Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Poll

Sino ang mas EVIL?

Bench
12 (29.3%)
Denise
29 (70.7%)

Total Members Voted: 41

Voting closed: August 22, 2012, 10:18:32 pm

Author Topic: .::No Perfect Prince::. POSTLUDE - THANK U READERS! :D  (Read 54483 times)

ferlyngold

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 31
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #735 on: September 16, 2012, 05:39:28 pm »
EWWW MANYAK! kadiri naman tsk3 buti dumating si bench


miss u te jona!
:D B2st^^

chocoberrysmile

  • taffy
  • ***
  • Posts: 478
  • Karma: +52/-9
  • Just.keep.smiling.
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #736 on: September 16, 2012, 08:47:05 pm »
ano ba naman yan papa renzo, boto na ako sayo tapos pumalpak ka pa. Ingat lang Denise, baka mas lalo ka pang mainlove kay Darling Bench tapos mas masakit pala sa dulo... and ikaw papa bench, sayo pa rin supporta ko hahahaha >:D
Err.

aishiteruhachi

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2391
  • Karma: +217/-20
  • Status: SINGLE
    • tumblr
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #737 on: September 16, 2012, 10:01:04 pm »
EMEGED SAVIOR TALAGA SI BENCH! DENISE KASE WAG KANG NEGA, MAHAL MO DIN SI BENCH! INDENIAL KA LANG! KAKAINIS. PERO ANG SWEET NI BENCH!! :">
It's the Music Of  Our Hearts and
My love chance that keeps us from being Strangers Again...

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +5/-0
  • bookw0rm
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #738 on: September 17, 2012, 08:13:11 pm »
Grrrrrr...
I never thought manayakis pala yang si Renzo, kalowka!

Pero in fairness bonggang kilig na naman ako kayna Bench at Denise,.. What will happen next?!


Ate jonaaaaaaaaa!
Sis, update =)
be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #739 on: September 17, 2012, 08:40:20 pm »
ang tagal ko rin nakapag comment ah!!

na bu-busy kasi.. sori ate jonaxx!!


na excite ako dun sa pag save ni Bench kay Denise..

waaahhhhhhhhhh!! parang knight in shining armor lang

walang hiya naman kasi yang si Renzo eh!!

ay naku!!

buti nalang talaga nandiyan si Bench!!

i so love Bench talaga!!

maging kayo na kasi!! haha  ;D ;D ;D ;D ;D ;D



euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1473
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #740 on: September 18, 2012, 04:35:28 pm »


ASDFSDKGSKDGJSLDKGFJSKGHSKDLJD.
NAKAHABOL DIN! ATE JONAH, ANG GANDA  SHOOOT!
Feel na feel ko si Denise! GRABE ! GRABE!
Ako nasasaktan for her. Ang sakit-sakit.
Pero grabe silang dalawa ni Bench. GRABE  TALAGA ATE JONAH.

Wala akong masabi. Can't comprehend. Ang  galing grabe.
Sobrang intense. Sobra-sobra-sobra.
Yung puso ko habang binabasa  yung mga updates eh gumugulon g at tuma-tumbling!
Grabe talaga. Nasabi ko na bang grabe ate Jonah?
SERYOSO. GRABE. WALA AKONG MASABI. INTENSE.

Siraulong Renzo yun! If I know, ginagamit lang niya si Denise.
Kasi nga...ewan ko ba. Inggit kay Bench yung lalaking yun eh.
GRABE. GRABE. GRABE. Buti na lang nandyan yung super   knight-in-shining-tux na si Bench. I loveyouBench!! Bench fever. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.
GRABE!



AYAN, OA na ate Jonah. Anyways, excited na ako sa susunod!
THe best ka talaga ate Jonah!!

I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

Candygrl4ever

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1017
  • Karma: +79/-13
  • Shout Loud and Proud :) SLP
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #741 on: September 20, 2012, 09:28:12 am »
wow! bench to the rescue eh?
ang ganda lang ng pagka.rescue eh
pero parang ang manyak ng dating ni renzo masyadong gigil ah
sayang naman

ano na kayang pag.uusapan nina bench at denise?  :(

cathlovefti09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 239
  • Karma: +14/-3
  • 사람은 누구나 실수를하고! (Everyone makes mistakes!)
    • ME
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #742 on: September 20, 2012, 01:33:08 pm »
OMG RENZO pervjerk ka pala!! GRRR.. >:(
Ang bongga ng gnawa ni BENCH!!  :D haha bagay lang yun kay Renzo GRRR..

