Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: Love You, Only Better | CHAPTER 4: NEW STUDENTS | UPDATED! :D (Readers?)  (Read 924 times)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Love You,
Only Better

"Falling in love with your best friend is the sweetest crime." Mahal ko siya pero alam ko naman na di niya ako magugustuhan kahit kelan. At hindi na babalik ang dating friendship namin. Until he said... "Then I'm guilty."



CHARACTERS
Karen Mae dela Cruz - The Girl
Scott Gonzales - The Best Friend
Jessica Ray Rodriguez - The Athlete
Adam Newton - The Heartthrob
Pamela Adeline Gonzales - The Casanova Princess
Patrick James Dominguez - The Artist
« Last Edit: December 09, 2012, 01:41:56 PM by bittersweet24 »
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Love You, Only Better | Prologue
« Reply #1 on: November 15, 2012, 09:23:05 PM »
PROLOGUE

“Falling in love with your best friend is the sweetest crime.”

Siya ang best friend ko.

Siya ang tinatakbuhan ko kapag may problem ako.

Siya ang nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako.

Siya ang kasama ko sa lahat ng ginagawa ko.

Siya ang tumutulong sa akin kapag may kailangan ako. Lagi siyang andyan, hindi niya ako iniiwan.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy mabuhay sa mundong magulo.

Siya ang lahat sa akin.

At katulad ng lahat ng kwentong mag-best friend,

I fell in love with him.

Sabi nila masaya daw ma inlove sa best friend mo. Kasi kilalang kilala mo na siya. At malaki ang chance na may secret siyang pagtingin sayo. At pag naging kayo, magkasundong magkasundo na kayo. Wala naman daw magbabago kasi you still love him, only better.

Pero bakit parang hindi naman ako masaya?

Bakit ako nasasaktan?

Bakit parang ito na yata ang pinakamaling decision na ginawa ko sa buhay ko?

Bakit parang kasalanan ko pa na mahalin siya?

Should I be happy that we're best friends? Or should I be sad because that's all we'll ever be?

Until he said...

“Then I’m guilty.”



hello! new story lang po sana po support niyo po thanks po!  ;D bittersweet24 <3
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

princessofstyles

  • Guest
Re: Love You, Only Better | Prologue
« Reply #2 on: November 16, 2012, 09:19:26 AM »
nagustuhan ko yang "then...i'm guilty line" na yan.
abangan ko to.
april nga pala.you can call me yanna too
;) ;) ;)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Love You, Only Better | Prologue
« Reply #3 on: November 16, 2012, 08:28:52 PM »
nagustuhan ko yang "then...i'm guilty line" na yan.
abangan ko to.
april nga pala.you can call me yanna too
;) ;) ;)

hello yanna/april! haha! :) thank you ng marami!  ;D
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Chapter 1: Alarm Clock
« Reply #4 on: November 17, 2012, 08:49:42 PM »
Chapter 1: Alarm Clock

I'm feeling sexy and free
Like glitters raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm 'bout to explode


*beep*

Mapatay nga! Ang ingay ingay naman nitong alarm ng cellphone ko! Himbing himbing ng tulog ko, sobra kung makaistorbo.

Nagtalukbong ulit ako ng unan at kumot at dozed off to sleep.

I'm feeling sexy and free
Like glitters raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm 'bout to explode


Punyemas naman! Ano ba naman kasi! Nakakainis na ah.

*beep*

Yan tuloy, di na ako makatulog, puyat pa naman ako kagabi. :((

Teka lang.

Domino ni Jessie J? Yun ba ang alarm ko? Napamulat bigla yung mata ko.

Hindi ba ringtone ko yun? Lagot! Eh sino naman kaya yung tumatawag?!

I'm feeling sexy and free
Like glitters raining on me
You're like a shot of pure gold
I think I'm 'bout to explode


*beep*

"Hello?" sinagot kong antok na antok.

"Good morning bes," a soothing voice answered.

Napaupo ako bigla sa kama. Para akong naexcite na kinabahan na nagulat na ewan. Haay gulo!

"Bes?!"

"Ako nga, ano ba sa tingin mo, alarm clock? Kelan pa naging Domino ang tunog ng alarm mo?" He answered back habang tawa ng tawa.

"Ah, eh, sorry ha, napasarap lang ako ng tulog. Hehe... Eh bakit ka pala napatawag?"

"Gigisingin na po kita. First day ngayon at tingnan mo kung anong oras na."

Tiningnan ko yung wall clock ko. 7:00AM! At ang class ko ay 7:30 am! LAGOOT NAAAAAA!

