Chapter Three.2
"Xenerelle ang pangalan ko! Hindi Tannia!"
"Goodmorning, ladies and gentlemen. We have just landed at the Hong Kong International Airport. Welcome to Hong Kong. The time is 7:45am. There is no time difference between Manila and Hong Kong. For your safety, please remain seated with your seatbelts fastened until the seatbelt sign has been switched off. Please do not remove your carry-on baggage until the aircraft has come to a full stop. Again, welcome to Hong Kong."Tae. Ang haba naman ng speech na yun. =___= Napatingin ako sa left side ko at nakita si Xene natutulog sa may shoulder ko. Ang ganda niya pagnatutulog. Parang angel. Sana matulog na lang siya para hindi niya na ako bugbugin. =___=
"Xenerelle, gumising ka na. Nandito na tayo." Shinake ko siya tapos dahan-dahang binuksan yung singkit niyang mata. Haha. Parang hindi ako singkit ah!
"Ahh." Nag-stretch siya, tinanggal yung seatbelt, tumayo tapos,
"Ouch!" Haha. Na-untog lang naman siya,
"Tawa ka diyan! Sapakin kita eh." Dumila siya sakin tapos umirap. Hahahaha. Weirdo,
"Maica, samahan mo ako sa comfort room pag-baba natin." Nag-si-tayuan na din kami tapos sinundan si Xene palabas.
"Enzo, ibang klase yang girlfriend mo ah." Sabi sakin ni Tandang Ace.
"Tss. Ayos nga eh. Sa lahat ng naging girlfriend ko, siya ang pinaka-weirdo. Pero okay na yun, para mag-iba naman. Pero katulad niya si Ate Myxine eh." Napakamot na lang ako ng ulo sa sagot ko. Totoo naman eh.
"Oo nga. Parang si Ate Myxine nga talaga. Hahaha." Sabi naman ni Jaiden na nasa kabila ko.
Pagkababa namin sa plane, dumiretso kami sa pagkuha nung mga luggage namin. Dahil pumunta sa comfort room si Xene, Maica at Kara. Kaming boys na ang nagbuhat nung mga luggage nila. Kinuha ko yung kay Xene, si Jaiden kumuha nung kay Maica tapos si Ace kay Kara.
"Enzo, nakita mo ba yung phone ko?" Biglang tanong ni Xene na nasa likod na pala namin.
"Huh? Hindi eh. Bakit? Nawala mo?" Tanong ko sa kanya habang kinakapa yung bulsa ko kung nandun yung phone niya pero yung sakin lang yung nakita ko.
"Hala. Yung phone ko." Nag-pout siya habang tinitignan yung luggage niya. Aish. Wala diyan! =___=
Hinila ko siya patayo tapos nginitian,
"Wag mo na hanapin. Bibilihan na lang kita ng bago. Okay?" Tumango siya dahan dahan tapos inagaw yung bag niya,
"Hindi. Ako na.""Fine." Dumila siya tapos naglakad na, sa tabi ko.
Pumunta na kami dun sa may mga schoolmate namin,
"Oh, guys. Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Headmaster, na tatay ni Ace.
"Ah. Sorry, Headmaster. Pumunta kasi sila sa comfort room eh.""Okay." Naglakad siya papunta sa harap tapos pumunta sa harap at nag-abot ng mga papel sa bawat studyante.
Day 1 : Hong Kong
7:45am to 12:00pm - [Hotel]
12:00pm to 7:00pm - [Tour]
7:00pm to 11:00pm - [Free time] *
Day 2 : Hong Kong
8:00am to 10:30am - [Ocean Park]
10:30am to 8:00pm - [Hong Kong Disneyland]
8:00pm to 12:00am - [Ladies' Market]
Day 3 : Macau / Hong Kong
6:00am to 7:00am - [Ferry to Macau]
7:00am to 7:00pm - [Tour]
7:00pm to 8:00pm - [Ferry to Hong Kong]
8:00pm to 11:00pm - [Free time] *
Day 4 : Hong Kong / Philippines
6:00am to 1:00pm - [Free time with instructors]
1pm - [Hong Kong International Airport]
3pm - [Plane to the Philippines]
5pm - [Expected arrival time]
*Students may go to different places even without their instructors,
but must be in their rooms on or before 10:30pm.
- Centrix Academy's Seniors' Hong Kong Trip -
Tae naman. Ang haba. Pucha. =___=
"Kaya ba natin to?" Mahinang tanong ni Xene sakin.
"Ewan. Kasama mo naman ako eh." Ngumiti ako sa kanya tapos nag-wink.
"Feeling mo, pakain ko sayo to eh!" Tinapat niya sa mukha ko yung papel.
"Let's go, guys." Sabi ni Tandang Ace habang hinihila yung bags nila ni Kara. Sumunod naman kami tapos pumasok sa bus. Syempre, magkatabi kami ni Xene. Hawak niya yung DSLR niya tapos nagpi-picture ng kung ano-ano.
"Picture tayo!" Tinaas niya yung camera tapos tinutok samin. Ngumiti na lang ako para hindi niya isiping killjoy ako katulad ni Ace,
"Bakit mas maputi ka sakin?""Ewan ko sayo. Gusto mo magpaitim ako?" Tanong ko naman habang tinitignan din yung picture.
"Oo naman. Ayokong mas maitim ako sa boyfriend ko." Boyfriend? Ako ba yung tinutukoy niya?
"Boyfriend? Sino?"Sumimangot siya,
"Ikaw. Ulyanin ka ba?""Banat ba yan?"Bigla niya akong binatukan pero mahina lang,
"Baliw. Hindi ba sinabi natin sa lolo ko na couple tayo? Syempre, dapat totoohanin para hindi ako ikasal dun sa lalaking hindi ko kilala. Pati, wag kang magalala, pag-success yung plano natin, hindi na kita guguluhin pa. Meaning, hindi na kita papansinsin at hindi mo na ako makikita forever." Ngumiti siya sakin tapos nag-picture na ulit.
Teka. Ang pangit naman ata nun. Parang ginamit niya lang ako. Pero, sabagay, ginagawa ko din naman yun dati eh, time na siguro para ma-try ko din. Kaya lang, bakit parang hindi maganda yun para sakin? Girlfriend ko na siya ngayon, pagkatapos nung plano namin, mag-be-break?
Eh, paano kung napamahal na siya sakin?"We're here. Let's go." Bumaba na kami tapos pumasok sa mga kwarto namin. Syempre, sila Xene, Kara at Maica, nasa isang room. Tapos kaming tatlo sa isang room din. Hey, kung iniisip niyong bakla kami, hindi no. Syempre, alangan na katabi namin, girls? Eh di mas pangit tignan yun.
"Eto na, gamit mo oh." Inabot ko kay Xene yung mga gamit niya tapos pumasok na sa room namin. Hinanda ko na lahat ng gamit ko. Wallet. Phone. Panyo. Pero natulog muna ako dahil mamaya pang 12pm bababa sa lobby ng hotel.
[Xenerelle's Pov.]"Xene, ikaw na lang ang gumising kay Enzo.""Huh? Bakit ako? Hindi ba pwedeng si Jaiden na lang?" I asked them while pointing myself.
"Ikaw na lang. Mas masunurin yun pagdating sayo." Explain naman ni Ace. I nodded tapos pumunta sa room nila.
Lumapit ako kay Enzo tapos shinake siya,
"Enzo.""Mahal kita...""E-Enzo?" I shook him once again, but this time, he held my hand.
"Mahal parin kita... Tannia.""Hoy, Enzo! Gumising ka na! Susunugin kita!" Shinake ko siya ng mas malakas pero ayaw parin gumising. Last choice? Hmp.
"Ouch!" Sabi niya habang hinihimas yung arm niya. Tinulak ko siya pababa ng kama niya. Tss. Tannia pala ha! =___=
"Gumising ka na diyan. Bibilihan mo pa ako ng phone." Inirapan ko siya tapos umalis na. Bwisit yun. May pa-Tannia-Tannia pa siyang nalalaman.
"(Xenerelle ang pangalan ko! Hindi Tannia!) Tandaan mo yan!" =___= Ish.
[Enzo's Pov.]Ayy, grabe. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagpalo niya sa katawan ko kagabi, may ginawa nanaman siya sakin. Ang sakit ng braso ko. Ampotek. Sinundan ko si Xene tapos lumapit na kila Ace.
"Uy, Enzo. Mag-suklay ka naman." Asar ni Kara. Psh. Bagong gising ako, wag niyong painitin yung ulo ko lalo.
"Tara na." Hinawakan ni Ace yung kamay ni Kara tapos lumabas at pumasok sa bus. Yun din ang ginawa ni Jaiden pero inakbayan niya naman si Maica. Ako? Tss. Bahala siya sa buhay niya. =___=
Pag-pasok sa bus,
"Alam mo, nung bumaba si Xene pagkatapos ka niyang tawagin, napakasungit niya. Anong ginawa mo?" Bulong ni Jaiden sakin. Ano nga bang ginawa ko sa kanya? Wala naman diba. Tinulak niya pa nga ako eh. Umupo na ako sa tabi ni Xene pero hindi niya parin ako pinapansin.
"Xene. Galit ka ba?""Hindi." Sumagot nga siya pero hindi parin tumitingin sakin.
"Tss. Tignan mo nga ako." Umiling siya,
"Xenerelle.""Bakit ba?" Humarap siya sakin pero nakasimangot.
"I understand girls very well. Pag-ganyan, alam kong galit kayo. Now, tell me. Ano bang ginawa ko?" Akala ko sasagot siya pero sumimangot lalo. AMP. Sabihin mo na lang kasi! Nilalambing na nga eh.
"Wala. Namimiss ko lang kasi yung phone ko.""Bibilihan kita. Okay?" Pinisil ko yung pisngi niya. Lambing lang pala katapat nito eh.
[Skip. Or read + play this.]Day 1.
First stop : Avenue of Stars. Eto yung mga hand prints ng mga artista, sila Jet Li at Jackie Chan. Hindi na kami lumabas ni Xene kasi masyadong mainit sa labas. Baka umitim pa kami pareho. Pero, nagpicture naman kami sa loob tsaka nag soundtrip.
Second stop : Jewelry Shop. Syempre, dahil babae si Xene, bumaba kami. May tinitignan siyang necklace dun pero ayaw niyang bilin kasi gusto niyang ubusin yung pera niya sa Disneyland, kaya syempre, as her boyfriend, binili ko yun. Mayaman naman ako eh. Hahaha.
Necklace picture.Third stop : Madame Tussauds. Ano nga bang ginawa namin dito? Hahaha. Pinicture-an ko lang si Xene gamit yung camera niya. Wax ang mga celebrity dito. Mukha talaga silang tao. Pero nagpa-killjoy muna ako kasi ang korni eh. Hahaha.
Fourth stop : The Peak. Saktong gabi na kaya maganda yung view. Nagpicturan na din kami. Yung una, kaming anim. Tapos kaming boys, silang girls. Tapos by partner. Meron din yung naka-akbay ako kay Xene tapos naka-peace sign siya. Maganda talaga pero malamig na kaya bumalik na kami sa bus.
Fifth stop : Mall. Eto na yung free time namin kaya dito ko na binilihan si Xene ng phone. iPhone 4S yung binili namin, pero ang ginawa ko, binigay ko yung phone ko sa kanya tapos sakin yung bago. Hahahaha. Parehas lang naman na 4S eh. xD Buti na lang maraming laman yung account ko sa banko dahil nilagyan nila daddy at mommy. Nag-dinner na din kami dun. First date ba to? Pwede. Yun naman talaga ang plano ko eh. Kaya 'sweet' ako ngayon.
Day 2.
First stop : Ocean Park. Uhh. Madaming isda? Kahit pang-anim ko nang beses nakapunta dito sa Hong Kong, first time ko pa lang makapunta dito sa Ocean Park.
Second stop : Disneyland. Eto na ang pinaka-hinihintay ni Xene. Simula pag-alis namin sa Ocean Park, na-hyper na si Xene. Ang adik. Una naming ginawa, nagpicture sa may labas. Ewan ko, ang lakas ng trip ni Xenerelle eh. Tapos, pinanuod lang namin yung parade sa loob kaya lang sobrang init. Pero bumawi naman kami kasi after nung parade, sa mga stores kami pumasok.
Grabe, ang daming binili ni Xene pero puro pambata. Bakit kaya?
Sinakyan din namin lahat ng rides, pero gumive-up ako nung sumakay kami dun sa Space Mountain. Grabe, pagkatapos namin dun, medyo nahilo ako. Ampotek. Si Xene naman tinatawanan lang ako.
Bago mag-close ang Disneyland, may fireworks muna. Syempre, inutusan ako ni girlfriend na video-han yung buong fireworks display, habang siya, kumakain lang ng Mickey Mouse na pancake.
Third stop : Ladies' Market. Etong place na to parang Session Road pagkatapos ng Panagbenga sa Baguio. Hahaha. Madaming stalls. As expected, halos lahat yun, may binili si Xene. Ang yaman naman nito. xD Pero nung may nakita akong store ng cameras, pumasok ako dun at bumili ng lens para sa camera niya. Yung 70-300mm yung binili ko. Inabot ko lang sa kanya yung plastic tapos inakbayan na siya.
Day 3.
First stop : Macau. Tour na ito. Ang una naming pinuntahan eh yung Saint Paul's Church. Syempre, picture-picture lang din to.
Second stop : Macau Tower. Ewan ko kay Xene kung bakit bigla siyang yumakap sakin. Nalula siguro. 63rd floor yung glass lang yung floor kaya makikita mo yung baba. Eh, nakakahilo naman talaga. Buong stay namin dun, nakahawak lang si Xene sa arm ko.
Third stop : Venetian Macau. Habang nililibot namin yun, ang lumalabas lang sa bibig nila Xene, Kara at Maica eh, Boys Over Flowers. Tss. Ano ba yun? May kamukha ba ako dun? Ang dami nilang pinagsasabi eh, uhmm, pero ang lagi kong naririnig eh, Yi Jeong. Tss. After nun, bumalik na kami sa Hong Kong to rest. Pero sa kwarto kami nila Xene tumambay dahil mas malaki yung sa kanila kaysa samin.
Day 4.
Dahil 3pm pa ang flight namin, bonding with the instructors muna. Kung saan saan kami nakapuntang mall eh. Pero pumunta na kami kaagad ng HKIA dahil meron din ibang shops dun. Sa airport naman, bumili lang kami ni Xene ng gamit namin at pasalubong sa parents namin. 3pm na, boarding time na kaya pumasok na kami ng plane, lahat sila tulog pwera na lang samin ni Xene. Gising na gising nga kami eh. Ang daldal niya. Grabe.
[Skip-part and song ends here.]"Maganda ba?" Tanong ko kay Xene habang inaayos yung seat belt ko.
"Nakakapagod pero masaya. Thank you pala sa phone at sa lens ha.""Okay lang yun." Ginulo ko yung buhok niya tapos umayos na at natulog na din. Mayamaya, nakaramdam ako ng mabigat sa may left shoulder ko. Alam ko na kung ano yun at napangiti ako.
"(Kahit weirdo ka, ikaw lang ang nagpasaya sakin ng ganito.)""(Kahit napaka-yabang mo, mabait ka naman pala eh.)"
Hindi pala ako marunong mag-tour. Syempre, nilagyan ko na lang ng skip-part kasi masyadong mahaba at hindi masyadong importante. Pero, okay lang kahit hindi niyo basahin. Hahaha. xD Pure-trip lang tong chapter na to. Next chapter, seryoso na. :3 Edit : Binago ko yung picture nung necklace kasi iba pala yung nakuha ko. HAHAHA. Pati, may isang wrong spelling. xD