Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 5~ Late 'comeback' UPDATE!!!  (Read 1299 times)

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4929
  • Karma: +255/-31
  • Master's Degree! :)
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 3~
« Reply #15 on: June 24, 2012, 09:57:54 pm »
haha aliw . Ren nga pala hehe.

Thank you Ren! :)

Nakuuu SOLIEKA! Ikaw na talaga!!! hahaha pwede bang palitan nalang kita? I'll give you Indefinite LEAVE!  ;) with pay palitan ko lang yang role mo hahahaha  ;D

love it! ako kaya kelan makakakilala ng sariling Prince hay  :-[

(ayos lang friend naman kami nung author eh mas mayaman na ako wahahahaha!!! :) Pwede naman diba Ms.Pau?)


Naku Soleika papalitan ka na raw ni charity. Ano go ka? Ako rin tanong ko rin yan sa sarili ko Charity. Ha ha... ;) Oo naman we are already friends.  :)

Hi Soleika~ Pwedeng share tayo sa prince charming mo? ^-^
Tumambling at gumulong gulong ang puso ko sa mga update~ :D Homaygas! May mga bruha kaagad... *tingin sa kanan at sa kaliwa* Ikulong sa loob ng haunted house ang mga iyan~~ ng naka rubber shoes :D
Ummm... Miss Cynclair, pwedeng pag-aralin mo ako ng libre sa school na yan? Kahit isang taon lang :P Kung hindi... Miss Menchi~ May bakanteng posisyon ba dyan sa mansiyon~s?

Nakalimutan ko... Hello Ate Pau! *kaway-kaway~*

Ha ha... tara nga Angelique samahan natin si Soleika na ikulong sila sa haunted house. Gusto ko yan ideya mo. Ha ha... May bakanteng posisyon talaga? Hello Angelique! Super wave!  ;)



Sa probinsya, 50 o mahigit pa ang estudyante sa loob ng isang klase. Iba pala talaga dito sa Manila lalo na sa isang exclusive school. Halos wala pa sa dalawampu ang nasa loob ng klase. Hinanap agad ng mata ko si Prinz at sa kasamaang-palad ay may katabi na siya. :( Wag masyadong malungkot Soleika, LALAKI naman ang katabi niya. ;) Sabi ko nga…

Maglalakad na sana ako papunta sa likod ni Prinz para umupo ng may…


“PSST!”


Hinanap ng mata ko yung tumawag sa pansin ko. Isang babae na curly ang hair hanggang sa balikat ang biglang umiling sa akin at sumenyas na tumabi sa kanya! :o
Hindi sana ako susunod kung hindi lang tumunog ang bell at ang tanging bakanteng upuan na malapit kay Prinz ay sa babaeng sumipol sa akin.

“Buti naman hindi ka umupo dun dahil kung hindi mapapagalitan ka lang ng prof.” ;)

Nakakatuwa naman at parang lahat ng mga nakilala ko ang friendly at ang babait pa! ;D

“Ah thank you…” Napangiti ako sa kanya. “Bakit nga pala ako papagalitan? Masama po bang umupo dun?” ??? At nginuso ko talaga yung pwesto sa likod ni Prinz.


Mula sa malaki niyang shoulder bag ay may nilabas siyang… BIBLIYA? :o :o :o



“This is a STUDENT’S HANDBOOK.” Hooh akala ko kung anong libro na!  ;) “It was written here that BOYS and GIRLS should sit separately.”

Kaya naman pala siguro sa pwesto ng aking prince charming ay LIMA SILANG LALAKI at dito naman sa kinauupuan ko ay LABING-LIMA kaming babae. Ibig sabihin niyan imposible kong makatabi si Prinz sa buong school year? :-\ :( Wag ka ng malungkot Soleika, isipin mo sa panaginip lagi naman kayo magkatabi! ;)


“I forgot to introduce myself. I am WINXELLA AFRICA, call me Xella.”


Inabot ni Xella yung kanang kamay niya sa akin at katulad kanina kay Cynclair alanganin akong kunin. Bakit ba kasi nauso pa ang handshake? :-\ :-X

“I’m sorry my hands are dirty. My name is Soleika Santiago.”    

Hindi naman niya pinansin yung tungkol sa kamay ko dahil mabilis pa sa segundo na kinuha niya yung dalawang kamay ko at tuwang-tuwa na sinabi na…


“I loved your name! Can I can you SOLLY instead?” :D

Ay sus! Tinanggap ko na nga yung nickname na LAYLANI ngayon naman SOLLY? :-\ :(

Napakagat-labi ako, “Just call me LAYLA.” Please Lord let her consider my second name! ;)

“Okay Layla… You know…” At nagsimula ang walang katapusan kwento ni Xella tungkol sa sarili niya habang ako nakikinig pero ang mga mata ko ay nakatitig kay Prinz.


“Sigurado ka ayaw mong sumabay sa akin?” ???

Uwian na namin at hindi nga ako makapaniwala na, I survived! ;) Lahat kasi ng kaklase ko ay anak-mayaman tanging ako lang yata ang nandito dahil may nagbabayad sa tuition fee ko.

Napailing ako kay Xella, “Wag na, out of the way talaga.”    
Simula pa kasi lunch time ay kinukulit niya na ako na sumakay sa LIMOUSINE nila na talaga naman takaw-pansin.  ::)

“Okay sige sabi mo. Ingat ka ha lalo na yan paa mo. See you tomorrow! Excited ako sa Spanish class natin, gwapo raw yung professor natin...”   ;) Kumindat siya sa akin bago dali-daling umaandar yung limo niya.


Mukhang si Xella lang ang magiging ka-close ko sa buong klase. Mabait naman yung mga kasamahan namin babae pero pakiramdam ko minamata nila ako lalo na yung dalawang INTRODUCE YOURSELF na ginawa namin.


“So what is your FATHER’S WORK, Miss Santiago?” Tanong ni Sir Pitchy, ang professor namin sa Foreign Ethics.

Napakagat-labi ako, “Actually Sir, I haven’t seen my father since I was a child. I just knew that he was a SOLDIER.” :-\ :-X

At nag-umpisa yung bulung-bulungan ng mga kaklase kong babae. Tanging si Xella lang yung nag-thumbs sa akin at humanga sa tatay ko.

Mas matindi yung binatong tanong sa akin ni Sir Arnie, ang professor namin sa World History.

“What places have you been Soleika?”

Hindi ko talaga napigilan yung sarili ko na mapalingon kay Prinz bago ko sinagot yung tanong ni Sir. Nakatitig siya sa akin pero hindi ko mabasa yung ekspresyon niya.


“I grew up in the province Prof and Manila is the first place I’ve been.”


Nagtawanan yung mga kaklase kong lalaki maliban kay Prinz at sa katabi niya. Yung mga babae naman ay napa-OMG at nakisabay na rin makipagtawanan sa mga lalaki. Sa puntong yun parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko.
:-\ :'(

Napapikit ako at binulungan yung sarili ko na, ‘Wag kang mapaa-apekto sa kanila Soleika! Go go!’ ;) Bumuntung-hininga ako bago nginitian ang sarili ko at nag-umpisa ng maglakad papauwi.  :)

Masakit man ang paa ko ay kinaya ko talagang ihakbang yung kanang paa ko suot pa rin yung pinakamamahal kong rubber shoes. Hindi pa ako nakakalayo sa campus ng may humintong sasakyan sa harap ko.

Nagbukas yung bintana mula sa likurang upuan.


“Hop in Soleika.”



Si Prinz!
:D :-[

“Prinz I can’t… That will be very embarrasing.” :-[ Kahit gustung-gusto ko na talagang sumakay sa loob at tabihan ang prince charming ko! ;) :P ::)


Hindi ko inaasahan yung biglang pagbukas ng pintuan at…



PAGBUHAT SA AKIN NG MAHAL NA PRINSIPE!



“Let’s go Mister Vic.”


Nasa loob na talaga ako ng porsche ni Prinz at KATABI KO PA TALAGA SIYA! :D Hindi ko tuloy alam kong magpapasalamat ba ako o hihingi ng tawad.  :-[ :-\ Ano naman ang hihingi mo ng paumanhin, Soleika? Yung kanina na sinabi ko. Baka isipin kasi ni Prinz na nag-iinarte ang chambermaid niya.

“Prinz…”

“No need to say thank you.”

Napatango ako at nanahimik na lang sa buong biyahe. Ang tanging naririnig ko lang eh yung bilis ng pintig ng puso ko at kahit na kumikirot yung paa ko ay inindya ko na lang yung sakit.

Just savor the moment Soleika! Minsan mo lang makatabi ang one and only love of your life mo kaya go go! ;) :D


“We are here Prinz.” Ay nasa mansyon na kami! Ang bilis naman ng biyahe parang wala pang 30 minuto… :P

Tumango si Prinz at narinig kong nagbukas yung pinto sa tabi ko.

“You go ahead Soleika.”

“Prinz?” ??? Bakit ako ang pinapauna ni Prinz? Eh di ba siya dapat ang mauna dahil amo ko siya? ???

Nagkatitigan talaga kami ni Prinz at kung hindi lang sa paglunok na malakas ni Mang Vic ay hindi matatapos yung moment namin. No choice ako na ang naunang lumabas.

   
“Good afternoon Prinz, how is your… SOLEIKA?” :o

Si Miss Menchi talaga yung sumalubong sa akin. Gulat na gulat siya ng makita akong lumabas ng kotse ni Prinz. Magsasalita sana ako sa mayordama namin pero inunahan ako ni Prinz na nasa likuran ko na pala! :o


“Miss Menchi good afternoon.” Nag-bow si Miss Menchi bago napangiti kay Prinz,  “Thank you for the warm greeting.”

“You’re most welcome Prinz.”

Lalakad na sana papalayo kay Prinz pero napahinto ako sa balak ko dahil sa sumunod na pinahayag ni Prinz.


“Miss Menchi, SOLEIKA will take a rest tonight. No working hours.” :o


At pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya papasok sa mansiyon.

Napatingin sa akin si Miss Mench bago sumunod na rin kay Prinz.

Yehey! Rest day tonight! :D  Ang bait-bait mo talaga mahal kong Prinz! :-* Napatalon ako sa tuwa kaso bigla kong naalala yung paa ko. Ouch! :-\ At pumasok na rin ako sa mansiyon na iika-ika.  :(
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

limejuice

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 3~
« Reply #16 on: June 25, 2012, 01:19:37 pm »
ganda!!!


kip it up.gudlak.

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2500
  • Karma: +64/-13
  • Senior Citizen
    • Homepage
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 3~
« Reply #17 on: June 25, 2012, 04:42:00 pm »
Naku Solly, huwag mong intindihin yang mga kaklase mo. At sino naman yung katabi ni Prinz na hindi nakitawa? Gwapo ba Solly? ^-^

Ang swerte mo Soleika! :D :D :D Ako na lang ang tatalon at tatumbling para sa'yo :D

Miss Menchi!! Wala pa rin bang bakanteng trabaho dyan sa mansiyon? ???
the prologue is perfect
FFTMHBLOG

sakurabella

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +2/-0
  • Soul Searching
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 3~
« Reply #18 on: June 25, 2012, 06:59:38 pm »
Isa lang ang masasabi ko may lihim na pagtingin sakin si Prinz  :-[  ;D
Nice naman so far ang babait ng friends ko LOL!!! (inangkin talaga yung role eh noh?)
[/font]
I wanted to be happy but when I decided to pursue it everything become to complicated. Will I ever find my true happiness?

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4929
  • Karma: +255/-31
  • Master's Degree! :)
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 4~ Keep safe everyone! :)
« Reply #19 on: August 08, 2012, 08:05:34 pm »
ganda!!!


kip it up.gudlak.

Hi! Paula here. Name mo po? Thank you. :) Hope you like the next update.  :)

Naku Solly, huwag mong intindihin yang mga kaklase mo. At sino naman yung katabi ni Prinz na hindi nakitawa? Gwapo ba Solly? ^-^

Ang swerte mo Soleika! :D :D :D Ako na lang ang tatalon at tatumbling para sa'yo :D

Miss Menchi!! Wala pa rin bang bakanteng trabaho dyan sa mansiyon? ???

Ha ha... Malalaman natin yan kay Solly. Solly talaga? ;) Wala pa rin daw Angelique. Thank you. ;)


Isa lang ang masasabi ko may lihim na pagtingin sakin si Prinz  :-[  ;D
Nice naman so far ang babait ng friends ko LOL!!! (inangkin talaga yung role eh noh?)
[/font]

Ha ha! Gusto ko yan Charity! Ayos! ;) Thank you.


Wow! Halos one month na pa akong hindi nag-uupdate. Pasensiya na po, I was very busy because of grad school. Every meeting we have homework. I hoped you still read this story. I’m keeping this thread alive. I wished everybody is safe. Take care. Enjoy this update. –PAULA- 

Kung si Mareng Cinderella ay nakaiwan ng sapatos, ano naman ang tawag sa akin na nakaapak ng pako? :-\ Mabuti pa nga siya eh nabalik ang sapatos at naisuot niya, ako hindi na. :(

“Pasensiya ka na…”
   
Napabuntung-hininga ako at isusuot ko na sana ang sirang rubber shoes ko ng may kumatok. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan.

“Miss Menchi!” :o Bakit sino ang expected mo? Si PRINZ? :D

Pumasok si Miss Menchi at napadako ang tingin niya sa sira kung sapatos.

“Susuotin mo pa rin yan?” ???

Napakagat-labi ako, “No choice po eh.” :-\

Napailing siya bago may nilabas sa likuran niya at inabot sa akin.

“Ano po ito?” ISANG BOX ang kinuha ko sa kamay ni Miss Menchi.

“Open it up.”

Nagtataka man ako ay sinunod ko na lang si Miss Menchi. Binuksan ko yung karton at laking gulat ko sa nakita.  :o Sarado, bukas ang bibig ko. Hindi ko alam ang dapat kung sabihin kaya naman…



NIYAKAP KO SIYA! ;)



Nabigla naman siya sa ginawa ko. Kung si Mareng Cinderella may Fairy Godmother, ako meron Miss Menchi! ;)

Bumitaw ako sa kanya at napangiti sa kanya. Magpapasalamat sana ako sa kanya pero inunahan niya akong magsalita.

“No need to say thank you. Basta suotin mo na yan at umakyat ka na sa kwarto ni Prinz.”

Tumango ako kay Miss Menchi at lumabas na siya sa kwarto ko. Napatitig ako sa ‘bagong leather shoes’. Ngayon lang ako nagkaroon nito at kahit simple lang ang design sobra kung na-appreciate. ;) Kinuha ko ang sapatos at sinuot. Sakto! Nakakatuwa! Alam ni Miss Menchi ang sukat ng paa ko! :D ;)

Nilagay ko yung luma kong sapatos sa karton at nilagay ko sa damitan ko. Ayoko siyang itapon dahil matagal ko siyang nakasama.

“Tara new shoes! Let’s go to my Prinz’s room!” ;) :D



Kakatok pa lang sana ko sa pinto ni Prinz ng bumukas ito at iluwa ang pinakagwapong lalaki para sa akin. ::) :P

“Good morning Prinz.” Nangangatog na naman ang mga paa ko.  :-[

“Good morning Soleika. Did you have a nice sleep?”

Oo naman Prinz, ikaw ba naman ang nasa panaginip ko.  :D :P More than nice sleep pa! Ayoko na ngang magising. ;)

“Yes Prinz I had. Thank you.”

Ngumiti siya sa akin at gusto ng malaglag ng panty ko. :P “Do your feet still hurt?”

Umiling naman agad ako sa kanya. “My feet are fine. It can walk miles already.” May konting kirot naman pero kayang-kayang igalaw.
   
Napatango siya bago napatitig sa mga sapatos ko.  Hindi ko alam kung bakit tinago ko ng bahagyang ang isang paa ko sa kabila.

“Prinz the car is ready.” Ano ba yan? Sumulpot na naman si Manong! Sira na naman ang moment namin ni Prinz. :(

“Thank you Manong.” Naglakad na pababa si Kuya at tinalikuran na ako ng prinsipe ko.

Papasok na sana ako sa kwarto ni Prinz ng tinawag niya ang pansin ko. Akala ko ba aalis na siya? May nakalimutan kaya siya? Mukhang meron Soleika… Yung GOODBYE KISS nakalimutan niya! :-* ;)


“Nice shoes.”   8)He smiled at me before walking down the stairs.



Para akong nabunutan ng tinik ng madaan sa quadrangle, safe and sound.  Nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat. :o  Dyos ko naman! Akala ko ligtas na! :-X
Unti-unti akong humarap sa likuran ko.


“Soleika okay lang? ??? Parang nakakita ka ng multo ha...”

“Aatakihin yata ako sa puso Xella. Akala ko yung mga girls na kahapon.”

Natawa si Xella sa sinabi ko. ;D  “Takot lang ng mga yun kung lalapitan ka pa nila. Pasok na tayo sa room...”

Sabay na kaming umakyat papunta sa room at pagdating dun ay hindi ko inaasahan ang mga nakita ko.


Bawat dingding ay may NAKADIKIT na mga PANGALAN na parang NANGANGAMPANYA.


“Election of class officers’ ba ngayon?” ???

Tumango si Xella at umupo sa pinakadulo ng classroom kung safe sa mga nagkakagulo namin mga kaklase. Tinabihan ko na siya habang hinahanap ng mga mata ko si Prinz.

“Pag pasensiyahan mo na ha, ganito kagulo ang election of officers dito. It’s a big deal for everyone to win and have position.”

Kaya naman pala kanya-kanyang plataporma ang nakasulat pati sa white board.   ;) May mga kaklase akong nagtatawag ng pansin para iboto at yung iba naman ay nagbibigay ng flyers sa mga pumapasok ng room.

“You are not interested to be part of the officers?” ???

Napailing sa akin si Xella bago napatingin sa bagong linis niyang kuko.
“Being an officer, oblige you too much responsibility. Mas masaya maging karaniwang estudyante...” ;)

Kung sabagay may punto siya dun. Tinignan na yung pader na malapit sa akin. Wala naman akong pangalan pero teka bakit meron…


SEBASTIEN…




BE MY ESCORT!
:o



Sinong nag-iimbita sa prinsipe ko na maging escort niya? ??? Hahawakan ko sana yung poster ng pumasok yung adviser namin. Umupo agad ako sa tabi ni Xella na umaayos na ng upo.


“Wow! I can see so many names and colors within our wall. I guess everyone wants to be part of the class officers?” :)

Malakas na cheer yung sagot ng mga kaklase ko. Pumunta sa gitna yung adviser naming at nagsimula na ang botohan.

Nanalo ang pinakamaraming binigay na flyers sa halos lahat ng posisyon. Akala ko tapos na yung election may pahabol pa pala.


“I know that MUSE and ESCORT are for high school students only yet I still want two more names to be added on the list.”

May nagtaas agad ng kamay at nagtanong ng, “For what purpose Ma’am?” ???

“Good question. Usually we have events and of course we need representatives. It will be nice if we just vote two persons that can participate and represent our section.”

“I think that is a splendid idea.” Bulong ni Xella.

“Yes Xella?” ;)

Nagkatinginna kami ni Xella, gulat na narinig pa yun ng adviser namin! Grabe ang radar ni Ma’am! :o  Tumayo si Xella, napatingin kay Ma’am at sinabi muli ang pinahayag niya sa akin.

“I think that is a splendid idea, Ma’am.”

Napangiti si Ma’am at umupo na si Xella na napabulong ulit sa akin.

“Next time I’m going to shut my mouth na.” Napangiti ako kay Xella na napapailing pa rin sa akin. ;)

“Now, raise your hands and start nominating your ESCORT and MUSE.” 


Pagkatapos ng isang minuto, anim na pangalan ang nakasulat sa board.

ESCORT NOMINEES:

Arty
Danilo
Sebastien


Kasama si Prinz! Siyempre siya ang iboboto ko!  :D ;)

MUSE NOMINEES:

Rhena
Kaye
Soleika



Sandali ha… Bakit nasama pangalan ko?! :o :o :o

Napatingin agad ako kay Xella at nagkibit-balikt siya sa akin. Sino ang nagnominate sa akin? :-\

“Let’s start now the voting.”