Next na po ate TT__TT
쟂느의아내이영 8)
 We'll make it through and I hope you are the one I share my life with. ♡

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 611
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: .::No Perfect Prince::. SEPTEMBER 14-UPDATE!
« Reply #743 on: September 21, 2012, 08:41:52 pm »
ate pa extra lang dito ha.. hindi kasi ako maka comment sa site mo

anyways... its about remembering summer

pinaiyak mo ako ng sobra!!

daming tissue naubos ko dun.

nung nalaman ko na nacoma pala si Lex shock na shock ako tapos, nawala pa niya sa memory niya si Summer. naku! nag wild talaga ako nu sa kwarto ko.

hindi ko matanggap yun. eto naman si Kyla super epal sa buhay!!

i hate her!! >.< pero mabuti nalang at hindi sumuko si Summer.

kahit nasasaktan na siya.

ginawa pa rin niya lahat para lang ma remember siya ni Lex. which made me to cry even more.

super duper manyakis naman nung prof. na nag attempt mang rape kay Summer. eww!! siya!! dapat siyang ihawin ng buhay!! ang manyak niya!! yuck!! dapat nga sinumbong nalang yun nila Summer.

tapos yung engagement party KUNO nila Kyla at Lex ay naku!! sarap din ihawin ni Kyla eh. mas desperada pa siya kay Summer. mas nag wild ulit ako dun sa kwarto ko.mabuti nalang talaga si Summer pa rin ang nangwagi.

tapos nung naaksidente uli si Lex, muntikan na akong mahulog sa kama ko. parang deja vu alng eh no? pero mabuti nalang at dahil dun bumalik ang ala-ala ni Lex.

idol na idol ko talaga si Lex. kasi napaka laki talaga ng pagmamahal niya kay Summer.

super duper kilig ako sa story nila. alam mo yun? kahit wala na ang memory, kahit na against na sa inyo ang tadhana, tapos napaka opposite nalang dalawa ang pag-ibig pa rin nila sa isa't isa ang nangibabaw.

mahirap ang pinag daanan  nila. at saludong-saludo ako dun.

eeehh!! kinilig ako at nag party-party sa ending.. this time. umiyak ako hindi dahil sa lungkot pero dahil sa tuwa.!! exagge na kung exagge... pero ang saya ko talaga nun.

sana nga may story rin itong si Ciel paglaki niya.. sanalang naman  ::)




mga last week ko lang kasi nabasa ang RS kasi last week lang din ako ulit napa bisita sa site niyo po.yun lang po  ;D ;D ;D

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2526
  • Karma: +339/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #744 on: September 22, 2012, 11:14:43 am »


Stage 38.
take her home.






Tumunog bigla ang sasakyan niya at umilaw pa nang papalapit kami. Eto yung sasakyan nung birthday ko. Walang duda ay bago 'to.

"Magtataxi-"
"Sakay." Aniya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Pinunasan ko ang kaonting luha sa pisngi ko sa kakaiyak ko kanina. Hindi parin humuhupa ang kaba ko. Dinig na dinig ko parin ang puso ko.

Binuksan niya ang pintuan, pumasok na man ako. Pumayag na lang kasi nahihirapan akong makipagtalo sa lagay kong to. I suddenly felt stupid. Alam ni Bench noon pa na ganoon si Renzo. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nalaman pero binantaan niya ako. At eto namang si ako... hindi man lang nag background check sa kanya.

Umikot siya at pumasok, pagkatapos ay pinaandar para makaalis na kami sa carpark.

Two-seater lang ang sportscar. Kulay itim at may napansin akong Mercedes-Benz na simbolo sa manibela. Hindi ako magaling sa sasakyan kaya di ko matukoy kung anong klaseng Mercedes-Benz  'to.

Tumingin ako sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto sa traffic light.

"God! Sana di kita hinayaan sa kanya!" Bigla niyang tinulak ang manibela na ikinabigla ko.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip.

"Kaya ko naman ang sarili ko-"
"Kaya? Muntik ka ng na rape tapos sasabihin mo sakin kaya mo?" Nabigla ulit ako sa galit na ipinakita niya. Parang ako lang yung mang ri-rape ah? Ba't sakin 'to nagagalit?
"Hello! If hindi ka pumunta dun, edi nasuntok ko na yung ano niya!" Pinandilatan ko siya.
"May gana ka pa talagang mag taray eh umiyak ka lang naman kanina!?"
"Eh sa nabigla ako!"

Napabuntong-hininga siya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya at sumulyap sakin.

Kainis! Kung makatingin parang totoong concerned siya.

"Oo. Hindi naman ako nahalikan o nahawakan."
"Talagang hindi..." Humalakhak pa siya na parang sarcastic o galit nakataas ang isang kilay. "Wouldn't let that happen."
"Whatever, Bench."

Tama naman siya dun. Salamat sa kanya at na save ako. Pero yun nga, sisipain ko na sana yung chaka ni Renzo eh dumating siyang bigla. Umiyak lang naman ako sa kaba eh. Pero salamat na rin diba? Haaay! Ano ba 'to. Talagang ayaw ko lang dumikit sa kanya ngayon kasi nagugustuhan ko na siya.

Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di kami papunta sa bahay. Bago ko pa natanong sa kanya, ay nag open na siya ng ibang topic.

"Natanggap mo na ba yung regalo mo?" Tanong niya.
"Anong regalo?"
"Ipinadala ko sa bahay niyo kanina." Ngumisi siya.

Weird nito. Parang di galit kanina.

"Hindi. Pero kung me ganun, ibabalik ko parin yun sayo kasi hindi ko iyon matatanggap."
"Bakit? Noon, tinatanggap mo naman ang mga regalo ko ah?" Ngumisi ulit siya na para bang may light bulb na umilaw sa utak niya.
"Iba yung noon sa ngayon." Sabi ko.
"Bakit? Anong nag-iba?" Lalo siyang ngumisi. The evil smile I've missed.

Hindi ako makatingin ng mas matagal sa limang segundo sa mga mata niya kaya tumingin na lang ako sa daanan. Ibinalik niya din ang tingin niya sa daanan.

"Sa akin kasi... kung ano yung noon, ganun parin ngayon."

Napalingon ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Ano nga ba? So talagang di niya ako gusto!? Ganun?! I knew it! Kung ano man yung pinagsasabi niya last year, wala yun. Assuming lang talaga ako!!! Sa kaka assume ko, eto ako at di siya maalis sa utak!

"Teka, saan tayo pupunta?" Tanong ko nang natauhan ako.

Kinuha niya ang iPhone niya at may tinawagan.

"Hello Joe, asan na kayo? Lapit na kami sa 777, bilisan ninyo, ayokong may makakita. She'll be in big trouble... Okay, good." Tapos binaba.

Ano yung pinag-usapan?

"Saan tayo?" Tanong ko.
"Club 777."
"Ha? Wala ako sa mood mag clubbing..."
"Ako rin..." Huminga siya ng malalim at nag park sa harap ng Club 777.
"Diba bawal mag park dito?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at bumaba. Binuksan ulit ang pinto at bumaba naman ako.

Kinuha niya ulit ang phone niya at nakita ko yung SUV nila papalapit na rin samin.

"Lapit na pala sila." Aniya.
"Bench, what are you doing?" Tanong ko.
"Your friend, my cousin, Eliana Jimenez has been drinking, crying and dancing like a whore in this club for the past 50 minutes. We are gonna take her home. Come." Naglakad siya papasok.
"WHAT?"

Sa bigla ko ay sinundan ko na lang siya.

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +4/-5
  • Unjaena, Youngwonhee <3
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #745 on: September 22, 2012, 11:21:51 am »
Wow saktong check ko may update! Nakikigamit lang ako ng wifi dto sa CSB e. HAHAHA! Basa muna.

Waaaz. What happened kay El? O.o Connected sa guy nya?
« Last Edit: September 22, 2012, 11:26:47 am by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 239
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #746 on: September 22, 2012, 02:13:07 pm »

Yehey, may update na!! anu pa nga ba eh eto naman si ako super kinikilig, kahit nag uusap lang naman yung dalawa!!!

At ano naman nangyare kai Eli? bakit naging ganun sya??? Broken hearted kaya si Eli??? Hmmmm... Thank you ate Jona sa pinakamagandang Update!!!!
Laughter is the Best Revenge

rmruda

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 69
  • Karma: +5/-0
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #747 on: September 22, 2012, 03:05:39 pm »
hinintay ko talaga 'to ate jona at ang ganda..

ano kayang nangyari kay Eliana?? dahil kaya sa kanyang secret fling??

well, wait nalang ako sa update mo ate jona!

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 214
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #748 on: September 22, 2012, 03:13:09 pm »
Hindi ko na magets si bench. Srlsy.
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

Donnavie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 42
  • Karma: +1/-2
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. t-r-o-u-b-l-e!!!
« Reply #749 on: September 22, 2012, 04:10:47 pm »

Hala, what happened kai Eli??? Dahil ba to sa Secret Affair niya?? Baka kinasal na..

Hehehe ate soo happy kasi nag usap na si Bench at Denise, Anu naman kaya yung gift ni Bench kai Denise?? Hmmm...

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We're #Throwbackthursday-ing: Behind the Scenes at the May Fashion Shoot

by: jed, 2013-06-20

'All Dressed Up and Nowhere to Go' appeared in our May issue, featuring photography by Cenon Norial III, styling by Jed Gregorio, makeup by Sari Campos,...


ADVERTISEMENT

TEENTALK