CH.1: THEY BUMPED EACH OTHER
naglalakad ako papuntang room..
hindi first day of class ngayon..malapit na nga matapos ang 1st sem ehh.
nakasuot ako ngayon black leather jacket tapos black skinny jeans and high heels na black.
oo mukha kong sanggalo..pero wala kong paki..ganito ang mga trip kong suot ehh..nakapony tail din ako..basta iimagine nyo nalang yung itsura ko..nakakatakot dahil sa mata kong naka eyeliner.
ewan ko, pero pakiramdam ko pag naglalakad ako humahawi ang tao sa paligid ko, mukha akong mataray maglakad pero i swear, takot akong tao..naglalakad ako ng mahinahon at nakayuko..di ko alam kung bakit ako nakatungo feel ko lang maglakad ng nakatungo, ayokong matakot ang makakakita sakin ehh..
ng biglang..
ahhhgusto kong magmura pero natatakot ako na matakot sya sakin..yung nakabangga ko.
miss so.. nahulog nya yung hawak hawak nyang mga libro, di nya natuloy yung mga sasabihin nya, natakot ata sya ng makitang ako yung nakabunggo nya. sabi sa inyo nakakatakot ako ehh..pero di naman nanginginig yung mga kamay nya..tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa, tapos nagsmile sya sakin.
ehh? bakit sya nagsmile? inabot nya sakin yung kanang kamay nya
i'm michael, Michael Acosta. tiningnan ko yung kamay nya at umalis na, ewan ko pero sya ata ang unang tao na ngumiti sakin, kinilabutan ako at parang biglang lumakas yung tibok ng puso ko. hinabol nya ko. hinawakan nya yung kaliwang braso ko..
wait miss, yung panyo mo, nahulog. tinitigan ko lang ulit yung panyo, tapos tumingin sa kanya, nakangiti talaga sya, anong problema sa kanya? hindi ba sya natatakot sakin? tapos nagulat ako sa sunod na ginawa nya. tinanggal nya yung tali ko sa buhok. pero bakit?
mas bagay sayo nakalugay, ang rock mo tingnan, cool, ibang iba sa lahat hinawakan nya yung kamay ko tapos nilagay don yung panyo, nagulat ako sa paghawak nya sa kamay ko tapos umalis na ko ulit, iniwan ko na sya..
pagdating ko sa room, narinig koh yung iba kong kaklase na sinasabing
the witch di ko nalang pinansin, wala pa yung prof, kaya kinuha ko yung ipod ko at nagsoundtrip. ang tugtog sa ipod ko ay i'm so sick by flyleaf..ewan ko pero parang may mali ata sa araw na toh..yumuko ako sa desk ko. itinali ko ulit yung buhok ko na nilugay nung lalaki..naaasar ako sa kanya, bakit nya kelangan pakialaman ang sarili kong fashion, kung fashion nga ba tong matatawag. dumating yung prof namin at nagturo, katulad ng usual day after ng class dumeretso ko sa bar kung san ako kumakanta. oo, performer ako sa isang bar. dito sa bar na toh maraming may gusto sakin, hindi para ligawan, gusto nila ko marinig kumanta, the usual na kinakanta ko ay kanta ng flyleaf, t.a.t.u at paramore, at sa ngayon ang nakahanda kong kanta ay something i can never have ng flyleaf at decode ng paramore. dalawa lang yung hinahanda ko laging kanta tapos yung iba panay request nalang..sa bar nato hindi ko nararamdaman na unwanted ako. tapos na ang gabi ko, paglabas ko sa bar na toh, unwanted na ulit ako..
1am na ko lagi nakakauwi, kasi after ko kumanta, nag-iinom ako, hindi naman ako nagpapakalasing, nag-iinom lang talaga ko, hindi ako takot umuwi ng ganitong oras dahil hindi na yata ko marunong matakot, pakiramdam ko lahat ng nakakatakot na bagay nangyari na sakin, habang naglalakad ako naramdaman ko na parang may sumusunod sakin, di ko nalang pinansin, dahil wala na yatang mas nakakatakot pang mangyayari sakin, namimiss ko na si mama, naisip kong dumaan sa bahay ni mama, don muna ko matutulog, gusto ko sya makita ehh..
Nasa tapat na ko ng bahay ni mama, umupo ako sa gilid ng gate, may nakita kong lalaki na lumabas sa pinagtataguan nya, familliar ang mukha nya pero di ko na pinansin, bukod sa madilim at di ko naman masyadong mamukhaan ehh inaantok na rin ako, pumikit nalang ako at natulog na, siguro nagtataka kayo kung bakit dito ko matutulog sa labas, di ba nasabi ko naman na galit sakin si mama, pag nakita nya ko dito mahahigh blood sya, pag nangyari yun mararamdaman kong galit na naman sya sakin at mararamdaman kong UNWANTED ako.
naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko, tapos may narinig din akong takbo na parang papalayo sakin, dumilat ako pero wala naman akong nakita, tumayo ako at tiningnan ko kung anong oras na, ala sais na pala ng umaga, nagtago ako sa likod ng puno sa tapat ng bahay ni mama, ang tapat kasi ng bahay ni mama ay isang maliit na park sa loob ng subdivision nila, kaya may puno, alam ko pagdating ng 6:30 ay lalabas sya dahil ihahatid na nya sa school ang little brother ko, anak ni mama kay tito papa..di ako nagkamali lumabas na sila ng bahay at sumakay ng kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila. tapos umalis na sila, lumabas na ko sa pinagtataguan ko at napangiti, ok lang pala si mama..minsan naiinggit ako sa little brother ko dahil mahal sya ni mama..pero ako? parang wala lang sa buhay nya. umalis na ko at umuwi na, panigurado ako nag-aalala na si lola sakin..
pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni chao zee at ni lola..
san ka ba galing na bata ka?kay mama pohnaiyak si lola ng sinabi ko yun, alam nya kasi na sa labas lang ako ng bahay ni mama natutulog pag napunta ko don, niyakap nya ko..
thanks la, i feel comfortable. ok lang ako la, nakita ko si mama na nakangiti sa little brother ko. masaya sya la, kaya masaya na rin ako tapos umakyat na ko sa kwarto ko para magbihis, dahil may pasok pa ko, wala kaming uniform sa school. kaya kahit ano pwedeng isuot.
after ko mag-ayos nagpaalam na ko kay lola na papasok na ko..
(A/N: sorry kung mean ako sa character ko, katayin nyo na ko kung gusto nyo. hindi ko alam kung may nagbabasa nito, pero natutuwa ako dahil may isa kong reader na nagcocomment..hehe..kahit isa lang sya gusto ko maging maganda ako takbo ng story na toh)
-JHOICE