"Naku patay! First day na first day! Naku! Sige na bes, maliligo pa ako! Thank you ha and good morning!"

"Good morning nalang sayo, see you!"

Binaba ko na yung phone at nagmadali akong nagpunta sa banyo para maligo and do my stuffs. Then nagsuot ako ng nice blouse at skinny jeans mula sa closet ko. Di naman nagrerequire ng uniform sa school namin kaya okay lang.

Malapit lang naman sa bahay namin ang school ko. Mga 10-15 minute walk tapos 5 minutes pag by car. Nasa loob lang naman din yun ng subdivision namin. Pero kasi naman eehhh, first day na first day ko as a third year high school student tapos late pa ako! OMG!

Naglagay ako ng powder  and some lip balm habang nagaayos ako sa harap ng salamin. Then tumakbo ako downstairs.

"Good morning, Ma! Good morning, Pa!" I gave them both a good morning kiss. Si Mama naghahanda ng breakfast habang si Papa nagbabasa ng morning newspaper.

Businessman kasi si Papa. Ang totoo, siya ang may-ari ng isang multinational company na based sa France. Namana niya kasi yun mula sa lolo ko na sobrang yaman. Yung company niya ay nagbebenta ng consumer products tulad ng mga shampoo at snacks.  So, oo medyo mayaman kami pero nagdecide sila Mama na mabuhay lang kami ng simple para daw maranasan namin yung ordinary life.

"Good morning... Kuya?! Anong ginagawa mo dito?"

At eto si Kuya Matt, ang one and only older brother ko. He's four years older than me at nasa college na siya. At nagddorm lang siya malapit sa school niya, which is 4 hours away mula sa amin. Kaya nagtataka ako kung bakit andito siya ngayon.

"Bakit bawal ba ako dito?"

"Kuya naman eh, nagulat lang ako. Hahaha. Syempre namiss kita no!" Then I gave him a morning kiss.

"Ikaw talaga Kakai! Bukas pa magsstart yung class ko at susunduin ko na rin si Vicky."

Kakai ang tawag sa akin dito sa bahay, minsan Kai, short daw for Karen. Si Kuya gumawa nun eh. At si Vicky naman ang girlfriend niya.

"Ah ganun ba?" Nagstart na akong kumain ng breakfast. Halos di ko na malasan yung pancakes na kinakain ko. Anubeyen. Malelate na talaga ako! Pinagsasabay ko na nga yung pagkain at paginom!


"Late ka na naman pala Kai! Bilisan mo na dyan!" Pangaasar ni Kuya. I just pouted at him at nagtuloy lang sa pagkain. Then I brushed my teeth.  At diretso lumabas sa bahay.

At paglabas ko... Nakita ko ang isang guy na nakatayo against the driver's door of his car. And he was facing our house.

Nakasuot siya ng sa loob ng plain polo shirt na nakabukas, then black jeans and sneakers. Nakatungo lang siya while playing with his cellphone. Mukhang seryoso ang mukha pero mukhang happy. And... he's... handsome? Ang tangos ng ilong niya, fair complexion, and yung abs. Sobrang well-defined ng balikat niya. Haay, matutunaw na yata ako! Bakit kasi ang gwapo niya -

Teka, mali to! Karen, ano ba?! Nahihibang ka na ba?! Maling mali! Ugh!

Dugdug. Dugdug.

Then I think I just heard my heart skip a beat.




hello! thank you sa lahat ng nagview at nagbasa ng prologue! chapter 1 updated na! :D
bittersweet24 <3

dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Love You, Only Better | CHAPTER 1 UPDATED! :D
« Reply #5 on: November 24, 2012, 08:32:56 PM »
Chapter 2: Passenger's Seat

“Bes!”

Nagkatinginan kami nung lalaking nakita ko kanina. Nag-meet yung mga mata namin at nagsmile lang siya sakin. Nararamdaman ko pa rin yung puso ko na sobrang lakas ng tibok. Bakit ba ganito?!

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap niya ako. Kinabahan ako dahil baka maramdaman din niya na malakas ang tibok ng puso ko. At niyakap ko din siya.

Ang lalaking yun ay walang iba kundi si Scott Gonzales, ang long-time best friend ko since childhood. Ah hindi, baka pinagbubuntis palang kami ng mga mama namin, magbest friend na kami. Ang totoo niyan, magbest friends kasi yung mga parents namin. Ito din ang reason kung bakit sila nagdecide na maging magkakapitbahay. Kaya kami na mga anak nila, naging close friends na rin. At si Scott ang pinaka naging best friend ko.

