Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)  (Read 5614 times)

QuincyD.

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #135 on: October 25, 2012, 01:24:42 AM »
AS.EEEEEN?? GINA KILIIG KO! hahahahaha. ka nice !! :D :D
wen ka mag update??  :D :D
-new reader ;D
The sad part is.....
I Fell In Love With A Fictional Character. ://
HAHA. :)

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2818
  • Karma: +119/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #136 on: November 01, 2012, 01:46:23 PM »
AS.EEEEEN?? GINA KILIIG KO! hahahahaha. ka nice !! :D :D
wen ka mag update??  :D :D
-new reader ;D

Helow! Thanks for reading my story.  :)

Di ko pa alam kung kailan yung next UD eh. Kung kailan na lang ako sipagin. Wala pang inspiration si Ms. Author eh.  :)

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2818
  • Karma: +119/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #137 on: December 13, 2012, 04:17:00 PM »
Chapter 11: CONFUSED FEELINGS AND THE MOTHER




Hindi ko alam kung ano na yung mga sumunod na pangyayari. The next thing I know, papunta na kami sa car niya at pumunta na kami diretso sa bahay niya.
 



Pagdating namin sa bahay niya, dumiretso lang kami sa sofa then pinagpatuloy ang snogging session namin. I know I'm being foolish, and alam ko na ganun din siya. But I cared less. Hindi ko alam kung ano tong nangyayari sa akin. Hormones lang ba to o iba na? Siya... ano kaya yung nararamdaman niya?
 
 



Pero naisip ko... paano si Cass? Kahit naman ayaw ko sa babaeng yun... siya pa rin ang girlfriend ni Jasper. Mali tong ginagawa namin. Hindi ko dapat to ginagawa. I have to save my face, my pride. I have to save the both of us from doing something we'll both regret in the end.

 
 
 





Jasper... stop.
 
 
 




He looked me in the eye intently. Looking for answers we both know I don't have.
 
 
 





I'm sorry Sheena. I didn't mean to--
 
 
 





I know.
 
 




Parehas kaming napasandal sa upuan at tinitigan yung ceiling. Matagal din kaming hindi nag-usap. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba to ginagawa?
 
 
 





What do you want to drink? Water? Juice?
 
 
 



I need to distance myself. I need to stop myself. I need...I need to... I need to leave him for good before anything happens.
 
 
 




I... I think I should go. It's getting late, Jasper. Magpapahinga na rin ako.
 
 



Yumuko na lang siya at ilang minuto lang, nakita ko sa mga mata niya yung Jasper na kilala ko nung college. Yung Jasper na masama yung ugali. Yung Jasper na hindi gagawa ng tama. Yung Jasper na walang puso.
 
 
 




Alright. You may leave.
 
 
 





Hmm... thanks by the way. Bye.
 
 




Binuksan ko na yung pintuan ng condo niya then before I go tinignan ko siya. Nakaupo na siya doon sa sofa tapos nakatingala na naman. Hindi na ako nagsalita ulit. Bumaba na ako agad at pumara ng taxi.
 
 




Hindi ko siya maintindihan. Ano pa ba kailangan niya sa akin? Kakasabi lang niya na masaya na siya kay Cass. Pero bakit ganun? Pinaglalaruan lang ba niya ako?

 
 
 
 
 
                                                     


 
JASPER'S P.O.V.




One week. It's been one hell of a week.
 
 



I don't know what's happening to me. I've been waiting for her calls for one week and yet I've never heard a single detail about her. It's driving me crazy. I'm worried as hell and I.... I miss her a lot and I really don't know why.
 
 



I tried calling her every night but she's not answering any of my calls. I guess... she's avoiding me for what happened last week. But why? We both know that we liked it. I know it's foolish and stupid since I love Cass. I know I love Cass. I love her.... right? I don't know what happened to me, to us. I guess, that night everything's so well and perfect. She looked like a goddess under the moonlight and I just can't resist it. I like Sheena. I do like her and I'm proud of her. But what about Cass?
 
 



Can you consider it as cheating if you're thinking of another girl 24/7 instead of your girlfriend? It's not bad to think about Sheena, of course we have a child. It is my responsibility to think of her all the time. But I know deep within that I really miss her a lot. And I definitely need to see her NOW.

 
 
 




Good morning Jasper!
 
 
 





Good morning, Mom! What brings you here?
 
 
 




Bakit? Masama na ba dalawin ang anak ko sa office niya?
 
 
 




No, Mom.
 
 
 




Ano na ba nangyayari sayo? Sabi sa akin ng Daddy mo, nung isang araw ka pa raw ganyan.

 
 
 




What do you mean?
 
 
 




Hmmm... laging tulala at hawak ang cell phone. Sino ba kasi hinihintay mo magtext sayo? Yung gf mo ba na baliw yan?

 
 
 




Mom! Hindi baliw si Cass, okay?
 
 
 




Whatever you say darling. So sino nga?
 
 
 




Do you really have to know? It's nothing, okay?
 
 
 




It's about that girl. Am I right?

 
 
 





Who?
 
 
 





Oh stop playing games with me Jasper! I'm your Mom! I'm not dumb!

 
 
 



I'm not saying you're dumb.

 
 
 




It's about her. What's her name again?

 
 
 




Sheena.
 
 
 





Yes. That girl. So what happened?
 
 



I really don't know what happened to me. The next thing I know, I've been blurting all the things that happened last week to my Mom. She just listened, and smirk like I usually do. When I'm done, she didn't say a single thing and just stood up and kissed me in my forehead.
 
 
 




You already know the answer son. You're just in denial. Bye!

 
 
 



What?! What a big help Mom! Really!
 
 
                                                         


 
SHEENA'S P.O.V.

 



Pumasok ako ngayong morning kahit wala akong tulog. Naiinis na nga sa akin si Kate kasi hindi raw maganda for the baby yung napupuyat ako. O sheesh! Kaya ko naman eh. Madami lang talagang works and all that sh*t na nangyayari sa akin these past few days.
 
 



Hindi ako tinantanan ni Jasper sa mga tawag niya. I know I'm being selfish and too moody pero I guess tama naman na i-distance ko muna yung sarili ko sa kanya until hindi ko pa nalalaman kung ano talaga ang totoong feelings ko for him. Ilang beses ko rin naman tinangkang tawagan o sagutin yung mga callls niya, pero sa tuwing gagawin ko yun... something within me ang nagsasabi na wag na lang, masasaktan lang ako sa huli. So why bother?

 
 
 




Busy na naman dear?
 
 
 




Kate! Akala ko kung sino na. Akala ko kakain ka na ng lunch?
 
 
 




Actually... yes. Kaso may naghahanap kasi sayo sa labas so pinuntahan muna kita dito.
 
 
 




Sino daw?
 
 
 




I don't know. She doesn't want me to tell you.
 
 
 




Weird.
 
 
 




I know! I better go. Gutom na ako eh. Ano papabili mo?
 
 
 




Hmmmm... wala naman. Sige una ka na lang baka sumunod ako sayo after ko i-meet yung naghahanap sa akin.
 
 
 




Alright!
 
 
 



Pumunta na ako sa main lobby ng office namin then may nakita ako dun na isang babae. Sophisticated siya tignan and based on her looks mukhang nasa 30's lang siya. Grabe! Hiyang-hiya naman ako sa outfit ko. Lumapit siya sa akin then smiled warmly sa akin. Anyare? Kilala ko ba to?
 
 
 




Hi darling!

 
 
 




Ah...eh... hello po! Mam, what can I do for you?
 
 
 




Oh.... hush the formalities! I'm Leila Cruz. Jasper's mother.

 
 



WHAT.THE.HELL!!!!
 
 



This lady...no...woman in front of me is Jasper's mother?! No wonder maganda ang lahi niya... maganda ang nanay eh. Sana ganyan din kaganda o kagwapo anak ko.

 
 
 





Sheena? Are you okay? You want to sit?

 
 
 




Ah....  nice to meet you Mam.
 
 
 





I told you, stop the formalities. Just call me Mommy Leila.

 
 
 



Mommy Leila?! Hala siya! Bakit Mommy? Di pa naman kami kasal ni Jasper. And hindi naman sa pinapangarap ko ikasal kami ha... NO NO NO... sadyang... ugh! Never mind!







Are you free today? I need to have some chitchats with you. You know... the mother-in-law thing...






MOTHER-IN-LAW?! What the....







Ahm... sorry? I think you're mistaken... I'm not Ca--







No, I'm not! You're Sheena, I know. So... are you free?









Actually... I'm kind of busy right now... but I have one hour for my break...but...








No buts! I need to talk to your head. Is he or she here?









Dali-dali na siyang pumasok sa department namin tapos nagtanong dun sa information desk. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Pambihira! Now I know kung bakit sobrang spoiled lang ni Jasper.









Pagpasok ko sa office ng department head namin, andun na siya at nakikipagchikahan. Pambihira naman! Naririnig ko na sinasabi niya na bigyan ako ng free day today. Wow! Siya lang may lakas ng loob gawin yan ha! Tapos yung department head naman namin, oo lang ng oo. O my goodness!!!!!!
















Lalapit na sana ako sa kanila nung nakaramdam naman ako ng hilo. Pagtingin ko sa kanila, nakatingin na sila sa akin. May sinasabi sila pero hindi ko naririnig. At unti-unti nagdilim ang paningin ko.

 
 


Sorry SUOER DUPER tagal nung UD ko. Sobrang dami lang ginagawa kasi may off-campus na. Sorry talaga. So ayan bumawi na lang ako sa mahaba-habang UD. Hope you enjoy it guys! :)

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2818
  • Karma: +119/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #138 on: January 16, 2013, 10:43:39 PM »
Chapter 12: SLIP OF THE TONGUE

Hindi ko alam kung nasaan ako o ano ang ginagawa ko dito. Basta ang alam ko pagdilat ng mga mata ko puro puti lang ang nakikita ko at wala akong kasama dito sa loob.

 

 

Ang alam ko lang kasi ngayon nasa hospital ako. Pero ang tanong kung saang hospital, hindi ko alam. Hindi rin ako masyado makapag-isip ngayon kasi ang alam ko lang nahihilo ako at masakit ang ulo ko.

 

 

Ano bang nangyari sa akin?

 

 

Kahit anong pilit kong alalahanin... hindi ko matandaan eh. Ang naaalala ko lang, kausap ko yung Mommy ni Jasper. Speaking of her... saan na ba yun?


 

 

 

Sheena! Bakit nakaupo ka na? Humiga ka nga!

 

 

Ano bang problema ni Kate at naghaharumintado itong babae na to?

 

 

 

Ano bang problema mo Kate?

 

 

 

Ikaw kasi! Baliw ka talaga eh!

 

 

 

Ako pa? Eh ikaw tong nagwawala. Nakaupo lang ako. Hindi ako umaakyat ng bundok.

 

 

 

Hmpft! Bahala ka nga! Alam mo pasalamat ka sa Mommy ni Jasper. Akalain mo yun... ang bait ng nanay niya pero siya... never mind.

 

 

 

Ssssshhhh... Kate! Ano ka ba? Mamaya may makarinig sayo.

 

 

Sakto naman pagkasabi ko nun pumasok yung Mommy ni Jasper. Tsss.. pasalamat talaga tong si Kate at hindi siya narinig ni Tita Leila.

 

 

 

Sheena, honey, okay ka na ba?

 

 

 

Ay Tita... okay lang po ako. Pasensya na po ha. Hindi ko kayo nasamahan mag-lunch.

 

 

 

Stop calling me Tita. I told you, I want you to call me Mommy.

 

 

Kitang-kita sa mga mata ni Kate na kahit siya gulat na gulat sa sinabi ni Tita Leila. Duh! Hindi naman kasi ako ang girlfriend ng anak niya.

 

 

 

Tita... nagkakamali po ata kayo... hindi naman ho si Sheena ang girlfriend ng anak niyo So... impossible po na--

 

 

 

Nah uh dear. Possible yun. We'll see.

 

 

Nagkibit balikat na lang kami ni Kate. Non sense to talk to her about it. Mukhang desidido siya sa gusto niya paniwalaan.

 

 

 

Oo nga pala, tinawagan ko na si Jasper and he's on his way right now. Nagmamadali ngang umalis sa opisina.

 

 

 

Nako Ti... Mommy... bakit niyo pa po ginawa yun? Nakakahiya kay Jasper. Busy po yun.

 

 

Actually, hindi ko naman alam na busy siya. Remember, isang linggo na kaming di nag-uusap so wala talaga akong alam tungkol sa kanya ngayon. And, ayaw ko lang talaga siya makita. Ang awkward kasi eh.

 

 

 

Anong nakakahiya dun? Sheena, alam mo ba bakit ka hinimatay?

 

 

Ahhh... hinimatay pala ako... teka....

 

 

 

Kumusta po ang baby ko? May nangyari po ba? Ano po?

 

 

 

I told you Tita! Panic mode yan pag sinabi mo. Tsss... ngayon nag-aalala ka sa anak mo? Teh! Ilang araw ka ng puyat at hindi masyado kumakain. Tapos worried ka sa anak mo? Gahd! Ano bang problema mo? Pasalamat ka at malakas ang baby niyo ni Jasper nako... kung hindi...

 

 

Iyak na ako ng iyak habang pinagsasabihan ako ni Kate. Napaka-wala kong kwenta na Nanay kay Little Chap. Hinayaan kong malagay sa masama ang health niya. Hindi dapat ganun. Dapat inaalagaan ko sarili ko.

 

 

 

Tahan na Sheena. It's okay. Normal naman talaga yan. Pero over-fatigue ka kasi. Hindi dapat ganun. Alagaan mo muna ang sarili mo sa ngayon dahil may bata kang dinadala.

 

 

Umiiyak pa rin ako habang nagsasalita si Tita at sakto naman na pumasok si Jasper. Pawis na pawis siya at hindi pa nakatali ng maayos yung neck tie. Sabihin na lang natin na haggard look siya.

 

 

 

What happened? Bakit ka umiiyak?

 

 

Hinawakan niya yung kamay ko tapos tumingin tingin siya kay Kate at kay Tita Leila.

 

 

 

Mom called me immediately. Okay ka lang ba? Si Little Chap?

 

 

Niyakap na lang niya ako bigla. Hindi ko na nga rin namalayan na wala na pala si Kate at si Tita Leila.

 

 

 

Bakit nandito ka? Di ka ba busy?

 

 

Umalis naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano yung nakikita ko sa mga mata niya. Galit ba yun o inis?

 

 

 

Sht Sheena! Ano ba?! i've been calling you a million times this whole week! Pero, ano? Wala! Di ka man lang sumasagot sa text or tawag ko! Pag pumupunta ako sa condo mo lagi kang wala! Ano bang problema?! Look, I care about you and Little Chap. Ano pa ba gusto mong gawin ko para maniwala ka?

 

 


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Am I being too hard for him? Pero kasi... kung hindi ako lalayo.. itong nararamdaman ko sa kanya... possibleng mag-grow into something na alam namin pareho na hindi namin magugustuhan kasi may mahal na siyang iba.

 

 

 

I'm sorry Sheena. I didn't mean to shout at you. Nag-alala lang talaga ako sa baby natin. I've heard na over fatigue ka raw. Bukas na bukas din kakausapin ko yang head niyo. MAsyado ka niya ata pinepressure! Hindi ba niya alam yung situation mo.

 

 

 

Look, Jasper. I'm fine. Little Chap's fine. Kasalanan ko naman eh. Lagi akong puyat these past few days and di rin ako nakakakain on time. Ako dapat yung sisihin mo. And, wag mo na idamay yung head ko. Lalo lang akong pag-uusapan sa office nung mga taong di makaintindi.

 

 

 

Pwes, kung ganun ako magpapaintindi sa kanila. I had enough of this. Di pa nila ako kilala!

 

 

 

Jasper... I'm fine, okay? I'm fine.

 

 

 

And, starting from now, di ka na magddrive. May magsusundo at maghahatid sayo sa office at sa kung saan mo man gusto pumunta. And, I'll call you every hour to check kung kumain ka na ba, uminom ng vitamins and all that. Sheena, hindi na pwede matigas yung ulo mo. Hindi ko kaya mawala si baby at mawala ka sa ginagawa mo. Di ako papayag.

 

 

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ako kaya mawala? Bakit pati ako nadamay? Akala ko si baby lang? Kahit siya alam ko, nagulat sa mga sinabi niya. Kasi naman... ano bang tumatakbo sa isip niya?

 

 

I mean it.

 

 

Napatango na lang ako sa kanya. Tahimik na lang kami at ni isa walang nagsasalita. Hindi ko alam kung dapat pa ba namin pag-usapan yung tungkol sa nangyari sa amin sa condo niya? O hayaan na lang namin. Tutal, wala naman talagang nangyari. We just kissed. Ayun lang. Siguro dahil lang yun sa nainom niya at sa raging hormones ko. That's all. Walang issue yun. Di ba?

 

 

 

About last week...

 

 

 

Ahh... ayun... kalimutan na lang natin Jasper. Wala lang naman yun di ba? I mean... it's just a kiss. Right?

 

 

 

Y...yeah.

 

 

Tumahimik na lang kami ulit. Tumayo siya at nagkiss sa noo ko.

 

 

 

You should rest. Tatawagin ko sila Mommy para bantayan ka. Bibili lang ako ng food and fruits mo.

 

 

 

Okay.

 

 

Nagsimula na siya maglakad sa pintuan ng tawagin ko siya ulit.

 

 

 

Jasper...

 

 

 

Yes?

 

 

Hindi ko alam. Bakit ko ba siya tinawag? Ano bang sasabihin ko sa kanya?

 

 

 

Salamat ha.

 

 

Wala na siyang sinabi. Ngumiti lang siya sa akin at sinarado na yung pintuan. Hindi ko alam. Pero bakit naramdaman ko nung ngumiti siya sa akin na hindi naman talaga siya masaya? Bakit parang ang lungkot lungkot niya?

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #139 on: January 17, 2013, 09:13:40 PM »

Shits, Inlove na talaga sila sa isat isa, tama ba ang nabasa ko, may something na sa kanilang dalawa, at si Mommy Leila, ahahaha super agree sya kai sheena and I so love it...
Laughter is the Best Revenge

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2818
  • Karma: +119/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #140 on: January 19, 2013, 01:33:09 PM »
Shits, Inlove na talaga sila sa isat isa, tama ba ang nabasa ko, may something na sa kanilang dalawa, at si Mommy Leila, ahahaha super agree sya kai sheena and I so love it...

Wala pang something sa kanila... GROWING pa lang. Hahaha!!!!! Si Mommy Leila.. ayaw niya talaga sa gf ni Jasper. Makikilala mo pa siya ng mas bongga soon.  ;)

emyrae

  • jellybean
  • **
  • Posts: 216
  • Karma: +2/-3
  • Because I miss you
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #141 on: January 19, 2013, 03:18:21 PM »

Excited na po ako dito at sa mga mangyayare pa sa next update, pati sa isa mo pong story na Summer Job.. :)) kala koupdate na ahaha...
di pa pala... hehehe...

Laughter is the Best Revenge

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2818
  • Karma: +119/-15
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: One Night Stand Chapter 10- Underneath the Moonlight. ;)
« Reply #142 on: January 19, 2013, 03:45:49 PM »
Excited na po ako dito at sa mga mangyayare pa sa next update, pati sa isa mo pong story na Summer Job.. :)) kala koupdate na ahaha...
di pa pala... hehehe...

Ayy hindi pa. Baka bukas ko palang i-UD o sa weekdays na. May inaasikaso ako para sa portfolio namin eh. :)

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

On the Current

by: kaye, 2014-09-02

Reading: I haven't actually started reading Say What You Will by Cammie McGovern yet, but I will this weekend!! It was highly recommended to me by my younger sister Ela as an...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved