Chapter 6 Ehhhh.. 'Di ko pa rin malaman kung bakit ganito. Pero isa lang ang sigurado ko: kinakabahan ako na baka malaman ni Gian yung kalokohan ko! Buti nalang talaga nilipat kami ng room. Mamaya maging close pa sila ni Aaron kung nagstay pa kami dun eh.
Habang naglalakad papunta sa room na paglilipatan namin, sinabayan ako ng lakad ni Aaron. Ugh! Oo na, alam ko na pakay nito: ang bwisitin nanaman ako.
"Oh so that's Gian, huh?" Tanong niya habang naka-smug face.
"So what?!" Naiiritang sabi ko. Pero ngiti pa rin siya.
"He's your boyfriend, right?" Tanong nito na nang-aasar.
UGH!! Bakit ba inuungkat niya yun nang inuungkat?!
"Would you stop it?! You're irritating me!" "No. Haha! I like irritating you!" Ugh! Hindi ba 'to marunong makiramdam?! Ang sarap niyang ipasagasa sa tren eh!
Hindi nalang ako nagsalita. Malay mo, tigilan ako.
"Gian" bulong nito.
"STOP IT!" Sigaw ko.
"Uy uy uy! Anong nangyayari d'yan ah. Nagkakadevelop-an na ba kayo d'yan?" Tanong ni Nix.
"Hindi ah! Binibwisit nga ako ngayon tapos magkakadevelop-an pa?! Ilayo niyo nga 'to sa'kin bago ko pa 'to kalbuhin" sagot ko.
"What??" Tanong ni Aaron. Ha!! 'Di nanaman niya naintindihan! >
'Di ko naman siya sinagot.
At last, nakarating na kami sa room.
Naghanap ako ng mauupuan. Syempre tabi-tabi kaming girls. Pero ewan ko ba, wala na ngang space para sa kanya, eh sisiksik pa rin 'to si Aaron! Ugh!
Hindi ako active sa MTAP trainings, actually. Para ngang tambay lang ako dun eh. Saka ko nalang kinacareer pag yung elimination na. Haha. Pero itong si Aaron, ewan ko ba! Sila lang ni Andrew ang active na active sa pagsagot sa proctor namin. Sige. Edi sila na magiging finalist. Ayos lang sa'kin. Haha! Syempre joke lang yun. Kailangan ko galingan sa elimination. Malay mo swertehin ako at makapasok 'di ba?
"Ya! You answer!" Pangungulit sa'kin ni Aaron pagkabalik niya sa upuan niya galing sa pagsagot sa board.
"No! I don't know the answer." Hindi ko naman talaga alam eh. 'Di nga ako nakikinig 'di ba?
"I'll give you one answer then you write on the board" sabi nito.
"No! What if she tells me to explain my answer? I'll be dead!" Sagot ko naman. Hello, ayoko mapahiya 'no!
"That's why i'll explain it to you!" Pangungulit pa rin nito.
"Fine! Grabe! Ang kulit mo!" Reklamo ko.
Teka teka. Bakit napapansin ko na kanina pa tinginan nang tinginan yung mga classmates namin from DOST kay Aaron?
Omg! 'Wag nilang sabihin na napopogian sila sa mokong na 'to! No way! O baka naman ngayon lang sila nakakita ng Koreano? Haha! Syempre hindi naman siguro 'no!
Napatingin tuloy ako kay Aaron na sinusulat solution niya sa paper ko. 'Di naman siya nakatingin kaya matitigan nga. Hmmmm...
Sa bagay, 'di naman pangit 'to si Koreano eh. Kung tutuusin may itsura nga eh. Naka-cap na Converse siya ngayon, naka-PE shirt (kasi yun yung required attire), pants, Chucks, hoodie at naka-glasses na hindi naman nerd tignan. Fine, sabihin na natin na may dating siya. May appeal. Magaling kasi pumorma si loko eh.
"There. Do you understand the solution?" Tanong niya nang matapos na niya isulat.