Hindi ko alam kung paano kami naging magbest friend. Bata palang kami, siya yung nakakipagaway sa mga nagbubully sa akin na nagsasabing pangit daw ako. Nakakainis sila! >:(( Masaya naman ako kaso nga lang pag kami nalang magkasama, inaaway nya rin ako eh! :))

Siya yung takbuhan ko sa lahat ng bagay. Sa kanya ako kumokopya ng homework, nagpapagawa ng project, nagpapadownload ng Korean movies, nagpapalibre ng food, at kung ano ano pa. Sorry naman kung inaabuso ko na yata kabutihan niya! Hahaha!

“Ikaw talaga, first day na first day, late ka!” Tawa siya ng tawa habang ginugulo yung buhok ko. Anu ba >.<

“Sorry na bes! Napuyat kasi ako kakanood ng movies kagabi. At teka, wag mo guluhin yung buhok ko!” Nakitawa na rin ako sa kanya.

“Hahaha. O sige na, tara na!” At kinuha niya yung bag ko at dinala habang umakbay siya sa akin.

Dugdug. Dugdug.

Normal lang naman yung ginawa sa akin ni Bes. Lagi naman niya dinadala yung bag ko at umaakbay sa akin. Pero ano ba ito?! Bigla bigla nalang bumibilis na naman tibok ng puso ko! Napapangiti rin ako habang tinitingnan ko yung kamay niya na nakapatong sa shoulder ko. At parang may kumikilit sa tiyan ko?

Pero kasi ang weird naman? Eto siguro yung mga nangyayari sa nalalate ang gising. Bumibilis tibok ng puso baka dahil sa pagmamadali!  Hahaha ang weirdo ko XP

Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya which is a red Honda CRV. Tiningnan ko yung car niya at naamaze ako.

“Wow Bes, eto pala yung bagong car mo? Ang ganda! I love it :) Sabi ko habang tinitingnan ko pa rin.

“Oo, ang ganda no? Ang swerte mo lang, kasi ikaw unang ipapagdrive ko!” ^_^ He smiled widely. Okay lang naman na magdrive siya kahit 16 palang siya kasi student driver yun at pwede naman sa subdivision naming.

Pero buti pa siya may car. Bakit ako wala pa? T_T Eh samantalang yung Papa ko mas mataas ang rank sa company kaysa sa papa ni Scott na CFO lang so mas mayaman kami? Oo nga pala, nasa iisang company din yung mga parents namin. Kung ganun, eh bakit wala akong car? Ayaw kasi ako payagan nila Papa di pa daw ako responsible. T_T

“Wag ka na malungkot, ipapagdrive naman kita araw araw eh!” He cheered me up. Ang sweet talaga ng Bes ko! :”>

Ihahatid na niya ako sa passenger’s seat ng biglang-

“Ggurrrrrrrrrrrlllllllll!” Isang malakas na boses ng babae ang tumawag sa akin.

Pag harap ko, nabigla ako at niyakap niya ako.

Aww, my close friend ever! :”>

“Gurl, I missed you so much!” Sabi niya.

Siya si Pam Gonzales, isa sa pinakaclose na kaibigan ko ever. Oo, Gonzales din siya at ibig sabihin, magkapatid sila ni Scott. At hindi lang magkapatid, siya ang fraternal twin ni Scott kaya hindi din sila sobrang magkamukha.  Sa aming friends, si Pam yung pinakamahilig mag-ayos. Lagi siyang nakamakeup and accessories. Tapos yung hair niya, nakacurl. Lagi din short shorts or miniskirt ang suot niya partnered with nice tops. Haay, inggit ako sa kanya, sana marunong din ako mag-ayos. T_T She’s so sophisticated and artistic.

Then I turned dun sa isa pang boy-este-girl na kasama niya and niyakap ko pa ang isa pa naming kaibigan.

“Jessi, kamusta na!” Naghug ulit kaming tatlo.

Si Jessi ang isa din sa mga close friends ko. Friends din ang parents ko, parents nila Pam sa parents ni Jessi. Kaya ibig sabihin kapitbahay din namin sila. Kung si Pam ay sobrang girly, siya naman ang pinakaopposite niya. Siya yung boyish type kasi nga athlete din siya at sobrang galing na tennis player. At nakakatawa kasi paminsan mapapagkamalan mo siyang lalaki kasi naman lagi siyang nakaloose na shirt and shorts tapos nakarubber shoes. Lagi din siya nakaponytail at nakacap paminsan. Magkakaiba talaga kami!

“Tagal natin di nagkita kita! Haay, I missed all of you. Di bale, we have a wonderful year ahead of us again!” Sabi ni Pam excitedly. Naghug ulit kaming tatlo.

“O siya sige na, I have to make sundo my boyfriend pa.” Pam said. Hahaha. May boyfriend kasi si Pam, yung si Patrick. Well actually, si Pam din ang famous Casanova princess sa amin. Sixteen palang siya pero nakaka 5 boyfriends na siya. Di pa kasama dun yung boyfriend niya sa text at sa chat. Ang hirap talaga ng maganda! Well sana, serious na siya kay Patrick dahil sobrang nice guy nun. :)

At may car din siya. Ang ganda ganda, yung new model ng Toyota Corolla! Sila na ang may car. T_T

Napansin niya yata na tintingnan ko yung car niya.

“Ay nako gurl, wag ka na mainggit! Magkaka-car ka din. At di ka ba masaya, ihahatid ka ng loveydoods mo!” Pangaasar sa akin ni Pam.

“Ayieee!” Pati ba naman ikaw, Jessi?!

“Weh, ano ba kayo!”

Matagal naman na kasi nila kami inaasar. Di naman yun maiiwasan eh. Pero friends lang talaga kami ni Scott forever and we both know that. At super saya ko na best friend ko siya. :)

“Tss, tama na nga yan! Late na tayong lahat! Sige, see you in school!” Hinatid na ako ni Scott sa passenger seat at binigay sa akin yung bag ko. Sumakay na rin siya at nagstart na siya magdrive.

Wow, ang galing niya magdrive. Ang smooth, yung tipong di ako napapauna. Haay nakakainlove!

Ay pwe, ano ba tong pinagsasasabi ko?! Epekto pa rin siguro to nung paggising ko ng late at ng excitement sa first day. Nakakabaliw!

Sa di ko malamang dahilan, napatitig ako sa kanya. Bakit ganun, parang gumagwapo yata siya?! Haay, labo lang siguro to ng mata. Di ko kasi suot glasses ko eh! Di naman kasi siya dati gwapo eh. Payatot at patpatin yan. Pero after nung sumali siya ng basketball team, nagstart na siya magwork out.

“Bes, matutunaw na ako. Kinikilig ako! Bwahahaha” Tawa siya ng tawa at itinakip sa buong mukha ko yung kamay niya!

“Aray naman eh! Anu ba, nagagalingan lang naman ako sayo magdrive no! Gusto lang din kasi matuto huhu” Sabi ko sa kanya. Nakakahiya tapos namumula pa ko ngayon! Baka isipin pa niya may gusto ako sa kanya! Asa pa siya no!

“Hahaha, magpatugtog nalang tayo. Gusto ko din itest yung stereo na to. :) At in-on nalang niya yung radio.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Looking nowhere in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening


Dugdug. Dugdug.

Ang ganda ng Passenger’s Seat. :’) Luma na siya, pero classic pa rin. Pero teka, ang weird lang, best friend ko yung kasama ko, okay? Ang awkward lang yata?

Tiningnan ko siya. Nakafocus pa rin siya sa daan pero nakangiti siya.

And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me.


Dugdug. Dugdug.

Haay, aatakihin na yata ako sa puso! Ang bilis bilis na naman ng tibok eh.  Arrgghhh! Eh kung magpacheck na kaya ako sa doctor? Bwahaha ang weird ko talaga lately XP

We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say I love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply


“Ang ganda ng song no?” Nagulat ako ng sinabi niya yun bigla habang nakangiti pa rin siya.

And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me.


“Oo naman! Ang ganda din pala ng stereo nito!”
Yun nalang ang nasabi ko. Hehe. And nagtuloy lang kami sa pakikinig ng music.

Nagsmile lang siya and bago ko pa malaman, nasa school na kami. 5 minute drive nga lang diba pero bakit parang ang tagal?

Nagpark na kami sa school parking at bumaba na kami. Binuksan niya yung pintuan ko at kinuha ulit yung bag ko. Aww, super gentleman talaga ni Bes! :”>

Then he held my hand at naglakad na kami.

Dugdug. Dugdug.

My heart skipped a beat again.
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Love You, Only Better | CHAPTER 2 UPDATED! :D
« Reply #6 on: December 01, 2012, 09:28:15 PM »
Chapter 3: Lab

“Ayieee, tingnan mo talaga yung dalawang to o! Ang sweet sweet magkaholding hands pa!” Nangaasar si Jessi habang tawa ng tawa at parang kilig na kilig.

