Three..//Second way.."HUWAAAAAT?!"
"Seryoso, Mela?"Di sila makapaniwala sa kinukwento ko. Sinasabi ko kasi'ng nakakilala ako ng guy. Mystery guy siya sa'kin kasi siya yung nagbigay ng panyo at tumulong sa'kin nung sa Star City. Pero hindi siya yung mystery guy na nagbigay sa'kin ng magazine. Hindi ko kasi talaga maalala yung pagmumukha nung lalaki'ng 'yun eh.
"Oo nga. Cute siya. Gwapo din. Chinito. Cute kapag naka-smile. At hindi ko alam kung bakit ko siya dine-describe sa'inyo." Sabay batok sa'kin nila Jamin.
"New lover mo 'yun, girl!"
"Korek! Wag mo na pansinin si Kevin. Paepal lang 'yun sa life mo eh."
"Agree! At nakakatuwa kasi successful ATA ang first way!"
"Yay! Kasi nakilala na ni Mela si GUY.." At nag-apir naman sila.
"Loka-loka talaga kayo. Osiya. Salamat sa day na 'to, girls. Chupi na! Gabi na oh. Mwah!" At nag-wave na rin sila para umalis..
Haaaay. What a dayyy.
---
Bago ako umalis papuntang school. Binasa ko muna yung second way sa magazine.
Two.. Get out of your head. It's easy to get caught up in all the disappointing details, in what went wrong, and in every happy moment that you think you'll never get back. Resist the urge to let your heartbreak rule your life--remember that outside your thoughts, there are a million other things going on..
Ohh-kaaaaay. Weird lang. Bakit ata bigla ako'ng nalungkot? Eh kakasabi lang na,
"Resist the urge to let your heartbreak rule your life.." di'baaa? Ang weird mo, Mela. Super weird..

Pumunta na naman ako ng school. Hindi ko nakita sila Jamin at Myra. San kaya'ng lupalop yung mga 'yun? Nako. Magkikita rin kami'ng mamayang lunch break.

Pumunta na ko ng classroom at konti pa lamang ang tao roon. Yung iba, nagkakatumpukan pa. Ano meron? Di naman ako late. Pero mukhang may balita na rito tapos late ako. -_____________-"
Umupo na lang ako sa upuan ko. At lumapit sa'kin si Cess. Ang chismosa ng section namin.
"Alam mo na baaaaaaaa?" Sabi niya sa'kin.
"Ah eh. Hindi eh. Ano ba 'yun?"
"May new classmate daw tayoooo! Lalaki daw eh. Kaya nakaka-excite kung gwapo ba or hindi. Pero maganda yung school na pinanggalingan. Gurabeh. For sure gwapings 'yun! Wala pa tayo'ng class officers dibaaa?" Tumango na lang ako.
"OY CLASSMATES! Kapag nagbotohan for officers. ESCORT natin si new guy if gwapo aaaaaah!?" Nagtilian naman yung mga girls at yung mga lalaki naman eh poker face lang. AKO? Ewan ko. Wala ako'ng reaksyon. Ano naman kung may new classmate diba? May magbabago ba? Magiging kami ba ulit ni Kevin?
Ooops.Bahala na nga.
EARPHONES ON. VOLUMES UP. IGNORE THE WORLD! \mm/
♫"Tulala lang..sa'king kwarto. At nagmumuni-muni..
Ang tanong sa..'king sarili.. San ako nagkamali?
Bakit sa'iyo pa nagkagusto..ohh.
Parang bula ika'y naglaho..
Bakit ikaw pa ang napili?
Ngayon ang puso ko ay sawi..
Kay simple lang ng aking hiling..
Na madama mo rin ang pait at pighati.."♫OFF.
Naker. Ba't eto ba yung unang nag-play???

Nakakaloka naman. Ba't ko ba naaalala?! Nakakairita nga naman oh.. Tiningan ko ang cellphone ko. At nakita ko naman ang date ngayon.. Kaya pala. Kaya pala ganito ka, Mela. KAYA PALA. :|
*Flashback..
February 14.
Excited ako. Pano ba naman, VALENTINES DAY hindi ba? Excited na ko'ng batiin ang valentine ko.
Guess what? 2 years na rin kami this daaaaaaaay! Ang saya-saya. I'm so haaaaaapppy! :">
Punong-puno ng booths ang school namin dahil nga sa Valentines day ngayon. Nako. Naaalala ko tuloy last Valentine. Nag-wedding booth yung section namin. At isa kami ni Kevin sa nagkroon ng wedding nun. At sobrang gulat ko lang kasi may sarili kami'ng ring. Provided by Kevin. :"""> Tapos parang totoo talaga as in. Haaaaaaay. Ang saya-saya nun.

