3
"Oh." Binigyan ako ni Lance ng chuckie, my favorite.
"Thanks.
""Na late ba kayo ni Mich?""Almost? Hahaha. Sakto lang pagdating namin, kakapasok niya lang. Thanks payatot." Eh kasi nga diba late na kami ni Mich? Classmates kasi kami sa Filipino class. Then same teacher lang kami ni Lance. Tinext ko siya na malalate kami at baka di kami maka report ni Mich. So gumawa siya ng paraan. Binaha niya ng tanong yung nagrereport sa class nila para matagal matapos. Ayun, nag tanggumpay naman siya. Mehehe. Tapos na Fil class ko. Nasa caf ako with Lance. Wala din kasi siyang class. 30 min
date break.
"So how's your report? Nareport niyo ba ng maayos? Baka naman ikaw lang nagrereport?""Hehe. Di naman.. Si Mich ang nagreport halos lahat. Dapat lang din noh, ako kaya gumawa nun. Alone. Di man lang siya tumulong. Busy kasi sa lovelife niya.""Eh ikaw, di ka ba busy sa lovelife mo?""Hmm? Hindi naman." Sumimangot siya. Ang cute!!

Nagring phone niya. Sinagot niya naman..
"Hello? Wala yun noh.. Ah.. Hehe.. Si Nina?" I looked at him.
"Umiinom ng chuckie.. Hehe.. What do you mean?" Tiningnan niya ako. He looked so serious..
"Sino??
Ah.. What?! Z-Zee?? " The moment he mentioned Zee, alam ko na agad kung sino kausap niya. Mich. If i know, sinabihan niya si Lance aout kay Zee.. Zee- Zamora.
"Ah.. Okay.. Sige Mich. Bye. See you later.." Binaba niya na ang phone. I almost forgot. May 10 min break pala si Mich. Na bored siguro kaya tinawagan si Lance.
"Akala ko ba di na nagpaparamdam si Zee? Bakit kayo magkatext? Sinabi niya pang miss ka na niya.. Di mo man lang sinabi sa akin. Nanliligaw na pala siya saiyo ulit. Akala ko ba di tayo magtatago ng kahit na anong sikreto? Ano to? Bakit ganto? Akala ko ba nagka liwanagan na tayo, Nin? Sabihin mo lang kung ayaw mo na--""My god, Lance! Will you please let me explain first?! Pano ko masasagot yan eh binaha mo ako ng tanong. Isa isa lang, pwede?" My god! Andaming tanong! But i find it sweet.. Kinikilig naman akooo. :"">
"Fine.. So.. Akala ko ba di na nagpaparamdam si Zee? Di pala natakot yung unggoy na yun.
""Hindi na nga siya nagpaparamdam.. And Lance, it's been 3 years.. Get over it. For sure, nakalimutan na din yun ni Zee. We should just start--""Eh bakit kayo magkatext?" Uso na pala singitan? >< Di pa nga ako natatapos! Eesh!!
"Cause he texted me. Alangan naman hindi ko replyan? Baka magtampo yun.""So nililigawan ka ba niya?""Hmmm? Oo. 3 years na.
""WHAT?!
KAYA BA AYAW MO AKONG SAGUTIN?!" OMG LANCE ANG LAKAS NG BOSES MO! LIKE NAKATINGIN LAHAT NG TAO SA ATIN!
"Will you please calm down?! Tiningnan na tayo ng mga tao oh..""I don't care. So ano? Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa akin..""Wag kang emo Lance. Di bagay.
" Tinawanan ko lang siya at mas lalo naman siyang sumimangot.. Mas lalong cute.
"Walang namamagitan sa amin ni Zee. Para tumahimik ka diyan, oh ayan." Pinakita ko sa kanya yung mga texts niya. Halatang nagulat siya.. Then nagsmile siya agad.
"Kanina lang galit ka tapos ngayon, ngiti ngiti ka? Bipolar.""Di mo naman kasi sinabi agad." Di pa rin maalis ngiti niya.
"Andami mo kayang tanong. I was about to open up to you. Pahamak si Mich, tumawag pa kasi.""Di mo pa ba sasabihin sa kanila? Naguiguilty na ako." Hinawakan niya kamay ko..
"You know that i love you very much and i can do anything for you. Kahit magtago sa mga bestfriends natin, kakayanin ko. Kasi yun ang gusto mo.""I know. Naguiguilty na din ako. 3 years na natin tong tinatago. Pero kasi humahanap pa ako ng tamang tyempo. Sasabihin ko din soon. Sasabihin natin..""Kelan? Paghuli na ang lahat? Hindi naman sa minamadali kita, tabachoy ko.. Nahintay nga kita ng 3 years eh. Ang akin lang, ayaw kong lagi tayong ganito. Patago kung magdate. Act as bestfriends when we're infront of everyone. Alam ko ding nahihirapan ka.""Alam ko naman yun eh.
Natatakot lang akong magalit sila. Alam mo naman na may deal kami nila Tin at Mich diba? Magagalit sila pag nalaman nilang nililigawan moko. Lalo na si Mich, magagalit talaga yun.""Magalit na kung magalit basta naging totoo tayo.""Wag lang muna ngayon.. Nag iipon pa ako ng lakas ng loob.""Tatlong taon ka ng nag iipon. Di pa ba sapat yun?""Mahirap lang kasi..""Eh kelan moko sasagutin?
""Pag di ka na sikat.
" Nag pout siya. Bakit naman kasi ang gwapo gwapo mo, Lance?!
He smiled..
"Kaw talaga.. May pa Zee Zee ka pang nalalaman diyan.""Wala na akong choice. Kaw din nag bigay ng idea na yun. Nilagyan mo kasi ng Z yung letter dun sa flowers eh.""Oo na.." Nawala yung mga ngiti niya..
"B-bakit?""Where's your necklace?
" Kinapa ko leeg ko..

