Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Poll

Sino ang mas EVIL?

Bench
12 (29.3%)
Denise
29 (70.7%)

Total Members Voted: 41

Voting closed: August 22, 2012, 10:18:32 pm

Author Topic: .::No Perfect Prince::. POSTLUDE - THANK U READERS! :D  (Read 53340 times)

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +4/-5
  • Unjaena, Youngwonhee <3
Re: .::No Perfect Prince::. STAGE 34 NA! Readers please?
« Reply #675 on: September 01, 2012, 06:51:23 pm »
haha! yun na nga next up Av! I'll update real soon ;)

Cant wait ate! Waaaaa!!!!! Ang muling paghaharap sa party! Hahaha.
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

lil_nichie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 55
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #676 on: September 01, 2012, 09:57:45 pm »
BENCH!! Bakit bigla bigla ka nalang nagiging ganyannn?
U R SO SWEEET!!!

D!!! Bakiiiit ahahahah wala sige ganyan ka lang para
may thrill nyahahah :)))

 :D kinikilig ako sainyoooo!

Anu kaya ang gagawin ni Papable Bench sa party!!
For sure wala nanaman makakalapit kay D. :))))

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2526
  • Karma: +339/-22
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::No Perfect Prince::. STAGE 34 NA! Readers please?
« Reply #677 on: September 01, 2012, 10:02:45 pm »


Stage 35.
You're not with him anymore...






Nasa party na ako. Uneasy. Paano ba naman kasi, I'm kinda expecting HIM to be here. Di naman siya invited. Patingin-tingin ako sa cellphone ko.

Sobrang saya ng mga girls! Paano ba naman, kay daming lalaki at kay gu-gwapo. Pinili ko talaga yan. Kahit na taga kabilang school nandito.

"Is that Richard Martinez?" Linapitan agad ni Abby si Richard Martinez.

I'm wearing a black shimmering smexy dress. Talagang binili ko 'to for this party. I curled my hair tapos make up, smoky eyes.

Halos lalaki yung mga nakikita ko. Si Abby, may tatlong lalaki ng kausap.

Nilapitan ako ng nakangiting si Renzo. Kakarating niya lang yata at kasama niya ang mga kaibigan niya sa basketball team.

"Hi!" Sabi niya at hinawakan ang siko ko.
"Hi!"

I think I blushed.

Sayawan na! Nasa background ang Lights by Ellie Goulding

Halos mapasayaw ako pero hindi parin maalis sa isip ko ang prinsipe ninyong maaring sa ngayon ay nakapasok na. Tumingin ulit ako sa cellphone ko.

"What's wrong?" Tanong ni Renzo nang nakikita akong tuliro at tumitingin sa cellphone.
"Wala." Ngumiti ako.
"Wanna dance?" Naglahad siya ng kamay.
"No, thank you. I think I need a drink." Ngumiti ako.

Nagkabuhol ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din ilang sandali...

Kumuha si Renzo ng vodka.

"Cheers!" Sabay kami.
"Nagustuhan mo ba ang party?" Tanong ko.
"I like parties, pero syempre nagustuhan ko 'to kasi magkasama tayo." Ngumiti ulit siya.

Uminit talaga ang pisngi ko.

"Alam kong birthday mo bukas, kaya eto. Happy birthday!" Sabi niyang ikinabigla ko.

May gift siya!!!

"Whoa! Thank you!-" Tinanggap ko ng kinikilig! :D :D :D

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dancefloor. Ayaw kong sumayaw pero sige na nga!

Daming tao at mukhang enjoy na enjoy silang lahat. Ako rin nag-eenjoy na sa ngiti ni Renzo. Nakahawak siya sa baywang ko at hinihila papalapit sa kanya habang sumasayaw. Ang sunod na namalayan ko ay nakangiti na rin ako sa kanya habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko. Pumiglas ako ng konti kasi nahihiya ako pero malakas ang tulak niya sa ulo ko.

AKALA KO TALAGA MAGHAHALIKAN NA KAMI SA DANCEFLOOR pero may bigla ng sumulpot, the uninvited.

"Denise!" Yinakap niya ako. Casual.

Napakalas talaga si Renzo, nabigla at mukhang nainis. Di niya naman ipinakita. Nasaktan din ako para kay Renzo, ang sakit sa ego nun ah!

Ako naman ay nabigla sa plastikang ipinakita niya sa harapan ko. PARANG WALANG NANGYARI AH!? PARANG DI MO AKO INIWAN SA ERE TAPOS INI-STALK!

"I missed you! I'm back!" Aniya.
"Oo. You are back." Tinitigan ko lang siya na nakangisi at hindi pinapansin si Renzo sa gilid. >:( >:( >:(

It's 11:30PM. Kaya naman pala sumulpot na ang mokong, aswang kasi siya eh. Shet bakit casual siya!? Kinabahan tuloy ako. Alam ko... Alam ng tiyan kong nagkabuhol-buhol na may planong masama ang evil dark prince ninyo.

"At ba't ka andito? I didn't invite you." Sabi ko at sumulyap sa nakangangang reaksyon ng madlang pipol sa pagdating ni Bench.
"Of course I'm invited, we grew up together at close tayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakangisi parin siya.

"Wha-"

Hello, Renzo? Tulungan mo naman akong itaboy si Bench, please? Nakatunganga lang si Renzo.

SI ELIANA! Bigla kong naisip si Eliana, siguro siya ang nagpapasok sa mokong na 'to. Whatever, Bench. You wan to play this game? We will play this game!

"Okay... Maraming girls jan, you might wanna check. This is Renzo." Sabi ko.

Dali-daling naglahad ng kamay si Renzo na hindi naman tinanggap ni Bench, nagkukunwaring hindi ito nakita. Kaya ibinaba niya na lang ang kamay niya.

Inakbayan ako ni Bench. Stupid wh0re! Anong plano mo diyan sa show mo?

"I missed Christmas, New Year and tomorrow's your birthday! May regalo ako sa'yo pero nandun sa sasakyan, wanna see it?"
"No, Bench, nagpaparty ako and I'm with Renzo." Sabi niya.

Pinandilatan ko siya.

"Oh okay."

Akala ko susuko siya pero hindi...

"Sayang naman yun. So, Uh..." At last at tinignan niya si Renzo. "Kentou, pwede bang kumuha ka ng drinks? Gin and tonic tsaka vodka."

Bakas sa mukha ni Renzo ang pagkainis. Halos takpan ko ang bibig ni Bench.

"Renzo." >:( >:(
"Kentou, Retzo, whatever." Tapos tumingin si Bench sakin ng nakangisi.

Umiling si Renzo at umalis bago ko pa siya matawag at ipagtanggol. Shucks! Major major insult! Buti at hindi ka niya sinuntok! Walang hiyang Bench! Ibang klase kung mang-inis!

"You're not with him anymore..." Ngumisi siya. "Tara sa sasakyan!"

Hinila niya ang kamay ko at binawi ko naman ito.

"You ruined my date again! Wa'g kang magpupupunta dito kung ganun naman yung gagawin mo!" Pabulong na sinabi ko sa kanya maingat sa mga taong nasa paligid.

Naging seryoso ulit ang mukha niya at tinignan ang kamay ko. Para siyang nasaktan sa ginawa at sinabi ko. Agad namang nagbuhol ulit ang tiyan ko, na-guilty.

Di ako pwedeng ma guilty! TAMA LANG YUN SA KANYA! Ininsulto niya si Renzo tapos inagaw niya ako imbis na maghalikan kami ni Renzo sa dancefloor (mabuti na lang kasi ayokong mangyari yun). Crus ko si Renzo, but not crush enough para dun. Hindi ko alam! Naguguluhan na ako!

"Renzo is not the guy for you, Denise."
"Bakit? Anong problema sa kanya!? Ikaw lang yung may problema dito eh!" Napalakas yata ang boses ko kasi nakita kong tumingin ang mga tao samin.

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko. GOOSEBUMPS! Ano yun? Some kind of electric effect sa pagkahawak niya sa kamay ko.

Napalunok ako. Sa sobrang banayad ng pagkakahawak niya kinabahan ako. Dinig na dinig ko ang puso ko.

"Bakit? Sino ang right guy para sakin?" Napalunok ulit ako!

Bakit parang nag eexpect akong sasabihin niyang siya?

"Let's get out of here, accept my gifts, be with me, and I'll tell you why."

Ano yun? Anong nangyari at bigla akong sumama sa kanya? ITINULAK BA AKO? NINO? KAYO? OH NO!

Denise Cordelia Gozon, you can't be... :-[ :-[ :-[

avonbernabe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +4/-5
  • Unjaena, Youngwonhee <3
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #678 on: September 01, 2012, 10:04:17 pm »
BENCH IS BACKK!!!! I have to read!

---

Haha! Epic lang talaga sakin yung purposely iba ang tinatawag na name ng isang guy sa karibal nya due to jealousy. Nakakatwa talaga yun! :D
Welcome Back, BENCH! Now put up a fight! Wlang walang nagawa si Renzo. NGANGA! ;D
And yes Denise, you CAN be... :D

MORE ATE!! MOOOORE!!!! ;D
« Last Edit: September 01, 2012, 10:20:52 pm by avonbernabe »
Sweet revenge is my thing, dahlin' :)

lil_nichie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 55
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #679 on: September 01, 2012, 10:11:50 pm »
Waaaaaaa Benchhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
Waaaaaa kinikilig akoooooooooooooooooooooooooooo!!!
 :D :D :D

Deniseeeeeeeeeee!! Bumigay kana kasiiiii  ;D

chocoberrysmile

  • taffy
  • ***
  • Posts: 478
  • Karma: +52/-9
  • Just.keep.smiling.
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #680 on: September 01, 2012, 10:14:12 pm »
yay ang weak naman ni denise! sayang yung party and si Renzo! I mean kung evil ka talaga at "ayaw" mo sa "prinsipe namin" dapat di ka sumama, unless may hidden desire ka na kahit ikaw dinedeny mo sa sarili mo ::) ::) love the update pero sayang si renzo  :(
Err.

prom_princess08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2512
  • Karma: +298/-33
  • Drexandra. :)
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #681 on: September 01, 2012, 10:24:50 pm »
Ang saya saya ko. Ang dami kong tawa sa update na ito! Hahhhahaha.
Wala pa rin palang palag si Renzo e. Hahaha. There's really something I don't like about that guy.

Wiiiii. Accept my gifts, omg, so excited!

veejay28

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 521
  • Karma: +65/-5
  • random stranger ♥
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #682 on: September 01, 2012, 10:53:09 pm »
Ooohh Bench is so back!!! Teka nga akala ko ba tong si Renzo eh hindi katulad ng ibang duwag eh bat tumalikod ka din at iniwan si Demise? Hahaha. Teka konting push na lang kailangan mo Denise, gusto mo ipush na kita ng todo? Bench dear gusto ko din ng gifts! Super paadvance Xmas, new year and bday mo na sa kin. Lols

ImNeenyuh

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 13
  • Karma: +0/-1
  • TeenTalker
Re: .::No Perfect Prince::. STAGE 34 NA! Readers please?
« Reply #683 on: September 01, 2012, 11:10:17 pm »
FEELING KO MASASAKTAN AKO NG SOBRA PAG MAY POV SI BENCH.

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3240
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #684 on: September 01, 2012, 11:22:08 pm »
Oo, Denise. Kami! Kami ang tumulak sayo para sumama kay Bench. Muahaha! Joke! Bakit di mo na lang kasi aminin sa sarili mo na labs na labs mo si B. LOL! Sabagay, hindi mo pwedeng aminin sa sarili mo kasi iniisip mo, naghihiganti lang siya no? Hayy. Anyway, BENCH IS REALLY BACK, PHYSICALLY, MENTALLY, AND EMOTIONALLY! Yiiieeee. Buti di natuloy yung kiss nila Renzo at Denise. Syempre, because of Bench yon. KV KV KV! Psh. Epal ni Renzo, sobra! Naiinis ako sakanya. I haaaaate him! Isa pa, wala din naman pala siyang laban kay Bench. Ewan! Feeling ko talaga ano e. Ah basta, bad vibes ako sakanya. Muahaha! Duuuuh naman no. Takot din naman pala. Akala ko ba he's not scared? Eh hanggang salita lang naman pala siya katulad ng iba diyan eh. Mas okay pa si Lance no! Pero syempre, Bench pa din talagaaa. Ano naman kaya gift ni Bench? If I know, Denise, ang saya saya mo kasi nandiyan si Papa Bench. Don't cha worry, masaya din kaming lahat. Yeheeeey! \(^_^)/ Denise, Bench is the guy for you kaya gora na! Mwa mwa ate Jonah! Galing galing mo. Haylabyu na talageeeey! Hahaha! Approve! Thumbs up! ;D :-*
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

araihc_33

  • jellybean
  • **
  • Posts: 259
  • Karma: +19/-3
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #685 on: September 01, 2012, 11:44:53 pm »
wwweeeeeeeewwww
bench is back.. and nice come back..
what a way to say back off to ur rival..
tawagin daw ba sa ibng name.. with utos pa.. XD
di ako makapag comment ng mahaba.. mobile gamit eh..
bsta ganda nung update
ARA is the name
tumblr
blog

deerekimberly

  • jellybean
  • **
  • Posts: 214
  • Karma: +3/-3
  • SISHTIN <3
    • kimkimmy
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #686 on: September 02, 2012, 12:00:13 am »
Nakakainis naman! Bat hindi ako nauunang magcomment pag nag-update ka na ate jonabells? Gusto ako naman ang mauna! Hahahaha! Pm mo ko ate jonabells pag mag-uupdate ka na para mauna ko. Hahahahahha. Joke lng!

OMG! Deniseeeeee! I'm so proud of you! Hahahahahaha. Bench! Nagbalik ka na! \:D/ Way to go! DB4EVER!
GUYS! CLICK THIS LINK. MADAMI AKONG STORIES DITO --> http://wattpad.com/kimkimmy16 SA WATTPAD PO TALAGA AKO. HAHA :))

itsJiezelm

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1795
  • Karma: +43/-12
  • ♪ you are my Summer Love ♫
    • BLOG
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #687 on: September 02, 2012, 08:11:17 am »
syempre ate Jonah! Hihi. Proud ako at isa ako sa mga loyal readers mo!


Whaaaa! Bench! Hahaha. Excited na ko sa next.

Nkakaawa ka Renzo. :D thank you at di mo sinapak si Bench!

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +5/-0
  • bookw0rm
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #688 on: September 02, 2012, 08:28:14 am »
AYyyeeeee! Anung gift?, patingin naman oh,
be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 238
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: .::No Perfect Prince::. BENCH IS BACK!
« Reply #689 on: September 02, 2012, 12:43:26 pm »
ayan na may update na。。omg bench ano gift mo kei denise... hahaha sana kiss..choos... i soo love the update.. i want mooreee ate jona
Laughter is the Best Revenge

 

Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version

CANDY BLOG

What We Do: Count The Days

by: macy, 2013-05-19

Here's another post inspired by one of my favorite bloggers, Rachel of ThatsChic.net. Feel free to make your own list on your blog! Music Monday Caught my favorite artist...


TEENTALK