.Chapter 1.
Isabella's POV"Anak, mag-iingat ka dun ah. Wag mong pababayaan ang sarili mo." Paalala sakin ni tatay habang papalabas kami ng pintuan ng bahay.
"Opo 'tay. Malaki naman na po ako, kaya ko na pong alagaan ang sarili ko." sabi ko naman para di na siya mag-alala.
"Hay, parang kelan lang eh wala ka pang ngipin. Ngayon ang laki mo na at kaya mo nang malayo sa tatay mo
." sabi niya with matching punas pa ng imaginary luha.
Natawa nalang ako.
"Tay naman. Wag na po kayong mag-emote. Hindi naman po ako pupunta ng ibang bansa at lalong 'di rin po ako ikakasal. Mag-aaral lang po ako sa Maynila.""Pero kahit na anak. Mamimiss ko ang nag-iisang prinsesa ko." Sabi ni tatay sabay yakap sakin.
Aww.. Ang drama talaga nitong tatay ko kaya mahal ko 'to eh.
"Mamimiss ko rin po kayo 'tay." Mamimiss ko din 'tong bahay namin. Apat na taon din akong mawawala dito.
Kung maitatanong 'nyo, di naman kami mayaman. Sapat lang ang maliit na garden ni tatay ng prutas at gulay para mabuhay kaming dalawa sa araw-araw. Dalawa nalang kami sa buhay kasi namatay si nanay nung mga 7 years old palang ako.
Kung hindi dahil sa matalik na kaibigan ni tatay na isang business man ay di ako makakapag-aral.
"Miss Isabella, handa na po ang sasakyan." isang middle-aged na lalaking naka-black tuxedo ang nagsalita mula sa tabi ng isang--- ohmigosh----
limo! 
Dahil sa ka-dramahan namin ni tatay eh nakalimutan ko na si Manong Henry, ang driver ng limo ni Sir Erick. Si Sir Erick naman ang sinasabi kong napakabait na best friend ni tatay. Siya ang nagpa-aral sakin sa private school simula kindergarten hanggang ngayong mag-kacollege na ko.
"Sige na anak, tumuloy na kayo at baka gabihin kayo sa daan." Onga pala. Malayo-layong byahe din mula dito samin sa Baguio hanggang Maynila.
Sinimulan ko nang buhatin ung bagahe ko pero pinigilan ako ni Manong Henry at sinabing siya na daw magbubuhat. Hindi ako pumayag nung una pero mapilit eh.
"Tay, alagaan 'nyo pong mabuti ang sarili nyo huh. Kumain po kayo at matulog sa tamang oras." Paalala ko kasi medyo may pagka pasaway din 'tong si tatay.
Hinawakan naman ni tatay ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Opo, di ko po iyon kalilimutan.""Tatay talaga."
"Ay, Teka lang 'nak. May nakalimutan akong ibigay sayo." Biglang sabi ni tatay at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.
Hmm. Anu naman kaya ung ibibigay ni tatay sakin??
"O anak, eto na." iniabot saki ni tatay ung
box ko.
Bakit kaya gusto 'tong ipadala sakin ni tatay? Etong box na 'to ay nasa akin na magmula pa lang bata ako at masasabi kong kakaiba siya. Hindi match ung bigat niya sa talagang laman nito. I mean, bukod sa family picture namin, puting panyo na bigay sakin ni nanay at isang puzzle piece na hindi ko alam kung saan galing (basta sabi sakin ni tatay ay nakuha ko daw 'to nung bata palang ako at baka nakalimutan ko lang kung saan galing.) ay wala na 'tong ibang laman. Kaya nakakapagtaka ung bigat niya na parang madami siyang laman kahit konti lang.
"Ingatan mo ang kahong 'yan anak. Malalaman mo ang tunay na halaga niyan pagdating ng tamang panahon." Seryosong sabi ni tatay.
Ano kaya yon?

Tamang panahon??Ay teka! Di kaya Pandora's Box to!? Hmm. Pero parang hindi naman. Dapat siguro hintayin ko nalang ung panahon na yon.
"Opo 'tay, iingatan ko po tulad ng gusto niyo." sabi ko at niyakap ko ulit sya bago ako sumakay ng sasakyan.
"Teka... Nasan ako?" 
Tumingin-tingin ako sa paligid para makasiguro kung nasan ako. Sobrang liwanag ng paligid at makulay. May pink na.... puno?! Ung araw.... may smiley face?! Ang mga bundok na maliliit ay kulay.... blue?! Higit sa lahat eh may rainbow pa na sa dulo ay may pot of .... gummy bears?!
Teka, nasan ba talaga ako?

