"♫♫ Why you smiling? Like in a minute, we'll be crying. Hide those sad eyes and find me the ones that say you're in love in love ♫♫" *crrrrrk*Feeling fresh and beautiful na naman ang lola niya. Joke lang.

Kakatapos ko lang mag-shower. Ayun. Kailangan ng magbihis at malelate na ako.
Dali-dali naman akong bumaba tapos bumulagta sa'kin ang pagmumukha ng bestfriend kong loka-loka.
"Ola! Quetal?!" (Hello!)
"Che! Tigilan mo nga yang pag-Spanish mo. Ola din kung ola! Tara na! Malelate na tayo." "Ora mismo! Lego! Yellow bottom chick! Yellow bottle sippin'. Yellow lamborgini. Yellow top missin'." Sinasabi niya yan habang hinahabol na namin yung jeep na sasakyan namin. Mabuti naman at naisipang tumigil ni Manong na akala ko forever niya na kaming papahabulin sa kanya hanggang sa makaabot kami sa school.
Hindi naman kami late na dumating sa school. Tumatakbo kami papuntang classroom nang biglang...
*BOOOOOOOGSH*"Aray!" Napaupo naman ako. Ang sakit sa pwet. Tiningnan ko naman kung sino yung nakabunggo ko.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Inabot niya sa'kin yung kamay niya.
Kinuha ko naman. Nakakahiya.

Hindi niya naman yun kasalanan eh.
"Hindi mo naman kasalanan. Salamat pala.
""Hoy Danica! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo hindi yung kung saan-saan ka tumitingin.""Sorry ha. Ang gulo kasi ng mata ko. Kung saan-saan tuloy tumitingin." Sabay irap sa kanya.
"Sus. At least 'yang puso mo sa isang lalaki lang..." Tinakpan ko naman yung bibig niya.
"Sorry, Derrick. Ang daldal talaga nito ni Ace. Mauna na pala kami."Hinatak ko naman na si Ace na sobrang ingay. Iniwan na namin siya dun.
"Ace! Pakiingatan 'yang bestfriend mo ha!""Pakiingatan 'yang bestfriend mo ha... Pakiingatan 'yang bestfriend mo ha... Pakiingatan 'yang bestfriend mo ha"Aaaaargh! Ba't niya ba kasi sinabi yun?! Tumatak tuloy sa utak ko.
Hoy best! Tulala ka na naman. Iniisip mo yung sinabi ni Der-" At tinakpan ko na naman yung bibig niya.
"Ang ingay mo ha. Baka gusto mong sabihin ko rin na mahal mo si Chr-" At tinakpan niya rin bibig ko.
"Sshh! Wag ka ngang maingay! Baka kung sino pa ang makarinig.""Ano ba. Alam naman kaya ng lahat na mahal niyo ang isa't isa. Eh kung nagkakaaminan na kaya kayo diyan. Hay nako.""Ano ka ba. Close friends lang kami nun.""Close friends. Che. Tigilan mo ako. Bahala kayong magmatigas.""Sino kaya sa'tin ang nagmamatigas? Ayaw aminin na inlove siya."Inirapan ko lang naman siya. Eh crush ko lang naman si Derrick eh,
siguro.
"Class! Representative daw sa Pageant. May magrereklamo pa ba na sina Danica at Aaron na ang representatives natin?""Wala! Sila na! Bagay naman sila eh." Ganyan lagi ang sinasabi nila. Kaya kaming dalawa ni Aaron ang top 1 love team dito sa classroom. Sana siya na lang. </3
"Okay. Class dismissed. Danica at Aaron, punta na kayo sa SC Office. Magkaka-meeting daw kayo about sa pageant."Eto kami ngayon sa SC Office. Meeting nga. Wala akong ganang makinig. Nalulungkot kasi akong ang sweet nung SC President na si Derrick at yung Vice President naman na si Sarah, na bestfriend niya. </3 Oo, bali-balita na sila na raw pero lagi naman nilang sinasabi na magbestfriends lang sila. Parang sina Ace lang at Chris. Naakainggit naman sila.