Nandito kami sa locker hall ngayon. Puro lockers lang naman dito pero ito yung tambayan ng mga students dito sa Rockville High School. Dito kami nagmmeet at nagkkwentuhan.

“Oo nga naman! Tinalo nyo pa kami ng Love ko sa sobrang sweet!” Sabi pa ni Pam na kaholding-hands si Patrick.

Nakipaghandshake si Patrick kay Scott. Naging close na rin kasi sila dahil na rin pareho silang member ng basketall team. May itsura din si Patrick. Sobrang bait din niya talaga sa amin na friends ni Pam kaya part na rin siya agad ng barkada :) Sa lahat ng mga naging boyfriends ni Pam, siya yung pinakagusto ko :)

Bumitaw ako kay Scott and said, “Anu ba kayo?! Syempre best friends kami no!” Nakakainis talaga itong mga kaibigan ko! Napatawa nalang din si Scott.

Sabay sabay na kami nagpunta sa admin para makuha yung mga locker assignments namin. Excited na kasi kami lahat magdecorate ng lockers. Simpleng bagay lang naman yun pero gustong gusto ko talagang nagdedecorate ng locker ko kasi dinidikitan ko ito ng pictures ng family and friends ko at kung ano pang kaartehan na designs.

Pagkatapos ay bumalik na kami sa locker hall. Pumunta kami sa lockers namin at wee, katabi ko si best friend!

Magsstart na sana ako mag-ayos ng napansin kong may lumapit kila Scott na batchmate namin at may sinabi ito sa kanila.

“Guys, may welcome meeting pala ang lahat ng varsity. Sunod na lang kami sa class, okay?”  sabi ni Scott.  Umoo nalang kami ni Pam at umalis na sila Scott, Patrick at Jessi.

“Ay gurl, sorry ha, I have to go pala sa Artists Club. Alam mo naman, umoofficer na ang lola mo this year!” Pam said.

Super active kasi ni Pam sa Artists Club bilang mahilig at magaling talaga siya sa arts. She’s doing photography, painting, fashion designing at kung ano ano pang artistic stuff. Super galing nga niya eh!

“Ah sige, see you in class girl!” Nagwave ako habang umalis na siya.

Ano ba naman yan, first day na first day mag-isa ako. T_T Staff din naman ako ng school paper namin pero wala naman kami meeting. Magdedecorate na nga lang ako ng locker ko. Nilabas ko na yung mga pictures at scrapbooking stuff na napulot ko sa bahay.

Nagstart na ako pumili ng pictures. Napangiti ako habang tinitingnan ko yung mga pictures kasi yun yung mga kasama ko yung mga loved ones ko. :) Dahil first day, medyo late naman nagsstart yung classes namin so okay lang. Ito kasi si Bes, masyadong strict sa time, aga aga ginising ako!

Naghahanap pa rin ako ng pictures ng biglang may kumalabit sa akin. Or imagination ko lang ba yun? Nagtuloy lang ako sa pagdedecorate. Pero may kumalabit ulit sa akin.

Then I turned around.

At paglingon ko, may anghel na nahulog mula sa langit.

Parang isang anghel na nahulog galing sa langit yung lalaking nasa harap ko. Mukha siyang foreigner, parang American yata? Blue yung eyes niya at it’s like piercing through my soul. Ang tangos din ng ilong at sobrang kissable lips. Ang tangkad pa niya at yung katawan niya, sobrang well-defined ang muscles. Anong klaseng nilalang to?! Ngayon palang ako nakakita ng isang taong kasing gwapo niya.

And he’s smiling at me. Matutunaw na yata ako. :”>

“Hi, Miss! I just want to ask if you know where the Chemistry lab is?”

Natulala lang ako at nakatitig pa rin ako sa kanya. Hibang na kung hibang pero kasi, di ko maiwasan tumititig! Sobrang gwapo niya! Parang nakita ko na siya before pero di ko maalala kung saan.  At nung nagsalita siya, ewan ko ba pero parang nakakakilig yung boses niya? Pwede ka ba naman kiligin sa boses?!

“Ikaw… Ikaw ang LAB ko.”

“Hahahahahahaha!”

“Ikaw… Ikaw ang LAB ko.”

Ay AMPUPU NAMAN ANO BANG PINAGSASABI KO?! NAKAKAHIYA! :O >.< Sa harap pa ng isang gwapo, nasabi ko to! Lunukin na sana ako ng lupa ngayon! Nakakahiya! KAREN ANO BA?!!!