"What? Ahh. Yeah. Of course, i understand" wala lang. May maisagot lang. Sabay naman na binasa ko kaagad yung solution niya para hindi halata.
At ayun na nga, next set of questions na. Sumagot ako sa board. At tulad nga ng inaasahan ko, pina-explain nga yung solution namin. Second to the last ako. Si Aaron, dahil sa dakilang epal nga, ito nasa board nanaman at sumasagot. Siya naman yung last. Nasa may bandang dulo kami ng board, waiting for our turns. Ino-observe ko naman yung students sa harap namin. Nagbubulungan sila na parang kinikilig pa. Well, halata namang si Aaron pinag-uusapan nila eh.
"Ate, close po kayo ni Aaron?" Biglang tanong sa'kin nung isang babae na nakaupo sa harap.
"Uhhh... 'Di naman. Bakit?" Tanong ko. Hindi kami close ni Aaron, we're frienemies. Haha!
"What? We're not close??" Biglang sabat naman ni Koreano.
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay. Taray much?
"We're close!" Sabi ni Aaron dun sa girl.
"Ahh. Wala lang natanong lang namin" sagot niya. Ah so pinagplanuhan pa pala nilang tanungin 'yun. Baka yun yung pinagbubulungan nila kanina.
"Ya! It's your turn already!" Sabay tinulak ako nang mahina ni Aaron papunta sa spot nung solution ko.
Natapos akong mag-explain at turn na ni Aaron. Ang loko ngiti nang ngiti ba! Hanggang makarating sa upuan niya nakangiti pa rin. Lakas makapagpacute ah! Porket nahahalata na niya na trip siya nung mga babae eh.
"Uyyy, may nagseselos." Biglang sabi ni Lewis sa'kin. Anong pinagsasasabi nito?
"Ano?! Sino??" Tanong ko.
"Edi ikaw! Hello, halatang halata kaya na hindi mo gusto kung pa'no ngitian ni Aaron yung classmates natin! Haha!" Ano daw?! Ako?! Nagseselos?! No way!!...
Or am i? :/ baka nga tama si Lewis. Oo, lagi kong nakikita yung mga ngiti na yun kapag inaasar niya ko. Pero parang may feeling ako na gusto ko sa'kin lang siya ngingiti nang ganun. Haha!! Possessive lang ang peg ko.
Break time naman. Kumain lang at gala-gala kami sa vicinity ng ParSci. Si Aaron? Ayun, kasama nila Ate Korin, Ate Nikka at yung iba pa. Basta yung higher batch sa'min na kaclose niya. So wala akong karapatan magselos, okay?
Naglalakad kami nila Lewis, Nix at Alyssa nang may ma-spot-an kaming cutie. Napag-alaman naming taga-DOST siya at hindi sa ParSci. Topher ang name niya. Since chicks nga itong si Lewis ay malakas loob niyang mag-damoobs. Nagpakilala siya at yun, nagkakilala sila. Haha! Hanggang dun nalang yun. Chaka eh. 'Di effective damoobs ni Lewis sa kanya. May pagka-conservative ata si Topher. Haha.
---
Lumipas ang ilang linggo at paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa MTAP trainings--tumunganga at magtext. Para bang sinasayang ko lang Sabado ko dun. Well, not in a bad way. I mean, ako mismo ang gumagawa ng move na mafeel kong every Saturaday spent there is a waste. Dapat nakikinig ako eh.
Pero pagdating naman ng elimination, LUCKILY, nakapasok ako. Kabado ako nung araw na yun kasi parang nararamdaman kong 'di na ko makakasali. Ako, si Andrew at Monica ang finalists at magcocompete.
"You kasi! Very careless!!" Sabi ni Doc Em kay Aaron.
"Huh? Why?" Tanong naman nito.
"I checked your answers, you know the solutions but some of your answers are wrong because of your careless usage of operations! If you got those correct answers, you'll be part of the finalists! You too, Jee Hae! You're supposed to be part of the finalists!" Sabay tingin kay Jee Hae.
Sa aming tatlo nila Andrew at Monica, ako yung lowest. At least nakapasok 'di ba? Pero medyo nahurt lang ako kasi pinarinig pa sa akin ni Doc Em yun. Nafeel ko tuloy na wala siyang tiwala sa'kin at parang mas gusto niya pang makapasok si Aaron kaysa sa'kin. Pero 'di ba careless nga siya? Hindi pwede yun sa contest. Baka sa'kin talaga nakalaan yung slot na yun. Oo, na-insecure ako kay Aaron nun. Kasi alam ko sa sarili ko na mas magaling siya sa'kin at mas gusto siya ni Doc Em, i mean, SILA ni Jee Hae. Pero wala eh. Kailangan din naman namin tanggapin na mas mataas pa rin nakuha kong score sa kanya. Gagalingan ko nalang talaga para mapatunayan na deserving ako sa slot na yun.
Oha! Haba ng speech ko. May pinaglalaban eh! Haha!
Lumayo nalang ako sa kanila nun. Ayoko nang marinig sinasabi nila dun. Congratulate ko nalang sarili ko na nakapasok ako.
---
Lumipas ang mga araw na every Math time namin sa school hours ay inilalaan ni Doc Em para sa practice slash preparation namin for the contest. Tinetrain niya kaming tatlo na parang nasa contest na talaga kami. Nagdadala pa siya ng buzzer para damang-dama talaga namin 'yung mga pangyayari. At alam niyo kung sino ang lagi niyang kinukuhang buzzer person? Sino pa? Edi si Aaron. At minsan pa, pag hindi namin nakuha yung tamang sagot, tatanungin niya nalang bigla si Aaron. Nasasagot naman ni loko. Nakakainis!! Bidang-bida siya eh! Ugh! Sarap ipukpok nung buzzer sa kanya eh!
Tuluy-tuloy lang training namin. Pero one week before the actual contest, tumawag mom ni Andrew kay Doc Em para sabihin na hindi na 'to makakasali sa contest dahil nagkasakit. Medyo nabadtrip si Doc pero naghanap kaagad siya ng kapalit. Buong akala ko si Aaron ang mapipili niya pero si Jee Hae pala. Tres Marias kami ngayon.
"Ano ba naman 'to si Andrew oh! Ngayon pa nagkasakit eh! Bwiset!" Sabi ni Doc Em. Nagulat naman ako na natatawa.
---
Hindi kami nanalo. In my perspective, alam ko naman na parang wala lang ako dun sa group namin. Oo, nakapagsolve naman ako kahit papa'no pero mas nafeel ko presence ni Jee Hae sa'min nun. Siya pa yung back-up pero siya yung sagot nang sagot. Hayyy. Iba talaga pag Korean. Galing sa Math. Kahit 'tong Koreana na 'to magaling din pala.
Malapit na magtapos yung school year. Ito naman si Lewis nagkaroon pa ng conflict between her and Teacher Annie. Malamang dahil na rin sa grades and all. To the point na nagdecide ang mom ni Lewis na itransfer na siya ng school.
"Sa'n ka naman ililipat??" Tanong ko kay Lewis.
"Baka sa Beda" sagot niya.
"Oh nooooo! Lewis, mamimiss ka namin. Hindi na buo ang 'Bad Chicks'" sabi ni Raine. 'Bad Chicks' daw kami ayon kay Lewis. Siya nakaisip niyang napakabaduy na pangalan na yan. Kaya hindi namin masyado ginagamit dahil nga nakakaasar pakinggan. Haha.
"Bayaan niyo! Bibisita pa naman ako dito eh!" "Siguraduhin mo yan ah!" Sabi ko.
"Akala ko pa naman sabay-sabay tayo gagraduate! Badtrip naman 'to eh! Teacher Annie kasi eh!" Reklamo ni Raine.
---
1 message received
From: Gian Buenavista
SBFF!! Baka bumalik ako sa AAM nxt schoolyear! Oo, SBFF ang tawagan namin ni Gian. As in, Super BestFriends Forever. Napag-usapan namin yan kasi halos araw-araw ba naman kami magkatext eh. Tapos ito, after a week of not texting each other, bigla niya 'tong sasabihin. Pero parang na-excite ako na parang wala nalang sa'kin.