"Ui Danica.""Ha?""Magpapakilala ka na. Bilis. Ikaw na.""Ah... Ako po pala si Danica. Representive ng 4-A. Nice meeting you." At nagsmile naman ako sa lahat. Nakita kong nakatingin sa'kin si Derrick tapos bigla siyang umiwas ng tingin.
"Ang sweet naman ninyong magpartner. May bulung-bulungan pa. Yiieee~" Maraming gumanun tapos nilink kami na baka raw magkatuluyan kami niya. Hai. Mga walang magawa sa buhay.
Mga 7PM na nun. Ihahatid sana ako ni Aaron pero sabi ko kaya ko nang mag-isa. Magiging big time news na namin kami niyan pag nagkataon. Tsaka trip ko talaga ngayong magmuni-muni.
Pumunta muna ako sa CR at naghilamos. Tinapik-tapik ko naman ang pisngi ko.
"Ano ba Danica. Magbestfriend lang sila. Magbestfriend.
" Umakyat na ako ng stairs. 3rd floor pa kasi yung classroom namin. Medyo madilim pa naman na pero okay lang kasi may ilaw naman. Nung malapit na ako sa 3rd floor...
"♫♫ Whatcha saying?
Is there something I've been doing? ♫♫"Sino yung kumakanta? Infairness. Ang ganda ng boses niya. Dahan-dahan naman akong naglakad.
"♫♫ Now don't you say another word
cause I don't wanna hear what I just heard from you
heard from you ♫♫"Nagtago ako sa may pader. Sinilip ko kung sino yung kumakanta. Nabigla ako.
"♫♫ Tell me let's-""Derrick."Tumigil siya bigla. Lumingon siya kung nasaan ako. Bigla naman akong nagtago. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakahiya. Baka isipin niya stalker ako.
"Danica, lumabas ka na diyan. Nakita na kita. Hahahaha." Lagot. Alam niya palang ako.
"Uhm... Hi, Derrick.""Hello.
"All smiles pa siya sa'kin.
"Uhm... Kaya pala ako nandun kasi... uhm ano kasi...""Kasi dito yung classroom mo. Kukunin mo yung bag mo.""Ah... oo. Teka, pano mo nalaman?
" Malaki kaya 'tong school. Ang dami pang estudyante. Don't tell me...
"Stalker mo ako.
"

Nanlaki ang mga mata ko.
"Joke lang. Di ba ako ang SC President? Malamang alam ko kung saan ka." Sabi ko nga SC President siya. Sabi ko nga joke lang yun. Asa pa ako. </3
"Marunong ka palang maggitara." Change topic naman ako.
"Medyo? Hindi naman ako magaling eh.""Weh? Ang ganda pa nga ng boses mo eh.
""Hindi naman.
"Wait... Am I imagining things?
"NAGBBLUSH KA!!!
""Hindi no. Ikaw nga ang may magandang boses. Mainit kaya. Ewan ko sa'yo, Danica. Umuwi ka na nga. Gabi na o." May binulong siya pero hindi ko narinig.
Ang cute niya. Hahaha. Parang bata. Nahuli lang na nagbblush eh.
"Yes, Sir!"Pumasok na ako sa classroom tsaka nag-ayos ng gamit. Sinalpak ko na lahat sa bag ko. May assigments naman kami...
yata. Wala akong alam.

Lumabas na ako ng classroom at nandun pa rin siya.
"Hindi ka pa ba uuwi?""Uhm... May inaantay pa kasi ako." Ouch. May inaantay daw siya o. Sino? Si Sarah? Ang swerte naman niya.
"Hala. Napapatagal ka na yata rito. Hindi ka ba inaantay ni Aaron?""Huh? Aaron? Ba't niya naman ako aantayin?
""Di ba nanliligaw siya sa'yo?
""Ha? Hindi no. Friends lang kaya kami nun.""Talaga?
""Ha?""Wala. Eh di wala ka palang kasama. Tara. Hatid na kita." Panaginip ba 'to? Waaaaa~ Sana hindi na ako magising.
"Kala ko may inaantay ka.""Kunin ko lang yung bag ko. Antayin mo ako sa lobby. Sabay na tayo.
"Nakababa naman agad ako sa lobby. Ang labo naman ng taong yun. Akala ko ba may hinihintay siya?
Bigla ko na lang siyang nakitang tumatakbo papunta sa'kin.
"Sorry. *hingal* Matagal ka bang naghintay?""Hindi po. Okay lang ako. Teka... yung hinihintay mo?""Hayaan mo na yun. Dumating na.
"*dugdugdugdugdugdugdug*Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anak naman ng~! Ha? Nagbubuffer ang lahat ng nangyayaring 'to sa utak ko.
"Di ba malapit lang bahay mo rito?""Yup. 10 minutes kung sasakay, 30 minutes naman kung lalakarin.""Lakarin na lang natin.""Ha? Bakit?""Uhm... nagtitipid kasi ako eh.
Kung okay lang sana sa'yo.""Sure! No prob. Tara na.
" Ang saya naman. Talagang maglalakad kami para ihatid niya ako sa bahay...
na kami lang dalawa. Kinikilig ako.
"Ba't ka nakangiti?"Hala. Nakangiti pala ako. Anong idadahilan ko? Isip isip isip.
"Wala. Naalala ko kasi nung first year nung nagslide ka sa basketball court. Pasalamat ka ako lang nakakita nun. Hahahahaha.
" Yan yung unang pumasok sa utak ko. Nakakatawa talaga kasi yun. Nagbabasketball siya nun na basa yung court. Yan tuloy.
"Ah... ganun. Eh sino kaya yung naging pula yung palda diyan.
""Salamat, Derrick! Tanda ko pa na ikaw yung bumili ng napkin-" Tinakpan niya ang bibig ko.
"Sshh. Baka marinig ng mga tao.
""Laking pasalamat ko nun. Ikaw lang kasi kaibigan ko. Mabuti na lang nandiyan ka lagi sa tabi ko noon."Oo nga. Parang magbestfriends tayo nung first year tapos ngayon may kanya-kanya na tayong bestfriends." And it hurst me. </3
"Tanda mo pa yung nadapa ka sa grounds?""Wag mo ng ipaalala yun. Alam ko napahiya ako nun. Ang dami kayang nakakita.""Hahahaha. Okay lang. Maganda ka pa rin naman.
" Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?
""Wala. Nakakamiss ka rin pala." Hala. Kung anu-ano ng nasasabi ko.
"Bakit ba tayo hindi na naging magbestfriends nun?""Hmmm... Siguro dahil hindi na tayo classmates nung 2nd year hanggang ngayon. Pero yeah... nakakamiss nga.""Sayang. Bestfriends sana tayo.""Ayoko nga." Napatingin ulit ako sa kanya. Sa malayo naman siya nakatingin. Ouch. Ayaw niya pala ako maging bestfriend. Tagos yun sa puso ah. :')
"Ang sama neto. Masama ba akong kaibigan?" Tiningnan niya naman ako. Nagka-eye-to-eye contact naman kami. Tumigil kami sa paglalakad. Mga isang minuto rin yun. Ang seryoso ng mukha niya. Napaiwas agad ako ng tingin. Awkward. Anong nangyayari sa'min?
"Uhm... Tara. Lakad na tayo. Malapit na bahay namin. Uuwi ka pa."Tumango na lang siya. Naglakad ulit kami. Nakakabinging katahimikan.
"Gusto mo ba talaga akong maging bestfriend?" Oo, para tayo sana ang nalilink ngayon. Para lagi tayong magkasama. Para mas lalo pa kitang makilala.
"Uhm... bestfriend ko si Ace pero oo, gusto rin kitang maging bestfriend no. Para dumami bestfriends ko.
""Ah... okay."Ewan ko ba kung bakit pero parang ang lungkot ng pagkakasabi niya nun kahit nakangiti niya.
Bakit ba ayaw niya akong maging bestfriend?
"Andito na tayo.""Walang pinagbago bahay niyo.""Oo nga eh. Gusto talaga namin ganito na. Pano ba yan? Bbye na.""Bbye?
""Bbye as in ngayong araw lang naman. Eto naman o. Magkikita naman tayo bukas o kung hindi man sa isang araw o kaya sa sunod.""Oo na. Oo na. Alam ko naman. Hindi mo naman kailangang mag-explain. Haha. Pinapatawa lang naman kita o.
""Pagpapatawa ba yun?
O siya. Goodbye, Derrick! Ingat ka!
" Todo kaway naman ako sa kanya.
"Bye, bestfriend!" Kumaway din siya at tumalikod na.
Seeing him walking away... may pumatak na isang luha galing sa mata ko.

Days had passed. Yup. Super bilis ng panahon. Bestfriend na ang tawag sa'kin ni Derrick pero parang lumayo naman siya sa'kin. Parang oo nga, magbestfriends kami, pero parang hindi rin eh. Parang tawagan lang namin talaga yun. Nakwento ko pala kay Ace yung nangyari. Aba't inirapan lang ako. Nainggit yata. Hahahahaha. Pero ako naman na ngayon ang naiinggit sa kanya. Nililigawan na kasi siya ni Chris ngayon eh. Umamin na kasi, si bestfriend na bruha na lang ang ayaw pang umamin.
Nag-uusap naman kami ni Derrick. And happy to say, araw-araw ko na siyang nakikita dahil sa Pageant na 'to. Kaso nga lang, laging brokenhearted ang drama ko kasi nandiyan naman yung OFFICIAL bestfriend niyang si Sarah. Minsan talaga naiisip ko na ako na lang si Sarah.
Nga pala, naging close friend ko na rin si Aaron. Instant ba? Haha. Lagi kasi kaming magkasama kaya ayun. Pero hanggang friends lang naman talaga kami. Alam niya naman kasi na si Derrick ang
crush mahal ko. Yup, inaamin ko na sa sarili ko. Nung araw na hinatid niya ako, yun yung araw na na-realize kong mahal ko siya. Wala naman kasing saysay kung itatago ko pa 'di ba?
Pre-pageant na pala ngayon. Talent showcase na rin. Anong gagawin namin ni Aaron? Kakanta kami. Duet. Anything But Goodbye by Sway Penala ang kakantahin namin. Ako na mismo ang nagrequest. Favorite song ko yun eh. Kahit hindi yung pangduet na kanta, pinilit ko talaga. Actually hindi naman kumontra si Aaron. Kahit ano naman daw kasi kaya niya. Ang kapal lang ng mukha 'di ba?

3 pairs to go kami na ang magpeperform. Nakakatakot naman 'to. First time maririnig ng mga estudyante rito na kakanta ako except siyempre sa bestfriend kong bruha.
"And candidate#7, Danica and Aaron.""WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!"May mga sumigaw. Mas lalo naman akong kinabahan. May tumapik naman sa balikat ko.
"Wag kang kabahan. Kaya natin 'to.
""Oo ba!
" At nag-apir kami. Sabi ko sainyo close na kami niyan eh.
Simpleng naka-dress lang ako tapos siya naman naka-polo. Mag-aact lang kami nung song. Ganun lang kasimple. May mga propts din kami sa stage.
Nagsimula na yung tugtog. Siya yung mauunang kumanta siyempre. Tapos ako sunod and then chorus na...
" ♫♫Tell me let's run away and get married in VegasSay you need a break, you'll be back Tuesday nightTell me I've lost it all, my house, car, my moneyTell me anythingAnything But Goodbye ♫♫".
Acting habang kumakanta tapos nung malapit na kaming matapos... lumuhod na si Aaron. Eto yung pinakamatinding part eh.
May nilabas siyang maliit na box tapos...
"♫♫ Let's run awaaaaay ♫♫" ...then inabot niya sa'kin yung singsing.
Tapos na. Then...
"KYAAAAAAAAAAAAA~!!!!"
"WOOOOOOOOOOOOOOOOO!!"Ang daming tumili. May mga sumigaw din. Nakakaloka namang mga taong 'to. Masyado lang nadala? Hahahaha. Pero at least dahil sa mga tili at sigaw nila, alam kong hindi kami palpak sa performance na yun.
Nag-apir naman kami ni Aaron. Parehas kaming nakangiti.
"Sabi na nga. Magaling tayo.
" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"BESTFRIEEEEEND!!! NAKAKALOKA KAYONG DALAWA!!! ANG GANDA NG CHEMISTRY NIYO!!! ANG CUTE MO PA!!! ANG GANDA NG PERFORMANCE NIYO!!! NAKAKAINLOVE!!! KYAAAAAA~!!!""Hoy Ace! I-tone down mo naman yang boses mo. Ang lapit natin o. Mga isang dangkal lang layo natin. Pero anyways, salamat.
"Niyakap naman ako ni bestfriend. Nako, Ace. Loka ka talagang bruha ka.
Natapos naman yung Talent Show na maganda ang kinalabasan. Almost 11PM na nun pero nakakatuwang tingnan yung mga taong nanood na nakangiti. Magandang isipin na napasaya mo sila kahit hindi naman yata ako ang nagpasaya sa kanila.
Nag-aayos na ako ng gamit ko. Ngayon si Aaron na ang kasabay ko. Nakakainis kasi yung Chris na yun, inaagaw sa'kin si Ace.

Joke lang. Masaya naman si bestfriend eh. Okay lang. Haha. Madrama lang talaga ako.
Nagbihis na ako ng damit tapos naghilamos na rin. Paglabas ko ng CR, nandun na si Aaron, dala-dala yung gamit ko.
"O Aaron. Bakit dala-dala mo yan?""Magsasara na kasi yung backstage kaya dinala ko na. Tara na. Uwi na tayo.""Salamat."Kinuha ko naman yung bag ko sa kanya tapos nilagay yung damit ko. Pababa na kami ng stairs nang biglang.
"Wait, Aaron. Yung wallet ko.""Wala ba sa bag mo?"Hinalungkat ko naman ang bag ko. Nilabas ko na lahat ng gamit ko.
"Wala eh. Teka... baka nandun sa backstage. Hanapin ko lang.""Wag na. Libre na lang kita.""Ayoko nga. Balikan ko na lang. Sigurado naman akong nandun yun unless may kumuha na nun." Lagot. May picture ako ni Derrick dun.
"Wag na. Bukas mo na lang hanapin. Tara na.""Aaron, sorry talaga pero kailangan ko yung balikan. Mauna ka na kung gusto mo." Hindi ko na siya inantay na magsalita pa. Tumakbo na ako pabalik ng backstage at ang naabutan ko dun...
...
si Derrick...
...kayakap niya si Sarah.Nabigla ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Natulala ako sa kanilang dalawa.
Bigla na lang tumingin sa'kin si Sarah. Nanlaki ang mata niya.
Nagsmile naman ako sa kanya at nagmouth ng
"Bbye." sabay wave ng kamay.
Yumuko agad ako at tumakbo paalis.
Pagdating ko dun, wala na si Aaron, wala na yung bag ko at mga gamit.
Tumakbo lang ako pababa ng stairs. Takbo ako nang takbo hanggang sa makaabot ako ng gate. Nandun si Aaron, dala-dala yung bag ko.
"Aaron...""Sabi ko naman kasi sa'yong ililibre na lang kita eh."Bigla ko siyang niyakap.
"Salamat, Aaron. Tsaka sorry.
"