Wala nga! Shoot!!! Asan na yun?!?!?! Di yun pwedeng mawala!!
"Is this yours?"
"L-Louis?
"Nagsmile siya..
"Uh.. Hi!
Is this yours?" Pinakita niya yung necklace.. Oo.. Akin yun.
"Y-yes.." bakit ba ako kinakabahan??
"Nahulog mo ata nung nagkabangga mo si Dad. Binigay sakin ng guard. So hinanap kita dito. Buti naman andito ka lang sa Caf, di na ako nahirapang hanapin ka.
" Humarap naman siya kay Lance..
"Hi Lance. ""Ba't di ka pumasok kanina?""Something came up.." Tumango lang si Lance. Di naman nagseselos si Lance kay Louis. Alam niya kasi na may connection akong nararamdaman kay Louis at hindi crush yung nararamdaman ko. Kinuha ko naman yung necklace kay Louis.
"Thank you.
""You're welcome.
San mo nga pala nabili yan?" Tingnan ko siya.. Tinatanong niya ba talaga ako kung san ko binili?
"Don't get me wrong.. I just find that necklace.. Uh.. Unique.
" Ang gwapo mo Louis! Punong puno pa ng ngiti ang katawan.
"Di ko naman to binili eh. My mom gave this to me. Baby pa lang ako, suot suot ko na tong necklace. Mom said pamana pa daw to ng great great great great great grandmother ko? I don't know kung ilang great yun. " Tumawa naman sila ni Lance. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Andaming great ah.
""Hehe. Can i see the locket?" May locket kasi yung necklace ko. Bale heart shaped necklace yun tapos may initials na NL sa harapan then picture ng great grandparents ko. Di ko na dadamihan ang great, baka mamaya tawanan niyo pa ako.
"Sure." binuksan niya yung locket. Nag smile naman siya pagkatapos niyang makita ang picture.
"Sige, I gotta go now. I need to go back to the hospital. Bumalik lang ako para ibigay yan.
""Thank you ulit, Louis! Ako nga pala si--""Nina Louisa. I know. Bye! Bye Lance!" Woah! Kilala niya ako?! Amazing yun ah! Syempre di niya nakalimutang mag smile. Killer smile. Naks!
"Ikaw napaka ka talaga.. Paano kung di yun nakita ni Louis? Lagot ka talaga sa mama mo.""Sorry naman. Di ko naman kasalanang matanggal yung lock. AMP.""Oo na. Tara na.. Hatid na kita sa room niyo.
" Yan si Lance.. He never argue with me.. Well, a while ago was an exception. Pag sinabi kong ganito ganyan, gusto ko ng ganito ganyan, ayaw ko ng ganito ganyan, wala yun sa kanya. Sinusunod niya lahat. I'm his Princess daw eh. Sweet! :"> Di niya rin naman ako kinukulit na sagutin siya. He can wait naman daw. Pero what do you think? Sasagutin ko na kaya siya?
Hinatid niya na ako sa room.. We were walking while holding hands, pa swing swing pa!

