ZERO
SERYOSO. Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya sakin. Hindi ko naman kasi akalaing nandoon din pala siya at kanina pa nakikinig sa mga sinasabi ko. Buti na lang, iilang sentence pa lang ang nababanggit ko dahil baka tuluyan na niyang isipin na may sira talaga ako sa ulo.
Nakakahiya. Nakakawala ng dignidad.
“K-kanina ka paba diyan?!” Tanong ko sa kanya. Nakakahiya, nagkanda – utal – utal pa ko.
“Bakit ka namumula?! Naistorbo ko ba ang ‘me’ time mo?!”
Kung ano pa yung hindi ko inaasahang isasagot niya, yun pa yung sinabi niya sakin.
“Ah—eh, hindi naman.”
Ibinalik ko na lang yung tingin ko doon sa ginagawa ko kahit na naaasiwa ako sa kanya. Medyo delikado kasi to e. Mabusising gawin, kaya dapat, tutok ka para maging maganda yung kalalabasan.
Alam ko sa sarili kong namumula na ko dahil sa hiya. Pero, bukod doon, parang may iba pang idinidikta yung utak ko. Parang may ipinapahiwatig na kung ano.
Bakit parang masaya ata ko dahil nakita ko siya?! Dahil nasa iisang lugar siya kasama ko?!
“Para san yang ginagawa mo?! Para sa mga batang nagugutom?!”
Napatingin tuloy ako ng di - oras sa kanya dahil sa gulat. Halos katabi ko na siya sa bench na kinauupuan ko ng di ko namamalayan.
Ano ba naman ‘tong taong ‘to. Napaka – unpredictable. Sa totoo lang, hindi ko malaman – laman kung nagbibiro ba siya o seryoso dahil walang pinagkaiba yung facial expression niya sa mga emosyong binanggit ko. O baka naman talagang curious lang siya.
“H-hindi. Para sa project namin ‘to.”
“Kakaiba namang project ‘yan. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase.”
Hay Lord. Ayoko po sanang mainis, pero mukhang unti – unti na pong maglalaho yung saya gawa ng pagkakakita ko sa kanya. Lord, bigyan niyo po sana ako ng mas mahabang pasensya para naman matagalan ko pa siyang kausapin.
Ito na ba Lord yung pagkakataon na hinihiling ko po sa Inyo?!
Kung ito na nga po, maraming - marami pong salamat.
Gusto ko po talaga siyang makilala.
“Kakaiba talaga. Kami lang ang may project na ganito e.” Nakangiti kong sagot habang nakatingin sa kanya.
“Alam mo, tulad niyang hawak mo, kakaiba ka rin e no. Lagi kang nakangiti. Ang kulay ng mundo mo. Parang wala kang problema sa buhay.”
Naibalik ko tuloy ng di – oras yung paningin ko sa mga ginagawa ko.
Aaminin ko. Hindi ko talaga inaasahan na sasagot siya. At sa totoo lang, hindi ko rin inaasahan maski yung mismong sagot niya.
Pinag – iisipan ko pa non kung sasagot ako e. Hanggang sa ..
“Okey lang sumagot ka. Nakakasawa na rin naman ang nag – iisa.”
“Huh?!”
May naalala tuloy ako.
Halos ganyan din yung una niyang sinabi sakin nong una kaming nagkita ah?!
“A-ang ibig kong sabihin, libre namang sumagot. W-wala rin kasi akong makausap e.”
Pagkatapos niyang magsalita, sumubsob lang siya sa mga tuhod niya. Yung upo niya, parang baby style. Yung tipong naka – yakap pa siya sa mga tuhod niya habang nakayuko.
Buti na lang, makapal – kapal na rin yung damo doon sa lugar. Hindi madudumihan yung damit niya.
Umalis ako doon sa bench at tumabi ako sa kanya. Inilapag ko muna sa supot yung ginagawa ko.
“Bakit naman wala kang makausap?!” Tanong ko sa kanya. Parang 7 years old lang ang kausap ko dahil sa tono ng boses ko. Ginaya ko rin yung style niya ng pag – upo.
“Hindi mo rin naman tiyak gugustuhing malaman kung bakit.” Nag – angat siya ng ulo.
Napatingin siya sakin. Nagulat ako.
Nagtama yung mga mata namin.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
“B-bakit naman?!” Sagot ko sa kanya.
Parang ang lakas ng kapangyarihan nung mga mata niya. Nung mga tingin niya. Para akong hinihigop, at unti – unting nahihipnotismo.
“Alam mo ba kung anong pangalan ng lugar na ‘to?!”
Iba na naman yung isinagot niya. Ano ba namang klaseng lalake ‘to. Hindi ko maintindihan. Hindi ko masundan.
Napakamisteryoso.
“H-hindi. Bakit, ikaw ba alam mo?!”
“Oo naman. Malaki ang pasasalamat ko sa lugar na ‘to. Malaki ang utang na loob ko dito e. Ito lang yung nakakatagal sakin, sa pag – uugali ko. Ito yung tumanggap sa kung ano at sino talaga ‘ko. Kaya nga, alam mo ba ... binigyan ko ‘to ng pangalan kahit na originally e, ‘wala’ naman talaga?!”
Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano raw?! Binigyan niya ng pangalan ‘tong lugar dahil originally e wala talaga?! Samakatuwid, gawa – gawa niya lang pala yung ‘pangalan’ ng lugar na ‘to ... Tama?!
“O-okey?! E ano ngang pangalan ng lugar na ‘to?!” Bigla tuloy akong naging interesado.
“14:03.”
“Ha?! Ano yun?!”
“Yun ang pangalan ng lugar na ‘to.”
“E bakit yun ang naisip mo?!” Pakiramdam ko sobrang nakakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ang labo lang nung naisip niyang pangalan. Kasing labo niya.
“Masyado ka ng maraming nalalaman. Hindi naman dapat at hindi naman tama.”
Tumayo na siya. Pinagpag niya muna yung damit niya tapos naglakad na siya palayo.
Ang labo niya talaga.
Akala ko nga, hindi man lang niya ako lilingunin o kung ano pa man e. Mapapanatag na nga dapat yung loob ko. Tama na muna ‘to. Masaya ako dahil nagkausap kami ng medyo matino at medyo matagal kumpara sa una naming pagkikita.
Nagulat na lang ako dahil mula sa tapat ng pasukan nitong lugar na ‘to e sumigaw siya at sinabing ..
“Hihintayin kita dito sa Byernes. Sumipot ka kung gusto mo’ng papasukin kita sa buhay ‘ko.” Pagkatapos, ngumiti siya.
Yung ngiti na lalong nagbigay – saya sa pakiramdam ko.
At yung ngiti na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
THREE
HWEBES pa lang ng gabi pero hindi na ko mapakali. Iniisip ko kung sisipot ba ko sa lugar na yon o hindi. Ang hirap magdesisyon.
Paano kung hindi naman siya seryoso?! Paano kung nanggu – good time lang siya?!
Paano kung magpunta ko don tapos biglang siya pala ‘tong di sisipot?! E di nagmukha lang akong tanga?!
Haaay. Ang dami kong iniisip na hindi naman dapat.
Dapat inuuna kong atupagin yung outreach program namin sa Sabado e. Halos ayos naman na yung mga detalye. Isa na lang yung kulang.
Yung ginagawa ko.
Kulang pa kasi ako sa materyales. At ang nakakainis pa, nakakaligtaan kong bumili lagi dahil nawawala sa isip ko. Pano nga kasi, iniisip ko yung sinabi nung lalakeng yon.
“Nakakatawa. Kahit man lang pangalan mo, hindi ko alam, tapos makikipagkita pa ko sayo bukas?!” Para na naman akong sira dahil kinakausap ko yung sarili ko.
“Pupunta o hindi?! Sisipot o hindi?!”
Okey lang naman kung susubukan diba?! Ginusto ko rin naman ‘to. Tsaka, nung dating hindi ko siya makita – kita, wagas ako kung makapaghanap sa kanya. Ngayon namang andyan na ... ang gulo mo lang Rio.
Kahit na naguguluhan ako, may isang bagay akong narealize.
Ang bait lang talaga ni Lord. Hindi ko na kailangang magmukhang stalker dahil Siya na mismo yung nagbibigay ng paraan para magkakilala kami.
Unti - unti ko ng malalaman ang misteryo sa pagkatao niya.
Kala niya ha.
Naghalungkat na ko ulit dahil nagbabakasakali akong makakita ako ng sobra o tira – tirang materyales.
May nakita naman ako doon sa drawer ko, kaso .. hindi ko gusto yung kulay.
Navy blue.
Parang hindi pambata. Parang pang – matanda na ‘to e. Para ngang panlalake.
Masyadong panlalake.
Baka hindi rin magustuhan ng mga bata kung gagawa ako gamit yung nakita kong sobra. Syempre, bilang bata nga naman, mas gugustuhin nilang makakuha nong light colours tulad ng pink, yellow, yellow green, sky blue, red at iba pa.
Bigla - biglang may ideya na pumasok sa isip ko.
Bilang paunang – suhol dahil bukas, may magpapapasok “sakin” sa buhay “niya,” sige, gagawa ako ng munting regalo.
Sinimulan ko na ang paggawa.
Ang swerte niya lang ha.
Grabe lang. Siya, at hindi yung mga kaibigan ko ang kauna – unahang makakatanggap ng bagay na ginagawa ko. Hindi naman sa ayaw ko silang bigyan pero nahihiya kasi ako. Tulad nga ng sinabi ko, masyado ‘tong pambata at baka masaktan lang ako kung lang din naman nila to isusuot o itatapon lang nila.
“Hay Rio. Eh gano ka naman nakasisiguro na tatanggapin niya ‘yan at isusuot?!”
Ewan ko. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naisipan na bigyan siya nito e. Oo nga naman. Ang labo ng rason ko kung sakali. Pano pag tinanong niya kung para saan ‘to?! Bakit ko nga naman siya binibigyan ng ganito?!
Alam kong masasaktan ako kung sakaling ito ang sasabihin niya:
“Bakit mo ko binibigyan ng ganito?! Pinayagan na ba kitang panghimasukan ang buhay ko?! Girlfriend ba kita ha?!”
Baka lang kasi marinig ko na naman mula sa bibig niya yung mga masasakit na salitang sinabi niya sakin dati. Alam ko namang may rason siya kung bakit niya nasabi yun.
Kaya nga doon ako nagsimulang mahiwagaan sa kanya e.
Pero ..
Wala namang masama kung susubukan diba?!
Mag – aalas – onse na ng matapos ako sa ginagawa ko. Ang busisi talaga nito. Siguro, isa ito doon sa mga nag – train sakin kaya humaba ng ganito ang pasensya ko eh.
Niligpit ko na yung mga gamit ko. Pagkatapos, nilagay ko na sa bag yung ibibigay ko para sa kanya. Sana, tugma lahat ng inilagay ko doon. Sana, magustuhan niya.
Inayos ko lang ng kaunti yung kama ko, tapos nahiga na ‘ko at sinubukang matulog.
“14:03? Ano nga kaya ‘yun?!”
***
PAGKATAPOS ng klase, nagkita – kita muna kaming apat para pag – usapan yung gagawin namin bukas. Sinabi ko kina Aly na kulang pa ng dalawa yung ginagawa ko. Tinanong nila kung bakit tapos nung sinabi ko naman yung dahilan, ito ang mga natanggap kong sagot:
“Naku Rio ha, masyado ka ng inlab don sa lalakeng yon! Nakakaligtaan mo na yung mga dapat mong gawin.” Si Sabel.
“Sus, hayaan niyo na ngang magka – lovelife yang bunso natin! Unfair naman kung tayong 3 e may buhay – pagibig tapos siya wala.” Sabi naman ni Pau.
Hay thank you Pau. Kahit na medyo malayo sa sitwasyon ko talaga yung sagot mo, ayos na rin kasi kahit papano, nakatulong.
“Kilala mo na ba siya?!” Tanong naman ni Aly.
Napalunok ako. Ewan ko pero alam kong pag sinagot ko yung tanong ni Aly, mapagtatawanan lang ako. Pero syempre, wala namang mawawala sa pagsasabi ng totoo. At ayoko pa naman sa lahat e yung magsisinungaling ako para mapagtakpan ang isang baluktot na bagay.
“H-hindi e .. pero ..”
“Pero?!” Sabay – sabay nilang tanong.
“B-basta makikilala ko rin siya kaya wag na kayong magulo! Naniniwala naman ako don e!” Sagot ko na lang sa kanila para matigil na.
“Haynako. Ikaw ang bahala. Oh siya, sana mamayang gabi matapos mo na kasi kawawa naman yung dalawang batang hindi makakatanggap nung regalo mo.”
“Opo master Pau.”
“Tsaka Riobabes, 8 a.m tayo bukas a?! Malayo kasi yung orphanage, tsaka balita ko, magse – share tayo para pagasolinahan yung van ni manong.”
“E di ba pwedeng yung van niyo na lang Rio yung gamitin natin?! Kasi kung patak – patak pa tayo para sa gasolina, e baka mamulubi na ‘ko. Haha. May date pa kami ni G.”
Tiningnan ko tuloy si Aly. Nako, pasalamat ‘tong babaeng to at sa kanilang tatlo e siya yung bestfriend ko e. Kung hindi, nako .. baka natutunan kong magtaray.
“Oy, walang ano ha?!” Sabi ko kay Aly.
“Opo! ‘To naman. Hindi naman ako ganun ka – ano.” Sagot naman niya.
“Tama na nga yang usapang ano niyo. Oy mga babes, una na ‘ko. Bukas ha?!” Si Pau.
“Ako rin, tara na Aly. Ikaw ba Rio, di ka pa sasabay?!” Tanong ni Sabel.
“H-hindi muna. May gagawin pa kasi ako e.” Sagot ko.
Medyo nagi – guilty na rin ako kasi hindi ko masabi – sabi sa kanila yung sitwasyon ko. Ayoko naman kasing pangunahan e, baka mamaya masyado na pala kong nag – a – assume, hindi ko pa namamalayan.
Malay ko ba kung kailangan lang talaga niya ng kausap.
Kasi nga diba, ang sabi niya, “Wala akong makausap e.”
“O sige, ingat ka na lang. Una na kami Rio ha?!”
“Bye! Ingat kayo.”
Ilang sandali pa at wala na silang tatlo sa paningin ko.
Bigla akong kinabahan.
Pupunta ba ‘ko?! Pupunta o pupunta?!
Tiningnan ko muna yung oras sa relo ko.
“2:33 p.m na pala.”
Kung nagtataka kayo kung bakit ang bilis matapos ng klase naming apat, ganyan talaga. Medyo walang kwenta ang schedule namin ngayong second year. Papasok ng alas – syete ng umaga, uuwi ng alas dos. Ganyan ka – simple at ganyan ka – gaan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdedesisyon kung pupunta ba ko o hindi sa lugar na ‘yon ng may nakita akong, sabihin na nating .. nagtulak sakin para makapag – isip ng matino.
Naglalakad kasi ako papuntang study area ng may nakita kong dalawang tao. Dalawang taong nag – aaway.
“Hay nako! Pasalamat ka naiintriga ako sa buhay mo kundi ... hindi kita sisiputin dito e!”
“E bakit pinilit ba kitang pumunta?! Ang sinabi ko lang naman sayo, “Kung interesado ka sa buhay ko, pumunta ka!” Ganon kalinaw diba?!”
“Bakit, hindi ba halatang interesado ako sa buhay mo?! At sayo mismo?!”
“Hindi! Diyan ka na nga! Wag kang susunod! Nakakainis ka!”
“Hoy! Reina naman e!! Uy!!”
Napangiti tuloy ako.
Parang kani – kanina lang e mamu - mroblema ako tapos biglang may makikita akong ganito. Pero, taliwas sa sitwasyon ko yung kanila. Yung lalake ang pumunta doon sa study area para ata makipagkita doon sa babae. Tapos, yung babae naman, parang .. parang .. parang siya.
Nakapag – desisyon tuloy ako. Salamat po Lord.
“Pasalamat ka na lang, interesado ako sa buhay mo .. at sayo mismo.”
Naglakad na ‘ko papunta doon sa lugar. Kahit na medyo kinakabahan ...
At kahit na parang nilalamig ako.
***
WALA pa siya sa lugar pagdating ko. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko pag nagkaharap na kami.
Bakit ba ko kinakabahan?! Bakit ba ko nilalamig?!
Umupo muna ako doon sa isang bench. Hinanap ko muna sa bag ko yung ginawa ko para sa kanya.
“Sana talaga magustuhan niya.”
Pagkatapos, ibinalik ko na ulit sa bag ko. Baka kasi mamaya, makita pa niya—
“Alin yung sana talaga e magustuhan niya?”
Ayan na naman siya. Bakit ba ‘tong lalakeng ‘to, parang kabute?! Bigla – biglang lulubog, bigla – biglang lilitaw.
“Luli ka ba?!” Napatanga na lang tuloy ako sa kanya dahil sa pagka – bigla.
Bago ko pa marealize yung tanong ko, naitanong ko na. Ano ba naman yan, Rio.
“Ha?! Anong luli?!”
“A-ano kasi e. P-para kang kabute. Lulubog, lilitaw. Luli.”
Sige na Rio, hilingin mo na kay Lord na lamunin ka na ngayon ng lupa. Kasama ng mga pinakamamahal mong kabute. Kahihiyan naman kasi.
Ano ba naman ‘tong pinasok ko. Nakakawala ng dignidad.
Napatakip tuloy ako ng mukha ko ng di – oras.
“Wag kang mahiya .. alam mo ba, ng dahil dyan sa “luli” mo,
E gumanda yung araw ko?!”
TG
NAMUMULA ata ako. Hindi ko lang alam kung dahil sa hiya o dahil sa pagka – bigla. Hindi ko naman kasi talaga intensyong mag – biro ng ganon e. Alam ko namang korni, pero bago pa kasi ako nakapag – isip, nasabi ko na. Dyahe tuloy. Nakakahiya talaga.
“H-ha?! E .. kasi naman ‘to e.” Sabi ko na lang sa kanya.
“Anong oras na?!” Sagot niya.
“2:57 na.”
“Malapit na pala.”
Tumingin siya sa malayo. Akala ko nga nung una, yung mga tanim na bulaklak ang tinitingnan niya e. Pero nung tiningnan ko ulit siya at yung direksyon ng mga mata niya, doon ko nakita na .. hindi lang basta yung mga bulaklak ang nakikita niya.
Parang iba yung tinitingnan niya. Parang may iba siyang nakikita. Parang may iba pang hinahanap ang mga mata niya.
“A-ang alin?” Naitanong ko nalang sa kanya.
“W-wala. Pumunta ka dito. Ibig sabihin, interesado ka talaga sa buhay ko, tama?”
Nung mga oras na ‘yon, hindi ko alam pero .. ang lamig ng pakiramdam ko. Kinakabahan na naman ako tiyak sa isasagot niya sa mga bagay na sasabihin ko.
“Oo, pero .. ano kasi. Uhm, a-ano—“
“Handa ka bang mag – tiyaga sa katulad ko?!”
“H-ha?! Eh—oo, sige.” Sagot ko sa kanya kahit na hindi talaga ako sigurado kung ano ba yung ibig niyang sabihin.
At kung ano talaga yung ipinahihiwatig niya.
“Ngayon lang ako naging bukas sa isang tao. Sana, hindi ako mabigo.” Tumingin siya ng diretso sakin.
Yung tingin na tumatagos sa mga mata ko. Nakakalunod. Ang lalim.
“W-wag kang mag – alala, hindi naman ako .. Ang ibig kong sabihin, pwede mo naman akong pagkatiwalaan e.”
“Minsan kasi, kung sino pa yung mga taong pinagkatiwalaan natin, sila pa yung gagawa ng paraan para mabigo tayo, para masaktan tayo.”
“H-hindi ko yata maintindihan.”
“Kita mo nga, ngayon pa lang, hindi mo na ko maintindihan, pano pa kaya sa susunod?! Pano pa kaya sa ibang araw?! Pano pa kaya pag .. pag nagkita na tayo ulit!?”
“Bakit kasi ganyan ka magsalita?! Lagi na lang ano e ..”
“Laging ano?!”
“Laging may hiwaga. Para kang puzzle e. Alam mo bang isa kang malaking misteryo para sakin?!
“Lahat naman yata ng tao, misteryo. Kahit sino, may tinatagong hiwaga sa pagkatao nila. Kaya walang kaso yun. Dahil kahit naman ikaw, may itinatago.”
Nginitian niya ako.
Napag – isip isip kong may punto siya. Oo nga naman. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, nagiging totoo tayo sa sarili natin e. At hindi rin sa lahat ng pagkakataon, naitatago natin yung misteryo na gusto nating ikubli.
“Anong pangalan mo?!”
“R-Rio. Rio dela Cruz. I-ikaw?”
“Pano pag hindi ko sinagot yang tanong mo?!”
“Wag ka namang madaya. Sinabi ko yung pangalan ko. Kaya para patas, sabihin mo rin yung iyo.”
“Yung pangalan ko, kasing dami ng letra ng given name mo. Pero alam mo ba, hanggang ngayon, hindi ko lubos – maisip kung bakit yun ang pangalan ko?”
“B-bakit naman? Ayaw mo ba—“
--“Tey. Tey Galvez. Ang gara no?!”
Tey?! Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang pangalan sa tanang buhay ko. Grabe naman ‘tong lalakeng ‘to, nung una, yung pagkatao lang niya ang nakaka – intriga. Ngayon naman, pati pangalan niya.
“A-ang ganda ng pangalan mo. Kakaiba.”
“Parang ikaw.” Sagot niya sakin.
“A-anong course mo dito?!”
Hindi niya ko sinagot. Ngumiti lang siya sakin.
Nakakahiya. Nagkakandautal – utal pa ko dahil sa sinabi niya. Kakaiba raw ako?! Ano naman kayang “kakaiba” sakin? Sa buhay ko?!
“Namumula ka.”
Ayan na naman yung tingin niya.
“A-ang init kasi e. Madali talaga akong mag – blush.”
Nagulat na lang ako dahil sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya yung pisngi ko. Tapos, sinalat niya yung noo ko.
“Wala ka namang lagnat?! Baka may sakit ka tapos mabinat ka pa a, nakakatakot yang pamumula ng mukha mo e.”
“O-okey lang ako.” Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya dahil tingin ko, tingin ko ..
Lalo lang akong mamumula dahil sa mga titig niya.
“Ang ganda dito no?!” Sabi niya.
“O-oo nga. Madalas ka rin ba dito?!”
“Hindi ka naman nakikinig sakin e. Diba nga, sabi ko sayo, ito lang yung lugar na tumanggap sakin .. yung lugar na tumanggap sa kung ano at sino talaga ako.”
Oo nga pala. Bakit ba nakalimutan ko na sinabi na niya yun sakin nung una kaming magkita?! Nakakahiya ka Rio.
“S-sorry. Nakalimutan ko. T-teka, ako ba .. pwedeng .. Pwede bang—“
--“Pwede bang ano?!”
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na .. “Pwede bang tulad ng lugar nito, maging daan din ako para makilala kita?! Para naman matanggap kita .. at para matanggap ko kung ano at sino ka talaga.”
“Wag kang mag – alala, pinapapasok na kita sa buhay ko. Pero sa isang kondisyon.”
“A-anong kondisyon?”
Nakita ko na huminga muna siya ng malalim, tapos saka niya sinabi yung isang bagay na nagpa – guho ng mundo ko ..
“Pag alam mo na yung ibig sabihin ng 14:03, pwede bang ...
Umalis ka na rin sa buhay ko?”