Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Poll

True Love WAITS or True Love is WORTH WAITING FOR?

ang totoong pag-ibig kayang maghintay (translate lang?)
kaya kong maghintay sa totoong pag-ibig

Author Topic: Re: The Handsome Players.Terrence 2 CHAPTER 16 updated!!  (Read 4081 times)

mharypotz

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 9
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 2!! readers???
« Reply #15 on: September 16, 2012, 07:40:03 pm »

PWEDE PO HUMINGI NG SOFT COPIES ??
mharypotz_forever_15@yahoo.com po

salamatz

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 2!! readers???
« Reply #16 on: September 17, 2012, 08:54:36 pm »

I Mishu chuuuuuu~~ :-*
pwede ba naman ako mawala eh mahal na mahal kita lalong lalo na si Terence ^-^ ;D

update kana Riiii~~~ :D :D


sige.x bukas mag u-ud ako..

hindi na ako busy eh!!  ;) ;)

PWEDE PO HUMINGI NG SOFT COPIES ??
mharypotz_forever_15@yahoo.com po

salamatz
hindi pa to tapos eh, kaya wala pa siyang copy..

pero yung kay Joshua na story na send ko na sayo  :D :D

don't forget to comment okie??  ;D :D ;) :)

fReEzY_gHeTtO

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Handsome Players. Terrence
« Reply #17 on: September 17, 2012, 10:54:47 pm »

eh sa wala akong maisip na iba eh  :P :P :P


over.. mahaba talaga??

sorry nomon >.<

hello!!


salamat at napunta ka dito  ;D ;D


pang bungad pa lang ang ganda na !

ahehehe
fReEzY gHeTtO   d ^_^b   .V..

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 3. readers :\
« Reply #18 on: September 21, 2012, 07:56:57 pm »
Three

“bagay lang yan sa’yo b*tch”

And I heard ang click ng pintuan.

Di pa siya nakuntento sa pagbuhos sa akin ng maduming tubig, ni lock pa talaga niya ang pintuan. >:( >:( >:(

Pag ako naayos ang sarili ko at nakalabas dito.

Sisiguraduhin ko talaga na pagsisihan ng babaeng yun ang ginawa niya sa akin.

 >:( >:( >:( >:( >:( >:( >:(

But first kailangan ko muna na I solve ang problema ko.

Sinuntok ko yung pintuan kasi nga frustrated ako.

namaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnnnnn!! Damn this effin life!!” sinuntok suntok ko pa rin yung pintuan hanggang sa magka dugo-dugo na yung kamay ko.

In fairness, hindi ko maramdaman ang sakit.

Ganyan siguro yan pag galit ka talaga.

Tumingala ako. Tapos pumatong ako sa bowl.

Yeah, you know what?

Life is so unfair to me, especially on heights.

Why can’t I even grab that window above me?

Naku! Naku! Naku! Naku! Deffy!

You will REALLY PAY FOR THIS!! BIG TIME!!

Ako ang taong hindi nagpapautang.

Tandaan niyo yan. Rawr! >:(

Pilit ko pa rin na inaabot yung bintana.

I really wanna reach it, para makalabas na ako dito.

I don’t care kung sino ang makakakita sa akin.

Bahala na kung makita nila akong madungis at mabaho.

They can judge me all they want but, I won’t even budge.

While trying to reach for that window.

I am stretching my arms.

Remember: nakapatong ako sa bowl.

This is extremely dangerous.

“bakit ba kasi sa taas nila nilalagay ang bintana? Ba’t pa kasi nag kulang ako sa height!! Naman!”

Desperado na ako kaya nag super-super stretch na ako.

Dahil nga nasobrahan ako sa pag stretch, sumakit yung right shoulder ko.

Feeling ko, naipit yung ugat.

Napahawak agad ako sa balikat ko.

“ouch! Aaahhhhhhhhhhhhhhh!” :-\

Tapos na out of balance pa ako, kaya nahulog ako mula sa bowl.

Napahiga ako dun sa sahig at nabagok pa ang ulo ko sa pintuan na ayaw mabuksan.

Ang malas ko naman ngayon araw!!

“a..raaaaaaaayyyy..” hinimas-himas ko yung ulo ko habang iniinda ang sakit ng balikat ko.

Sinubukan kong tumayo pero pag tayo ko, naramdaman ko na masakit ang paa ko.

Kung siniswurte ka naman talaga oh!

Kinulong pa ako dito, binuhusan pa ako ng maduming tubig, dumudugo pa yung knuckles ko,masakit pa ulo ko, naipit pa yung ugat ko sa balikat, at ngayon pilay pa ako!

Bakit ako?

Diba dapat si Deffy ang nakakaranas nito?

I don’t want this.

>.<

Umayos nalang ako sa pagkaka-upo.

Bakit walang pumapasok sa c.r?

Na orient na ba sila ni Deffy?

O nilagyan ni Deffy na ‘closed’ sign ang c.r sa labas.

Dumaan ang Segundo…

Minuto….

At oras…

Lumalalim na ang sakit ng araw…

At ako ay nagugutom na.

I just accepted the fact na bukas pa ako makaka-alis dito.

Kaya itutulog ko nalang ‘to.

Sana wala mumu magpakita sa akin.

Takot pa naman ako dun.

