Stage 61.
I'd give her my loyalty
Umiyak ako sa loob ng taxi. Lalo na nung nakita kong di niya ako sinundan. Hinintay niya lang na mawala sa paningin niya ang taxi.
Gosh I'm stupid! Sabi na nga ba diba? Yun yung matagal ko ng iniisip eh. Paanong sa apat na taon nagawa niyang itago sa akin ang IMPORTANTENG bagay na yun? Importante, dahil buong buhay ko nabubuhay ako sa kaba na baka maghiganti siya sakin dahil kay Muse.
Nagkulong ako sa kwarto. I tried to hold back my tears cuz I don't want my parents to notice. Baka tanungin pa nila ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at wala akong maisagot.
Naka-off ang phone ko at nakahiga lang ako sa kama. Di ko alam anong oras na. Di rin ako bababa para kumain. Maghihintay lang akong mag-umaga. Buti at Sabado na bukas. Pagkatapos nito, magsisimula na akong mag-aral para sa finals. Straight As this sem! Kaya ko 'to! Next sem, 4th year college na ako. Pagkatapos kong gumraduate, maglu-lawschool ako tulad ni Mommy at Daddy. Malay ko may mas mamahalin pa ako dun kay Bench diba?
"Denise? Denise?" Sabay katok ni manang.
Pinunasan ko ang konting luha sa pisngi ko.
"Manang, tapos na po akong kumain. Inaantok ako. Matutulog na." Sabi ko at pinikit ang mga mata.
"Huh? Sabi ng mama mo bumaba ka na raw! Diba may usapan kayo ni Sir Bench?"
Dumilat ako. What BENCH?
Kinatok ulit ako ni manang.
"Wala naman manang ah. Wala akong naaalala?" Sabi ko pero ayan na at nag-uunahan na naman ang bawat pintig ng puso ko.
Kinakabahan ako. Oo nga pala! Sabi ni Bench, kukunin niya ako from school para makipag-usap kay Mommy at Daddy.
"Aysus! 'tong batang 'to! Tawagin ko ang mama mo ngayon-"
"Manang! Wa'g na po!" Sabay talon at punta ko sa saradong bintana. "Lalabas na ako. Wait lang."
"O sige, hinihintay ka na sa hapag. Bilisan mo na." Umalis si Manang.
Dumungaw ako at nakita ang Benz ni Bench. Oh God! It's freakin real!?
Pumunta ako ng banyo para mag ayos. I need to look pretty! Sinuklay ko ang kulot na dulo ng buhok ko. Inayos ko din ang 'perfect' kong kilay. Perfect talaga ang tawag ko kasi ito yung gusto kong parte sa mukha ko. Tulad kasi nung kay Audrey Hepburn. Linagyan ko ng lipbalm ang lips ko. Yun lang. Wa'g na ang lipgloss, baka akala ni Bench nag effort ako sa pagdating niya. Tapos umalis na.
Pagkahawak ko ng doorknob para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba.
"O, ba't natagalan ka, Denise?" Pambungad na sabi ni Dad pagkarating ko sa table.
Nandun na si Bench! Sitting BESIDE my chair. Gosh gosh gosh! Di ko siya tinignan. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Daddy ang totoo?
"Nakatulog po kasi ako." Sabi ko at umupo sa upuan para kumain.
Halos di ako makakain dahil nandiyan siya, nakatitig sakin. Ba't mo ba ako tinititigan, Bench? Kainis! Ba't ka nandito? Si Muse na lang kaya ang lokohin mo! Kainis! Gusto kong baliin 'tong kutsarang hinahawakan ko sa inis eh.
"You okay?" Nagsalita!
"Dad... saan ba magandang mag Law?" Sabi ko binalewala ang tanong ni Bench.
Si Mommy lang ang nakapansin. Hindi namalayan ni dad.
"Hmm let's see. UP or Ateneo, I guess?" Tanong niya.
"I want to be a lawyer."
"Do you, now?" Ngumisi si daddy. "Kala ko ba magpapakasal muna kayo ni Bench?"
Halos mailuwa ko yung tubig. Umiinom kasi ako habang sinasabi yun ni dad.
"Hindi ba, Bench?" Sabi ni dad at tumingin kay Bench. "Kahapon sa ball niyo, sinagot mo na siya, Denise? Is it true?"
"Actually, dad-" Bago ko masabi yung totoo...
"Opo. Finally, sinagot niya na ako tito." Tapos hinawakan niya ang kamay ko.
GRRRRR! Sinulyapan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Parang gusto kong kalasin yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ayoko namang makita ni Daddy at mommy na nag-aaway kami. Pero totoong ayoko na. Dahil sa bilis ng pintig ng puso ko nakakalimutan ko na kung dahil ba 'to sa galit ko o dahil kinikilig ako at mahal ko parin siya.
Di pala madaling magkunwaring di mo siya mahal. Mahirap palang kalimutan yung feelings mo agad.
Tumawa si dad.
"Hindi ko talaga akalain na magiging kayo." Sabay tingin saming dalawa ni Bench. "Diba noon, away kayo ng away? Para kayong aso at pusa. Bench... are you really for real? Mahal moi ba talaga si Denise?"
Napalunok naman ako sa tanong ni Daddy! OMG! Nakakahiya.
Si mommy naman, tinitignan si Bench... tapos ako... parang nawe-weirduhan.
"Opo. Mahal ko si Denise. In fact, I'm here to ask you if we can get married soon."
Si daddy naman ngayon ang nabilaukan.
"Ehe-ehem." Hinaplos ni mommy ang likod ni dad.
"Okay ka lang, dad?"
"O-Okay... You know, Bench. Kilala kita simula pa nung mga bata kayo ni Denise. At alam ko kung ano ang pinaggagawa mo nung teenager kayo. Pero alam kong ngayong hinihingi mo siya sakin ay seryoso ka na."
"-Opo-"
"I just hope that this time its for real, Bench. Kung may lalaking mang gusto ko para sa anak ko, ikaw na yun. Kaya wa'g mo siyang saktan. Don't break my trust."
Jusko! Kakahiya si Dad! Ang daming pinagsasabi!
*Kring-Kring!*
May tumunog na cellphone kaya naputol yung mga sinabi ni dad.
"I think that's mine." Sabi ni mommy.
Hindi umaalis ng table si mommy kung di urgent pero ngayon ay umalis siya at sinagot.
"Opo, seryoso po ako. Don't worry tito." Hinawakan ni Bench ng mas mahigpit ang kamay ko. "I wouldn't go this far if I weren't. I'd give her everything she wants. I'd give her my loyalty and my heart... forever."
Pinandilatan ko siya. Si dad naman tinitigan siyang mabuti. Pasalamat siya't di ganun kabilis mawala ang pag-aalala ko sa kanya kaya di ko siya kayang ilaglag kay daddy. Not now, probably. But real soon... Ayaw ko namang maabala pa ako sa pag-iisip kung saan ako magsisimula sa pag-eexplain tungkol kay Muse kaya hinayaan ko siya.
"Dad-" Sabi ni mommy. "May emergency sa firm. I need to go."
"Now?" Sabi ni daddy habang umiinom ng tubig.
"Yes. Pero di naman ganun ka lala."
"I'll go with you." Tapos tumayo si dad.
"Wa'g na. Stay here with them." Sabi ni mommy.
"No... No... Kaya na nila dito. let's go."
"Bench, Denise, okay lang ba sa inyo?"
NOOO!
"Dad! Stay-"
"Di... Okay lang po! Mag-ingat kayo!" Sabi ni Bench.
"Sure Bench, we'll be back soon. May pagkain diyan sa ref in case gusto niyo ng snack. Nandyan din si manang." Sabi ni mommy at nagmadaling umalis.
GREAT! Ngayon, kaming dalawa na lang! God! Magkukulong na lang ako sa kwarto.