Nagbubulungan pa nga mga tao eh.. Fan girls nga naman.
"Sila na ba??""Ewan ko. Pero magka holding hands sila!!""Hindi pwede!! Akin lang si Lance!!""Okay lang yan noh! Maganda naman yung girl eh!""Sino ba yan?""Nina daw pangalan eh. Architecture.""Awww.. Kakainggit naman! Bagay sila!"Tiningnan naman ako ni Lance..
"Narinig mo yun? Bagay daw tayo.. Bagay..
""Tseh! Feeling mo!" Hinila niya naman ako sa isang sulok malapit sa room namin. Wala masyadong tao dun. Tsaka lovers lahat ng andun. Parang lovers area eh.
"Bagay daw kasi tayo..""Oo na.. Sige na. Alis na. Malalate ka pa eh. Sisihin mo pa ako.""Kelan ba naman kita sinisi? Tsaka may 5 mins pa. Same floor lang tayo noh." Di na ako nagsalita.. Nilalasap ko nalang yung moment namin. Chos!
"Susunduin kita dito mamaya ha?""Naku.. Wag na noh..""Basta di moko mapipigilan. Baka mamaya may kumuha pa saiyo at ilayo ka sakin.""Sino naman?
""Si ano.. Si.. Zee.
" Tumawa lang kami. Sira talaga tong si Lance.
"HAHAHA. Okay! Hoy 2 mins nalang. Alis na! Shoo!""Parang aso lang. You're shooing me now.
""Okay lang maging aso ka. Cute ka pa din naman pati mahal pa din kita kahit maging aso ka.
""Kinikilig na ako. Tama na. Hahaha. Sige, una na ako. Bye Tabachoy KO!" Nilagyan niya talaga ng emphasis yung KO. Hahaha.
"Bye Payatot KO!" He smiled tapos tinuro niya yung cheek niya. Manghihingi pa ata ng kiss eh. AMP
"Bawal. PDA.
""Isa lang naman eh." Nagpout siya. Hayyyy. Oo na. Aso ka!
"Sige pero sa cheek lang ha?" Nilapit ko na lips ko sa pisngi niya.
"Bye!" I waved sabay takbo at pumasok sa room ko. Hihihi. Syempre nahihiya ako noh. Di pa niya naman ako hinahalikan sa lips. Hanggang cheeks lang kami. He promised that he will just kiss me on the lips the moment i'll say yes. Sweet diba?

After 1 hour.. Natapos din class ko. Since thursday ngayon, hanggang 5:40 lang class naming apat. Paglabas ko sa room, nasa labas na si Lance. Nakasandal sa wall. He looked at me and smiled..
"Nagmamadali? Aga lumabas ah.
""Hindi noh.""Asus! Kunwari ka pa.. Nagmamadali ka siguro noh kasi susunduin kita? ""Oo na Lance. Oo nalang.""Ang sweet naman ni Lance! Sinundo niya pa si Nina!""Oo nga! Nakakainggit talaga si Nina!" Nagsmile si Lance sa mga babaeng nag sabi nun. Naku, wag po. wag po. Lalaki ulo niyan! Iisipin niya pang bagay na bagay kami. Hahahaha. Nakarating na kami sa Gazebo. Dun kasi kami laging naghihintayan. Andun na din sila Tin at Mich.
"Ang tagal niyo naman!""Oo nga! Pero nins.. Kayo na daw ni Lance?
""WHAT?!
San mo naman nakuha yan?""Kanina pa kasi nagbubulungan ang mga students eh. Nag holding hands pa nga daw kayo kanina..""Di naman ako yun." I looked at Lance, puzzled.
"What do you mean na hindi ikaw?""Si Zee yun. Nakapasok siya dito kanina. Alam niyo namang medjo kamukha ko yun diba? Kaya nga ayaw ko dun kasi medjo kamukha ko.""Sht!! Really?! Nina!! Bat di mo sinabin pinuntahan ka niya dito?! Edi sana nakilala ko na siya!""Ha? Ah.. Oo. Nagmamadali din kasi siya kanina. Hayaan niyo.. Pag bumalik siya, ipapakilala ko siya sainyo.""Good! Oh tara na!""Sige.. Mauna na kayo.." Di naman sila nagtanong pa. Nauna na silang maglakad papunta sa parking lot. Nahuli kami ni Lance.
"Bakit mo ginawa yun?""Para di tayo mabuko?
""Thank you, Lance. Promise, kakausapin ko na sila.""Okay lang. Hindi naman kita minamadali. Take your time.
"Nagsmile na ako tapos pumasok sa sasakyan. Sa front seat ako while sa back seat naman sila Tin at Mich. And syempre, si Lance nagddrive. Pag uwi namin sa bahay, naabutan naming may dalawang magagarag sasakyan na naka park sa labas ng gate namin. Kanino kaya yun? Nag park si Lance sa bahay nila since may mga sasakyang nakaharang sa labas ng gat namin. Bumaba na din kami matapos niyang mag park.
"Kaninong sasakyan toh?""Diba kay Louis ang sasakyang 'to?" Tapos tinuro niya yung black Porsche.
"Oo. Kay Louis nga yan.. And i think sa parents niya 'tong isang sasakyan.""Tara, pasok na tayo para malaman natin kung bakit nasa labas sasakyan nila..."Papasok na kami ng bahay nang marinig namin na may mga unfamiliar voices sa may living room..
"--naman siguro magagalit si Louisa, diba?"Napatigil kami ng makita namin silang nag uusap. Si Luis, parents niya, parents ko, at mom ni Mich. Anong meron?

Hi!! Sorry kung sabaw. Mehehe. Sana nagustuhan niyo. Comments please :"> Comment na din kayo mga silent readers. Hahaha. Labas na mga NiLan shipper. NiLan- NIna & LANce. 