“Ay sorry ano ba, sorry hibang lang. Hehehe.” I laughed awkwardly pero namumula na ako sa sobrang hiya. Arrrgghhhh bakit ba kasi ang awkward ko sa mga ganitong sitwasyon :(((( Napatingin nalang ako sa sahig.

Then hinawakan niya yung chin ko pataas para magmeet yung eyes namin. Nako hindi to pwede! Fallen Angel, gusto mo ba talaga akong matunaw?!

“Okay lang miss, you’re cute naman. Hehe.” He smiled coolly. Patay, alam ko naman mukhang kamatis na ako dito!

“Ah hehe nagbibiro lang ako. Ganito lang naman talaga ako hehe. Ano nga pala ulit yung tinatanong mo?” Yun nalang nasabi ko. Haay sana naman makalimutan niya yung ginawa ko kanina. T_T

“Ah, I was just asking kung alam mo ba kung nasaan yung Chemistry lab? At hindi ako yun.” At tawa ulit siya ng tawa! Maiiyak na ako sa sobrang hiya. :(((

“Joke lang kasi!” Pakiramdam ko malapit na lumabas yung luha sa mga mata ko. Iyakin kasi ako eh. :((

“Hahahaha joke lang din, pero saan nga ba yung Chem lab?” Tiningnan ko nalang yung sked niya na hawak hawak niya.

“Ah, sa second floor. Gusto mo sabay na tayo? Same pala tayo ng first class. ^_^” Tinry ko naman maging cool baka sakaling makatulong yun para makalimutan niya yung nangyari.

“Ah sige, that’s good! Do you need help sa pagaayos ng gamit mo?”

Umiling lang ako sa kanya then I smiled. Tapos inayos ko na yung gamit ko at kinuha ko na yung bag ko. Sabay na kami naglakad at buti naman, parang hindi na niya ulit binanggit yung nangyari.

“By the way, I’m Adam. ^_^” Inextend niya sa akin yung kamay niya.

“Ah, eh, uhm… Karen.” I shook his hand at nagsmile ako sa kanya.

“Wag mo na alalahanin yung kanina. Di ko naman alam na ganun pala ang effect ng kagwapuhan ko sayo!”

“E-EH?! Gwapo ka nga, mayabang ka naman!” Nagfrown ako sa kanya tapos natawa na rin. Feeling naman nitong lalaking to! Angel from heaven ba to o sinipa mula sa langit?

“Joke lang, Karen. Kalimutan na kasi natin. Hehe. Masaya lang din ako kasi ikaw unang nakilala ko.”  Kung paano niya sabihin yung name ko, nakakakilig. At masaya daw siya na ako unang kakilala niya sa school? AWW!!! :”>

“Ah hehe, nice meeting you din, Adam. So transferee ka dito?”

“Yup :)

“Saan ka galing?”

“Sa States ako nag-aral before.”

“Oh wow, bakit ka nagdecide lumipat dito?”

Bago pa niya ako masagot, biglang may mga girls na pumalibot sa kanya.

“Hi Adam, pasign naman ako ng T-shirt!”

“Ako rin pasign ng poster mo! Uwaaaa!”

“Adam, you’re so gwapo! Papicture naman tayo!”

“Adaaaammmm I love you so much!”

HUH?!!!! Teka ganito ba siya kagwapo para pagkaguluhan ng mga babae?  Artista ba siya? TV at movie addict ako pero parang di ko siya kilala. Lahat na ng shows pinapanood ko maliban sa sports shows dahil di ko hilig yun pero sa pagkakaalam ko, hindi ko pa siya napapanood dati. Hinintay ko lang siya at pinanood yung mga girls na pagkaguluhan siya.

“Sige na girls, I have to go to class na! See you around!” He greeted them. Ang bait naman niya, di siya snob sa mga “fans” niya. Nagstart na ulit kami maglakad. Pero habang naglalakad kami, lahat ng girls na makasalubong namin nakasmile sa kanya at kinikilig! Iba nga effect ng kagwapuhan niya!

Wow, ang sikat mo pala! Pero parang di naman kita kilala…”

“Ha? Kilala mo ako, ako si Adam! Hahahaha!”

“Baliw ka talaga! Sino ka ba kasi?!

Nagsmile lang siya sa akin at di ko namalayan nasa Chem lab na pala kami.

At pagpasok naming, nagtilian yung mga babae at nagcrowd sa palibot niya!

Huh, wala akong nagegets?!

Sino ba talaga tong fallen angel na to?
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

bittersweet24

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Love You, Only Better | CHAPTER 3: LAB | UPDATED! :D (Readers?)
« Reply #7 on: December 09, 2012, 01:41:08 PM »
Chapter 4: New Students

“Uwaaaaa! Papicture naman ako, Papa Adam!”

