Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Poll

How's my story, Sisterettes??? XD

Havey! ^____^
0 (0%)
Okay!  >___<
0 (0%)
Waley! -___-
0 (0%)

Total Members Voted: 0

Voting closed: March 31, 2013, 02:12:50 PM

Author Topic: the Matchmaker (a Romance Comedy) -- The END =')) [ Announcement @ last page]  (Read 9651 times)

princessofstyles

  • Guest
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 9 na~! :D
« Reply #90 on: November 30, 2012, 12:11:51 AM »
Quote



Hahahaha ewan ko nga eh kung maaawa ba ako o matutuwa dahil sila ang naging magbestfriends.. Hahaha Naku.. sa mga next chaps, ewan ko lang talaga kung ano pang mangyayari kay Nigel..

Hahahah ewan ko sis.. Top secret pa daw yun eh... Hahaha hayaan na natin si Nige na ang magpakilala kay Masked Man..

Hahaha Uu nga.. Try ko nga tanungin minsan.. Hehehe

Hahaha sige bigyan mo ng banat si Masked Man sis! Kung di kikiligin, babanatan ko sa mukha! Hahaha

Ay naku.. uu nga eh.. Feel ko rin.. ewan ko lang kung sino talaga hard to get sa kanilang dalawa.. Puro pakipot ang mga peg.. Ipakasal ko na lang kaya si Kendric kay Mr. L nang matauhan.. Mwahahaha XD

Si NIgel? Hahaha... sige! I-seset-up ko kayo ng date.. XDDD


baka magkalovelife na yan si nigel sa susunod sis...oh no si nigel talaga an magpapakilala kay masked man??? naalala ko bigla si spiderman peter parker may loves..ako na talaga ang maraming labs kapatid!!

pag hindi siya kinilig sakin sumbong ko siya kay kiel..bugbugan na lang.haha!!! mahal ko pa din si kiel kesa sa kanya..ayaw niya kasi magpakilala  ;)

waaah!!!!!!!!!! natawa naman ako sa kendric mr.l wedding...iset up mo nga kami sis..gusto ko sa maraming balloons..demanding!

ayanne

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1281
  • Karma: +45/-4
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 9 na~! :D
« Reply #91 on: December 01, 2012, 01:18:24 PM »
Sis!!!!
San na yung UD mo???  :( :( :(
Wahihihi...Naeexcite na ko kila Kendric at Gayle!  :D

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 9 na~! :D
« Reply #92 on: December 02, 2012, 01:59:00 PM »
Waaaaaaaaaaaaaaaah SORRY MGA SIIIIIIIIIIIIIIIIIS..

Promis tonight will be the 10th CHAP!

Ipa-salvage niyo na ako kung di ko pa mapopost mamaya.. PROMISE :")))

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 9 na~! :D
« Reply #93 on: December 02, 2012, 07:27:27 PM »
Chapter 10 : The Kendric-Gayle Break – Up :’(




It's Okay (EngVer) - Untouchable ft Hwayobi ♪





   

Dahil naiintriga talaga ang loko sa break-up ni Gayle at Kendric, eh ipinagpatuloy ko na lang ang pagkwento ng istorya.


Di tulad ng iniisip niyo, hindi naman talaga ang mga barkada ni Kendric ang rason.


Oo na.


Sabi ko nga noon, ipinagpalit ni Kendric si Gayle sa mga barkada niya. Well, partly totoo naman siya pero kulang yung story eh.

 Let’s give chance to Kendric naman.

Actually, noong araw. napakasikat ng Kendric-Gayle Love Team.  Sila kaya yung pinaka-most-…



“Teka, Janah! Pinaka na nga, most pa? Paulit-ulit? Unli ka?”

Pambabara ni Nigel sa kwento ko kaya binara ko rin ng popcorn ang bibig niya.

“You SHADAP!”


Anyway, as I was saying. Sila Gayle at Kendric ang MOST-TALKED couple in the campus. Pa’no ba namang hindi?  Eh ipagsama mo ba naman kaya ang isang pinaka-astig na engot na istudyante sa isang napaka-bait at studious na mag-aaral?! Oh diba?! Sino naman kayang hindi magtataka sa tandem nila. Kaya nga nung napabalita sa buong High School na sila na nga, aba’y open sesame ang peg ng mga bibig ng madla. Sali na ako dun.

Kapag hinahatid sundo ni Kendric si Gayle, palagi silang pinagtitinginan.


Inggit nga ako eh.

binibisita nila ang isa’t isa sa mga classrooms nila, lahat ng tao naghihiyawan.

Inggit na naman ako.

Kapag monthsary naman nila, halos lahat ng tao sa bawat sulok ng paaralan, binabati sila.


naku! Oo na, Inggit na naman ako.


“So ibig mong sabihin, wala kang love life noon?”

Nakangising tanong sa’kin ni Nigel. Alam ko na gustong iparating ng mokong na to ah. Kaya biglang nagmagnet ang dalawa kong kilay.

“So?! Ikaw ba meron?!”

“Sabi ko nga eh. Ito oh? Tatahimik na.”

 Pagkasabi nun ni Nigel, dahan-dahan na rin siyang umusog ng upo papalayo sa’kin. Mukhang alam na yata niya kung saan ang landing ng kamay ko kapag inasar pa niya ako lalo eh.

Mwahahaha Sige Nige. Matakot ka lang. *Evil laugh*


Anyway, Highway.

Siyempre, kahit anong perfect ng relasyon, may problema’t problema pa ring dumarating.
Nung huling March namin sa Highschool, mga 1 year and 6 months after naging sila, medyo nagkalabuan sina Gayle at Kendric. Nung mga panahon kasing yun, nagiging pressure para sa kanila ang paparating na graduation. Eh kasi, di ba nga, plano ni Gayle na sa probinsya lang mag-aral. Ito namang si Kendric, gustong lumuwas ng Manila kasama ang mga friendships niya kasi gusto niyang malayo sa daddy niya. Ewan ko ba kung anong meron sa daddy niya’t gusto niyang takasan. Ang pagkakaalam ko lang, masyadong strikto yung daddy niya kaya nga siguro siya tinubuan ng sungay tsaka buntot. At, ayaw niya rin dawng matulad sa daddy niya. Kaya ayun, sinubukan niyang pilitin si Gayle na umalis kasama niya. Siya na daw ang bahala sa lahat.


In other words, gusto lang naman niyang magTANAN sila.

Si Gayle naman, tumanggi. Ayaw niya nga iwanan ang parents niya kaya sinabihan niya si Kendric wag ng sumama sa mga kaibigan niya’t dito na lang mag-aral. Eh ang mokong na Kendric naman, nagpupumilit pa rin kaya nauwi sa pagtatalo hanggang sa pinapili ni Bestfriend si Kendric.


Ewan ko lang kung tama yung pagpapapili ni Bestfriend eh…..

…..Kasi ang pinili ni Kendric eh yung barkada niya.

Kaya ayun, naghiwalay tuloy sila.


The End.





“Hindi ko maintindihan yung Kendric na yun, Janah!”

Pangangaluskos ni Nigel sa buhok niya kaya mas nagmukhang pugad ng agila ang magulo na niyang buhok.

“Yun lang yun? Hihiwalayan lang niya ng ganun yung girlfriend niya? Eh wala namang kasalanan si Gayle ah. Tapos, kahit alam na niyang mapapahamak na ang girlfriend niya, di man lang niya tutulungan? Ang bakla naman niya!”

“I know right?! Pero feeling ko lang talaga, may mali eh.”

“Mali talaga! Kasi, ang bitter ng lalaking yun! Buti na nga sinagot pa siya eh. Andyan na sa harap yung gusto niyang babae oh. Pinakawalan pa niya? Ang laking tanga!”

Nagulat ako sa pinagsasabi ni Nigel. Ngayon ko lang kasi nakitang galit na galit siya. Over the bakod naman yata to kung maka-react.

“OA ha?! Bakit? May ginawa ka na ba para di mo mapakawalan yung pinopormahan mo?”

Natigilan naman si Nigel.


May sinabi ba akong mali?


“Ha?! Ahhh… Ehh An.. Kuwan..Ano..”



There’s a tiny text message! A very tiny one! Please, read it.


“Oh! May nagtext sa’yo! Basahin mo dali! Baka, importante yan.”

Agad namang kinuha ni Nigel ang cellphone ko at saka iniharap sa pagmumukha ko. Kulang na lang ipalamon niya. Sa kanya ko kaya ipalamon?


Tinignan ko naman ang inbox ko at si Bestfriend pala ang nagtext.


From: GayleBFF
Bestfriend!!!! Tumawag sa’kin si Kendric :’((



Matapos kong mabasa yun, walang anu-ano’y tumawag na rin ako kay Gayle. Agad naman ding nasagot ni Gayle yung call ko.


“Hello, Gayle? Ano?! Tumawag sa’yo si Kendric? Ansabe?!”

Pagkasabi ko nun, agad nagsitayuan ang tenga ng katabi ko. Bigla siyang napatakbo sa’kin saka idinikit ang tenga niya sa phone ko. Pilit ko namang inilalayo yung phone ko sa kanya kaya lang mukhang pinaglihi sa linta eh. Ayaw talaga humiwalay! Kaya ayun….


Paaaaaaaaaaak!


Ipinakilala ko ang palad ko sa pagmumukha niya.


“Aaaaaaaaraaaaaaaaaaaaaay!” Sabi niya habang nakahawak sa ilong niya.


Hindi pa rin ako nadala kaya tinulak-tulak ko naman siya hanggang sa makarating na kami sa may pintuan.

“Alis! Chuuuu~ Wag ka chismoso!” Pagtataboy ko sa kanya.

“Hoy! Janah! Kwarto ko yan ah! Di mo ako pwedeng palayasin!”

Hinarang niya ang dalawang kamay at paa niya sa pintuan kaya kahit anong tulak ko, di ko siya mapaalis. Kaasar!

“Oh edi sige! Ako na lalabas. Madali naman akong kausap eh.”

Lumusot ako sa gilid niya pero hinarangan na naman ako. Kainis ha? Gusto niya talagang makatikim ng Super Specialty Secret Weapon ko?! Hindi ko talaga to madalas na ginagamit eh kasi mas malakas pa to kaysa sa Specialty Punch ko. Pero dahil gusto niya talaga pwes, ibibigay ko…


“Ayaw mo talaga ha?!”

“Ayaw!”


Inangat ko ang damit niya kaya nakita ang tiyan niyang flat na flat. Jooooke! Me konting abs naman daw. Ansabeh?! Tapos bigla kong pinagpipipisil at kiniliti siya. Pagkatingin ko sa kanya, namula ba naman ang loko?!


“Janah! Wag diyan!! Ayyy! Eheee Janah!!!! Waaaag! Hihihihihi!”


Natatawa ako sa reaksyon niya. May kiliti kasi siya sa may tiyan. Yun yung kahinaan niya kaya minsan pag galit na galit na galit na galit talaga ako at may gustong gustong gustong gustong gusto akong makuha mula sa kanya. Yun yung ginagamit ko. For sure, panalo agad ako. Mwahahahah


Nung mabitawan na niya ang pintuan saka ko siya itinulak ng malakas at nung akmang papasok ulit siya, agad ko siyang pinagsarhan ng pintuan.


"Jaaaaaaaaan~~"


BOOOOOOOOGSH


Oooppppppps…


Malakas yata yun ah? Mukhang ayoko nang iimagine pa kung ano nang nangyari kay Nigel. Maya na lang. Si Gayle muna.


“Ahmmm Hello? Gayle? Andyan ka pa?”

“Hello? Janah? Anyare?! Ang dami yatang kalabog?”

“Wala yun! Just don’t mind. Hehehe. Ano nga ulit yun? Tumawag si Kendric? Anong sabi?”

“Oo. Kanina lang may tumawag sa’kin na unregistered number. Natakot nga akong sagutin eh kasi akala ko si matandang pangit yun. Pero, sinagot ko na lang rin. Makulit kasi. Tapos, nagulat na lang ako kasi si Kendric pala.”

“Talaga? Anong sinabi niya?” Excited ko namang tanong.

Baka nga effective yung ginawa ko! Natauhan na yata si Kendric! YES! Solve na ang problema namin!

“Wala. Nangumusta lang siya tapos binabaan na’ko agad. ”

Biglang bumagsak yung shoulders ko.

“Yun lang? Wala na?”

“Ahmm may sinabi pa pala siya before niyang mag-hang-up.”

Bigla na namang tumaas yung shoulders ko. Yeeeeeeeee! Sabi ko na nga ba eh. Di niya matitiis ang bestfriend ko.

“Sabi niya, wag ko raw gawin ang ayaw ko. Gawin ko lang dapat kung ano ang magpapasaya sa’kin.”

“Yun lang?”

“Oo eh. Nagtataka nga ako.”

