HELLO!!! CHAPTER ONE IS HERE!!! Wanna know kung may susuporta pa rin sa kwentong to..Im very very sorry po talaga sa soooobrang late update.. kapag wala na po akong readers, baka burahin ko na po to.. pero kung meron pa, SUUUUBBRRRRRRRAAANNNGGGGGGGGG SALAMAT POOO!!! eh di go.. I’ll try my best to update once or twice a week.
Ahmm.. medyo naging busy lang po kasi sa school.. patawarin niyo po ang kawawang si ako. 
God bless you guys!
One"Ha? Sino? Maho?" nagtataka pa ako dito sa bestfriend kong si Raissel.
"Ang bingi mo pre! Ilang beses ng sinabi di ba? MACO! M-A-C-O!"
Napakamot pa ko sa ulo ko. Okay? Maco? What's with that Maco?
"Surname?" tanong ko pa.
"Hindi ko alam eh! Kaya mo na yan!"
"Anak ng tinola ka Raissel! Ipapahanap mo sakin ang taong first name ang tanging information? Gusto mo bang tanggalin ko yang mga kung anumang nakakabit diyan sayo?"
"Ay wag tol! Di ko pa nga nakikita si Maco eh, papatayin mo na ako?"
Naupo ako sa sofa ng room niya rito sa hospital.
"Bakla ka ba?" seryoso pa ang tanong ko.
"Ha?" naguguluhan pa siya. Nang ma-absorb niya ang tanong ko,
doon siya..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" baliw nito! Parang wala ng bukas kung makatawa. Napahawak pa sa tiyan.
"Grabe Jem! Ngayon mo pa pagdududahan pagkalalaki ko. Sino satin ang NGSB at WNSB(Walang Niligawan Since Birth)?"
Ako nga pala si Jeremiah Miguel Avelino. Tama si Raissel, wala pa kong niligawan since birth.
"Eh kasi naman Raissel, pinapahanap mo sa'kin yang si Maco. Hindi ba kabaklaan yun?"
"Hanapin mo na lang kasi tol! Malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ko siya pinapahanap."
Anak ng tinola kasi eh. Yang si Raicel, may sakit. 6 months ang taning. Ayoko sanang banggitin dahil naniniwala pa ako sa milagro. At gusto niyang hanapin ko si Maco bago siya mawala.
Umuwi ako ng bahay at nagsimulang mag-isip kung ano ang gagawin ko. May sinabi pa siyang ibang info eh. Taga-ano raw. Basta sinabi niya yun.
***
Pawis na pawis ako habang papaakyat ng bundok. Ano ba kasi ang ginagawa ko rito sa bundok? Yang photography class kasi na yan ang may kasalanan. Gumawa raw ng collection of pictures na angkop sa theme na napili mo. Eh ang pumasok sa isip ko ay "nature", nandito ako ngayon. Ang luma lang ng theme eh no? At saka, malapit dito si Maco. May chance na makikita ko siya. Anak ng tinapa! Kahit picture nga eh, wala! Yung may kumpletong information with picture nga eh, hirap ng hanapin, eto pa kaya!
Nilabas ko ang dslr cam ko dahil may nakita akong target. May nakita akong higad na colorful sa dahon. Finocus ko ang cam at inadjust ang contrast. And then, click.
Lumakas ang hangin at naglaglagan ang mga dahon. Kuha ulet ng picture!
Tinignan ko ang picture sa cam.
"Perfect!" sabi ko sa sarili ko.
Marami ng nakapagsabi na magaling ako sa photography. Dahil na rin siguro na medyo hilig ko to. Pero hindi ito kinuha ko ngayong college. My dad forced me to take Architecture. Hindi ko gusto ang architecture. Ok. Sige! Sabihin na nating marunong ako sa drawing. Pero hindi ko passion.
Bigla akong nakarinig na kaluskos. Napalingon ako sa likod ko. Agad kong tinapat ang mata ko sa camera.
May dumaan!
Click.
Na-curious ako at pinuntahan ang lugar na may dumaan.
Pero wala akong makita na kung ano. Tinignan ko na lang kung ano ang nakuhanan.
May babaeng nakabistida na tumakbo.
Hala! White lady kaya?
Zinoom ko ang picture. Mmm.. Hindi naman ata.
May narinig ako ulit. Napalingon na naman ako.
Click.
May nagpicture sa akin. At yun ay si...
"Alice! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot pero ngumiti siya at medyo iniangat niya ang hawak na cam.
"Why here?"
"Coz you're here?"
"Ano ba ang theme mo?"
"Role Model. And it's you."
Patay na. Hindi ba ako lulubayan nitong si Alice? Pinsan nga pala siya ni Raissel.
"Tsk. Di mo ba pwedeng palitan? Ayoko kasi ng may nakabuntot sa'kin."
"Hindi na no." sagot niya saka pinicturan ulit ako.
Argghs.
"Bahala ka. Wag mo lang ako aabalahin."
Naglakad-lakad ulit ako at kumuha-kuha ng picture.
"AAAAHHH!!! Jem!" napalingon ako at nakita ko si Alice na napaupo na sa lupa.
Agad ko siyang nilapitan.
"Tinuklaw ka ng ahas?"
Nang makita niya ang sugat niya, saka siya...
nahimatay.
"HALA! Anong gagawin ko rito? Sabi ng ayoko ng abala eh!"
Sisipsipin ko na ba?
Sisipsipin ko na sana kaso may nakiluhod sa harap ng sugat ni Alice. Tinignan ko siya. Babae.
"Ilagay mo to sa pinagtuklawan ng ahas. Nakakagamot to," may inabot siyang dahon pero hindi nakatingin sa'kin. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Tapos tinignan ko siya. Nakatingin siya sa kawalan. Ikinawaykaway ko ang kamay ko sa mata niya pero hindi kumukurap.
Eh?
Bulag ba to?
"Oo bulag ako. Kaya wag mo ng ikaway yang kamay mo," sabi niya.
That's an interesting premise on your beginning. I wonder what direction your story will go to,,, as the writer, you have infinite directions to take this on. Good luck with this story.
What happened to the continuation of this story?
Hello po.. sorry for the late update and thank you for your first comment. It encourages me to
write pa po. I hope you’ll continue supporting this one.
God bless!