*snorrrrr*













“Joy… Joy… Joy… gising Joy”

naman.. ingay mo eh.. natutulog yung tao” inalis ko yung kamay niya sa mukha ko.

“iba din trip mo ah.. matutulog ka nalang nga, sa c.r pa talaga ha?”

Sa sinabi niyang yun, na realize ko na hindi pa pala ako nakaka-alis sa c.r dahil sa kagagawan ng Deffy na yun.

tara na uwi na tayo.. malapit nang mag hating gabi oh.”

o sige” sabi ko, pero hindi ako gumalaw.

“ano pa bang ginagawa mo diyan? Tayo na?”

Hinila niya yung kanang braso ko (tama ba? Kanan? Right?)

“araaaaaaayyyyy!” napa sigaw ako, kasi sobrang sakit nung balikat ko. Naipit pa yung ugat eh.

“ano bang nangyari sayo?”

“I’ll explain later, Terrence” ngayon ko lang na realize, si Terrence pala tong taong to.

Na alimpungatan kasi ako eh, kaya hindi ko na load agad sa utak ko.

patingin nga ng balikat mo?”

Hinilot hilot niya yung balikat ko, pero dinahan dahan lang niya.

Kahit na ganun, masakit pa rin kaya napapa-aray ako.

“alam kong masakit, pero konting tiis lang ha.”

Tinaas baba niya yun braso ko, napapapikit nalang ako kasi masakit.

Maya-maya, na fefeel ko na ang relief…

Narinig ko na lang na may nag crack.

Super relief na talaga yung naramdaman ko.

Hindi na masakit ang balikat ko! Yehey!

“thanks” sabi ko.

oh! Yung kamay mo may mga sugat.” Sabi ni Terrence.

“ano ba kasi ang mga pinagkakagawa mo ha?”

“basta.”

“tayo na!”

“o sige.. una kana.. susunod lang ako.”

Tiningnan niya ako with a doubtful look.

“Huwag mong sabihin na hindi ka rin maka lakad”

*nod*                                         *nod*

“kakaiba kang babae ka.”

Lumuhod siya sa harapan ko tapos binuhat niya ako.

Hindi ako umangal kasi kinakailangan ko talaga ang tulong niya.

Thankful ako kasi napuntahan niya ako dito.

Akala ko bukas pa ako makaka-alis tapos pag pipiyestahan ako ng mga tao na makakakita sa akin.

“alis na tayo dito, kailangan mo nang magbihis. Ang baho mo na eh, maligo ka na rin ha?”

“alam ko yun, huwag mo nang ipa-alala.”

Lumakad na si Terrence, ako naman, nakatingin lang sa mukha niya.

Hindi ko alam pero, uminit yung mga mata ko tapos tumulo yung luha ko.

Na touch lang siguro ako sa ginawa niya.

Pinahid ko yung mga luha ko.

*sniff*

“huwag kang umiyak, papanget ka niyan. Sige”

“wala akong pakialam *sniff*”

“sino ba kasi gumawa sayo nito?”

“basta.”

Ayokong madamay pa si Terrence sa problema ko.

Sl*T kasi yang si Deffy. Baka kung ano pa ang gawin niya kay Terrence.  >:(

“ok.. sabi mo eh. Btw. Punta muna tayo sa Hospital ha. Ang dami mong damage sa katawan eh”

ok, sabi mo eh..”


--


“aray naman doc! Huwag mo namang pukpukin ng martilyo yang tuhod ko!”

“ano ka ba! Kailangan yan!” sabi ni Terrence.

Hinawakan niya ang mga balikat ko, ang lakas nga niya eh, kasi hindi ako makagalaw.

“rest ka lang,tapos I cold compress mo lang to. Ok na yan” sabi ni doc.

“thanks doc.” Sabi ni Terrence tsaka naman umalis yung doctor.

Naka benda na yung paa ko, pati ang mga kamay ko.

“anong oras na ba?”

“malapit na mag 2 a.m”

“aahh.. hindi ba galit sina mama?”

“hindi naman, natawagan ko na sila. I didn’t tell, what REALLY happened pero kahit hindi ko sinabi sa kanila. You really do need to explain something girl?”

“basta. I’ll just get my revenge.”

“on who?”

you’ll see.. pag si Joy Mae Diaz ang nagalit.. humanda ka. It will be the end of your world”

“wew~ *whistle sfx*.. then let me see what will happen…” he flashed me an evil grin.

I also flashed him with an evil stare with a grin.

Deffy, humanda ka.

Napuno na ako sa ginawa mo, kaya sorry nalang sa kahihinatnan mo.

“oh yeah, before I forgot… may nagpadala pala niyan sa bahay. Para sayo daw eh”

Binasa ko yung envelope,

Para sa akin nga.


May nakalagay na

TO: JOY MAE DIAZ eh



Dear Joy,

   It’s been a while since the last time I wrote a letter to you. I always remember those moments that we were together and the times that you made my heart flushed.
   I really regretted the fact that I broke up with you, for just some silly reason. But please give me one last chance. I promise, this time, it will be the best times of our lives.
   I love you so much Joy.
                               The one who will always love you,
                           Franco


The hell!

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, pero one thing is for sure.

Franco and me is over.

At isa pa, hindi ba siya kuntento sa Deffy na yun.