Speaking of my lovey. Asna na ba siya? Kanina pa ko dito sa school pero di ko pa siya nakikita.
Tinext ko na pero no reply din. Anebe.

Pumunta na lang ako kina Jamin at Myra. Babatiin ko rin sila. Part sila ng Valentines ko. Pero pagkapunta ko dun. Parang sinakluban ata sila ng lagit at lupa. 
"Ano'ng problema niyo?" Di sila sumagot, instead binigay nila sa'akin ang isang sulat.
Carmela, Sorry. I didn't mean to do this specially at this day. But. Really I'm sorry. Hindi ko na siguro papatagil pa 'to. I wanna break up. I'm sorry, Mela. I loved you. I have loved you, remember that. But, I think it's not you and me till the end. By the way, supposed to be, happy 2nd anniversary, hon. And I'm really sorry.. - Kevin
Ako ata ang sinakluban ng langit at lupa pagka-basa ko nito. Wala ako'ng ibang nagawa kundi tumakbo hanggang sa kung saan na ko dalhin ng mga paa ko. Di ako napigilan nila Myra at Jamin. Di ko na rin halos makita ang dinadaanan ko dahil sa pagkalabo ng mga mata ko dahil sa luha. Wala na ko'ng pakealam kung pinagtitinginan man ako. Pero ng nakaramdama ako ng pagod ay tumigil ako sa isang lugar. Pinunasan ko ang mga luha ko at sakto nama'ng bumungad sa'kin si Kevin...
may kasama'ng iba'ng babae. <//3
Lumapit siya ng makita ako. Di siya nagsasalita kaya binasag ko ang katahimikang 'yun. Sinampal ko siya.
"Hayaan mo'ng ako mismo ang tumapos ng relasyong ito. Ang kapal din naman ng mukha mo noh? HON? Pweh. Tuluyan na kita'ng itatakwil. Diyan ka na sa babae mo. We're totally DONE, Kevin." At umalis na ko sa lugar na 'yon.
*End of Flashback.[/i]
Bumalik na ko sa katinuan ko ng dumating ang teacher namin. Di ko rin namalayan na napaluha na din ako kaya pinunasan ko agad ito. Grabeh kasi'ng alaala 'yun eh. Nakakadurog ng puso. Ang sakit-sakit eh.
"Okay class. Alam ko'ng lahat kayo eh excited ng makilala ang bago ninyo'ng kaklase, specially girls." Sabi naman ni Ma'am at tumili ang lahat ng girls. Sorry. Imma boy. Di ako tumili eh.
"Stop. Stop. Eto na. Pinapakilala ko na sa'inyo. Ang inyo'ng new classmate. Marc Neal, Fuentez. I'll call him ah. Wait." Marc Neal Fuentez?
Si Marc Neal kaya 'yon? Yung nakilala ko?
Eh. Baka kapangalan lang..
Pumasok naman sa room namin ang lalaki..
O.o

SI MARC NEAL NGA!?
Tumili nanaman ang mga girls pagka-pasok niya.
"Hi. I'm Marc Neal Fuentez.""Akin ka na lang, koyaaaaa!"
"Wow. Chinito. I love you, naaaaaa!"
"Koyaaaa. Dito ka sa tabi ko! Uwaaaaaaaa."
"Ohmeged. Pagpapalit kita sa boyfriend ko!"Ano ba naman 'to. Mga buang talaga to'ng mga kaklase ko.
"Sorry. But. I already gave my heart to someone.." Nag-'ahh' naman yung mga lalaki pang-inis sa girls. Napangiti na lang ako dun dahil sa trip ng mga kaklase ko. Napatingin ako kay Marc Neal at laking gulat ko nang nakatingin siya sa'kin..
"To someone special..."

Sa'kin ba siya nakatingin?! O sa pader na nasa likod ko?
Tumawa naman siya ng napatingin ako sa likod ko. -___________-" Adiks langs.
Pinaupo ni ma'am si Marc Neal sa tabi ko. Oh yeah. Napaka-kulit lang..
"Long time, no see ah?" Napa-HUH look na lang ako sa'kanya. Ediba? Kakakita lang namin kahapon? Abnormal ba siya?
Ngumiti na lang ako. Wait lang. Nawiwirduhan na ko sa lalaki'ng 'to eh.
---
TO BE CONTINUED..A/N: Wait lang wait lang. Aalis pa kasi akoooooo. Kaya tutuloy ko 'to lateeeeeer. Okiiie? Sana may nagbabasa paaaaaa. :"> IMY all! :*