobe. Sabi na nga ba likas na madaldal 'tong babaeng 'to eh. Haha.
 
"Eh ikaw? Kayo nga d'yan ni Aaron eh. Kayo ah." Asar naman ni Nix. Ngayon ko lang napansin na sumunod pala 'to si loko sa'kin.
 
"I thought you told me to go here? Then why are you here??" Tanong ko na may hidden message na pinapaalis ko siya. Bigla naman niya kinalabit si Jay at may sinabi in Korean. Ano nanaman ba yan?! Bwiset talaga 'to eh.
 
"Uy girls, magTagalog din tayo! Nakakaasar ah!" Aya ko.
 
"Hay nako, Tori. Nagpapaasar ka naman sa Aaron na yan." Sabi ni Shane.
 
Sabay tingin naman sa'kin ni Aaron at nagsmug face. Nakakaasar talaga. Ano kaya yung sinabi niya?!
 
---
 
A/N: sakit sa mata nung yellow. haha. anyway, ano kaya yung sinabi ni Aaron kay Jay? Hahahaha. Ito nanaman ako sa mga pasuspense ko eh. XD so magsastart na kong mag-note. :) anyway, thanks sa reads, guys. Every chapter ako magthathank you sa inyo. Haha. Okay, wait for the next UD! :) btw, i'm planning to write a new story pag natapos ko 'tong BSM. :) so wait for it, okay? Title niya is "The Initiation". Kbye! :p
« Last Edit: December 06, 2012, 10:42:04 PM by Tonee Hilario »


-teeheezzle-

prinsesangmanhid

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 50
  • Karma: +1/-0
  • Fan ako ni Bob Ong. Mwa.
Re: Bittersweet Memories
« Reply #12 on: December 07, 2012, 12:09:05 AM »
Ang gandaaa nakaka relattee <3

Tonee Hilario

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 71
  • Karma: +0/-0
  • Troll
    • Blogspot
Re: Bittersweet Memories
« Reply #13 on: December 07, 2012, 08:14:04 PM »
Ang gandaaa nakaka relattee <3

Awww. Haha. Thanks for reading! :D


-teeheezzle-

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 605
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: Bittersweet Memories
« Reply #14 on: December 07, 2012, 10:02:43 PM »
prologue--

grbae!! i can feel the pain..

mukhang nakakrelate din ako ah  :P :P :P

chapter 1:

owver si Aaron. I love you agad-agad???!!  ;D ;D ;D

Chapter 2:

yan kasi Tori, bat kasi sinabi na merong bf kahit wala naman  ;D ;D ;D

Chapter 3:

My Gahd!! poor Aaron. Broken hearted..
Karrie kasi eh  :-\ :-\

Chapter 4:

OMG! TORI!! mahirap yan! piliin mo nalang kung anong tama ^_^

Chapter 5:

Tori, inlove ka na kay Gian. AT MAY FEELINGS KA PARA KAY AARON.

isa lang masasabi ko diyan.

sana~ dalawa ang puso mo ~~  ;D ;D ;D

Chapter 6 :

omg!! shocking news!! Aaron na talaga??

wala na bang Gian sa puso mo, Tori?? pero crush palang naman eh..  ::) ::)

Chapter 7:

waaahh!! wahhh!! sino yung kasama ni Aaron!! SINO!! SINO??!!  :)

Chapter 8:

ako rin! gusto kong malaman kung ano yung sinabi ni Aaron..

Curiosity kills the cat!!  :P :P :P


 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Lovin' leggings and trainers

by: jed, 2014-09-19

Isn't there something really cute about a dress + leggings + trainers combo? I'd like to see your interpretation of this trend! Instagram your look and tag me @jedgcandy. Jed...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved