One
Julienne Kamille Alonzo: I don’t shake hands with strangers.
“Brad, asan ka na? Kanina pa kami ni Peach dito.”
“Teka, lapit na kame. Naipit lang sa traffic. San ba kayo banda?"
“Starbucks. Mauubos na yung kapeng tinda dito sa sobrang tagal niyo. Daliiii!”
“Sige. Eto, papark na kame. Babay na!”
Ehem. Julienne Kamille Alonzo ang pangalan ko. Imbang ang haba lang eno? Julienne o Yeyeng ang tawag nila saken. Ayoko ng Kamille e, pa-girl masyado! Ako din pala ang walang sawang naghahanap ng mga ibblind date ko sa bestfriend kong si Peach Kate Yuu. Supportive ako sa lovelife niya e. May Japanese blood nga pala siya kaya maganda yan. Walang mintis!
Si Cloud Lozares naman yung kausap ko kanina. Katulong ko din sa paghahanap ng ibblind date kay Peach. Actually, siya naman talaga yung naghahanap. Ako lang yung kumikilatis! Hahaha. Mabuti na yun nu, mamaya psycho-killer pa yung mareto namin. Mahirap na! Hahaha. Oo nga pala, magkabanda kame ni Cloud. Oh yes, you’ve read that right. May banda kame. Vocals and rhythm ako. Tapos sa drums si Cloud. Si Jarred at Razzel naman yung sa bass and lead guitars. Only girl ako sa banda. Close na close ko nga pala yang si Cloud para sa kaalaman niyo. Parang boy bestfriend na din.
At kung nahihiwagaan kayo sa lovelife ko, teka, eto na siya..
“Brad, tagal naman. Namuti na mata namen dito.”
“Sorry. Ka-BV nga yung traffic e.” Sabay upo sa vacant seat sa harap namin. “Ay nga pala Peach, si Enzo. Barkada ko. Enzo, si Peach.”
“Peach.”
“Enzo. Hm, Ikaw?”
“Ha? Ako? I’m Yeyeng.” Tapos inabot niya yung kamay niya saken. Para san? Shakehands? Hell, NO! “I don’t shake hands with strangers.”
“Ah, okay.” Sabay bawi nung kamay niya.
“De joke lang.Hahaha.” Tapos inabot ko na yung kamay niya.
“Uy Yeyeng, nagtext si Razzel saken. Jam daw tayo.”
“Ah sige sabihin mo. Anung oras daw ba?”
“Ngayon na e. Tara?”
“Sige, uy Peach text ka nalang pag pauwi ka na ah?”
“Iiwan mo ko dito?!”
“Oo syempre. Kaloka naman kung sasamahan ko pa date niyo. Tsaka may jam nga kame di ba? Keri lang yan. Ay Enzo, ayos lang ba kung pahatid naman si Peach? Okay paantay makasakay ng taxi?”
“Sige ayos lang. Cloud, peram nalang kotse.”
“Sige.” Sabay hagis ng susi. “Tara na Kamille.”
“Ay epal. Wag nga Kamille!”
“Joke lang. Motor tayo?”
“As usual.” \m/
Oo nga pala, kabado yang si Cloud pag nagmomotor kame. Panu daw kase, sobrang bilis. Parang ride to heaven! Loko. Hahaha.
Dun na kame dumirecho sa bahay nila Razzel. Sa studio nila kame magppractice. Rich kid si totoy e. Haha. May studio din naman kame sa bahay, di lang kasing laki nung sa kanila. Ako lang nga pala yung hiwalay ng village saming magkakabanda. Sa Alabang 400 Village kasi ako tapos sa Alabang Hills Village naman yung tatlo. Kaya mas madalas, dun ako tambay sa kanila. Nakakapagtaka lang na kung magkapitbahay pala tong si Cloud at Enzo, bat di ko siya kilala?
Readers? Hehehe. Comments, suggestions, violent reactions are appreciated \m/