Pero sa bagay, Deffy is a b*tch. Hindi na nakapagtataka yun.

“so, who is this Franco?”

“aba! ECHUSERO KA HA! Ba’t ka nagbabasa ng sulat ng may sulat?”

eh curiosity kills the cat eh”

“tama! And I will definitely kill you!” hinampas-hampas ko siya.

“waaahh!! Tama na! pero alam mo ba!


You won’t feel hurt if you don’t love the person, he is nothing when you don’t feel something for him”


Napatigil ako sa sinabi niya.

Kinomprehend ko yung sentence na yun.











“yeah! Whatever Terrence. Like you know everything?”


Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 3. readers? :\
« Reply #19 on: September 21, 2012, 09:13:21 pm »

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 3. readers? :\
« Reply #20 on: October 05, 2012, 10:01:10 pm »
ay ganun?? wala na akong readers  :'( :'( :'( :'(

xannix28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1807
  • Karma: +227/-11
  • K-I-S-S-I-N-G | Yay c:
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 3. readers? :\
« Reply #21 on: October 06, 2012, 11:13:56 am »
meron pa kaya. nag-aantay lang ng update ung iba :)
1 | 2 | 3

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 3. readers? :\
« Reply #22 on: October 08, 2012, 07:54:37 pm »
meron pa kaya. nag-aantay lang ng update ung iba :)


waaaaaaaaaaahhh!!! ganun ba yun??!! ang saya ko naman meron pa pala!!  ;D ;D ;D ;D

*tears of joy*  :'( :'( :'( :'( :'(

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAP 4. readers? =\\\
« Reply #23 on: October 08, 2012, 08:33:25 pm »
Four

“NASAN YANG DEFFY NAYAN?!” sigaw ko sa loob ng classroom nila.

Ready for war na ako.

I don’t care kung ma expel ako or something…

I don’t care kung makapatay ako ng tao, basta hindi ko na palalampasin pa ang ginawa ni Deffy sa akin.

Akala niya kung sino siya.

The hell!

Hindi pa niya abot ang kalingkingan ng paa ko.

“bakit? Anong kailangan mo sa akin”

Lumabas naman ang bruha.

“ikaw! Walang hiya ka talagang babae ka! Ba’t mo ako kinulong dun sa c.r ha?!”

“are you sure it’s me?” sabi niya. B*tch talaga!

“yeah I’m sure it’s you. It is always YOU!!!”

“inosente ako, kaya pwede ba… umalis ka na. from this school and from my life.”

“like I will?”

Sinabunutan ko ang buhok niya.

Kaya naman napamudmod siya sa sahig.

Naghiyawan naman ang mga tao.

Tapos pinalibutan nila kami.

“Joy, you sl*t”

Siyempre hindi siya nagpa-api.

Kinalabit niya ang uniform ko.

Tapos napunit pa sa braso na part.

Ginulo namin ang buhok ng isa’t isa.

Masakit na nga ulo ko sa kasasabunot niya eh.

Pero mas masakit sa kanya, kasi mas mahaba buhok niya kaysa sa akin.

Hindi lan buhok ang pinag diskitahan ko sa kanya, pati mukha niya.

Kung may chance ako, pinupukpok ko ang ulo niya sa semento.

Ako kasi medyo ang lamang ngayon, kasi nakapatong ako sa kanya.

“wh*re!”

Pagkatapos niyang sabihin yun, sinuntok niya ang dibdib ko.

Siyempre masakit.

Kaya ngayon, siya naman ang nakapatong sa akin, ako naman ang dehado.

Nagpagulong-gulong kami dun sa classroom nila.

Pati ang mga upuan nagulo kasi nababangga namin.

Nung nakawala ako sa grasp niya, tinapunan ko siya ng upuan.

Biruin niyo?

Nasira ang upuan. Tapos siya, parang walang nangyari.

May demonyong lahi ata tong si Deffy eh.

Well, like I will be surprised by that. Demonya naman talaga siya.

Hinablot ko ang palda niya.

Nasira ko ang lock, kaya ayun, shorts nalang ang naiwan.

Siya naman tinuluyan na ang uniform ko.

Punit na nga, nasira pa ang mga butones.

Ano to? Hubaran portion?

“hey! Stop that!”

Great. At sumulpot pa talaga itong si Franco

“what is the meaning of this?”

Kasama naman ni Franco ang Prefect namin, na hindi makatingin ng maayos sa amin kasi nga halos sira at kita na ang mga undies namin.

“you two! In my office!... well, after you change your clothes.”

Tiningnan ako ni Franco, na para bang nagtataka.

“Deffy, you should not have done this” sabi ni Franco.

“hmp!” >:( umalis naman si Deffy, habang kinuha niya yung towel na nilahad sa kanya.

“Joy, I’m sorry… kung ano man ang ginawa ni Deffy sayo” sabi niya habang pinapasuot sa akin ang jacket niya.

“shut up!” sabi ko.

Yung blouse ko lang naman ang sira sa akin eh.

Well, except sa buhok, na ginulo ng bruhang yun.

Makapag ayos nga!



---


“WHAT HAS GOTTEN INTO YOUR MINDS?!” >:(

*BANG*

Napalundag naman kami kasi nagulat kami sa ginawa ni Mr. Prefect.

“eh kasi sir.. si Joy naman ang nagsimula eh *puppy eyes*” hindi ka bagay maging artista te!

“eh bakit mo pinatulan?”

Hindi naka-imik dun si Deffy.

“ikaw naman Ms. Diaz, hindi ba matalino ka? Ba’t mo yun nagawa kay Deffy? Bakit ka bumaba sa level niya?"

Oh! Hindi na ako nag sabi nun ah! ::) :P

Si Mr. Prefect na, ‘bakit DAW AKO BUMABA sa LEVEL ni Deffy’

I told ya!

Nasa underground siya, highest floor ako.

sir, hindi naman sa lahat ng bagay pwede akong magpatapak at hindi umimik, kung alam ko naman na ako ang tama at kailangan ko rin ipaglaban ang karapatan ko.”

“still, you’ve caused damage, not only into yourselves but also into the school properties. So, you will be suspended for two weeks. TWO WEEKS. You know what I’m saying?”


“yes sir.”

Nagkatinginan, este… nagka-irapan kami ni Deffy.

Two weeks suspension, ano naman kaya ang gagawin ko?

Paglabas ko sa office ni sir, pumunta sa ibang dereksiyon si Deffy.

“Joy” Kung mamalasin ka nga naman oo.

Si Franco pa talaga ang bumungad sa akin.

“if it is about your jacket, I will return it, right away.”

no, hindi naman yun ang pinunta ko rito eh.”

“then what?”

natanggap mo ba ang sulat ko?”

“oo. And Franco, wala na tayo. Diba ikaw ang bumitaw, kaya huwag mo akong lalapitan baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo”

“I don’t care. Look, me and Deffy is totally over.”

“at sa tingin mo maniniwala ako sa’yo? She’s really much into you, at kung akala mo na makukuha mo ako uli, hindi na mangayayari yun”

“Joy, please… give me another chance. I love you so much, don’t you love me too?”

“pwede ba?! Kung inaakala mo na ako ang mga nagpapadala sayo ng mga ‘loveletters’ at mga ‘death threats’ sa’yo, FYI hindi ako yun. Kaya huwag kang umasa”

“how did you know about that? Ako lang ang nakaka-alam nun.”

“sabi sa akin ni Deffy.”

Kung si Franco lang ang nakaka-alam nun, ba’t alam ni Deffy?

“bahala na kung alam man yun ni Deffy, ang importante… ikaw.”

Hinawakan niya ang kamay ko.

“get out from my sight. I don’t want to see you. You are such an eyesore”

I left Franco, staring at me…

Kung nasaktan man siya,

Mas masakit ang ang ginawa niya sa akin nuon

Mas masakit sa nararamdaman niya ngayon.



---


“we need some explanation Ms. Joy Mae Diaz” bungad sa akin ng parents ko.

Ang bilis naman ng balita, mas nauna pa sa akin.

Ni hindi pa nga ako nakaka-uwi, abot na kaagad sa bahay.

“I just fought for what is right”

“Joy… I know hindi mo gagawin yun ng walang dahilan. Pero, it will affect you. Just be careful with your acts next time ok? At tsaka, learn the lesson.” Sabi ni mama.

“I will”

“rest ka muna” sabi naman ni Papa.

Umakyat na ako papuntang kwarto ko.

“wew! *whistle sound*” napatingin ako kay Terrence nun, na nakatayo sa gilid ng pintuan ko.

“anong kailangan mo?”

ganda ng jacket mo ah, akin nalang yan”

“di pwede, hindi to sa akin”

hulaan ko, lalake ang nag mamay-ari niyan no?”

Hindi ba obvious? Eh panglalake ang design. Like duh.

“just disappear, please.i’m tired”

“tired of what? Fighting for something that is really useless? Or fighting the feeling that you are hiding? Don’t you really have the feelings for that man?”

“I don’t love Franco…. Teka nga, ba’t parang ang dami mong alam sa buhay ko?”

Nilapitan niya ako tapos pinat niya ang ulo ko.

“it’s a secret” sabi niya pero hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa ulo ko.

Umalis siya ako naman nakatulala sa likod niya.

Hinawakan ko ang lips ko.

I’m not shocked on what he said, but on what he had done.

He kissed me.

Pero smack lang.

Facts about Terrence

1.   he’s a player
2.   he’s a liar
3.   he has soft lips

nagiging manyak ata ako sa kanya.

Pero hindi pwede yun.

Ew! Kadiri ako.. yuck! Yuck! Yuck!

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis.

Tiningnan ko ang jacket ni Franco.

If I don’t love him, then who?

« Last Edit: October 08, 2012, 08:37:26 pm by Riri »

nikkaniks16

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 18
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Handsome Players. Terrence CHAPTER FOUR ( readers? =\\\ )
« Reply #24 on: October 09, 2012, 05:58:49 pm »
I LOVE TERRENCE!!!!! I LOVE YOU TOO AUTHOR!!!!!  ;)

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAPTER FOUR ( readers? =\\\ )
« Reply #25 on: October 10, 2012, 09:00:19 pm »
I LOVE TERRENCE!!!!! I LOVE YOU TOO AUTHOR!!!!!  ;)


i love you too~~ :D :D :D

umaapaw ng love ngayon ah  ;D ;D ;D

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 239
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: The Handsome Players. Terrence CHAPTER FOUR ( readers? =\\\ )
« Reply #26 on: October 11, 2012, 03:03:26 pm »

Basa...  ;D ;D ;D

New Reader po... :)
Laughter is the Best Revenge

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence CHAPTER FOUR ( readers? =\\\ )
« Reply #27 on: October 15, 2012, 09:15:46 pm »
Basa...  ;D ;D ;D

New Reader po... :)

hi there~~

thanks for being my new reader  ;D :D ;D :D ;D :D

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence gora na ang CHAPTER FIVE
« Reply #28 on: October 19, 2012, 07:50:01 pm »
Five

“salamat sa pagpapahiram sa akin” ibinalik ko na ang jacket kay Franco.

