Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Poll

What do you think Kido's incomplete mission?

makapagsabi ng thank you sa magulang nya
to find her one true love
both

Author Topic: The Unexpected Fall [Chapter FOUR] *finally*  (Read 1531 times)

prishaa.v

  • jellybean
  • **
  • Posts: 283
  • Karma: +64/-4
  • So if you're crazy, I don't care, you amaze me. ♡
    • TUMBLR
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #45 on: October 25, 2012, 09:27:16 am »
Aww o sige alalahanin mo. :D Joke XD Nag-post ka rin sa wattpad ko eh. :) Naalala kita 'dun.

Nice start! Thumbs! :) Ang cool ni Josh waaaah, nakakakita siya ng multo and everything. Pakiramdam ko papable siya. Hahaha =)))
Update na  ;)

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #46 on: October 25, 2012, 10:48:35 am »
Aww o sige alalahanin mo. :D Joke XD Nag-post ka rin sa wattpad ko eh. :) Naalala kita 'dun.

Nice start! Thumbs! :) Ang cool ni Josh waaaah, nakakakita siya ng multo and everything. Pakiramdam ko papable siya. Hahaha =)))
Update na  ;)

yung trade mark mo dati is yung reply mo is always starting with red yung first letter then yung iba ay blue na o vice versa?

Nakakainis, nagtatype na ako ng UD eh kaso biglang nag brownout dito samin ayun error. Halata naman eh, yung title eh chapter two na ang nakalagay. wait lang ha, type ko lang ulit. buti na lang meron akong draft sa notebook ko.
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

prishaa.v

  • jellybean
  • **
  • Posts: 283
  • Karma: +64/-4
  • So if you're crazy, I don't care, you amaze me. ♡
    • TUMBLR
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #47 on: October 25, 2012, 01:00:57 pm »
Hehe yep. :) Ako 'yun.

Aw. :( Wrong timing naman brown out eh. Sige sige. Hihintayin ko. Aja!  ;D

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #48 on: October 25, 2012, 07:10:50 pm »
Hehe yep. :) Ako 'yun.

Aw. :( Wrong timing naman brown out eh. Sige sige. Hihintayin ko. Aja!  ;D

Hula ko lang ha, Vicky name mo? Sorry kung mali...
And ngangayon lang nakakuryente samin so ngayon ko lang mapopost. Sorry sa delay... :-[
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #49 on: October 25, 2012, 07:12:47 pm »
Quote
At dahil walang pasok ngayon at sinipag akong mag-update. Here's the second chapter ng "The Unexpected Fall" ;D ;D Sana magustuhan nyo!! :)
~alecks

Chapter TWO...

*yawn!*

"Good morning Josh!!"

"Ahhh!!!" *blag*

*****

Aray! Ang sakit ng noo ko. Gising na gising ako dun ah. Bumaba na ako ng hagdan habang hinihilot ang noo ko na tumama sa sahig.

"Oh Josh, good morning. Anong malakas na ingay kanina?" tanong ng tita ko nung nakita nya ako. Di ko ata nasabi sa inyo na sa tita namim kami nakatira habang wala ang mga magulang namin. Walang asawa si tita at hanggang ngayon wala pa yatang balak mag-asawa kaya ok lang kung dito muna kami tumira ng kapatid ko. Willing din naman si tita eh.

"Nah- wala lang po yun, nahulog lang po sa kama. Just a nightmare." sabi ko habang nagtitimpla ng milo.

"Ayan kasi, magdasal muna bago ka matulog." pabirong sabi ni tita. Ngumiti na lang ako.

Simula kahapon sunod sunod na ang kamalasan ko sa buhay. Hindi ko na babanggitin isa isa baka matapos na itong chapter na to eh yun lang ang laman. And I'm afraid to say baka abutin pa ng 3rd chapter. So para makadali tayo, di ko na lang ikukwento sa inyo at baka maawa pa kayo.

"Sige kumain ka na dyan, gigisingin ko lang ang kapatid mo." At umalis na si tita para gisingin ang tulog mantika kong kapatid.

Kumuha na lang ako ng sinangag na may itlog at bacon.

"Don't you dare to talk or come near to me." Sabi ko sa kanya nung numakto syang lalapit sakin.

"Sorry na nga kasi. Gusto ko lang naman g batiin ka ng good morning . Masaba ba yun?"

"Oo, masama. Kaya wag kang lumapit sakin. Imbis na maging good ang umaga ko naging worst morning sya."

"Grabe ka naman!"

Pano ba naman hindi magiging worst morning kung paggising mo ang babati agad sayo ng "good morning" ay isang multo, sinong hindi kikilabutan dun.

"Just...Don't talk to me."

"Josh, sinong kausap mo?" nakababa na pala si tita at buhat buaht nya si Joey.

"Wala po tita, nagpra-practice lang po ng presentation po namin para sa Monday."

"Ahh, ganun ba." naglakad na si tita papalapit.

"Psst! Joey, bumababa ka nga dyan. Ang laki laki mo na, tingnan mo nga mas mahaba ka pa kay tita." sita ko dun sa kapatid ko na ang sarap sarap ng lagay sa pagkakabuhat sa kanya ni tita.

"Yaan mo na, minsan lang naman manglambing si bunsoy."

"Bleh!!" aba't dilaan ba naman ako, hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Si Kido naman, ayun walang imik. Mabuti naman, at least tumahimik ang buhay ko.

"Nga pala, pupunta tayong mall mamaya, maggro-grocery ako at kukuha din tayo ng mga pinadala ng magulang nyo."

"Yey! Pupunta tayong mall, tita punta tayo dun sa may playing area ha." spoiled brat.

"Sige ba!"

Kumain lang kami dun, after naming kumain ako na ang nagprisenta na maghugas ng plato, nakakahiya naman kasi kay tita sya na yung nagluto sya pa yung maghuhugas.

Pagkatapos kong maghugas, tumaas na ako para maligo. Mabilis lang akong naligo, malamig kasi. Pagkalabas ko ng banyo , gulat ko na lang ng biglang umitrit ang multo.

"O-oi! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Magbihis ka nga!!" kung maka-react naman tong multong to. As if wala akong saplot. Hello!! Shirt lang po ang wala ako. OA masyado.

"Arte mo naman!! Kung alam ko lang, sumilip ka dun sa loob ng banyo nang hindi ko alam." pang-aasar ko sa kanya. Nagblsuh sya bigla. Come to think of it, nagbla-blush pa rin pala kahit multo na.

"Kapal mo naman!! Anong makikita ko sa loob, buto't balat? Magbihis ka na nga!!" ang ingay naman  nga multong to. Bakit ko pa kasi to pinulot, este - ay ewan!

"Hoy! At least ako may buto at balat, kaysa sayo kaluluwa lang meron ka!!"

"Aba nga naman!! Magbihis ka na nga lang!!"

"Oo na magbibihis na." Nagsuot na ako ng shirt at pununasan ang buhok ko. "Ayan bihis na, may reklamo pa?" inirapan nya lang ako. Bwisit na multo toh.

Napatingin ako dun sa may pintuan. Ayun ang kapatid ko, dahan dahang isinara ang pintuan at tumakbo pababa ng hagdan.

"TITA!! KUYA'S TALKING ALONE!!!" naman yung batang yun.

Tumingin ako kay Kido, dinilaan lang ako. Aba nga naman!!

Ilang sandali lang naririnig ko na yung mga footsteps nina tita at Joey.

"Josh..." sabi ni tita pagkabukas nya ng pintuan.

"Sige Seth, thanks for inviting me.... Sure thing bro...Syempre naman, ikaw pa! Yeah! See you around." then nagkunwari akong inend call at nipapag ang phone ko sa study table ko. "Oh tita, aalis na po tayo?"

"Ahhh-" napatingin si tita kay Joey na mukhang nagtataka at napakamot na lang ng ulo. Napailing na lang si tita. "Oo, aalis na tayo maya maya. Baba ka na."

"Sige po, una na po kayo may hinahanap lang po ako. Sunod na lang po ako sa baba."

"Sige, take your time." at lumabas na sila ng kwarto ko.

"Maybe, false alarm. ;D :D ;D" rinig kong paliwanag ni Joey kay tita. Kahit kailan talaga ang lakas ng boses ng batang yun. Hindi kaya nakalunok yun ng megaphone? Matanong nga si mama paguwi nila ni papa.

Humarap ako kay Kido.

"Buti nga sayo! Perv ka kasi!!" at lumabas na din sya ng kwarto ko.

Ano daw?  ???


End ng second chapter? Ayos lang ba?
Feel free to leave some comments!! Hindi kayo mumultuhin ni Kido :)
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

prishaa.v

  • jellybean
  • **
  • Posts: 283
  • Karma: +64/-4
  • So if you're crazy, I don't care, you amaze me. ♡
    • TUMBLR
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #50 on: October 26, 2012, 03:25:27 pm »
Ayos lang. Hihi  ;) Yep ako nga. Pero ibang account ko 'yun. >< =)))))))


Haha! Ang kulit  ni Kido <3 Teka, inaabangan niya ba sa labas ng banyo si Josh? Nyahaha! Alam na. Buti na lang din pala nalusutan ni Josh 'yung kapatid niya. Or else. :P

Updaaaate! :D

Cassiell

  • jellybean
  • **
  • Posts: 182
  • Karma: +17/-0
  • "It is a sin to be good, when you could be better"
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #51 on: October 27, 2012, 01:31:59 pm »
Waaa! Nice naman ng update. Nakakatuwa si Kido. Pati si bunsoy ang kulit lang. Galing magpalusot ni Josh. HAHA! UD na. ;D

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #52 on: October 27, 2012, 02:49:52 pm »
Ayos lang. Hihi  ;) Yep ako nga. Pero ibang account ko 'yun. >< =)))))))


Haha! Ang kulit  ni Kido <3 Teka, inaabangan niya ba sa labas ng banyo si Josh? Nyahaha! Alam na. Buti na lang din pala nalusutan ni Josh 'yung kapatid niya. Or else. :P

Updaaaate! :D
okey natatandaan na talaga kita. hehehe. matagal tagal din akong nawala dito sa candy, kung hindi ako pinilit nung kaklase ko hindi ko mapopost dito ang 1st chapter.

anyways thanks sa pagsuporta sa aking istorya, thanks din kasi you appreciate my updates, yaan mo sis i'll try my best para hindi madrop ang storying ito. about sa next chapter, ayusin ko lang muna yung mga ideas ha pero i'll try my best na mapost kaagad. :)
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter TWO!!]
« Reply #53 on: October 27, 2012, 02:51:08 pm »
Waaa! Nice naman ng update. Nakakatuwa si Kido. Pati si bunsoy ang kulit lang. Galing magpalusot ni Josh. HAHA! UD na. ;D
super duper thanks at nagugustuhan mo sis ang aking mga characters. halos lahat yata ng characters dito makulet eh... gustuhin ko mang mag update hindi ko kaya ngayon maraming ideas ang dumadating sa utak ko pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. ayusin ko lang muna then UD na ako agad. :))
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter THREE!!]
« Reply #54 on: November 06, 2012, 06:46:23 pm »
Quote
Sorry kung ngayon lang nakapag-UD, ngangayon ko lang naayos ang aking mga ideas eh. So here's the third chapter... Sana magustuhan nyo!! Iwan na din kayo ng comments  ;D ;D ;D

~Alecks


Chapter THREE...

"Josh?" napalingon ako dun sa tumawag sakin. "Ui, ikaw nga!!"

"Seth!" nagbrotherhood handshake kami.

"Kuya Seth!!" yumakap si Joey kay Seth.

"Hi Joey!"

"Tita, si Seth po. Tanda nyo pa?"

"Of course, hinding hindi ko makakalimutan ang batang ito. Sya din ba yung kausap mo sa phone kanina?" Shoot! Si tita naman.

"Po?" inakbayan ko na lang si Seth

"Just shut your mouth for a while" bulong ko dito. "Tita ibang tao po yun." ngumiti ako. Tumingin ako kay Kido, dinilaan nya lang ako. TSK!

"Ganun ba?"

"Uhm- tita pwede ko po bang isama si Josh sa bahay? Bonding lang po kami." ano naman kayang pumasok sa utak ng lalaking to?

"Nga tita, matagal tagal na din po kaming nakapaglaro."

"Tita, I wanna come with them." nag pacute pa si Joey kay tita. Naman tong batang to.

"No Joey dito ka lang, iiwan mo si tita? Saka yaan mo muna ang kuya mo at ang best friend nya na magsama. Ha" nagpout na lang si Joey.

Umupo si Seth para magka-eye level na sila ni Joey. "Sa susunod na lang ha, promise!"

"Promise mo yan ha, walang bawian" parang naparinig ko na yun ah, Ahh, line nga pala yun ni Kido nung pumayag akong tutulungan ko sya.

Tumango lang si Seth at nag babye na kami kina tita. Lumabas na kami ng mall at sumakay ng jeep papunta sa bahay nila Seth.

Sino si Seth? Tulad nga ng sinabi ni tita, si Seth, Seth Kysler Del Rio, ay aking best friend, childhood best friend. Pero hindi masyadong maganda ang una naming pag-uusap. Sya may blackeye tapos ako naman putok ang labi.

Inaasar nya ako nun, grade one kami, lagi nya akong tinatawag na freak kasi daw nakakakita daw ako ng multo at kinakausap ko pa daw ito. Napikon ako kaya sinuntok ko sya, sapul naman sa mata. Hindi naman sya nagpatalo at gumanti din sya. Balak ko pa sanang pantayin ang panda eye nya kaso merong umawat samin. Si Tin, pinsan ni Seth, taga-kabilang section.

Dinala kami sa principal's office at pinatawag ang mga magulang namin. Dahil wala ang mga magulang ko ang nag-aalaga ang pinatawag nila at yun ay si tita. Kaya naman hindi nya makakalimutan si Seth, si Seth na kaaway ko na naging best friend ko ngayon.

"As far as I know ako lang ang Seth na kakilala mo." sumbat nya sakin nung pagpasok namin sa bahay nila.

Wala ang mga magulang ni Seth, nasa ibang bansa tulad ng mga magulang ko pero hindi sila OFW dun, sila mismo ang may ari ng kumpanya. Mayaman sila Seth, hindi nga lang halata kasi kung kumilos kala mo laking kalye.

"Nahuli kasi ako ng kapatid ko na nagsasalita nang mag-ias kahit hindi naman."

"Ahhh. So idinawit mo ang maganda kong pangalan?"

"Ano ka ba, lusot na nga eh. Para namang big deal yun."

"Easy lang! High blood ka na agad eh. Tara na nga lang sa taas." at umakyat na sya.

"*sigh* Kasalanan mo tong lahat eh, kung hindi mo lang sana ako pinadaan dun" sabi ko sa sarili ko.

Napatingin ako kay Kido, ayung hanggang ngayon wala pa ring imik simula nung pumunta kami dito. Nandun lang sya nakatayo sa may tapat ng table kung saan punung puno ng pictures ni Seth, simula bata hanggang nagbinata.

Napansin ko din nung papunta kami lagi syang nakatingin kay Seth as if gusto nitong tunawin si Seth. Lumapit ako sa kanya.

"Inlove ka na sa best friend ko, noh?" sabi ko sa kanya. I expect na magde-deny sya at magiging defensive pero nabigo ako. Hindi nagbago ang expression ng mukha nya. Dahan dahan syang tumingin sakin.

"Hindi naman sa ganon. Familiar lang talaga ang mukha nya sakin." at bigla syang nawala.

San naman yun nagpunta? Pero hindi yun yung taong eh... Sino sya kay Seth?


End of Chapter Three!
« Last Edit: November 06, 2012, 06:49:16 pm by klem »
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

violetgrapes

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 645
  • Karma: +21/-2
  • TeenTalker
Re: The Unexpected Fall [chapter THREE!!]
« Reply #55 on: November 13, 2012, 02:13:50 pm »
weee.. haha.. love ko ang character ni josh.. haha.. hmm.. sino kaya si kido kay seth?? interesting! haha..

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [chapter THREE!!]
« Reply #56 on: November 16, 2012, 09:18:42 pm »
weee.. haha.. love ko ang character ni josh.. haha.. hmm.. sino kaya si kido kay seth?? interesting! haha..

sorry! ngayon lang ulit ako nakabisita... wala pa akong maisip na pang UD eh, pero meron akong naisip na short story, singit ko na lang dito kesa mag-gawa pa ako ng bagong topic. thank you din at nagustuhan mo si Josh. Soon malalaman mo din kung sino si kido kay seth and what is the relationship between them. THANK YOU ulet!!
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

Cassiell

  • jellybean
  • **
  • Posts: 182
  • Karma: +17/-0
  • "It is a sin to be good, when you could be better"
Re: The Unexpected Fall [chapter THREE!!]
« Reply #57 on: November 17, 2012, 09:50:23 am »
Hala ka. Anong meron kay Seth at Kido. Nacurious naman ako. UD na! Super bitin nung last chapter. :D

xanderXD

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 2
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: The Unexpected Fall [side story!! *part one*]
« Reply #58 on: December 18, 2012, 07:58:09 pm »
NO updates yet? :-[ :-[ :-[ awww! I miss Kido and Joey.
SIS!! Update ka na!!! :D

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +6/-3
  • mahalin kita dyan ng totoo eh!!
Re: The Unexpected Fall [side story!! *part one*]
« Reply #59 on: December 18, 2012, 08:06:36 pm »
NO updates yet? :-[ :-[ :-[ awww! I miss Kido and Joey.
SIS!! Update ka na!!! :D

Hi SIS?! or BRO? hahaha. Miss mo na sila? ako din eh miss ko na sila. Sorry hindi ako makapag-update medyo busy ngayon. Next time, malapit na din naman kaming magbakasyon. Last day na ng test namin bukas so may possibility na makapag-update. Basta wait ka lang dyan. Sit back and relax muna ang peg. :) Thank you nga pala. Anong pangalan mo?
The Unexpected Fall
nothing can stop one true love even death

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Read: "Here"

by: marla, 2013-05-20

I won't deny it: I spend way too much time online. Mostly I'm just stalking people on Facebook and Instagram, other times I'm doing something more useful like reading articles...


ADVERTISEMENT

TEENTALK