Narinig kong nagbuntong-hininga si Gayle kaya huminga na rin ako ng pagkalalim-lalim at…

“Alam mo, Gayle! Sabihin mo sa ex mo kapag tumawag pa ulit yan na wala siyang kwenta! Ang laking tanga niya! Pinapakawalan ka lang niya basta-basta! Bakla siya at napaka-bitter pa! HMP!”

Galit na galit rin ako habang sinasabi ko yun. Ngayon, naiintindihan ko na ang pinagkukunan ng pagputok ng butchi ni Nigel kanina. Eh sa ang laking g*go naman pala talaga ng ex ng bestfriend ko. Words of wisdom lang pala kayang gawin nun?! Kaloka! Para sa’n ba’t nag-aastang gangster pa siya kung di man lang niya kayang ipaglaban ang ex niya.


“Ahmm Teka, Janah? Bakit? May kailangan pa ba siyang gawin o sabihin sa’kin? Nagkita ba kayo? May sinabi ka ba sa kanya?” Sunod-sunod na tanong ni Bestfriend.


Pataaaaaaayyyyyyy..


Oo nga pala, dapat di malaman ni Gayle na sinabi ko kay Kendric yung tungkol sa secret niya. Ikaw talaga, Janah! Masyado kang padalos-dalos eh. Magpalusot ka na! Daliiiiiiiiii!


“Ahhh hindi ah.. Hindi ko nga alam nasa’n na siya ngayon eh. Hehehe. Tsaka kung magkikita man kami. Ano namang iku-kwento ko noh? Gusto ko nga siyang sabunotan eh. Hay naku! Hayaan mo na nga yang ex mo, Gayle. We don’t need him! Don’t worry, everything is under control na noh.”

Buong pagmamalaki kong sinabi sa kanya.


Teka?!


Paki-rewind lang yung sinabi ko? Everything is under control???? Oh My Gee! Nadulas na naman si dila!!! Naku, anong everything is under control eh out of control pa nga eh?! My gosh, mapapatay ko na sarili ko nito eh.


“Talaga, Janah?! Salamat talaga ah! Thank you ng maraming marami! Aasahan ko yan ah. Labzyah, bestfriend!”


Pagkatapos nun. Wala na rin akong naisagot na matino. Mabuti na lang binaba na rin ni Gayle yung tawag kasi may gagawin pa raw siya. Hay naku! Ano na gagawin ko!?

“Hoooooooooy! Janah! Buksan mo na to!”


Tok! Tok! Tok!


“Oo na.”

Malungkot na malungkot kong ibinukas ang pintuan pero pagkatingin ko kay Nigel, ewan ko. Di ko na mapigilan ang tumawa.


“PffffffffHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”


Dahil sa sinubukan kong pigilan ang pagtawa ko eh nagsitalsikan tuloy ang droplets of saliva ko. Hulaan niyo na lang san banda pumunta.


“Eeeeeeewww! Kadiri ka! Ano ba kasi?!”


Di ko na siya masagot. Masakit na kasi angg tiyan ko sa kakatawa eh. Pano ba naman? Ang pula ng ilong niya at saka ang forehead din niya parang may third eye dahil nagkaroon ng marka ng door knob. Sino naman kayang di matatawa niyan?


Hay nakuuuuuuuuu~


Mabuti na lang talaga andito si Nigel. Kahit punong-puno na ako ng problema, siya pa rin ang nagpapagaan ng loob ko. :')




--------------------------------------------

a/n bluePetaLblooms: here it is!!! As promised! Hope magustohan niyo ^_______^
« Last Edit: January 05, 2013, 11:21:44 AM by bluePetaLblooms »

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2710
  • Karma: +35/-10
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #94 on: December 02, 2012, 09:43:33 PM »
Laugh trip!  :D

Dami kong tawa dito.. Hehehhe

Natawa ko ng maview ko yong pic ng characters. Talagang yong CEO ng YG entertainment si Mr. L? La lang natawa lang ako.

 Janah: you go girl! Tuloy mo lang ang pagiging match maker. Katuwa din yong ad mo para makahanap ng bf ng tunay na bestfriend mo. Sana din makilala mo na si masked man at maging kayo ni Cent.  :)

Gayle: ang laki ng problema mo girl. Gusto mo pautangin na lang kita para may pambayad kana kay Mr. L? (Ay di pala kita mapapautang di ako makakapasok sa story na to) Utang ka nalang kay Nige tutal Chinese naman siya. Madatung yan!

Nigel: Hindi kaya ikaw si masked man? Sabi mo kasi kamag-anak mo si jackie chan at marunong kang magtaekwondo. Sino naman yang gusto mong ligawan? Curious lang.

Kendric: jerk!

Vincent: sana mag-appear ka ulit next chap.

Mr. L: i hate you!

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #95 on: December 03, 2012, 07:37:33 AM »
Laugh trip!  :D

Dami kong tawa dito.. Hehehhe

Natawa ko ng maview ko yong pic ng characters. Talagang yong CEO ng YG entertainment si Mr. L? La lang natawa lang ako.

 Janah: you go girl! Tuloy mo lang ang pagiging match maker. Katuwa din yong ad mo para makahanap ng bf ng tunay na bestfriend mo. Sana din makilala mo na si masked man at maging kayo ni Cent.  :)

Gayle: ang laki ng problema mo girl. Gusto mo pautangin na lang kita para may pambayad kana kay Mr. L? (Ay di pala kita mapapautang di ako makakapasok sa story na to) Utang ka nalang kay Nige tutal Chinese naman siya. Madatung yan!

Nigel: Hindi kaya ikaw si masked man? Sabi mo kasi kamag-anak mo si jackie chan at marunong kang magtaekwondo. Sino naman yang gusto mong ligawan? Curious lang.

Kendric: jerk!

Vincent: sana mag-appear ka ulit next chap.

Mr. L: i hate you!

Hehehehe Salamat naman at natawa ka Heheheh XD


Ako kasi si Girl Waley eh.. XD


Uu nga eh.. May nakakakilala na talaga sa totoong mukha ni MR. L.. Ahehehe
Balak ko pa talagang si JY park yung gamitin ko eh.. Yung CEO ng JYP?
Ewan ko nga lang eh bakit mas pinili ko si YG.. hahaha


Hehehe Pro Janah-Cent ka ba? Ahahah XD
Wag kang mag-alala, magkakakilala rin sila ni Masked Man.. Malapit-lapit na. ^_____^


Grabeng problema talaga noh? Hahahah pero approve ako dun ah! Ba't di ko naisip yun? Si Nige talaga, ang kuripot. Di sinasabi na may pera pala siya.. hehehe


Hahahah baka si Jackie Chan si Masked Man? Di lang natin alam.. Mwahaha
Tsaka kung sino yun? Malalaman natin sa takdang panahon.. :'))


Hahahhahahahahhahahah ang simple lang ng words mo para kay Kendric.. Dont worry sis, makakarating!


Hahahah tignan natin kung mag-appear si Vincent.. Miss ko na rin xa eh. XD


Hahahahahhahahhahahahaha ang dami ng haters ni Mr. L.. Palagyan ko kaya siya ng Haters Club??? XD



Thanks sa pagbasa sis! Ako nga pala si Jehee ^_____^
Balik ka ulit. :')))






baka magkalovelife na yan si nigel sa susunod sis...oh no si nigel talaga an magpapakilala kay masked man??? naalala ko bigla si spiderman peter parker may loves..ako na talaga ang maraming labs kapatid!!

pag hindi siya kinilig sakin sumbong ko siya kay kiel..bugbugan na lang.haha!!! mahal ko pa din si kiel kesa sa kanya..ayaw niya kasi magpakilala  ;)

waaah!!!!!!!!!! natawa naman ako sa kendric mr.l wedding...iset up mo nga kami sis..gusto ko sa maraming balloons..demanding!



Hahahahahhahahha UU siya ang magpakilala kasi...... secret muna! Hehehe
Wahahaha crush ko rin yun si Peter Parker.. pero mas crush ko talaga si Peter Pan..
hanu dawww??? Ehehehe


Hahahah sige makakarating sis! Ewan ko lang kung di siya matakot kay Kiel niyan.. ahahahah



Ahahahahha UU sis! ANo gusto mo? Gusto ko Flower Girl! Pero imbis na petals ilagay ko sa sahig.. gusto ko thumb tacks.. Mwahahaha XDDD


May update nako, Kapatiiiiiiiiiiid!
Kapatid for a change.. Hahahah




Ay oo sis! I'm a Nurse! Wahahahahahaha!!! Relate relate din? Hahahaha... Sisters talaga tayo! Waish! What year ka na sis? SLU ka?


Hahaha...Living balat yata siya kaya ganun nalang ang kamalasan niya sis. Wahahaahahha....Kahit papano nakahinga ako ng maluwag dun sis. Wag mong palalapitin sakin yang si Mr.L ah? Baka masipa ko papuntang kabilang galaxy. Hahahaha...


Ay ako din pagkumpleto na para di bitin. Hahahaha...

Ay oo sis! Kinilig ako!!!! Naiimagine ko yung crush-crush ko yung highschool days, mga kalokohan at kabaliwan sa mga crush! Waist!!!! Kinikilig ako! Lande lang! Hahahaha...

Wahahahahaha...I can sense it sis!!! You know I have seventh sense! Hahahhaha..Chos!
Oh I think nga talagang tama ang hinala ko sis! Alam mo naman! great minds think alike talaga! Naku! Sobrang great ng utak natin ah? Super alike lang! Wahahahaha...

Hahahahaha...Naku! Di bale! Willing akong alagaan ka Nigel kahit pa di ako caring na person, para sayo, magpapakabait ako. ahahahaha...

Naku! Bakit patikim pa sis? Ifull blast mo na para masaya! Wahahahahaha....

Waist!!!! Ready na ang popcorn sis!!! Aantabayan ko yan!!!!
I really hope tonight na!!!!  :D :D :D
Weeeee!!!!!!!!!!! :D :D :D :D



AHahahhahaha napaka-creative talaga ng mga nurse eh noh! Kung anu-ano naiisep! Mwahahaha ika nga nila Nursing is an Art.. Aheeeeeee ^^,
4th year na ako sis.. Pero hindi ako taga-Manila.. Somewhere in Visayas ako... ^^,


Uu nga noh.. Wahaha mabuti na lang hindi siya nagmana kay Mr. L na mukhang BALAT.. Hahahaha


HaHAHHAHAH buti ka highschool days, sis! Ako malandi na since Grade 6! Ahahahha.. Dyan ako mas nainspire eh... sa kaklase pa talaga ng kuya ko Ayyyyeeeeee hahahahha


Hahahahha Uu nga eh.. Pinagbiak na buko yata utak natin sis kasi pareho ng mga nagegets.. Hahahah.. Pero may Big shocker pang di mo nalalaman sis! Wait mo lang.. Ahehehehehe XDDD


Hahahah Ayeeeee sis!!! ang lakas ng kamandag ni Nigel ah.. Yeeeeee kalain mo?! Nakabingwit tong Nerd na to? Ahahahah XD


Updated na sis! Sorry mejo natagalan kasi alam mo na.. busy-busyhan aketch.. Hehehe :'))
« Last Edit: December 03, 2012, 07:56:46 AM by bluePetaLblooms »

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2710
  • Karma: +35/-10
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #96 on: December 03, 2012, 08:31:44 AM »
Hehehehe Salamat naman at natawa ka Heheheh XD


Ako kasi si Girl Waley eh.. XD


Uu nga eh.. May nakakakilala na talaga sa totoong mukha ni MR. L.. Ahehehe
Balak ko pa talagang si JY park yung gamitin ko eh.. Yung CEO ng JYP?
Ewan ko nga lang eh bakit mas pinili ko si YG.. hahaha


Hehehe Pro Janah-Cent ka ba? Ahahah XD
Wag kang mag-alala, magkakakilala rin sila ni Masked Man.. Malapit-lapit na. ^_____^


Grabeng problema talaga noh? Hahahah pero approve ako dun ah! Ba't di ko naisip yun? Si Nige talaga, ang kuripot. Di sinasabi na may pera pala siya.. hehehe


Hahahah baka si Jackie Chan si Masked Man? Di lang natin alam.. Mwahaha
Tsaka kung sino yun? Malalaman natin sa takdang panahon.. :'))


Hahahhahahahahhahahah ang simple lang ng words mo para kay Kendric.. Dont worry sis, makakarating!


Hahahah tignan natin kung mag-appear si Vincent.. Miss ko na rin xa eh. XD


Hahahahahhahahhahahahaha ang dami ng haters ni Mr. L.. Palagyan ko kaya siya ng Haters Club??? XD



Thanks sa pagbasa sis! Ako nga pala si Jehee ^_____^
Balik ka ulit. :')))



Yup pro Janah-Cent ako!  ;)

Ok yun ah, si Jackie Chan si masked man, pwede!

Sige po palagyan mo ng Haters Club si Mr. L. Hehe  :)


You're welcs po, Sandy nga po pala.  ;D

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #97 on: December 03, 2012, 10:10:39 PM »

Yup pro Janah-Cent ako!  ;)

Ok yun ah, si Jackie Chan si masked man, pwede!

Sige po palagyan mo ng Haters Club si Mr. L. Hehe  :)


You're welcs po, Sandy nga po pala.  ;D



Hehehe Pro Janah-Cent? Then I guess, magugustuhan mo yung next chap! ^_______^

Hahahah sige gagawa ako ng Haters Club ni Mr. L hahahah pero kawawa naman yun.. Malay mo baka anghel rin pala tong taong to kahit mas mukhang Demon...strators.. hehehehe XD



candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2710
  • Karma: +35/-10
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #98 on: December 03, 2012, 10:14:56 PM »

Hehehe Pro Janah-Cent? Then I guess, magugustuhan mo yung next chap! ^_______^

Hahahah sige gagawa ako ng Haters Club ni Mr. L hahahah pero kawawa naman yun.. Malay mo baka anghel rin pala tong taong to kahit mas mukhang Demon...strators.. hehehehe XD


Yay for you because of that! Excited na tuloy ako sa next chap!  ;D
Hayaan mo na si Mr. L, bagay sa tulad nyang matandang sugapang gangster yan! (I'm so mean tuloy!)

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #99 on: December 04, 2012, 11:56:21 AM »

Yay for you because of that! Excited na tuloy ako sa next chap!  ;D
Hayaan mo na si Mr. L, bagay sa tulad nyang matandang sugapang gangster yan! (I'm so mean tuloy!)


Hahaha I'll try to updated within this week.. Heheheh

Hahaha natawa naman ako sa term mo.. Sugapang! Hahaha that's a new term for me.. Ahahaha Sige lang.. Libre lang maging mean kay Mr. L.. Hahaha

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2710
  • Karma: +35/-10
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #100 on: December 04, 2012, 07:28:13 PM »

Hahaha I'll try to updated within this week.. Heheheh

Hahaha natawa naman ako sa term mo.. Sugapang! Hahaha that's a new term for me.. Ahahaha Sige lang.. Libre lang maging mean kay Mr. L.. Hahaha


Sensya na ha may pagkamean talaga ko minsan lalo sa mga nakakaasar na characters kaya ganyan ang description ko kay Mr. L. Mamaya magulat ako kuyugin ako ng mga fans ni Mr. L (kung meron man)

princessofstyles

  • Guest
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #101 on: December 07, 2012, 12:52:08 PM »
Quote
Hahahahahhahahha UU siya ang magpakilala kasi...... secret muna! Hehehe
Wahahaha crush ko rin yun si Peter Parker.. pero mas crush ko talaga si Peter Pan..
hanu dawww??? Ehehehe


Hahahah sige makakarating sis! Ewan ko lang kung di siya matakot kay Kiel niyan.. ahahahah



Ahahahahha UU sis! ANo gusto mo? Gusto ko Flower Girl! Pero imbis na petals ilagay ko sa sahig.. gusto ko thumb tacks.. Mwahahaha XDDD


May update nako, Kapatiiiiiiiiiiid!
Kapatid for a change.. Hahahah



peter parker forever ako sis kasi naman siya lang ang kakaiba ang costume sa lahat ng superheroes..walang cape cape ever kaya loves ko siya..si peter pan naman tinkerbell dust ang peg kaya flying person siya.hahhaa!!!

thumbtacks talaga sis???masakit yun!!!! :) ipagpaalam ko muna si kiel kay ayanne :)


nabasa ko na up mo sis bakit ganun si kendric bakit mas pinili yung barkada.hmp! bitter!!!! ayan nagalit na ko sa kanya..si masked man kasi ayaw pa magpakilala sakin..oo sakin talaga!!! at isa pang gustong gusto ko chap na to si nigel!!! sana pag nagkabestfriend akong lalaki katulad niya..ang cute lang nila mag usap ni janah..habang tumatawag si gayle eh nagbubugbugan silang dalawa..may kalabog tuloy na nangyayari...thank you naman nigel at pinapagaan mo ang loob ni janah labs mo..yiee!!! i smell something fishy...chos!!!

ud na please..gusto ko na malaman mangyayari kay gayle at kendric!

-april-

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #102 on: December 07, 2012, 07:09:23 PM »


peter parker forever ako sis kasi naman siya lang ang kakaiba ang costume sa lahat ng superheroes..walang cape cape ever kaya loves ko siya..si peter pan naman tinkerbell dust ang peg kaya flying person siya.hahhaa!!!

thumbtacks talaga sis???masakit yun!!!! :) ipagpaalam ko muna si kiel kay ayanne :)


nabasa ko na up mo sis bakit ganun si kendric bakit mas pinili yung barkada.hmp! bitter!!!! ayan nagalit na ko sa kanya..si masked man kasi ayaw pa magpakilala sakin..oo sakin talaga!!! at isa pang gustong gusto ko chap na to si nigel!!! sana pag nagkabestfriend akong lalaki katulad niya..ang cute lang nila mag usap ni janah..habang tumatawag si gayle eh nagbubugbugan silang dalawa..may kalabog tuloy na nangyayari...thank you naman nigel at pinapagaan mo ang loob ni janah labs mo..yiee!!! i smell something fishy...chos!!!

ud na please..gusto ko na malaman mangyayari kay gayle at kendric!

-april-


Oo nga sis! Wala nga pala siyang kapa.. tsaka nice din yung power niya noh.. patakbo-takbo lang sa rooftop ng building.. nakakaingit.. Hehehe Talagang isinama ko lang sa usapan si Peter Pan eh noh? Gusto ko kasing lumipad tulad niya.. hihihi..


