Chapter 10: UNDERNEATH THE MOONLIGHT
Tumingin naman ako sa lalake na nagsalita sa likod ko. Nagulat ako. Bigla kong nabitiwan yung kamay nung Carl na nagpakilala sa akin.
Ano bang ginagawa niya dito?
May problema ba, pare?
Are you stupid? I told you to let go of her hand!
Sino ka ba ha? Boyfriend mo ba to?!
Sasabihin ko na sana na HINDI kaso inunahan naman niya ako sumagot.
OO! May reklamo ka?!
Hinila-hila naman niya ako sa labas ng bar. Pagkalabas namin, nakatulala pa rin ako sa kanya tapos siya naman pawis na pawis. Tinanggal pa nga niya yung neck tie niya sa sobrang init at sa sobrang inis na rin.
ANO BA SHEENA?! HINDI KA BA NAG-IISIP HA? PAANO KUNG NAPANO KA DUN? MAY I REMIND YOU NA BUNTIS KA?! ANO BANG GINAGAWA MO DITO?!
Hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsasalita at nakatingin pa rin ako sa kanya. Ano ba ginagawa niya dito? Bakit ba niya ako sinisigawan? Ano ko ba siya? Lahat ng yan gusto ko itanong sa kanya kaso parang ayaw magsalita ng bibig ko.
Sheena?
Nung hindi ulit ako sumagot sa kanya, niyakap niya ako bigla tapos hinimas himas niya yung likod ko na parang nag-cocomfort. Ano ba nangyayari sa kanya?
I'm sorry. Nag-alala lang naman ako sayo. Sorry.
Di ko alam pero bigla na lang ako natauhan at natulak ko siya bigla.
Ano ba?! Bakit ka ba andito ha, Jasper?! At ano yung sinabi mo kanina dun? Tayo?! Kailan pa? Hindi man lang ako aware! Wow!
Worried lang ako sayo ha! Pasalamat ka nga at nilayo kita dun sa manyak na yun! And ikaw... bakit andito ka? Buntis ka tapos pumpunta ka sa ganitong lugar? Asan yung car mo? Ihahatid na kita!
Hihilahin na sana niya ako ulit ng biglang inalis ko na naman yung kamay ko.
Ano ba?! Di ako aso para hilahin mo ha! Tigilan mo nga ako! Uuwi ako kung kailan ko gusto!
Tsss... bakit ba ang kulit mo ha?! Halika na sabi eh!
Ano ba! Sabing kaya kong umuwi eh! Bakit ka ba nangingialam?!
Tsss... I care about you A LOT! I care about my baby! Ayaw kong mapahamak kayong dalawa. So please... kung ayaw mo pang umuwi... sumama ka na lang sa akin. Maglibot na lang tayo sa park. Wag dito sa loob. Madaming nag-ssmoke diyan at umiinom. Baka mamaya ano pa mangyari sayo. Sisisihin ko talaga sarili ko pag nangyari yun...
Umupo siya dun sa may sahig at parang nanlulumo. Tinignan ko naman siya tapos umupo na rin ako sa tabi niya.
Sa totoo lang... ayaw ko talaga makita si Jasper ngayon. Pag nakikita ko kasi siya naaalala ko yung gf niya na pumunta sa office kanina. Pero ano ba magagawa ko? Hindi ko naman siya matiis eh. Ano ba tong nangyayari sa akin?
Tumingin siya sa akin tapos yumuko na naman siya.
Hinawakan ko yung kamay niya tapos tumayo ako. Tumingin siya ulit sa akin tapos ngumiti ako sa kanya.
Hala! Hormones ko nga naman! Hayyy!!!!! Kung hindi mabait, masungit. Ayoko na ng ganito!!!!!
Tara na! Kung ayaw mong magbago na naman ng gusto ang hormones ko... iiwan kita dito.
Yuuuun!!
Tumayo siya agad at sakto naman na sobrang lapit ko sa kanya kaya halos magkadikit na yung katawan namin at malapit na ang lips namin sa isa't isa. Sa gulat ko bigla ko na naman siyang naitulak.
Aray naman! Nakaka-ilan ka na ha!
Tara na nga!
Teka... alam mo ba saan tayo pupunta? Bakit ba namumula ka?
Hinawakan ko naman yung psingi ko at sobrang init ko. Partida, hindi pa ako umiinom nito ha.
Ma---mainit lang. Saan nga tayo pupunta?
Chill. Wait ka lang. Maganda sa park ngayon. Nakita mo na ba?
Duh! Mukha ba akong pumupunta sa park ng ganitong oras ng gabi?
Sa bar nga nakakapunta ka eh.. sa park pa kaya? Mas maganda nga sayo dun kaysa sa bar.
Natahimik naman ako nun kaya di na lang ako nagsalita. Tsss... akalain mo yung may isip din pala tong si Jasper. Hindi lang puro hangin. Actually, kasi nung college kami, akala ko wala siyang ibang alam kung hindi bola at hangin. May ibubuga din pala kahit minsan.
So... how are you?
Sasabihin ko ba sa kanya na dinalaw ako nung gf niya. Ano nga pala yung name niya???
Okay lang naman... ikaw?
I'm fine. Stress sa work and all that. Pero okay naman. Inspired eh.
Inspired? Mukhang masayang-masaya kayo ng gf mo ah. Congrats sa inyo.
Si Cass? Hahaha!!! No no no. Actually, this past few days naiinis ako sa kanya. Wala na siyang ginawa kung hindi tanungin ako saan ako pupunta, sino kasama ko, what time ako uuwi. Hay! Nakakabaliw! Para akong may instant Mommy! But I guess, I just have to accept her.
Mahal niya talaga si Cass... bakit ganun? Bakit parang naiinggit ako? Teka teka... wala naman akong karapatan mainggit ah?
Eh bakit ka inspired?
Because of you, our baby...
Because of you, our baby...
Because of you, our baby...
Because of you, our baby...
Because of you, our baby...
Because of you, our baby...
Parang naging isang musika yung sinabi niya na yun sa akin. Anong nangyayari sa akin? Bakit parang... bakit natuwa ako sa sinabi niya? Bakit.... bakit.... bakit kinikilig ako?
Are you okay? Are you cold?
Binigay niya sa akin yung jacket niya then umupo kami dun sa bench sa ilalim ng puno. Tama siya, maganda nga yung park... may mga christmas lights siya then naka-open yung fountain sa may gitna, plus yung moonlight. Iniwan ko siya dun sa may bench then dumiretso ako sa may swing. Umupo ako then nagswing ako.
Nakita ko naman si Jasper na nakatingin sa akin and nakangiti siya. Hindi ko alam kung ano sumanib sa akin pero nginitian ko rin siya. Lumapit siya sa akin tapos ako nagswing lang ako ng nagswing. Dahan-dahan huminto na rin yung swing. Ilang minuto lang, umupo na rin siya sa swing na nasa tabi ko.
Nakakatuwa kang tignan. Para kang bata.
Hahahaha!!! Inggit ka naman? Namiss ko kasi to. Minsan lang ako makapunta dito eh. And most of the times, pag hapon lang kaya madaming bata. I miss being a child, sometimes. Ang hirap kasi pag only child.
I know the feeling.
You know what? I realized... pag lumabasa na si Little Chap... dadalhin ko siya palagi dito.
Little Chap? Yan ang tawag mo sa anak natin?
Natin. Yan na naman. Ako naman si weirdo... napapangiti pag sinasabi niya yan.
Yup. Di pa naman kasi natin alam ang gender di ba? So... Little Chap na lang muna.
Alright.
Alright? Yun lang? Di ka makikipag-argue?
Bakit naman?
Ewan ko...
You know what... I just realized....
Ano yun?
You are indeed beautiful. I mean beautiful not only because you are, physically... but you are beautiful... inside and out. No sane person would carry the child of her archnemesis, right?
I guess... I'm insane?
Hahahhaha!!!!!! I guess?
I really don't know how and when it happened but little by little...
he knelt in front of me....
held my hand...
and kissed me gently and sweetly on my lips.