“Pa-kiss naman ako o!”

“Pwedeng pa-autograph!”

“I love you Adam! Will you marry me? Uwaaa!”

Ganito ba talaga kasikat yung stranger na kakakilala ko lang kanina? Yung sinabihan ko na siya ang LAB ko? Haay hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Nakakahiya lang talaga T_T.

Natatawa nalang ako kasi nagkaroon bigla ng celebrity sa school namin. Pinipilit ko pa rin isip isipin kung sino ba talaga siya, pero hindi ko talaga siya kilala. Ganito na ba ako ka-late ngayon pagdating sa mga ganyan? Di na nga ako updated? Pati nga sila Pam at lalo na si Jessi, nagccrowd na rin sa kanya!

Take note, pati si Jessi, ang guy-este-girl kong kaibigan! Hahaha!

“Good morning class! Let’s resume the autograph signing and picture taking later, shall we?” Biglang nagsalita yung teacher namin na kakapasok lang ng lab.

Nagsi-upuan na rin kami sa mga upuan namin. Katabi ko sa left si Scott, sa harap ko si Jessi at sila Pam at Patrick sa likod ko.

“Hey, can I take this seat? ^_^” Pagtingin ko si Adam pala at nakasmile na naman siya sa akin habang tinuturo niya yung seat sa right ko.

“Uh, sure! ^_^” Umupo na siya sa tabi ko.

*kalabit-kalabit*

Napalingon ako sa kaliwa. Si Bes pala.

“Bakit?” bulong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Anong problema nito? Baka kinikilig na rin kay Adam! Bwahaha! XP

Sinenyasan pa ako na lumapit pa sa kanya kaya lumapit naman ako ng unti.

“Crush mo siya no?” Sabay tingin niya kay Adam.

“HA?! HINDI NO!” Sigaw ko sa kanya. Nagtinginan yung mga kaklase namin sa amin. Haay, nakakahiya na naman T_T Bakit ba ang malas talaga ng first day ko ngayon?

“Ms. Dela Cruz and Mr. Gonzales, first day na first day. Please tone down your voices!”

“Um, yes ma’am. Sorry po. -_-“ Si Bes nakangiti lang. Kahit kailan talaga, pinapahamak ako nito! :(( Humarap na nga rin ako at nagsimula na makinig sa teacher.

“Anyway, I’m Ms. Velasquez, your Chemistry teacher! Let’s start the class by introducing ourselves. Since medyo magkakakilala na kayo, let’s ask the new students to introduce themselves! Mr. Newton, will you go first?”

Nagsmile lang si Adam, tumayo na siya at pumunta sa platform sa harap. Nagtilian at nagkikikilig yung mga kaklase kong babae. Iba talaga epekto niya.

“Hi, I’m Adam Newton! Thanks for the warm welcome and I hope we have a nice year ahead! ^_^”

Nagpalakpakan at nagtilian yung mga classmates ko. Hahaha para kaming nanood ng concert. Bumalik na si Adam sa tabi ko at nag-wink siya sa akin. Tama ba yun, kinindatan niya ako o namamalikmata lang ako?

“Next please!” Sabi ni Ms. Velasquez.

Mukhang pinamumugaran na yata ng mga good looking ang school namin dahil yung sumunod na student ay… gwapo rin! Matangkad siya at chinito, yung tipong pang-Koreanovela! Mukha siyang artista at ang cute ng smile niya. :”>

“Hello! ^_^ I’m Justin Kim! Nice to meet you all!”

Tahimik yung buong class habang nagpapakilala siya. Wala na yatang nasabi dahil sunod-sunod yung mga gwapong new student. Hahaha. Pero nagpalakpakan din ang lahat at marami rin tilian sa mga babae.

Bumalik na rin siya sa seat niya at kinindatan niya ako. Ay teka, hindi yata ako, si Pam? Napalingon ako sa likod ko at nagssmile sa kanya etong friend ko. Girl, may boyfriend ka na!

May ilan pang new students ang nagpakilala at mukhang lahat naman sila mababait.

“I believe we have another new student-“

“MA’AM I’M SO SORRY I’M LATE!”

Biglang pumasok sa lab yung isang girl. Nagtawanan lahat kami dahil nga late na late na siya. Hinihingal hingal pa siya.

Tiningnan ni Ms. Velasquez yung record book niya at tumingin dun sa babae at sabi, “You’re Ms. Lee? You’re just in time for the introductions.”