Botohan na agad? Hindi man lang ako nakapag-second in motion. :-\ :-X

Napalingon ako kay Prinz na nakatutok lang ang mga mata sa board. Buti pa siya kalmado lang ako kabado.


“Hey para ka ng hihimatayin diyan.”

“Eh kasi naman…” Napakagat-labi ako.  “First nomination ko ito tapos muse pa.” :(

“Sus! Yun lang pala… Wala lang yan…  I’m voting for you kaya naman cheer up. Your confident level should be high.” ;)

“Susubukan ko…”    

“Are you ready for the results?”

“Yes we are!”

Napasulyap ako sa board. Burado na yung mga pangalan ng nominees at sasabihin na ni Ma’am ang mga panalo. Sigurado ako na ako ang pinakonti ang boto. Ano ba naman ang laban ko sa height ni Rhena at sa angelic face ni Kaye? :( Isa lang naman akong ordinaryong probinsiyana.



“And the winners are…



Our escort is none-other than…




Yes, you…



SEBASTIEN.
Yahoo! Nanalo si Prinz! :D :D :D Ang swerte naman ng magiging muse niya. Sayang di ako… :-\ :(

Tumayo si Prinz at pinalakpakan namin siya na bagay na bagay talaga maging escort. Ang gwapo talaga niya… ;)


“And lucky girl who is


Our muse is none-other than…



Don’t stop believing…




SOLEIKA.



AKO? :o :o :o :o Ako talaga ang MUSE?! Paano nangyari yun? ??? :-\
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

qw3rTy_13

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 500
  • Karma: +42/-5
  • bagong gising.xD
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 4~ Keep safe everyone! :)
« Reply #20 on: September 16, 2012, 09:38:31 am »
sa tagal kong hindi nagpupunta sa creative corner.eto una kung napansin.hahah.

nice one ate pau.. :)

kcds

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 64
  • Karma: +2/-0
  • Crissyness
    • SeeMyEyes
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 4~ Keep safe everyone! :)
« Reply #21 on: December 26, 2012, 04:51:51 pm »
Sana naman maituloy to. Ang cool kaya ng story.  :D

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4929
  • Karma: +255/-31
  • Master's Degree! :)
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 5~ Late 'comeback' UPDATE!!!
« Reply #22 on: March 29, 2013, 10:16:33 pm »
sa tagal kong hindi nagpupunta sa creative corner.eto una kung napansin.hahah.

nice one ate pau.. :)

Wow! Thank you! Sana okay memory ko. Karla right? If mali sensya na. Paremind na lang name. :)

Sana naman maituloy to. Ang cool kaya ng story.  :D

Hi! Thank you! Paula here. Name mo po? Sorry natagalan continuation. i hope you can read it. Million thanks. :)



Hi po! Sorry for this very late update. Actually matagal na yung last. I’m keeping this thread alive again. Next update: Not sure pa but I will try on Sunday. Thank you po! I hope you like it. –Pau ;)

Masigabong congratulations ang natanggap ni Prinz at ako iilan sa kaklase ko ang lumapit at bumati sa akin. :( Yung iba feeling ko pa, napilitan lang. Nalulungkot nga ako at dahil may narinig akong bulung-bulungan.  :-\

“Ay ano ba yan representative natin walang dating!”


“Hay naku! Say mo pa! If there is a UN celebration, she definitely can represent Miss Africa!”
:'(


Sakit sa puso naman yung sinabi nila. :( Gaano ba ako kapangit? :-\

Napabuntung-hininga na lang ako, sabay isip ng medyo positive thoughts.  Sa tanang buhay ko na pagiging probinsyana, hindi ko inaakala na magiging MUSE ako ng isang section lalo pa’t magaganda at nagsisiputian ang kutis ng mga kaklase ko. ;) Ano bang laban ng kutis kung kayumanggi na kapag binabad mo sa araw ng isang oras lang ay magiging tsokolate na? :P


“Uy Soleika!”


Nagulat ako sa pagtapik ni Xella sa balikat ko. :o  Lunch time, nasa cafeteria kami ng university. Hindi pa ako nakakapasok sa Starbucks pero sabi ng mga kaklase ko, yung cafeteria namin para raw Starbucks the second.

Umupo si Xella sa tabi ko na umorder ng large frapuccino na favorite niya at ako ayos na yung maligamgam na tubig na lang sineserve sa akin ng mabait na ate sa counter. ;) Wala naman kasi akong pera para bumili at isa pa baka hindi ako lalo makatulog sa gabi. Di na nga ako dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip ko kay Prinz. ::) :D

“Ang lalim na naman ng iniisip mo…” She sipped her frapuccino.

Napabuntung-hininga ako bago napatingin sa labas. “Huwag mo ng masyadong dibdibin yung pagkakapanalo mo because you deserve it...” ;)

Kung pwede nga lang hindi eh kaso… Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Xella.


“He is freaking handsomely, interesting!” :D


Hindi ko inasahan yung pinahayag ni Xella na napatitig bigla sa labas. Napadako ako ng tingin dun sa tinititigan niyan at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko.



MAY DALAWANG PIGURA SA TAPAT MISMO NG PWESTO NAMIN!


Ang isa ay nakasuot ng salamin na seryosong kausap ang matangkad at makalaglag-upuan talaga sa kagwapuhan.
:P


“Prinz… I mean Sebastien?” Type ni Xella ang Prinz ko? :o Friednship over? :-\

“Huh? No, it’s not Sebastien.” At abot-tenga ang ngiti ni Xella na napainom na lang ng frapuccino niya.

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kay Xella. So hindi si Prinz ko kundi si AVEN ang type niya! :D

Halos maputol na ang leeg ni Xella sa pagsunod ng tingin kay Aven na pumasok rin ng cafeteria at si Prinz, OMG! Sumunod rin sa kanya. ::)

“Oh Xella, saan ka pupunta?” ??? Napatayo kasi bigla si Xella.

She winked at me before whispering,  ;) “I’m going to my PRINCE.” At bago pa ako makapagsalita ay mabilis siyang naglakad papunta sa counter kung saan nakatayo sina Prinz.

Sinundan ko ng tingin si Xella na muntik-muntikan ng mapasubsob kay AVEN kung hindi siya nasalo ni Prinz! :P

Naku naman! Nagpaka-knight in shinning armor na naman ang Prinz ko! Lalo tuloy akong naiinlove ako sayo niyan eh. :-[ :P

“Are you okay?”  Narinig ko ang sinabi ni Prinz kahit halos sampung hakbang ang layo niya sa akin. Iba talaga ang pandinig mo ha Layla kapag si one and only lovey dabs mo ang pinag-uusapan!  :D Oo naman kailangan yun eh! Baka kasi alam mo na, may sabihin siya bigla tungkol sa akin.  :-[ 8)

“Ah yeah.  Thank you Sebastien.”

“Are you sure you are okay Xella?” Aba nagtanong si Aven! Good sign! :)

Namula yung pisngi ni Xella bago pasimpleng napalingon sa akin at kumindat ulit. :-[ ;)

“Actually I’m fine. Sorry if I interrupt you.”

Napailing si Aven bago nginitian si Xella, “Not at all. Do you want to order? Una ka na sa amin.” :) Wow naman! Kainggit si Xella! Super gentleman naman ni Aven! :D Kaya naman pala walang duda na magkaibigan sila ni Prinz! :)

“Thank you. Actually I ordered already.” Napahinto siya bago tumingin ulit sa gawi kung saan ako nakaupo at nilagok ko na yung huling laman ng tubig ko.

“And my friend is waiting for me.” Sus me! Talagang kailangan pa talagang sabihin yun? :-[

Maagap akong napatitig sa hawak kung baso na unti-unti ko ng binaba sa lamesa. Alam ko kasing nakatingin sa akin sina Prinz.

Hindi ko na makita at marinig yung sumunod na pangyayari. Basta ang alam ko lang ilang minuto ang nakaraan ay may sumulpot sa harap ko.




ISANG TUMATAGINTING NA PAPER CUP! :o :o :o




Inaangat ko yung paningin ko. “Xella?” ??? Kala ko naman si Prinz. :-\


“MAY NAGPAPABIGAY SA IYO.”


Sa akin? :o  “Sino?” ???

Imbis na sagot ay nginuso ni Xella yung plastic cup at dun ko lang napansin yung nakasulat kong PANGALAN at may mensahe sa baba.



Congratulations! Enjoy your frappe. –P


OMG!!! Ang puso ko! :D :D :D
Galing kay Prinz itong frappe! [/b] 8) :D Parang gusto ko na yatang mahimatay! Sandali lang ha Solly, inumin mo kaya muna yan.  ;)


“Solly okay ka lang?” ???

Oo naman, okay sa alright! ;) “Super okay...”   

Napalingon ako sa counter para magpasalamat kay Prinz kaso wala na siya at si Aven na lang ang natira.

“Hinahanap mo ba si Sebastien?” ???

Para akong basing sisiw na napatango kay Xella. “He just ordered his cup then he went out of the cafeteria. Nagmamadali parang may hinahabol.”

Ha? Nagmamadali? ??? “Sumakay ba siya sa sasakyan?”    

“Yes, silver car.”

Napangunot-noo ako, Silver car? Eh hindi naman yun ang royal vehicle! :o ??? Kanino naman kaya sumakay si Prinz? ???

Napatayo na ako at nagulat naman si Xella sa pagkuha ko ng backpack ko.

“Uy saan punta mo?” ???

“Uuwi.” I need to escape and find Prinz! ;) Baka mamaya may… wag naman sana…   :-\ :-X

“Uuwi? May isa pa tayong class after lunch.” Nilagay ni Xella yung kamay niya sa beywang niya bago napataas ng kilay sa akin. “Wag mo sabihin na magcucut-off ka?” ???

Shoot ayoko! :'( Pero kasi baka kung ano ng nangyari kay Prinz. Layla di ba nga sabi ko hindi ka naman bodyguard ni Prinz? Eh bakit parang mag-aala bodyguard ka ngayon? ???

“I really need to go home.” Naglakad na si Soleika at nakakailang hakbang pa lang siya ng binalikan niya ng tingin si Xella.

“Just tell our professor I’m in the clinic.” At hindi na siya nagpapigil kay Xella.

Maagap siyang lumabas ng cafeteria para hanapin ang silver car na nowhere to be found.

Wag kang mag-alala Prinz, hahanapin kita. :) At hawak-hawak ang paper cup na binigay ni Prinz ay tumakbo ng mabilis si Soleika papunat sa gate ng university.
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

kcds

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 64
  • Karma: +2/-0
  • Crissyness
    • SeeMyEyes
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 5~ Late 'comeback' UPDATE!!!
« Reply #23 on: April 02, 2013, 01:47:56 pm »
Kathleen po ako.  :D Tae, anong instinct ba meron si Soleika haha. Baka mapahamak pa siya sa gagawin niya eh.  :(

sakurabella

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +2/-0
  • Soul Searching
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 5~ Late 'comeback' UPDATE!!!
« Reply #24 on: April 02, 2013, 01:54:19 pm »
Waaaaaaahhhhh  :D

I miss you Prince  :-[  ;D
Oh how I miss the tandem of these new loveteam.
I miss the story, the character especially the author...

ayyyiiiieeee smile n yan  ;D
Miss your presence Ms. Pau, ngayon lng ulit ako nag open since hindi na rin kayo nag a-update hehe...then can I say, MORE MORE MORE UD PlS...HaHa sorry for being demanding. I just miss it reading here.

 
I wanted to be happy but when I decided to pursue it everything become to complicated. Will I ever find my true happiness?

itsizza

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +0/-1
  • I'm friendly. Talk to me :)
Re: I am 'MAID' to your HEART ~ROYAL UPDATE: 5~ Late 'comeback' UPDATE!!!
« Reply #25 on: April 02, 2013, 07:27:01 pm »
Hello po! New reader po. :) Kinikilig naman ako kila Prinz. :') Haha. Update na po. :)

 

Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version

CANDY BLOG

Where We Traveled: Korea

by: angel, 2013-05-15

I'm not a K-Pop fan and I've never watched any Koreanovelas, so when my friends decided to go to Korea for our next barkada trip, I was only moderately excited. But after spending...


TEENTALK