CHAPTER10: SUICIDE
lakad lang ako ng lakad..hindi ko alam kung san ako pupunta..nag-cutting na ko ng tuluyan, nakakabadtrip ang mga tao sa paligid ko..si Jam? galit kaya sya. i don't care, she's irritating. ang ingay nya. matagal na kong ganito but nobody cares, she's over reacting. halos ipagsigawan nya sa buong campus ang ginawa ko.
lakad lang ako ng lakad..pagod na rin ako kakalakad, napadaan ako sa isang park, umupo ako sa swing at yumuko..mag-isa na naman ako sa mundo. pakiramdam ko nag-iisa lang ako..bakit ganon si mama sakin? anong mali sakin? wala ba talaga kong halaga sa kanya? napatingin ako sa braso ko. bakit di pa ko namamatay. kulang pa ba ang mga sugat na toh para mawala na ko sa mundo? bakit kaylangan mabuhay ako ng miserable..napahinga ako ng malalim, bakit nga ba kelangan ko pang huminga? bakit nga ba kelangan ko pang mabuhay? para san pa ba ang buhay ko? ayoko na dito sa mundong ginagalawan ko, pwede bang mamatay nalang ako?
tumayo ako sa swing at naglakad, naghintay ng dadaang sasakyan..may nakita akong kotse na papadating, huminga ako ng malalim at pumikit. siguro kung mamamatay ako ngayon, magiging masaya na si mama, hindi nya na makikita sakin si papa..sinalubong ko yung papadating na kotse.
pero, bakit ganon, wala kong naramdamang sakit? patay na ba ko agad? naramdaman kong parang gumugulong ako at may taong nakayakap sakin? hindi ko maidilat yung mata ko..parang ang bigat bigat ng mata ko, basta nararamdaman ko lang na parang may nakayakap sakin..pilitin ko mang idilat ang mata ko pero di ko magawa. may nagligtas ba sakin?
hanggang sa nawalan na ko ng malay..iniisip ko pa rin kung sino ang nakayakap sakin..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
may naririnig akong mga yabag ng paa, pabalik balik, idinilat ko yung mata ko, medyo blurred pa yung paningin ko, napapikit ulit ako ng may nakita kong ilaw, nasilaw ako, unti unti ko ulit dinilat yung mata ko, puro puti lang sya, nasa langit na ba ko. naririnig ko pa rin yung mga yabag na paa..ng biglang may narinig akong sumigaw..
ano bang nasa isip mo ha? gusto mong magpakamatay? bigla bigla ka nalang tatawid don na para kang si wonder woman na sasalubungin yung sasakyan, kung magpapakamatay ka tumalon ka nalang sa building wag kang mangdamay ng sasakyan, kung nasagasaan ka nung sasakyan na yun makukulong pa yung driver non, pati sila bibigyan mo pa ng problema sa buhay. my god Mikaelle, napapraning ka na ba? then parang nag-crack yung boses nya..ang boses na yun, posible kayang si Michael sya, kung di ako nagkakamali boses ni Michael yun. posible bang sya yung yumakap sakin kanina. buhay pa ba ko? umupo sya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko, medyo blurred pa rin yung paningin ko, pero parang si Michael nga sya..
alam mo ba kung gaano mo ko pinag-alala kanina, yang mga sugat sa kamay mo, tingnan mo nga, sinasayang mo ang dugo mo, kung dinodonate mo yan nakatulong ka pa. ano bang nasa isip mo? bakit ganyan ka? p-pano kung namatay ka? hindi na matutupad yung pangarap ko na alagaan ka, na punasan yung luha mo naiyak ka, yakapin ka pag malungkot ka, hindi ko na magagawang patawanin pag umiiyak ka, hindi na matutupad yung pangarap ko na mahalin mo? Mikaelle, please, wag mo ng gawin yun. pinisil nya yung kamay ko at hinalikan, sa pagkagulat ko nahila ko yung kamay ko dahilan para umakyat yung dugo ko sa dextrose na nakakabit sakin..
wag ka ngang malikot.. hindi ako nagkamali, si Michael nga sya, anong ginagawa nya dito..maya maya pa may pumasok na doctor..
gising ka na pala hija, kamusta ang pakiramdam mo? hindi ko pinansin yung doctor, tumingin ako sa ibang direksyon, nasa ospital pala ko, at anong ginagawa ko dito, dapat sa morgue nila ko dinala hindi sa ospital.
dok, kamusta ang test nya?nahimatay sya dahil sa stress at problema, psychological problem, marahil mabigat ang problemang dinadala nya kaya sinubukan nyang magpakamatay, at naglalaslas rin sya. she's trying to kill herself, i suggest na patingnan mo sya sa isang psychiatrist or psychologisttss, hindi ako baliw tumayo ako at sinubukang tanggalin yung dextrose na nakakabit sakin, pero lintik na Michael yun pinigilan ako..
ano ba? pumirmi ka nga jan. tinignan nya ko ng masama, nakikita ko sa mata nya na parang nag-aalala sya. napa-tss nalang ako at yumuko
kinausap pa ni Michael yung doctor na tumingin sa kin, tapos after ilang minuto umalis na yung doctor.
gusto ko ng umuwihindi pa pwede, magpahinga ka muna, anong gusto mong kainin?uuwi na kohindi pa sabi pwede ehhwala kong sakit, ayoko dito. uuwi na kobakit ba ang tigas ng ulo mo, pwede bang mahiga ka nalang jan at magpahinga, pagkapahinga mo tsaka kita iuuwingayon ko na gustong umuwiano ba Mikaelle? tinignan nya na naman ako ng masama kaya tumahimik nalang ako. napansin kong may gasgas sya sa pisngi, pati na rin sa braso, putok din yung labi nya..
m-m-may mga gasgas ka sa katawankasalanan mo yan, ng dahil sayo nagalusan ang sensitive skin ko, ang gwapo kong mukha pati kissable lips ko nasugatan ng dahil sayo. sa susunod nga wag kang mag-ala wonder woman sa daan, baka akala mo mayuyupi yung kotse pag sinagasaan ka, aba Mikaelle, mamatay ka ng dahil jan sa takbo ng utak mo, at pwede ba? ako nalang isipin mo kesa sa mga problema mo, ganon bang kagwapo yung problema kaya yun lagi ang iniisip mo, aba kung mas mahal mo yang problema mo kesa sa sarili mo, pwede bang maging problema mo nalang ako para mas mahal mo koyabang! hinawakan nya yung kamay ko, tumibok na naman ng malakas yung puso ko, agad kong binawi ang kamay ko..pero hinawakan nya ulit. binawi ko ulit pero hinawakan nya ulit, but this time mas mahigpit yung hawak nya.
wag mo nang uulitin yun, mabaliw baliw ako ng dahil sa pag-aalala sayo..pati sa susunod pwede ba magdala ka ng cellphone para alam ko kung sino ang tatawagan ko pag nasa panganib ka? wala man lang akong matawagan na kamag-anak mo. kumain ka na, pag kakain mo iuuwi na kita baka nag-aalala na sayo lola mo, kahapon ka pa di nauwi, di kita maiwan dito kaya di ako makapunta sa inyo ibig sabihin kahapon pa ko dito natutulog at kahapon pa ko dito sa ospital, binantayan nya ko magdamag..
s-s-salamat!wala yun.si Michael ang nagligtas sa buhay ko, di ko alam kung kelangan ko ba magpasalamat sa kanya dahil buhay ako ngayon o magalit dahil ng dahil sa kanya humihinga pa rin ako, pero sa di ko malaman na dahilan, pinili ko nalang pasalamatan sya, dahil yun ang dapat kahit labag sa loob ko.
[a/n: may nainip ba sa update ko? haha..may nagbabasa pa ba at tamad lang magcomment? ahaha. nag-update ako kahit medyo busy ako sa pag-aapply para di naman mabored and readers ko sa paghihintay ng update ko. at para naman matuwa at kiligin kayo, ahaha, di ko alam kung may nakakakilig bang part dito pero parang meron nga, haha, kinilig ako ehh. sana magustuhan nyo ang update]
---
JHOICE