To: Gian Buenavista
Oh?! Yay!! Edi malay mo united na ulit tyo sa MTAP. :> eh bkt ka nga pla babalik sa AAM eh science high school nmn yng ParSci ah.
From: Gian Buenavista
Hnd kse umabot sa quota grade ko. Haha! Pro hnd pa tlga sure kng jan ako lilipat ha? Update nlang kta pag sure na. Haha.
To: Gian Buenavista
Ok! Haha. For sure classmate tyo nian pgbalik mo. XD
From: Gian Buenavista
Haha. Sana. Uy cge ah. Txt you later, paliguan ko lng c Jesh. Si Jesh lang naman ay ang super cute niyang aso na Shih Tzu.
To: Gian Buenavista
Cge. Goodluck! Haha! Tama bang mag-goodluck sa taong magpapaligo lang naman ng aso? Hindi na din naman siya nagreply.
Tumunganga lang ako bigla at nag-iimagine ng stuff na pwede mangyari next year. Magiging classmate na namin ulit si Gian. Hayyy. Sana naman by that time wala na talaga akong gusto sa kanya.
---
Malapit na mag-recognition day. Ibig sabihin, malapit na talaga magbakasyon. Na-e-excite ako na nalulungkot. Na-e-excite kasi, SINO BA NAMANG HINDI SASAYA SA BAKASYON?! Haha! Malungkot naman kasi hindi na namin makakasama si Lewis next school year. How sad.
First honor nga pala ako. Haha! Proud? Oh well. Si Aaron naman hindi makapaniwala. Palibhasa new student eh. -____- inggit lang 'to.
Pero alam niyo, i found myself wishing na sana classmate ko ulit 'to si loko. Ewan ko, nag-e-enjoy ako sa company niya. Kasi naman yung mga pang-aasar niya nakakainis nga pero parang ang unusual talaga 'pag hindi din kasi kami nag-aaway eh. Ibig sabihin lang nun may problema.
"Wow. Very smart! Anyway, congrats!" Sabi ni Aaron. Wait, si Aaron ba talaga 'to? Haha. May sakit ata eh. Bakit ang bait?
"Uhhh...thanks? Are you sick?" "What? No! Why?" Nagulat na sagot niya.
"Nothing." Sabi ko nalang.
---
Bakasyon pa rin namin as of now. Sinamahan ko si Mommy sa school para mag-enroll. Hayyy. Another school year ahead. Wala naman akong napala dun sa school. Sayang sa oras. -_____- wala friends ko dun.
Omg. Ngayong nakapag-enroll na 'ko, yung iba kaya nakapag-enroll na? Sana maging classmate ko si Raine ulit! Si Lewis naman kasi lumipat pa eh.
Ay oo nga pala, si Gian kaya saan na mag-aaral? Maitext nga mamaya pagdating sa bahay.
Saka, isa pa...sana maging classmate ko din si Aaron. 'Di ko alam kung magiging masaya ang Sophomore year ko nang hindi ko siya classmate.

WEH!! Haha. CHOS LANG YUN!! Fine, malulungkot ako...pero konti lang! Haha.
---
To: Gian Buenavista
SBFF! Ano na? San kna mag-aaral?? :>
From: Gian Buenavista
Ayy oo nga pla. Gud news. AAM nko ult.
Bilis talaga nito magreply. Pinaglihi ba sa typing machine 'to? Haha. Weh, korni, Tori. -____-
To: Gian Buenavista
Oh?! Tlga?! Omg. Yay! For sure classmate tyo nto! Haha.
From: Gian Buenavista
Haha. We'll still see.
Hayyyyy. Yay! Babalik na si Gian. Pero wait, gusto ko pa rin ba siya?
Feeling ko...
Hindi na? Kasi naman eh....
CRUSH KO NA OFFICIALLY SI AARON!!!!!