Dahan dahang naglakad si new girl papunta sa platform na parang nahihiya. Pero ang ganda ganda niya. Mukha siyang angel at sobrang maamo yung mukha. Chinita din siya at mukhang Korean din yata? Nakacasual dress din siya na bagay na bagay sa kanya.

“Annyeong Haseyo! I’m Nancy Catherine Lee. You can call me Nancy or Cathy, jung eun gwaenchanh-a!”

“HA?!” sabi ng buong class.

“Ah mianhamnida I thought I was in Korea!”

“HA?!” sabi namin ulit habang tawa na kami ng tawa.

Tumatawa na rin siya habang sabay kamot sa ulo niya.

“I’m sorry. I said you can call me Nancy or Cathy, kahit anong gusto nyo. Hehe.”

“Hello Cathy!”

“Hello Nancy!”

“Annyeonghaseo!”

Bati ng mga classmates ko. Mukha kasi siyang sweet girl na sobrang bait.

“Hehe, hello! Um, Ma’am, where should I sit?”

Lumingon lingon si Ma’am at tinuro yung seat sa tabi ni Scott.

“You can sit beside Mr. Gonzales, di naman nangangagat yan. Hehe.” Nakuha pa magbiro ni Mam.

Anong hindi nangangagat?! Nakakainis kaya tong best friend ko! Hahaha!

Naglakad na si Nancy/Cathy at umupo sa tabi ni Scott at nagsmile siya dito.

“Hello, what’s your name?”

“I’m Scott. :) Pwedeng Nancy nalang itawag ko sayo?”

“Nancy, ah sige. :) Hello Scott! Nice to meet you! :D” Did I just see her blush?

“Hi! What’s your name?” Napansin niya din yata na nakatingin ako sa kanya at pinapanood ko sila mag-usap.

“Ah… Karen.” I said shyly. Medyo mahiyain kasi ako tapos siya ang bubbly and friendly pa.

“Wow, nice name! Annyeong! Let’s all be friends ah! ^_^”

Nagsmile lang ako sa kanya. Pero bakit parang nainis yata ako nung nagusap sila ni Bes? Ay ewan, wala lang naman to. Hahaha. Baliw nga pala ako ngayong araw.

Nagstart na magturo si Ma’am. First day palang naman kaya nagdiscuss lang siya tungkol sa mga requirements namin sa Chemistry. As usual, quizzes, exams, homeworks at lab work ang components nito.

Pagkatapos ng class ay tumayo na kaming lahat. Sinundan ko lang yung mga friends ko papalabas ng lab. Naglalakad lang ako ng biglang may humatak sa elbow ko. Pagtingin ko, si Adam pala.

“Hey, Karen, free ka ba mamaya?”

“Free? Eh hindi naman ako binebenta?!” Bwahahaha ano ba Karen. Nababaliw na talaga ako! =))

“Hahahahaha! Ikaw talaga, Reyna ng mga Banat!”

“Hahaha joke lang! Sorry sabaw lang! At excited sa first day!”

“Hehe. Pero seriously, are you free later after school?”

“Um, oo. First day palang naman so wala pang homeworks. Bakit?”

“Will you go out with me to dinner tonight?”

Natulala lang ako sa sabi niya. Ayaw mag sink in sa akin! Dinner… with the very Adam Newton? Nananaginip ba ako?

“Uh… ANO?!”

“Will you go out with me to dinner tonight?”

“Ah… Eh…”

“Ipagpapaalam nalang kita sa parents mo if you want. Don’t worry sa malapit lang naman eh. I’ll drive you home too. It’s like my thank-you dinner ko na rin kasi ikaw unang friend ko dito sa school. ^_^”

E-eh? Seryoso ba talaga ang nangyayari ngayon?! Wala akong masabi…

“Ah eh,  sige. Okay lang din kahit di ka na magpaalam. Hehe. Thanks!”

“No, I should be the one thanking you! Thank you so much, Karen! Ang saya ko lang :D So, can I pick you up after school sa locker hall?”

“Sige okay lang! See you! :D

Nagwave na kami sa isa’t isa.

“Will you go out with me to dinner tonight?”

“Will you go out with me to dinner tonight?”

“Will you go out with me to dinner tonight?”

Did he just…

Did he just ask me out on a date?!
dance like no one is watching. live like it is your last day. love like you've never been hurt before. :)

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Mad for Mad Fest

by: kaye, 2014-11-23

So this is happening: Kimbra, one of my favorite artists in the world, is finally coming to our tiny little archipelago as the headliner for JACK TV'S MAD Fest this December 5. It's...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved