Wala akong class today so sinipag akong magtype ng first chapter. Sorry kung boring at medyo mahaba. Medyo nadala lang ako nung ginagawa ko yung draft nito.
Enjoy! Please comment kayo sa baba. 
CHAPTER 1. Speech---say whut?!
ME: They said you might be up here-
JACK: Ssshhhh... Give me your hand.
At inabot ko naman ang kamay ko habang nakatitig sa mga mata niya. I was so mesmerized by his charm.
JACK: Now, close your eyes.
I hesitated.
JACK: Go on.
Then finally, I closed my eyes.
JACK: Now, step up. Hold on to the railing. Keep your eyes closed. Don't peek.
ME: I'm not.
JACK: Step up onto the rail. Hold on, hold on. Keep your eyes closed.
I laughed. Ganito ba ka-enchanting ang voice ni Jack at napapasunod niya ako? Or sadyang uto-uto lang ako?

JACK: Do you trust me?
ME: I trust you.
Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa railing ng ship at iniangat sa magkabilang direksyon. Hooo my golay! Baka malaglag akooooo~

JACK: Now open you eyes.
And when I did,
ME: Jack! I'm flying! Jack!
♪...You're here. There's nothing I fear. And I know that my heart will go on...♪Habang tumutugtog sa background yung "My Heart Will Go On" ni Celine Dion, at habang ninanamnam ko ang bawat sandali ng nakapikit, bigla ko nalang naramdaman na parang totoong lumilipad ako. How do I say so? Kasi hindi ko na maramdaman yung tinatapakan ko. Kaya binuksan ko yung mata ko at... WTHeck! Lumilipad nga ako!

Ganito pala ang feeling ng mga ibon habang nasa himpapawid sila. Pero, teka. Parang may mali. Bakit parang lumilipad ako ng patiwarik? Sinilip ko si Jack sa may paanan ko at naconfirm ko nga na pababa akong lumilipad. Ano 'to?! Kumakaway si Jack sa'kin habang nakangiti? Anak ng! Tinulak ata ako nito e.

Napapikit nalang ako at hinintay kong tumama ang ulo ko sa tubig. Lord, sana walang pating na nag-aabang sa akin sa baba.
Dug!Aray! Kelan pa naging solid ang tubig? Tapos may narinig akong kumatok.
"
Tin, anak. Bangon na at malelate ka niyan. May almusal na sa baba."
Nananaginip lang pala ako. Kaya pala ako pababa lumipad kasi nagdive ako pababa ng kama. Hiyang hiya naman ako kay Jack. Siya pa nanggising sa'kin. Tumayo na ako at biglang napa-upo sa kama. Woa! Ang sakit ng ulo ko. Ganun ba kasama pagkakabagsak ko? Tapos kumatok ulit si mommy.
"
Tin! Tin! Alas sais na. Maliligo ka pa."
Excited? Excited? "
Opo. Pababa na."
Tinupi ko na yung kumot ko at inayos ang kama ko. bago ako bumaba, inayos ko muna yung mga gamit ko na dadalhin sa school. Nilabas ko na din yung uniform ko at nilapag sa kama. Tapos sabay kaming pumasok ni Bernard sa kwarto ni kuya. Si Bernard pala yung aso namin. Golden retriever siya na regalo samin ng favorite kong tito.Tinabihan ko si kuya tapos inuga-uga ko siya.

"
Good morning kuya!" Sabay halik sa cheeks niya.
"
Waaaa! Anong good sa morning?! Lumayo ka nga."
"
Ang aga-aga ang sungit mo kuya. Papangit ka niyan." Tapos tinadtad ko siya ng halik sa pisngi. Nung elem kasi, si kuya ang gumagawa sa'kin niyan. Pero dahil mas maaga akong nagigising sa kanya ngayon at dahil kailangan kong gumanti, ako naman ang gumagawa sa kanya nito.

"
Tumigil ka na nga. Babangon na ako." Tapos hinintay ko siyang bumangon kasi may one time na paglabas ko ng kwarto niya, nagtulog ulit siya.

Tapos nagpiggy back ride ako kay kuya hanggang sa dining area.
"
Grabe, Tin. Ang bigat mo. Wala ka yatang ibang ginawa nitong bakasyon kundi lumamon saka matulog." Exagge naman. Nanood din ako ng TV saka naligo. Ambantot ko naman nun pag di ako naligo.

"
Che! Ang sabihin mo kuya, kulang ka lang sa exercise saka tumatanda ka na kaya di mo na ako kaya." Sabay pasak ng tinapay sa bibig ko. Siyempre bumawi ako. Pinasakan ko naman yung bibig niya ng hotdog. HAHA.
"
Tama na yan. Masamang paglaruan ang pagkain. Bilisan niyo na at wala na kayong maaabutan na tricycle sa labas." sabi ni mommy habang sinusubuan si Karlo, yung bunso namin.
Pagkatapos kong kumain, naligo na ako at nagbihis. Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, madaming thoughts ang tumatakbo sa utak ko. Pasukan na naman. Magiging busy nanaman ang beauty ko ng isang taon. HAHA. Ay, 10 months lang pala. Hindi ko pala nasabi na ako ang president ng student body sa school namin. Wala naman akong problem sa studies kasi lagi akong nangunguna sa acads. Ang tawag nga nila sa'kin "halimaw". Ayaw ko daw kasing magpadaig. Saka ako ang laging highest sa mga test at major exams. E ikaw ba naman ang may motto na: "
It's a sin to be good when you could be better." Pero kahit ganito ako, marunong din naman akong magwala. Este, magliwaliw. Favorite stress reliever ko ang karaoke. Hindi niyo naitatanong pero isa ako sa mapapalad na kasundo ng microphone.

Kaya minsan, naisasabak ang ngalangala ko sa mga pacontest ng school.
Hopya! narinig ko na yung tricycle sa baba. Tapos kinatok na ako ni mommy, "
Tin, may tricycle na sa baba. Dalian mo. Hinihintay ka na ng kuya mo."
Paglabas ko, may tumambad sa'kin na malaking tinapay na may hati sa gitna. Puwet pala ni Karlo. Kargakarga kasi siya ni mommy.
"
O, eto baon mo. Wag kang magastos." Pagkain lang naman pinagkakagastusan ko e. Masama na ba ngayon ang busugin ko ang sarili ko?

"
Opo." Tapos kiniss ko na sila mommy at Karlo. "
Bye. Alis na kami." Nagwave na ako sa kanila habang naglalakad ako papunta sa tricycle.
"
Babay ate. Lala ko a?", sabi ni Karlo.
"
Oo. May Lala ka pag-uwi ko." Tapos sumakay na ako sa tricycle. Yung Lala pala na sinasabi ni Karlo, chocolate yun. Favorite niya kasi. Simula nung nag-uwi ako ng Lala, lagi nang nagbibilin si Karlo na bilhan ko siya.
Pagdating namin ni kuya sa school, nagtinginan yung mga girls sa'min. Tapos nilapitan pa kami ng barkada niya kaya mas lalo kaming pinagtinginan. Sila kuya kasi ang heartthrobs ng school. Halos lahat ng girls nagkakandarapa sa kanila. Minsan nga iniisip ko kung dapat ba akong matuwa na kapatid ako ng sikat na student or dapat ba akong mairita. Ayoko kasi ng ganito - center of attention.
"
Hi Tin. Musta?" Tinapik pa ako sa braso ni Kuya Ron.
Kumaway ako. "
Ok lang. Eto, cute parin." tapos tumawa lang siya.
"
Hoy, Tin." Sino naman 'to? Kung maka-hoy kala mo close kami. "
Tumaba ka ata. Ilang kaldero ba ng kanin tinira mo nung bakasyon?" Aba, teka. Sino ba 'tong hinayupak na 'to? Paglingon ko, nakita ko yung pinaka-asungot sa lahat ng asungot. Si Kuya Gino.
"
Hmpf! Ikaw nga diyan, umitim. Para kang nognog." Kinurot niya ako sa pisngi tapos kiniliti. Dahil mahilig akong gumanti, sinabunutan ko siya. "
Yuck! Ano ba yang buhok mo Kuya Gino. parang dinilaan ng kabayo. Ang lagkit. naka-ilang bote ka ng gel?" Pinahid ko yung kamay ko sa polo niya. Tumawa lang sila kuya at Kuya Ron.
Maya-maya pa, dumating na mga kampon ko.

Parang kulto lang. HAHA.
"
Hoy, miss president. Lunes na lunes hinaharot mo ang tatlong hari ng kingdom natin." Yan si Cleo, isa sa mga kampon ko. Yan ang may sayad samin. Hindi ko nga ma-imagine life ko na wala yan e. Makakalimutan mo problema mo pag kasama mo yan.
"
Tatlong hari? Di ba yun yung kapatid ni Robin Padilla na nagpa sex change?" Yan naman si Lady. laging lutang. May sarili din atang language yan kaya kung anu-ano sinasabi.
"
Lady, Gandanghari kasi yun. Diba sabi ko sayo inumin mo gamot mo? Nakalimutan mo nanaman ba? Pati yung translator mo, di mo din dala. Wag ka ngang sasabat sa usapin ng matitino pag buffering utak mo." Yan ang best friend kong si Jayjay. Since kindergarten magkasama na kami. Magkaibigan kasi parents namin. Madalas din kaming sabay umuwi kasi malapit lang bahay nila samin.
"
Good morning. Kayo naman. Pagbigyan niyo na si Lady. First day naman e." Tumawa lang sila. "
Mauna na pala kayo sa lobby. Dadaan pa kasi ako ng office." Tapos naglakad na ako ng mabilis. Malapit na kasi magstart yung flag ceremony ng HS department.
Kumatok muna ako bago ako pumasok ng office. pagpasok ko, hinanap ko yung principal saka adviser ng student council namin.
"
Excuse me po. Ma'am V, asan po sila Ma'am A at Ma'am M?" Sinisilip ko parin sa likod kung nandun sila. Baka kasi nasa sulok lang. O kaya umakyat at nakadikit sa ceiling kasi tinataguan ako. >.<
"
Nasa lobby na sila. Punta ka na doon. Kanina ka pa nila hinihintay. Iwan mo na lang muna yung bag mo dito." Di na niya ako hinintay na sumagot kaya iniwan ko muna yung bag ko sa table niya at dumeretso na ako sa lobby.
Pagdating ko dun, tinawag ako nila Ma'am A at Ma'am M. Binati ko sila tapos nagstart na agad yung flag ceremony. Prayer muna tapos kumanta kami ng Lupang Hinirang. Nirecite namin ang Panatang makabayan then kinanta ang walang kamatayang school hymn namin.
"♪
...to bulid the true divine ingsight, to build the true divine insight.♪'
Pagkatapos umexit ng mga may dala ng flag at CAT officers, pumunta sa gitna yung principal namin at tinanggal yung microphone sa stand.
"
Good morning everyone. For those who don't recognize me, I'm your principal Assoc. Prof. M.T. Today starts another year for our sophomores, juniors and seniors. Last year niyo na 'to seniors so I expect the best from you. I'd also like to welcome our new babies - freshmen." Nagsigawan sila at nagpalakpakan.
"
Thank you for choosing us as your second home. I can assure that you will be taken good care here and that your choice is anything but a waste. of course, together with our professors and student teachers, we will make your HS days fun and exciting." Another pause para magpalakpakan. Masyado yatang excited ang freshmen ngayon. Di naman ganyan kaligalig ang batch namin 2 years ago.

"
If you have concerns and inquiries don't hesitate to approach any of our student council officers." Bigla akong kinabahan. Hala. Ano kayang next na sasabihin ni Ma'am M?

"
And here to give us a little speech, our student body president, Ms. Kristine Leonor." Nagpalakpakan sila at naghiyawan. Pinakamalakas na hiyaw siyempre si Cleo kaya napatingin sakanya yung mga freshies. Natawa lang ako. At siyempre, proud ang lola mo na nagstep forward. Tapos inabot sakin yung mic ni Ma'am M. Binigyan ko siya ng uhh-ano-pong-gagawin-ko-sa-mic look tapos sinabi niya sakin na magbigay ako ng konting speech. Hinawakan ko yung mic tapos...
Speech?!--- say whut?
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry po kung sooooobrang haba. Baka kasi matagalan yung next update kaya hinabaan ko na 'to.

Comment lang kayo a.