Since two weeks naman ako suspended, nag decide nalang ako na kitain siya.

Nasa isang restaurant kami ngayon, dito kasi napagpasyahan na magkita.

“sa’yo nalang yan, kung gusto mo.” Sabi ni Franco.

“kaya ko nga sinasauli kasi nga ayoko”

“oh well, kung yan ang gusto mo, pero mamaya mo na yan isauli. What do you want? My treat.”

“are you joking? Nakipagkita lang ako sayo kasi, gusto ko lang isauli to yun lang.. kaya kung gusto mong kumain, kumain kang mag-isa mo”

“alam ko gutom ka, kaya sige na mag order ka na”

“Franco, I really appreciate the effort but no thanks” tumayo na ako at iniwan ang jacket sa upuan.

“bye!”

“wait! Joy, I just want to spend time with you, start things all over again”

“I’m sorry bro! ayaw niya eh, kaya huwag pilitin ang ayaw, baka masamain ka”

Terrence? ???

Ba’t siya nandito?

let’s go!” kinaladkad ako ni Terrence papalabas ng resto.

Iniwan namin dun si Franco, na parang tanga.

Mabilis na naglalakad si Terrence ako naman hirap sa kakahabol sa kanya.

“nagmamadali ka ata? May date ka?”

“actually meron, kaso tinakasan ko eh. So we should hurry up para hindi niya ako maabutan.”

Ah kaya naman pala nandito siya.

May ka date pala.

Baka same resto lang din sila kaya nakita niya ako.

Parang way na rin niya yun kasi tinakasan nga niya ang girl.

“Terrence!”

Napalingon ako dun sa tumawag sa kanya.

Kasi si Terrence deretso lang ang lakad, mabilis pa.

Maganda naman sa malayo ang gurl kasi puro make up lang ang nakikita ko sa kanya.

Tapos ang sexy-sexy niya sa damit niya.

Kung pwede nga nag bold na nga lang siya eh.

With matching 6 inches na heels.

Hindi ka ba napapagod diyan te?

Binilisan nung girl ang lakad niya, pero dahil nga sa naka heels siya na sobrang haba, nahihirapan siya.

“Terrence, siya ba yung ka date mo?”

“sshh… huwag mong pansinin, baka mahalata ako”

Siya nga.

Mas binilisan pa ni Terrence ang lakad niya at hinila ako na parang walang bukas.

Nung nakaliko kami sa isang hindi mataong lugar, isinandal niya ako sa dingding

Hinubad niya yung jacket niya, tapos lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

At nandilim ang lahat.

Dun ko lang na realize na tinakpan niya Terrence ang mga ulo namin gamit ang jacket niya.

sorry, pero please bear with this for awhile” sabi niya.

Naman kung titingnan sa malayo para kaming nag ma-make out nito eh.

Pinikit ko na lang ang mga mata.

Hindi ko kasi maatim na ang mukha niya nakadikit sa mukha ko.

Ramdam na ramdam ko pa ang init ng katawan niya.

Para na kasi siyang nakayakap sa akin…

Yung isang kamay niya nasa taas para humawak dun sa jacket,

Yung isa naman nasa bandang bewang ko, hindi yung hips ang hinawakan niya ha

Yung dingding, para yung weight sa pagkasandal niya hindi masyadong mapunta sa akin.

“Terrence? Sa’n na kaya yun?”

Nung na feel namin na malayo na yung girl inalis na ni Terrence yung jacket.

Tiningnan ni Terrence kung saan dumaan yung girl nung ma secure na nga niya na wala na yung girl hinila na naman niya ako.

Ang sakit na ng kamay ko ha!

When will this stop?







Nung makarating kami sa parking lot, pumasok na kami sa sasakyan niya.

“ba’t mo ba tinatakasan ang babaeng yun?” tanong ko sa kanya, nung makapasok na rin siya.

“that girl really bugs me. Kaya nung mapuno na ako, I promise to date her. One time lang, after nun wala na. hindi na niya ako guguluhin. Kaso narinig ko na matinik daw yung babaeng yun. Baka drogahin niya ako, tapos I blackmail. Yung ganun.”

Baka patay na patay lang talaga yung girl sa kanya.

Pero bahala na nga siya.

Buhay naman niya yan eh.

“siya ba yun?”

sino?”

“yung lalakeng kasama mo sa resto. Siya yun noh. Yung nagpadala ng sulat sayo?”

“alam mo naman pala eh, ba’t mo pa tinatanong?”

“naninigurado lang…. ang panget niya”

Napalingon agad ako sa kanya

Talaga? Napapangitan siya kay Franco?

Eh siya nga yung pinaka gwapong lalake sa school namin eh.

Kaya nga chickboy diba?

“mas gwapo ako dun”  8) sabi ni Terrence

“libre lang mangarap Terrence…” sabi ko

“sige nga, sinong mas gwapo siya o ako? Pag siya pinili mo ibig sabihin mahal mo pa siya, pag ako pinili mo ibig sabihin crush mo ako”

“grabe! None of the above uyy! Ulul ka”

“in denial ka talaga.”

“baka ako crush mo, papansin ka eh”

“ako may crush sa’yo? Hah!! Pa’no mo nalaman?” :P

Naging ganito ang mukha ko.  ???

“gusto mo naman! Ayses! Hindi noh.. joke lang yun… feeling naman nito”

Sa kanya ko nga yan dapat sabihin eh.

Ako tong nerereto niya na may crush daw ako sa kanya.

At IN DENIAL pa DAW ako ha?

Over my dead and decomposing body.

Hmp!

Naging tahimik kami for five minutes.

“Terrence diba nag promise ka sa kanya?”

“oo”

“promise yun, dapat hindi mo baliin. Huwag kang paasa” sabi ko, may pinaghuhugutan to oyy!

“konsensiya ikaw ba yan?”

“baka gustong-gusto ka lang talaga ng babaeng yun. Kaya she is willing to do anything to catch your attention. Kapag yun, nasaktan… humanda ka sa karma. Hindi nag-iingay yun, twice pa ang balik sa’yo”

“so you really want me to date that girl?!” bigla niyang hininto ang sasakyan.

Wala namang traffic, wala ring nakaharang

Tiningnan niya ako na parang naiirita.

“eh kung sabihin ko sa’yo na huwag mong saktan yung lalakeng yun, na bigyan mo siya ng isa pang chance. Kasi pag ang lalakeng yun nasaktan, humanda ka. Matakot ka sa karma. Gagawin mo ba? Ha!”

“eh ba’t mo ba binabalik sa akin, sinasabi ko lang naman kung ano ang nasa isip ko eh!”

“ganun naman din ako eh!”

“yung sitwasyon mo, at yung sitwasyon ko, magkaiba… sobrang layo. Kaya huwag mong mabanggit-banggit na kakarmahin ako pag sinaktan ko ang lalakeng yun, kasi in the first place, siya yung nanakit sa akin. Hindi naman ako tanga para ulitin pa ang mga bagay na alam kong wala pang patutunguhan at sa huli ako ang mapupuruhan.  Gets mo?!”

I took a deep breath

”you don’t know what I’ve been through”

“and you don’t also know who and what is that girl capable off.”

Sabi ni Terrence.

Sana hindi nalang ako nagsalita, ang awkward eh.

Feel ko yung tension sa hangin.

Away na ba to?

Ba’t ba kami nag-aaway?

Wala bang araw sa mundo ito na wala akong makaka-away?

*sigh*

This life sucks >.<

“baba na!” nagulat ako nung nagsalita si Terrence.

Nasa harap na pala kami ng bahay ko.

Bumaba naman ako.

Nagtaka ako kasi hindi pa siya bumaba.

Ni hindi man lang niya pinapasok ang sasakyan niya sa loob.

“teka! Sa’n ka pupunta—“

Biglang humarurot ang sasakyan ni Terrence paalis.

Ang bilis-bilis pa niya pinatakbo yung sasakyan kaya ang end result yung mga alikabok sa akin napunta lahat.

Yan tuloy, ubo ako ng ubo

He is really pissed off.

Oh edi galit-galit kami sa isa’t isa.  >:(

Problema ba yun?

“madapa ka sana!” sigaw ko.

Pero useless, ang layo na niya eh.

Hindi na niya ako maririnig

Terrence is a bastard!! Hmp!! >.<









Fvck! Di ako makatulog.

Anong oras na ba? 3 a.m ?!! o.o

Ok lang sana kasi suspended naman ako, kaso gusto ko nang matulog.

Yung Terrence na yun, siya yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog eh!

Grrrr!! >:(

He keeps bugging me.

Well, not physically but mentally.

Kahit anong gawin ko sumasagi pa rin siya sa isip ko.

Ano ba?!!

Ba’t ba ako na gui-guilty.

Wala..errr.. ok fine meron akong mali. Pero ang konti naman ng bagay na yun para pag-awayan namin.

Ano kami? Boyfriend-girlfriend??

Yuck!! *vomits*

Ni hindi pa siya umuuwi.

Kaninang hapon pa yun umalis ah!!

Sa’n ba nagpunta yun?

That’s it!

I’ve decided to get up.

Pagbukas ko ng pinto si Terrence agad ang bumungad sa akin.

Mukhang kakatok ata siya sa pintuan ko.

We were both shocked when we saw each other.

“oh! Ba’t ka nandito?” (salamat naman at naka-uwi kana)

“there is one thing I would like to tell you”

“dalian mo! Inaantok na ko eh” ( di ako makatulog dahil sa pag-aalala sayo alam mo ba yun?)

“that guy! Sino nga yun? F- Franco?”

“oh, ano naman siya?”

“he’s a bastard… and you…”

“anong ako?”

“you’re a fool for falling for him….


 :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o

 :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o :o


Oh my Ghad!! Terrence! What are you doing?!! WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!”  :'( :'( :'(


Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: The Handsome Players. Terrence here is chap SIX. *reader? (iyak mode)*
« Reply #29 on: October 22, 2012, 08:50:34 pm »
Six

“Terrence! My gahd!”

Inalis ko siya sa pagkakayakap sa akin.

Hinayaan ko lang siya na maglanding sa floor.

“naman! Mukha ba akong bowl? Basurahan? O planggana para sukahan mo ako? Grrrrrrr!!” >:( >:( >:(

Ba’t di ko napansin agad na lasing pala siya.

Ako na nga tong nag-aalala ako pa tong sinukahan.

Adik ka Terrence I hate you!!

Agad-agad akong pumunta sa c.r at hinugasan ang sarili ko.

Bahala ka sa buhay mo Terrence!

Dun ka matulog sa sahig. Wala akong paki-alam sayo

“wala akong paki-alam sa kanya” sabi ko sa sarili ko habang nagbibihis.

wala akong paki-alam sa kanya” sabi ko ulit sa sarili ko habang humihiga at tinatakpan ng kumot ang sarili ko






“grrrrrr!! You’re really bugging me! Terrence Navarro!!” bumangon ako at lumabas.

Naabutan ko pa din siya na natutulog sa sahig.

“wala na akong magagawa kargo de konsensiya na kita eh. “

Ginulong ko siya para hindi na yung mukha niya ang nakahiga sa sahig.

Sayang ang face, pogi pa naman.

Gwapo anak nito for sure.

Depende nalang siguro sa mother.

“hoy! Gising!” inalog alog ko siya.

Ayaw pa rin gumalaw.

Wala na!

Dedo na toh!

“hmmmm…” sabi lang niya.

Nabuhayan ako ng loob nung medyo minulat niya yung mga mata niya.

“come here baby!” bigla niya akong hinug tapos napahiga rin ako sa sahig.

Todo yakap siya sa akin.

I bet nag we-wet dream siya.

Ewwwwwwww..

Umalis ako mula sa pagkakayakap niya at saka tumayo.

*sigh*

No choice ako.

Kinuha ko ang mga paa niya at tsaka hinila siya.

Paki ko ba sa ulo niya kung mauntog ito.

Kasalanan niya. Hmp!

Nung naipasok ko na siya sa kwarto niya, pinahiga ko naman siya sa kama niya.

Ang bigat niya ha!

Mag kaka muscles ako sa kanya eh.

Yan! Di na ako guilty!

Yey!!

Makatulog na nga!










Grabe! Tulog pa rin siya hanggang ngayon?

Ala una na ah!

Mantika siya masyado ha!

“hoy! Terrence gising tanghali na.”

Inalog-alog ko siya, mukhang effective naman kasi minulat niya yung mga mata niya.

Umupo siya sa kama niya.

“ba’t ka nandito?”

“alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa akin kagabi?!” sabi ko while crossing my arms.

“hindi eh. Did I just took your virginity?  8)

“eeewwwww!! Ang bastos mo!!” hinampas-hampas ko siya ng unan.

“aray ano ba!  Ang sakit na nga ng ulo ko, pinapalala mo pa!”

“sinukahan mo lang naman ako. Iinom-inom ka tapos hindi mo naman pala kaya. Dapat hindi mo nalang ginawa yun. Sayang lang pera mo, isusuka mo lang pala. Ang hirap sayo masyado kang umaasa na marami kang pera. Ni hindi ka marunong magtipid. Tapos pagkatapos mo akong sukahan ni hindi ka man lang nag sorry. Ano ako? Basurahan? Lababo? Para sukahan mo? Hindi no! tao ako! Babae! Dapat nirerespeto! Ginagalang!! Hindi sinusukahan. Tapos ang bigat-bigat mo pa, ni hindi ka man lang nag thank you, sa pagpapahiga ko sayo sa kama mo! Mabuti nalang mabait ako kundi pinabayaan kita na sa sahig lang matulog. Eh ang bigat bigat mo naman! Ano bang kinakain mo? Bato? My ghad!! At tsaka—“

“oh tama na! sorry at thank you! Sige alis ka na! bagong gising ako tapos litanya pa inabot ko.” Sabi niya habang hinahawakan ang ulo niya.

“at tsaka!”

hindi ka pa tapos?”

“hindi! Kaya pakinggan mo ako….

Eto inumin mo” n
ilapag ko sa side table ang tubig tsaka gamot

“at tsaka, nilagyan ko na ng mild water yung bath tub. Maligo ka na rin. Aalis na ako! Hmp!”


Iniwan ko si Terrence dun.

Hmp! Bahala na nga siya sa buhay niya.

Ako na nga tong nagmamalasakit, hindi pa niya na appreciate.

Ba’t ba kasi ako nag-aalala sa taong yun.

Dapat inaalala ko ang mga problema ko.

Problem no.1 ano ang gagawin ko ngayon?

Options: study? Nood ng tv? Surf? Linis ng kwarto? Mag-iisip ng plano para wakasan ang buhay ni Deffy? :P

I better study, 2 weeks akong mawawala sa school for sure, ang dami kong mamimiss na lessons.





Studying…

Is boring.

Wala naman pumapasok sa kokote ko eh!! *sigh*

Naman!! Ayoko mag study ng ganito.

Ok, nood nalang ako ng t.v

Walang magadang channel >.<

Ok surf nalang.

Siyempre pumunta ako sa profile ko.

Andaming nag post sa wall ko, puro hi, hello, tapos yung iba nagtatanong kung ano ang tunay na nangyari sa amin ni Franco at Deffy.

Nag message din sa akin si Franco, kinakamusta niya ako.

Duh???

Tanungin kaya niya yan sa sarili niya.

Dahil na bored ako sa profile ko, nagkaroon ako ng bright idea.

*ting* (woooh!! Ang panget talaga ng sfx lalo na kapag hindi ka marunong >.<)

Pinuntahan ko ang profile ni Terrence.

Ang daming nagpo-post sa wall niya.

Puro flirt, at nakikipag flirt naman siya.

“uyyy!! Tinitingnan niya profile ko. Stalker ka noh?”

“ay  kabayo!!”

Napalundag ako nun sa gulat!!

Eh ang lapit-lapit niya sa akin nung sinabi niya yun eh.

Yung parang halos nakayakap na siya sa sobrang lapit niya sa akin.
Ba’t hindi ko siya naramdaman na pumasok?

Ano siya multo??

Tagos-tagos lang sa dingding ganun?

Pero mabuti pa nga ang multo eh, nagpaparamdam hindi gaya niya…

So,ano na siya ngayon? Kabute? Ganun?

Ang dami naman pwedeng i-compare sa lalakeng ‘to

“naman!! Magkaka heart attack ako….sayo….eh…”

Mas nagulat ako sa nakita ko.  :o

Kaya tumalikod kaagad ako.

Naka tuwalya lang ang hinayupak.

At basang-basa pa siya ha.

“hoy! Terrence! Ano ba ang sumagi sa isip mo, at dito ka pumasok sa kwarto ko ha? Wala kang damit dito!! Alis!!”

eto naman! Alam ko naman na wala… pero baka ninanakawan mo ako ng damit, para gawin pagpantasyahan mo”

“eeeeeeewwwwwwww!! Ang gross mo talaga!! Umalis ka nga!! Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao.”

“bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah. At tsaka ba’t nakatalikod ka? Nandito ako,hoy! Wala diyan”

“tsaka na ako haharap pag wala ka nang hinayupak ka!”

“uuuyyy~ naakit ka sa abs ko noh. Ok lang yan, sanay naman ako diyan eh”

Ok fine, siya na ang may abs…  :-[

Pero duh!! Ang hangin naman niya.

“ano ba kasing kailangan mo?”

“may shampoo ka? Ubos na yung akin eh”

naman! Pati shampoo sa akin mo hihingin. Ano ako convenience store? Grabe!! Nasa bathroom, kunin mo na dali!

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng c.r ko. Tapos nagsara ulit.

“thanks…”

Narinig ko ang mga footsteps niya na palayo.

“siya nga pala, salamat ulit kasi inaalala mo ako”

Tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko.

i gave out a very big sigh

parang hindi ako huminga.

Teka! Oo nga! Hindi nga ako humihinga kanina?!

Eeh?? Bakit?

Yan tuloy parang nalunod ako na wala namang tubig.

Hinawakan ko ang dibdib ko na mabilis ang pagpapalpitate kasi hinahabol ko pa ang hininga ko.

Parang tumigil ang mundo nun ah.

Pero at least naisipan niya na maligo para mawala ang pagka hang over niya.

Hindi na ako nakokonsensiya!

Yay!!

Pumasok ako sa c.r para mag-pee

Pagpasok ko, feel ko may kulang.

Pagkatapos kong mag-wiwi

Dun ko lang na realize na hindi lang pala shampoo ko ang kinuha niya.

Pati sabon tapos yung mga facial foam, scrub and wash ko.

Pati yung facial mask, at mudpack kinuha niya!!

Ano siya bakla??

Ginagamit niya ang mga ganung bagay?

At alam niyo yung ABUSADO??

Siya yun eh!!

Si Terrence Navarro yun.

Yung sabi sa akin SHAMPOO LANG DAW ang kukunin, yun pala halos hinarbat(kinuha) na lahat ng gamit sa c.r ko.

Feel ko lahat ng dugo sa katawan ko, umakyat sa ulo ko.

Nagmartsa ako papunta sa kwarto ni Terrence.

Yung kilay ko dugtong na dugtong, tapos yung tenga ko namumula.

“Hoy Terrence NAVARRO!!”

 :o :o :o :o
 :o :o :o :o :o
 :o :o :o :o :o :o
 :o :o :o :o :o



Sinara ko agad ang pintuan.

Naman!! Ang saklap naman ng buhay ko.

Makita mo ba naman si Terrence na naka boxers lang, gaganahan ka?

Diba hindi??

Yuck!!

Terrence? Boxers?? EWWWW!!




Omg!! Ang virginity ng mga mata ko! Wala na!! huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu….






Terrence took its virginity





---

pampa d.m lang ang peg ko  :P

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Read: "Here"

by: marla, 2013-05-20

I won't deny it: I spend way too much time online. Mostly I'm just stalking people on Facebook and Instagram, other times I'm doing something more useful like reading articles...


ADVERTISEMENT

TEENTALK