Ahahah oks lang ata yun kay Ayanne at Kiel.. ewan ko lang kay Yen.. Heheheh


Hay naku.. Ewan ko.. humithit yata ng kape tong si Kendric kaya ang bitter bitter niya.. Hahahah Pasensya ka na sis.. Marami atang ginagawa si Masked Man ngayon.. Medyo busy.. pero doncha worry, magpapakilala rin sayo yun.. Hahahaha

AHahah ang cute lang ni Nige dito noh? Ginawang punching bag at lahat.. Hahaha Maganda ngang magkaroon ng bestfriend na tulad ni Nigel kasi si Nigel natotolerate niya lahat na pinagagawa sa kanya ni Janah.. Kaya nga ang fishy na.. Hahahah

Sige sis.. Try ko bukas ung UD.. ^___^


Sensya na ha may pagkamean talaga ko minsan lalo sa mga nakakaasar na characters kaya ganyan ang description ko kay Mr. L. Mamaya magulat ako kuyugin ako ng mga fans ni Mr. L (kung meron man)


Hahahahahah I understand you sis! Mean din kasi ako sa kanya.. Well di nga lang masyado.. Ahahah.. Pero yun?? me-Fans??? Mukhang malabo yata yun sis... so doncha worry, your safe. Ehehehe..    XDDD
« Last Edit: December 07, 2012, 07:12:00 PM by bluePetaLblooms »

bluePetaLblooms

  • taffy
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma: +13/-4
  • Tearjerker? ^^,
    • My Watty
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 10 na~! :D
« Reply #103 on: December 08, 2012, 06:30:46 PM »
Chapter 11 : The Perfect Moment! :')

   



There’s a tiny text message! A very tiny one! Please, read it.


Uy! May nagtext!

I flipped my color blue LG icecream phone.

I know i-gogoogle niyo yan kaya nagready na ako ng picture. Here!!!

Luma? Eh ano naman ngayon? Waley para sa’kin yang blackberry, S3 or Iphones niyo noh. Kahit pa sabihin niyo sa’kin na phase out na to, hinding hindi talaga ako magpapalit. Walang basagan ng trip. Tsaka, ang cute cute kaya nito! Feeling ko nga para akong bida sa isang koreanovela tuwing binubuksan ko to, kulang na lang sagutin ko ng “Yoboseyo?” (Hello) ang kung sino mang tumatawag sa’kin eh. Teheee.


Anyway, ang dami kong satsat. Magbabasa lang naman talaga ako ng text eh.


From: NigelNERD
Oist! 5:30 pm na. Tigilan mo na paghilata mo dyan. May dinner pa tayo! 6:30 sa coffee shop. Wear something nice ah. ^__^



Si Nigel lang pala. Wag na kayong magtaka kung bakit NigelNERD ang name niya sa contacts ko. JanahWEIRD rin naman kasi inilagay niyang pangalan ko sa contacts niya. Yung baklang yun, psh!


Nagreply naman ako ng..


To: NigelNERD
K dot


Pero teka? Wear something NICE?



Nasusuot pala yun?


Haha. Corny. I know.



Anyway, tumayo na ako mula sa’king pagkakahilata. Hindi ko naman inubos ang araw ng Birthday ko sa paghiga-higa lang noh. 18th birthday ko na kaya! Kahit papano masaya rin naman at di boring. Kaninang umaga lang nagskype kami ni Mama at ni Papa. Umabot yata sa dalawang oras yung pagchichikahan namin. Kinantahan nila ako ng Happy Birthday, tsaka binilhan rin nila ako ng cake at sabay-sabay kaming nagblow sa candle. Pero dahil skype lang yun, kahit anong sarap nung cake nila, sina mama at papa lang rin ang nakakain nun. Hahaist. Pero di bale na, bumawi naman sila dahil may ipinakita silang malaking stuffed toy na Polar Bear. Yeeeaaah. XD


Noon ko pa kasi sila kinukulit na gusto kong magkaroon ng Polar Bear eh.



Oo, yung hayop mismo.



I just really love furry animals. Kaya nung madiscover ko sila sa discovery channel, talagang ginusto kong magkaroon ng isa. Kaso, pano ko naman sila maalagaan eh wala pang limang minuto, tunaw na yung yelo dito sa’tin. Haaaaiiist. Kaya tiis muna ako sa stuffed toy. Maya na ako mag-aalaga ng isa kapag naka-migrate na ako sa North Pole at may sarili na akong igloo. Aheee :33


Pagkatapos ng skype session namin ng aking beloved parents, isinurpresa naman ako ng mga classmates ko sa College! Binilhan nila ako ng cake at some gifts. Natouch ako kaya napilitan na rin akong magpadeliver ng Jollibee at Greenwich.


Ansakit sa bulsa! Labing-apat pa man din sila. T-T


Pagkatapos naman ng eating session at movie marathon, umalis na yung mga kaibigan ko. Matutulog na sana ako kasi tinamaan na ako ng Pig Syndrome (Kain-then-Tulog-Attitude) kaso biglang tumawag si bestfriend Gayle. Telebabad session na naman ako. Umabot lang kami ng isa’t kalahating oras na chikahan kasi naglowbat na si bestfriend kaya pagkatapos nun, humilata na ako.


O diba? Simpleng birthday lang! Yan naman talaga ang gusto ko. Di ko na kailangan ng 18 roses and candles, basta ba masaya ako.


Pero siyempre inaamin ko rin. Dream ko ring maging si Cinderella at maisayaw ng kanyang prinsipe noh.


In my case, yung prinsipe ko is my one and only beloved Vincent.



Haaaaaaaay..



Pero duuuh! Hindi naman mangyayari yun noh. Accept ko na. Makapunta na nga lang sa Coffee Shop nang makalibre sa dinner.






Dumating na ako sa may kanto ng Coffee Shop.

Hindi naman ako masyadong naghanda kasi ililibre lang naman ako ni Nigel. Nagsuot lang ako ng baggy T-shirt na may nakasulat na ‘Love to Dance’ kahit di naman talaga ako mahilig tapos I paired it up with a flowy skirt. Hindi na rin ako masyadong naglagay ng pintura sa mukha ko. Konting pulbo at lipgloss lang. Kaya in less than an hour, nakarating na ako sa Coffee Shop.


Pagkarating ko sa coffee shop, wala namang ka-tao-tao. Ni ilaw, wala. Di ko rin makita si Nigel kahit saan. Madilim na rin kasi eh.


“HOOOOOOY! Nigel?! Andito na ako!”


Sumigaw ako sa may harapan ng coffee shop pero wala namang sumagot. Sabi niya ililibre niya ako ng dinner dito? Bakit parang walang tao?! Nakuuuuu! Pag yun pinagloloko-loko lang ako, makakatikim siya sa’kin!


“Yohoooo! Nige! San ka na?!”


Pero wala pa ring sumasagot sa’kin. Naasar na talaga ako. Ang lamig pa man din ng hangin. Tas dumagdag pa tong malaking punong nakatayo sa tabi ng Coffee Shop. My gosh, It creeps the jeepers creepers out of me! HANUU DAW?!


“NIGEL CHAN!!! Di nakakatuwa ah! Bibilang ako ng tatlo. Kapag di ka pa lumabas, hindi na kita papansinin!!!! FOREVER AND EVER AND EVER!!!!............. AND EVERRRR!!!”


That time, confident na akong magpapakita na siya kasi anlaking takot lang niya kund di ko na siya papansinin. Masama yata akong galitin kasi hindi ko talaga kinakausap ang taong kinagagalitan ko.

Pero, wala pa rin akong nakikitang intsik ne Nerd sa paligid…

Sinusubukan yata nito ang pasensya ko ah. Pwes~!!


“ISA!!”


*tunog ng gamu-gamu*


“DALAWA!!!!”


*tunog ng pusa*


“TATLOOOOOO!!!!! Ni~~~~!!”



Tatawagin ko na sana ulit ang pangalan ni Nigel kaso biglang nag-ilawan ang labas na parte ng coffee shop. Di tulad ng dati, mas na-emphasize ang kagandahan ng maliit na building dahil sa mga nakakabit na orange na Christmas Lights sa dingding at bubong. Mula sa building, pati sa mga bush sa may walkway at hanggang sa puno na nasa sa tabi ko, may nakakabit pa ring Christmas Lights. Para tuloy akong pinapalibutan ng maliliit na bituin. Pagtingin ko naman sa harapan ko, tumambad sa’kin ang napakagandang set-up ng table sa may harapan ng coffee shop. May dalawang upuan ito at yung mesa naman arranged like a fine-dining.


Pero ang mas nakakawindang eh yung taong nasa sa harapan ko.


“Happy 18th Birthday, Janah. May I ask you on a date tonight?”

Sabi sa’kin ni Vincent.


Did I hear it right? Did I see it right?


Si Vincent Yu nga ba talaga ang gwapong nilalang na nasa harapan ko at may hawak hawak pang bouquet of red roses while nagtatanong sa’kin kung pwede ba talaga akong maka-date??


Kung panaginip man ito, wag niyo na akong gisingin! Ang gumising sa’kin, gigyerahin ko!!!


Anyway, hindi pa rin ako makagalaw o makapagsalita sa harap niya. Good thing he managed to break off the silence between us.


Napapa-Shingels (English) na naman ako dahil kay Crush!


“May nagsabi kasi sa’kin na 18th birthday mo raw ngayon so if you don’t mind, can I have dinner with you?”

Vincent smiled at me. Kaloka! I don’t mind! I very much don’t mind! Kung pwede ko lang sabihin sa harap niya yun eh kaso naunahan ako ni hiya. Tumango na lang ako.


He took a step forward para ibigay sakin yung flowers! Pagkatapus, inalalayan niya ako papunta sa table. May pa-pull pull effect pa siya sa upuan ko. Yeee :3 What a gent talaga oh! Tas nung naupo na talaga kaming dalawa dun. Di ko na mapigilang magblush! Magkaharap na kasi kami eh. Gaaaaaaaaaah!


Pwede bang mangisay saglit?


“Ahmm Vincent..”

“Cent. Diba, sabi ko Cent na lang?”

Nagblush na naman tuloy ako.

“Ahmm Cent, nakakahiya naman sayo. Baka kasi nap..”

“Napipilitan? Hindi ah. Magkaibigan kaya tayo. Sige, kain na. I’m sure, marami tayong mapag-uusapan ngayon.”


He winked sabay turo sa pagkain. Napa-wow naman ako nang mapansin ko ang nakahaing pagkain sa mesa. Mukhang masarap na masarap ang pagkakaluto ng steak na ito ah. Meron ding pasta at ang favorite ko sa lahat, blueberry cheesecake!


Pero kahit na takam na takam ako sa pagkain na nasa sa harap ko, di ko pa rin kayang lumamon ng husto. You know that feeling na kapag kasama mo si crush eh para kanang imortal? Walang gutom. Walang pagod. Sapat na ang mukha ni crush para buhayin ang katawang-lupa mo?! Yun na yun ang nafefeel ko ngayon teh!


Totoo rin naman ang sinabi ni Vincent sa’kin. Marami-rami na rin kaming napag-usapan habang kumakain kami eh like tungkol sa college life namin, sa mga likes and dislikes at siyempre pati na rin love life!! Take note: CURRENTLY, HE IS SINGLE!



PARTEY PARTEY WOOT WOOT~!



Di lang yan, marami pa akong nakuhang scoop tungkol sa kanya! Pero akin na lang yun. Bleh. Mwahahahaha



*SmilingLikeAnIdiotMode*



“Mukhang masaya ka ata, Janah?”

Eh. Napansin yata ako ni crush.

“Oo naman. Ikaw kasi.” Aaayyyyyyee :33

“Mabuti naman kung gayun. Ahhm kumusta na pala yung problema mo? Nasolve mo na ba?”


Nung matanong ni Vincent yun, biglang nagflashback ang mukha ni Mr. L. Leshe! Panira talaga ng moment eh noh? Kaya umiling iling agad ako. Mabuti na lang, pagdilat ko, ang gwapong si Vincent na naman ang nakita ko. Hayyyyy =^___^=


“Akala ko masosolve na eh. Konting-konti na lang sana pero mali pa rin pala.” I sighed.

“Ah ganun ba? Pasensya ka na kung pinaalala ko pa.” Concern naman na sagot niya.

“Okay lang yun noh.” Pasalamat ka crush kita. Hihihihihi.

“Ganito na lang. Para ngumiti ka ulit..” Bigla na lang siyang tumayo at pumunta sa may side ko at in-extend ang hand niya sa harap ko saka sinabing. “Janah, may I dance with you?”


Ewan ko. I blinked for about three times bago ko marealize na totoo nga tong nangyayari. Kaya before pa mawala ang kamay ni Vincent sa harap ko eh I grabbed the opportunity na. Ni di man lang ako nakapagsabi ng yes eh tumayo na agad ako at nagsmile na parang timang sa harap niya. He bowed down to me pagkatapos ay ipinosisyon ang isang kamay sa likod niya. Yung isang kamay naman niya ay nakahawak pa rin isang kamay ko. Ako naman dito, smile lang ng smile. Excited much? Then, I realized. Wala naman palang music.


“Eh.. Cent. Wala naman ata tayong music. Pa’no tayo sasayaw niyan.”

“Ganun ba? Wait lang ah.”


He snapped a finger pagkatapos, bigla ba namang may tumugtog na music. Di ko alam kung saan galing. Basta sa pagkakaalam ko. The song is “Wonderful Tonight” in the rendition of Ezra Band. My favorite.

We stayed in that position for about a minute or so. Walang nagsalita ni isa sa amin. Siguro ini-enjoy lang naming ang moment na yun. Which makes me think, gusto rin kaya niya ang moment na to? O baka ako lang? Kung ano man ang sagot, wala na muna akong pakialam. Ang mahalaga isinayaw ako ni Vincent.



Mag-iinarte pa ba ako?



“Janah.. kung ano man yang problema mo, alam kong malalampasan mo yan. Siguro, baka hindi mo pa nahahanap ang tamang paraan. Pero I know you’ld find the right one. I know you can do it. I think hindi pa ako nakakakilala ng babaeng pareho ng pananaw mo sa buhay.”


With his words, napangiti na lang ako bigla pero ibang klase ng pagngiti. Hindi dahil sa kinikilig ako. Hindi dahil sa na-amuse ako sa kanya. Hindi dahil sa crush ko siya. Kundi, dahil his words were very comforting and somehow made me believe those were sincere.


“Thank you, Vincent. Thank you for making me happy tonight.” Sabi ko sa kanya when I met his eyes. He also smiled back.


“I guess tapos na ang role ko.”

Umatras siya ng konti sa’kin kaya bigla akong nagtaka.

“Yung bouquet na ibinigay ko sa’yo has only 17 roses. I think the one who has the 18th rose deserves your last dance.”



Huh? 0_o


Ganyan na ganyan ang mukhang ipinakita ko kay Vincent. Nagets yata niya kung gaano ako ka-clueless kaya napatawa na lang siya.


“Sige na. Puntahan mo na siya. My time’s up. Panahon na para siya naman ang magpasaya sa’yo.”

Sabi naman niya sabay turo sa coffee shop. Tumango naman ako at nagsmile sa kanya bago pumasok sa loob ng coffee shop. Ngunit, bago pa man ako tuluyang nakapasok. May sinabi si Vincent na nagpatigil sa’kin.


“Janah, I think you two are lucky to have each other.”






Konting ilaw lang ang nakabukas sa loob kaya agad kong napansin ang liwanag na nanggagaling sa may kusina. Pagpasok ko, dun ko nakita si Nigel na naka-upo sa tabi ng sink habang nilalaro-laro ang hawak niyang rose. Mukhang pagod na pagod siya at antok na antok na. Pero nung mapansin naman niyang nakatingin na pala ako sa kanya, agad siyang napatalon at itinago ang red rose sa likod niya.


“Janah?! Ba’t ka nandito? Tapos na ba? Okay lang ba? Ha?” Taranta niyang tanong sa’kin.

Napapa-smile tuloy ako.


“So ikaw pala yung nagset-up dun sa labas?”

Tumango naman siya.

“At ikaw rin ang nag-invite kay Vincent?”

Nagnod na naman siya pero this time parang nahihiya siyang aminin.

“At ikaw rin yung nagkabit ng lahat ng Christmas Lights sa labas?”

Tumango na naman siya habang nakatingin sa sahig.

“Papano mo napapayag si boss?”

Pagtataka kong tanong habang lumapit ako sa kanya para hampasin yung braso niya. This time, it was not in a harsh way.


“Basta… akin na lang yun. Pero, nagustuhan mo ba? Pasensya na kung wala masyadong totoong bituin ah. Maulap kasi ngayon sabi ni Kuya Kim kaya kinabitan ko na lang ng maraming Chistmas Lights para magmukhang bituin tsaka yung pagkain ku………”


Patuloy lang sa pagsasalita si Nigel pero hindi ko na pinapansin kung ano man ang sinasabi niya kasi nakatuon ang pansin ko sa rosas na nakatago pa rin sa likod niya. Bigla kong hinablot yun mula sa kanya kaya siya napatigil sa pagsasalita.


“Para sa’kin?”


Tumango na naman siya. Kanina pa talga siya ah. Kapag di pa siya tumigil sa pagtango diyan hahampasin ko na batok niya. Hay naku, pero ang laking effort naman nang ginawa niya para sa birthday ko kaya sa susunod ko na lang siya babatukan. Nakalusot!


Hinablot ko yung wrist niya nang walang pasabi at saka ko siya kinuyog papunta sa labas. Sa mga oras na yun, wala na rin si Vincent. Ito na siguro ang ibig sabihin niya na panahon na para si Nigel naman ang magpasaya sa’kin.


Pero habang nakatayo kami sa ilalim ng puno, at kaharap ko ngayon si Nigel. Narealize ko, matagal na akong pinapasaya ni Nigel. Noon pa mang una ko siyang nakilala, pinapangiti na niya ako. It’s the little things that he does that make me smile but it’s just now that I realize how much those mean to me.



How much he means to me.

Tama nga si Vincent.

Indeed, I am very much lucky to have him.

"Buti na lang naka-play On-repeat yung song."

“Ha? Bakit?”


I smiled at the clueless face in front of me when I showed him my hand. I felt it was a perfect moment for me. I was under the stars. The song was still playing and I was with one of the most precious persons in my life.




“Nigel Chan, Can you be my Last Dance?”



-----------------------------
a/n bluePetaLblooms:Full blast na talaga ang pagpopost ko dito kasi by December,probably next week, tapos ko na to. Cheer niyo ako guys.. 4 chaps to go na lang! Hehehe :3
« Last Edit: December 08, 2012, 06:43:02 PM by bluePetaLblooms »

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2710
  • Karma: +35/-10
Re: the Matchmaker "A RomanceComedy" ---> CHAP 11 (Malapit nang Magtapos!)
« Reply #104 on: December 08, 2012, 07:59:00 PM »
Ang cute cute ng LG icecream phone. Gusto ko din niyan! Hehehhe inggeterang froglet lang  ;D

Polar bear? Seriously? Hindi natatakot si Janah dun?

Oh my gee! Kinilig ako sa Cent-Janah moments! Lalo na yung dance part. Naiimagine ko kasi yung place, napakaromantic. Cent ako din isayaw mo, please?! Ahahaha

Nnnniiggggeee! You're so sweet dahil sa mga ginawa mo para sa debut ni Janah, ma-effort kasi nagtiyaga kang magkabit ng pagkarami-raming christmas lights sa coffee shop at yung iba pang prinepare mo, and lastly you really love Janah kahit na alam mong crush nya si Cent pinapunta mo pa rin kasi alam mong isa siya sa makapagpapasaya kay Janah! Hay, ang swerte naman ni Janah...

Sis, seryoso 4 chaps na lang? Ang bilis namang matapos. Mamimiss ko to...

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Pizza Party!

by: angel, 2014-11-28

Whenever the Candy Team has brainstorming sessions, we make it a point to power up on food that can fill our stomachs and fuel our ideas. For this month's session, we loaded up on...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved