Copies of A Hundred and One Reasons is going to be available in bookstores maybe this week or before the end of October at bookstores! For updates please checkout my facebook pages.
A Hundred and One Reasons:
HERE My facebook page:
HERE
11
Alexandria
What? Ano? Anong tanong ang sinagutan ko ng oo??? Pagkalingon ko kay Alex bakas na bakas sa kanya ang tagumpay na sa wakas, meron nanamang nahumaling sa kagwapuhan niya. Nakakakilig sana kung kinikilig siya. Pero dyahe. Artista kaya to. Sanay siya na madaming babaeng handang pumila para sa kanya. Ano ba tong bigla kong naisip at crush ko siya agad? Bat ba yun ang nasabi ko??
“Tinatawa tawa mo dyan?” sana hindi nanginig yung boses ko sa kaba. Bakit nga ba ako kinakabahan ng ganito? Alexandria, paalala lang. Eto yung lalakeng nagpalakad sayo ng napakaraming kilometro dahil hindi siya gentleman at hindi ka ipinasakay sa mamahalin niyang ferrari.
Eto rin yung lalakeng ubod ng yabang. Diba sawa na nga ako sa mga kwentong maangas yung lalake tapos yung babaeng mahinhin maiinlove sakanya? E teka pala. Hindi naman pala kasi ako mahinhin. OTL Crush ko na nga siguro to. Jason. Bakit kasi ang lampa mo. T___T
“Wala. Huli ka kasi e. Masyado kang obvious. Akala ko ba si Jason crush mo?”“Uy ano yun? Daga!”“Aaaaah!!” napasigaw siya ng matinis na matinis, napatalon pa nga e. Pero bigla rin niyang binawi yung expression ng mukha niya at nag ehem.
“Tama. Crush ko nga si Jason. Mas babae ka pa kung makasigaw diyan e. Upakan kita e!” sinamaan ko siya ng tingin tapos tumalikod at naglakad papalayo. Nung alam kong medyo malayo layo na ako sakanya e saka nalang ako napabuntong hininga. Goodluck naman sayo Alexandria. Artista lang naman ang crush mo.
Nung bata ako, nagkacrush narin ako sa artista. As in tipong fan girl na fan girl ang dating. Lagi kong hinihintay mga palabas niya sa TV pati narin sa sinehan. Yung notebook ko nga nung elementary e yung crush ko rin na yun na kailangan ko talagang markahan kung anong subject kasi nakakalito.
One time, sinamahan ako ni mama manood sa isang variety show na meron siya. May banner pa talaga ako with heart, kaya nga napansin ako ng mga hosts at tinawag ako sa stage. As fan service sabi ng mga hosts na ikiss naman daw ako nung batang child star na yun na ayokong sabihin ang pangalan. Pero ayaw niya.
Sa live broadcast nagtantrums siya sa stage. Puro sumisigaw ng
“No! No! She’s ugly!” Bigla yun na cut at hindi ipinalabas sa TV. Pero buti nga di sumikat yun e!
Kaya simula nun, I promised na hinding hinding hinding hinding hindi na talaga ako magkakacrush ng artista. As in. Forever and ever. Ewan ko nalang ngayon.
“Ang pikon mo naman! I was just joking!” naglakad siya sa tabi ko. Sa isip isip ko gusto kong akbayan niya ko. Parang nagdedate lang sa zoo ganun, sight seeing. Holding Hands Pasway sway pa. Ganun. Kainis talaga ng utak ko ang landi.
“Uy tignan mo, pangalan ko ata yung nandun sa taas sa mga rooms.” Tinuro niya yung doon sa may tapat lang namin sa second floor. Para ngang may malaking banner na nakasulat pangalan niya.
Agad naman kaming umakyat. Nung binuksan namin yung kwarto niya talaga namang bakasyon talaga ang feeling. May malaking TV screen tapos lahat ata ng game consoles andun. May drums pati electric guitar. Parang yung isang kwartong yun dalawang bahay na namin ang katumbas. Tapos nung buksan namin yung isang pinto na akala namin e CR na, hindi pala! Ngeee. (corny ko sorry XD) Closet pala na punong puno ng mga damit.
“Hay naku si Miss Cass parang isang taon naman tayo dito instead of 2 nights and 3 days lang.” Hirap maging artista siguro. Hindi na maappreciate yung mga ganitong mga bagay kasi nasanay na.
“Uy! Tara tignan naman natin kwarto ko.” natigil ako pagkatapos kong sabihin yun kasi parang ang flirt lang. T__T
Napatingin rin si Alex sakin na hindi rin nangiti sa sinabi ko, tipong konti nalang sasabihan niya na ako ng
“Excuse me, di mo ba kaya magisa? kailangan mo pang kasama?”Pero ngumiti rin siya,
“Tara!”Tapat lang ng kwarto ni Alex yung kwarto ko. Pagkabukas namin nasilaw ako sa kulay pink. Tapos may isang napakalaking TV screen rin. Tapos meron pang mga apple gadgets tulad ng computer at ipad. May malalaking speakers rin at player. Tapos meron pang maraming maraming ballpen at notebooks! Nung buksan ko rin yung pink na curtain nakita ko rin yung closet ko na punong puno ng mga magagandang damit. Pati mga sapatos! Pati bag! Parang mall! Naalala ko yung cabinet ko sa bahay namin na punong puno ng ukay ukay na mga damit. Ayoko na pong umuwi!!!
“Mahilig ka pala sa mga girly na bagay?” napakamot si Alex nung sabihin niya yun.
“O, e ano naman ngayon?”“Wala, akala ko kasi pang amazona mga gusto mo. Mga tipong wrestling ganun. Di ko alam na ganito pala. Parang si Krista na mahilig sa pink at mga damit.”At talaga namang nacompare pa ako kay Krista. T___T
“Hindi no! Ewan ko ba bakit ganito...”“Alam mo, wag ka ng magkaila diyan. Diba, meron pinasagutan satin sila Elaine before the hunt? Yung room preference mo ganun? O ayan na yun o magdedeny ka pa.”Tama nga. Talaga namang eto naman talaga yung sinagot ko. Pero ang bilis lang nila Miss Cass ayusin to a. Parang isang oras lang niya binuo yung dream room namin.
“Mahilig ka pala sa mga ballpen pati notebook.”“
Oo. Creative writing kasi papasukan ko sa clubs.”“Ah...”“E ikaw, marunong ka pala mag gitara pati drums.”“Piano pa nga e pati violin, kaso di naman pwedeng habang nagigitara ako e yung paa ko nagva-violin.”HAHA. Natawa naman ako dun. Parang naimagine ko siyang ganun ginagawa. Yung bibig niya nagdadrums. XD Baliw lang Alexis?
“Ayun naman o! Napatawa rin kita!”“Huh?” weird nito!
“dati kasi pag nagjojoke ako e ni hindi ka man lang mangiti, at least ngayon napatawa pa kita.”Namula ako bigla sa sinabi niyang yun. Ewan ko nga kung bakit e. Matagal kaming natahimik at nagkailangang tumingin sa isa’t isa.
“Hi!!!!!” napalingon kami at bigla naming nakita si Miss Cass.
“Miss [/color]Cass??”“You wouldn’t think I’d leave you two alone diba? Especially etong si Mr. Alexis Lee e habulin ng paparrazzi. Don’t you know how many of them are outside this villa right now?”“Sorry Miss Cass.”“It’s okay. It’s not your fault that you’re rich, young, handsome and famous diba Ria? You wouldn’t mind if I call you Ria diba, weird kasi pag Alex 1 and Alex 2 tawag ko sa inyo.”Natango nalang ako.
“O, why don’t you two dress up. Ngayong dinner niyo lang ako makakasama don’t worry, I just have to make sure na you two are going to have the best time of your life before the clubs start. Gusto ko lang makarelax kayo. Ngayon lang rin ang dinner na may theme. Formal. You have your gowns and tuxedos now go!”Nagnod si Alex at bigla ang karipas sa kwarto niya. Si Miss Cass napatingin nalang sa akin.
“You need help?”Napatango nalang ako kasi sa totoo lang baduy ako magdamit ngayon pa’t hindi ako sanay magsuot ng mga gown whatevs.
Pinili ni Miss Cass yung dress na kulay red na lace. tapos ipinasuot niya sa akin yung matataas na pumps na kulay itim na hindi ko naman alam ilakad. Medyo curly yung buhok ko at inapplyan rin niya ako ng make up. Pagkatapos niya akong inayusan para akong nagkaroon ng makeover na hindi naman talaga dapat.
Nauna siyang bumaba sa dining area para ayusin raw ang dinner. Dahil ngayon lang naman siya makikisama sa dinner at iiwan rin lang naman daw niya kami e, gusto niya perfect yung dinner na kasama namin siya. At para narin makausap si Alex para maadvertise ang Camp Caprice.
Nung nagring yung bell, alam kong oras na ng dinner. Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong bukas yung kwarto ni Alex. Sumilip ako pero wala na siya. Mahabang hagdan ang bababaan ko para makarating sa dining area.
Nung nasa may taas ako ng stairs nakita ko si Alexis na napasquint nalang.
“Isn’t she lovely?” sabi ni Miss Cass at dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Hirap kaya maglakad sa sapatos ko.
“Blurred Miss Cass. I forgot to put on my contacts.” buti nalang bulag si Alex kasi baka ma love at first sight siya sakin pag nakita niya ako. Ako nga sa hitsura kong to na may makeup at curly e na love at first sight narin ako sa sarili ko.
ANSABE!!!!
Medyo malapit na ako nung biglang nagbago ang expression ni Alex. See.. Di ko na napigilan ngumiti, talaga namang tinaasan ko yung pagkakatayo ko at nagstraight body. Hinawi ko pa nga yung buhok ko sa may balikat ko.
Pababa na ako ng biglang na out of balance yung isa kong paa,
yung mahigit na pitong steps pa ng hagdan e nagmistulang slide.
Yung balak kong slow motion na pagbaba biglang na fast forward.
Pagkabangon ko nalanding na ako sa baba ng stairs. Si Miss Cass ayun na. Tumatawag na ata ng paramedic imbes na tulungan muna akong tumayo.
Si Alex?
Ayun.
Nakaluhod at nakayuko na parang ganito ----> OTL
HAHAHAHAHAHAHA lang ang narinig ko galing sa kanya.
T____T
Parang mas malala pa yun dun sa naging crush kong artista na nagtantrums habang sinasabing
“No! No! She’s ugly.”
Thank you Sunbae and Jacky! <3