Prologue
Nakaranas na ba kayong mainlove?
Siguro na inlove na kayo ng sobra na gagawin niyo na talaga ang lahat mapansin ka lang niya.
Kagaya ko nainlove sa isang babae na matagal ko nang mahal pero heto ako hanggang tingin lang sa kanya. Ilang beses ko nang narinig sa mga kaibigan ko ang salitang TORPE. Wala na akong ibang marinig sa kanila kundi yan na lang sa tuwing nakikita ko ang ultimate crush ko simula first year pa lang kami. Wala akong magawa wala din kasi akong hilig sa mga banat banat na yan, hindi din ako nagiging cheesy sa harap ng mga babae kasi pag ako ang na inlove parang walang kabuhay buhay. Siguro nga hindi ko lang alam kung paano magpakilig ng isang babae kaya minsan walang nagkakagusto sa akin. Pero minsan meron namang nagkakagusto hindi nga lang kagandahan. Choosy ko no?
Inaamin ko wala talagang lumalapit sa aking babae na ang itsura ay mukhang Athena yung anak ni Zeus. Sinabihan na din ako ng mga kaibigan ko kung may lahing BB Gandanghari ba daw akong tinatago kasi wala talagang akong alam sa pagpapakilig o banat banat na yan. Kahit tinuturuan na nila ako. Wa epek. Di ko nagagawa. Nanghihina ang tuhod ko pag nasa harap ko na yung babae. Grbee kung alam mo lang ang feeling. Nakakahiya. Promise.
By the way. Ako nga pala si Daniel Lei Venetio ang
neird type na tao. Siguro hindi na bago sa paningin nyo ang salitang
neird pero sa mga hindi pa nakakaalam ito lang naman yan.
Nerd+Weird=Neird, hindi naman sa ipinagmamayabang ko pero gwapo naman ako, pero pag smile ayun. isang napakalaking X ang makikita mo pano naman kasi naka braces ako. Pero isa lang ang maipagmamalaki ko na pinagpaguran ko, ang 6pack abs ko. Mabait naman ako. Minsan nga nauuto pa ako ng mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko mapasaakin lang ang babaeng pinakamamahal ko. Kahit aganito ako may sarili din akong needs kagaya ng pagmamahal kahit ang pagmamahal na hinahanap ko ay isang
WHIRLWIND RELATIONSHIP lang basta maipadama ko lang at maipakita sa kaniya ng mahal na mahal ko siya. To Infinity and Beyond.