Pinikit ko mata ko.
Unang beses.
Dalawa.
Tatlo.
Pagkamulat ko..
"Giant Vanilla Sundae!" Yay! Favorite ko! Bahala na kung nasan ako basta akin yang 6ft. tall vanilla sundae na yan!
Tumakbo ako papunta dun sa paborito kong vanilla sundae pero.....
*BOG*Tumama ang noo ko sa isang....
"Salamin?"
"Ah, Miss Isabella nandito na po tayo."Inalis ko na ang paningin ko sa salamin ng sasakyan na umuntog sakin at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
Manong Henry?
Teka, nasan na ung giant vanilla sundae? Yun na yon eh. Icecream na naging bato pa.

Tinignan ko lang si Manong Henry, na nakatayo sa kabilang pinto, ng buong lumbay at pagtataka.
Tumawa siya ng kaunti.
"Mukhang napasarap po ang tulog niyo. Naabala ko ba ang panaginip mo?"Tama. Sabi na nga ba eh panaginip lang ang lahat.

Napangiti din ako dahil sa kalokohan ko.
"Medyo lang naman po Manong Henry." 
Bumaba na ko dun sa pintuang binuksan ni Manong Henry at parang nagbalik ulit ako sa panaginip ko ng makita ang nasa harap kong napakalaki at napakagandang
building."W-wow..." Nga-nga talaga ako. Pagbigayan nyo na ko, wala nito sa bundok eh. Hehe. Nagstand-out ung building sa papadilim nang langit.
Hindi ko manlang namalayan na mag-gagabi na pala. Tinulugan ko yata ang buong byahe. Hehe.
"B-bakit po tayo nandito Manong Henry?" Tanong ko habang naka-glue parin ung mata sa high-rise building na yon.
"Ito na ang magiging tirahan mo habang nandito ka sa Manila." 
Huwaaatt?!!!
"Pasok na po tayo Miss Isabella. Your condo's waiting for you." Wait! Stop muna Manong Henry. Hinay-hinay lang sa mga revelations mahina kalaban! Tama ba ung narinig ko? Condo? as in c-o-n-d-o, condo?! Mahal yun diba? Sa mga magazine at dyaryo na nabasa ko, a condo is worth 1M and above. So panung----
"Kung nagtataka ka, it's a gift from Sir Erick." Sabi sakin ni Manong Hery habang naglalakad kami sa lobby nung building. May ESP ka ba Manong Henry???
I opened my lips to say something pero walang boses na lumabas. I was so stunned.
"Welcome to Silver Sky Recidences Miss Isabella." Bati sakin ng isang magandang receptionist. Woah. Panu niya ko nakilala?
Tinignan ko si Manong henry with panu-niya-ko-nakilala look.
"Everything is settled bago ka pa man dumating dito. Even your future school, after one week pwede ka nang pumasok."Nanlaki ung mata ko di dahil sa sagot niya kundi pano sumakto ung sagot nya sa tanong na nasa isip ko!
Sige na Manong Henry. Ikaw na talaga ang may psychic powers! Isipin mo yun, he can actually read my mind?!
"Hindi ko nababasa ang iniisip mo. It's just that your expressions give away everything you had in your mind." Sabi ni Manong Henry sabay tawa.
Ganun ba talaga ka obvious? Psh. *pout*
"Let's go Miss, I'll show you to your suite." With smile na sabi ni Miss beautiful receptionist.

♫ ♫ ♫
"S-sigurado po kayong akin 'tong suite na 'to?" 
Ilang beses na ba ko nagulat ngayong araw na 'to?
"Of course, Miss Isabella." Sagot sakin ni Manong Henry na parang normal lang ang lahat ng nangyayari.
Kumbaga sa tiyan ay masyado na 'kong puno para tumanggap pa ng pagkain. I mean sobra na 'to para sakin, para sa isang kagaya kong di naman mayaman.
"Sige po Miss, mauna na po ako. If you need anything you can use the phone to call us." Paalam nung magandang receptionist as she excused herself.
Naupo ako dun sa couch dahil pakiramdam ko isang bulate nalang ang di pumipirma at mahihimatay na ko. System overload na yata ako dahil sa pagod....o gulat?
Inilagay na rin nung isang lalaki ung mga bagahe ko sa tabi ng center table. (Di ko manlang napansin na may nagbibitbit pala ng gamit ko.)
"Sa tingin ko ay kelangan mo nang magpahinga. Babalik ako bukas para kumustahin ka." Sabi sakin ni Manong Henry with a smile at may iniabot siya sa 'king isang scented white envelope at kahon. (Teka 'san naman nya 'to nakuha?)
Syempre ano pa nga bang gaagwin ko? Una ko munang binuksan ung envelope.

C-cold cash!
"A-ano po ito?" Ang engot lang ng tanong ko eh noh. Pero di ko talaga mapigilan magtanong eh!
"Ipinabibigay ni Sir Erick. Kelangan mo yan para sa mga unang bagay na kelangan mo. As a starter kumbaga.""Pe-pero sobra-sobra po ito." Sobra-sobra talaga! Hello! 10k lang naman 'to?!
Nginitian lang ako ni Manong Henry na parang masasagot niyon ang pagtataka ko.
"You can clarify all your queries once you meet Sir Erick.""Kelan po kaya iyon?" Tanong ko. Kapag nagkataon ay iyon ang una naming pag-uusap ng harapan. Imagine after so many years ng pagpapa-aral niya sakin eh nagyon ko lang siya mami-meet. Medyo kinakabahan ako na excited.
"On your first day of school." "Siya nga po pala, ano pong laman nitong box?" Tanong ko habang inaalog ung kahon.
"See for your self." Tama nga naman si Manong Henry. Buksan ko na lang para masaya.

Kanina lang 10k, ngayon naman.....
i-i-i-phone 4s!"i-i-i-phone?!" Di ako makapaniwala na ung dating pinapangarap ko lang sa mga dyaryo, magazine at TV ay hawak ko na ngayon!
Tumango sakin si Manong Henry habang nakangiti.
"Kelangan mo yan para ma-contact mo ako, ang tatay mo, ang mga magiging kaibigan mo at syempre si Sir Erick." Malumanay niyang sagot sa akin.
"Pero ayos naman na po sakin ang ordinaryong cellphone lang." sabi ko habang nakatitig parin sa iphone.
"Sir Erick only wants the best for you.""Pero pano ko po ma-kocontact si tatay?" Wala naman kasi siyang phone.
"Don't worry, that's been taken care of. Nasa contacts mo na ang mga number namin." Wala akong masabi kundi
"Maraming salamat po." Natutuliro na utak ko. Ano bang nagawa ko nung nakaraang buhay ko para mabiyayaan ako ng ganito? Nagligtas ba ko ng isang buong bansa?
"Siguro ay nakapagligtas ka ng isang buong bansa noong nakaraang buhay mo kaya ka nabibiyayaan ng ganito." Biglang sabi ni Manong Henry with his ever-present smile.

Ayan nanaman siya!
"Manong Henry ung totoo po, meron po ba talaga kayong psychic powers?""Who knows?" Sabi niya sabay ngiting misteryoso.
Napatanga lang ako dun sa sinabi niya.
"O siya,siya. Sabi niya habang tumatawa.
"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Sige na mauna na ako. Babalikan nalang kita dito bukas para kumustahin. Okay?" Napatango nalang ako.
Papalabas na sana siya ng pinto ng tawagin ko ulit siya.
"Manong Henry, pwede po bang mag-request?""Sige, ano yun?""Pwede po bang Isabella nalang ang itawag niyo sa 'kin o kaya po Bella o Bells?" Masyado kasing pormal ung Miss Isabella eh.
Parang nag-iisip pa siya kasi ang tagal niyang di sumagot.
Nag-puppy eyes ako. Technic na natutunan ko sa isang anime sa TV. Gumagana yan kay tatay kaya baka guman rin kay Manong Henry.
"Sige na po Manong Henry.""Hay, sige na nga. Pero pag tayo-tayo lang ah." Yun oh! nagwork din. Hehe.
"Thanks po at ingat po sa pag-drive pauwi!" Sabi ko bago tuluyang lumabas ng pinto si Manong Henry.
Ngayong mag-isa nalang ako ay parang mga batong bumagsak sakin ang nangyari ngayong araw. Di parin ako nakaka-recover. Kahit sino naman sigurong kagaya kong simpleng tao lang eh hindi makakapaniwala.
Nahiga ako dun sa malambot na couch habang gumugulong-gulong sa isip ko ang mga bagay-bagay. Makalipas lang ang ilang sandali ay unti-unti nang nawala ang liwanag sa paligid ko.
♫ ♫ ♫